ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

By iirxsh

119K 1.5K 27

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... More

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB PHYSICAL BOOK

KABANATA 32

1K 21 0
By iirxsh

Kabanata 32

NAGING mabilis ang lakad ni Kelly nang maramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya. Sa ilang taon na pagtatago niya, ngayon lang muli siyang nakaramdaman ng kaba. Sayang man para sa kanya ang mag-arkila ng bangka, dahil sobrang mahal iyon. Ngunit, nagawa pa rin niyang mag-arkila para makaalis na agad doon.

Sa loob ng ilang taon na pamamalagi nila sa lugar kung saan lumaki ang magulang ni Alex o sabihin na pagtatago nilang dalawa, isa na iyon sa nakasanayan nila. Ang sumakay ng bangka, dahil iyon lang ang tanging daan para makatawid sa kabilang bahagi ng lugar. Ginagawa naman na ang daan para sa mga sasakyang panlupa ngunit sadyang matagal ang proseso.

Iyon ang isa sa kalamangan ng kabilang lugar lalo na kung ayaw mong mahanap agad ng iyong pinagtataguan. Napakaimposible na isipin nilang gugustuhin mo pang tumawid lang sa kabila, para makapagtago lang sa kanila. Kung maaari naman na sa ibang lugar ka pumunta.

Nakampante lang si Kelly nang matanaw niya na siya ay malapit na sa kabilang bahagi. Habang nasa byahe siya talagang naging malikot ang kanyang tingin kung may nakasunod ba na bangka sa kanya, laking pasasalamat niya na wala naman. Doon lamang siya nakahinga ng maluwag.

Lagi naman siyang pumupunta ng palengke kapag nauubusan na sila ng stocks sa bahay, pero sadyang may mga pangyayari talaga na hindi kailanman natin inaasahan na mangyari. Tulad na lang ngayon, ito lang muli ang unang beses na naging ganoon ang pakiramdam niya. Pinaghalong kaba at takot. Hindi niya ramdam na ligtas siya, iyong pagkakampante niya sa lugar, parang nawala. Hindi na tulad noong bago pa lamang sila, hanggang sa sumunod na mga buwan at taon.

Kanina kasi habang nasa palengke siya, habang namimili siya ng kanilang ulam dahil siya na nga ang nagboluntaryo. Para kasi sa kanya, iyon na lamang ang kaya niyang gawin para sa mga naitutulong sa kanya ni Alex. Hindi naging kampante ang kilos niya, dahil parang bawat lakad niya may nakasamid na mata sa kanya. Na kahit anong oras, pwede siyang masundan o ang masama pa doon, pwede siyang kunin.

Nang tuluyan nang makababa si Kelly at nakapagbayad. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at tinungo na niya agad ang tricycle para makauwi sa tinutuluyan nilang bahay.

PAGKABABA pa lang niya ng tricycle, tanaw na niya ang kanyang anak. Nakabukas ang pinto, at nakaupo sa maliit na upuan ang kanyang anak. Hindi na bago iyon sa kanya, dahil simula nang makapaglakad ang kanyang anak at tuwing wala siya sa bahay. Tuwing uuwi siya ganito ang kanyang nadadatnan. Iba ang kasiyahan ng kanyang puso, iyong pagod, kaba, na nararamdaman niya laging napapawi dahil isang napakapagwapong batang lalaki ang sasalubong sa kanya.

"Nanay!"

Malayo pa lang si Kelly pero rinig na niya ang pagtawag ng kanyang anak. Ramdam ang pananabik sa boses ng anak, halatang inaabangan talaga siyang dumating. Tumayo na ang bata at napangiti si Kelly nang makitang inaabot na nito ang kanyang kamay.

"Anak, may hawak pa po si nanay. Baba ko po saglit," Mahinahon na sabi ni Kelly, masunurin naman na tumango ang kanyang anak. Binaba ang kamay nito at umatras pa para mabigyan siya ng daan. Hinagkan niya iyon sa noo, bago tinungo ang kusina para ilagay ang mga pinamalengke niyang ulam nila.

Tuwing pupunta siya ng palengke, talagang dinadamihan na niya ang binibili para hindi sila panay punta lagi ng bayan kahit pa man laging tumatawid si Alex. Iyong bagay na iyon ay hindi na niya inaasa pa kay Alex dahil hapon na ang kanyang uwi, at kung hapon man siya bibili hindi na fresh pa ang mga paninda roon.

"Anak, si tata mo... nasaan?" Hindi maiwasan tanungin ni Kelly, katatapos lang niyang magpunas ng kamay at nang mabalingan niya ang anak nakatayo lang iyon sa kanyang likod.

Kanina pa niya nililibot ang paningin pero wala siyang nakitang pigura ni Alex, kanina naman noong umalis siya iniwan niya lang silang nanunuod sa sala. Imposible namang iwan ni Alex mag-isa ang kanyang anak, na hindi naman niya naisip na magagawa ni Alex.

Napaka-imposible ang bagay na iyon.

Binuhat ni Kelly ang kanyang anak. "May kausap po, nanay," Tugon sa kanya ni Riri. Nangunot naman ang noo ni Kelly. Sino naman ang kakausapin ni Alex? "Likod po nanay, nagpaalam po si tata... saglit lang daw po siya." Dagdag pa ng kanyang anak, mukhang napansin siguro ang kanyang pagtataka.

Tumango naman siya bago dumiretso sa sala. Binuksan niya ang telebisyon at nilagay sa pangbata na palabas. "Pasalubong ko po, nanay?" Tanong ng kanyang anak, nakalahad pa ang kanang kamay nito.

Napangiti naman si Kelly, hindi talaga kailanman nakakalimutan ng anak ang pasalubong nito. Iyon kasi lagi ang sinasabi niya kapag aalis, dahil hirap nga niyang maiwan si Riri. Para lang makaalis siya, kailangan niyang pangakuan iyon ng pasalubong para hindi na umiyak. "Upo ka muna, kunin ni nanay, ha." Bilin niya sa anak, ngumiti naman ang bata at tinutok na ang paningin sa telebisyon.

Nang magtungo si Kelly sa kusina, bumungad naman sa kanya si Alex at ang kasama nitong babae. Sa isip niya, siya ba ang tinutukoy ni Riri na sinasabing kausap ni Alex? Sa kanyang tansya, higit pang matanda ang babae sa kanya.

"Nakauwi ka na pala," Sambit ni Alex nang makita siya. Ang babae naman na kasama ni Alex ay ngumiti lang sa kanya, ngunit hindi niya magawang tugunan iyon. Nanatiling blangko ang kanyang reaksyon.

"Hindi, anino lang ako ni Kelly." Hindi niya maiwasan na maging sarkastiko sa puntong iyon, hindi niya mawari sa sarili kung bakit.

Dahil ba may ibang kasama si Alex na iba? Na hindi man lang sinabi sa kanya?

"Kelly!" May diin na sambit ni Alex, pinaparating nitong hindi niya nagustuhan ang inasal nito.

Hindi pinansin iyon ni Kelly at tinalikuran niya ang dalawa. Kinuha niya ang Jollibee spaghetti na siyang paborito ng kanyang anak. Tuwing lalabas sila at magkakaroon ng pagkakataon na kumain sa labas, iyon lagi ang request ng anak sa kanya.

Nang maihanda niya iyon sa plato ng anak, handa na siyang bumalik ngunit saktong pagkatalikod niya. Mukha naman ni Alex ang sumalubong sa kanya, halos mapaigtagad siya sa gulat.

Umatras si Kelly at nilibot ang kanyang tingin, hinanap ng mata niya kung nasaan iyong babaeng kanina lang na kasama ni Alex.

"Pinauwi ko na, tatawagan ko na lang depende kung anong magiging desisyon mo," Paliwanag ni Alex, mukhang nakuha niya kung ano ang hinahanap ni Kelly.

Nangunot naman ang noo ni Kelly. "Desisyon saan?"

Naglakad na si Kelly, dahil panigurado na hinahanap na ni Riri ang pasalubong nito. "Anak," Pagtawag ni Kelly sa anak.

"Bakit po, nanay?" Tugon naman ng anak, na hindi man lang siya binalingan ng tingin. Ang tingin ay nakatutok lang sa telebisyon.

"Anak," Pag-uulit niya, sa mahinahon pa rin na paraan. Ayaw niya sa lahat iyong kapag tinawag niya ang anak hindi siya binibigyan ng atensyon. Lalo na kasi nanunuod siya ng palabas sa telebisyon, mahihirapan talaga na makuha ang kanyang atensyon.

Nang humarap iyon sa kanya, nakasimangot na. "Nanay, bakit po?" Mas lalong humaba ang nguso nito.

Kinuha naman ni Alex ang pagkain na hinanda ni Kelly, at nilapitan ang bata. Pinatong niya sa lamesa ang pagkain, at pinaharap sa kanya ang bata.

"Kumain ka na lang, hindi galit si nanay... Pwede ka na manood, mag-uusap lang kami ni nanay." Tumango naman si Riri. "Salamat po, tata..." Saglit nitong binalingan ng tingin ang ina. "N-Nanay..." At tinuon na muli ang atensyon sa telebisyon habang kumakain.

Sa edad niyang tatlong taon, hindi na kailangan pang subuan siya ni Kelly tuwing kakain siya mag-isa o kapag sabay man silang tatlo. Maaga siyang natuto na kumain mag-isa, dahil hindi maitatanggi na ganado ang bata lalo na kung paborito niya ang kanyang kinakain.

Napailing na lang si Kelly, kinukunsinti na naman ni Alex ang bata. Minsan, hindi naman na nagugulat si Kelly, kung may ganoong klase ng ugali si Riri.

Mata pa nga lang, halata na. Iyong mga possible pa kayang ugali, 'di ba?

"Hindi dapat ganoon lagi!" Sabi agad ni Kelly nang medyo makalayo silang dalawa sa anak.

Pinaupo naman siya ni Alex, magkaharap na silang dalawa. "Bata pa lang naman, Kelly. Hayaan mo na," Pagsasawalang bahala ni Alex.

"Kaya nga dapat bata pa lang, hindi na sinasanay." Napairap na lang talaga si Kelly, na agad din siyang nagbawi dahil sa naalala na sinasabi ni Alex sa kanya.

"Ano nga palang desisyon ang sinasabi mo?"

Hindi naman na nagdalawang-isip pa si Alex na sabihin iyon kay Kelly.

"Ang kumuha ng yaya para magbantay kay Riri."

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
400K 20.9K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.7K 163 41
Ang Bagong Taon ay isang pangyayari na nagaganap kapag nagdiwang ang isang kultura ng katapusan ng isang taon at simula ng susunod na taon. Mayroong...