After the Chase

By JEYL_Purple

5K 197 62

Suarez-Cordova Cousins Second Installment: Apollo Neecko S. Cordova *** "After all these years running around... More

After the Chase
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen

Nine

126 11 3
By JEYL_Purple



#ATC09 Chapter Nine

APOLLO WATCHED AS Snow's face turned bright red. She was gawking at him like she just saw a ghost. He laughed. Damn. Didn't he miss that cute reaction from her?

"What are you doing here wearing only that?" he asked, and scanned her body. Mukhang galing pa sa unit nito ang dalaga at lumabas lang para mamasyal. She was only wearing a cute hoodie and cotton shorts. Siya ang nilalamig para rito.

An amused expression flashed on his face when Snow still wasn't moving. Gulat at mangha pa rin ang reaksyon ng dalaga habang nakatingin sa kanya. Natawa siya saka tuluyang lumapit dito.

"Hey," he said and pinched her cheek playfully. "You okay?"

"Holy snow," pabulong na sabi nito. Apollo laughed again. "Tunay ka ba?"

"Hindi. Impersonator lang," gatong niya sa kalokohan ng dalaga.

Snow gasped and stepped back. Dinuro siya nito bigla. "Nabuhay ang patay!"

Hindi niya mapigilang matawa. "What? Ako, patay?"

"Oh, my gosh! Sino ka? Hindi kita kilala," she said before turning her back away from him.

God! He was so entertained by her. Ilang buwan niyang hindi nakukulit ang dalaga. He could admit now that he missed joking around with her.

He started walking to follow Snow. Wala naman yata itong destinasyon dahil nagpaikot-ikot lang ito sa park kahit na medyo lumalakas na ang bagsak ng niyebe.

"Hey, stranger! Stop following me," reklamo ng dalaga. Masama ang tingin na bumaling ito sa kanya.

"A, gano'n. You see me as a stranger now." He placed his palm inside his pocket. "Walang hihingi ng pasalubong sa akin, ha?"

"Ano 'yong nagsasalita? 'Yong niyebe ba?"

Apollo frowned. Was she being serious? Iiwasan talaga siya nito? He expected her to ran to him and give him a tight hug after not talking to each other for months. Bakit mukhang iba yata ang pinapakitang ugali ni Snow sa inaasahan niyang gagawin nito kapag nagkita sila?

"Galit ka ba sa 'kin?" hindi niya mapigilang itanong.

He didn't know why he was feeling a bit sad because of Snow's attitude. Hindi siya sanay na nagiging sarcastic ito sa kanya. Kung may galit man ito sa kanya ay gusto niyang malaman agad para alam niya kung paano ito aayusin.

He kept on following her until they arrived in front of the condominium building's entrance. Tumigil si Snow kaya tumigil din siya. She faced him and crossed her arms over her chest. Kinagat ni Apollo ang ibabang labi para pigilan ang sarili na ngumiti.

So damn cute! Kung may dala lang siyang sako ay isinako na niya ang dalaga kanina pa.

"Stop following me," Snow said.

"Dito rin ako tutuloy," sagot niya.

"Bakit ka ba kasi nandito?"

"Nagbabakasyon lang. Bakit? Bawal na ba magbakasyon?"

"Puwede ka namang magbakasyon sa Pilipinas. Kailangan mo pa talagang pumunta rito para guluhin ang katahimikan ko," masungit na saad nito.

He titled his head to the side. "Ginugulo ba kita?"

"Hindi pa ba obvious?" Snow snapped.

Apollo's lips parted. That was fucking familiar.

Tinuro ni Snow ang sariling mukha. "Nakikita mo ba kung gaano ako ka-bwisit sa 'yo? Akala mo ba masaya akong nandito ka?"

He pursed his lips. Okay. She looked pretty serious now. Akala niya ay nagbibiro lang ito kanina. Pero mukhang totoo na talaga ang galit na ipinapakita ng dalaga sa kanya.

He sighed. Damn. What the hell did I do? Kararating ko lang.

"Ang pangit mo," sabi bigla ni Snow saka tinakbo ang entrance ng building.

Umawang na naman ang labi ni Apollo sa nasaksihan. He was fighting with a kid. Napasuklay siya sa kanyang buhok at saka sumunod sa loob. Tanaw niya si Snow na nakatayo sa harapan ng elevator at mukhang hinihintay iyong magbukas. He tried to follow her, but she gave him a sharp look before he could even go near her. Apollo stopped and raised his hands. Umirap ang dalaga at sumakay sa elevator nang bumukas iyon. He was left there like a stupid jerk.

Napalingon siya sa guwardiya na nakatayo sa gilid ng glass door. He was chuckling. Kinunotan niya ito ng noo.

"Having a hard time with your girlfriend, sir?" the guard asked.

Napangiti si Apollo saka natawa. Girlfriend? He couldn't even see himself flirting with Snow. Parang kapatid lang ang tingin niya sa dalaga. At kung mangyari mang maging girlfriend niya nga ito, baka hindi rin sila magtatagal dahil lagi lang silang magbabangayan.

"She's not my girlfriend," he replied while smirking. "I'm babysitting her."

The security guard laughed by his remark. Natawa rin siya bago tumungo na sa elevator para sumunod sa dalaga.

When arriving at his sister's floor, napansin niya na naka-lock ang pinto ng unit nila Snow. Gusto niyang magtungo roon para kulitin ang dalaga, pero naisip niya na baka talagang galit ito sa kanya. Bukas na lang niya ito kakausapin at magdadasal muna siya na sana ay lumamig na ang ulo nito.

He went inside his sister's unit. Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang maingay na living room. Kumunot ang noo ni Apollo, pero kalaunan ay napailing nang maalala niyang hindi lang pala siya ang pumunta sa New York para magbakasyon.

"Hoy! Saan ka galing? Bakit ang tagal mo? Nasaan 'yong beer?" sunud-sunod na tanong ni Nova nang mamataan siyang nakatayo sa may pintuan. "Gagi, Wala?"

Apollo blinked twice when he remembered why he went out of the condo. Bibili nga dapat pala siya ng iinumin nilang apat. Pucha. Nawala sa isip niya dahil nakita niya si Snow sa may parke.

"Nakalimutan kong bumili," sabi niya habang hinahaplos ang batok.

"Anong nakalimutan? Ikaw kaya ang nagsabi na lalabas ka para bumili." Salubong ang mga kilay ni Nova habang nakatingin sa kanya. "Naka-inom ka ba, Apollo?"

He laughed. He must be. Ba't ba niya nakalimutan ang dapat talagang gagawin sa labas?

"Art! Walang alak!" sumbong ni Nova kay Artemis na nasa kusina.

"May alak kami sa unit. Gusto niyo kunin ko?" He heard Snow's voice from the kitchen. Napaangat ang isang kilay niya.

Why was she here?

"Really?" Tumayo si Nova at excited na nagtungo sa kusina.

"Problem?" tanong ni Justice na naka-upo sa couch. Apollo shrugged. Justice narrowed his eyes at him. "Dude."

"Wala," sagot niya at nagtungo sa kusina.

Apollo stopped on the doorway when he saw Snow getting bombarded by her twin sister and friend. Bumusangot siya nang makita itong nakangiti. He didn't see her smile awhile back. Pakiramdam niya tuloy ay wala na siyang karapatang maging dahilan ng pagngiti nito.

Apollo groaned silently. What the fuck was wrong with him? Kailan pa siya naging sadboi?

"May mga stocks kaming canned beers. Mahilig kasi si Sunshine uminom lalo na kapag stress kami sa school," kuwento ng dalaga.

"Speaking of Sunshine, kailan daw siya uuwi? Para naman makilala namin siya," Nova asked.

"She went on a date." Mas lumawak ang ngiti sa mga labi ni Snow. "Hindi naman siya nagsabi kung uuwi ba siya ngayong gabi, e."

The three ladies smirked at each other. Tapos biglang nagtilian. Napapunta tuloy sa kusina si Justice para tignan kung may nangyari ba.

"What are they excited about?" Justice asked him, but he didn't reply. Baka sa kaibigan lang niya maibuga ang inis na unti-unting naiipon sa kanyang loob.

Apollo turned his back on them and marched his way toward his room. Malakas niyang isinarado ang pinto ng kanyang kuwarto at pabagsak na humiga sa kama.

Fuck! What the hell was that? Bakit puro sama ng loob na lang ang nakukuha niya sa unang gabi pa lang ng bakasyon niya sa New York? He thought of celebrating Christmas with his newly found friend—Snow, and would make up to her for the months that he couldn't contact her. He was also looking forward of courting Sunshine because, finally, he realized that he really liked that woman. Gusto niyang subukang tibagin ang mataas na pader na nakapalibot dito. Gusto niyang makita at mapansin siya nito. Na naroon siya at patuloy na nagkakagusto sa dalaga.

Pero, puta! Ano 'yon? May nauna nang nakatibag ng pader? Dalawang buwan lang siyang walang paramdam, may iba na agad?

Hindi siya lumabas ng kanyang kuwarto dahil sa sama ng loob. Naririnig niyang nag-e-enjoy na ang iba sa labas. He even heard Sunshine's sarcastic remarks, pero hindi siya bumangon para magpakita man lang sa dalaga. Alam naman niyang wala itong pakialam sa kanya kahit dumating pa siya galing Pilipinas. Nakipag-date na nga ito sa iba, 'di ba?

Apollo pouted when he realized how childish his thoughts were. E, ano naman? Iyon naman kasi ang nararamdaman niya. Masama ang loob niya kay Snow. Nagtatampo siya kay Sunshine. He licked his lower lip. Binabaliw na siya ng magkapatid na 'yon.

Sunud-sunod na kalabog sa pinto ang nagpabangon kay Apollo. He groaned when he realized na hindi titigil ang kung sino mang kumakatok sa pinto ng kanyang kuwarto hangga't hindi niya ito pagbubuksan.

"You are so impatient," he commented when he saw Artemis in front of him.

"Bakit nagkukulong ka? Drink with us," Artemis said, not minding his remark about her.

"Ayoko. Pagod ako." Akmang isasara niya ang pinto nang biglang pumasok sa loob ng kuwarto niya ang kakambal. "Matutulog na ako."

"Kailan ka pa natulog nang maaga?" Artemis asked and looked at him. "May problema ka ba?"

"Wala," mabilis na sagot ni Apollo.

"May iniiwasan ka ba sa labas?"

He clicked his tongue. Damn. His sister was so observant.

"Si Snow ba?" Artemis raised her brow at him. "Was it about the video? 'Di ba I told you to never mention it to her? Just act like you didn't receive it, or you forget about it."

He shook his head. Wala siyang pakialam tungkol sa video na natanggap niya noon. Alam niyang lasing ang dalaga noong kinuhanan ito ni Artemis ng video. Wala itong kaalam-alam sa pinagsasabi nito, and that was understandable.

"Wala akong binabanggit sa kanya."

"Kay Sunshine, then?" Artemis cocked her brow.

He snorted. "Hindi ako kilala no'n. May ka-date 'yong iba."

Artemis frowned. "Nagseselos ka?" He sighed. Artemis gasped. "Nagseselos ka nga."

Umiling si Apollo at iniwasan ang mga tanong ng kakambal. For fuck's sake gusto lang naman niyang matulog.

"Inaantok na talaga ako," sabi niya at bumalik sa kama. He cursed when Artemis followed suit and dropped herself beside him. "Art!"

"Lumabas ka na kasi. Ang pabebe mo naman," komento ng dalaga na ikinailing niya.

"Pagod nga ako. Gusto kong matulog," pagdadahilan ni Apollo.

"Saan ka ba napagod?"

"Sa byahe. Jetlag."

"Pero nagawa mong habulin si Snow?" nakataas ang isang kilay na tanong ng dalaga.

"Hindi ko siya hinabol." He adjusted in his position. Tumalikod siya ng higa sa kakambal. "Hindi ako kilala no'n."

Artemis chuckled beside him. "Ano 'to? Nagkalimutan na kayong tatlo? Hindi ka kilala ni Sunshine, tapos hindi mo na rin kilala si Snow?"

"Ewan ko," nakangusong sagot niya.

"Para kayong mga bata."

Nagusot ang kanyang mukha. "Sabihin mo 'yan sa kaibigan mo."

Artemis laughed. Alam niyang kilala ng kakambal kung sinong kaibigan nito ang kanyang tinutukoy.

"Parehas kayong matampuhin ni Snow," Artemis commented. "Bagay kayo."

He groaned. What the hell was his sister saying?

"Lumayas ka na nga," sabi niya at marahang tinulak ang dalaga paalis sa kanyang kama. Tatawa-tawa naman itong tumayo.

Artemis stood at the edge of his bed. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. She tried to grab his foot, pero hinila lang niya iyon palayo rito. He groaned in annoyance.

"Sumunod ka, ha?" tanging sabi ng dalaga bago lumabas ng kanyang kuwarto.

Apollo closed his eyes and inhaled. Ayaw na niyang lumabas pa para magpakita sa dalawa. Nasira talaga ang mood niya nang marinig ang tungkol sa naging date ni Sunshine.

Hindi na talaga siya lumabas at pinilit na lang ang sariling matulog. He awoke the next day feeling a bit better. Siguro nga ay talagang pagod siya kagabi kaya agad ding bumigay ang sarili niya sa pagtulog.

Bumangon si Apollo at lumabas ng kanyang kuwarto para mag-agahan. Tumigil siya saglit nang mapadaan siya sa glass wall ng unit. It was still snowing outside. He grinned while pulling his phone out of his pocket. Kinuhanan niya iyon ng litrato at saka agad na ip-in-ost. He put a single word caption for the picture, and a snowflake icon.

He was still grinning when he was bombarded with notifications coming from his followers. Halos isang minuto pa lang ang nagdaan nang i-post niya ang litrato sa kanyang account, pero napuno na kaagad ang kanyang notification ng comments at likes.

Ibinalik niya sa bulsa ang cellphone at saka nagtungo sa kusina. His lips formed into a smirk when he saw his sister cooking breakfast. Kasama nito sa kusina si Nova habang naririnig naman niya sa dining area si Justice.

"Good morning!" he greeted them cheerfully.

"Ayan. Lumabas na," asar ni Nova habang nakangisi sa kanya. "Ba't ka nagtago kagabi?"

"Hindi ako nagtago," tanggi niya.

"Sus! Sabi ni Art tinataguan mo raw 'yong magkapatid." Lumapit sa kanya si Nova. She was holding a spoon and she used it to point at him. "Tell me, Apple. Sino sa kanila ang gusto mo?"

He wanted to smirk. Napakadaling sagutin ng tanong. Ibinuka niya ang bibig para sumagot. Pero itinikom din niya iyon nang may isa pang tao ang sumagi sa kanyang isipan. He clenched his jaw. What? Why was he thinking about Snow?

"Torn between two lovers ang peg!" kantyaw ni Nova nang mapansin ang pagkalito sa itsura niya.

"One lang. 'Di siya crush ng crush niya," sabi ni Artemis na nakaharap pa rin sa lutuan.

"Ulol," inis na saad niya at pasakdol na umupo sa ibabaw ng island counter.

"Naasar, Artemis," tumatawang sabi ni Nova.

"Tigilan niyo akong dalawa," nababanas na aniya.

But Nova grinned at him more. "Bakit? Totoo ba? Hindi ka crush ni Sunshine? Kawawa ka naman."

Sinamaan niya ng tingin ang dalaga. Nasaan ba ang boyfriend nito at siya ang ginugulo?

"Balita ko she's getting along with her date last night," chismis ni Nova at bumalik na sa pagtulong kay Artemis. "She was smiling while telling us about her date."

"Hindi ko tinatanong," pabalang na sabi niya habang akabusangot na sa inis.

"Pero dapat mong malaman. Baka kasi umaasa ka pa rin na mapansin ka niya."

"She's not interested in you, you know," gatong ni Artemis na mas nagpakulo ng dugo niya. Kailangan ba nitong sabihin 'yon? Alam naman niya. Hindi siya bulag.

"Kaya kung ako sa 'yo, kay Snow ka na lang." Nova's lips were stretched into a grin.

Hindi niya pinansin ang dalawa at nilayasan ang mga ito para magtungo sa dining area. Naabutan niya si Justice na kasalukuyang nag-aayos ng mesa. Justice wiggled his brows playfully when he saw Apollo coming toward him.

"Yo!" Base sa ngisi nito ay may balak din itong asarin siya.

"Huwag ka nang dumagdag, parang awa mo na," nakasimangot na aniya sabay salampak ng upo sa upuan.

Napahalakhak si Justice saka siya inakbayan. "Huwag kang mag-alala. Kakampi mo ako rito."

He threw him a glance. Apollo scoffed when he saw Justice grinning at him. Kakampi his ass. Imposibleng wala rin itong balak na asarin siya tungkol kay Sunshine at Snow.

Inalis niya ang braso ng binata na nakadipa sa kanyang magkabilang balikat.

"Seryoso nga. Anong meron sa 'yo at doon sa dalawang kaibigan ni Art?" usisa nito sa mababang boses. Kita mo na? Hindi rin mapigilan ng binata ang magtanong sa kanya.

"Wala," tanging sagot niya para hindi na ito mangulit.

"LQ kayo? Nino?" Justice pressed.

Apollo sighed. Wala talaga siyang takas kahit kanino sa unit na 'yon. Sumandal siya sa kinauupuan at tamad na binalingan ang kausap. Pero kung tutuusin, mas mabuting kay Justice na lang siya nagsasabi, dahil sa palagay niya ay mas maiintindihan siya nito. Tutal, pareho naman silang lalaki. Magkaiba ang pag-iisip nila kumpara sa mga babaeng kasama nila roon.

"Nagkatampuhan lang, bro," sabi niya sa mahinang boses.

Umusog si Justice dahil nahalata nitong magiging sikreto ang usapan nilang dalawa. "Nino?"

"Sa dalawa."

"What? Gago ka, p're. Akala ko ba one at a time ka lang? Bakit ka namamangka sa dalawang ilog ngayon?"

"Gago! Ang judgemental mo," siniko niya ang tagiliran nito. "Makinig ka muna."

Kumunot ang noo ng kausap. "Ano ba talaga ang nangyari?"

"Iku-kuwento ko na nga. Manahimik ka na."

Justice laughed before pursing his lips to stay silent. Humugot ng malalim na hininga si Apollo bago nagsimulang magkuwento.

"Nagtatampo ka kay Snow kasi hindi ka pinapansin?" paglilinaw ni Justice matapos niyang magkuwento. Tumango siya. "Tapos nagtatampo ka naman kay Sunshine kasi nakipag-date siya sa ibang lalaki?"

Apollo nodded again. Justice sighed and looked at him intently.

"Bro..." Napaayos siya ng upo nang biglang sumeryoso ang tono ni Justice. "Hindi naman sa mas sinasaktan pa kita, ha? Pero wala kang karapatang magtampo kay Sunshine," deretsong sabi nito. "Walang interes sa 'yo ang dalaga, at base sa kuwento niya kagabi, she seems to be already falling in love with someone else. Wala ka ng lugar sa buhay niya."

Apollo felt a sting inside his chest. He fucking knew that already! He wasn't dumb or ignorant. He was aware about Sunshine's cold treatment to him since the beginning. Pero hindi naman siya sumuko. Kahit na walang pakialaman ang dalaga sa kanya, hindi naman niya hahayaang hanggang ganoon na lang iyon. And she was falling in love with someone else? He didn't fucking care. He would make sure that she would fall in love with him first before giving her heart to another man.

"At tungkol naman kay Snow, sa tingin mo ba hindi ka niya papansinin nang walang matinong dahilan?" Justice continued.

Natahimik si Apollo at napatingin sa kanyang mga kamay. Ano namang matinong dahilan ang iniisip ni Justice tungkol sa naging ugali ni Snow? Siya nga mismo ay walang maisip kung bakit bigla na lang nagalit ang dalaga sa kanya.

"Paano kung nagtatampo rin pala siya sa 'yo?" Justice asked that made Apollo's head lift up.

Kinunotan niya ng noo ang kaibigan. "What could be the reason?"

Justice shrugged. "Ewan ko. Kasi hindi ka nagparamdam nang ilang buwan sa kanya?"

"Dahil lang doon?"

Justice glared at him, disbelief with his response. "Anong dahil lang doon? Bro, hindi ka nagpaalam sa kanya."

"I became busy with the finals. Tapos may tournament pa tayo."

"Iyon nga. Dapat nagsabi ka man lang sa kanya—"

"Is it required?" He was frowning hard. "Fine. I know na dapat nagsabi man lang ako. But is it enough reason for her to get mad at me?"

Umiling si Justice na parang hindi alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang punto nito. Napasuklay ito sa buhok pagkatapos ay huminga nang malalim. "You ghosted Snow, Apollo. In case you're not aware," he said seriously.

Apollo's forehead creased. He did what?

"Come on, man. That's unintentional," he tried to reason out.

"Pero dapat ay nagpaliwanag ka pa rin. Humingi ka man lang sana ng tawad sa kanya. Bro, the lady has feelings for you. Hindi ka naman siguro manhid para hindi 'yon maramdaman o makita." Seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya. "May gusto siya sa 'yo. Kaya malamang ay nasaktan 'yon sa ginawa mo. Tapos bigla kang sumulpot ulit sa harapan niya na parang wala kang ginawang nakasakit sa kanya."

He clenched his jaw and took a deep breath. Ayaw na ayaw talaga niya kapag may nagsasabi sa kanyang may gusto sa kanya si Snow. It would always make him... uncomfortable... for a reason. Sa lahat ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya, ipinagdarasal niya talaga na sana ay hindi isa roon si Snow. So when Artemis told him that Snow might be hiding her feelings for him, binalewala niya agad 'yon dahil... parang mali tignan.

Apollo liked Sunshine. And Sunshine was Snow's older sister. It didn't sit well with him if Snow really liked him in a romantic manner.

He gritted his teeth. There was only one way to make these things clear.

***
JEYL_Purple

Continue Reading

You'll Also Like

8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
75.6K 5.8K 16
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...
194K 766 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
366K 17.7K 53
[ Iskwala Series #1 ]