Opposite Lovers [COMPLETED]

By Haneunki

127K 3.3K 27

What comes first in your mind kapag sinabi ko ang salitang "NERDING PROBINSYANA"! Inosente! Bisaya! Cheap! No... More

Chapter 1 *MY PROVINCE*
Chapter 2 * MAYNILA HERE I COME*
Chapter 3 * GOOD OR BAD*
Chapter 4 * GRRRR..*
Chapter 5 *MEET HIM*
Chapter 6 * FORGOTTEN*
Chapter 7 *SORRY*
Chapter 8 *I HATE HIM*
Chapter 9 *MOODY*
Chapter 10 *FIRST DAY 1*
Chapter 11 *FIRST DAY 2*
Chapter 12 *MY CHILDHOOD SWEETHEART*
Chapter 13 *ALLERGIC*
Chapter 14 *NO CHOICE*
Chapter 15 *NOSEBLEED*
Chapter 16 *THE PAST*
Chapter 17 *AGAINST*
Chapter 18 *I NEED MONEY*
Chapter 19 *TEXTMATE*
Chapter 20 *The Contest*
Chapter 21 *My Suitor is the Cassanova*
Chapter 22 *My Gift*
Chapter 23 *PARTY*
Chapter 24 *Gala Mode w/ Gino*
Chapter 25 * FEAR*
Chapter 26 *COMPLICATED*
Chapter 27 *FEELING GUILTY*
Chapter 28 *DATE 1*
Chapter 29 *DATE 2*
Chapter 30 *I'M BACK*
Chapter 31 *3 WAYS PART 1*
Chapter 32 *3 WAYS PART 2*
Chapter 33 *CLOSER TO YOU*
Chapter 34 *LOYZAGA'S FAMILY*
Chapter 35 *CHANGE*
Chapter 36 *TRUE FEELING*
Chapter 37 *VACATION 1*
Chapter 38 *VACATION 2*
Chapter 39 *VACATION 3*
Chapter 40 *PRIDE*
Chapter 41 *MANIPULATE*
Chapter 42 *LET GO*
Chapter 43 *BACK TO CHILDHOOD*
Chapter 44 *ARRANGE MARRIAGE
Chapter 45 *JS PROM 1*
Chapter 46 *JS PROM 2*
Chapter 47 *SO SICK*
Chapter 48 *OFFICIAL*
Chapter 49 *CONFESSION*
Chapter 50 *NO!*
Chapter 51 *UMBRELLA*
Chapter 52 *HEARTACHES*
Chapter 53 *ONE LOVE*
Chapter 54 *THE 8 RULE*
Chapter 55 *MY MEMORABLE DAY*
Chapter 56 *MY STEPSISTER*
Chapter 57 *FACING NATALIE*
Chapter 58 *BACK FOR GOOD*
Chapter 59 *MOVING FORWARD*
Chapter 60 *THE UNEXPECTED*
Chapter 61 *SECRETS*
Chapter 62 *ACCIDENTALLY*
Chapter 63 *FAREWELL*
Chapter 64 *ACCEPTANCE*
Chapter 65 *FORGIVEN*
Chapter 66 *GRADUATION DAY*
Chapter 67 *BUS*
Chapter 69 * HOME SICK *
Chapter 70 * LAST PAGE *
Chapter 71 * THE ENDING *
Announcement!!!!!!

Chapter 68 * MY LAST DAY*

1.4K 34 0
By Haneunki

Chapter 68 

* MY LAST DAY* 

(MINAM'S POV) 

Tahimik ang paligid. Wala akong ingay na naririnig. Minulat ko ang mga mata ko. Naanigan ko ang sikat ng araw na tumatama sa'king mukha. Nakakasilaw ito. Lalo ko pang niyakap ng mahigpit ang unang binigay sa'kin ni Kenjie na nakalagay lamang sa tabi ko. Ito ang graduation gift niya sa'kin. I never expect na magreregalo siya,kaya nagulat ako. 

Pagkatapos namin mag-papicture na dalawa kay tita Milinda. Dinala niya ako sa isang restaurant. And it's exclusive for both of us only. That day...sobra kong saya. Kahit papaano lahat ng problema na dinadala ko ay biglang nawala ng dahil sa kanya...kaso after non...I realize na pansamantala lang pala 'yon. 

Umayos ako ng higa at humarap. Tinitigan ko ang kisame na waring nag-iisip ng malalim. 

Parang ayokong kumilos ngayong araw na 'to. Hindi ko naisip na dadating pa ang araw na 'to. Gusto ko na ngang burahin ito sa kalendaryo. Habang tumatagal at lumilipas ang panahon parang unti-unti akong nauubusan ng pag-asa. Akala ko kasi madali. Madali lang ang pakiramdam na umalis ka kaysa ang iwan ka...kaso sa nararamdam ko ngayon. Sa tingin ko both side, hindi madali! Hindi madali ang mang-iwan at iwanan ka kasi parehas lang sila nasasaktan. Parehas lang sila makakaramdam ng pangungulila sa isa't isa. 

I closed my eyes. Ilang araw na akong ganito. Hindi ko malaman kung ano ang magiging desisyon ko. Litong-lito na ako. Gusto kong umalis kasi...para sa future ko 'tong ginagawa ko kaso...ayaw ko rin, dahil ayaw kong iwan silang lahat. Napalapit na sila ng husto sa'kin at 'di ko lubos maisip na hindi ko sila makakasama ng mahigit apat na taon! Hindi biro ang apat na taon na mawawala ako sa Pilipinas. Maraming magbabago. Maraming maglalaho at natatakot ako sa mga maaring posibleng mangyari sa panahon na 'yon. 
Tok! Tok! Tok! 

"Minam. Gising ka na ba? The breakfast is ready" 

Napabalikwas ako ng upo nang marinig ko sa labas ng pinto ang boses ni tita Milinda. 

Sinuklay ko ang magulo-gulo ko pang buhok. 

"Ahhh- gising na po ako tita. Susunod na lang ako" sigaw ko sa kabilang pinto habang tinitingnan ko ang naging anino ni tita Milinda dito sa loob. 

"Okey, sunod ka na lang,ha?" 

Isa-isa ko ng dinampot sa mga kamay ko ang unan at kumot para tupiin at ligpitin 'to. 

"Opo" sagot ko habang abala ako sa ginagawa ko. 

"Okey" 

Tsaka ko narinig ang paglalakad pababa ng hagdan si tita Milinda. 

Pagkatapos, napaupo ako sa gilid ng kama at minatiyagan ko ng mabuti ang istruktura ng kwarto. Maya-maya ay mag-eempake na din ako ng gamit at tanging limitado lang ang mga bagay na maaari kong dalhin sa Amerika. Pawang mahahalaga lamang. 

Si Mamang at si Tito Edgart ang susundo sa'kin bukas. Kaso pansamantala lang sila do'n dahil dito na talaga sila nakabase sa Pilipinas para bantayan si Natalie. Gusto rin kasi ni tito Edgart na makabawi sa anak niya dahil ilang taon siyang nawala sa tabi nito. At naiintindihan ko naman 'yon. I have no hard feelings kasi alam kong kailangan 'yon ni Natalie. 

Humarap ako ng ilang minuto sa salamin at inayos ang sarili ko. Tinali ko muna ang mga buhok ko tsaka napagpasyahan kong lumabas na ng kwarto. 

"Oh?" binaba ni tita ang hawak niyang plato na may lamang bacon matapos niyang lagyan ang kanyang sariling plato . Napatingin siya sa puwesto ko ng maramdaman niya ang presensiya ko. "Andiyan ka na pala,Minam. Common sit! Join me" aya sa'kin ni tita sabay urong niya sa katabing silya kung saan siya nakaupo. 

Napangiti na lang ako at doon na umupo. 

"Akala ko hindi ka pa gising. 'Di ba may lakad ka ngayon ng mga kaibigan mo?" 

Inabot ng kamay ko ang lalagyanan ng kanin at nilagyan ko rin ang sarili kong pinggan. Pagkababa ko dito tsaka ako sumagot sa tanong ni tita. 

"Opo,may lakad nga po kami" sagot ko. 

"Eh bakit parang...." tinitigan ako ng maiigi ni tita. 'Yong parang napapaisip siya kung ano 'yong mali sa'kin. Napalaki na lang ako ng mata at taka ding napatingin kay tita. May mali sa'kin? Ano 'yon? "parang.....tinatatamad ka atang kumilos ngayong araw na 'to? 'Yong mukha mo...parang hindi makahulugang karayom. Sabihin mo Minam,may problema ka ba?" 

"Problema po?!" natawa na lang ako kunwari "Tita...wala po.." tanggi ko "...wala akong problema. Medyo nalulungkot lang ako ngayong araw na 'to kasi...." nagaalangan pa kong ipagpatuloy kung ano ang sasabihin ko pero nakikita ko naman sa mga mata ni tita Milinda ang encouragement na gusto niyang marinig kong ano ang nararamdaman ko."....ayoko po sanang umalis. Ayokong iwan kayo,sila,si K-kenjie kaso..." 

"Kailangan?" dugtong ni tita Milinda. 

I nod. 

"You know Minam, naiintindihan ko naman 'yong pakiramdam mo. My feeling is the same way what are you feeling right now pero...may mga times talaga hija na kailangan nating mag-sacrife kahit labag sa puso natin. Just think the positive side and don't mind us. Magfocus ka sa pag-aaral and let Ken help to inspire you. And maybe oneday..after four years. Marami mang nagbago, turuan mo ang sarili mo na tanggapin ang realidad dahil kung mahal mo sila...kaya mong tanggapin kung ano man ang magbabago bagkus ipakita mo na masaya ka para sa narating nila at pinagkakatiwalaan mo sila kahit na mawawala ka ng ilang taon dito sa Pilipinas. Naiintindihan mo,hmmm?" hinawakan ni tita ng marahan ang mukha ko. Kahit papaano, sa mga nasabi ni tita Milinda nabawasan ang mabigat kong pakiramdam. 

Kinuha ko ang isang baso ng gatas at ininom ito. 

"Hay!" nagpakawala si tita Milinda ng buntong-hininga. Pinagsaklop niya ang kanyang dalawang kamay "Dapat talaga tinuloy natin ang sinasabi ko sayong despidida e. Baka hindi ka pa nalulungkot ng ganyan. Hay naku naku!" napakamot ito sa ulo "Kasalanan 'to ng napaka-kill joy kong anak. Dapat itinuloy na lang talaga natin 'yon, hindi ba Minam?" 

Ibinaba ko ang baso sa bandang gilid tsaka humarap ako muli kay tita. 

"Ahhhh e...okey lang po kahit wala nang mga ganon tita. Masyado pang gagastos" 
"Gastos?" out of the blue na tanong "Mahigit apat na taon kitang hindi makakasama hija at sana kahit man lang 'don nagawa kitang mapasaya..kaya bale wala sa'kin 'yon as long as nahanap mo 'yong contentment mo sa puso mo,masaya na ko!" 

"Tita" maiiyak na sambit ko. Hinawakan ko ang isang kamay ni tita Milinda na nakapatong sa table bago ako tumingin dito "Salamat po. Salamat po dahil mabait at napacaring niyo po sa akin" 

Hinawakan naman ni tita Milinda ang kamay ko at pinatong ito. 

"Wala 'yon. Papaano pa't magiging manugang mo na din ako balang araw 'di ba? 'Di ba?" playful ang naging ngiti ni tita. Inayos niya ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko. 

Natawa na lang ako sa sinabi ni tita. Tinuturi na niya talaga akong manugang. Actually, gusto ko isipin ang mga bagay na 'yon dahil hindi na ako mahihirapan na makisama sa magiging manugang ko kasi si tita Milinda na lang 'yon. Matalik na magkaibigan sila ni Mamang and okey na rin kaming tatlo especially si Natalie, kaso...ayokong pangunahan ang magiging future namin. Maraming posibleng mangyari at ni-ako walang ideya kung hanggang sa huli ba ay magiging kami pa ring dalawa ni Kenjie. Pero kung ano ang pinagdadasal ko araw-araw na sana siya na talaga. Ang magiging una at huli kong taong mamahalin ko ng lubusan sa buong buhay ko. 

Nagkibit-balikat na lang ako. 

"Let's wait for the future,tita" playing safe kong sagot bago ako nagsimulang kumain ng umagahan. 

After ng mahabang conversation namin ni tita Milinda na kung saan-saan na napunta ang topic. Doon ko lang napagpasyahan na maligo. Kung hindi pa nga magte-text sa akin si Sheena kung anong oras daw kami magkikita-kita ay 'di pa ako kikilos. 

I choose to wear a simple blouse and skinny jeans. Then a sneakers and the bluish shoulder bag. Then after a few hours of preparation...umalis na ako ng bahay at nakipagkita na sa mga friends ko. 

"Hey, Sheena bakit ang tahimik mo ata,today? Nagpapaka-emo lang ang peg?" tanong ni Jessa kay Sheena habang abala ito sa kakasipsip ng iniinom niyang frappuccino. 
Malamlam ang mata nitong tumingin sa'min. Nakapatong ang siko niya sa table. Nakalumbaba siyang inilipat ang paningin niya sa labas ng restaurant at may pinagmasdan na kung ano. 

Pagkatapos ng window shoppings,manuod ng sine, naglaro ng kung ano-anu, pumunta sa Watson para mag-try ng pampaganda ay isa-isa nila akong binigyan ng mga gifts. 

Kay Jessa, isang novel books ng paborito kong author. Kay Nadeth, she gave me a photo albums na nakalagay ang lahat ng photos and memories namin. Kay Sheena, mga original albums and movies ni Lee Min Ho ang binigay niya. At halos mapaluha ako ng binuksan ko 'yon. Nakita ko kasing may autograph 'yon sa loob. 

Hindi rin naman ako nagpatalo at isa-isa ko din silang binigyan ng necklace na may picture naming apat sa loob ng metalic hearts. Para lagi nila akong maalala at kasa-kasama kahit wala na ako. 

"Ang bilis talaga ng panahon,noh? College na tayo. Parang kailan lang" may halong lungkot ang bawat pagkakasabi non ni Sheena. Siguro nagiisip-isip siya sa mga nagdaang pangyayari sa kanyang buhay. 

I sighed exasperatedly. 

"Pero kahit ganon,i-enjoy na lang natin ang bawat moments na meron tayo para hindi tayo manghinayang sa huli, hindi ba?" malakas ngunit masayang boses 
na tanong ni Nadeth sa'min. Trying to change the mode. 

"You're right,Deth! Sangayon ako sa'yo diyan" sabi ni Jessa. Sandali siyang natigilan at napaisip "Ah!" itinaas nito ang kanyang hintuturo at napaangat siya ng ulo. Masigla siyang napatingin sa'min pagkatapos ay idinukot ang phone niya sa kanyang bulsa. She frown. 

"Let's take the groupie na nga lang and i-enjoy na nating kasama si Minam. Uy Sheena" ginising niya kunwari ang atensyon ni Sheena. 

"Bakit?" wala pa sa sarili nitong tanong. Nagulat ata siya sa tawag ni Jessa. 

"Akin na nga 'yong monopad mo! Bilis! Magpipicture-picture tayo" utos niya dito. 

Mabilis namang kinuha ni Sheena ang kanyang dala-dalang monopad mula sa gamit nito at agad na iniabot kay Jessa. Kinuha niya ito sa kahon at si-net ng maayos ang kanyang phone para hindi ito mahulog. 

"Ito na! Ito na!" excited na pagkakabanggit ni Nadeth ng magsimula ng mag-countdown ang timer. 

I smiled. They also posing a cute and naughty girl style. 
"One!" Sheena said. 

"Two!" ani ni Nadeth. 

"Three!" sabay-sabay naming sigaw ng punong-puno ng kasiyahan sa mga puso namin. Nagpapasalamat dahil nakilala namin ang isa't isa at naging parte ng highschool life namin. Noon hanggang sa susunod pang panahon na ginawa ng panginoong Diyos. 

*Click!* 

Then our priceless smiled captured. My new life. The new beggining. 

Inilapag at ipinatong ko ang nabili kong bulaklak sa tapat ng lapida ni Gino. Tahimik ang buong lugar. Tanging naririnig ko lang ang ingay na idinudulot ng hangin sa mga puno at dahon. Konti lang rin ang mga tao. Malakas ang ihip ng hangin na waring itinatangay pa ang buhok mo. 

Sinuportahan ng aking paa ang katawan ko. I smiled bitterly and trying to open my lips. 

"Hello, kamusta ka na kaya? Sa-sana masaya ka na diyan. Alam mo, ang naiisip ko na sana nandito ka pa rin. Na sana kahit aalis ako pagbalik ko makikita pa rin kitang buhay na buhay at humihinga...but I think malayo na sa katotohanan ang mga iniisip ko kasi heto ako ngayon tinitingnan ang lapida mo" tiningnan ko muna ang paligid at ibinalik muli ang atensyon ko. 

"Gino" medyo nahihiya pa akong magbanggit "Aalis na ako. Pupunta na akong Amerika para doon mag-aral. Alam mo, isa 'yon sa mga pangarap ko 'di ba? Nanghihinayang lang ako kasi...nangyari pa 'to kung saan wala ka na. Mga ilang taong pasko,bagong taon,araw ng mga patay na hindi kita madadalaw. Sana maintindihan mo. Sana hindi ka magalit sa'kin" I sniff. Naguumpisa na din kasing mag-init ang sulok ng mata ko. 

"They are both busy sa kani-kanilang papasukang college school. At magaganda din ang kukunin nilang course. Bagay sa kanila. Papaano kaya kung nabubuhay ka pa ngayon? Ano kaya ang kukunin mong course? Wala ka naman kasing na-ikuwento tungkol do'n sa'kin eh. Sa tingin ko...bagay sa'yo ang accountant. Kung 'di kaya abogado? Gusto mo ba 'yon?" pilit kong sinisigla ang boses ko..kaso nalungkot din ako ng makita kong wala pa lang sasagot sa'kin. 

"Gino? Sorry,ha? I really really sorry. Kasi...dapat ako ang nandiyan sa puwesto mo. Pero dahil niligtas mo ko, nag-iba ang sitwasyon. Na-iimagine ko pa kasi dati na sabay-sabay tayong magco-college. Hindi ko alam na posible pala 'tong mangyari. I hope...you're happy right now,Gino. I promised to you too na magiging masaya din ako. Don't worry, lagi ko ring susubay-bayan si Princess kahit wala na ako dito" pangako ko sa kanya tsaka ako napatingin sa relo ko. 

"Papaano ba 'yan? Kailangan ko ng umalis." tumayo na ako at sandaling inayos sa pagkakagusot ang suot kong blouse. Tiningnan ko 'yong puntod niya "Sa muli nating pagkikita?" I paused "Don't worry kapag nakauwi na ako kaagad dito hinding hindi mawawala sa isip ko na dalawin kita. Baka kasi ako ang unang mong dalawin e!" biro ko na lang. 

"Bye,Gino" I wave my one hand to him "Lagi kang nandito sa puso ko, bestfriend. Thanks for everything. For the memories you shared with me. Paalam" agad na akong humakbang papalayo sa kanya. Nagpahid ako ng mukha. Dala-dala ko sa puso ko ang mga naging aral na natutunan ko sa kanya. Salamat sa'yo,Gino. 

Pagkauwi ko, agad na akong nagempake ng mga gamit ko. Mabilis naman akong natapos dahil tinulungan ako ni tita. Isa-isa naming inilagay 'yon sa maleta. 

"Iisipin kong hindi maipinta ang mukha mo ay dahil hindi mo pa ako nakikita ngayong araw na 'to" 

Paglingon ko sa likuran, nakita ko si Kenjie. Nakapang-alis pa siya at mukhang kakarating niya lang. Papalapit siya sa puwesto ko and he look amused when he seems me. 

"Kenjie!" I called his name. 
He smiled to me. And those smile is killing me so badly. Buti na lang at buhay pa ako. 

Hinubad niya ang suot-suot niyang tsinelas at kagaya ko, inilubog din niya ang kanyang paa sa swimming pool. 

"Hindi ka din gaya-gaya no? Hindi mo ba alam na sa ginagawa mong 'yan baka magka-pasma ka. Mukhang nagsapatos ka pa naman" sita ko sa kanya habang nakatingin ako sa paa niya. Tumabi siya sa tabi ko at kagaya ko ay nasa malayo na din siya nakatingin. 

"Do you believe on that?" hindi makapaniwalang tanong niya. 

"Oo naman! Mas maigi ng sigurado ka kasi mahirap isugal sa ngayon ang kalusugan ng tao. Mahal at mahirap mag-pagamot" payo ko sa kanya. Tiningnan ko ang mala-asul na kulay ng tubig. I see my reflection on it. 

"Kamusta ang araw mo?" tanong niya sa'kin ng walang emosyon. 

"Ang araw ko? Hmmm-" napaisip ako sandali "Okey lang naman! Masaya" 

"Talaga? Masaya?" tumingin siya sa'kin ng di kapani-paniwala. He frown. 

Napaisip ako sandali at nagtatakang napatingin sa kanya. 

"Oo masaya. Bakit? Ano ba ang iniisip mong gagawin ko ngayong araw na 'to? Magmumok-mok at magkukulong na lang sa kwarto ko habang hinihintay kita sa pagdating mo. Ganon ba 'yon?" I paused "Parang hindi naman ata tama 'yon" dagdag ko pa. Itinungkod ko sa semento ang kamay ko para masuportahan ang katawan ko. 

"So nagpra-praktis ka na pala?" may kakaiba sa tanong niya. Napakunot ako ng noo. 

"H-ha? Ng ano?" naguguluhan kong tono. 

"Nagpra-praktis ka na, na wala ako sa tabi mo" ani niya. I look at his face. Hindi ko alam kung anong meron sa tanong niya. Kung nagtatampo, nang-aasar, nalulungkot, o nagagalit ba siya sa naging sagot ko sa kanya kanina. Nag-uumpisa na ring mag-init ang dalawang sulok ng mata ko. I hold my breath habang tinitingnan ko ang buong features ng mukha niya. 

I don't have an idea kung ano-ano ba ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Maybe, nalulungkot siyang aalis na ako bukas pero mas pinili niya itong itago sa'kin para hindi na ako mahirapan pa. 

I look up his glowing and desiring eyes na lalong nagpahirap pa ng husto sa puso ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan siya ng ganito. Even his gestures and action to me, parang may nakatagong mensahe na tanging siya lang ang nakakaalam. Na we-weirduhan ako sa mga kilos niya dahil pakiramdam ko may nag-bago. May nag-iba! Gu-gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman niya ngayon. But I have no choice to keep on silence and let myself to be stronger. 

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at bigla akong gumilid sa kabila. Wala na! I almost breakdown. Ayoko na! Hindi ko kayang hindi siya nakakasama ng isang araw. Papaano pa kung mahigit apat na taon? Mabilis na tumulo ang mga luha ko sa mata ko. I bite my lower lip para pigilan sana ang pag-hikbi ko pero kahit anong pigil ko, kusang na lang ito umaalpas. Ayoko na nakikita niya akong ganito. Kung pu-puwede lang sanang pigilan ko ang sarili ko. Sana nagawa ko na. 

"Hey? What's wrong? Umiiyak ka ba?" nag-aalala niyang tanong. Hinawakan niya ang braso ko at pilit niya akong hinaharap sa kanya. 

Itinaas ko ang kamay ko at sumenyas ako sa kanya. Tumingala ako sa taas para mapigilan sa pag-tulo ang mga luha ko sa mukha. 

"No. I'm fine. I'm okey. Napuwing lang ako" dahilan ko sa kanya bago ko ginamit ang malaya kong kamay para punasan ang namamasa kong mukha. 

Hindi na lang ako nakapagsalita ng bigla niya akong hinarap sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya. Hinila niya ang isang kamay ko bago niya niyakap ako ng mahigpit. Sumiksik ako sa dibdib niya at do'n naguumiyak. Naramdaman kong mas lalo niya lang akong kinulong sa kanyang bisig. Mas naiyak pa ako sa kanyang ginawa. 

"No! I know you're not fine. At alam kong hindi ka din okey" lumapit siya sa tainga ko at do'n bumulong. 

"Bakit ang hilig hilig mo pa ring magsinungaling ng totoo mong nararamdaman sa'kin ha?" he said hoarsely. I felt that he brushes and kisses my hair too. 

"Ssshh. Tahan na. Huwag ka ng umiyak...hmmm? Kasi nasasaktan lang ako kapag nakikita kitang ganito e" alo niya. Naramdaman ko ang mainit at mabango niyang hininga sa leeg ko. 

I also hug him tightly at pilit kong pinapakalma sa pagiging emosyonal ang sarili ko. 

"Niloloko lang naman kita...siguro kung ano-ano na kaagad ang iniisip mo. Ang iyakin mo pa naman" 

"A-ayaw kitang iwan dito,Kenjie. Hindi ko ka-kaya! Ayaw ko ng u-umalis. Ang gusto ko lang ay makasama kita!" I paused dahil medyo sumasakit na din ang lalamunan ko "Pa-paano kaya kung pakiusapan ko si Mamang? S-sasabihin ko sa kanya na h-hindi na ako matutuloy. Sigurado naman akong papayag siya e. D-dito na lang ako mag-aaral!" I said between on my sobs. Marahan niyang hinaplos ang likuran ko para gumaan kahit na papaano ang pakiramdam ko. 

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa'kin at naghanap ng kaonting distansya para makita ang mukha ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at dahan-dahang pinunasan ang mga luha ko using his thumb pagkatapos non ay ngumiti siya sa'kin. 

"Huwag!" pigil niya " 'Yan ang 'wag na 'wag mong gagawin" 

Nagtataka ko siyang tiningnan sa mukha. Nagbangga ang dalawa kong kilay at awtomatikong bumagsak ang balikat ko sa narinig ko. I thought...i thought...gusto niya akong mag-stay dito. Nag-iilusyon lang ba ako? B-bakit? 

"P-pero bakit?" naguguluhan kong tanong "Ayaw mo ba akong makasama?" 

Hinawakan niya ang isa kong kamay at pinisil ito. 

"Hindi" mabilis siyang umiling "Siyempre, gusto kitang makasama. Kung pu-puwede lang nga sana kung araw-araw. Pero Minam...." tumingin siya sa'kin ng malalim "...ayokong kunin ko sa'yo ang pangarap mo ng dahil lang dito. Oo, inaamin kong natatakot ako na baka hindi ka na bumalik sa'kin at makahanap ka na ng iba. Maraming posibleng mangyari sa pagdaan ng panahon. Pero kahit ganon...ano man ang dumaan alam kong makakayanan natin 'tong dalawa,hmmm? Hindi ba? Basta may pagtitiwala tayo sa isa't isa...naniniwala akong malalagpasan natin 'to" dahilan niya. 

"Minam" iniangat niya ang mukha ko. Natawag naman niya ang atensyon ko. "Ipakita natin sa kanila na kahit long distance relationship tayo magagawa pa rin nating mag-work out ang lahat lahat ng meron tayo,ha? Minsan ng nangyari sa'kin 'to at ayoko ng maulit pa ang naging resulta....kasi naniniwala ako na kahit ano man ang mangyari,lumipas man ang lahat, kung talagang tayo para sa isa't isa...hanggang sa huli magiging tayo pa rin" 

"Naiintindihan na kita. Oo..tutuloy ako" I said casually. "Pero Kenjie..." pinutol ko muna ang sasabihin ko at tinawag ang pangalan niya. 

"Hmmm?" tugon niya at sandaling sinilip ako. 

"Ma-mimiss kita!" niyakap ko siya gamit ang kanan kong kamay "Ma-mimiss kita ng sobra sobra!" masaya kong tono. 

He smiled to me as reaction. 

"Ako din! Ma-mimiss din kita ng sobra sobra" He grin bago niya ako inakbayan. Sabay kaming tumingin sa langit. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya and we are both amaze habang tinititigan namin ang pagkinang ng bituin sa kalangitan. Sakto naman na may biglang dumaan na shooting star. I pointed out my index finger. 

I lift my hand and fastly closed my eyes. Hindi ko sinayang ang pagkakataon at nag-wish ako. I open my mouth at bumulong ako sa hangin na tanging ako lang nakarinig. 

"Shooting star sana...hanggang sa huli...kami pa rin" 

At ang gabi na 'yon ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko habang nabubuhay pa ako sa mundo. I feel so blessed dahil kung kay Lee Min ho hanggang sa panaginip na lang ako. Masasabi kong bawing bawi naman si God dahil binigay niya sa'kin Kenjie that teach me a lot of lesson. The person na handang mag-tiis para sa kaligayahan ng taong mahal niya. At alam kong alam niya na ganon din ako para sa kanya. 


Continue Reading

You'll Also Like

54.1K 1.4K 82
COMPLETED Op ni Frosty Op ni Tres Op ni Sassa Op ni Spike Op ni Note Op ni Pop Operators- Ang tawag sa mga taong nag-ooperate ng isang...
406K 10.7K 51
She's not beautiful. She's not rich. She's not popular. She's a NERD. There's nothing interesting in her. Then she met 'THIS man. Handsome, popular...
84.3K 2.1K 63
'PAST is PAST' meaning: WALA NA. TAPOS NA! move'on. move'on din. HAHA! mag focus ka na lang sa present. :) maniwala ka sa kasabihang'. "Wag' maging...
255K 7K 103
So Hard... So hard to get her.. How to get her? I don't know.. Who is she?... Why so mysterious?... Why so many sacrifices?.. I'm hard to get too! Bu...