Del Rico Triplets #1: Bound B...

By nefeliday

1.6M 29.1K 3.8K

Hollis, who was raised as an adopted child to conceal her true identity as an illegitimate one, hoped for fre... More

Bound By Duty
DISCLAIMER (MUST READ!)
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas 1
Wakas
The Second
Hollis
Hillary Ophelia
Crashing Into You (Chapter 1 on wattpad!)
Adelio Lucian/Chaos

Kabanata 1

57.5K 961 55
By nefeliday

Engagement

Malakas na tunog ng musika ang pumailanlang sa paligid. Naglisaw ang mga tao o ‘di kaya ang iba ay nagkukumpulan. Mga nakasuot ng magaganda at nagmamahalang mga formal attire. Nakamasid lamang ako sa kanila kasama si Crowell.

Sa dulo ko naisipang umukopa ng upuan, wala pa roong nakaupo. Ang round table na kasya ang pitong katao, kami lang ni Crowell ang laman. Halos karamihan sa bisita, pinili ang pwesto sa unahan dahil sa kagustuhang maambunan ng pansin ng mga kilalang prominenteng negosyante o ‘di kaya ay gustong masilayan sa malapitan ang dalawang taong nagc-celebrate ng anniversary ngayon.

“Aren’t you going to greet them?” si Crowell, hawak na ngayon ang isang champagne glass.

“Mom has been looking for you. Akala niya hindi ka dadalo…” dagdag niya, inilapag na ang champagne glass sa mesa at binalingan ako.

Tumaas ang kilay niya sa akin nang ‘di ako sumagot. Bumuntong hininga ako sabay iling.

“Mamaya na lang siguro kapag tapos na ang party. I’ll only greet Tita.”

Tumusok ako ng marshmallow at saka ‘yon isinawsaw sa chocolate syrup. Pinagmasdan lang ako ni Crowell habang  kumakain while he’s drinking. Nagtagal ang nanunuot niyang tingin sa akin bago umiling.

“I still can’t understand why dad…” Hindi ko na narinig ang karugtong noon dahil natahimik ang musika at napalitan ng isang boses sa mikropono. Mas malakas kaysa sa boses ni Crowell.

“Good evening, ladies and gents. I can see that you’re enjoying the party…” the gay emcee laughed after saying that.

Crowell and I focus our attention in front. Tumigil ang mga tao na nakikipag-usap sa mga nasa table nila. Ang iba na nakatayo ay nagsiupo naman. Ibinigay ang atensyon sa pagsisimula ng selebrasyon.

“We are gathered here to witness the renewal of vows of Mr. and Mrs. De Guia…” nagkaroon ng sandaling palakpakan bago nabigay muli sa emcee ang pagkakataon para magsalita.

“Please, let’s give the spotlight to this beautiful couple who’s celebrating their silver anniversary… Mr. Crisosmo De Guia and his beloved wife, Selena De Guia.”

The two happily stepped up in front.

“Good evening,” they greeted in unison.

Everyone is too focus on the two person who cannot keep their smile to their self. Both are very happy while muttering their vows to each other. After showering sweet words, they shared a kiss and continue facing their guests with smiles and laughter.

“They are truly lovely. Crisosmo’s been a good and loving husband…” I heard from the row of guest in front of our table.

After the moment, Tita Selena and Crisosmo is now heading to their seat which is placed in the middle. Siyempre, sila ang center of attraction dahil kanila ang selebrasyon. The emcee went to the platform again. He’s holding a tiny folder and read something on that before looking at the guests.

“Such a wonderful renewal of vows. Congratulations, Mr. and Mrs. De Guia. May God continue to strengthen your married life.”

Everyone whispered words after the emcee said that. Those words are directed to the couple who keeps on muttering thank you in exchange of the guest’s pleasant words.

“And now… let us borrow the attention of the first born of De Guia to give message to their lovely parents.” The audience is thrilled with that.

“Let’s give the stage to Mr. Crosson Soven De Guia!”

Dumako ang tingin ko sa lalaking tumayo mula sa gitnang bahagi. Inayos noon ang necktie niya bago naglakad patungo sa platform. Some of his friends are cheering him.

Sinusundan siya ng tingin ng mga nadaraanan niya, specially girls na siguradong mga anak ng ilang bisita.

“Kuya’s too formal, don’t you think?” Crowell shifted his gaze to me and he’s almost pouting while his forehead is creased.

Mukha siyang galit na demigod. My brother Crowell aged like he’s becoming more mature unlike me. Kahit anong tingin ko sa salamin, halata na bata pa ako at minsan nga ay nagpakakamalan pang mas mababa sa dise otso ang edad while him, he’s becoming like his brothers. Mukhang nasa twenties na kahit eighteen lang din naman.

Lumabi ako at nailing. I don’t know why he hates Crosson so much. Hindi naman siya ganito noong nasa thirteen years old kami. Palagi ay gusto niya na sumasama sa dalawa at sa mga kaibigan nito pero laging naiiwan dahil ako ang dapat niyang samahan. Akala ko he will hate me for that pero we became close kahit pa siya iyong tipo ng mabibilang ang salitang masasambit kada oras.

“Good evening…”

Umalingawngaw ang boses ni Crosson kasabay nang pag-ikot ng mata ni Crowell na siyang ikinahagikgik ko. Napailing ang aking harapan.

“Mom, Dad, happy anniversary.” Nilingon ko ang harapan.

Crosson is looking at his parents with affection displayed on his eyes.

“Thank you for staying together and giving us a complete family. I am wishing for a long life for the two of you...”

Crosson stated some sweet words to his mother before leaving the stage for Carden Sorce who almost said the same thing. Mas affectionate nga lang si Carden kaysa Crosson. Dumating ang pagkakataon na si Crowell na ang tinawag para magbigay ng mensahe para sa mga magulang.

Hindi ito lumingon doon sa harapan, nasa akin nakatuon ang atensyon. Kinunutan ko siya ng noo. Nagsimula na tumingin sa gawi namin ang mga bisita. Nagsisilingon pa. Nang sandali kong balingan ‘yon ng tingin ay sumabog ang kaba sa dibdib ko dahil ilan sa mga bisita ay nagbubulungan at kuryusong nakatingin sa gawi namin, particular na nagpapabalik-balik ang tingin sa akin at kay Crowell.

Binalingan ko siya gamit ang nagsusumamong mata. Mabuti na lamang at naintindihan niya ‘yon. Marahas siyang bumuntong hininga saka walang ganang tumayo. Parang nakahinga nang maluwag ang mga guests do’n at nang naglakad na nga si Crowell patungo sa harap ay doon na nabaling ang atensyon nila. Gayunpaman, may iilan na sadyang curiuos siguro kung bakit pinili ng bunsong anak ng De Guia na dito sa dulo umupo kasama ang isang ‘di kilalang babae.

Matapos bumati ni Crowell, diretso siya agad dito. May iilan na disappointed dahil talagang bumati lang siya, wala ng iba pang sweet message sa mga magulang.

I thought they are done at matatapos na roon ‘yon pero nagulantang ang sistema ko ng sabihin ang magsasalita pa ang youngest ng De Guia. Umawang ang labi ko.

“And now, the last but definitely not the least is the youngest…” the emcee got conscious by the sudden outburst of the crowd, karamihan ay naguguluhan. Hindi naman bantad na may ampon ang De Guia at ang alam nila, tatlong lalaki lamang ang anak.

“Ms. Hollis Ilaria, please own the stage…” the emcee said, directly looking at me with warmness on his eyes.

Hindi ko alam kung paano ako magre-react because in the first place, hindi ko ‘to inaasahan. Hindi ako tumayo, nanatiling tulala pero Crowell is the one who stood first bago inalok ang kaniyang braso sa akin. Now, those curious eyes are darted at us. Lahat ay nagtataka pero naghihintay din ng susunod naming gagawin.

Kahit aligaga, I did my best to compose myself. Naglandas ang tingin ko mula sa mga bisita patungo sa kinaroroonan ni Mrs. De Guia. Nakangiti ito sa akin, nagluluha ang mata nito akong tinanguan. Mariin akong pumikit bago tinanggap ang braso ni Crowell. He escorted me on my way to the stage. The emcee handed the microphone to me.

Nanginginig ko ‘yong tinanggap. I don’t know what should I say. Kailangan ba na mahaba at madamdamin o pwedeng kahit Happy anniversary na lang. Kailangan ko din ba silang tawaging Mom and Dad like the three did earlier? Sa huli, I have no choice but to choose the simpliest.

“Uh… Happy anniversary po…” nangangatog ang binti ko sa nerbyos.

This isn’t supposed to happen, right? Did Tita Selena argue with Crisosmo for this? I want to know the answer but I am not here to space out and keep on thinking about those questions. I am here to display affection.

All eyes are on me. Hindi ko alam kung ano ang mga klase ng tingin na ibinibigay nila sa akin pero nakakapanginig binti ‘yon. Namamawis ang kamay ko. Hindi ko malaman kung kanino titingin but when a sudden move in front took my attention, my eyes darted at Mrs. De Guia and his husband–my father.

Mrs. De Guia motioned me to continue while the later just look at me without emotion on his eyes. Para bang no choice siya kundi tignan lang ako kahit ayaw niya. Nag-focus ako sa taong sa tingin ko ay kakalma sa akin. Mrs. De Guia.

“Sana po ay mas… tumibay pa ho ang pagsasama ninyo. You deserve each other po…”

Wala na akong mahagilap na salita but I think they are still waiting for more. Mabuti na lamang, Mrs. De Guia stood and  took a step towards me. He opened her arms wide as if she’s telling me to come to her. Bago pa ako makahuma, kinuha na ng emcee ang mic sa akin kaya naman the only I choice I have is to go to Mrs. De Guia. Hindi pa man ako nakakalapit, yinakag na niya ako sa isang yakap.

Mahigpit ‘yon, nakakasabik sa pakiramdam at kung wala kami sa harapan ng mga  bisita, hindi ko nanaisin pang bumitaw. Unlike Mrs. De Guia, my father went to us only to escort his wife in front. Hindi ko napansin na si Crowell, nakaabang na pala sa akin to guide me. Dumaan kami sa may gilid kung saan ‘di pansinin ng tao.

I was heading towards our table but Crosson stop us by blocking our way. His hawk eyes are darted at me but when Crowell is about to ignore him, dito na siya lumingon. Nagsalubong ang titig nila na pakiramdam ko ay naglalabas ng galit para sa isa’t isa.

“Dito na lang kayo. Daddy’s about to announce something,” si Crosson habang patuloy ang pakikipaglaban ng titig kay Crowell.

“We don’t care about what Daddy’s going to announce. I want you to move, Kuya. Mangangawit si Hollis.”

Humigpit ang kapit ko sa braso ni Crowell. Something inside me wants him to continue pursuing Crosson until he let us go pero pakiramdam ko, hindi magpapatalo ang isa. Kinagat ko ang aking labi bago nagsubok magsalita.

“Dito na lang muna tayo, Crowell…” mahina kong bulong. Sapat lang para marinig nilang dalawa.

Yinakag ko si Crowell na humarap na lang sa mga magulang niya. Saktong-sakto, Crisosmo took the mic from the emcee and face the crowd. Hindi sa kanila natuon ang atensyon ko kundi doon sa dalawang kasama niya. Mag-asawa din ang naroon base sa pagkakahawak noong lalaki sa babaeng katabi.

“Good evening, everyone…” Crisosmo started.

Ang kasama nilang lalaki, nilibot ng tingin ang kabuoan ng pinagdadausan ng party at nahinto ‘yon sa kagilid-giliran. Sinundan ko ‘yon ng tingin at nakitang ang may nakaupo roon sa mesa na higit pa sa pitong tao. Pito lang ang kasya sa mesa pero halatang inusog ang mga upuan upang magkasya pa roon ang isa.

Sinisino ko ang mga ‘yon pero wala akong kakilala ni isa. Ibinaling ko na lamang ang tingin sa harapan. Nasalubong agad ng tingin ko ang mga matang makikinang. Itim na itim ‘yon at napakaamo kung titignan. Pamilyar ang mukha na ‘yon sa akin. Para bang nakita ko na ‘yon sa malapitan at ‘di ko lang maalala while the man beside her, sa tingin ko ay asawa niya, bago lang sa aking paningin.

Akmang babalingan ko sana si Crowell pero natuon ang atensyon ko sa lumipat sa gilid ko na si Crosson. Siya ang nilingon ko at doon, sa kaniyang tabi ay nakatayo si Carden at ang mga mata ay sa nasa akin nakatitig. Hindi ko alam pero nagsimulang kumabog ang dibdib sa klase ng titig na ibinibigay niya sa akin. Tila ba parang may ipinaparating.

Hindi ko namalayan na wala na akong naiintindihan sa sinasabi sa harapan. Crosson held my arm, I look at him.

“Makinig ka. This is about you,” aniya sa malamig na boses.

Parang maamong tupa akong bumaling sa harapan kung saan nagbibiruan ang dalawang mag-asawang naroroon.

“Yes, yes. I am very happy to stand here in front of our important guests…” Crisosmo laughed before darting his eyes on us.

Nahanap agad kami, partikular na ako ang tinamaan ng kaniyang tingin.

“We have an important announcement to make. As De Guia and Del Rico, it is our honor to share this important matter with all of you…”

Flashes of camera’s started to become wild. Hindi ko alam na ang ilan sa mga nakaupo ay mga reporters.

“Tsk. Don’t know why we need to hear this,” bulong-bulong ni Crowell sa gilid ko.

Gustuhin ko man siyang bigyang-pansin, hindi ko magawa. Pakiramdam ko, hinihila ako ng mga tingin ng dalawang babae sa stage. They are both looking at me with different emotion in their eyes. Tita Selena, I am familiar with the kind of look she’s giving me dahil palaging iyon ang tingin na ibinibigay niya sa akin kapag natapos sa pakikipagtalo sa akin si Crisosmo. Laging humihingi ng pasensya while the other woman, she’s looking at me with excitement and adoration.

“De Guia and Del Rico will be one before April ends…” Crisosmo look at our way.

Wala akong naiintindihan sa sinasabi nila. Hindi ako madalas sa ganitong party dahil hindi naman ako palaging nasasama. Kung tutuusin, pang-limang party pa lang ‘to na nadaluhan ko. I guess Tita Selena win this time kasi kapag nananalo siya sa pakikipagtalo kay Crisosmo, naisasama niya ako.

“We are here to announce that our unica hija, Hollis Ilaria and the first born of Theun, Tross Ashiel is now engaged…” Crisosmo said those words like someone is winning a lottery.

The other man started to speak.
“This is not only Selena and Cris’s silver anniversary but the start of our children’s preparation for their upcoming marriage. Thank you for witnessing such important occasions in Del Rico and De Guia’s life!”

Sumabog ang nakakabinging palakpakan sa paligid. Umawang ang aking labi. Ang kamay na mahigpit ang kapit sa braso ni Crowell ay bumagsak. Gusto kong mawalan ng ulirat pero mas pinili ng utak ko na paulit-ulitin ang narinig.

De Guia’s unica hija. A Del Rico is engaged to De Guia’s unica hija. That’s not me, right?

“Crow… t-that’s n-not me…” usal ko pero sa tingin ko ay ‘di na ‘yon naiintindihan ni Crowell dahil nabalik ako sa katinuan nang makitang hinihila siya paalis ni Carden at ng isa pa nitong kaibigan.

Humakbang ako para sundan sila at tanungin kung bakit nagwawala si Crowell at bakit nila ito hinihila ngunit ang nagbigay sa akin ng sagot ay ang taong pumigil sa akin sa pagtalikod sa party. Crosson held my arm. He did not try to drag me but his eyes are telling me to stop. Umiling siya, sinasabing huwag kong gawin ano man ang naiisip ko.

“Let’s welcome the new engaged couple, Ms. Hollis Ilaria and Mr. Tross Del Rico.”

The emcee said those words in a very inviting way but I can’t feel anything but fear, disturbance and pain. I don’t understand anything! Ano ba ang nangyayari? Gusto ko magtanong pero pakiramdam ko hindi ko mahahanap ang tamang salita.

Sinubukan akong yakagin ni Crosson pero tila nag-ugat ang paa ko sa kinatatayuan. Tulala pa rin at halo-halo ang nasa isip.

“Your fiancé is approaching. Umayos ka na…” may banta sa boses ni Crosson na bahagyang nanginig.

A man from the other side of the hall started walking towards us. Malabo ang mukha niya sa paningin ko dahil sa pagtulo ng luhang ‘di ko namalayang kumawala kanina.

“Stop crying, Hollis. Don’t embarrassed yourself here.” Madiin na sabi ni Crosson habang iginigiya ako palapit sa lalaking ilang dipa na lang ang layo sa amin.

Hindi ko namalayan na umalpas na ang hikbi sa aking bibig. Iniharap ako ni Crosson sa kaniya, sapilitang pinunasan ang aking mukha nang marahan at pinagbabawalan ako sa matatalim niyang titig.

“Can we go now so we can end this?” ani isang boses na nagpabaling sa akin sa gilid.

This man… is the Del Rico they are talking about. The man I am engaged to. The kind of stares he’s giving me is penetrating my bones. Those stares are telling me that he also doesn’t like what’s happening but unlike me, he’s more compose. Mas kaya dalhin ang pagkabigla sa pangyayari habang ako, hindi pa makahuma.

Crosson lead me to him. Siya pa ang nag-angkla nang nanginginig kong kamay sa braso noong lalaki. I heard some curses from him before he started dragging me to where Crisosmo’s and his friend are.

“Ayusin mo ang sarili mo para maging madali na lang ‘to. We only need a minute to stand in front and you can leave after that…”

Hindi ako makapagsalita. Kanina pa walang salita lumalabas sa bibig ko dahil kapag ibinuka ko ang aking labi, hagulgol ang kakawala roon dahil hindi kailanman… hindi ko kailanman inasahan ang sitwasyong ‘to. Hindi ko kailanman naisip na maaring humantong sa gan’to ang kabiguan ko.

The screen in front shows us, walking towards the family who’s waiting for us. The man plastered a smile on his lips before greeting Crisosmo and Tita Selena while his family went to me. Her mother gave me a hug. His father gently tapped my back when he hugged me.

After that, Tross gave me a glass of champagne and took my hand. Tumaas ang kilay niya bago humarap sa mga guests. Tross’ father and Crisosmo raised both of their champagne.

“Toast for the newly engaged couple!” they both said in unison.

The man beside me did the same thing as what the others did but I remain looking at them with disbelief. I keep on staring at those cameras who’s flashing and keeps on taking photo of us. Hindi ba nila nakikita? Na hindi ako masaya?

I suppressed the tears that are about to flow from my eyes. I thought I am unfortunate for having a father who hates me. Yet there’s another cruel fate waiting for me.

Continue Reading

You'll Also Like

6.2K 501 36
Professor X Filipino Major Ayef Chloe Cena Rigor. 21 years old, happy go lucky, girl. A 2nd year college student na kumukuha ng kursong Bachelor of...
9.3K 151 6
( O N - G O I N G ) Note: If you're not into realistic characters, my work is not for you. °°°°° The 26-year-old model Dawn Pepper Guillermo-Gillman...
816K 8.8K 19
Chaleesi Barbara Saldivar is a damsel in distress and a family oriented who grew up in a poor family, left her hometown at a very young age and worke...
3.1M 39.3K 53
[ Hurricane Cousins : Logan Reid Rivera ] "I would buy you in any auction you will join. No matter how expensive you are, I'm going to have you." - L...