LADY MASQUERADE

By CeCeLib

14.8M 347K 40.2K

WARNING: SPG/R-18 "Love has a powerful way of removing the mask we all insist on wearing." - geckoandfly More

SYNOPSIS
CHAPTER 2 - Amber Eyes
CHAPTER 3 - The Hand Job
CHAPTER 4 - Frustration
CHAPTER 5 - The Host
CHAPTER 6 - He likes her
CHAPTER 7 - Chivalry
CHAPTER 8 - It Hurts
CHAPTER 9 - Stoic Secretary
CHAPTER 10 - Unknown Emotion
CHAPTER 11 - Her Mask Fell
CHAPTER 12 - Going Home
CHAPTER 13 - A Loveless Offer
CHAPTER 14 - Not Easy to Forget
CHAPTER 15 - Confession and Kiss
CHAPTER 16 - Tonight, Love me
CHAPTER 17 - Genie in the Bottle
CHAPTER 18 - I love you
CHAPTER 19 - You're mine now
CHAPTER 20 - The Masquerade Ball

CHAPTER 1 - The Boss

1M 20.3K 6K
By CeCeLib

CHAPTER 1 — The Boss

"GEMINI!" Malakas ang boses na sigaw ni Aidan sa intercom. Nasa labas kasi ang lamesa ng sekretarya niya kaya naman kailangan pa niya itong tawagin sa pamamagitan ng intercom kapag may kailangan siya.

Nang bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok ang sekretarya niyang si Gemini, hindi niya itinago rito ang galit niyang mukha.

"Yes, boss?" Kalamado ang boses na tanong nito nang makalapit sa mesa niya.

Aidan's unnerving cold eyes stared at Gemini's black once. His secretary never went to the office without her thick and round eye glasses.

"Nasaan ang presentation na kailangan ko ngayong umaga? Hindi ba tinawagan na kita kagabi na ihanda 'yon? Kaya nga 'di'ba pinapasok kita ng maaga ngayon at binayaran kita ng doble sa sinasahod mo sa isang araw para  gawin ang pinag-uutos ko?"

His secretary stared at his unnerving eyes unflinching. "Boss, hindi ko natapos ang presentation."

 Walang emosyon siyang tumawa. "Hindi mo pa tapos? Tatlong araw mo na iyang tina-trabaho tapos hindi mo pa tapos?" Malakas na inilapag niya ang ballpen na hawak dahilan para gumawa iyon ng malakas na ingay. "Give me a fucking reason why is it not done yet!"

He needs that file. Now! Paano siya makikipag-meeting ngayon kung wala ang presentation na 'yon na pinapagawa niya rito? He has lots of things to do and he can't do it now because he is also readying a file for his meeting this coming lunch.

"Boss, with all due respect," huminga ito ng malalim, "'Yong presentation ho na pinapagawa niyo sa akin, kaninang umaga niyo lang ibinigay and you said it's due tomorrow so I'm still working on it."

Nasapo niya ang ulo ng maalala ang usapan nila nito kanina. Oo nga pala. Sa head pala ng marketing department niya ang pinagawa ang presentation para ngayong umaga. Iba ang presentation na pinapagawa niya rito. Shit! He has lots of things in his mind right now kaya naghahalo-halo na ang mga iyon.

Huminga siya ng malalim at sumandal sa likod ng swivel chair.

"Gawan mo ako ng kape." Utos niya sa sekretarya niya na agad naming tumalima at tinawagan niya ang opisina ng head ng Marketing Department. Nang sumagot ang nasa kabilang linya, hindi na niya pinagsalita ito. "Pack your things. You're fired." Pagkasabi niyon ay ibinaba niya ang telepono.

Napatingin si Aidan sa kape na inilapag ng sekretarya niya sa ibabaw ng kaniyang mesa.

"May i-u-utos pa ho ba kayo?" Tanong ng sekretarya niya kapagkuwan.

"Yeah." Kinuha niya ang kape at sinimsim iyon. It tastes good. As usual. "Tell the HR Department to hire a new marketing head."

Natigilan ito. "You fired Mr. Zamora?"

"Yeah." Inilapag niya ang tasa ng kape. "Go to HR at tapusin mo na ang presentation na pinapagawa ko sa'yo. I don't want to fire you too if you mess up."

Gemini nodded and left his office.

Inubos muna niya ang kape bago pinagpatuloy ang pagta-trabaho.

He owns the Navarro Enterprise. Some call it an Empire. Siguro dahil maraming negosyo ang nasa ilalim ng Navarro Enterprise. Mula sa Shipping lines, Airlines, Hotels, Restaurants, Condominiums and Super Markets. Mula ng mamatay ang ama niya, siya na ang namahala sa lahat ng negosyo na inumpisahan nito. His father started it, he continued it. There are a lot of sharks in business world and Aidan promised on his father's graveyard that he will not be a pitiful fish in the sea. Walong taon na ang lumipas mula ng pumanaw ang kaniyang ama dahil sa problema sa puso, at hanggang ngayon, pinaghahawakan pa rin niya ang pangakong binitiwan.

Kaya naman ganoon nalang siya ka-istrikto sa mga empleyado niya. Alam niyang tinatawag siya ng mga itong hitler kapag nakatalikod siya, pasalamat lang ang mga ito dahil wala pa siyang naririnig ng personal na tumawag sa kanya ng ganoon kundi sisisantihin kaagad niya kung sino man ang marinig niyang tumawag sa kanya ng gaanoon.

   Nag-angat siya ng tingin mula sa laptop niya ng marinig niyang bumukas ang pinto. Pumasok doon ang sekretarya niya na may isang paper bag at maliit na kulay lilang karton.

Inilapag nito ang mga iyon sa ibabaw ng mesa niya. "It's nine A.M. You should eat breakfast, boss. Sigurado akong 'yong kape palang na tinimpla ko ang laman ng tiyan niyo."

Lihim siyang napangiti. Gemini had been his secretary for three years now. Alam na nito ang routine niya sa araw-araw. At dahil sa magaling niyang sekretarya, walang araw na nalipasan siya ng gutom. Kaya magkasundong-magkasundo ito at ang kaniyang ina.

"I'm not hungry." Sabi niya at ibinalik ang mga mata sa screen ng laptop pero ang atensiyon niya ay nasa kaniyang sekretarya pa rin.

Of course, his secretary didn't listen to him. Pagdating sa pagkain niya sa tamang oras, hindi ito nakikinig sa kanya.

Binuksan ni Gemini ang kulay lilang box na naglalaman ng paborito niyang Hopia na ube flavor. Ang sunod nitong ginawa ay inilabas nito ang laman ng paper bag at napailing-iling nalang siya ng makitang Starbucks coffee ang laman niyon.

"It's Java Latte, boss." Ani Gemini. "Ang paborito mo." Pagkasabi niyon ay lumabas na ito ng opisina niya.

Doon lang niya pinakawalan ang ngiting kanina pa niya pinipigil. Gemini is a very efficient and effective secretary. Palaging maayos ang trabaho nito at wala siyang maalalang pumalpak ito sa kahit na anong pinapagawa niya. Kaya nitong maging mahinahon kahit pa nga binubulyawan na niya ito. Maayos ito at maasahan kapag may mga board meeting siya at higit sa lahat, wala itong gusto sa kanya.

Aidan assumed that Gemini is a lesbian. I mean, who the hell wouldn't want me? Palagi itong nakablack-slacks at white polo shirt for women. And then her hair is always in a bun and of course, the thick and round rim eyeglasses that she always wears. Ito ang perfect epitome sa salitang 'modern manang look'. And that's okay with him. Mabuti nga at wala itong interes sa kanya. His last secretary before Gemini was a pain in the ass because she was in love with him. The horror!

Kumuha siya ng isang Hopia at kumagat. Habang kinakain ang agahan na inilagay ni Gemini sa mesa niya, patuloy siyang nag-trabaho. He is now making a Feasibility study for his new project.  A casino. At sunod niyang gagawin ay permahan ang mga papeles na itinambak ng magaling niyang sekretarya sa ibabaw ng mesa niya bago pa siya pumasok sa opisina.

Time fly fast at namalayan nalang ni Aidan na lunch time na. As if on cue, pumasok si Gemini na may dalang tray na puno ng pagkain.

Inilapag nito ang tray sa ibabaw ng mesa niya at inayos ang pagkakalagay ng plato at kutsara pagkatapos ay nilagyan nito ng tubig ang baso na naroon.

"Iyan lang ho ang pagkain na mayroon ang cafeteria ngayon." Wika ni Gemini na ang tinutukoy ay caldereta at menudo na nasa harapan niya. "Bukas pa raw sila magkakaroon ng sea food. Mayroon silang chicken curry but you're allergic to chicken kaya naman caldereta at menudo nalang ang binili ko para sa inyo."

"Wala ba silang vegetable na niluto?" Tanong niya.

"May mix vegetable po sila." Tugon nito.

"The why didn't you buy it for me?"

"May corn po kasing halo."

Napatango-tango siya. Alam talaga nito kung ano ang mga pagkain na allergic siya. That's good.

"Okay. You can go now. Kumain ka na rin." Aniya.

May inilapag itong kulay itim na envelop na may pulang ribbon sa gitna na nagsisilbing silyo niyon.

"Dumating ito ngayon-ngayon lang." Ani Gemini habang nakatingin sa kanya. "I open it and it's an invitation to a masquerade ball tomorrow night."

Pinulot niya ang nasabing imbitasyon at binuksan. And yes, it's an invitation to a masquerade ball. Tomorrow night at exactly eight P.M.

Aidan looked up at Gemini. "May natanggap ka bang imbitasyon?"

If this is just a simple ball, his secretary would receive an invitation too.

Umiling ito. "Wala ho. Mabuti na rin siguro 'yon, wala naman po akong damit na isusuot. Aalis a ho ako." Tumango ito at naglakad palabas ng opisina niya.

Ibinalik niya ang tingin sa imbitasyon. One person for one invitation. Nice. At hindi niya mahihindian ang imbitasyon dahil si Count Knight Velazquez ang nagpa-organize sa nasabing ball. At ang venue ay sa bago nitong bahay na Spanish inspired Palacio na nakatayo sa Bachelor's Village. Why is that Spaniard count here in the Philippines?  

Napailing-iling nalang siya at ibinalik ang imbitasyon sa envelop. Pagkatapos ay nag-umpisa na siyang kumain ng lunch.

PAGKALABAS ni Aidan sa Navarro's building, sumakay siya sa pag-aari niyang Lamborghini at nagmaneho patungo sa Masquerade boutique. Nasa opisina pa rin si Gemini dahil nag-o-over time ito.

As he entered the boutique, a woman in his late fifties welcomed him.

"Hijo, I'm so glad you're here." Anito.

Aidan smile at his mother. "Hey, mom." Hinalikan niya ito sa nuo at nagtanong, "I need a mask. May masquerade ball ako na pupuntahan bukas. I can't say no."

Dahil wala namang ginagawa ang ina niya sa bahay nila, naisipan nitong magtayo ng simpling negosyo at isang masquerade boutique ang naisipan nitong itayo. Women.

Malapad na ngumiti ang kaniyang ina. "Marami akong maskara na babagay sa'yo, anak." Excited na sabi nito at pumasok sa loob ng stock room.

 Paglabas nito sa stock room, may ibinigay ito sa kanyang kulay itim na maskara at may kulay ginto at pula na naka-desenyo sa gilid niyon. Isinuot niya ang maskara at humarap sa salamin. It suits him. Panlalaki nga ang maskara.

"Thanks, mom." Aniya.

"No biggie, my son. It's One thousand five hundred pesos."

Napatanga siya sa kanyang ina. "Mom!"

"What? Business is business, Aidan." Ibinuka nito ang palad. "Magbayad ka na, anak."

Napailing-iling si Aidan habang inilalabas ang pitaka niya at naglagay ng two thousand pesos sa palad ng mommy niya. "Sukli ko, mommy."

Tumawa ang ina niya at sinuklian siya. "Anyway, ano naman ang isusuot mo? Tuxedo?"

Aidan nodded. "Yep. Tuxedo and a mask." He blew a breath. "I swear tomorrow night will be the most boring night of my freaking life."

Tinapik-tapik ng kaniyang ina ang balikat niya. "You'll survive."

Nagkibit-balikat lang siya. "I have to go, mom. May date pa ako."

His mother rolled her eyes. "Date na naman? Why don't you settle down and have a family?"

It is his turn to roll his eyes. "Mom, pinag-usapan na natin 'to. Ayoko pang mag-asawa."

"Pero thirty ka na, Aidan. Mawawala ka na sa kalendaryo."

He sighed. "Okay lang ako, mom. At wala akong pakialam kung mawala man ako sa kalendaryo. Masaya ako sa kung ano man ako ngayon. I don't need a freaking wife just to be happy."

"Ay, ewan ko sayo." Humalukipkip ang ina niya. "Umalis ka na bago pa kita hambalusin sa inis."

Natatawang lumabas siya sa boutique at sumakay sa nakaparada niyang Lamborghini pagkatapos ay pinaharurot iyon patungo sa hotel na pag-aari niya kung saan may naghihintay sa kanyang magandang model na magpapa-init sa gabi niya.

KINABUKASAN, pagpasok ni Aidan sa opisina, natigilan siya ng makitang naroon na ang sekretarya niya at abala sa harap ng computer nito.

"Good morning, Boss." Bati nito sa kanya na hindi man lang tumingin sa direksiyon niya.

"Good morning." Tugon niya. "Anong oras ka na umuwi kagabi?" Tanong niya.

"Near ten P.M. boss."

"Anong oras ka pumasok ngayon?"

"Six-thirty."

"Ikaw ang nagbukas ng pintuan ng building?"

Tumigil ito sa ginagawa at binalingan siya. Walang emosyon ang mukha nito. "As a matter of fact, yeah. Mas nauna pa nga yata ako sa head ng Utility Department."

Napatanga siya rito. "Anong oras ka ba umaalis sa bahay niyo?"

"I live just a couple blocks away." Sagot nito at ibinalik ang atensiyon sa harap ng computer.

Naglakad siya palapit sa table nito at napailing-iling ng makitang gumagawa ito ng financial structure para sa kalilipas palang na buwan.

Very efficient.  Sa isip niya.

Pumasok siya sa opisina at napangiti ng makitang nasa ibabaw na ng mesa niya ang agahan niya. His secretary is really something.

Aidan was already sitting on his swivel chair when his secretary barged into his office. 

Tiningnan niya ito ng masama. "What did I tell you about knocking?"

"It's urgent." Lumapit ito sa mesa niya, "May babae sa labas na nagngangalang Yvonney Lazada. Papapasokin ko ba?"

Ipinikit niya ang mga mata at mahinang napamura. "Sabihin mo busy ako."

"'Yon lang?"

"Yes." He waved his hand. "Send her away. Ayoko na siyang makita ulit."

Aidan saw displeasure on Gemini's face. Sa tatlong taon na pagta-trabaho nito sa kanya, ngayon lang niya nakita ang emosyong iyon sa mukha nito. Usually, kapag mga babae niya ang pinag-uusapan, palagi itong seryuso o poker face. Pero ngayon, nakikita niya sa mga mata nito na naiinis ito sa kanya.

"Galit ka?" He inquired.

Biglang nawalan ng emosyon ang mukha nito. "Hindi po, boss. I'll send her away immediately."

Lumabas ito ng opisina niya at bumuga siya ng hangin. Bakit ba lahat nalang ng babae na nakakatalik niya ay mga clingy? Wala ba ang mga ito ginagawang iba maliban sa sundan at puntahan siya. Don't they have a freaking life?

It's just a freaking one night stand. What's the big deal? That woman is not even a virgin. So annoying!

Natigil siya sa pag-iisip ng pumasok ulit si Gemini sa opisina niya.

"Umalis na ba?" Tanong niya sa sekretarya.

Tumango ito. "Sabi niya isa kang walang hiyang hinayupak na gago at ayaw na raw niyang makita ang pagmumukha mo." And then Gemini raised her middle finger. "And she wanted you to see this and to tell you that you're a worthless bastard and a jerk asshole."

Natigilan siya at napatitig sa kamay ni Gemini. Hmm. She looks freaking hot while raising her middle finger at him. What the... marahas niyang ipinilig ang ulo sa naiisip. Ano ba itong pinag-iiisip niya?

"Ang importante, umalis na siya." Aniya at ibinalik ang atensiyon sa binabasang papeles.

Narinig niyang bumukas ang pinto at sumara. Nang mag-angat siya ng tingin, wala na roon si Gemini. Pinakawalan niya ang hininga na kanina pa niya pinipigilan. I fucking don't care. 


A/N: Start na po ng Lady Masquerade. Sana po magustuhan niyo

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 124K 14
"Please, Yanzee, Please ...say that you love me too. I can feel it but I need to hear it." Ramm left to give his brother a chance to make lovey dovey...
17.7M 363K 22
NOTE: SPG/R-18 Available in any PPC store | Published Under Red Room | Price: 79.00php | Pocketbooksize A night before Sebastian's wedding with Fran...
49.2M 808K 30
"You are invited to Temptation Island."
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...