The Billionaire's Fake Wife (...

By CGMartinne

12.8K 669 158

Rei has given up on life. Kaya napagdesisyunan niyang tapusin na ang lahat. Eksaktong alas nuwebe ng gabi ay... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven

Chapter Seventeen

342 19 3
By CGMartinne


Eksaktong alas siyete nang lumabas siya ng silid at bumaba sa sala, nakita niya si Mamita kasama si Sofia at ang isa pang magandang babae. Sa sobrang ganda nito ay nagmukha ng anghel. Nakaupo ang mga ito sa couch at sinisilbihan ng inumin nina Ara at Amy. Nilingon lang siya ng mga ito at walang sinabi. Maging si Mamita ay mataas ng kilay sa kanya. Malamang ay nakita na nito ang mga larawan online at galit rin sa kanya katulad ng galit sa kanya ni Sebastian kagabi.

Lumapit sa kanya si Jo na parang nagulat pa sa bihis niya at sa mukha niyang may band aid at pasa. "Ma'am Rei may bisita tayo, si Mamita kasama sina Ma'am Sofia at Ma'am Bianca."

Para siyang nahilo bigla sa narinig. Si Bianca ang babaeng mala-anghel na iyon? Kaya naman pala halos ipagtabuyan siya ng lalaki kagabi, alam pala nitong darating na ang babaeng iyon ngayon. Wala na siyang silbi dito at mas lalong hindi na siya kailangan nito.

"At ito po, gusto kang makausap ni Ma'am Veronica."

Iniabot nito sa kanya ang teleponong hawak. Wala sa loob na kinuha niya iyon mula sa kamay nito at saka inilapit sa kanyang tainga.

"Hello?" mahina niyang sabi.

"Why are you still there? Ganyan talaga kakapal ang mukha mo? After what you did to my son? Hindi mo ba alam kung gaano kalaking gulo ang ginagawa mo? Leave my son alone!"

Napalunok siya sa labis na galit na naririnig niya mula rito sa kabilang linya.

"Alam ko naman na noon pa ay hindi n'yo ako gusto para sa anak n'yo. You know what? Tama kayo, I'm just causing trouble. I'm sorry."

Ibinalik niya iyon sa kasambahay saka siya huminga nang malalim. Maybe the news article was a blessing in disguise for him. Mas magiging madali na sabihin sa madla at media na naghiwalay sila dahil sa third party. Malinis na ang pangalan nito, ito pa ang lalabas na biktima.

"Magpapahatid lang sana ako kay Mang Jun, nasa likod-bahay ba siya?" Mahina niyang tanong kay Jo.

Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang pababa ng hagdan si Sebastian, hindi na siya makakapaghintay na umalis. Para siyang sinasakal sa pamamahay na iyon kaya gusto na niyang makalayo sa lalong madaling panahon.

She was about to walk towards the door when Mamita called her.

"B-bakit po?" tanong niya nang lingunin ito, walang bahid ng kahit anong emosyon sa kanyang boses.

Si Sebastian ay nasa ibaba ng hagdan at ipinaglipat ang tingin sa kanya at sa abuela nitong tumayo na. Hindi pa yata napapansin ng binata si Bianca na nakaupo dahil hindi iyon kita sa direksiyon nito. Sa hitsura ni Sebastian, mukhang wala itong kabalak-balak na pigilan siya. Maybe she really made that huge of a mess. O siguro ay excited na rin itong mawala siya sa landas nito.

"Why are you leaving so fast, hija? May sorpresa pa naman ako sa 'yo. Nahirapan si Veronica na ipahanap siya para sa 'yo. He should be here soon. Oh, there he is!"

Mula sa kusina ay lumabas mula roon ang lalaking ni sa panaginip ay hindi na niya gustong makita pang ulit. Hindi siya makapaniwalang makikita ulit ang ama niya matapos ang maraming taon matapos niyang makaligtas mula sa mga kamay nito. Tumanda lalo ang hitsura nito ngunit naroon pa rin ang nakakatakot na tingin sa mga mata. She froze. Awful memories came back to her as if everything just happened yesterday. Nang mahamig niya ang sarili ay mabilis na binuksan niya ang pinto at nagtatakbo sa likod-bahay.

"Mang Jun! Mang Jun! Please! Mang Jun!" sigaw niya, nanginginig sa takot.

"Reina!" boses iyon ng kanyang ama.

Nakasunod ito sa kanya at nakahabol. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakita ito ulit matapos ang mahabang panahon! Hindi siya makalingon dahil nanginginig ang buong katawan niya sa takot. She never wanted to see her father again! Halimaw ito at ito ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang pinakamamahal niyang kapatid.

"Reina! Isasama na kita pabalik sa Agusan! Anak!" sabi nito na ang boses ay tila malapit na sa kanya.

Habang papalapit sa tinutuluyan ni Mang Jun ay may biglang humawak sa kanyang braso. She got even more scared. But it was Sebastian, nakatitig ito sa kanyang mga mata. Nanginginig ang kanyang mga kamay, nanlalaki ang kanyang mga mata at nangangatal ang kanyang mga labi.

Lumabas si Mang Jun mula sa tinutuluyan nito. "Ma'am Rei? Hinahanap mo ako?"

"P-pa...pahatid ho sana." Gumagaralgal ang boses niya. "Tara na po, Mang Jun. Please? Ihatid n'yo na po ako pauwi. Please po!" tumulo na ang mga luha niya sa labis na takot.

Kumawala siya sa pagkakahawak ni Sebastian nang makitang nakalapit na ang kanyang ama ngunit bago pa siya nito mahawakan ay ihinarang ni Sebastian ang katawan nito sa kanya.

"Wala kang anak dito. Umalis ka na." Seryosong sabi nito sa kanyang ama na para bang nagbabanta ang tono.

"Reina, ano ang sinasabi ng lalaking ito? Halika na, anak. Umuwi na tayo. Sino ba ang lalaking ito?"

Nagpupumilit ang ama niyang makalapit sa kanya.

"I'm her husband. Mang Jun, pakihatid na ang taong ito sa labas." Matigas na wika ni Sebastian. "At kung magpipilit pa rin siya, please call the security and the police."

"Nag-asawa ka na? Reina! Hindi mo manlang sinabi sa amin ng nanay mo na nag-asawa ka? Anak! Hindi totoo ang sinasabi ng lalaking 'to! Magpaliwanag ka, anak! Isasama na kita pabalik sa Agusan!" sigaw nito.

"Hindi ako bata para sumama sa 'yo. Hindi mo ako anak!" sigaw niya rito.

Dahil hamak na mas malaking tao si Mang Jun sa kanyang ama ay wala itong nagawa nang bitbitin ito palabas. Nakita niya mayamaya ang paglapit ni Mamita kasama ang dalawang babae. Ano pa ba ang kailangan niyang gawin para bigla na lang maglaho sa kinatatayuan niya?

"Why would you treat your father-in-law like that, Sebastian? Hindi ba gustong makita ni Rei ang kanyang ama? What's going on here?" litong-lito ang matanda. "Your mother arranged this visit!"

Alam niyang sinadya ng mga itong hanapin ang mga magulang niya para ipamukha sa kanya na hindi siya karapat-dapat sa apo nito. Alam niyang ginagawa ng mga ito ang lahat para sirain siya, para bumigay siya, para iwan niya si Sebastian. At nag-uumpisa pa lang ang mga ito sa ginagawa, una pa lang ay ramdam na niya ang pagkadisgusto ng mga ito sa kanya kaya hanggang saan ang kaya ng mga itong gawin para burahin siya sa buhay ni Sebastian? Pero hindi na ng mga ito kailangang gawin iyon. Maglalaho na siya sa buhay ng mga ito.

"That's not her father anymore. Now I don't know why you would do such a thing without consulting me first." He said in a serious tone.

"Your mother was just being nice to Rei, apo. And because I was close to the airport, ako pa ang sumundo kay Bianca dahil parang wala kang balak na sunduin siya. For old time's sake, apo, at least communicate with her better. Isn't it great?"

"I'm really not in the mood for this right now," ani Sebastian.

Narinig niya ang matataas na takong na lumalapit sa direksiyon nila. Nasamyo niya agad ang mamahaling pabango nang umihip ang hangin. Si Bianca ay tiningnan siya nang makahulugan bago malagkit ang tinging ibinigay kay Sebastian.

"Sebastian, I've been wanting to see you," anang isang bagong tinig sa kanyang pandinig. "Nagpasundo na ako sa airport para masurprise kita. I really miss you. Can we talk?" ani Bianca.

"I saw everything on the internet, Sebastian, bakit mo ipinagtatanggol ang babaeng iyan? She is clearly using you at nagawa pang kumabit sa isang Hector Juarez na isang pipitsuging engineer? Sinasabi ko na nga ba at nagkamali ka sa babaeng iyan!" sigaw na ni Mamita. "Your mother is right about her, too. We never liked her. Ginagamit ka lang niya dahil alam niyang isa kang Andrada."

Hindi na niya kaya ang mga nangyayari at humiling na sana ay lamunin na lang siya ng lupa. Nang makitang pabalik na si Mang Jun ay napilitan siyang humawak sa kamay ni Sebastian para kunin ang atensiyon nito. Bahagya lang siya nitong nilingon.

"Aalis na ako," mahina niyang sabi.

"No." matigas nitong sagot.

No? Hindi ba't iyon naman ang hiling nito sa kanya kagabi? That he doesn't want to see her face anymore? Galit na galit pa nga ito sa kanya. Bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin?

"She's leaving?" Maanghang na sabad ng matanda. "Let her be! Tama lang iyang umalis na siya matapos na kumalat ang eskandalo niyang ginawa."

Muli niyang kinuha ang atensiyon ni Sebastian at pilit na nginitian ito.

"Seb, it's okay...let me leave. Tama si Mamita, I should go."

Nakita niya ang pagtagis ng bagang nito sa galit.

"Hijo, let her leave! Dapat lang na huwag nang magpakita ang babaeng iyan dito. Your mother did everything to arrange her father's visit here tapos ay babastusin niya lang ang sarili niyang ama? I will talk to our lawyer para maayos na ang annul—"

"Stop it!" sabi ni Sebastian sa abuela nito. "Yes, you are my grandmother, but you have no right to interfere with me and my wife. Do you get it?"

Hindi niya alam ang mararamdaman niya sa narinig na iyon. Sebastian should just let her leave dahil sa bibig na mismo nito nanggaling kagabi na ayaw na nitong makita pa siya. Bakit ngayon, ipinagtatanggol siya nito sa harap ng abuela nito at ni Sofia at Bianca? She knows that sooner or later, the truth will explode right in their faces. At bago pa siya lalong masaktan, aalis na lang siya. It's the best thing to do.

"Seb, it's okay. Aalis na ako..." sabi niya na unti-unting inaalis ang pagkakahawak dito.

Hinarap siya nito at kitang-kita niya ang galit sa mukha nito. Kung para kanino iyon ay hindi niya alam. She cupped his face, ayaw niyang umiyak pa kaya pinigilan niya ang sarili.

Tumango-tango siya. Siguro ay ito na ang magandang pagkakataon para ipakita sa lahat na 'maghihiwalay' na sila nito. Magiging saksi ang lahat sa pagtatapos ng pagpapanggap nila ni Sebastian. And with the look in her eyes, she knew that her message was clear to him. Huminga siya nang malalim saka pinakatitigan ito. It's going to be the last time...

"It's okay. They're right. I should leave. Let me go, Seb. Please, kausapin mo na 'yung lawyer n'yo at makikipag-cooperate ako sa annulment natin and—"

Naputol ang dapat sana ay sasabihin niya nang siilin siya nito ng halik sa mga labi sa harap ng lahat. Napasinghap siya sa ginawa nitong iyon. He kissed her hard like nobody is watching, mahina niyang itinulak ito palayo dahil sa gulat.

"No, you're staying. And we're going to fix this. That news is fake and it should not affect us in any way. Do you understand me?"

Nawindang siya sa sinabi nito at kitang-kita niya ang gulat sa mukha ng mga tao sa paligid niya maliban kay Manang Fidelita na nakangiti. Hinawakan siya sa kamay ni Sebastian saka ito naglakad.

"Manang Fidelita, pakiasikaso si Mamita at ang mga bisita niya. My wife and I are going out. Please don't wait for us until dinner. Thank you."

Binuksan nito ang passenger's seat ng sasakyan at ipinasok siya roon. Naguguluhan man sa mga nangyayari ay ikinabit niya ang seatbelt. Wala itong sinayang na oras saka nagmaneho palabas sa malaking gate saka pinaharurot ang sasakyan na para bang hindi ito makapaghintay na makarating sa highway.

Still in shock, she looked at him. "Seb? What did you do?" mahina niyang tanong na puno ng pag-aakusa.

"We have a deal and I plan to keep it. We will talk and we will figure things out together, okay?"

"P-pero...hindi ba't lalo lang malalagay sa alanganin ang reputasyon mo? The news online about Hector, 'yung nakaraan ko na naungkat na nila at saka ayaw sa 'kin ng lahat and Bianca is back and so much more. Seb, it's too much for you. Please? Hayaan mo na lang ako na umalis."

"You have to tell me the truth, Rei." Sa halip ay sabi nito.

Nagbaba siya ng tingin. "Sinabi ko na sa 'yo ang totoo kagabi pero ayaw mo naman akong pakinggan pa at paniwalaan. Wala akong kinalaman sa mga pictures na 'yon, nakipagkita ako kay Patricia dahil miss na miss ko na rin siya but I feel like something had changed. Noong nakita kong palapit si Hector biglang nagpaalam na magba-banyo lang ang kaibigan ko. Then I was surprised that he kissed me on the cheek, it felt weird, and I was confused kung bakit siya naroon. I wanted to tell you last night pero hindi natuloy. I'm sorry..."

Nagpatuloy siya sa pagkukuwento tungkol sa lahat ng nangyari at tahimik lang itong nakikinig sa kanya. Matapos siyang makapagkuwento ay tiningnan niya ito, he was concentrating on driving pero sinulyapan siya at tumango ito.

"I should have listened to you, I'm sorry. Hinusgahan kita agad. I was just...mad that..."

"Did she cheat on you noong magkarelasyon kayo ni Bianca? Kaya ba ganyan ka sa 'kin?"

Tumango ito. Kaya pala ganoon na lang ang galit nito dahil may trust issues na ito mula nang pagtaksilan ni Bianca at hindi lang iyon, mukhang na-trauma pa ito sa iba pang mga kasalanang ginawa ni Bianca dito. And the nerve of that woman to come back as if nothing happened! Saan naman kaya ito kumukuha ng lakas ng loob? Alam kaya ni Mamita at ng ina nito ang ginawa ng babaeng iyon kay Sebastian? But of course, sino ang mas pipiliin ng mga ito sa kanilang dalawa ni Bianca?

The answer is obvious. Kahit sino, huwag lang siya. Nagawa pang halughugin ni Veronica ang nakaraan niya para lang gamitin laban sa kanya. She wanted to respect them pero sa ginawa ng mga itong pakikialam sa kanya, nawalan siya ng rason para ibigay ang respetong iyon sa mga ito.

"Gagawin ni Mamita at ng mama mo ang lahat para maglaho ako sa buhay mo. 'Yung nangyari sa labas ng Japanese restaurant, pakiramdam ko na ako talaga ang pakay ng taong iyon. Seb, don't you think it's easier if we just..." her voice trailed off.

Gusto niyang makasama ito, gusto niyang manatiling "asawa" nito pero hindi titigil si Mamita at Veronica para patumbahin siya at iyon rin ang gusto ni Sofia. And on top of that, Bianca is back. Wala siyang inaalagang pangalan, wala siyang pamilyang pinoprotektahan at sa totoo lang ay wala naman siyang pakialam kung ano ang gawin ng mga ito sa kanya, kakayanin niya, kung binigyan siya ulit ng Maykapal ng rason para ipagpatuloy pa ang buhay, kakayanin niya. But she cares about Sebastian. Ito lamang ang iniisip niya.

"For the first time in my life, I care about someone. I care about you, Seb, kaya siguro tapusin na lang natin ang pagpapanggap."

Sinulyapan siya nito at tumango-tango. "You're right. Let's just end this charade. But for now, would it be okay with you to share a nice breakfast with me?"

"Seb, please..."

"Rei, let's talk about this later. Please?"

"Sebastian, naririnig mo ba ang sarili mo? We're in a middle of a situation here."

"I understand. Pero ano ang dapat nating gawin ngayon? I can't even think of anything right now. Please, Rei, let's set this aside for now and have a meal. Alam kong hindi ka pa nakakatulog, I can see it, nanlalalim ang mga mata mo. We will go to my place and I want you to rest. Okay?"

She sighed. Natahimik siya sa mahabang sandali.

"Okay."

Nag-change lane ito at nang huminto sa red light ay tiningnan siya. Hinawakan nito ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. Then he brought it to his lips and gently kissed the back of her hand.

"I'm sorry..." he said.

"Seb, what are you doing..."

"It's gonna be alright." He said while looking at her with eyes full of promises.


****************


NAMANGHA na si Rei pagkapasok sa unit ng sinasabi ni Sebastian kanina na safe haven daw nito. Alas otso na ng gabi at sa dami ng pinuntahan nila buong maghapon ay nakakaramdam na siya ng pagod. Ibinaba nito ang susi ng sasakyan at wallet sa coffeetable nang makapasok sila. Inilibot niya ang tingin at napalunok pa. He just stood there, watching her fully mesmerized, she even touched the crystal figurine she saw and smiled before looking at him.

"Sa iyo ang unit na ito? Hindi ba masyadong malaki para sa isang tao?"

He nodded. "The smaller units I own are renting. This one is for me, kapag gusto ko na lang magpahinga after work. It's just twenty minutes away from my building so it's convenient."

"At its preview sale, about 40 percent of its residential units were reportedly immediately sold, including the penthouse unit called Anathem Villa One. The three-level unit was reportedly sold for Php 469 million, and is said to be the highest value primary condo unit sold in the Philippines. At approximately 1,625 square meters, the property is to include a 256-square-meter pool deck and an expansive master suite on the third level. It is reportedly purchased by the young billionaire Sebastian Andrada but the young businessman still has no comment regarding the said rumor."

Napahigit siya ng hininga nang maalala ang nabasang headline na iyon sa isang magazine just over a year ago. So, totoo pala na ito ang nakabili ng prestihiyosong penthouse na iyon? Hindi nito kailanman kinompirma ang balitang iyon kahit na para itong pinipiga ng media. Nilingon niya ito at nakitang nakatunghay ito sa kanya. Nanliliit siya sa kaalamang parang langit at lupa ang pagitan nila. And what the heck was she doing there? Bigla ay parang isang malaking biro sa kanya ang lahat...she's still the billionaire's fake wife and her "husband" is the hottest man she had ever seen in her whole existence. No, he cannot be that perfect. Pero totoo ang lahat...

"Care to share what's on your mind?" pabulong na anas nito nang makalapit sa kanya.

She slowly stepped back when he reached for the hem of her shirt. Patuloy ito sa paghakbang palapit sa kanya at patuloy rin siya sa pag-atras. She gasped when he reached her waist. Naglakad ito kasama siya hanggang sa makarating sila sa swimming pool. He instantly took her shirt off at nakatitig sa kanya habang tinatanggal ang pagkakabutones ng pantalon niya. When she's left with just her underwears, he took his own clothes and left only his boxers on. He gave her a smile before he dove in the water.

Napanganga siya sa galing nito sa paglangoy at nang mag-angat ng ulo ay natutok ang tingin sa buo niyang katawan. That look alone brought heat to her whole body. Iniyakap niya ang mga braso sa sarili.

"Come," anito saka lumapit.

Umiling siya. "Hindi ako marunong lumangoy."

Sebastian gave her that assuring smile that nothing's gonna happen to her.

"I got you," he said and reached for her hand.

Sa lalim ng pool ay baka malunod siya but what the hell? She trusts him with her life! Humawak siya sa kamay nito at ganoon na lang ang tili niya nang hilahin siya nito. Nagkakawag siya sa tubig habang nakayakap siya sa leeg nito at tawa naman ito nang tawa.

"Hey, it's okay, nothing to be afraid of."

Todo ang takot niya pero dahil nakakapit naman siya rito ay unti-unti na siyang nakakalma.

"Hold your breath." He said.

"What?"

"I said, hold your breath for a second."

Iyon nga ang ginawa niya at inilubog siya nito sa tubig at mabilis ring iniangat. She felt refreshed and relaxed! Nakangiti sila sa isa't isa ni Sebastian habang hanggang dibdib niya ang tubig. The look on his face says something but she couldn't put it in words and alam lang niya, isang malaking pribilehiyo ang makasama ito ngayon.

"Hello Sample, turn off the lights." He said in a commanding tone.

Okay. Turning off the lights. Narinig niyang sabi ng isang voice assistant.

Napakapit siyang lalo dito nang magdilim ang buong penthouse at ang tanging nagbibigay liwanag lang ay ang city lights na natatanaw niya sa paligid.

"Ano 'yun?" tanong niya.

"It's something that my company is developing. It's a virtual assistant technology by Andrada Technologies and could potentially hit the market very soon. It's like Alexa of Amazon, Google assistant, Siri of Apple, Bixby of Samsung and the likes. But we're still thinking of a good name for this new product of Andrada Technologies."

"Oh, wow, ang galing naman. And I like the female voice, very soothing and sexy. Can I name it?"

"Yeah?"

"Hmm-hmm...what do you think of the name Rexy?"

"Rexy?"

"Yeah. Like relax easy. 'Yung parang pagkatapos ng mahabang oras ng trabaho, after all the stress you had for the day, after the traffic, you're gonna get home and just relax easy."

Sebastian looked at her like she's a gem in his eyes. "That's really good. I might consider."

She smiled at him and looked at the beautiful view of the city lights.

"Alam mo pakiramdam ko? Para tayong nasa dagat sa gitna ng siyudad."

Sebastian laughed softly. Tumanaw siya sa naggagandahang ilaw ng kamaynilaan. The water is warm enough to relax herself. Pinagsawa niya ang tingin doon hanggang sa maramdaman niya na nakatitig sa kanya si Sebastian kaya siya tumingin dito. They were just staring at each other for a good moment at unti-unti ay lumapit ang mukha nito sa kanya. If this is just a dream, she wouldn't wish to wake up anymore.

Sebastian kissed her like he'd never kissed her before. Nakakabaliw ang ginagawa nitong paghalik sa kanya. She even cupped his face and kissed him back with the same passion and burning need. Sa pagtugon niyang iyon ay naramdaman ang lalong paglalim ng halik. She could only hear their lips making sounds, she could only hear her heart beating so fast. Their tongues met in a sweet duel, she moaned in pleasure and she felt the heat raging in every veins in her body. Iniangat siya nito sa gilid ng pool at naramdaman na lang niyang nakaupo na siya. He lifted his body and as soon as she realized, they were not in the water anymore, he picked her up.

Patuloy siya sa paghalik dito hanggang sa naglalakad na ito papasok sa loob. He slowly laid her down on the couch. He was no more than a silhouette in her eyes and he's perfect. When he made another command, some lights turned on. Nakadagdag pa iyon sa init niyang nararamdaman dahil sa lamlam niyon at tila may kalayuan sa kanila. Walang pagtutol sa kanya nang dahan-dahan nitong alisin ang maliliit na saplot sa kanyang katawan at pinakatitigan siya na para bang siya ang pinakamagandang nakita nito sa buong buhay nito.

"Seb..." her voice was more like a whisper. "We need to talk..."

"Baby, never ever say those four words again."

She realized what he meant by that.

"Pero..."

Ipinatong nito ang isang daliri sa tapat ng mga labi saka siya pinakatitigan. "Like I said, everything's going to be all right. I need you, Rei..."

He smiled, ngayon niya nalaman kung gaano niya kinasabikang makita ulit ang ngiti nitong iyon. Then she realized the fact that she had fallen deeply and madly in love with him. It scared her. Paano na kapag natapos ang pagpapanggap nila? He kissed her neck and tears rolled down her cheeks as realization hit the deepest part of her heart.

Pasimpleng pinahid niya ang mga luha habang abala pa ito sa paghalik sa kanyang leeg hanggang sa kanyang balikat. There's no way she would tell him that she's in love with him. At habang pakiramdam niya ay kailangan pa siya nito, she will give everything to him. Body and soul.

"Seb, I just want to thank you again for saving me..." mahina niyang usal bago ito tumingin sa kanya.

"You are worth saving, baby."

She bit her lower lip. Paanong hindi niya ito mamahalin agad?

"I wouldn't be here with you if—"

He leaned closer to her. "Sshh...you are here with me, iyon ang importante ngayon."

Hinalikan siya nitong muli sa mga labi habang patuloy ang pagbibigay atensiyon ng kamay nito sa pagitan ng kanyang mga hita. His warm hand knew exactly where to touch, where to give attention to.

She gasped when she felt a couple of his fingers slowly slipped into her vagina while he was kissing her torridly. Nakakabaliw ang samu't saring sensasyon na ipinapalasap nito sa kanya at mabilis na tinangay ng hangin ang pag-aalala sa kanyang dibdib.

"Seb!" she cried out when he released her mouth to feast on her neck.

Napakapit siya sa balikat nito, the extreme sensations she was feeling between her thighs couldn't be put in words. Kanina lang ay tanggap na niyang maghihiwalay na ang landas nila pero ngayon...magkasama pa rin sila nito.

"You like it, don't you?" he was half smiling.

"Yes, yes...Oh, please..."

Masuyong humaplos ang isa nitong kamay sa kanyang braso hanggang sa gilid ng kanyang leeg. His lips found her mouth again. Tinugon niya ang malalim na halik nito, ang bawat paggalaw ng dila, ang bawat pagpinid sa mga labi. She kissed him back the same way he was kissing her.

"Take me now...please..." she breathed in his mouth.

"I want that too, baby, but you're so sweet and warm, I want to take you slow...very slow..."

Gusto niyang punan na nito ang pangangailangan niyang naipon sa loob ng ilang araw. She had been dreaming of this moment again at ngayong abot-kamay na niya ang malasap ang langit sa piling nito ulit, wala siyang pag-aalinlangan. He kissed her hard and deep while his hand was still doing wonders between her thighs.

He parted her thighs and in one slow thrust, he entered her. She grasped onto his shoulders to ease the heavenly pain until it subsided into an immeasurable pleasure. Nagtagpong muli ang kanilang mga labi habang dinama ang katawan na naging isa.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...