The Billionaire's Fake Wife (...

By CGMartinne

12.8K 669 158

Rei has given up on life. Kaya napagdesisyunan niyang tapusin na ang lahat. Eksaktong alas nuwebe ng gabi ay... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven

Chapter Fourteen

334 18 2
By CGMartinne


TAHIMIK na nakatanaw lang sa labas ng bintana si Rei sa loob ng kanyang silid. She had thought about what happened to her earlier and how she felt scared. Para bang bigla ay nag-alala siya sa kanyang buhay. If it had happened to her before she met Sebastian, wala siyang magiging pakialam kung mapapahamak siya. But now...sinulyapan niya ang kanyang braso na may benda. May anim na stitches doon at nararamdaman pa niya ang hapdi. Now, she's scared.

Is this how it feels to live? Is this how it feels to have someone she cares more than herself? Hindi na niya kailangang lingunin kung sino ang pumasok sa silid nang marinig niya ang pagbukas at pagsara niyon. Tumabi sa kanya ang binata.

"Are you sure you don't need to stay in the hospital?"

Umiling siya at tiningnan ito. Nasa mukha nito ang pag-aalala.

"Okay lang ako."

"I know that it's not the right time to ask you about this but..." his voice trailed off.

"Kung tama ako ng hinala, nagpaimbestiga na si Mamita tungkol sa akin. Obvious naman, eh, hindi ko binabanggit kahit na kanino ang nakaraan ko. Now that she knows, alam kong sooner or later, gagamitin niya 'yon laban sa 'kin. And Seb, ayokong maapektuhan ka dahil do'n."

Hindi ito sumagot at sinundan ng tingin ang dereksyon kung saan nakatutok ang kanyang mata—sa garden na tila kay payapa. Ito na nga marahil ang tamang panahon para malaman nito ang nakaraan niya na matagal niyang tinakasan.

"Seb, I have to tell you something. Bago mo pa malaman 'to mula kay Mamita."

Hinawakan siya nito sa kanyang magkabilang braso saka siya ipinaharap dito. Parang may bikig ang kanyang lalamunan pero kailangan na niyang sabihin rito ang nakaraan niya.

"This is the first time I'm telling someone about this, ang akala ko ay si lola Edita ang una at huling taong makakaalam ng nakaraan ko." Mahina niyang wika na ang boses ay kababakasan ng kakaibang uri ng lungkot.

"Rei, don't force yourself."

"Pero gusto kong sa akin mo malaman ang totoo."

Huminga ito nang malalim saka tumango at hinintay siyang magsalita.

"I was abused growing up, Seb. Walang araw na hindi ako binubugbog ng tatay ko. At wala ring araw na hiniling ko na sana ay may ginawa manlang ang nanay ko. Dumating pa sa punto na, nakatulog na ako sa loob ng sako na itinali niya sa puno ng mangga. I was bleeding, hungry, and badly injured. Iyon ay noong nalaman niya na kumupit ako ng limang piso sa bulsa ng pantalon niya."

Sinikap niyang hindi maluha ngunit kay hirap sa dibdib na balikan ang masalimuot niyang nakaraan.

"You don't need to tell me about this right now..." alo nito sa kanya.

Umiling siya. "Gusto kong sabihin sa 'yo ang lahat."

Iniupo siya nito sa gilid ng kama at tumabi ito sa kanya. Matagal na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa bago siya muling magsalita.

"May kapatid ako, Seb, si Ate Mildred. She was very protective of me. Hindi niya hinahayaan na maiwan ako sa kubo na kasama ang tatay. Kahit na umakyat kami ng bundok para mangahoy, palagi niya akong sinasama. Kapag bigla na lang siyang tinatawag ng tatay habang nasa bundok kami, sinasabi niyang 'wag akong matakot at babalik siya. Kapag bumabalik naman siya ay palaging umiiyak. Napapatahan ko lang siya kapag niyayaya ko siyang maligo sa ilog."

Hinawakan ni Sebastian ang kamay niya. "Don't tell me that..."

Tumango siya, ang sakit-sakit sa dibdib ng kanyang mga naranasan. Hindi niya kailanman nagawang magkuwento kahit na kanino dahil natatakot siya sa maaaring panghuhusga na matatanggap niya. Not everybody will understand.

"She's sexually abused by our father, Seb..." humagulgol siya ng iyak at mabilis na ipinaloob siya nito sa mga bisig nito.

Hindi niya alam na ang pag-alala sa nakaraan ay magdudulot pa rin ng nakaliliyong sakit sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. She had left everything in Agusan for sixteen years now! Pero sariwa pa rin ang sugat sa kanyang puso. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ilang beses niyang inisip na kitilin ang sariling buhay. The past is still haunting her.

"Isang araw na naglako ng gulay ang nanay at naiwan kami ng Ate Mildred sa bahay. Ang akala namin ay nasa bukid ang tatay pero tanghalian ay umuwi siya. Pilit niya akong isinasama pabalik sa bukid. Lumaban ang Ate ko, ayaw niya akong sumama kay tatay. Hindi ko maintindihan kung bakit—"

Niyakap siya nang mahigpit ni Seb. "Oh, my God! I didn't know. I didn't know. I'm so sorry you had to go through that! Oh, Rei..." unti-unti siya nitong tiningnan sa mga mata.

"Nagpilit ang Ate na siya na lang ang isama sa bukid. Dahil dose anyos lang daw ako at maawa naman daw sa akin ang tatay. Pumayag siya at umiiyak na naman ang Ate na sumama sa tatay. Pagbalik niya ay hapon na. Narinig kong nagsusumbong ulit siya sa nanay dahil daw sinalbahe siya ulit pero sinabi lang ng nanay na huwag na lang daw matigas ang ulo ng Ate ko at sundin na lang daw ang lahat ng gusto ng tatay dahil kung hindi, pare-pareho daw kaming masasaktan."

"Rei..." usal ni Sebastian sa pangalan niya na tila ba hindi na alam ang dapat sabihin.

"Trese anyos ako noong...makita ko ang unti-unting paglaki ng tiyan ng Ate. She tried killing herself, Seb, pero sabi niya, paano na daw ako kapag nawala siya? Sino daw ang magpoprotekta sa akin? Pero hindi na rin kinaya ng kapatid ko ang lahat ng pambababoy sa kanya dahil nagtangkang magsumbong ang Ate ko sa pulis. Nalaman 'yon ng tatay kaya siya binugbog pagkatapos ay binantaan na kapag nagtangka pa daw magsumbong ang Ate ko, papatayin daw ako ng tatay. Sabi niya sa 'kin, kapag may pagkakataon daw ako tumakbo, huwag na huwag na daw akong babalik. Ilang araw siyang hindi makausap nang maayos, para siyang nawala sa sarili niya. Isang umaga, paggising ko, wala nang buhay ang Ate sa tabi ko. Naglaslas siya, Seb. Kaya nagising ako noon dahil nakaramdam ako ng basa, dugo na pala niya ang nararamdaman ko no'n. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko.

"Sa burol ng Ate ay nagpunta ang lola Edita, naglakas loob ako na magsumbong at sinabi ko lahat sa kanya kung ano ang mga naranasan ng Ate Mildred. Kinagabihan, matapos mailibing ang kapatid ko, hinahanap ako ng tatay at kakausapin raw ako. Sinabi ng lola na isasama lang daw niya akong bumili ng balut at babalik rin daw kami agad, itinakas na ako ng lola hanggang sa makauwi kami sa San Luis. Mula noon ay hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa mga magulang ko at ayoko nang malaman pa."

Unti-unting lumuwang ang pagkakayakap sa kanya ng binata at masuyo nitong tinuyo ang kanyang mga luha gamit ang palad nito. He looked at her with such admiration.

"I am so grateful that you were brave enough to ask for help during that time. I couldn't imagine what that monster would have done if you did not speak up. At hindi rin kita masisisi kung ayaw mo nang makita pa sila ulit. I'm sorry that you went through all those hardships. I couldn't even imagine it, it's terrifying. I promise that I will protect you, katulad ng pagprotekta sa 'yo ng kapatid mo noon. I'll always be here, Rei."

Pasinghot-singhot siya habang tumatango kay Sebastian. She's not scared anymore. Wala nang puwang ang takot at lungkot sa puso niya dahil kasama na niya ito. Kung nasaan man ngayon ang Ate Mildred niya, sigurado siyang masaya ito dahil nasa maayos siyang kalagayan.

"Masaya siguro ang Ate kung nasaan man siya ngayon dahil alam niyang ligtas ako."

Sebastian kissed her forehead. Masuyo iyon at nagdulot ng haplos sa kanyang puso.

"She is, I'm sure of that. And I know that she wants you to live your life, Rei. Huwag mo na sanang isipin na..." hindi nito maituloy ang nais sabihin.

Hinawakan niya ito sa mukha. "Hindi na, Seb. Masyadong puno ng sakit, takot at kalungkutan ang puso ko kaya siguro ay ginusto ko na lang bumitiw at inisip na magpakamatay. Sana ay inisip ko rin ang sakripisyo ng Ate Mildred para mabuhay ako nang maayos. Hindi ko na 'to sasayangin. I was worth saving like you said and I still am. Hindi ko na gagawin 'yon. Anoman ang mangyari sa 'tin, I will always choose to live. And I made a promise 'di ba? I intend to keep it."

Maluwang na ang kanyang dibdib dahil naikuwento na niya rito ang kanyang masalimuot na nakaraan. Hindi siya nito hinusgahan at kinaawaan bagkus ay inintindi siya nito. Her heart could only love this man even more. And when that reality hit her, she had to slowly pull away from him.

Oh my God...I'm in love with Seb...

Nanatili lang siyang nakatitig dito at nang akmang lalapit ang mukha nito para hagkan siya ay biglang may kumatok sa pinto. Si Manang Fidelita iyon at nakangiti sa kanila.

"Handa na ang pagkain mga anak." Anunsiyo nito.

Sabay pa silang tumayo ni Sebastian at sumunod na sa matanda. Hinayaan niya ang sariling mapangiti nang akbayan siya ng binata. She felt free and safe and loved. Pero kinuwestiyon niya ang huling naisip. May nararamdaman rin kaya sa kanya ang binata o parte lang ng pagpapanggap ang ipinapakita nito sa kanya?


************

NAGTATAKA si Rei habang nagbabasa ng libro sa lilim na bahagi ng garden. May bench doon at maganda ang view sa harap niya. Ngayon lang niya hinimay-himay sa isip ang nangyari kahapon sa labas ng Japanese restaurant. Kung magnanakaw ang lalaking umaligid sa sasakyan ni Sebastian, hindi ba dapat ay binasag na nito ang salamin dahil puros mamahalin ang mga gamit sa backset? At saka dapat ay kinuha rin nito ang cell phone na hawak niya at hindi lamang ang clutch bag niya? Hindi kaya siya ang target ng lalaking iyon dahil may baril ito? Inambaan siya nito ng saksak at kung hindi lang ito nataranta ay siguro ay napuruhan na siya.

She was deep in her thoughts when she felt two hands covered her eyes from behind. Sa pabango pa lang na nasamyo niya ay natitiyak niyang si Sebastian iyon. Nakauwi na pala ito! Sandali itong nagpaalam na may bibilhin lang at babalik rin bago maghapunan. Pero alas tres y media pa lang ay nakabalik na ito.

"May pasalubong ako. Guess what?"

She could tell he was smiling from ear to ear base sa tono ng pananalita nito. Dahan-dahan siyang tumayo at napahawak sa mga kamay nito.

"Hmm...mangga? Para may partner ang bagoong ko?" sabi niya sabay tawa.

Siguro ay nangingiwi na ito dahil sa binanggit niya.

"No. isa pang hula."

She laughed. "Kakanin ba 'to?"

"Yes!"

Tawa siya ulit. "Okay. Okay. Malagkit?"

"I think so."

"Sirit na. Maraming kakanin na malagkit 'no!"

They both laughed. Inalis nito ang pagkakatakip sa mga mata niya at saka siya humarap dito. Ngiting-ngiti ito na itinaas ang isang malaking supot.

"Suman. Biko. Palitaw. Kutsinta and this colorful sticky food."

"Sapin-sapin ang tawag d'yan." Namilog ang mga mata niya. "Parang binili mo ang lahat ng tinda ang dami naman nito!"

"I did. Pinipilahan ang maliit na tindahan ni Manang Rosa sa bayan kaya noong nakita ni Mang Jun na may natira pa, ipinabili ko na lahat. Let's have merienda?"

"Aba, mukhang mas type mo ngayon ang Filipino merienda kaysa sa mga sosyal na pagkain, ah? Question, ano 'yung pinakamahal na merienda na kinain mo?"

Nangunot ang noo nito. "What?"

"Sige na, curious lang ako."

"I don't know. I've been to many places."

"Okay, sa Amerika?"

Naglakad sila nito habang nakakapit siya sa isang braso nito at parang bata na umuungot ng candy.

"Are you serious? You really want to know?"

Tumango-tango siya habang ngiting-ngiti.

He sighed. "Well, I remember there was a time that I went to Vegas and I had this tacos."

"Okay. Ano'ng pangalan?"

"It's called grand velas los cabos tacos. It was all right. I mean, could be better."

She nodded her head. Hindi pa siya nakarinig ng ganoon klaseng pagkain.

"M-magkano naman 'yon?"

"I'll take you there one day and I'll make you guess the price, okay?"

"Magkano nga?"

He raised his eyebrows. "You really want to know?"

"Oo nga."

"Hmm...I think it was around twenty-five thousand?"

She looked at him with wide eyes. "Twenty-five thousand pesos—wait, sa Las Vegas 'di ba? So...twenty-five thousand dollars? Oh, my God! Are you serious? What? Why? Who would spend—"

He pinched her nose. "See? So don't ask such questions 'kay?"

Hindi siya nakapagsalita at nakatingala lang dito na nasa mukha niya ang gulat, pagkamangha at panghihinayang. Ewan niya, bakit siya affected?

"Dapat pala hindi na ako nagtanong." Sabi niya.

He laughed and smiled at her sabay itinaas ang supot na hawak nito. "But I prefer this over any kind of expensive food, dahil kasama kita."

Nilipad ng hangin ang kung ano-ano niyang naramdaman at naiwan ang kilig sa kanyang katawan. Sinong babae ang hindi mapapaibig sa isang tulad nito? Magkahawak-kamay silang pumasok sa malaking bahay at tinawag ang lahat para mag-merienda. Napuno ng tawanan at kuwentuhan ang kanilang merienda at habang ganoon na lamang ang tawa niya sa kuwento nina Ara at Amy, napansin niyang nakapako na ang tingin sa kanya ni Sebastian na parang siya lamang ang tao sa paligid nito.

"Thank you sa merienda," sabi niya nang naglalakad na sila ng binata pabalik sa garden. "Mukhang late na tayong makakapag-dinner dahil busog na busog lahat."

Nakapamulsa ito at guwapong-guwapo sa suot na kupas na maong at simpleng kulay asul na T-shirt. Nakatsinelas rin lang ito. Malayo iyon sa getup nito kapag pumapasok sa trabaho. And she like him just the same kahit ano pa ang suot nito at kahit ano pa ang mood nito.

"You don't have to thank me. Napansin kong mas kinain mo ang suman kaysa sa ibang kakanin."

Nagbaba siya ng tingin. "Magaling kasing magluto ng suman ang nanay ko noon. Naalala ko lang siya."

"I think you're healing, dahil nabanggit mo ang tungkol doon. If you're not, iba ang isasagot mo sa akin. Napatawad mo na ba sila?"

Naupo siya sa bench at tumabi ito sa kanya. Kay payapa ng paligid at mabini ang ihip ng hanging panghapon. Kay payapa ng lahat maging ng kanyang dibdib.

"I don't know. Masama ba akong tao para gustuhin kong kalimutan ang sarili kong mga magulang?"

Naramdaman niya ang paghigit nito ng malalim na paghinga, umayos siya nang pagkakaupo at tiningnan ito. He looked very serious like he's really thinking about what he's going to say.

"Every child deserves to have parents but not all parents deserve to have a child. So, no. You have all the right to move on with your life without them and if the process requires you to leave everything behind, so be it. You owe it to yourself, Rei." Seryosong wika nito na tila ba sa sarili rin sinasabi ang mga iyon.

Tama ito. Alam niyang hindi niya makakalimutan ang mga magulang kahit ano ang gawin niya pero dapat lang na habambuhay na siyang lumayo sa mga ito para sa ikakapanatag ng kanyang loob. Siguro ay babaunin na lamang niya ang magagandang alaala pero hanggang doon na lang iyon.

Her gaze fixed at Sebastian, she could feel that something's suddenly changed.

"Seb, bakit parang malungkot ka?"

Malayo ang tingin nito na parang nagbabalik tanaw. Kitang-kita niyang may dinadala ito sa dibdib at nang tingnan siya ay nakita niya ang labis na kalungkutan sa mga mata nito.

"I just remembered something."

Hindi siya nagsalita hanggang sa iiwas nito ang tingin. She could really feel that he's hurting. Para bang may bumabagabag sa dibdib nito.

"Seb, matanong ko lang sana...sino si Bianca?"

Noong narinig niyang pinag-uusapan nina Manang Fidelita at iba pang mga kasambahay ang tungkol sa babaeng may pangalang Bianca at nakita siya ay biglang natahimik ang mga ito. When she asked them, ang sabi ng mga ito ay hindi dapat malaman ni Sebastian na pinag-usapan ng mga ito ang babae. Pero sino ba iyon at bakit hindi puwedeng pag-usapan?

"My ex-fiancée."

Ex-fiancée. Kung ganoon...tama pala ang bali-balita noon na ang nag-iisang tagapagmana ng mga Andrada ay ikakasal na. Kahit walang narinig mula sa panig ng mga Andrada tungkol doon, inaabangan ng media ang reaksiyon ni Sebastian tungkol sa balitang kumalat. But it never happened.

"She was pregnant when we decided to move back here in the Philippines."

She's in full attention. Hindi niya alam kung bakit unti-unting bumabangon ang kaba sa dibdib niya.

"Ang akala ko, okay na ang lahat, na tanggap niyang magiging ina na siya at makakasama ako sa pagbuo ng pamilya namin dito sa Pilipinas. But a week before our flight back home, bigla na lang siyang tumawag sa 'kin, saying that she couldn't do it. Na hindi niya maiiwan ang buhay ng pagmomodelo at gusto niyang maabot ang mas mataas na pangarap niya. And that she...aborted the baby. Galit na galit ako pero ano ang magagawa 'ko? Ginawa na niya. I was too late."

"I'm sorry..."

Kitang-kita pa niya ang hapdi sa mga mata nito. Hindi na marahil mawawala dito ang sakit na dulot ng ginawa ng dati nitong nobya. Mahirap siguro para dito na magkuwento sa kanya but he still did. Hindi niya alam na may ganoon pala itong pinagdaanan sa buhay. Maski siya, hindi rin nito akalain na may masalimuot rin na nakaraan.

"It's been five years, Rei. Unti-unti ko nang natatanggap na hindi lahat ng gusto ko ay kaya kong makuha."

"Seb..."

"That's when I realized that no matter what I do, nobody's gonna stay with me," he smiled bitterly, "I gave her everything, Rei. Everything and still not enough to make her stay. She's the only one I've ever loved. Pero gano'n talaga, ano? Well, that fucked me up."

Parang dinurog ang puso niya sa narinig. That woman was the only one he had ever loved? Kung ganoon, wala ring pupuntahan ang nararamdaman niya para dito? Dahil sa kabila ng ginawa ng babaeng iyon ay ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso nito? Iniwas niya ang tingin dahil kinontrol niya ang pagpatak ng mga luha. Damn it. Bakit siya nasasaktan ng ganito? Malinaw na noon pa man na parte lang ng pagpapanggap ang ginagawa nila. She's the fake wife and she will always be the fake one.

Para siyang pinapatay sa sakit. Siya lamang pala ang nagbibigay kulay sa mga ipinaparamdam nito sa kanya. Hindi niya alam na mayroon ng babaeng nagmamay-ari sa puso nito. Dapat ay nagtanong siya. She should have done better research! Dapat ay...prinotektahan niya ang puso mula rito.

"N-nandito pa naman ako, may kasunduan tayo, 'di ba? May eleven months and two weeks pa tayo na magkasama." Pinilit niya ang sariling sabihin iyon na may kasamang ngiti.

Kay sakit sa pakiramdam na ang lalaking pinag-aalayan niya ng damdamin ay walang maisusukling pagmamahal sa kanya. She shouldn't have let herself fall for him. Napakatanga niya!

"Rei—"

"Excuse me lang, Seb, may nakalimutan akong sabihin kay Manang Fidelita. Mauna na 'ko sa loob."

Dali-dali siyang bumalik sa loob ng malaking bahay hindi para hanapin sa Manang Fidelita kundi ang magkulong sa silid niya. How can she let her guards down? 

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...