The Jealousy of A Godmother [...

By _alvarmiex

204K 7K 1.6K

Written from a third-person point of view Book Cover Inspo credit to @_swtzl_ __ "Paglaki ko, Gusto kong paka... More

𝘛𝘩𝘦 𝘑𝘦𝘢𝘭𝘰𝘶𝘴𝘺 𝘰𝘧 𝘢 𝘎𝘰𝘥𝘮𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳
𝘛𝘑𝘖𝘈𝘎𝘔'𝘴 𝘊𝘩𝘢𝘳𝘢𝘤𝘵𝘦𝘳𝘴
𝘗𝘳𝘰𝘭𝘰𝘨𝘶𝘦
𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘐
𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘐𝘐
𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘐𝘝
𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘝
𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘝𝘐
𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘝𝘐𝘐
𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘝𝘐𝘐𝘐
𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘐𝘟
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FOURTY
EPILOGUE
AFTERWORDS

𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘐𝘐𝘐

7.7K 289 25
By _alvarmiex

Habang nagsisikainan sa bahay nila Calix, nasa may puno ng manga ang dalawa at tahimik. Nakatingin lang si Calix sa kalangitan habang nginunguya ng dalaga ang turon nito.

"Leng" Tawag ni Calix sa palayaw ng dalaga kaya napatingin sa kaniya si Blaine.

"Bakit?"

"Bilhan mo nga ako ng gin" utos niya kaya napatigil sa pagnguya ang dalaga at ngumiwi.

*'yung GIN ay 'yung alak na madalas mabili sa mga tindahan haha. Sa case ni Calix, 'yung bilog 'yung tinutukoy niya

"Ha? Bakit naman kita bibilhan, naubos mo na nga 'yung isang bote" Pagtangi nito kaya siya nilingon ni Calix at ngumuso.

"Sige na kasi" Parang batang sabi ni Calix kaya nabigla ang dalaga. Dahil sa pagkagulat ay nagiwas siya ng tingin at napatakip siya sa kaniyang labi gamit ang palad nito.

'Owshit, Huwag kang mangbibigla nang ganun ganun. Tangina, hindi ako nakahanda! Baka mas lalo akong mahulog, hindi ko kakayaning ipagpatuloy ang plano ko' Mura ng dalaga habang namumula ang kaniyang pisngi. Hindi na nga niya manguya nang tama ang kinakain niyang turon ay muntikan pa siyang mabulunan dahil sa ginawa ni Calix.

Maya maya naramdaman niya na may tila tumutusok na bagay sa gilid ng tyan nito.

"Sige na leng... Isang bote lang naman e" pilit ni Calix habang nakahawak sa kahoy na pinantutusok nito sa tyan ng dalaga.

"A-aray. Huwag mo nga akong tusukin dyan, may kiliti ako riyan pero masakit"

"Ayaw mo akong bilhan e"

"H-ha? E bakit naman kita bibilhan."

"Kita mo? Bilhan mo na ako"

"A-aray, ninang naman. Tumigil ka na nga para kang bata niyan e" Natigilan si Calix nang sabihin iyon ng dalaga saka sila nagkatitigan.

"Bakit? Sa tingin mo ba matanda na ako? Kamukha ko na ba si mama para masabi mo 'yan!" Naiinis na sigaw nito

"H-ha? Hindi 'yun no! A-ano bang pumapasok sa isip mo, ninang? Hindi ka matanda, b-bata kapa at maganda pa!" natatarantang sagot ng dalaga kaya nung napagtanto niya ang kaniyang mga sinabi namula ito at napatakip na naman sa kaniyang bibig.

Nakatingin lang sa kaniya si Calix. Lumipas ang ilang segundo, tila namula nang bahagya ang pisngi ni Calix kaya siya suminghal at nagiwas ng tingin.

"Tsk. Bilhan mo na nga lang ako ng alak" pagbabalik nito sa usapan nila saka ibinato ang kahoy na hawak niya sa kung saan.

"Teka ka nga, kailangan mo pa ba ng alak? Parang lasing ka naman na ngayon–––"

"Hindi ko 'yun kailangan para maglasing. Bilhan mo na lang ako pwede? Mahirap bang pumunta ng tindihan, ha?" Naiinis na putol ni Calix sa dalaga saka sila nabalot ng bahagyang katahimikan.

'I can ask you the same thing' Ani ng dalaga sa kaniyang isipan. "Ayaw ko nga" pagtatanggi pa rin nito kaya nagsalubong ang mga kilay ni Calix.

"Tangina–––ako magbabayad, okay? Nakakahiya---"

"Hindi naman 'yun 'yung problema e. Kahit bilhan pa kita ng sampong bote, hindi na ako bata may sarili na akong pera" Akmang kukuha na ng pera si Calix sa bulsa nito nang sabihin iyon ng dalaga. Natigilan siya saka napalingon kay Blaine.

"e ano?"

"Baka mas malasing ka"

" 'yun lang?Ayos lang yun"

"Ha? Anong ayos lan---"

"Leng, please! Bilhan mo na lang ako, pinapahaba mo usapan." sagutan nila kaya nagiwas ng tingin si Calix para kunin ang pera nito sa kaniyang bulsa. Nang nakuha na niya iyon, binilang niya ang pera saka inabot sa dalaga."ito, bumili ka na" utos niya habang inaabot parin kay Blaine.

".....sabihin mo muna bakit gusto mong uminom" saad ng dalaga.

Dahil dito, natigilan si Calix at naibaba nito ang kaniyang kamay sa damuhan.

"...Ayaw ko"

"'di ayaw din kitang bilhan"

"Anak ng palaka naman---" Kusang natigilan si Calix saka siya pumikit at suminghal. Nang dumilat ito ngumiti siya saka iniangat ang kamay niyang may pera. "Bilhan mo ako, Tapos sasabihin ko sa'yo" Nakangiti nitong pakikipagnegosyo. Tinignan lang siya ng dalaga saka hindi nagtagal ay kinuha ang pera kay Calix.

"Sige, pero siguraduhin mo ha? Sasabihin mo ha? Kapag hindi, itatapon ko talaga ang bibilhin kong alak" pagbabanta nito saka tumayo. tumango naman si Calix. "Huwag mong ubusin 'yang turon ha? Nakakadalawa pa lang ako" Paalala pa nito kaya siya sininghalan ng kaniyang ninang.

"Hindi ako gahamang tulad mo, anak" agad na tinignan ni Blaine si Calix nang masama dahil sa 'anak' nitong sabi.

"Huwag mo ako tawaging Anak!" Pagsigaw ng dalaga. Naiukit naman ang ngiti sa labi ng kaniyang ninang kaya siya nagpatuloy sa paglalakad.

Bumili ito ng isang bote saka bumalik kung saan si Calix. Nadatnan niyang nakatingin ang ninang nito sa kalangitan habang nginunguya ang hotdog. Lumapit siya saka tinanggal ang takip ng bote at ibinigay iyon kay Calix.

"Sabihin mo na----uy teka, anong ginagawa mo?!"  Nagulat ang dalaga nang lumapit si Calix kesa kunin ang boteng inaabot nito.

"Tatabi sa'yo, ano pa ba?" Sagot naman ni Calix saka tumabi sa dalaga at kinuha ang bote ng gin sa kamay ni Blaine. "Para kang tanga, umayos ka nga" dagdag pa nito saka uminom mula sa bote at kumuha ng turon sa plato malapit sa kaniya. Isinubo niya iyon sa bibig ng dalaga saka ulit siya kumuha ng isa kinagatan.

Hindi napansin ni Calix ang pamumula ng pisngi ni Blaine.

"H-huwag mo ngang isubo 'yung buong turon sa bibig ko. Ano ako, buwaya?" Reklamo ng dalaga saka hinawakan ang isinubo ni Calix sa kaniya.

"Bakit, hindi ba? " Pambabara naman sa kaniya ni Calix.

"Ha? At paano ako naging buwaya? Sabihin mo nga!"

"Ano pa? Dahil gahaman ka---"

"Aba!? Ako gahaman? Pesteng yawa " Agad pinisil ni blaine ang pisngi ni Calix kaya napatingin sa kaniya ang kaniyang ninang na akmang iinom kanina ng alak

"Hindi ako makainom ng alak, Leng---"

"Bawiin mo 'yung sinabi mo"

"Ayaw ko nga. Bitiwan mo nga 'tong pisngi ko---"

"Bawiin mo muna sinabi mo"

"Ayaw ko"

"Bawiin mo na, dadalawahin ko 'to"

"Ayaw ko"Pagmamatigas ni Calix habang napipisil parin ang kaniyang pisngi. Tinatago naman ng dalaga ang ngiti nito at saya dahil sa kakyutan ni Calix.

"Talaga a? Ayaw mo? 'di dalawahin na'tin" pinisil ng dalaga ang isa pang pisngi ni Calix dahilan para magkaharap sila ng mga mukha.

"Aray! Tangina---bitiwan mo nga mga pisngi ko, leng! Hindi ako makainom" pagrereklamo ni Calix habang sinusubukang tunggain ang bote pero hindi talaga kaya.

'Hayop, Paginom pa talaga ang pinoproblema mo e no? Bakit hindi mo muna unahin ang itsura mo?' Hindi makapaniwalang tanong ni Blaine sa kaniyang isipan habang nakatingin sa mukha ni calix. "Bawiin mo muna kasi---"

"Manigas ka."agad na pagmamatigas ni Calix.

"Aba, sige ka. Papangit ka kapag tatagalan ko pa 'tong pagpisil sa mga pisngi mo"

"Tapos? Dapat na ba akong matakot?"

"Wala kang pakialam kung papangit ka?"

"Wala. Ayos lang 'yan. Wala ka namang gusto na sa akin kaya hindi na 'yan importante" Kulitan nila saka naistatwa ang dalaga dahil sa huling sinabi ni Calix.

"H-ha? Anong sabi mo?"

"Wala---"

"Hindi meron e. Ulitin mo nga---"

"Manigas ka"

"Calix naman---"

"Bitiwan mo muna pisngi ko"

"Ulitin mo muna"

"Manigas ka muna"

"Peste naman oh, teka may gusto kaba sa akin?"

"Ha? Huwag ka ngang assuming. Mahiya ka sa balat mo!"

"Pero sinabi mo---"

"Hindi mo lang naintindihan 'yun"

"E bakit ayaw mong ulitin"

"Dahil nakalimutan ko na ang mga sinabi ko"

"Tang---" Kusang natigilan si Blaine kahit sobra na siyang naiinis pero hindi parin niya hinihinto ang pagpisil sa pisngi ni Calix. Napaiwas siya ng tingin para maitago ang inis nito. "Hayop... Halikan kita dyan e" Bulong ni Blaine

"Bakit hindi mo gawin?" Rinig naman niyang savi ni Calix kaya niya ito tinignan at nakita niyang nakangisi ang kaniyang ninang.

"H-ha? A-anong sabi mo?" Nauutal nitong tanong kaya siya siningahalan ni Calix.

Hinawakan ni Calix ang kamay ng dalaga sabay ngisi. "Sabi ko, bakit hindi mo gawin?" Nakangiti niyang sabi na siyang ikinapula ng pisngi ni Blaine.

Biglang nanghina ang mga kamay ng dalaga kaya nabitiwan niya ang mga pisngi ng kaniyang ninang. "L-lasing ka na ata" Nauutal nitong sabi pero hindi nawala ang ngiti sa labi ni Calix. Ibinaba nito ang bote sa damuhan saka umiling iling.

"Kaya pa naman" Saad nito at inilapit ang mukha niya sa mukha ng dalaga dahilan para mapaatras ito. Sinundan naman siya ni Calix hanggang sa mapasandal na ang dalaga sa kahoy ng mangga at ilang sentimetro na lang ang layo ng mukha ni Calix sa mukha nito.

"N-ninang..."

"Hindi ba't sabi mong gusto mo akong halikan? Bakit para kang takot dyan? Unang beses mo ba? Haha, bata ka pa talaga" Tawa sa kaniya ni Calix kaya ito napayuko dahil totoo ang kaniyang mga sinabi.

Naramdaman nito ang kamay ni Calix sa kaniyang baba na nag-angat sa kaniyang ulo para magtapat ang kanilang mga mukha. Nagulat ang dalaga nang sobrang lapit ng mga tungki ng kanilang mga ilong.

"C-calix"

"Shhhh.. Wala namang makakalam e" Idinampi ni Calix ang daliri nito sa labi ni Blaine para manahimik na ito saka niya mas lalong inilapit ang mukha nito sa dalaga.

Agad napapikit si Blaine nang tanggalin ni Calix ang daliri nito sa labi ng dalaga.

'OwShit!! Hindi ko inaasang ganito ang mangyayari sa unang beses kong mahahalikan ang isang tao. Patawarin mo ako lord pero hindi ko siya kayang pigilan. Alam kong lasing siya pero baka it's a sign na gusto niya rin ako??' Ani ng dalaga sa isipan nito habang hinihintay niyang halikan siya ni Calix. 'Ayan na.. Ayan na... Ayan na..' halatang nasasabik nitong saad sa kaniyang isipan habang nakapikit pa rin.

"Leng" Rinig niyang bulong ni Calix kaya ito napangiti.

"Bakit?" Saad nito kaya niya naramdaman ang hininga ni Calix sa kaniyang tainga.

"Akala koba may nobya ka, bakit hinihintay mo ngayong halikan ka ng ninang mo?" Tanong ni Calix at agad napadilat si Blaine. Pagkadilat nito tumambad sa kaniya ang ngingisingising si Calix.

"What the heck!?" Agad namula ang buong mukha nito at naitulak papalayo si Calix. "You tricked me!!" sigaw niya habang nagaayos na ng upo si Calix at natatawa.

"Yeah, and you lied" saad naman ni Calix saka kinuha niya ang bote ng alak sa gilid nito at uminom doon. Nagayos naman si Blaine ng sarili habang sobrang nahihiya na

"I-i didn't---"

"Tsk. Maniwala"

"Hindi naman talaga e, m-may nobya kaya ako"

"Talaga? patunayan mo nga" Natigilan si Blaine nang sabihin 'yun ni Calix. Nakaramdam siya ng konsensya at kaunting pagsisisi sa mga sinabi niya.

"Patunayan? Bakit? Hindi kaba naniniwala na may gusto na akong iba?" Tanong nito at halatang iniiba ang usapan nila. Nilingon naman siya ni Calix na may ngisi.

"Malamang, gusto mo pa nga akong halikan e, paano ako maniniwala?" mas namula ang mukha ni Blaine nang sabihin iyon ni Calix saka siya napaiwas ng tingin.

'.... she's teasing me!!!!' Halatang kinikilig na hindi ang dalaga. Huminga ito ng malalim para mawala nang kaunti ang lakas ng pagpintig ng puso nito. Nang maayos na siya, nilingon niya ulit si Calix.

"Sige ba... Ayaw mong maniwala? Patutunayan ko talaga. Hindi lang naman ikaw ang babaeng maganda e no" Saad nito na parang iniinis si Calix

"Tama ka pero...ako lang naman ang magandang babaeng nangbighani sa'yo ng ilang taon, no? Sino kaya nakatapat sa akin? Gusto kong malaman..." Biglang natamaan si Blaine nang sabihin iyon ni Calix kaya siya natahimik at napangiti naman ang kaniyang ninang

"Putangina..." Bulong nito 'Saan ako makakahanap ng jowa, ha!? Anong bang pinasukan mo Blaine!! ' Sigaw nito sa kaniyang sarili saka tinignan si Calix na nakatingin din sa kaniya. 'Umamin ka na lang kasing may gusto ka sa akin para matigil na 'to' Naiinis na saad ng dalaga habang nakangiti sa kaniya si Calix.

'Hindi ko alam plinapano mo pero hindi ako mahuhulog sa kahit na anong bitag mo, leng. Umamin ka na lang na wala kang jowa, pinapahirapan mo lang sarili mo e' Saad naman ni Calix sa sarili nitong isipa .

'Fine... Maghahanap ako ng jowa at sinasabi ko sa'yong magseselos karin... ' Ani ni Blaine saka suminghal at nagiwas ng tingin. Napangiwi naman si Calix dahil sa inakto ng dalaga

'Para kang tanga...' Saad nito saka pumalumbaba at nagiwas din ng tingin. 'Muntikan kona pala siyang halikan kanina...'. Idinampi ni Calix ang kaniyang darili sa sarili niyang labi. 'Right. If i kissed her... That would be my first kiss too' Dagdag pa nito saka napangiti. 'Tanga ko'

Continue Reading

You'll Also Like

137K 3.1K 40
I really I adore her. Pero sa sobrang pagkagusto ko sakanya sobrang nasasaktan ako na kahit kailan hindi nya ko magugustuhan. I'm Kate Savion Ang bab...
7.7M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
231K 6.2K 32
Si Kai Angel ay isang medical student na halos perpekto dahil sa taglay nito kagandahan, katalinuhan, kayamanan, na halos lahat ay nasa kanya na ngun...
111K 3.8K 42
Completed Mature content | SPG | R-18 | Girls Love🔞 What happens when Lucienne agrees to Yana's proposal to pretend as her 'wife'? Lucienne finds he...