Guilty Pleasure 01: Pain Afte...

De dimples_eyebrow

174K 2.7K 260

Ero-romance | R-18 "A night with the bottle of vodka is where it all started." Inside the peaceful province o... Mais

Disclaimer
Prologue
Pleasure 01
Pleasure 2
Pleasure 3
Pleasure 4
Pleasure 5
Pleasure 6
Pleasure 7
Pleasure 8
Pleasure 9
Pleasure 10
Pleasure 11
Pleasure 12
Pleasure 13
Pleasure 14
Pleasure 15
Pleasure 17
Pleasure 18
Pleasure 19
Pleasure 20
Pleasure 21
Pleasure 22
Pleasure 23
Pleasure 24
Pleasure 25
Pleasure 26
Pleasure 27
Pleasure 28
Pleasure 29
Pleasure 30
Pleasure 31
Pleasure 32
Pleasure 33
Pleasure 34
Pleasure 35
Pleasure 36
Pleasure 37
Pleasure 38
Pleasure 39
Pleasure 40
Pleasure 41
Pleasure 42

Pleasure 16

2.7K 39 10
De dimples_eyebrow

Buhay ngunit walang malay akong naka-upo sa aming sala, nakasuot ng itim na damit dahil kakatapos lang na ilibing ang aking mga magulang, hinihintay kong pumasok ang kanina'y tumawag sa akin na bibilhin ang lupang pinagbibili naming upang pantubos sa mga napirwisyo naming mga magsasaka.

Tahimik ang buong bahay, malayong-malayo sa nakagawian ko kung saan umaga palang ay rinig na ang mga magsasakang nagkakantyawan, mga kasambahay na nagluluto at malakas na musika sa umga taliwas ng sitwasyon ko ngayon kung saan sarado ang bintana, madilim ang paligid, ang amoy ng naiwang mabangong bulaklak.

"Hija, narita na si sir Victor." Si nanay Ising at sa likod niya ay isang matangkad na lalaki, seryoso ang mukha at sa tindig niya palang ay halatang mayaman ito.

Nakasuot siya ng itim na coat at may salamin ito at may hawak na brown briedcase bag.

"Umupo po kayo, sir." Pag-aanyaya ni nanay Ising sa bisita.

Hindi na ako nag-abala pang magsalita, masyadong madaming tumatakbo sa aking isipan, ang gusto ko lang ngayon ay mawala na problemang nakapasan sa akin. Gusto ko lang sa puntong ito na magkaroon ng oras para magluksa sa nawala kong pamilya.

"Magandang umaga, hija. Ako nga pala si Victor, matalik akong kaibigan ni Marcelo, magkaibigan kami noong bata kami at nabalitaan ko nga ang nangyari, narito ako dahil may gusto akong i-offer sa iyo, nais ko sanang bilhin ang bagong biling lupa kapalit ng cash," tumikhim siya habang ako ay nakikinig lamang.

"Alam mo hija, ayaw ko na sanang i-offer sa'yo 'to pero malapit ang papa mo sa akin, walang may gustong bumili ng lupa ng cash at agad-agad pero dahil hindi ka rin naman naiiba, ako na ang bibili." Paliwanag niya.

Sinubukan kong inisip kung may naekwento ba si papa tungkol sa mga kaibigan ngunit wala naman akong maalala.

"Dalawang ektarya ang kabouan ng lupa, and on my computation, the six hundred thousand pesos is already good, bilang abuloy nadin sa nawala kong kaibigan, kukunin ko nalang ito ng seven hundred thousand, I can give you cash right now and I know you really need it now, kailangan mo lang pumirma sa kasunsunduan at ibigay sa akin ang titulo at ako na mismo ang maglalakad ng iba pang kailangang asikasuhin." He proposed it to me, may kung ano sa mga mata ng matanda ang hindi ko maipaliwanag.

"Alam kong mahirap para sa iyo ito hija, pero kailangan mo itong gawin at nandito naman ako tinutulungan na kita. Kailangan ko ang desisyon mo ngayon hija dahil may lakad pa ako." Sabay ayos niya sa kanyang coat at pagkatapos ay sinulyapan niya ang kanyang relo sa kanyang palapulsuhan.

"Tinatanggap mo ba ang offer ko?" muli niyang tanong kayat kinabahan ako sa magiging desisyon ko. Tiningnan ko din ang orasan at malapit nang mag alas dose at kailangan ko ng magbayad.

"Sige po, kukunin ko lang ang titulo ng lupa." Kaagad akong tumayo at tumungo sa kwarto ni mama at papa. Alam ko kung saan nakalagay ang mga dokumento, ngunit hindi ako sigurado kung tama ang ibibigay ko.

Inabot ako ng apat na minute sa loob ng kwarto, isinantabi ko muna ang pagluluksa, iniwasan ko munang tiningnan ang kabouan ng kwarto upang hindi mas lalong bumigat ang aking dibdib.

Nang sa wakas nakita ko ang titulo ay lumabas na kaagad ako. Dahil nabasa ko ang statement sa likod nito na ito ang extention ng lupang binili. Nasisigurado kong iyon ang tamang titulo.

Huminga ako ng malalim habang binabaybay ang aming sala kung saan naroon ang lalaking naghihintay sa akin. dalawa lamang kami doon na nag-uusap, wala si Gino dahil may emergency meeting ito sa kanyang boss at ganoon din si Arthuro kayat tatlo na lamang kami dito sa bahay kasama si nanay Ising at mang Karding.

Alam kong namumugto ang mata ko dahil mabigat na ang mga talukap nito, ramdam ko din ang sobrang pagod dahil hindi ako nakatulog.

Umayos ng upo ang matanda, si Sir Victor nang makita niyang akong palapit sa kanya. Nalaglag ang tingin niya sa papel na hawak ko, kayat napangisi siya.

"Ito na po ang titulo," abot ko sa kanya pagkatapos ay umupo.

Binasa niya ito mula umpisa at sa likod, tila eksperto ito sa ganitong bagay. Nang matapos ay binuksan niya ang kanyang brown na briefcase bag at inilabas ang tatlong papel.

"Kailangan mo itong pirmahan hija, katunayan ito na sumasang-ayon ka sa pagbebenta ng lupa." Sabay abot sa akin no'ng papel.

Walang malay ko itong kinuha, binasa ko ang unang pahina at wala naman akong nakitang mali.

Nang matapos sa unang pahina ay tiningnan ko ang lalaki, tumaas ang kilay nito.

"Huwag kang mag-alala hija, isa lang iyan sa mga nabili kong lupa." Sabay ngiti niya sa akin.

At inabot niya sa akin ang ballpen. Tumagal ng ilang segundo bago ko pinirmahan ang papel at pagkatapos ay ibinalik na niya ang papel kasama ang titulo sa kanyang bag.

Tumingin-tingin pa siya sa paligid bago muling binuksan ang kanyang bag. doon niya nilabas ang libolibong pera. Malutong pa ito at halatang galling sa bangko.

"Ito na hija, sakto na yan. Maari mong bilangin 'yan o kung kulang man pwede mo akong kontakin." Nilapag niya ang pitong bigkis ng mga pera sa espasyong namamagitan sa amin.

"One hundred thousand isa niyan kaya pito." Sabay sulyap niya sa kanyang relo.

"Tapos na ang usapan natin hija, maari na ba ang umalis dahil may lalakarin pa ako, nakikiramay ako." Sabay tayo niya at abot sa akin ng kamay niya.

Kumurap-kurap ako dahil hindi ko alam kung tatanggapin ko ba iyon ngunit sa huli ay tinanggap ko din.

Mabilis siyang umalis sa bahay at wala pang isang minuto ay may muling kumatok sa bahay kayat bumalik ako sa pintuan.

Pinihit ko ang malamig na tarangkahan at sa likod nito ay ang mga grupo ng mga magsasaka.

"Narito na kami para kunin ang pera namin." Matigas na saad noong lalaking may malaking tiyan.

"Kaya nga, tanghali na at mabuti pa at binigyan ka naming ng palugit, nasaan na ang kalahating milyon?" muli nitong tanong.

"S-saglit lang po, kukunin ko." Namamalat na ang aking boses.

Muli kong sinarado ang pintuan at dinaluhan ang pera kung saan iniwan ni sir Victor. Doon ko pinulot ang limang bigkis ng pera at naiwan na lamang ang dalawa, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa mabilis na pagkaubos ng pera.

Lumunok ako para iwasan ang emosyon.

Tinalikuran ko na ang perang natitira habang nasa aking kamay ang limang bigkis ng pera. Ang limang daang libo.

"Ito na po," hindi ko alam kung tama ba ang pagkakasabi ko.

"Mabuti naman at sumunod ka sa kasunduan dahil kung hindi ay nakakulong ka na ngayon,"

"Ginagawa ko lang naman po ito para mapagluksaan ko ng maayos ang magulang ko. Ni wala pang hustisya ang natatanggap ng papa ko,"

"Mabuti nga at walang namatay sa panlalason mo sa amin dahil kung meron man baka wala ng natira sa inyo, galit na ang buong barangay dahil sa ginawa niyo—"

"Pero aksidente po ang nangyari, inuna ko pa kayo kaysa sa mga magulang ko, hindi niyo man lang ba kayo makikiramay? Parang-awa niyo na, awang-awa na ako sa magulang ko kasi sila pa ang nagmumukhang walang nagawa, parang sila ang napakasama."

"Hindi talaga kami makikiramay sa kanila. Karma niyo na 'yan!"

"Tara na nga!" anyaya nila sa kanilang kasamahan.

Samantalang ako ay naiwang tulala sa labas ng aming bahay.

Pinipigilan ang aking luha, pilit na nagmamatigas kahit alam kong kaunti nalang ay muli na naman akong bibigay.

Ang kailangan ko nalang isipin ngayon ay sa wakas hindi na nila magagambala ang pagluluksa ko.

I sniffed and tried to calm myself before I go back inside our house.

Tuluyang nagrolyo ang aking mga luha pagkatapos kong isarado ang pintuan.

I sobbed so hard because finally I'm accepting all the pain from my parent's death, I can finally give time myself to remember all the sacrifices my parents gave to me, from all the love and joy they given to me.

Binalik ko ang mga ala-ala ko simula pa lamang noong bata ako kung saan wala pang gaanong problema, na ang problema ko lamang ay kung paano ako maglalaro. Lahat ng pinagdaanan ko simula bata hanggang ngayon ay pilit kong inalala.

Hindi ko alam kung nakatulong ito dahil mas lalo lamang akong nalugmok sa kalungkutan.

Hindi ko na alam kung paano na ako bukas, sa susunod na araw, lingo, buwan, at taon. Mag-isa na lamang ako sa buhay, iniwan nila akong durog na durog dahil hindi ko napaghandaan ang lahat ng ito.

Tangina, ni hindi ko alam buhayin ang sarili ko tapos iniwan pa ako ng magulang ko.

"Hija!" sigaw ni nanay Ising galing sa kung saan, nakita ko na lamang siya sa aking harapan dahil kahit natatakpan ng luha ang aking mga mata ay naaninag ko parin ang tindig niya.

"Ayos ka lang ba? Ano ang nangyari?" halata sa boses niya ang pag-aalala ngunit masyado akong emosyonal para sumagot.

Pinulot niya ang bagkabilang braso ko para alalayan akong tumayo mula sa pagkakasandal sa pintuan.

Tinungo niya ako may upuan habang nagtatanong parin siya.

"Paano na ako nanay? Wala na si mama at papa? Mag-isa nalang ako. Nanay ising, masama ba akong tao? Masama ba akong anak? Bakit kailangang mawala ang dalawang pinaka importanteng tao sa buhay ko? Bakit sila? Bakit hindi ako?"

Labis ang hagulgol ko habang mahigpit na nakayakap sa matandang kasama ko.

"Nanay Ising, gusto ko na pong sumunod sa kanila mama at papa, ayaw ko na dito, ayaw ko na dito sa bahay na ito, hindi din magiging maganda ang buhay ko dito dahil wala na sila mama at papa..."

"Huwag mong sabihin 'yan, narito pa kami ni Karding, si Gino," pang-aalu niya pero wala itong epekto sa akin dahil alam ko sa huli, iiwan lang din naman nila ako.

"Hindi niyo po ako naiintindihan,"

"Nay, nasaan si Andr—"

Boses iyon sa aking likuran, boses ni Gino na galing sa labas.

"Andra, ano 'yung nabalitaan namin sa labas? Binenta mo na ang lupa agad-agad?"

"Andra, bakit mo binenta ng ganon-ganon na lang? May mga pinirmahan ka ba?" sunod-sunod niya tanong kayat natigil ang pag-iyak ko.

Pinahid ko ang luha ko gamit ang likod ng aking palad bago ko siya hinarap at laking gulat ko nang makita si Arthuro sa kanyang likuran, nakapamulsa at madilim ang tingin niya sa akin habang naghihintay ng aking sagot.

"Kailangan ko na ng pera, at iyon lang ang mabilis na paraan." Paliwanag ko at nag-iwas ng tingin.

"Chineck mo lang ba kung legit ang bumili?" mabilis niyang tanong.

"Ang sabi niya kaibigan siya ni papa," nakita ko ang pag-igting ng kanilang panga.

"Kaibigan ng papa mo?" Gino asked again.

"Oo, dinagdagan pa niya ang bayad dahil magkaibigan sila ni papa at bilang abuloy nadin daw." Hindi ako sigurado sa huli kong sinabi.

"Dinagdagan? Magkano?" Atat na atat niyang tanong.

"Ang sabi niya okay na daw sa six hundred thousand pero ginawa niyang seven hundred thousand."

"Ano?!" halos mapatalon ako sa lakas ng kanilang sagot, nagsabay si Gino at Arthuro.

Napapikit ng mariin si Gino habang si Arthuro nama ay napamasahe sa kanyang sintido habang nakaigting ang panga nito.

"Seryoso ka, Andra? Dalawang ektarya ang binenta mo sa ganoong halaga lang?!"

"Bakit 'di mo kami kinausap? Ang dalawang ektarya ay katumbas ng apat na milyon, Andra." Nagpipigil ang boses ni Gino, alam kong naiirita ito sa akin.

"Ayaw ko kayong guluhin at iyon lang nakikita kong paraan para mapabilis na matapos ang problemang iyon."

"Pero mali 'yun, Andra."

"Tama 'yun."

"Mali."

"Hindi mo ako naiintindihan!" napalakas ang aking boses.

Natahimik siya at umiwas ng tingin.

"Gustong-gusto kong mawala na ang problemang iyon dahil gusto ko na ng oras para magluksa sa magulang ko! Dalawang araw lang ang lamay, ay ni isa ay walang nakiramay kundi kayo lang, at dahil doon anglaki na ng utang na loob ko sa inyo kaya ayaw ko ng dumagdag pa."

"Gusto ko lang naman ng kapayapaan pero tangina, naloko pa pala ako." Gusto kong tumawa.

"Kaya huwag niyong sabihin na mali ang ginawa ko. Alam kong naloko ako pero ang naging desisyon ko ay hindi naging mali."

"Umalis na po muna kayo, gusto kong mapag-isa, gusto kong magluksa mag-isa."

"Iwanan niyo muna ako dito bahay, Gino pasensya na pero kailangan mo muna lumipat ng malilipatan," malamig ang tingin sa akin ni Gino ngunit napilitan itong tumango.

Kinuha ko ang isang bigkis ng pera sa aking tabi pagkatapos ay dinala iyon kay nanay Ising.

"Nay, salamat po sa lahat ng naitulong niyo sa aming pamilya, alam kong hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ang mga naitulong niyo sa amin, hindi niyo ako iniwan, hindi niyo ako pinabayaan, simula noong bata pa ako ay hindi kayo umalis sa tabi ko, sana ay tanggapin niyo ang ibibigay kong ito para sa pasasalamat ko sa inyo ni mang Karding," at inabot ko sa harapan ni nanay Ising ang pera ngunit sunod-sunod ang kanyang pag-iling pahiwatig na ayaw niyang kunin ang perang inaabot ko sa kanya.

"Kunin niyo na po, please." Nagmakaawa ako pero inilalayo niya lang ang kanyang kamay.

"Hindi ko matatanggap 'yan lalo na at napakalaking halaga niyan." Ako naman ang sumunod na umiling.

"Hindi po, alam kong kailangan niyo po ito hindi lang pasasalamat kundi para narin sa mga perwisyo at abala na nagawa ko at ng pamilya ko."

"Itago mo na muna 'yan, hija. Hinding-hindi ko tatanggapin 'yan." Pumikit-pikit siya at pilit na nagpakita ng ngiti kahit halata sa kanya ang pagpipigil ng luha.

"Pero..." hindi ko na muling pinilit. Alam ko namang hindi nila kukunin ngunit gusto ko lang magbigay bago ko sila ipaubaya.

"Nanay, mang Karding, hindi ko gusto na iwanan niyo muna ako pero sana po, limitahan niyo na po ang pagdalaw sa akin dito, wala na pong maitutulong ang pamilya ko dahil wala na sila, gusto ko nalang pong mabuhay mag-isa muna..."

"Tatawagin ko nalang po kayo kapag naging mabuti na ulit ang lagay ko." Dagdag ko habang nagmamatigas.

"Pero..."

"Please po," nilunok ko ang aking laway dahil namalat ito.

"Sige, basta huwag kang mahihiyang tumawag sa amin kung kailangan mo kami, irerespeto naming ang magiging desisyon mo, hahayaan ka naming mabuhay sa mga desisyon mo, kung magkamali ka man, narito kami para ibangon ka pero syempre kung gusto mong magpabangon." Sabay halakhak sa huli.

Gumuhit ako ng ngiti, "mauna na po muna ako sa taas, kailangan ko na pong magpahinga."

Paalam ko at umakyat na ako.

Saka ko lang naramdaman ang sobrang kapaguran nang humiga na ako sa aking malambot na kama, habang tumatagal ay hinihele na ako hanggang sa makatulog.

Nagising ako ng hapon, saktong papalubog na ang araw, mabigat parin ang aking pakiramdam at ramdam ko parin ang tulog.

Binilisan ko lamang bumaba sa bahay upang maghanap ng makakain at doon ko nakita sa lamesa ang bagong lutong ulam. Tinola.

Nilapitan ko ito, mainit pa. nakalagay ito sa clear lunch box.

"Sinong nagluto?" tanong ko sa aking sarili.

Akmang bubuhatin ko sana ang lunch box nang makita ko ang isang papel na nakapatong sa ilalim ng lunchbox.

Mabilis ko itong kinuha at kunot noo ko itong pinagmasdan bago ko tuluyang buksan ito mula sa pagkakatupi.

I'm sorry, pumasok ako sa bahay mo. I just want to give you this tinola I cooked. I know you don't know how to cook. And also I'm writing this letter for you to know that I'm so sorry for not helping you regarding with the financial need, I wanted to help but I know you won't accept it and the least thing I did is to help you with your decision.

I want you to know that I'm leaving since the project we're planning was cancelled and I also heard that you want personal space right now. Babalik ako, sisiguraduhin ko na sa pagbalik ko maayos ka na. Bye for now, Andra. I want to know you more.

Napatitig na lamang ako sa papel, naguguluhan kung ano ang dapat na mararamdaman, may kung anong parang tusok ng karayom sa aking puso ngunit minabuti ko na lamang na huwag isipin.

Kumurapkurap ako para muling makabawi, tinupi ko ang papel hanggang sa magkasya ito sa aking bulsa. Isinilid ko iyon at nagtungo na ako sa kusina para kumain.

Aaminin kong hindi naging madali ang gabi ko. Tahimik ang buong bahay taliwas sa aking kinagisnan.

Nakatingin lamang ako sa ceiling ng aking kwarto habang blankon nag-iisip. Madaming ideyang tumatakbo sa aking isipan ngunit isinasantabi ko ang mga iyon, mula sa naghahalo-halong emosyon ay pinilit kong magpakamatigas kahit alam kong mahirap.

Kinabukasan, akala ko paniginip lang ang lahat ng nangyari, ngunit hindi pala, totoong wala na ang mga magulang ko, na mag-isa na lamang ako sa buhay.

Mahirap kong sinimulan ang aking araw, parang patay at luting ang isip, paminsan ay hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha sa aking mga mata habang nakatunganga.


--------

I badly want to read your thoughts and comments about this chapter or book. sige na pleaseeee hahaha. i really appreciat all your support guys.

Continue lendo

Você também vai gostar

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...