The Thousand Of Ways (Reclam...

By Bubblemiiint

844 139 0

A COLLABORATION SERIES [ONGOING] Love. Endurance. Sacrifice. This is how Aifha Saavedra feels about her love... More

Reclamation Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 2

34 6 0
By Bubblemiiint

Chapter 2

"Salamat po ng marami ," yumuko pa ako sa registrar bago ako tumalikod.

Pumunta kasi ako sa school kung saan dito naisipan ni Tita Lilian na mag aral ako sa college. Kinuha ko ang ID ko dahil sa lunes ay magsisimula na ang klase dito.

Pagkatapos kong kunin ang ID ko ay sumakay na ako ng taxi para makauwi na ako sa condo. Di rin nagtagal , nakarating na ako sa condo ko. Pagkapasok ko sa condo ko ay napaupo ako sa sofa dahil sa sobrang pagod ko.

Ipipikit ko sana ang mata ko na biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko muna yun kung sino nagtext. Napangiti ako kung sino ang nagtext sa akin.

Vinzent:

Hello Aifha ,how are you?

Me:

Okay naman ,Vinz.

Vinzent:

Condelence pala sa'yo ah?ngayon ko lang kasi nalaman ang about sa pagkamatay ng parents mo.

Me:

Thanks ,kahit papa'no nakakapag adjust naman kahit wala akong kasamang guardian.

Vinz:

Nga pala ,nakausap ko si Tita Lilian. Nasa manila ka na daw ngayon?

Me:

Oo.

Vinz:
Good! Then ,san ka mag aaral sa manila? malay mo parehas tayo ng university na papasukan!

Me:

Dream High University.

Vinz:

Sakto! parehas tayo ng pinapasukan. Pag pasukan hintayin kita ah?

Nalaman ko rin na kinuha niyang course sa college ay may connect sa business dahil siya ang magmamana sa company ng Daddy niya.

Kinabukasan ay bigla na lang ako napabangon na bigla kong nakita ang text sa'kin ni Tita Lilian na nandito na siya sa labas ng condo ko at ilang beses na daw siya nagdodoorbell. Kaya sa sobrang pagmamadali ko ay hindi na ako makatingin sa salamin kung ano na ba ang itsura ko pagkagising ko ,dahil ang iniisip ko na nandito na si Tita Lilian.

Nung binuksan ko na ang pintuan ay nakita ko si Tita Lilian na nakatayo sa tapat ng condo ko. Napakagat ako ng labi dahil baka kanina pa siya naghihintay sa'kin.

"Tita Lilian ,nandiyan ka na pala?"pilit akong ngumiti sa kanya.

"Yeah....mahigit 20 minutes na rin."she said softly.

Napakurap ang mata ko na napagtanto na bakit pa naghihintay sa labas si Tita Lilian ,gayong alam naman niya password ng condo unit ko?

"Tita Lilian ,bakit pa kayo naghihintay ng 20 minutes diyan ,kung alam niyo naman po ang password ng condo ko?"maingat na tanong ko sa kanya.

She sighed deeply ,"Well , gusto ko ikaw ang magbukas ng pintuan dahil baka pag ako nagbukas ay baka paggising mo ay pagkamalan mo pa akong magnanakaw."she chuckled softly.

Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa sinabi niya. Well ,totoo yun! dahil one time na nakatira pa ako sa Romblon ay may bigla na lang may pumasok sa kwarto ko sa sobrang pagkagulat ko ay pinaghahampas ko yung lalaking pumasok sa kwarto ko. Natigil lang yung paghahampas ko na inawat ako ni daddy na hindi magnanakaw yung pumasok sa kwarto ko kundi staff ng resort na kapapasok lang dahil may nakalimutan daw na gamit si Daddy sa kwarto ko at siya lang ang napag utusan.

"Uh sorry po ,kung ganoon!"I apologized ,"Tara po muna ,pasok na po kayo sa loob."

Pumasok naman sa loob si Tita Lilian at panay siya tingin sa kabuuan ng condo ko kaya pinagmamasdan ko siya.

"Nagustuhan mo ba yung condong napili ko sa' yo?"tanong niya sa 'kin kaya tinignan ko siya ng mariin.

I bit my lower lip ," Opo ,Tita Lilian nagustuhan ko po yung napili niyo para sa' kin. Uhm ,okay na 'to para sa' kin! dahil ako lang naman po ang nakatira dito."

Tumango siya sa sinabi ko at ibinalik niya ang tingin niya at naisipan niyang umupo sa sofa kaya sumunod ako sa kanya.

"Well Aifha ,kumusta nga pala yung school na kung saan pina enroll kita. You told me yesterday na pumunta ka na 'don para kunin ang ID mo. Nagustuhan mo ba?"tanong niya sa' kin habang diretso siya nakatingin sa' kin.

Bakit ang dami niyang tanong?

"Well ,Uh....."I trailed off ,"Nung pumunta po ako 'don ,masyado akong namamangha dahil sobrang laki po ng school na napili niyo ,well hindi na rin po masama yun para sa' kin! A-ang mahalaga lang naman po ay may mapasukan lang po ako ng school this year."

Ngumiti siya sa' kin at tumango.

"Nga po pala ,ano po bang dahilan kung bakit pumunta po kayo dito?"maingat na tanong ko sa kanya.

"Uh yun ba?"lumingon ulit siya sa' kin ,"Well ,gusto lang kita bisitahin dito dahil mahigit 2 weeks ka na simula nung umalis ka ng Romblon ,kaya ngayon lang ako nagkaroon ng free time para bisitahin ka."

Sa daming ginagawa ni Tita Lilian ay hindi niya ugali na bumisita sa' kin. Dahil para sa kanya ay mahalaga ang oras niya at yung time niya pa ay nilalaan niya pa sa mga unfinished business niya kaya nakapagtataka na nagkaroon pa siya ng time para bisitahin ako.

"Ganon po ba?"tanong ko sa kanya at tumango naman siya kaya tumahimik na ako.

"Nga pala Aifha ,"she trailed off , "May mga naiwan ka pang gamit sa resort , kaya ipapadala ko na lang kay Manong Jose yung mga naiwan mo 'don ,baka sa makawala ko ipadala sa kanya."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tita Lilian. Ano naman ang naiwan ko 'don?

"Ano pong gamit ang naiwan ko 'don?"tanong ko.

"Drawing table hija ,"sagot niya at napaawang ang labi ko. What the fuck? nakalimutan kong dalhin sa manila ang drawing table ko 'don ,"At yung mga gamit mo sa pag aaral ,nakalimutan mo atang dalhin dito sa manila."

"Pasensya na po ,nakalimutan ko po."yumuko na lang ako.

"It's okay hija."she smiled weakly."Nga pala ,nakakain ka na ba?"

Umiling ako sa sinabi niya. Alas dos ng madaling araw na kasi ako nakatulog ,dahil nanood pa ako ng mystery movies.

"Alas onse na ng tanghali. Maybe ,magluluto na lang ako ng tanghalian natin."akmang tatayo na siya na bigla ko siyang pinigilan kaya napatigil siya at lumingon sa' kin.

"Wag po!"I yelled ,"A-ako na lang po magluluto! bisita ko po kayo dito ,kaya ako na po!"

"Sigurado ka?"maingat na tanong niya
sa' kin. Ang alam kasi ni Tita Lilian ay di pa ako marunong magluto kaya ganito niya akong tanungin!

"O-opo ,pinagluto ko po sina Mommy at Daddy ng favorite dish nila 'nung anniversary po nila. Natutunan ko na po magluto ,kaya ako na lang po!"

Umiling siya kaya bumagsak ang balikat ko.

"Wag na Aifha ,ako na magluluto. Beside ,ngayon lang ako makakapagluto dahil sa sobrang busy ko ,hindi ako nagkakaroon ng time para magluto ng filipino dish ,"ngumiti siya sa' kin ,"Kaya ako na magluluto ah? dito ka na lang ,hintayin mo na lang ako."

Wala na akong nagawa kundi tumango sa sinabi niya. Tita ko pa rin siya kaya siya ang masusunod sa lahat. Although ,sabi sa' kin ni Daddy noon na super sarap daw magluto si Tita Lilian nung panahon na nilulutuan pa ni Tita Lilian si Daddy kapag galing daw sa trabaho ang kapatid niya.

First time ko lang din ata matitikman ang luto ni Tita Lilian ngayon. Titignan ko kung talagang nagsasabi si Daddy na masarap daw magluto si Tita Lilian.

Mahigit isang oras din ako naghintay bago ako tawagin ni Tita Lilian sa dining area kaya pumunta na ako dahil naluto na yung niluluto niya.

Pagpunta ko ay amoy na amoy ko ang niluto niyang lunch at natakam ako bigla dahil ang niluto niyang ngayong araw ay isa sa pinakafavorite na dish ni Daddy ang 'Afritadang baka'

"Umupo ka na Aifha ,ready na yung dish na niluto ko."sabi niya sa 'kin habang nakasuot pa rin siya ng apron. Tumango ako at umupo na. Ngayon ko lang napansin na ready na pala yung kanin dahil nasa pinggan ko na yun.

Napatingin ako kay Tita Lilian na hinubad na niya yung apron na suot niya at tumungo na siya sa dining area. Umupo siya at napatingin siya sa' kin.

"What's wrong?"she asked carefully.

Umiling ako ,"Nothing po."

"Uh okay...... tikman mo yung niluto ko ,sabihan mo sa' kin kung pasok ba sa panlasa mo."

Dahil doon ay sinimulan ko na tikman ang Afritadang baka niya ay sa pagtikim ko ,napakagat na lang ako ng labi dahil sa sobrang sarap at malambot lambot pa ang baka kaya masarap nguyain.

Di nga nagsisisi si Daddy na pinuri niya si Tita Lilian.

"Ano? okay lang ba luto ko?"she asked ,smiling.

I smiled ,"Opo ,Tita Lilian! sobrang sarap po ng luto niyo! Di nga po nagsisinungaling si Daddy na magaling po kayo magluto."

Dahil doon ay natawa siya kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

"Well ,number 1 fan ako ang Daddy mo pagdating sa pagluluto.."she sighed heavily ,nakita ko sa mata niya ang biglang pagkalungkot.

Maybe ,naaalala niya rin si Daddy. Kung ako nahihirapan sa pagkawala ng magulang ko ,siguro nahihirapan din si Tita Lilian sa sitwasyon ngayon dahil ang mahal niyang kapatid bigla na lang siya iniwan ,tapos dumagdag pa ako sa responsibilidad niya.

"Tita ,"I called her ,"I'm sorry po kung naging pabigat na po ako sa inyo. Dapat busy kayo sa mga business niyo dito sa manila ,dapat wala kayong iniintindi dahil wala ka pong asawa at anak. Pero heto po ako at inaalala niyo pa kung ano ang kalagayan ko ,kayo din nagmamanaged ng resort ni Daddy sa Romblon. Kaya pasensya na po kung sobrang ang dami niyo ng responsibilidad sa' kin."

Habang nagsasalita ako ay nakatingin lang sa' kin si Tita Lilian. Bakas sa mukha niya na pag alala.

"Aifha ,"she smiled weakly ,"Wag mong sabihin sa harapan ko na pabigat ka okay? For me ,hindi ka naging pabigat
sa' kin. Hinabilin ka ni Limuel na kung sakaling iwan ka niya ay ako daw ang mag aalaga sa' yo. Then ,tinupad ko lang ang hiling niya sa' yo."hinawakan niya ang kamay ko ,"Gusto ko maging best tita mo ,gusto ko lahat ng pangangailangan mo maibigay ko sa' yo. Dahil mahal kita ,okay? Mula na naging responsibilidad kita Aifha ,di ako naghihinayang na ikaw ang pinili ko dahil parang anak na ang turing ko sa'yo."

Dahil sa sinabi niya ay parang naiiyak ako sa haba ng speech ni Tita Lilian. Di ko ineexpect na lalalim ang samahan naming dalawa.

"Di ko po alam kung paano po kita mapapasalamatan sa lahat po ng ginagawa niyo."nahihiyang sabi ko sa kanya.

She smiled bitterly while she looking at me. Di ko alam kung anong ganti ang maibibigay ko sa kanya para sa lahat ng ginagawa niya sa' kin ngayon.

"Aifha , "she called me ,"Ang ganting maibibigay mo lang sa' kin para makapagpasalamat ka sa' kin ay makatapos ka ng pag aaral. Gusto kong makita makagraduate ka ng college at maging isang ganap ka ng architect. Yun lang."

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. Although ,swerte ako kay Tita Lilian , dahil mas iniisip niya pa ang future ko.

"I will , tita! "I honestly said ,"Pinapangako ko po sa' yo ,mag aaral ako ng mabuti at makakagraduate po ako. Sa pagbalik ko po ng Romblon ,asahan niyo pong magiging isang ganap na po akong architect na gusto niyo pong mangyari."

****

Pagkatapos naming kumain ay agad na rin nagpaalam si Tita Lilian dahil may importante daw siyang pupuntahan kaya bago siya umalis sa condo ko ay nagpaalala pa siya na wag daw ako masyadong magpuyat dahil baka makasama sa kalusugan ko kaya tumango ako bago siya umalis ng condo ko.

Dumating na ang gabi at nasa higaan na ako at nagpapaantok na ako dahil kailangan ko nga matulog ng maaga dahil para magising ako ng mas maaga dahil ayokong tanghalian na naman ng gising! Pero habang gumagawa ako ng tulog ay halos naririndi na ang tenga ko dahil sa music na napakalakas. Napabangon na lang ako sa kama ko dahil sa inis!

Wala bang tenga 'tong katabi sa condo ko?

Nagtuloy tuloy ang napakalakas kaya napatakip na lang ako ng tenga dahil sa sobrang lakas! Sa sobrang inis ko ay napatayo na lang ako at padarag kong hinampas ang pinto dahil sa inis!

Nang makalabas na ako sa kwarto ay nagdiretso na ako sa labas ng pinto para sitahin ang katabi ko sa condong 'to. Nang makalabas na ako ay naglakad ako ng dahan dahan at nang nasa tapat na ako ay di na ako nagdalawang isip na magdoorbell. Nakatatlong doorbell na ako ay wala pa ring taong nagbubukas ng pintuan.

Hindi na nakakatuwa itong ginagawa niya ah?

Wala na akong nagawa kundi kumatok ng kumatok ng malakas para buksan lang 'tong pesteng pintuan na ito! Akmang kakatok pa ako na bigla na lang bumukas ang pinto.

"Yes miss?"napatigil ako at napaawang ang labi ko na napagtantong boses ng lalaki ang narinig ko. Unti unti umangat ang tingin ko at napagtantong lalaki nga ang nasa harapan ko.

Ang kanyang gwapong mukha ang nagpatigil sa sistema ko. Ang kanyang abong mga mata ang nakakaatract sa kaniya. Napansin ko rin na nakahubad lang siya at tanging apron lang ang suot niya. His eyes twinkled twiced while he staring at me.

"What wrong miss?"natauhan na lang ako na nagsalita ulit siya kaya matalim ko siyang tinignan.

"Pwede bang hinaan mo yung music mo mister?"I raised my eyebrow ,"Baka nakalimutan mo na gabi na? Gumagawa ako ng antok pero di ako makatulog dahil sa music mo na napakalakas! Kung gusto mong magsoundtrip ng malakas ,dapat di ka na nagrent ng condo dahil may mga tao na natutulog dito. Kaya pwede ba? hinaan mo ,hindi lang ikaw ang nakatira dito mister."

Halos mapaawang ang labi niya dahil sa diretso kong pagsasalita. Wala akong pakialam kung gwapo man 'tong lalaking kaharap ko. Pumunta ako dito para sitahin siya dahil ang ingay niya.

"Uh s-sige miss ,h-hihinaan ko na.."nauutal na sabi niya habang nakatingin sa 'kin.

"Good ,ayoko sa lahat yung maiingay."matalim ko siyang tinignan.

"Uhm ,miss sor---"hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya bigla ko na lang siya tinalikuran. Dumiretso na ako sa condo ko at agad ko namang sinara ang pinto ko.

Fuck? because of him , nawala ang antok ko!

Continue Reading

You'll Also Like

37K 1.3K 28
They are the most-sought hot magnates in town with their oozing sex appeal, connections, social and political status and wealth. What most does not d...
TRUTH THEN DARE By `

Teen Fiction

41.4K 2.7K 42
COMPLETED Captivating Woman Prequel Trurth Then Dare A group of college friends who played a game called 'truth then dare'. Because of this game thei...
1.7M 96.3K 88
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
3.3K 265 13
Successful actress Ruelle has finally decided to lay down some roots. Her first step? Build a house. So, she hires the beautifully talented architect...