LOVE STRUCK (COMPLETED)

By NimfaBeckOfficial

16.1K 1.3K 597

Two people bound by their unusual past. One wants to go back. The other has no idea. Until their love finds i... More

The Proposal
So It's You
Jollibee
The RING
Hitched
HEAD OVER HEELS
The Interview
Once Again
The Girlfriend
Fall For YOU
JORDAN
REMEMBER
Once Again
Heart
Back At One
The Sisters
MASQUERADE
Masquerade II
Love Struck
Enlightenment
LOVE STRUCK EBOOK

💖EPILOGUE💖

1.2K 79 80
By NimfaBeckOfficial

💖💖💖

"Sure ka bang okay ka lang?"

"Oo naman. Maya-maya magiging okay na ulit ako. Usually morning lang ganito. Parang allergic rhinitis pero hindi ko naman matatawag na colds kung hindi..." hindi niya masabi kung ano. She was just looking at me while on the bed lying down sideways trying to find the right words to describe how she was feeling.

"Magpa-check up ka na kaya?"

"Hindi naman ako nilalagnat. I'm sure wala akong sakit."

I gave up. "Okay, but if you feel really bad, let me know, ha. I'll drive you to the hospital. Huwag muna natin sabihin kina nanay para hindi mag-alala. Kunwari magsi-shopping lang tayo."

"I'm sure I am fine, hindi kailangang umabot sa gano'n."

"I believe you." Dinampot ko ang black silk invitation with silver and gold lining na ibinibigay niya. Nilapag niya iyon sa ibabaw ng kama. I was standing at the foot of her bed when I opened it. "Wala ba akong huli dito?"

She giggled. "Huli. pero hindi kulong."

I rolled my eyes. "Gabi 'to, ah. Baka hindi ako payagan nina nanay."

"Mas hindi ako papayagan. Saka puwede mo naman sabihin na mag-o-overnight ka sa bahay ng kaibigan mo. Ginagawa n'yo naman 'yon paminsan minsan."

"Magsisinungaling ako?"

Lumabi siya. "Baka nga kasi hindi ka payagan."

See, even her doubted kung papayagan ako. Hindi naman mahigpit ang mga magulang namin. But being a girl, going out at night with possible drinking was a no, no!

I studied the invitation. Mukhang mamahalin, although walang presyo. Pero may pangalan. "Okay lang ba na pangalan ng lalaki ang nandito?"

"Yang invitation na iyan ang pinakaimportanteng bagay na dapat nasa iyo kapag pumunta ka diyan. They won't even look at the name according to Gerome. Kailangan bumalik sa opisina ang eksaktong bilang ng sold tickets. Iti-trace ang wala at pagmumultahin. So kukunin nila iyan sa iyo sa entrance."

"Ang weird, dapat ay choice iyon kung ayaw o gustong pumunta."

"May auction kasi. They didn't want to miss the opportunity to have as many bidders as needed. Pero bawi naman daw iyan. Food and drinks are overflowing. May entertainment show pa at talagang mga sikat na celebrities ang kumbidado. Then there's a raffle, if you can stay that long."

I want to stay as long as I could. I would use this event as a scape goat. Baka sakaling tuluyang mawala ang mga masasakit na damdamin sa puso ko. Akala ko noon ay arte lang, But gosh! Ilang linggo nang kasal si Devin.

It had been weeks mula nang sabihin ko ang damdamin ko sa kanya matapos ang kasal niya. Siniguro kong kasal na siya nang gawin ko iyon para hindi niya isipin na may plano akong guluhin ang relasyon niya. Na may plano akong agawin siya sa asawa niya. I was not that desperate, kahit gaano ko siya kamahal. And I would never be, kahit kaninong lalaki. It was just not my cup of tea.

And I was glad na wala siyang sinabi. Niyakap niya lang ako habang umiiyak ako noon sa dibdib niya. And then I said goodbye, and he looked at me sadly while I was driving away. I promised that I wouldn't see him again until I was very happy with my life and that he would just become an enticing memory.

I knew it would happen in time and I am praying it would be sooner.

Tiningnan ko ulit ang kapatid ko at bumuo ako ng plano. "Bibili ako ng Henna Tattoo Kit, paint my mask in my face." The party is what it says in the invitation, Masquerade Ball. At plano kong iwala ang sarili ko. I didn't want to take chances. Dapat ay walang makakilala sa akin ano man ang gawin ko sa lugar na iyon. I wanted to drink the night away and just sleep in a nearby hotel or inn after, kinabukasan na ako uuwi.

Also, magaling mag-paint si Trina. It is one of her talents and hobby. Madalas ay bumibili ako ng henna kit kapag may lakad kami and she would paint cute tattoos on those exposed parts of our bodies like our legs, arms, part of our faces, or our exposed backs. It usually gains praise from our friends.

"Huh? Binilhan na kita ng mask para diyan, ah!"

"Gusto ko 'yong hindi natatanggal unless maligo ako."

She pouted. "Sayang naman 'yong silver mask, ang mahal pa naman niyon."

"Isusuot ko naman iyong binili mo. Ayaw ko lang na kung may biglang mangyari o magbiro at tanggalin ang mask para makilala ako ay magtagumpay siya."

Natawa ang kapatid ko. She got my point. "Kung sino man iyon ay kawawa dahil mapapahiya siya."

"Exactly, no one messes up with me." I looked at her closet. Nakabukas iyon ng bahagya at nasilip ko ang mga damit niya. "Anyway, pahiramin mo ako ng gown para kung may kakilala man ako na naroon ay hindi maisip na ako iyon. Hopefully hindi ka din kilala ng kung sino man iyon."

She chuckled. "Ang dami mong hang ups, Ate."

"Masquerade rin lang ito, lulubusin ko na." I waved the invitation in the air. "I will be Katrina Valerio that night. Franceska De Vera will be a thing of a past, at least for that night." And then natigilan ako nang may maalala. "May beach party nga pala kami ng mga kaibigan ko the day before this Masquerade. Mamumukha akong ulikba."

She laughed then. "Ang kulit mo, Ate!"

"Anyway, magsa-sunblock na lang ako para makinis ang pagkaitim ko. Wala na talaga si Cheska. Hello Katrina!"

💖💖💖

Hindi lang ako negrita, wala rin akong boses. Kinarir ko ang pagwawalwal at biniritan ang lahat ng kanta ng aegis nang nakaraang gabi sa videoke habang umiinom ng malamig na cocktails na sariling timpla ng mga kasama kong naggaling-galingang maging bartender.

On top of this, I got myself a purple sleeveless gown from my sister's collection. Pati heels niya ay isinuot ko. Wala ako nitong mga ito dahil sa ospital, pati ang white shoes namin ay dapat may friction at bawal ang heels.

Masakit na ang lalamunan ko pero hindi pa rin ako nalasing talaga kagabi. Nagrereklamo ako sa kanila na hindi pa rin ako nakakalimot. 'Yong mga alam ang pinagdadaanan ko ay niyayakap ako at inaalo buong gabi. Sinasabayan din nila ako na kantahin ang halik at luha ng paulit ulit. Wala pa ring nangyari.

So, I planned to continue drinking tonight. May the odds be with me.

In fairness, inaantok ako sa auction na ito. Ang mamahal ng mga items at wala naman gamit sa akin. But I need to be here. From the entrance, lahat ay dito itinuturo, bawal lumiko sa kanan o kaliwa. Parang gala ang party para sa mga babae. May red carpet pa nga.

Nakakatuwa ang mga lalaking executives. Some of them were just wearing sports shirt and sneakers pero naka-mask. Ang mga babae talaga ang mga nakabihis. There were some couples that I saw na malamang ay parehong empleyado ng Lucien, maybe they met in the company. Alam ko ay bawal sa malalaking corporation ang magkakamag-anak, least of all ay mag-asawa.

Ang sumunod na offer ay isang antique na pendulum wall clock. Hindi naman siya sing laki ni Big Ben pero kailangan pa din siyang itayo sa isang lugar para mapakinabangan ng maayos. Nang umabot sa two hundred thousand and presyo ay tumayo ako para mag CR. Baka puwede nang tumakas. I need to start drinking early para maaga din akong malasing.

Baka hindi na naman ako malasing tulad kagabi. Umay!

So, I walked confidently on the side habang tumitingin sa paligid going to the direction of the stage. Parang may liwanag sa gilid niyon na nagsasabi ng Restroom.

Lakad lingon ang ginawa ko, kunwari sanay sa heels. Ang totoo, nakakadagdag siya ng self confidence. Feeling ko ay tumangkad ako and I am towering everybody, Naks!

Lakad-lingon ulit. Ouch! Natapilok ako!

Inaasahan ko na ang pagbagsak ko nang may humawak sa kamay ko. Hindi ko nga alam kung paano niya nagawa iyon but I was thankful. Kumapit ako ng mahigpit sa braso niya for support. Nalukot ko ang manggas ng folded midnight blue long sleeves niya. Ang contrast ng damit namin. Dilim na dilim, kasing dilim ng balat ko ngayon.

"Ops!" I said pambawi sa pagkapahiya. Ang bango ng mamang ito.

Tumayo siya ng tuwid kaya medyo nadamay ako. "Steady."

Sinubukan kong tumuwid ng tayo kaya mas nahila ko ang forearms niya.

His hand circled to the back of my waist then. Ang lapit-lapit niya na sa akin. Close na kami! Super bango ni Kuya. Gusto ko na siyang amuyin. "I got you," he said. Ang sweet!

"Thanks." Mahilig kaya siya sa may magandang legs? Sabi kasi nila maganda daw ang legs ko, ipakita ko kaya, maybe he'll keep me company kung mag-isa lang siya. Niyuko ko ang paanan ko. Kunwari ay tinitingnan ko ang heels ko kung nabali. May mataas na slit ang chiffon gown ko sa left leg at may stars spangled banner sa bandang dibdib.

Nakita kong yumuko din siya pero hindi nagkomento.

Failed.

Tumuwid na lang ako ng tayo at bumitiw. "Thank you. Sorry." I tried to smile. 'Lang pake tong mama na 'to, sayang lang ang effort ko.

"De nada." Nag Spanish pa. Muntik na akong umismid.

Makaalis na nga. I need to go on my merry way. Nilingon ko ang papunta sa harap dahil sa gilid ng stage ko nakita ang restroom sign kanina.

I walked past him. Tinanguan ko siya. Sumandal siya sa poste at nag crossed arm.

At home na at home!

And then I stopped walking...

He looked familiar...

Medyo umatras ako patapat ulit sa lalaking matangkad. Naka heels na ako pero parang lumampas lang ako ng konti sa balikat niya. He was in his black trousers that hugged his hips sexily. Kamukha niya at kapareho magdala ng damit ang paborito kong Korean actor na si Dennis Oh. At si Dennis Oh ay kahawig ni... Omg!

"And now ladies and gentlemen! Our new item to bid for. Please meet, Goldie!"

Napatingin ako sa stage.

"And the bidding now starts at five thousand!"

Napanguso ako at napabulong ng wala sa sarili. "Gusto ko pa naman niyan. Pero ang mahal na simula pa lang." Hanggang fake golden nail clippers na lang talaga ako!

Nagulat ako nang magsalita siya. Narinig niya pala ang reklamo ko. "Ano ang gagawin mo sa gintong nail clippers?"

Tiningnan ko siya. "Ewan ko. Siguro ay ipanggugupit ko ng kuko paminsan minsan. But I will keep it more sa banyo or sa kuwarto. Or kasama ng iilang jewelries na bigay ng nanay ko."

Medyo tumuwid siya ng tayo para mapaharap ng kaunti sa akin.

Si Jordan nga ito!

Halos wala naman tinakpan sa mask. Mas malaki pa ang eye mask ni Robin! Kaya galit si Batman 'don, eh! Papogi! Samantalang ang kapal ng mask ni Batman na nakadugtong pa yata sa kapa! Si Robin chill lang? Unfair!

Kaya pala ang bango at kahawig ni Dennis Oh, pati katawan at magdamit. Iyon pa naman ang gustong gusto ko sa kapatid ni Jannah na ito na pa fall! Nilandi ako noong graduation ng kapatid niya tapos hindi na tumawag. Bwiset! Hmp! "Malambot 'yan. It's twenty four carat gold. Not advisable to be used."

I snorted and fished something from my purple hand bag na hiram din kay Trina. Inilabas ko ang nail clippers na parehong pareho ng pinapa-bid. Muntik ko pa mabitiwan ang silver bidding racket. Buti na lang malakas ang grip ko. Binuksan ko ang palad ko sa harap niya.

Napaawang ang bibig niya. "A golden nail clippers!" he exclaimed pero mahina lang naman.

"This is fake," sarkastikong sabi ko na ibinalik ang nail clippers sa bag ko. Humarap ulit ako sa stage. Dumikit ako sa kanya para maamoy ko siya. We were shoulder to shoulder now except mas mataas ang balikat niya sa akin. Kulang na lang ay umangkla ako. Kalma lang Cheska! Nagreklamo ulit ako at sinuyod ng tingin ang mga screen sa paligid na nagpapakita ng gintong nail clippers. "Pero ganyan ko kagusto ang nail clippers na 'yan."

Nang nasa seventeen thousand na ang bidding ay nakita kong tinipa niya ang numero sa silver racket niya. The number signifies thousand unit. Itinaas niya ang number eighteen. Napakurap ako.

Wait, he's bidding? Loko 'to, ah!

Hmm, baka naman may pagbibigyan siya. I calmed myself down again.

Umabot na sa twenty K at lumalaban pa rin siya. I need to make sure na hindi ito sa akin at hindi niya ako pagbabayarin. "What are you doing?"

"I'm getting you your golden nail clippers," he said coolly.

"Wala akong pambayad niyan!" matigas na bulong ko.

Ngumisi ang gago! "Ako mayroon!" Itinaas niya ang number twenty one. "At least to a certain amount."

Nanlaki ang mga mata ko nang umabot na sa tweny five K at sige pa rin siya. Nilabanan pa ang mag-asawang aristokrata na nasa gitna ng mga upuan sa side namin.

Nang umabot sa twenty seven thousand ay tumayo ako sa harap niya paharang sa mga tao. "Give it up!"

He stared at me and without looking at the numbers, and keyed in three and zero. 

Pinandilatan ko siya. "Don't you dare!"

He smirked and lazily lifted the racket while still staring at me.

Narinig ko na lang na nagsalita ang Auctioneer. "Going once, going twice! Sold to the purple-blue couple for thirty thousand!" I heard the gavel hit the round wood on the lectern.

Maglilitanya sana ako ng mga nakakagigil na salita pero bigla siyang nagsalita.

"Hintayin lang natin na iabot sa atin iyon, then we'll go to the bar. What do you say?"

He is inviting me for a drink?

Wait! Hindi niya ako kilala?

Ah yes, because of my mask!

Ang baliw na 'to! Akala ko pa naman ay liligawan si Cheska. Kung makadiga noong graduation party ni Jannah. Tapos ngayon ay nilalandi ako! Este, 'yong babaing ako ngayon, hindi si Cheska!

Gamitin ko na nga lang! Dapat mapasaakin talaga ang nail clippers na 'yon! "Ibibigay mo ba talaga sa akin iyon?"

Tulad ng mabait na alalay, tumango naman siya. "Drink with me though. Wait, are you already eighteen?"

"Oo naman!" sarkastikong sagot ko. alam kong mukha akong nene, pero kasi dapat nakilala niya ako. Hmmm, maybe this is for the better. Mas may magagawa ako kasama siya kapag hindi niya ako kilala.

Ahhhhh, ang talino mo talaga Cheska!

"Naniniguro lang po. So drink?"

"Sure!" I winked at him. I think!

"What kind do you drink?"

"I drink cocktails." Pero gusto ko sana nang totohanan ngayon at hindi tulad ng timpla ng mga kaibigan ko kagabi. Para naman siguradong malasing ako! "Ikaw?"

"Beer and vodka."

"Okay. Hindi magagalit ang girlfriend mo?" Kapag sumagot ito na may girlfriend babatukan ko!

Ang luwang ng ngisi niya. "Sweetheart, the mask is a symbol of mystery. We shouldn't be talking about anything outside our body right now."

Make sense! "Gotcha!" Kahit ba wala namang itinago ang mask niya! Mahihiya si superman dito, eh!

Lumapit ang isang unipormadong lalaki at iniabot sa kanya ang isang golden paper bag. It is the gift wrapped golden nail clippers.

Iniabot niya iyon sa akin. "I need your name, though."

Pangalan kapalit ng thirty thousand na nail clippers? Sure! "Katrina Valerio." Sorry Trina, pero nagpaalam na ako sa'yo, ha!

He offered his arm. "Shall we?"

Umangkla naman ako. 

Lumabas kami ng auction room na puwede na pala. 

At nakalimutan ko na mag-CR.

💖💖💖

I discovered na kailangan ng pirma ng empleyado para maka-order ng cocktail drink. I started with Spritz. I also learned na empleyado pala si Jordan ng Lucien kaya pirma lang siya ng pirma sa iniinom ko.

He got himself a martini while we were talking. "Proxy ka ba?" he asked kung paano ako nakapunta dito.

Malamang, kaya nga hindi ako makapirma. "Something like that. Lalaki ang may ari ng ticket ko. I was requested to attend. May penalty daw kasi siya kapag hindi ginamit ang ticket."

"I see. Boyfriend mo?"

Makatanong! "Akala ko ba walang tanungan?"

Parang kating kati magtanong ang loko! "Right, right. Sorry."

"Forgiven. Paano pala kung tulad kong walang kasama. I mean, If I didn't have you? How can I order my cocktail drinks?"

"Madali lang, kahit sino diyan puwede mong hatakin." At ginalingan pa ang pambobola. "Maganda ka naman, maraming uupo sa tabi mo para pumirma."

Hindi ka makakabawi sa akin! Babaerong ito!

I laughed though. Kilig pa din ako.

We talked while we drink. Once in awhile ay matitigilan siya at tititigan ako na akala ko ay nakikilala na ako. But noh!!!

He even offered me a ride which I gladly turned down. I planned to execute my plan! "Grab taxi lang. I want to drink kaya hindi ako nagdala ng sasakyan. I was told na may open bar tonight."

"I see, baka naman malasing ka agad, ang liit mo, eh." Sapakin ko kaya ito! "Dapat matatag. Nag-dinner ka na ba? I was told na kapag hindi daw kumain at uminom ay madaling malasing."

"Hindi naman ako gutom pero hindi pa din ako nagdi-dinner."

Nilingon muna namin ang mga nakapila sa mga food buffets sa kabilang party ng dance hall bago siya muling tumingin sa akin. "I can buy your dinner at the restaurant outside this hall."

Your thirty thousand is enough, Sir! "I'm fine."

"Baka kasi malasing ka agad. Sayang naman."

"Bakit sayang, gusto kong maglasing."

Parang nagulat siya. "At bakit?"

"Akala ko ba walang tanungan?" muntik ko na siyang dilaan.

Tuluyan niyang inikot ang upuan paharap sa akin. I did the same thing. Iginitna niya ako sa legs niya na nakatapak sa ground. Ang haba niya talaga! "Okay, I won't ask. Para kasi makapag-try ka pa ng ibang cocktail drinks. Makarami ka man lang ng kaunti bago ka tuluyang malasing."

Puwede! "I guess you are right."

Gumawa siya ng paraan para magkalaman ang tiyan ko. Tinanong niya ang bartender. "Wala ka bang kahit ano'ng appetizer diyan? Pulutan." Ang gentleman naman nito. Nakaka in love din sana.

"Meron, Sir. Pero hindi on the house."

"That's fine. Just let me know how much. Do you accept cash?"

I end up ordering cordon bleu and chicken wings.

"Damihan mo para mabusog," sabi niya pa sa bartender.

We talked about my name as Kat so I asked his. Hindi ko binitiwan ang posibilidad na baka naman mag-iba din siya ng pangalan. Pa mysterious ba? But, again, noooh!!

"My name is Jordan Ferreira."

I cringed. Sinikap kong ngumiti. "Ang ganda naman ng pangalan mo. Parang artista."

He winked at iniba ang topic. "So, what's your plan tonight kapag lasing ka na?" Nang hindi agad ako sumagot dahil nag-iisip pa ako ay inulit niya ang tanong. Ibang way lang at may kasamang offer. "So, pagkatapos mong malasing, uuwi ka na ba? I can bring you home."

I told him my plan. "I want to sleep somewhere. Maybe I could find an inn or a hotel nearby. Nahihiya naman ako sa nanay at tatay ko na umuwi ng lasing."

"You mean you planned to drink hanggang sa hindi ka na makatayo?"

"I planned to drink hanggang sa hindi na ako makaalala."

He looked and sounded concerned now. "You know that's temporary, right?"

"Oo naman, kahit ngayong gabi lang."

Then he smoothly drawl. "We'll, how about spending the night with someone? Para tulungan kang makalimot."

I didn't think na nasagot ko iyon ng maayos. What I know was, dumating ang pagkain namin. I ate a lot. He offered me more drinks. He talked to me sensibly like a friend.

And I am irrevocably falling for him...

At may natatandaan akong ganitong conversation...

"Will you spend the night with me?"

"Sure, pero matutulog lang tayo, ah."

"Sure!"

And I drank more and more. Pero parang walang tama!

Maya-maya ay nagtanong siya. "Gusto mo bang mag-alis ng mask?"

Ito ang sinasabi ko kay Trina. May puputol sa pagiging misteryoso ng gabing ito. At si Jordan pa talaga. Natawa ako. "My mask ako sa loob ng mask na 'to."

"What?"

Inalis ko ang mask sa harap niya at hinagis iyon sa counter.

His expression was priceless. Tawang tawa ako. "I planned to be really mysterious tonight."

He sighed.

Noon ko naalala na gusto ko nga palang magbanyo. So I tried to stand. At noon ko lang din napatunayan na lasing na pala ako.

"Where are you going?"

"Restroom." I swayed.

Nakaalalay agad siya. "I think you are already drunk."

"Ang tino-tino pa ng utak ko. This is so unfair, dapat ay sumisigaw na ako dito ,'di ba?"

"You must be talking about the crazy ones."

"Pero gano'n kapag lasing, 'di ba?" I became bold and I liked it. "Sasamahan mo ba ako sa CR?"

"I don't think I can do that."

"But my head is spinning. I need someone to bring me inside the toilet."

"Yakap ka muna sa akin, kukuha lang ako ng pera sa wallet ko."

I did. Hinigpitan ko ang yakap. I don't know what he is doing but I am in heaven. Inamoy amoy ko pa siya. Ang sarap! Kapag niyaya ako nitong magpakasal ngayong gabi, magpapakasal ako! Ang bango!

And then we walked. "Sa'n tayo pupunta?"

"I reserved a room upstairs doon ka na mag-CR."

"Huh? How did you do that?"

"Online."

"Wow! The power of money."

"I'll say the power of technology? I don't even have a lot of money."

Whatever!

Nagpatianod ako. I found myself in an elevator. I hugged him again. Buti na lang ay hindi niya ako itinutulak.

The next thing I knew, I was already in bed. Sinikap kong tumayo dahil gusto kong mag-CR at gusto kong mag-shower dahil init na init ako.

So, I was drunk. Nakapag-shower ako after kong mag-CR habang nakaalalay si Jordan. I would never do such things in my right mind.

And after the shower when I felt a little refreshed pinanood ko siyang naliligo habang nakaupo ako sa kama. Hindi niya sinara ang pinto ng banyo at transparent ang shower room.

I was mesmerized by his body and I was imagining his big hands on my body. Ni hindi man lang ako umabot sa ganitong pag-iisip kay Devin. I was wholesome with him.

But with Jordan... it's different.

Kapag ba mahalay ang iniisip sa isang lalaki ibig sabihin ay gusto na mapangasawa? Hindi ko ba gusto mapangasawa si Devin?

I saw him turn off the shower and come out of the bathroom in his splendid naked glory.

Hard, big, and standing proud.

Natigilan siya sa pagpupunas ng basang buhok nang mapansin ako.

His eyes met mine.

"M-maybe I am drunk already but... Can we spend this night loving each other?"

His jaw dropped but not his manhood. Thank God!

💖💖💖

Napabalikwas ako ng upo sa kama.

Jordan did the same thing and looked at me worriedly.

We were both naked at tingin ko ay wala pa kaming isang oras na natutulog. Tutop ko ang kumot sa dibdib ko.

"What happened?" he asked worriedly. Hinimas niya ang likod ko.

I stared at him and swallowed. Naramdaman ko ang luha sa mga mata ko. Ang bilis dumaloy.

"What's wrong, baby?" Niyakap niya ako. Naramdaman kong nahirapan siyang yakapin ako kaya niyuko ko ang sarili ko.

I am pregnant.

Yes, five months already.

Anniversary namin ngayon. Iyong una naming kasal.

He already got his green card three months ago.

He got me pregnant the first time that we made love in the Philippines. No, that's the second time. But that was the first time after five years. And we did it so many times at both times, five years and five months ago.

I saw the bond paper with his phone number along with his message when I woke up from the hotel room that he reserved then. Itinago ko iyon. I didn't have a plan to call him, I was having mixed emotions until I learned about my pregnancy.

Yumuko ako para abutin ang drawer sa ibaba ng kama.

Kumalas siya sa akin. "Babe, ano ba 'yang inaabot mo diyan, ako na lang."

"I'm fine." I found was I looking for. Nakatupi iyon ng maliit at inipit ko sa isang scrap book. Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama at binuksan iyon.

Jordan literally held his breath upon seeing the paper.

I looked at him. "It is me. I'm with you."

"God!" he whispered.

"Hindi ko naalala ito kahit no'ng sinabi mo sa akin ang tungkol sa party noong nandoon tayo sa kuwarto ko sa Pilipinas. I just saw it with my things noong nagliligpit ako five years ago papunta dito sa US, nakatiklop ng ganito. Itinago ko lang dito and I forgot about it. Ngayon ko lang ulit naalala."

I saw his tears again. Palagi ko na lang siyang pinapaiyak.

He reached out to my face instead and palmed my tears.

"I gave the nail clippers to Trina because I don't want to involve you in my life. Pakiramdam ko ay hindi pa ako ready. I am in a mess. Hindi ko mapakibagayan ang sarili ko at ayokong tanggapin na puwede kitang mahalin ng ganoon kabilis.

I was wary because I thought you are attracted to Cheska, pero hindi ka nagdalawang isip na dalhin ako sa hotel room noong gabi ng Masquerade Ball. Nakalimutan mo si Cheska. Nahiya ako na hindi mo naman na talaga ako iniisip at literal na niloko kita. You might not be attracted to me at wala ka naman talagang balak na ligawan ako, na umasa lang ako."

"I-I'm sorry. All throughout that night iniisip ko na pinagtaksilan ko si Cheska, but she is so like Kat. I couldn't help myself."

"Because its me. You are drawn to me kahit ano pa'ng gawin ko. I am yours and yours alone."

"I'm sorry, babe."

"Wala kang kasalanan. Mahal mo ako noon at ngayon. And I am always scared that I loved Devin differently at hindi ko lang naintindihan ang sarili ko. Because you, you are the one that I really love."

He stared at me.

"After all these years, Jordan."

"Please stop crying baka makasama sa inyo ng babies."

"I'm fine. Noong mangyari ang aksidente, that is the same day that I found out that I was pregnant. I planned to call you and let you know pagdating sa bahay. I guess I am so afraid that when amnesia struck 'yong pinakalaman ng isip ko noong oras ng aksidente ang nakalimutan ko. I knew it was not Devin. I was so calm whenever I thought of him. But you...

Kahit noong una mo akong i-message noong nandito na ako sa US. I got butterfly in my stomach. I never felt that way with Devin."

Please... he mouthed. Nag-aalala siya. We already lost one baby. We wouldn't lose these twins.

"We'll be fine. I'll take care of our babies," I promised him. "Hindi ko gustong mawala ang anak natin noon."

"I know. I'll take care of all of you three. I love you, and thank you."

"I love you, too. I want it to be you."

He nodded. "I know it's you, I just need you to remember, and don't want to give you false hope. But I can feel it in my senses. The familiarity of making love to that woman five years ago is the same kind that I feel when I am making love with you now. It feels like home. I know it's you. You're my home."

"Jordan..."

Inalalayan niya akong muling mahiga pagkatapos ilagay ang papel sa bed side table sa likod ko. He hugged me tight. "Let's go back to sleep. We'll have a big celebration tomorrow. Susunduin natin sila sa airport."

Yes, both our parents are coming. Kasama sina Jannah at si Rowin.

"Happy anniversary, baby."

"Happy anniversary..."

"I love you..."

I love you more...

💖💖💖

💖💖💖

Please take time to read the completed novels here on Wattpad.

I am completely or partially deleting them soon, as I make them available on the website.

Enjoy!

💖💖💖

You are reading the Wattpad's version of LOVE STRUCK.

The Password-Protected EBook Copy IS/OR WILL BE available on the website. https://nimfabeck.wixsite.com/nimfabeck

Thank you for reading.

Your Vote and Comments are greatly appreciated.

God bless everyone!

💖💖💖

🌺🌺🌺

NEWEST VERSION: TX, USA 08/11/2022 8:20 AM

Copyright Ⓒ Nimfa Beck2024

NimfaBeckOfficial

website: https://nimfabeck.wixsite.com/nimfabeck

Previously Posted: TX, USA 03/27/2022 8:34 PM

First Edition 2015 NCR Philippines

🌸🌸🌸

🌺🌺🌺

Old Notes:

Totoo na ito. Thank you soooo much for being with me in this novel. It took me two weeks to finish. I know I promised na one-week lang sana, at ten chapters lang sana, sorry na! Hindi na ako mangangako, hahaha! But thank you!

This is another milestone at na-enjoy ko talagang isulat ito. Sana na-enjoy n'yo din basahin.

Jordan and Cheska will be signing off for now. Nakaka sad din huhuhu! But you might see them again as guests in other stories or special chapters.

I will be writing Lilith now! See you there!

Love you all! God bless!

Acknowledgment:

Salamat sa masisipag mag-comment dito, binubuhay po ninyo ang writing ability ko:

sweetshandys

Yelsyeng

azuraaiza

May291975

arlyn84

julz58

nazDominique

itsmetmt

Faith_1324

babyAries16

todskie19

julz58

nafeljo

sweetviahbaby

InaUy26

hazel102189

babyAries16

letsjam

menchiesensonqueen

VivianArguelles9

lukaret01

FranciaAcopio

user82707709

'Yong na miss kong name, may susunod pa naman.

Again and again! Thank you! 💖💖💖

Continue Reading

You'll Also Like

16K 512 24
COMPLETED Marian Guerrero's best friend/ foster brother Chris Ibarra has one ambition----to graduate as the Baron. But when his girlfriend Lauryn sta...
161K 4K 31
Cassandra Nicole Suarez- from a sweet little girl to a cold-hearted one. Mula nang mamatay ang kanyang ina at nakatatandang kapatid na lalaki sa isan...
32.7K 1.7K 59
[STATUS: COMPLETED]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF NAGATO 'ATONG', THE 3RD BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. IMPRESSIVE RANK: #1 IN MOB BOOK IN ORDER: BOOK 1: G...
40K 1.1K 24
Highest rank #201 in Romance Matapos ang walong taong paninirahan sa Amerika, napilitang umuwi si Diana sa Pilipinas. Sumakabilang buhay na kasi ang...