The Billionaire's Fake Wife (...

By CGMartinne

12.8K 669 158

Rei has given up on life. Kaya napagdesisyunan niyang tapusin na ang lahat. Eksaktong alas nuwebe ng gabi ay... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven

Chapter Fifteen

329 16 1
By CGMartinne


NAGTATAKA si Rei nang matanaw niya sa labas ng Jollibee ang paparating na si Hector. Kunot ang noo niya nang tingnan si Patricia na siyang kinita niya. May importante raw itong sasabihin sa kanya kaya siya napilitan na makipagkita rito. Hindi siya nagpaalam kay Sebastian tutal ay mabilis lang naman siya at sumabay lang siya sa grocery schedule ni Manang Fidelita. Nasa kabilang mall lang ito at naroon rin naghihintay si Mang Jun. Nagpaalam lang siya sa mga ito na kikitain niya ang kaibigan niya.

"Peks, bakit nandito si Hector?" mahina niyang tanong sa kaibigan. "Bakit hindi mo sinabi na pupunta siya?"

Lumingon ito. "Oh, nabanggit ko yata sa kanya na magkikita tayo, sabi niya ay sasaglit lang daw siya para mag-Hello sa 'yo. Excuse me, punta lang ako sa rest room." Agad na umalis si Patricia.

"Peks!" habol niyang tawag rito pero hindi na ito lumingon pa.

Hindi na siya nakasagot nang umupo na sa katabi niyang bakanteng silya ang lalaki at walang sabi-sabing hinalikan siya sa pisngi. Agad siyang umiwas dito dahil hindi inaasahan iyon.

"Hector!"

"What? That's just a friendly kiss, Rei. Relax."

Lumingon siya sa kaliwa at kanan. Paano kapag may makakita sa kanilang magkatabi nito? He even put his arm on her chair.

"Rei! How are you?" ngiting-ngiti ito.

"Good. Pero hindi sinabi sa 'kin ni Patricia na daraan ka. K-kumusta ka?"

"Better now that I see you again."

Alanganin ang ngiti niya. Halos beinte minutos pa ang lumipas bago nakabalik ang kaibigan niya. Nakita niya ang pagtaas ng kilay nito na ipinaglipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Hector bago muling pinagtuunan ng pansin ang ice cream sa cup na ngayon ay nalusaw na.

"Hector, alam mo naman ang sinabi ng asawa ko sa 'yo 'di ba?" Seryosong sabi niya mayamaya.

Patricia looked at Hector. "May sinabi sa 'yo ang asawa ni Rei? Ano 'yon? Business ba? Sali ako."

Umangat ang isang sulok ng mga labi ng lalaki saka siya tiningnan.

"Bakit ba takot na takot ka? Is he controlling you? I'm not even doing anything to you."

"He's not. At hindi ako natatakot. Ayoko lang ng gulo."

"Nabanggit sa 'kin ni Patricia na magkikita nga daw kayo eksakto naman na sa kabilang kanto lang ang construction site na hinahandle ko. I just wanted to say hi and I wanted to see you. Pagkatapos no'ng reunion ay ngayon na lang tayo ulit nagkita. Pati pakikipagkaibigan sa 'yo bawal?"

She looked around. Ayaw niyang may makakilala sa kanya. As far as everybody knows, asawa siya ni Sebastian Andrada. Napansin yata ng dalawa ang pagiging alerto niya at magkasabay pang ipinatong ng dalawa ang kamay sa ibabaw ng kamay niya.

"It's okay. Masyadong maraming tao dito para may makakilala sa 'yo," ani Patricia.

She calmed herself. Tama ito. At saka wala naman siyang ginagawang masama kaya bakit naman siya maaaligaga?

"Kumakain ka ba ng sapat, Rei? You look like you have lost some pounds," ani Hector at inilapit sa harap niya ang hamburger.

Umiling siya. "I'm okay, magla-lunch rin kasi ako sa bahay kaya do'n na lang ako kakain. Hindi naman talaga ako tabain kaya kahit anong kain ko hindi ako tumataba."

Ngumiti ito, walang kasingtamis. "Naaalala mo pa ba 'yung time na nag-partner tayo sa thesis natin? You were so hard working that time, kahit abutin tayo ng alas tres ng madaling araw ay ayos lang sa 'yo. Ayaw mong magpaawat."

"Yeah. I remember. Pagkatapos ay nalaman kong after graduation ay ipinagpatuloy mong mag-aral ng Engineering. At si Patricia naman ay tumuloy sa Psychology. You guys followed your dreams and I'm so happy for both of you."

Tumango-tango si Patricia. "Pero nakakatuwang isipin na mas mataas pa ang narating mo sa amin." sabi ni Patricia.

"Oh, wala naman akong halos kinikita sa pagsusulat sapat lang pambayad ng bills ko."

Ngumiti ang kaibigan at umiling. "Hindi 'yon! I mean, look at you, wearing that expensive ring, branded clothes and having the best life dahil napangasawa mo ang isang katulad ni Sebastian Andrada, I mean, you don't even go out and party tapos nakakilala ka ng isang tulad niya? That's just so...what's the term I'm looking for?"

"Blessed." Sabi ni Hector na nginitian pa siya.

"Lucky." Sabi ni Patricia bago nawala ang ngiti sa mga labi. "I guess it's pure luck."

Umiling siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman sa mga sinabi ng mga ito. Masaya ba ang mga ito sa kanya? Parang hindi iyon ang dating ng pananalita ng mga ito lalo na ni Patricia na ipinagtataka niya. Lagi namang supportive sa Patricia sa kanya mula noon kaya bakit parang may iba sa tono nito ngayon. Itinuturing niya itong best friend kaya bakit nag-iiba ito ng pakikitungo sa kanya?

"H-hindi naman ako umaasa sa asawa ko. I still work."

At hindi ko 'yon asawa! Sigaw ng isip niya.

Patricia laughed. "Why? Para saan pa na magtrabaho ka? You live in his mansion with maids and a driver. Kahit sino puwede mong bayaran para pagsilbihan ka. Hindi ko talaga akalain na ikaw pa ang makakapangasawa ng pinakamayaman sa batch natin. I mean, natalbugan mo pa sina Karla."

Hindi siya nakapagsalita dahil hindi naman siya makapaniwala na maririnig iyon mula sa bibig mismo ng itinuturing niyang matalik na kaibigan.

"Well, I admire you for that, Rei. Mas okay rin na tumutulong ka sa kanya at hindi lang nakaasa." Sabi ni Hector. "Patricia has a point though."

Hindi siya nagsalita. Hindi niya alam ang dapat niyang sabihin sa mga ito. Tumayo na si Hector at nagpaalam na babalik na ito sa trabaho. Napatayo rin siya para sana kamayan ito nang biglang yakapin siya nito.

"I hope to see you again, Rei. Kung hindi lang sana ako dapat na bumalik na sa site, matatagalan pa sana ako dito." Halos ay bulong nito sa kanya. At hinawakan siya sa magkabilang balikat at inilayo dito.

She went back to her seat thinking how in the world Hector was acting as if they were close friends. Ang weird sa pakiramdam niya ng ginawa nitong pakikitungo sa kanya. That kiss on the cheek was the first red flag pagkatapos ay niyakap naman siya nito nang mahigpit. That was just weird. What's going on?

"Parang may iba..." aniya at deretso ang tingin sa kaibigan.

"Ha? What do you mean?"

She shrugged it off, baka siya lamang ang nag-iisip niyon.

"Anyway, kumusta ang trabaho? At ang boyfriend mong si Phil?"

Umikot ang mga mata nito na para bang biglang nabwisit. "Wala na kami ni Phil. He's a loser. Kaya ayoko nang pag-usapan. Work is fine. Same shit everyday." Biglang ngumiti ito at tila kumislap pa ang mga mata. "Ikaw naman ang magkuwento. Kumusta ang bago mong buhay? Ano'ng hitsura ng bahay ng asawa mo? Malaki ba talaga katulad ng nakita ko sa balita noon? Magkuwento ka dali! Ilan ang mga katulong n'yo? Ilan ang kotse niya? At saka, joint account ba kayo ni Sebastian? Nag-prenup ba kayo?"

"Okay lang naman, Peks." Tipid niyang sagot.

Hindi niya inaasahan na mas interesado ito kay Sebastian kaysa sa kanya. She could feel that something has changed at nagiging malinaw na iyon sa kanya. Hindi ganoon si Patricia dati, palagi ay tungkol sa mga pelikula, artista, potential businesses at mga lugar na gusto nilang puntahan ang pinag-uusapan nila ngayon ay puros si Sebastian lang ang bukambibig nito.

"Okay lang? O ayaw mo lang magkuwento?" mataray na sabi nito. "Now that you're married to a rich man parang ang damot-damot mo sa balita."

That, too. Hindi pa ito kahit kailan nagtaray sa kanya ng ganoon.

"Oo, malaki 'yung bahay which is not important to me naman."

"Mansiyon ba?"

Tumango siya. Ipinagsalikop nito ang mga kamay at itinapat sa dibdib. "Invite mo naman ako please! Para makita ko. Kahit overnight lang. May swimming pool ba? I'll bring a bikini para makapag-swimming tayo. Alam kong iisa lang siyang anak, so...may pinsan ba siya na puwede mo ireto sa 'kin?"

She sighed. Hindi niya alam na may interes ang kaibigan niya sa ganoong klaseng karangyaan. But she remembered that Patricia had always dreamed of marrying a rich man. Mahilig ito sa mga designer bags and shoes. Lagi rin itong puma-party tuwing weekends at hindi nga niya alam minsan kung bakit sila magkaibigan nito gayong napakalayo ng personality nila sa isa't isa.

"Makita ang alin?" kunwari ay tanong niya.

"'Yung bahay syempre. Para naman makita ko kung gaano ka na ka-rich ngayon. Nakakainggit naman, Rei..." nakasimangot na turan nito. "Donya ka na talaga. Amoy pera ka na nga, eh. Look at you, ang ganda ng dress mo at mamahalin ang bag mo."

Nagtaka siya ngunit hindi ipinahalata iyon dito. "Hindi naman, Peks."

Nag-angat ito ng tingin sa kanya sabay hawak sa kamay niya at kinilatis ang kanyang singsing. "Mukhang mamahalin talaga. Alam mo kung magkano 'to?"

Bahagya siyang tumango sabay unti-unti ang pagbawi sa kamay at uminom ng tubig.

"Magkano?" tanong ng kaibigan.

"Mahalaga pa ba 'yon?" naiilang na siya dito.

"Magkano nga? Parang hindi naman tayo magkaibigan niyan."

She checked her cell phone. May mensahe na roon si Manang Fidelita na tapos na itong mag-grocery at dadaanan na siya. Nag-reply siya rito bago niya tiningnan ang kaibigan na nakatunghay pa rin sa kanya.

"Hindi ko alam, eh. Si Sebastian ang bumili."

"Wala kang idea kung magkano? Ang ganda kasi... ganyan ang pangarap kong singsing kaya lang ay sino naman ang magbibigay sa 'kin ng ganyan kamahal na singsing na parang house and lot na yata ang katumbas na presyo."

"Peks, mauna na ako ha? Nariyan na ang sundo ko. O paano? Next time na lang ulit?"

"Iinvite mo nga ako sa bahay n'yo." Ungot nito bago siya niyakap.

"I'll see. Magpapaalam ako kay Sebastian."

Ngunit hindi niya sigurado kung magagawa niyang magpaalam sa binata ng tungkol doon. Hindi naman siya nito totoong asawa kaya wala siyang karapatan na mag-imbita ng kahit na sino sa pamamahay nito.

"O sige, balitaan mo ako ha?"

Bago siya tumalikod ay biglang may naalala. "Sabi mo pala may importante kang sasabihin sa 'kin, ano 'yon?"

Kumamot ito sa ulo. "Oo nga pala. Buti ay ipinaalala mo. Manghihiram sana ako sa 'yo, Rei. Nagkasakit ang tatay at kailangan namin ng pampaopera. Kulang pa kasi 'yung ipon ko at nila Ate. Mapapahiram mo ba ako? Nasa fifty thousand 'yung nalikom ko at kulang pa kami ng one hundred thousand para maoperahan na siya sa puso. Puwede bang manghiram sa asawa mo?"

Biglang nag-ring ang cell phone niya at si Manang Fidelita ang tumatawag. Hindi niya alam na may sakit ang tatay nito at ngayon lang nito nabanggit iyon sa kanya. Saan siya kukuha ng one hundred thousand pesos? Manghiram daw kay Sebastian? Eh hindi naman niya totoong asawa ang lalaki!

"Titingnan ko Peks. Sige ha? Mauna na ako at nariyan na ang sundo ko." Nagmamadali siyang bumeso rito. "Please pakisabi kay Tito na pagaling siya."

"Aasahan ko 'yan, Rei, ha? Nakasalalay sa 'yo ang pampaopera ng tatay."

Napangiwi siya sa narinig sabay lakad na palayo at ramdam niyang sinusundan siya ng tingin nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat na isipin. May isang bagay rin na gumugulo sa isip niya. Hindi nito ni minsan ginamit ang pet name nilang "peks" at tinawag siya sa kanyang pangalan makailang ulit. Nasa isipan pa rin niya ang mga usapan nila kahit nakaupo na siya sa back seat ng sasakyan.

"Anak, okay ka lang ba? Kumusta ang kaibigan mo?" tanong ni Manang Fidelita na nakaupo sa tabi ng driver.

"Ha? Ah, okay lang naman ho."

Itinuon niya ang pansin sa labas. Hindi na niya gugustuhin pang bigyan ng ibang detalye ang matanda dahil maging siya ay nagtataka at hindi maipaliwanag kung bakit iba na ang pakikitungo sa kanya ni Patricia.

***********

NAKAABANG sa may driveway si Sebastian nang pumarada ang sasakyan doon. Ito mismo ang nagbukas ng pinto at hinawakan siya sa kamay nang pababa na siya. She smiled at him. Mabilis na nawala sa isip niya ang mga pagtatanong tungkol kina Patricia at Hector dahil nakita na niya ulit ito.

"Hi, hindi ko alam na sumama ka sa kanila mag-grocery," sabi nito.

"Actually, Seb—"

"Halina kayo sa loob at nang makakain na tayo. Gutom na gutom na ako." Sabi ni Manang Fidelita habang bitbit ang ilan sa mga pinamili nito.

Hindi bale at mamaya na lamang niya babanggitin ang tungkol sa pagkikita nila ng mga kaibigan dito. Gutom na rin siya at lalo lang kumalam ang sikmura niya nang malanghap ang mga nakahain sa komedor.

Nilingon niya ang binata na nakamasid lang habang naghahain sila Amy at Ara. Nilapitan siya nito.

"Beef caldereta, ginisang ampalaya at pritong tilapia, go ahead and wash your hands so we can eat." Sabi nito sa kanya.

Bago pa niya sinunod ito ay pinakatitigan muna niya ito. Hindi siya makapaniwalang siya ang babaeng nasa tabi nito ngayon at ang alam ng lahat na asawa nito. If only it was true, then maybe she would be the happiest woman alive.

"Rei?" untag nito.

Hindi niya namalayang nakatitig lang siya rito. "Sorry. Ang guwapo mo kasi."

Nakita niya ang biglang pamumula ng mukha nito. "Go and wash your hands, I'm sure gutom ka na rin."

Nginitian niya ito. "Right away, Sir!"

Narinig pa niya ang tawanan nina Ara at Amy bago siya nagmartsa patungong kusina at nakasalubong si Jo na may bitbit na bowl ng fruit salad.

"Nakabalik na pala kayo, Ma'am, tara at kain na."

"Oo nga, Jo. Gutom na gutom na ako. Susunod na ako."

Bago pa niya maitapat ang mga kamay sa tubig ay nakatanggap siya ng text message, mula iyon kay Patricia.

"'Yung one hundred thousand pesos 'wag mong kalimutan ha?"

Naiinis na ibinalik niya iyon sa bulsa. Kung makautos ito ay parang may ipinatago sa kanya! Nahihiwagaan siya rito ngunit mamaya na niya iyon iisipin. Ngayon ay ang kalam muna ng sikmura niya ang kailangan niyang harapin.

Matapos makakain ay naghuhugas na ng mga plato si Rei. Siya ang kusang gumawa niyon dahil alam naman niyang wala siyang ipinagkaiba kina Jo, Amy at Ara. She is Sebastian's fake wife, wala silang relasyon nito kaya nararapat lang na magbigay serbisyo siya sa pamamahay nito.

"Ma'am Rei talagang paborito n'yo ang mag-urong 'no?"

Natawa siya sa sinabi na iyon ni Jo na nagsasalin ng mga natirang ulam sa babasaging mga container.

"Oo naman. Ipagawa mo na sa akin ang lahat huwag lang ang pamamalantsa at hindi ko talaga type 'yon."

Tumawa ito. "Iyon naman ang type ko."

They grinned at each other. Nang halos patapos na siya ay nakita niya sa gilid ng mga mata ang pagpasok ng binata sa kusina. Kunot ang noo nito.

"Narito ka lang pala. Why are you washing the dishes?" tumabi ito sa kanya, hindi maipinta ang mukha.

"Malapit na 'kong matapos. I just want to help."

Hindi ito nagsalita, isinandal ang sarili sa counter at nagpamulsa na balak yata siyang hintayin na matapos. She looked at him, puzzled. Nang matapos sa paglilinis ay hinarap niya ito at kinilatis ang mukha nitong parang aburido.

"Parang bad mood ka yata?"

Hinawakan siya nito sa kamay at naglakad sila patungong driveway. Isinakay siya nito sa passenger's seat at nang maupo ito sa driver's seat ay hinawakan niya ito sa balikat.

"Are you okay?" she asked.

He looked at her. "Let's get some ice cream." Binuhay nito ang makina at mayamaya pa ay nasa kalsada na sila.

He was just concentrating his eyes on the road. Mukhang may problema ito. Pumarada ito sa harap ng isang convenient store at bumaba. When he came back my dala na itong isang malaking tub ng chocolate ice cream at dalawang plastic spoons. He drove again. Matapos ang halos limang minuto ay inihinto nito ang sasakyan sa isang parke. Naupo sila sa pangdalawahang swing na naroon.

Marami na silang nakakain na ice cream nang sulyapan niya ito.

"Alam mong narito lang ako kung kailangan mo ng kausap."

He hesitated for few minutes, but he glanced at her.

"I talked to Bianca." He said.

Binundol ng kaba ang dibdib niya. Oo at alam na niya ang tungkol sa Bianca na iyon pero parang hindi yata masasanay ang mga tainga niya na marinig ang pangalang iyon.

"Bianca?"

He sighed and looked away. Malalim rin ang buntonghininga nito.

"My ex-fiancée." Sabi nito.

"Yeah, I know. What about her?"

She could hear her own heart beating in a pace she didn't know possible. Ano ang ibig sabihin niyon? Nagbabalik na ba ang babae sa buhay nito? By the look on his face, he seems confused at dahil ba iyon sa kanya? Dahil kung hindi siya nag-e-exist ay madali lang para dito na bigyang daan ang pagbabalik ng babaeng iyon sa buhay nito? Kahit na ipinalaglag nito ang anak ng mga ito?

Kitang-kita niya sa mukha nito na nalilito ito at ibig sabihin lang niyon ay iisa...may nararamdaman pa ito sa babaeng iyon hanggang ngayon. He already said it, right? Bianca was the only one he'd ever loved.

"So, kailan kayo magbabalikan?" parang may bikig sa kanyang lalamunan ng tanungin iyon.

Tila nawala rin ang lasa ng ice cream sa kanyang bibig kaya't ibinaba niya ang kutsara sa kanyang tabi. Hindi na matamis iyon katulad kanina. It suddenly tasted bland to her.

Hindi ito umimik. Tama siya ng hinala, may nararamdaman pa rin ito sa babaeng iyon. God, how can she be this stupid? How can she do this to herself?

"I didn't know what to say to her, nakinig lang ako sa kanya."

Pinigil niya ang sariling makadama ng hapdi ngunit kay bilis gumapang ng sakit sa buo niyang katawan. She couldn't describe the pang in her chest, para siyang pinapatay nang paunti-unti.

"N-nasa Amerika siya 'di ba?" mahina niyang tanong.

Bahagya lang siya nitong tiningnan. "She's going back to the Philippines."

Gusto niyang sigawan ito at sampalin para magising sa isang kahibangan. Galit ito sa babae hindi ba? Dahil ipinalaglag nito ang anak nito at hindi ito sumama pabalik sa Pilipinas para mabuhay nang maayos? Galit ito dahil mas pinili ng babae ang pangarap nito kaysa dito hindi ba? Kung ganoon, bakit parang mahal pa rin nito ang babaeng iyon?

"Okay naman pala. Babalik na siya 'di ibig sabihin ay puwede na ulit maging kayo. May nakaraan kayo at mahal n'yo pa rin siguro ang isa't isa. Oh, wait, ako ba ang hadlang? Oo nga pala, alam ng mga tao na ako ang asawa mo. So, paano? Kailan mo ite-terminate ang kasunduan natin? Puwede mong sabihin na naghiwalay na tayo at finalized na ang annulment. You don't have to give a reason of the separation 'di ba? Mabilis namang makalimot ang mga tao, sooner or later they will not remember that I even existed."

She realized that she talked too fast. Walang preno ang bibig niya dahil parang wala na siyang maisip na maayos. Nilulunod na siya ng sakit sa dibdib at hindi na siya makapag-isip. She's in pain and she couldn't hide it anymore.

Hindi ito nagkomento at nanatiling deretso lamang ang tingin. Tumayo na ito, nilakad ang basurahan at ihinulog doon ang ice cream container. Tumayo na rin siya at sumunod rito pabalik sa sasakyan. Wala silang kibo habang nagmamaneho na ito pabalik. Nang makarating ay nagpaalam siyang may kukunin lang sa guest room na siyang tinuluyan niya, she locked the door as soon as she got inside and cried her heart out.

Namumugto ang kanyang mga mata nang magising si Rei. Nakatulog na pala siya kakaiyak at napansin niyang alas siyete na ng gabi. Tumingin siya sa salamin at napailing. Namamaga ang kanyang mga mata at ngayon ay naiiyak na naman. Kung bakit ba naman kasi napakababaw ng mga luha niya! She sat on the edge of the bed and cried again. Paano siya makakalabas ng silid ngayon?

"Tama na, Rei..." alo niya sa sarili kahit iyak pa rin nang iyak.

Sunod-sunod na katok ang nagpatingin sa kanya sa pinto.

"Hija, nakahain na ang hapunan. Tara na at bumaba!" boses iyon ni Manang Fidelita.

She cried again, hindi na niya makikita pa ito ulit kapag bumalik na siya sa dati niyang buhay. Hindi na niya makikita pa sina Jo, Amy, Ara at Mang Jun. Hindi na niya makikita ang magandang garden na maraming bulaklak at lalong hindi na niya makikita pa si Sebastian.

"Hindi ho ako nagugutom, mamaya na lang ho ako kakain." Sabi niya nang lumapit sa nakapinid na pinto.

Narinig niya ang mga yabag na papalayo ngunit ilang minuto lang ay may mga yabag na papalapit sa pinto. Siguro ay inutusan ito ni Sebastian na katukin siya ulit.

"Hey, is everything okay? Hindi ka raw nagugutom? Let me see you."

Boses iyon ni Sebastian.

"Masakit ang ulo ko. Mamaya na lang ako kakain, please."

"Okay then let me just see you." Pamimilit nito.

"Seb, ano ba!"

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...