Tangled Hearts

By MsSky05

2K 45 6

Samantha Elise Garcia is a career woman and still not over her ex-girlfriend, Ashley who recently got married... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty

Chapter Twenty-Seven

47 0 0
By MsSky05

Sam

Were here sa Australia at last country na ng world tour nila Mia bago sila bumalik ng US.

"Ash, gutom na ako" I said habang nakaupo dito sa sofa sa tinutuluyan namin.

"Mag-antay ka, kung hindi ka maharot kagabi hindi tayo tatanghaliin ng gising" Masungit na sabi n'ya sa akin habang nagluluto ng almusal namin.

"Yeah she is right, napaka ingay mo kagabi Sam" Dagdag ni Mia na nasa tabi ko at gutom na rin.

"I'll help you na kasi sa pagluluto" Protesta ko sakanya.

"Nope, ni hindi ka nga makatayo kanina, not gonna happen" I sigh in defeat, well totoo naman, nanghihina ang mga tuhod ko kaninang umaga dahil nahulog ako sa kama kagabi sa kakulitan ko.

"So ano na plano mo Mia, patapos na world tour n'yo" Tanong ko sakanya.

"Papahinga muna kami, three months rest muna. Pero for me its not a rest, I have new endorsements and photoshoots that I have to attend to" Tumango naman ako sakanya.

"Oo nga pala, Abby and Marie will fly here sa Australia, dito sila magpapakasal. So anytime this month darating na sila" Yes, ikakasal na ang best friend ko sa mahal n'ya. I'm just so happy for her, finally after all the on and off status nila sila pa rin hanggang dulo.

"Oh shoot! I need to tell that to my manager, I forgot their wedding!" Naiinis na sabi ni Mia at tumayo na nagtungo sa kwarto n'ya.

After breakfast umalis na si Mia, magrerehearse na naman sila for the show tonight. Kaya naman kaming dalawa lang na naman ni Ashley ang naiwan dito.

"Ash, I'm going out, maglalakad lakad, sama ka?" Umiling lang s'ya sa akin habang nakatitig sa TV, nanonood na naman s'ya.

Hinayaan ko na s'ya at ayaw na ayaw n'yang naiistorbo kapag ganyan s'ya na nanonood ng paborito n'yang palabas.

Kinuha ko ang hoodie ko, wallet, headphones at cellphone ko.

Tamad ako maglakad sa totoo lang. Pero isa ito sa mga naging escape ko kapag malungkot ako, kapag nalulunod ako sa mga nasa isip ko. Kapag naiisip ko si Pia.

First year na umalis kami sa Pinas ay sobrang naging mahirap sa akin, lalo na kay Ashley at Mia.

Madalas nila akong madatnan na lasing na lasing sa bahay namin, muntik na rin akong maaksidente sa gaguhan ko. Lasing na lasing ako, at tumawid ako on a green light, mabuti na lang at hindi ako nabangga. Ashley and Mia is fuming mad at me at that time. Kung pwede lang nila akong patayin that time ginawa na nila.

I am so thankful kay Ashley, she never left. She would go to me right away kahit na may trabaho s'ya, kahit sobrang busy n'ya sa meetings and all. There is a time pa nga muntik na mawala ang trabaho n'ya sakanya dahil sa akin.

Kahit si Mia, she sometimes ditch her rehearsals or go straight home just to take care of me. Hindi ko nga alam kung paanong nakayanan ng atay ko ang tatlong buwan na puro alak lang ang iniinom ko, parang naging tubig ko na ang alak.

Pinuntahan pa ako ni mom sa US just to scold me, and what she told me really changes everything.

Flashback...

Napakasakit ng ulo ko, galing ako sa inuman kagabi at hindi ko na alam paano ako nakauwi o anong oras ako nakauwi.

Babangon na ako nung biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at niluwa nito ang nanay ko.

"Mom? Anong ginagawa n'yo dito?" Gulat na tanong ko sakanya.

Hindi n'ya ako pinansin, pumasok lang s'ya na may dalang pagkain at nilapag ito sa kama.

"Hindi ka pa daw kumakain sabi ni Ashley" Malumanay na sabi n'ya sa akin.

"Halika anak kain ka muna" Tinitigan ko lang s'ya sa bawat kilos n'ya.

The moment our eyes met mas lalong nadurog ang puso ko. I can see sadness in her eyes, kita ko rin ang pag-aalala n'ya sa akin, kita ko ang sakit sa mga mata n'ya.

"Ma..." As soon as I said those my mom hugged me, and lahat ng sakit biglang bumuhos sa akin.

"Ma ang sakit sakit" I said in between my sobs habang yakap ko s'ya. "Ma bakit? Bakit ganito?" I never heard anything from her, but her hug and how she caress my back is all I need. Not her words, just the hug that I needed the most.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakatayo at magkayakap ng nanay ko, pero as time goes by gumagaan ang pakiramdam ko.

"Kain na anak, niluto ko paborito mong bulalo" Sabi n'ya sa akin at tumango naman ako, pinunasan n'ya ang mga luha ko at hinalikan ako sa ulo.

"Ma" Tawag ko sakanya, andito kami sa sala at nanonood ng kung ano sa TV.

"Hmm" Sagot n'ya sa akin.

"Ma I'm sorry" My voice is shaky, ang mga luha ko namumuo na naman.

"Ayos lang anak" Sabi n'ya at hinawakan ang mga kamay ko.

"Ma, anong mali sa akin?" Umiling s'ya sa akin.

"Walang mali anak, pero..." Tiningnan ko s'ya sa mga mata n'ya.

"Ang mali lang anak ay 'yung ginagawa mo ngayon sa sarili mo" Napayuko ako sa sinabi n'ya, tama naman s'ya, maling mali ang ginagawa ko.

"Walang masamang umiyak, mag-inom, magkulong, lumayo. Lahat 'yan nararamdaman mo anak, 'wag mong ibalewala. Pero ang mali lang anak nilulunod mo ang sarili mo sa alak, hindi ka kumakain, hindi ka nakakatulog ng sapat" Ngumiti s'ya bago muling nagsalita.

"Alam mong suportado ka namin ni papa mo, ng mga kaibigan mo. Pero anak hindi naman mawawala 'yung sakit sa pag-inom mo ng alak, makakalimot ka pero panandalian lang. Mahal mo si Pia hindi ba?" Tumango ako sakanya.

"Kung mahal mo s'ya anak aayusin mo ang sarili mo, bubuoin mo ang sarili mo. Para kapag dumating ang panahon na magkrus ulit ang landas n'yo buo ka na, handa ka na. Tandaan mo anak, hindi ka maaaring magmahal kung ikaw mismo hindi mo mahal ang sarili mo. Ikaw muna anak, ikaw muna ang ayusin mo bago 'yung sa inyo"

End of flashback...

After that day nagbago ang lahat, I opened another shop sa Cali and focused myself doon.

Ashley and Mia did not give me any earful scolding, what I got instead is love, they cook for me, take me out for dinner, lunch, movies, they even helped me open my shop.

I am so grateful for the two of them, siguro kung wala sila hindi ako makakaahon ng ganito.

Naputol ang pag-iisip ko nung may nabunggo akong bata.

"Oh sorry, are you okay?" I said at napaupo 'yung bata, tumango lang s'ya sa akin bilang sagot, tinulungan ko s'yang makatayo at natulala ako nung makita ko ang mga mata n'ya, just like her eyes.

"Sophie!" Napalingon ako sa kung saan nanggagaling ang boses at halos mapako na ako sa kinatatayuan ko.

"Baby, I told you no running right? Are you okay?" Pinagmamasdan ko lang s'ya. Hindi n'ya siguro ako napansin dahil nakasuot ang hood sa ulo ko at oversized ito.

"Yes mom" Mom? So anak pala n'ya. Napangiti na lang ako ng mapait.

"I'm sorry I--" Hindi n'ya natapos ang pagsasalita n'ya nung makilala n'ya ako.

"Hi" Bati ko sakanya at tinanggal ang hood sa ulo ko.

"He-hello" I can hear nervousness in her voice, I wanted to smile, she didn't changed a bit. Same old Pia.

"How are you?"

"I'm fine, sorry pala nabunggo ka ni Sophie" I just nod at nakita kong ang dami n'yang bitbit.

"Tulungan na kita" She shook her head.

"Come on, saan ka nakapark, ihahatid ko kayo"

"Ayos lang, d'yan lang kami nakatira" I followed her gaze at nagulat ako. Its just the building next to ours.

"Wow, what a small world, doon lang ako sa katabing building" Kita ko ang gulat sa mga mata n'ya, just like before. I remember the first day na nagkakilala kami.

Kinuha ko na ang mga pinamili n'ya at nagsimula na maglakad.

Naramdaman ko naman na nakahinto lang s'ya sa likod ko kaya naman nilingon ko s'ya.

Huminga s'ya ng malalim bago binuhat 'yung anak n'ya at sumunod sa akin.

Tahimik lang kaming naglalakad, magkasabay. Just like what I imagined our life would be. Napangiti na lang ako sa naiisip ko, kasi alam kong hindi na mangyayari pa 'yun.

"Dito na lang kami Sam" Tumango naman ako at hinintay na buksan n'ya ang pinto bago ako umalis.

"Daddy!" Sigaw nung bata pagkabukas ng pinto, yumuko na lang ako. Hindi ko kayang makita kung sino ang ama ng anak n'ya. Hindi pa.

"Salamat Sam, pasok ka muna"

"Hindi na, baka nag-aantay na--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung magsalita ang lalake.

"Hi I'm Paulo, pasok ka muna" Aya nung lalake kaya naman wala na akong nagawa kundi pumasok na lang din.

"Upo ka muna, asikasuhin ko lang si Sophie" Sabi ni Pia sa akin.

Katulad ng condo n'ya noon, simple lang ito, malinis, and homey ang dating.

"Heto juice, inom ka muna" Alok sa akin ni Paulo, tinanggap ko naman ito at ininom.

"Pia asikasuhin mo muna bisita mo, ako na kay Sophie" Sabi ni Paulo at umalis na sa harap ko.

"Ah hindi na ako magtatagal Pia, salamat" Sabi ko sakanya at tumayo na.

"Dito ka na maglunch, magluluto si Pia. Bihira na lang magluto 'yan" - Paulo

"Rain check? Someone's waiting for me" Nahihiyang pagtanggi ko.

"I see, maybe next time?" I just nod at him.

"Hatid na kita" - Pia

"Its nice to see you again Pia" Sabi ko sakanya habang pababa kami ng building nila.

"Thank you sa pagtulong, ang likot kasi ni Sophie eh"

"No biggie, sige na balik ka na, baka inaantay ka na ng anak mo" Kita ko naman ang pagkunot ng noo n'ya sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko?

Tiningnan n'ya lang ako at halatang nagpipigil ng tawa. Anong nakakatawa doon? Tinitigan ko lang s'ya at nakita ko naman na nabasa n'ya ang nasa isip ko.

"Hindi ko s'ya anak, anak s'ya ni Paulo, bunsong kapatid ko" Kapatid n'ya si Paulo?

Gago nakakahiya, akala ko talaga anak n'ya.

"Akala ko--" Umiling lang s'ya na natatawa.

"Silly, sige na baka inaantay ka na sa inyo" Ngumiti ako sakanya. Nakakahiya!

"Pia..."

"Hmm?"

"Last day ng show ni Mia tonight, kung wala kang gagawin invite sana kita" I saw her smile a bit, and with that I am hoping na sana pumayag s'ya.

"I'll ask Paulo muna, wala kasi maiiwan kela Samara, wala kasi asawa n'ya walang magbabantay"

"Maiiwan?" Akala ko ba girlfriend n'ya si Samara?

Nakita ko naman na natawa na naman s'ya, siguro halata na naman sa mukha ko na gulong gulo na ako.

"Si Samara 'yung panganay ni Paulo, si Sophie 'yung bunso. Gets na?" Tatawa tawang sabi ni Pia.

Napangiti na lang ako at napayuko sa hiya.

So single pa rin s'ya? Wala s'yang anak?

-------
Almost at the end.

Hopefully you are still reading.

Yanyan

Continue Reading

You'll Also Like

2M 34.2K 63
"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? Ho...
1.8M 55.9K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
53.3K 1.8K 36
If there someone who can call a looser sya yun,dahil galing sa bigong relasyon, di na tuloy na kasal at higit sa lahat bigo nang napiling mahalin tha...