Operation: Secret Glances

By viexamour

35.3K 769 68

Operation Series #1 M I L A D A Milada's heart has belonged to Amadeus since childhood. From the shy ten-year... More

Operation: Secret Glances
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Note, Amours

Kabanata 17

777 16 2
By viexamour

Nagpasya akong pumasok sa loob ng hindi naalis ang tingin sa mga binigay niya. Pagdating ko sa kuwarto ko ay agad ko itong nilagay sa side drawer ko at nahiga na sa kama. Sigurado naman ako na magiging maayos na ang pakiramdam ko bukas. Natuyuan lang siguro ako ng pawis kahapon o kung ano pa man na dahilan kaya ako nagkasakit.

Hindi naman ako nagkamali dahil pagkagising ko ay magaan na nga ang pakiramdam ko. Tumingin ako sa wall clock at nakitang pasado alas-sais na. May orientation pa kami sa school kaya kailangan kong magmadali.

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ang mga text ni Cassie roon. Nangangamusta kung ayos na ba ang pakiramdam ko at kung makakapasok ba ako ngayon sa school.

At dahil malaya na rin naman ang school sa kung anong suotin ng istudyante ay nagsuot na lang ako ng high-waist denim pants. While my top is in a white polo crop top. I also do my hair in a messy bun. Kinuha ko sa lagayan ang white sneakers ko at ng masigurong maayos na ay inabot ko ang tote bag ko.

Pagdating sa school ay nakaabang na sa labas ng gate sila Cassie. Kumaway ako at tumili naman si Cassie na parang hindi kami nagkita kahapon.

"Okey ka na ba? Parang duda ako sa sinabi mo sa text mo, e!" kinapa niya ang noo at leeg ko. Pinagdikit niya rin ang pisngi namin para malaman niya kung normal na ba ang temperature ko sa katawan.

"See?" sabi ko.

"That's a relief! Paano ba naman kasi ay nalaman ko na lang kay Aiden na sinugod ka ni Amadeus papuntang clinic. I was with him yesterday..." ngumisi ako sa kanya.

"Bakit kayo magkasama, ha?" namula ang pisngi niya at maarteng hinampas ang braso ko.

"Issue ka na naman!" aniya sa pinaliit na boses. Arte!

"Baka mabinat ka niyan? Did you sleep well last night?" I nodded at Radin.

"Hmm, pumunta kasi sa bahay sila Amadeus kasama ang mama niya. They made a soup for me." Eksahederang tumili si Cassie.

"True ba? Ay, concern pala talaga sa'yo si Amadeus!" humalakhak kaming dalawa.

"May sakit ka kasi." Ngumuso ako sa pagsingit ni Ulrim.

"Oh, ano naman kung may sakit ako?" panghahamon ko sa kanya.

"May sakit sa... pag-a-assume!" sabay labas ng dila niya.

Mabilis akong hinawakan nila Radin at Ulrid para hindi mahabol si Ulrim. Alam nilang hahabulin ko talaga ang isang 'yon para makaganti sa kanya.

"Bitawan niyo ako at tatamaan talaga siya sa'kin!" sigaw ko sa dalawa pero mas'yadong loyal ang mga ito sa mokong na 'yon.

"Dapat na natin 'tong ipatumba, Ulrid." Ang tahimik na si Ulrid ay tumango sa sinabi ni Radin kaya nagpumiglas ako at tumili sa pagkiliti nila sa'kin.

Nanghingi ako ng saklolo kay Cassie pero nag-iwas ito ng tingin habang tinitingnan ang kanyang bagong manicure na kuko. Nakangisi ito at mukhang wala na akong pag-asa.

Gusto ko na lang matulog dahil sa sobrang boring ng orientation na ginanap sa auditorium. Plus! Nakakaantok din ang speaker. Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam no'n. Nilingon ko si Cassie na nangingiti sa phone niya. 

Sino naman ba ang ka-text nito?

Kaya pagkatapos ng orientation ay panay hikab ako at tamad na tamad na naglalakad pabalik sa classroom. Naka-kapit ako sa braso ni Cassie habang may kausap ito sa cellphone niya. I can hear their conversation but I was not in the mood to tease her. Alam kong si Aiden ang kausap niya at purong kaartehan ang naririnig ko kay Cassie. 

Akala ko ba hindi niya tipo at gusto si Aiden? Pero ganito sila kung mag-usap?

Tinatanong ko siya sa bagay na 'yon na may halong pang-aasar. Ang linyahan niya lagi ay mas'yado akong ma-issue, eh, obvious naman sa mga galawan niya. She's just in denial with her own feelings towards Aiden.

Pagkarating sa tapat ng classroom ay nakasabay namin ang grupo nila Amadeus. I smiled genuinely at him and he did the same. Napawi ang pangamba sa sistema ko sa pag-aakalang iignorahin niya ulit ako.

Naghiwalay na kami ng direksyon ni Cassie na hanggang ngayon ay ang buong atensyon ay nasa cellphone niya lang. Walang pumasok na teacher sa classroom namin kaya ang mga kaklase ko ay may kanya-kanyang ginagawa tulad ng chess game. Naglalaro ng uno cards. May mga magkarelasyon na nasa gilid at magkahawak ang kamay at marami pang iba. Nanatili naman ako sa upuan ko at nakikinig lang ng music sa cellphone.

I'm bored. That's the truth. Hindi rin naman kasi puwedeng um-absent dahil may clearance kaming kinakaharap ngayon. Tumingin ako sa unahan kung saan nakaupo si Amadeus. Angel and him are talking... again. Hindi ba sila nauubusan ng usapan at talagang balak nilang mag-usap lang buong maghapon.

Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko na huwag silang lapitan lalo't kinausap at pinansin na ulit ako ni Amadeus. Baka nagiging clingy ako sa kanya kahit wala namang kami. But I don't remember being clingy to him. Bigla na lang talaga siyang hindi namansin.

I know that he has a reason why he did it. But still, I'm thankful that he talk to me again like what we do on our normal days.

Hindi ko alam na ang tagal ko na pa lang nakatingin sa kanila kung hindi lang humarang sa harap ko si Cassie na may malaking ngisi sa labi. Tamad akong tumingala sa kanya.

"Why?" umiling siya at naghila ng isang upuan at nilagay sa tabi ko.

Napatingin kaming lahat ng may pumasok sa classroom namin. It's Aiden and the other student council. Tumayo si Angel at Amadeus para sumama sa mga iyon sa harapan. Nilingon ko ang isang singhap sa gilid. It's Cassie and her grin.

"Kaya ka ba lumipat dito kasi alam mong dadating si Aiden?" she shrugged her shoulder at hindi sinagot ang tanong ko.

They announced that we will be having a bonfire on the last week of March. Everyone is happy and I was one with them. Ang student council ang nagplano ng lahat and I can't help but to admire more Amadeus because he's the one who suggested it.

Gaganapin 'yon sa Tagaytay. And I hope that everyone of my classmates can go. Agad ko 'yon ibinalita kay Tita Kilari. Alam ko naman na papayag siya. Pero wala akong nakuhang mensahe sa kanya at isinawalang bahala ko na lang dahil baka busy sa ginagawa.

Nang mag-uwian ay hindi sa akin sumabay si Cassie. Ang tatlong lalaki naman ay hindi ko alam kung nasaan. I didn't bother to text them. Dumaan muna ako sa restroom bago tuluyang umuwi. Pagpasok ko ay nandoon si Angel sa loob. Nilibot ko ang tingin dahil baka nandito ang mga bubuyog niya. Pero wala.

She's putting a nude lipstick on her lips just to make it a natural color. Mahilig din ako sa nude lipstick at sa akin, bagay 'yon. Sa kanya... well, I have no comment with that.

"I'm gonna confessed to Amadeus on our bonfire. I'll try again if I can get a chance." Gulat ko siyang nilingon pero agad din na nakabawi.

"Bakit mo sinasabi sa'kin?" balewala kong sabi kahit ang totoo ay kinabahan ako sa sinabi niya.

"I know that Amadeus likes me. He's just in denial because of you! How stupid!" I gritted my teeth.

"How do you say that when he's not even saying anything to you? Sigurado ka bang gusto ka niya? O baka naman... assuming ka lang?" pang-uuyam ko.

"You won't know that, Milada. Ako ang halos naging kasama ni Amadues. He cared for me! He's so gentleman towards me!" I rolled my eyes.

"Is that it? Sure ka na diyan? E, 'di assuming ka nga!" humalakhak ako at kita ko ang pamumula ng kanyang mukha kasabay ng galit at irita roon.

"Hindi ako nag-a-assume, Milada! Baka naman ikaw? You always smile at Amadeus! You're like a slut!" I smirked.

"You have poor class, Angel. Iyan na lang ba ang ibabato mo sa'kin kapag nauubusan ka na ng sasabihin? That I'm a slut? A bitch? Because of me being near to Amadeus? Eh, paano kung sabihin ko sa'yo na he's gentleman and cared for me too? Ano na ngayon ang iisipin mo? Matalino ka nga pero nakakabobo ang ugali ko. Gosh, Angel! Bago-bago, ha?" sabi ko at puno sarkasmo.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking daliri. I know that her stares is like dagger that will pierce through my skin.

"I'll confessed to him!" ulit niya.

Slowly, I can see now that Angel is not really nice. Maybe to others? But I can see her evil side whenever the two of us left alone together. Masama ang ugali at mukhang gagamit pa ng pisikal na pananakit para lang magawa ang gusto. She's not what the other students see. She's worst.

"Go on, Angel. Confessed to him. Hindi kita pipigilan. Do what you wanted to do because I will not meddle with your bullshits." Sabi ko at iniwan na siya.

Lumabas ako ng restroom at doon naramdaman ang panginginig ng buong kalamnan ko. I looked brave earlier when the truth is, I'm scared of what she said. 

What if, gusto nga talaga siya ni Amadeus? What if, she confess to him, Amadeus will tell his feelings for her too?

Nanlamig ako at napatigil na sa paglalakad. I tried to figured out everything from the very beginning. Sinabi sa'kin ni Amadeus na hindi niya gusto si Angel. Pero bakit nagdududa ako? The fact that Amadeus also doing what he does to me in Angel?

"Milada..." nagulat ako sa presensya ng taong tumatakbo ngayon sa isip ko.

Nakasabit ang isang strap ng kanyang bag sa kanang balikat nito habang ang isang kamay ah nakapasok sa bulsa ng kanyang slacks.

"A-Amadeus... ikaw pala..." he nodded.

"Going home? Where's your friend?" umiling ako.

"She go home first..." matipid kong sabi.

"Any plans?" umiling ako ulit.

"Uuwi na ako ng diretso..." maliit na boses kong sabi.

"How's your feeling?" muli niyang tanong.

"Better..." nag-iwas ako ng tingin  at sa aking sapatos ito dumiretso ng direksyon.

"Good," I bit my lower lip and try to glance at him again.

"Ah... uuwi na ako..." tumango siya.

"Let's go," he said.

"H-Huh?" nagulat pa ako sa sinabi niya.

"What?" binasa ko ang labi ko at nagbaba siya ng tingin doon bago muling tumingin sa mga mata ko.

"W-Wala ka bang ibang pupuntahan? Like... ihahatid si Angel sa kanila? Or... pupunta kayo sa kung saan—"

"What are you saying, Milada?" pagputol niya sa sinasabi ko.

Madilim na ang tingin nito sa'kin at nagtiim-bagang. Napanguso ako dahil sa ang guwapo niya sa gano'ng ekspresyon. Nag-iwas ako ng tingin dahil baka mapansin niya na nagpapantasya ako sa kanya.

"A-Ah... hindi ba?" pagak akong natawa kahit wala namang nakakatawa.

"Hindi," malamig niyang sabi.

"Talaga?" paniniguro ko pa.

"Hindi ko siya kailanman hinatid sa kanila o nakasabay man lang pauwi, Milada. That's why I don't understand what you wanted to say. At hindi ang sagot ko." Nagsalubong ang kilay niya.

"Edi hindi!" umiwas ako ng tingin at mabilis na naglakad paalis doon.

Alam kong nakasunod siya sa'kin kaya nilingon ko ito. There's a small smile on his lips and looks amused too. Nang nakita niya akong nakatingin sa kanya ay tumikhim siya at inayos ang ekspresyon ng mukha. Umirap ako at mas binilisan ang paglalakad.

Nagseselos ka sa sarili mong tanong, Milada! Admit it! Magtatanong-tanong ka pero ikaw naman itong hindi kayang ma-imagine na gano'n nga ang mangyayari.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at kung hindi lang dahil nakatigil ang pedestrian lane ay baka tuloy-tuloy lang ang lakad ko. Tumapat sa gilid ko si Amadeus pero kahit naroon ang presensya niya ay masungit ko siyang hindi tiningnan. I can feel his stares pero hinding-hindi ako lilingon!

"Milada..." he said gently.

"Bakit?" sabi ko at sabay lingon sa kanya.

Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang ginawa. Sabi ko ay hindi ako titingin sa kanya! What a careless act, Milada!

He smirked and shrugged his shoulder. Humawak ito sa bag ko sa likuran at isinabay ako sa paglalakad. Go na pala at hindi ko 'yon napansin. Hindi niya binitawan ang pagkakahawak sa bag ko hanggang sa marating namin ang kabilang kalsada. Napatitig ako sa kanya. Madalas niya itong gawin.

"Bakit mo ginagawa 'yon?" hindi ko na napigilang itanong sa kanya.

"What?" inosente niyang tanong na para bang hindi niya naintindihan kung ano ang sinasabi ko.

"Bakit mo hinahawakan ang bag ko tuwing tatawid tayo sa kalsada?" tanong ko habang naglalakad na ulit kami.

"For safety..." kumunot ang noo ko.

"For what?" I asked him again.

"We don't know what will happen in the streets, Milada. I just want to hold you in case..." umawang ang labi ko dahil hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"You're so advance! And also negative! Gosh!" nabuga ko ang mahinang tawa.

Pero sa mukha niya ay mukhang hindi siya natutuwa dahil sa kunot niyang noo at iritang tingin sa akin. Napawi ang tawa ko at napatikhim.

"Sorry..." ngumuso ako ng matantong seryoso siya sa sinabi niya.

"Tsk! Don't make accident lightly. You won't know when will it come. That's why I'm advance, Milada." Napanguso ako sa sinabi niya at kalaunan ay tumango na lang.

"Ginagawa mo rin ba 'yan kay Angel?" tanong ko ng hindi siya tinitingnan.

"No," matipid niyang sabi.

"May balak ka? Kung... magkakasabay kayo? Gagawin mo rin ang ginagawa mo sa'kin?" dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya.

He looks amused again at nagpipigil pa ng ngiti. Sumimangot ako.

"Anong nginingiti mo diyan?" he smirked and shook his head.

"I'll never do that to anyone that is not you, Milada. Why are you bringin up Angel in our conversation? I thought, you don't like her?" mas lalo akong napasimangot ng hindi niya na maitago ang ngiti.

"I don't like her." Asik ko at mabilis na nilagpasan siya ng paglalakad. I heard his low chuckles while following me.

"Let's go together at our bonfire..." aniya ng tuluyan ng makasunod.

"Akala ko ba kasama niyo ang ibang student council?" tanong ko at nagawa ng makatingin sa kanya.

"Kapag papunta... sabay na tayo. I'll drive my car..." tinitigan ko siya habang nanliliit ang mata ko. "Don't worry, I have driver license and I know how to drive. You'll be safe with me."

Depensang sabi niya na para bang nagdududa ako sa kakayahan niya sa pagmamaneho ng sasakyan.

"Wala naman akong sinabi," masungit kong sabi.

"I'm advance... remember?" hindi ko siya makapaniwalang tiningnan.

"D-Did you make a joke...?" napatakip ako sa aking bibig habang nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya.

"Tss!" masungit niyang sabi at naunang maglakad sa akin.

Mas lalo akong natawa dahil mukhang nahiya siya sa sariling sinabi. I'm still laughing dahilan para mahuli ako sa paglalakad. Nilingon niya ako at tumigil sa paglalakad. He waited me kahit pa naiinis na siya mapang-asar kong tawa. This version of Amadeus is another level! I like him more for that!

Nang makarating kami sa subdivision ay patuloy pa rin kami sa pag-uusap. Natanggal na rin ang pangamba ko na baka isang araw ay hindi niya na naman ako pansinin at kausapin. I still didn't mention him about that. Gusto kong magtanong but I know that it has a right time for that. I'll just enjoy the moment with him.

"Thank you..." sabi ko ng makarating na kami sa tapat ng bahay.

"You should go in first," tumango ako.

"Ah, Amadeus..." dahil nakatingin na siya sa akin ay naagaw ko na agad ang atensyon niya. "Uhm... kapag ba nagtext ako sa'yo... magrereply ka na?"

Nakita kong natigilan siya at napaawang pa ang bibig dahil sa tinanong ko kaya agad akong bumawi ng sasabihin.

"Ah! Nevermind what I said—"

"Yes... I'll reply..." malalim ang boses niya ng sabihin iyon.

Napangiti ako at nakagat pa ang aking ibabang labi bago tumango sa kanya.

"Ah... that's great," he nodded.

"Pumasok ka na sa loob," tumango akong muli at maliit na kumaway sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Halos walang boses akong tumili at patakbong umakyat sa hagdan habang hindi nawawala ang malaking ngiti sa labi. Hanggang kinagabihan ay hindi talaga nawala ang mood ko. I'm happy that I took so many picture of myself and post it on ny Instagram. I also put IG stories just to show how much happy I am.

Almost one week had past when I noticed that Tita Kilari's last call was on month of February, today is the first month of March. It makes me worried for her. Wala akong contact ni Mr. Payton kaya hindi ko alam kung paano ko ba sila makakausap. Halos marami akong text sa kanya pero ni isa ay wala akong reply na nakuha.

Ang usapan namin noong una ay isang linggo lang silang mawawala. Not until their work on the land is hard that they needed to stay there for two weeks. Pero halos isang buwan na silang naroon and it makes me worried and nervous.

"Baka naman kasi busy talaga ang tita mo roon, Milada. Don't think bad muna," si Cassie habang hinahaplos ang likuran ko.

I cried because I can't contact Tita Kilari. Kaya napapunta rin si Cassie sa bahay dahil doon.

"Pero halos isang buwan na, Cassie! Hindi si Tita Kilari kailanman iignorahin ang tawag or text ko. Pero iba ngayon, e! Hindi ko mapigilang mag-alala!" umiyak ako.

I'm being emotional because I missed her. Ang hirap ng mag-isa rito sa bahay. At kahit pa madalas ang mga kaibigan dito. Si Tita Analyn at Amadeus ay iba pa rin kung si Tita Kilari.

"Let's just wait, baka sa sobrang busy ay hindi na nakakakuha ng pagkakataon si Tita Kilari na hawakan ang cellphone niya." Halos kanina pa ako pinapakalma ni Cassie pero hindi talaga mapanatag ang loob ko.

Kalaunan ay tumahan din ako at nanatili naman sa bahay si Cassie. She even insisted that she will over night in our house just to make sure that I'm not alone. Nagpapasalamat ako dahil doon. Tuluyan na rin nawala ang bagabag sa'kin ng kalaunan ay tumawag na nga si Tita Kilari. Once more I cried on the line habang si Tita Kilari naman ngayon ang nagpapatahan sa'kin.

[I'm sorry, Milada. Malapit na kaming umuwi, okay? Nahanap na namin ang nagbenta ng lupa, ang kaso nga lang ay nagmamatigas at ayaw sabihin kung saan niya dinala ang titulo. Don't worry, okey?]

Tumango ako sa sinabi niya.

"Can I get Mr. Payton's number? I just want to contact him kapag hindi kita na contact, Tita..." I heard her sighed.

[Hmm, I'll text you his number. Stop crying, Milada... I'll be back soon and I have something to tell you too...]

"Okay, take care, Tita... please come back soon," suminghot ako.

Narinig ko ang mahina niyang tawa sa kabilang linya.

[Yes, Milada...]

Bumaling ako sa loob ng kuwarto ko at nakitang mahimbing ang tulog ni Cassie sa aking kama. Pumasok na ako sa loob at nahiga sa kama at tuluyan ng nakatulog.

Kinabukasan ay maaga rin umalis si Cassie dahil uuwi daw ang Abuela at Abuelo niya sa kanila. She needs to be there lalo't siya at ang paborito ng mga ito. Paboritang pagalitan. Nailing na lang ako ng marinig 'yon sa kanya kanina na nagmamadaling umalis.

Nagwawalis ako sa may garden namin ng natanaw ko ang sasakyan na tumigil sa harap ng bahay nila Amadeus. Natigil ako sa pagwawalis at inabangan kung sino ang lalabas doon. Hindi naman nagtagal ay may lumabas nga at alam kong hindi siya nalalayo sa edad namin ni Amadeus. Akala ko ay mag-isa lang siya pero may lumabas pang dalawa. They are all boys.

Nanliit ang mata ko at pilit tinitingnan ang mga mukha nila pero hindi ko talaga sila makilala. This past few days ay napapansin kong palaging may tumitigil na sasakyan sa tapat ng bahay nila Amadeus.

Lumabas si Tita Analyn sa bahay at agad pinapasok ang tatlong lalaki. Maybe that's Amadeus friends or... relative?

Nang matapos sa pagwawalis ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay. I lazily sit on the sofa before scrolling on my cellphone.

Amadeus:

I'll be late later, my cousin will come in our house.

Kanina pa ang text na 'yon pero ngayon ko lang nabasa. Mabilis akong nagtipa ng mensahe sa kanya.

Milada:

Nakita ko nga na may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay niyo. 'Tsaka ayos lang, marami rin akong gagawin sa bahay :)

Hindi ko na inabangan ang reply niya sa'kin dahil tulad ng sabi niya ay alam kong magiging busy na siya roon.

Nag-crochet na lang ako para malibang sa ginagawa. At nang matapos doon ay naisipan kong mag-eksperimento ng mga lutong putahe. Hindi ko alam na nagtagal na pala ako sa kusina kaya nagulat ako ng makitang nakasandal si Amadeus sa may pader ng kusina.

"N-Nakakagulat ka naman! Kanina ka pa diyan?" tanong ko ng makabawi.

"Hindi naman..." malumanay niyang sabi at titig na titig sa akin.

"Bakit?" awkward kong tanong.

Tiningnan ko tuloy ang ayos ko dahil baka mas'yado na akong haggard dahil nagbabad ako rito sa kusina.

"You enjoyed cooking..." I slowly nod my head.

"Ah... pasensya na makalat pa kasi. Akala ko hindi ka na makakapunta rito." He shook his head.

"We have a deal," tumango ako.

Kahapon pala ay napag-usapan namin na pupunta siya rito sa bahay. I know that in the eyes of other people, it's not good to leave the boy and girl alone. Pero wala namang mali roon dahil gusto lang namin maglibang ni Amadeus. We will watch a movie in our sala. At magkukuwentuhan na rin. I think there's nothing wrong with that, right? As if naman na may gagawin kaming kakaiba na sobrang imposible naman.

"Oo nga pala..." kumamot ako sa pisngi ko.

"Are you really sure that you're going to take Engineering course in college?" ngumuso ako sa tanong niya.

"Oo..." nag-iwas ako ng tingin.

"You hate Math. You hate calculations. Are you really sure?" tumulis ang nguso ko sa tanong niya.

"Wala ka bang tiwala sa'kin? Kaya ko 'yon, 'no! Kahit wala pang tulong galing sayo!" malakas na loob kong sabi.

He hide his smile kaya mas lalo akong napanguso.

"Pwede pa naman magbago ang isip mo. May isang taon ka pa, Milada..." ngayon ay talagang nakangiti na siya.

"I can't take culinary, Amadeus..." doon napawi ang ngiti sa labi niya. "Kahit iyon talaga ang pangarap ko noon. You know... kahit gaano mo pa ka gusto ang isang bagay kapag nawalan ka na ng motibasyon at inspirasyon ay hindi mo na maiisip ang sarili mo roon. And that's what I felt on the past years I'm battling my own self." Malumanay kong sabi.

"You're inspiration was your mother. Then how about you aunt, Milada? What is she to you?" nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Wala ka bang nararamdaman?"

Natigilan ako sa tanong niya. I looked at Tita Kilari as my inspiration too. But when it comes to this situation I always looked up to my mother. My loving and kind mother.

"Iba si Tita Kilari... iba si mama, Amadeus..." ngumiti siya at parang satisfied na sa sagot ko.

Bumaling siya sa bowl na may laman na niluto ko. Nilapit niya 'yon sa kanya.

"Can I taste it?" namilog ang mata ko.

"Ah! Hindi ko pa 'yan natitikman!" pero huli na dahil nakakuha na siya ng kutsara at mabilis na sumandok doon at nilagay sa bibig niya.

Kinabahan ako dahil baka hindi kaaya-aya ang lasa no'n. Yes, maybe I'm expert when it comes to cooking but this is just my experiment and first try.

Inabangan ko ang reaksyon niya. He looked at me kaya napaayos ako ng tayo.

"A-Ano?" kabado kong tanong.

"Masarap..." mabilis kong kinuha ang kutsara sa kanya at natarantang tinikman ang luto ko sa harap niya.

Tama siya. Masarap nga pero nakakahiya pa rin na kung sakaling hindi nga kaaya-aya ang lasa no'n.

Natigil lang ako ng matingnan ang kutsara. Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong ginamit ko ang kutsarang ginamit niya. Tiningnan ko siya at naabutang ganun din ito. Bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya mabilis akong uminom ng tubig pero nasamid lang din dahil sa katangahan.

Naramdaman kong mabilis na tumayo si Amadeus dahil sa tunog ng upuan. He caressed my back while I'm still coughing because of the water.

Nilingon ko siya at halos maduling ako sa lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Nasa gilid ko siya habang ang kanyang isang kamay ay nasa likod ko at tinatapik 'yon. At ang isang kamay naman ay nakahawak sa braso ko. Nagkatitigan kaming dalawa at halos palipat-lipat ang tingin ko sa pares ng kanyang mata.

Nagbaba ang tingin niya sa labi ko. I unconsciously licked my lips at lalong nagdilim ang tingin niya sa ginawa ko. Mabigat ang hininga naming dalawa at halos nanigas na ako sa kinatatayuan dahil sa posisyo namin.

Lumapit ang mukha niya sa'kin at tuluyan na akong napapikit. He will kiss me?! Is he?! Are we gonna kiss?!

"Milada? Amadeus?"

Mabilis akong napadilat. Gulat sa nangyari na kahit si Amadeus ay bakas din ang gulat. Malakas ko siyang natulak palayo sa akin. At hindi ko alam kung talagang malakas ba ang tulak ko dahil mukhang nanghihina si Amadeus at nakatitig pa rin sa akin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at ramdam ko ang pamumula at pag-iinit ng buong mukha ko. Is he really going to kiss me or I just assumed it? But I know! 

His face is just inches away from me! Inilapit niya talaga ang mukha niya at kung walang tumawag sa amin ay baka nga napunta 'yon sa paglapat ng mga labi namin.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
952K 15K 22
Nagkamali at muntikan na silang mawala sa akin. Tinanggap ko ang pagkakamaling iyon, at gagawin ang lahat para makuhang muli ang tiwala at pag-ibig n...