ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

By iirxsh

119K 1.5K 27

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... More

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB PHYSICAL BOOK

KABANATA 33

1K 16 0
By iirxsh

Kabanata 33

"ANG kumuha ng yaya para kay Riri."

Napatayo si Kelly dahil sa narinig na sinabi ni Alex, nakaawang pa ang kanyang labi. Hindi pa rin makapaniwala.

"Bakit kailangan na kumuha? Para saan? Nandito naman ako, ah." Halatang halata ang pagtutol niya sa suhestiyon na iyon ni Alex.

Ang ideyang ipaalaga sa iba ang anak ay ni minsan hindi pumasok sa kanyang isipan. Mula nang maipanganak niya si Riri, kahit pa man nasa sinapupunan niya iyon. Hindi iyon naging parte ng kanyang plano.

Pinaupo siyang muli ni Alex. "Makinig ka muna, huwag kang sisingit... patapusin mo ako," Paalala ni Alex, dahil tuwing nag-uusap silang dalawa laging may masasabi si Kelly. Hindi man lang siya hinahayaan nito na patapusin man lang bago magsalita.

"Oo na!" Tila walang choice si Kelly kung hindi ang sumang-ayon na lang kay Alex. Para hindi na humaba pa ang pagtatalo nilang dalawa.

"Sinabi mo sa akin na gusto mong magtrabaho, 'di ba?" Tanong ni Alex, tumango naman si Kelly bilang pagsang-ayon.

*Flashback*

KASALUKUYAN na nasa sala sina Alex at Kelly, medyo malalim na ang gabi pero hindi pa rin sila dinadatnan ng antok.

"Alam mo..." Doon pa lang napatingin na si Alex kay Kelly. "Nahihiya na ako sa iyo."

Kumunot naman ang noo ni Alex, ngunit agad din na nagbawi nang makuha ang gustong iparating sa kanya ni Kelly. "Ginawa ko ng boluntaryo iyon, Kelly. Walang sapilitan na naganap. Lahat nang ginagawa at gagawin ko, buong puso kong inaalay iyon sa iyo," Madamdamin man na sabi ni Alex, pero iyon ang katotohanan. Ilang taon na niyang napatunayan, at laging pinapatunayan kay Kelly.

"Kaya naisip kong maghanap ng trabaho," Dagdag ni Kelly. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Alex, kasi alam naman niyang totoo iyon. Kahit hindi pa sabihin sa kanya ni Alex. Kaso sa puntong iyon lang ay talagang nahihiya siya kay Alex, simula ng napadpad sila sa lugar kung saan lumaki ang magulang ni Alex. Hindi na nagawa pang umuwi ni Alex sa kanyang pamilya, hindi siya iniwan. Si Alex na rin ang naghahanap buhay para sa kanila, kaya naman naisip niyang maghanap na rin ng trabaho para kahit paano ay makatulong na rin siya.

"Saan mo naman balak na magtrabaho?"

"Maghahanap pa lang ako, plano kong simulan kapag wala kang trabaho... para may maiwan kay Riri," Paliwanag ni Kelly. Aminado naman si Kelly na ang dahilan kung bakit hindi pa siya makapaghanap ng trabaho ay iyong hindi niya maaring iwan ang anak.

*End of Flashback*

"Kaya naisip ko na kumausap ng ilang tao, iyong may karanasan na sa pag-aalaga. Iyong maasahan," Paliwanag ni Alex.

"Hindi pa naman ako nakahanap ng trabaho, bakit kumukuha ka na agad?" Nagtataka na tanong ni Kelly, hindi pa siya makahanap ng timing para maghanap ng trabaho. Dahil na rin sa panay ang uwi ng gabi ni Alex, at halos wala siyang day-off. Marami ang pinapagawa sa kanila, dahil magbubukas yata ng bagong branch ang pinapasukan niyang trabaho.

"Hindi mo naman na kailangan pang maghanap, Kelly." Seryoso namang tugon ni Alex.

Nangunot naman ang noo ni Kelly, nagtataka. Kailan pa naging posible ang bagay na iyon? "Huh? Paano ako magkakaroon ng trabaho kung hindi ako maghahanap, 'di ba?"

Nasapo na lang ni Alex ang mukha. "Makakalimutin ka nga," Puna niya. "Hindi mo ba naaalala?"

Mas lalo naman na nagkasalubong ang kilay ni Kelly. "Alin?"

"Papasok ka sa kung saan ako nagtatrabaho."

*Flashback*

"ALEX, Alex!"

Kasalukuyan silang nag-uumagahan nang marinig nila ang sigaw na iyon, mula sa labas ng bahay. Natigil silang dalawa sa pagkain, kahit ang anak nila ay napatigil at napatingin din sa kanilang dalawa.

Sumenyas si Alex kay Kelly na siya na ang lalabas, tumango lang si Kelly bilang pagsang-ayon. At sinenyasan ang anak na ituloy na ang pagkain.

Nang makalabas si Alex, naibsan ang kaba sa kanyang loob nang makita kung sino ang tumatawag.

"Aling Ada, kayo po pala. Bakit naman po kailangan na sumigaw pa?" Hindi niya maiwasan na punahin, talagang pinakaba siya nang ginawa ng ale.

Sa nakalipas na taon nila na pamamalagi, parang iyong tuwing may kakatok o maghahanap sa kanila ang tanging nagbibigay ng takot sa kanila sa bawat araw na hinaharap nila. Alam naman nilang hindi maiiwasan iyon, pero sadyang iba ang pakiramdam nila kapag ganoon ang nangyayari. Ibang kaba ang binibigay.

"Ay pasensya ka na, hijo... Talagang tinakbo ko papunta rito. Nandoon kasi ako sa may kanto, at narinig kong hinahanap ka. 'Di ba sabi mo pa naman, hindi pwedeng may makaalam na nandito kayo." Halos habol ang hininga na paliwanag ni Aling Ada.

Sa narinig ni Alex na sinabi ni Aling Ada, ilang beses siyang napalunok. Parang tumaas lahat ng balahibo niya dahil sa biglang kaba na nararamdaman niya.

"K-Kaya niyo po bang ibahagi sa akin kung anong itsura niya?"

"Lalaki ba ang iniiwasan niyong makahanap sa inyo?" Pag-iba naman ng tanong ni Aling Ada.

Tumango naman si Alex. "Opo, lalaki nga."

Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng ale, parang sa puntong iyon napawi lahat ng kabang naramdaman niya dahil sa pag-aakalang ang tinutukoy niyang naghahanap ay iyong mismong tinataguan na nila Alex at Kelly. "Babae iyon, eh. May edad na rin. Mas bata lang siguro sa akin ng kaunti, maputi ang kutis, ang buhok niya ganito na rin sa akin maiksi."

Nangunot naman ang noo ni Alex, napaisip kung sino ang posibleng tinutukoy ni Aling Ada. "Saglit lang po ha, kuha lang ako ng litrato."

Mabilis na tinungo ni Alex ang kusina, nang makita niya si Kelly napatayo ang dalaga. "Sino iyon? Anong mayroon?" Mahinahon na tanong ni Kelly, pero hindi maitatago ang kaba na nararamdaman niya. Ayaw lang niya na ipakita sa anak ang nararamdaman, dahil mabilis niya iyon na mapansin. Mabilis din na maapektuhan.

"May naghahanap daw sa akin sabi ni Aling Ada."

"Huh?" Napasigaw na wika ni Kelly, mabilis naman niyang tinakpan ang kanyang bibig nang makita na napatingin ang anak sa kanyang gawi. "Sino naman?" Halos ibulong niya iyon.

"Huwag mo nang isipin masyado, babae naman daw at may edad na. Hindi naman lalaki."

Natigilan naman si Kelly, napaisip kung sino ang posibleng sinasabi ni Alex. Imposibleng dalawin sila ng magulang ni Alex? At mas lalo naman na imposibleng dalawin siya ng kanyang magulang?

"Balikan ko muna si Aling Ada, ipapakita ko lang ang litrato... kung sino ang tinutukoy niya," Paalam ni Alex, tumango lang si Kelly at napatingin naman sa anak na nakatingin pa rin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata nito, napakainosente.

Nilapitan ni Kelly ang anak, at ang tanging nagawa na lang niya ay yakapin ito. Hindi naman siya nabigo dahil naramdaman niya ang maliliit na kamay ng anak na kumapit sa kanyang leeg.

"ITO po ba ang nakita niyo?" Unang pinakita ni Alex ang litrato ng kanyang ina, umiling naman ang ale sa kanya. Sumunod niyang pinakita ang litrato ng magulang ni Kelly. "Maputi nga, pero masungit naman ang awra niyan." Hindi maiwasang komento ni Aling Ada. Gusto pa sanang sabihin ni Alex na nanay iyon ni Kelly, pero hindi na niya nagawa pa dahil mas litaw ang kagustuhan na malaman kung sino ang tinutukoy ni Aling Ada. "Wala na bang iba?" Dagdag pa ni Aling Ada.

Muling tiningnan ni Kelly ang telepono at ipinakita ang huling posibleng tao na naghahanap sa kanya. "Ayan, siya nga..."

Nakahinga ng maluwag si Alex sa sinabi ng Ale. "Mukhang hindi mo naman tinataguan?" Hindi maiwasan na itanong ni Aling Ada, mukhang napansin ang kanyang reaksyon.

"Hindi po. Siya po ang amo namin sa pinagtatrabahuhan naming dalawa noon ni Kelly."

Napatango naman si Aling Ada. "Ah, ganoon ba. Mauna na ngarud ako, sabihan ko na lang kapag hinahanap ka at kung nakasalubong ko man."

Ngumiti si Alex. "Salamat po, Aling Ada." Kumaway lang ang ale sa kanya.

Malapit daw na kaibigan ng ina ni Alex si Aling Ada at nang makarating sila ni Kelly sa lugar. Si Aling Ada talaga ang sumalubong sa kanila, hanggang sa masanay sila sa pamumuhay sa lugar. Nabanggit din nila kay Aling Ada ang dahilan kung bakit sila nandito na dalawa, at hindi naman iyon naging problema kay Aling Ada dahil mapagkakatiwalaan naman siya.

Hindi niya makakalimutan ang katagang sinabi ng Ale nang unang beses silang nagkita. "Huwag kayong mag-alala, ligtas kayo rito. Kung ano man ang dahilan niyo kung bakit kayo nagpunta rito, mananaliti iyong sa ating tatlo lang. Alam mo naman na malakas sa akin ang nanay mo, kaya bilang anak ka niya, ganoon ka na rin sa akin."

Akmang tatalikod na si Alex nang marinig niyang may tumawag ulit sa kanya, akala niya si Aling Ada. Ngunit, natigilan siya nang ang dating amo niya iyon.

"M-Ma'am," Pabulong na sabi ni Alex, hindi niya maiwasan na mapalunok. Ngumiti lamang ang dating amo sa kanya. "Tuloy po kayo..."

Nauna niyang pinapasok ang ginang, bago siya sumunod. Huminga muna siya ng malalim. "Ano po ang gusto ninyo, ma'am? Paghahanda ko po kayo."

Tinaas naman ng ginang ang kanang kamay bilang pagpigil sa kanya. "Don't bother preparing anything, Alex." Tumango naman si Alex, at naupo na lang sa tapat ng ginang. "I came here personally because I was shocked by your resignation letter. It took me years to have the courage to visit here, and given that, I am respecting your decision." Pag kwento ng ginang, nanatiling tahimik na nakikinig si Alex. "I am sorry... If I go to your parents and ask where you and Kelly live, I hope you don't mind that."

Ngumiti naman si Alex. "Not at all, ma'am. But I would like to ask you one thing."

Kahit pa man din saang sitwasyon, kapag kaharap mo na ang isang tao. Ano man ang pilit na itago mo ang sarili sa kanila darating talaga ang puntong mahahanap ka. Handa ka man o hindi, pero sadyang iba ang kaso ng kanilang amo. Para sa kanya, hindi naman magiging problema iyon dahil kung tutuusin malaki ang dapat nilang ipaliwanag sa kanya.

Tumango naman ang ginang. "I know, Alex. About Mr. Dela Fuente. Don't worry, I'll keep my mouth shut regarding that matter. Even your parents told me."

"Thank you, ma'am."

Natigil sa pag-uusap ang dalawa, nang marinig ang nagsalita mula sa kusina. "Alex, bakit ang tagal mo na-- ma'am? P-Paano pong..."

Ngiti ang sinalubong ng ginang kay Kelly. "It's nice to see you again, Kelly. You really have a good friend here." Pagtukoy ng ginang kay Alex.

"Yes po, ma'am. Nag-iisa lang 'yan," Pagsang-ayon naman ni Kelly.

"Since you two are here already, I would like to say tha--."

"Excuse me po..." Mabilis na umalis si Kelly nang maalala ang kanyang anak, kinuha niya muna iyon bago bumalik sa sala.

Napaawang ang bibig ng ginang sa kanyang nakita. "Y-Your kid?" Naglipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Ngumiti lang si Kelly. "It's Kelly's child." Si Alex na ang sumagot.

"Oh, he's so cute." Kita ang pagkamangha sa mata ng ginang. Pinaglaruan pa niya ang maliliit nitong kamay. Ngunit wala siyang nakuhang reaksyon sa anak ni Kelly, tila wala sa mood.

Muling binaling ng ginang ang tingin sa dalawa. "Anyway, I came here because I heard that it's hard for you to look for a job here. Maybe you didn't know that we have a branch here, so I am inviting you to be part of my staff here."

Gulat ang dalawa sa offer, hindi makapaniwala na pinuntahan pa sila ng dating amo para lang sabihin ang tungkol sa trabaho at para magtrabaho muli para sa kanya.

"Marami pong salamat, ma'am. But, I don't think I can since I can't trust my kid to anyone yet," Tugon ni Kelly. Totoong maganda ang offer, ngunit sa panahon na iyon hindi pa kakayanin ni Kelly.

"I understand," Baling ng ginang kay Kelly. "But I hope Alex can do the job?"

"It's not a problem to me, ma'am," Hindi nagdadalawang-isip na tugon ni Alex.

"That's great!" Masayang wika ng ginang bago binalingan ng tingin si Kelly. "Anytime, Kelly... You can message me, or tell Alex. My company is always open for you."

*End of Flashback*

"Naalala ko na," Mahinang sambit ni Kelly, napatingin naman siya anak na tahimik lang na nanunuod.

Kaya ba niyang ipagkatiwala sa iba ang anak? Dahil kailangan niyang magtrabaho?

"Kung hindi mapanatag ang loob mo, pwede namang maghanap tayo ng iba," Suhestyon pa ni Alex.

Umiling naman si Kelly. "Sigurado ka bang tama na kumuha pa ng yaya? Pwede ko naman siguro siyang dalhin na lang?"

"Mahirap ang byahe, Kelly... Maghanap tayo ng iba, iyong makakapante ka. Pero kung ayaw mo naman na, kahit itiwala mo na lang iyon sa akin."

Napabuntong-hininga na lang si Kelly. Ngayon pa ba siya nagdududa sa desisyon ni Alex?

"Itataya ko ang tiwala ko sa iyo..."

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

400K 20.9K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...