Queen's little nerd

By gayreenn

2.3M 88K 57.6K

Green Wynn "the siraulo" Zhanses Status: Completed Date started: 03.01.22 Date ended: 05.08.22 More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Huling kabanata
Wakas
Special chapter I
Special chapter II
minions ni green

Kabanata 7

46.8K 2K 1K
By gayreenn

GREEN

Halos gumapang na ako pababa ng hagdan dahil sa sobrang antok. Madaling araw na akong natapos mag laro ng ML kagabi at halos tatlong oras lang ang tulog ko.

Linggo ngayon at wala akong ibang gagawin kung hindi ang humilata at mag laro.

Hindi pa rin nakakauwi sina mama kaya siguro hindi pa rin nila alam ang nangyari sa'kin.

Si Red naman, halos sya na lang parati ang usap-usapan sa QU.

Naghahasik ng kalandian ang kapatid ko.

Buti nga parati syang sinusupalpal ni ma'ameh.

Deserve nya yun.

Wala syang karapatang landiin si ma'ameh.

Ang nakakainis lang dahil halos lahat ng student sa QU ay trip na trip ako. Ano bang meron sa'kin ha?

Nung isang araw nga naglalakad lang naman ako sa building ng engineering ng biglang may pumatid sa'kin. Seryoso ba sila jan? Tapos nung tinanong ko kasalan ko raw kasi nakatingala ako habang nag lalakad.

Ang sama ng ugali.

Por que cute ako tapos sila hindi. Awts gege.

Tapos heto namang si Phaniah na panay ang utos sa'kin kapag nakikita nya ako. Ginawa akong alalay, kaya naman pagod na pagod ako isang buong linggo.

Mas gugustuhin ko na nga lang na huwag maging bless basta makaiwas lang kay Phaniah. Sumasama yata lalo ang ugali nya sa'kin. Mind you, girlfriend pa kuno yan ni blue pero kung tratuhin ako parang others.

To think na future sister-in-law nya ako tapos ginaganyan nya lang.

Wow.

Pasalamat sya maganda sya.

"What happened to you?" Inaantok na nag angat ako ng tingin kay Blue.

"Bluueeee." Para akong tangang kumapit sa braso nya at halos lumambitin na. Sabog na sabog pa ako, hindi lang utak kundi pati sarili ko.

Mukha akong nagahasa ni ma'ameh Turner, ehe.

"Did you play online games all night?" Pumukit ako dahil sa antok, naramdaman ko na lang na umangat ang mga paa ko at yakap yakap ko na sa leeg si Blue. Binuhat nya ako papuntang kusina.

"I'm soooo sleepy, Blue." Inilapag ako nito sa dining area bago pumuntang ref at kumuha ng fresh milk.

"Then you should have sleep more." Kumuha sya ng baso at pinunuan ito ng fresh milk bago ibinigay sa'kin. Nakatuon lang ang atensyon ko sa kapatid. Ngiting ngiti ako ng iabot nya sa'kin ang baso na puno ng gatas at agad itong ininom.

"What do you want to eat?"

"Kahit ano.." mabilis kong sagot. Uminom akong muli ngunit ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita si Phaniah na prenteng naka upo sa dining chair namin at pinag mamasdan ako ng mataman.

Halos maibuga ko ang iniinom na gatas.

May lumabas pa nga yata sa bibig ko, mabilis ko itong pinunasan gamit ang manggas ng pantulog ko na agad ko namang pinagsisihan.

Iww, kadiri yun.

Tumayo ako.

"Where are you going?" Umiling iling ako at patakbong bumalik ng kwarto.


Mabilis akong naligo at nag hanap ng maayos ng susuotin.

Anong ginagawa nun dito? Bakit naman nandito yun? Parang tanga, ang aga aga nangingikapit-bahay.

Hindi ba sya marunong tumingin ng oras? Ang aga aga pa.

Habang pumipili ng damit ay naisip ko bigla kung bakit ko ba naisipang mag ayos eh si Phaniah lang naman iyon. Yung girlfriend ni blue.

Amp, naka simangot na nag suot ulit ako ng pares na pantulog but this time ay spongebob na yung printed sa shirt at pajamas ko.

Dala ko ang iPad ko pag baba, mag lalaro na lang ako habang kumakain kung kasama man namin sya sa hapag.

Nakahain na si blue pag dating ko, tinapunan nya lang ako ng isang mabilis na tingin bago bumalik sa ginagawa nya.

Si phan-phan naman ay panay ang tingin sakin. Cute ko no? Alam ko na iyon, matagal na huwag mo ng sabihin pa.

Umupo ako sa kaharap nitong upuan.

Hmm, blue cooked my favorite.

"Blue, can I have my sterilized milk.." Hingi ko sa kapatid bago sumubo ng hotdog. Focus lang ako sa nilalaro ko habang ngumu-nguya.

Masyado ng malayo ang narating ko sa temple run and I'm planning to have a new record.

Malapit ko ng malampasan ang highest score ng biglang may umagaw sa iPad ko.

"Hoy---" natigil ako sa akmang pagrereklamo ng makitang si phan-phan ang kumuha ng iPad ko na ngayon nga ay ang sama sama ng tingin sakin.

Problema nito? Pagkatapos nya akong pahirapan buong linggo. Halos lagi syang nanjan kapag break time ko na tapos uutus utusan lang ako.

"You're eating, Wynn. Finish your food first." Napipilitang tumango ako at sunod sunod na sumubo ng pagkain.

"There's no sterilized bear brand, Ren. Want some Fresh milk?" Sunod sunod ang iling na ginawa ko dahil sa puno ang bibig ko. Mamaya nyan masita na naman ako.

"Choco drink?" Umiling ulit ako bago sapilitang nilunok ang pagkaing nasa bibig ko.

"I want sterilized bear brand, Blue." Masama ang tinging binalingan nya ako.

"There's no stock of that milk, Ren. You already drink the fresh milk, we'll buy later 'kay?"

"But I want my milk.." Mas masarap kaya sumipsip ng gatas.

Mas dama kapag nasa straw.

"What?" Halos sabay naming pagtataray ni Blue kay phan-phan dahil sa narinig namin itong mahinang tumawa.

Nangingiting umiling ito.

"Nothing." Hinayaan ko na lang at nagpatuloy na sa pagkain.

"What is it, Aeris?" Malamig na saad ng kapatid ko.

"It's just that.." mahinhin itong tumawa. Ang hinhin naman ng tawa nya, pero kapag ako parang nawasakan ng bunganga kapag tumatawa eh, abot hanggang kabilang baranggay ang tawa ko. "I find it cute cause your sister makes you talk five times than normal."

Blue tsked at inilapag ang baso na puno ng fresh milk sa harapan ko.

Natapos akong kumain pero hindi pa rin nito binibigay ang iPad ko, nagdadabog na pumunta akong sala at nagbukas ng TV.

We have two living room, one for the visitors and the other one is for us. At dahil sa biglaan kong upo ay nalaglag ang bag na naka patong sa couch. Bukas ito at nagsilaglagan ang ibang laman.

Para namang nag-ningning ang mga mata ko ng makita ang dalawang box ng sterilized bear brand.

Agad ko itong pinulot at hinayaan na lang ang ibang gamit na nasa lapag.

Itinaas ko ang dalawang paa sa couch at itinusok ang straw sa gatas na hawak.

Enjoy na enjoy akong umiinom ng gatas habang nanunuod ng biglang dumating si Phaniah. Padabog nyang ibinato sa'kin ang iPad ko at itinuro ang gamit na nasa lapag.

"Did you perhaps, put my things in there?" Inis nyang tanong. Umiling ako habang subo subo ang straw ng gatas na hawak ko.

"And that's my milk, why did you drink it?" Taka ko syang tinitigan.

"Matangkad ka naman para uminom pa ng gatas eh." Naiinis na naghilamos sya ng mukha gamit ang dalawang kamay.

"Fine, you can have it." Sus, kunyare pa sya eh baka nga para sa'kin rin talaga itong dala nya.

"Hoy--" angal ko ng agawin nya ang remote ng TV. She look at me deadpan.

"Pinoy ako~~ may agimat aking dugo ko~~ hoy." Pagpapatuloy ko. Hindi ko pa nga sigurado kung tama pa ang lyric ko. Kinagat kagat ko ang straw at tumuon na lang sa pinapanuod nya.

"Mommyyy...." Malakas na tili ko ng biglang may sumulpot na ghost sa likod nung bidang babae.

Ang aga aga, horror ang pinapanuod nya.

"Ilipat mo yan." Sigaw ko habang nakatakip ang dalawang kamay sa mata. Pati yung gatas ko nabitawan ko na para lang matakpan ang mata ko.

"No." Hindi na ako naka angal, pasalamat ko na lang ng dumating si Blue. Nakabihis na ito.

May lakad sya?

Iiwan nya ako rito kasama ang girlfriend nya--

"Let's go." Charot. Kasama pala si phan-phan. Ulitin natin yung tanong.

Iiwan nya ako ritong mag-isa? Parang hindi kapatid.

Pinulot ko ang gatas at nakatingin lang sa kanila.

"You wanna come?" Umiling ako pero sumimangot rin at nagpapaawang tumingin kay Blue. Huwag nya akong iwan rito. Kapatid nya ako, girlfriend nya lang yan.

Bumuntong hininga ito at lumapit sa'kin.

"Change your clothes." Umiling ako bago tumayo.

"Where are we going?" Tanong ko habang naglalakad papunta sa kwarto, naka sunod sa'kin si blue.

"Somewhere." Ayan, balik pagiging tipid mag salita na naman sya.

"Saan yung somewhere Blue?" Sya na ang kumuha ng damit ko, naka upo lang ako sa kama.

"Somewhere, Ren." Inabot nya sa'kin ang hoodie at jogger na madalas kong isinusuot.

"Saan nga yung somewhere?" Makulit kong tanong.

"Stop asking your sister and get dressed." Mabuti na lang nagsalita sya dahil kung hindi, hindi na sana ako aalis sa pwesto ko para lang mag bihis. Mabilis akong tumungo sa banyo.

Pag labas ko ay nasa labas na rin silang dalawa. Nauna silang naglalakad at nasa likuran lang ako.

Ano ba yan? Gagawin nila akong third wheel? Mga walang puso, balunbalunan at atay. Akala ba nila ginusto kong maging third wheel.

Sana pala naglaro na lang ako.

Habang nasa byahe ay inabot sa'kin ni Blue ang cellphone at airpods nya. Sus, ayaw lang nyang marinig ko ang landian nilang dalawa eh.

Nagkinig na lang ako sa music dahil wala namang magandang laruin sa cellphone ni Blue.

Ay, wala naman kasing games man lang sa cellphone nya.

Panay ang tango tango ko dahil sumasabay ako sa beat ng kanta.

Sa mall pala kami pupunta. Oh diba, date pala nila tapos sinama pa ako. Pinagbuksan ako ng pintuan ng kapatid at nauna na ulit silang mag lakad ni phan-phan.

Sarap nilang patiring dalawa. Ang sakit sa mata.

Hindi kayo bagay.

I was making faces on their back ng biglang humarap si phan-phan. Sakto pang ang itsura ko ay nakalabas ang dila, malaki ang dalawang mata at nakataas ang dalawang kilay.

Agad akong umayos.

"What was that?" Umiling ako. Namumula ang mukhang nag iwas ng tingin.

Nakakahiya.

Sa bookstore sila pumasok kaya sumunod na lang rin ako, may bibilhin raw kasing libro si phan-phan.

Patingin tingin ako sa mga naka display pero wala namang magandang basahin. Hindi naman ako mahilig mag basa.

Matalino lang talaga ako, in born. No need to study, just some stock knowledge people. That's me.

"Phan-phan.." hindi ko alam kung nasaan si Blue pero kung papipiliin ako, mas gugustuhin kong sumama kay Phaniah.

Wala lang, gusto ko ngang maging kabit diba. Isa pa hindi naman sya nilalambing ni blue kaya ako na ang lalambing.

"What?" Busy syang mag hanap ng librong kailangan nya.

"Nangangailangan ka ba ng kabit?" Automatiko itong napatingin sa'kin.

"What?" Nagkamot ako ng batok at itinuro ang librong nasa pinaka taas at hindi ko abot.

"I want that." Tiningnan naman nya ang librong itinuro ko pero agad itong nagbaba ng tingin at matigas na umiling.

"No."

"But I want that." Medyo napalakas ang pagkakasabi ko. Taranta itong lumapit sa'kin.

"Jesus, wynn. Will you please act like your age."

"Gusto ko nga nun." Muli kong itinuro ang gusto kong libro pero agad rin syang umiling.

Ano bang mali sa itinuro ko? Maganda naman ang cover ah, may abs nga kahit hindi ko gusto ang abs. Gusto ko boobies.

Sa'kin sya nakatingin kaya hindi nya napansin ang babaeng matangkad at maganda na inabot ang librong itinuro ko.

"Here." Kulang na lang ngumanga ako habang nakatingala sa kanya ng bahagya. Abot yata ako hanggang balikat nya. Magkasing tangkad lang sila ni phan-phan.

Tulalang kinuha ko ang libro.

"You should let the kid read those kind of books, though." Tumango tango ako, nag sasangayon sa sinabi nya kahit pa na wala akong maintindihan.

Ang ganda nya.

"A-aray.." naramdaman ko ang pagkurot sa tagiliran ko, sinong may gawa? Sino pa ba.

Inis na inagaw sa'kin ni phan-phan ang libro at ibinalik sa dati.

"She can't read that book. Not now, not ever." Ang sama sama ng tingin nya sa babaeng kaharap nya.

Bakit sya ganyan? Dapat nga maging bless rin sya dahil may dumating na maganda rito eh.

"Chill Aeris. Your sister?" Ako na ang sumagot. Hehe, gusto kong hawakan yung kamay nya.

Nag lahad ako ng kamay.

"I'm green." Nakangiting pagpapakilala ko.

"Hi babe, I'm Dawn." Gusto kong maglupasay sa kilig ng bigla nya akong halikan sa pisnge pero agad ring nawala ng ilayo ako ng kasama ko kay Dawn.

"I'm sorry Miss. Dawn, please excuse us."

"Blue.." tawag ko kay blue dahil bigla na lang itong sumulpot sa likod ni Miss. Dawn na tinawag akong babe.

Babe nya raw ako. Hindi naman ako kinikilig. Medyo lang.

Ang bless ko today, Lord. Thank you po sa blessing.

Tumingin sila sa tinawag ko, napapalatak na tinitigan ako ni Phaniah.

Nag quiet sign lang ito. Ako naman ay nagtataka kong anong ibig nyang sabihin. Hindi naman ako dumadaldal para patahimikin nya ah.

"Hey baby.." hala--- halos lumuwa ang mga mata ko ng biglang lumambing ang boses ni Miss. Dawn. Malambing na sya kanina pero lalo lang lumambing ng makita si Blue.

At ano raw?

Baby?

Awts gege.

Hindi naman masakit.

Ekis kay Miss. Dawn, harap harapan akong niloloko. Akala ko ba ako ang babe nya? Bakit baby ang tawag nya kay Blue?

Ano ito?

Ay hala---

Gulat akong tumingin kay Phaniah pero parang wala lang sa kanya ang nakikita.

Para kasing tuko ito kung makakapit sa kapatid kong halatang naiinis na.

Panay sya simangot habang inaalis ang kamay ni Miss. Dawn sa braso nya.

Gusto ko sanang sabihin na sakin na lang sya kumapit, promise hindi ko aalisin. Hinding hindi.

Nakasimangot na lumapit ako kay phan-phan at hinila ang sando nyang suot.

"Nambababae ang girlfriend mo, phan-phan."

Kunot noo nya ako nilingon.

"Girlfriend who?" Ano ba yan? May amnesia agad? O baka break na sila ni blue sa isip nya kasi nanlalandi na ang kapatid ko.

Ibang klase rin naman itong kapatid ko eh.

Hinila ko palabas si phan-phan pero agad rin kaming pinigilan ng sale's lady at sinabing bayaran ang hawak na libro ng kasama ko.

Hiyang hiya itong tumungo sa counter at hindi na ako nilingon pa habang nagbabayad.

"Let's go." Malamig nyang saad.

"Sa ice cream parlor tayo, phan."

"No. We'll wait for your sister." Bumuntong hininga naman ako.

"Kunin mo na, payag ka nun. Nilalandi ng iba ang girlfriend mo."

"She's not my girlfriend."

"Ay break na agad kayo." Kawawang blue. Pero kung ako rin kasi sya mahihirapan akong pumili. Kung si Miss. Dawn ba na malaki--maganda o si Phaniah na mas maganda?

Kung ako? Dun ako kay ma'ameh.

Walang makakapigil sa'kin. Kahit si Red pa. Tatabasan ko kalandian nya kung pati si ma'ameh ay lalandiin nya.

"Kunin mo na kasi..", halos magpapadyak na ako sa inis dahil sa tagal ni Blue. Ano bang ginagawa nila sa loob?

"Phan-phan, kunin mo na ang girl--" napalunok na lang ako ng sariling laway ng ilapit nya sa'kin ang mukha nya at nakangising bumulong.

"She's not my girlfriend, Wynn. I only like one person and I already admit it the day I saw her smiling at her professor." Mabanganib nyang saad na para bang naalala nya ang nakitang pag ngiti ng taong gusto nya sa professor kuno.

Ang judgemental naman nya. Ngumiti lang eh, malay nyo nakikisipsip para tumaas ang grade.

Continue Reading

You'll Also Like

897K 34.6K 30
~ COMPLETED ~ Side story 3 of Sweet Surrender 🦋 Started: February 2022 Ended: October 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2022 ****UNEDITED****
1M 17.3K 61
Season Series: The Original "Underneath the blankets of snow, our love blooms like a winter rose." WINTER AUGUSTINE A. PALERMO
2.8M 96.6K 60
Savien Dela Vega's Story. GirlxGirl. Date started: April 30, 2020 Date finished: June 29, 2020
2.3K 57 13
•Zakey Mendes and Kesha Park•