CHAPTER 38
Shianna's P.O.V
Magsasalita sana ako kaso biglang nalang naunahan akong magsalita ng taong nasa gilid ko.Kahit hindi ko man tignan ay alam ko na kung sino iyon.Dahan-dahan akong lumingon sa gilid ko at nang magtama ang mga mata namin ay doon lang ako nakaramdam ng kaba dahil sa uri ng titig sakin ni Tristan.
“I said go away...” ma-awtoridad nitong sabi.Napakurap-kurap nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ang sasabihin ko.
“Bingi ka ba?”kunot-noo nitong tanong.Nalito rin ako sa actions niya.Pwedi naman niya akong sabihan sa maayos na paraan hindi yung parang galit siya.
Ano na namang brand ng junk food yung nahithit ng mokong na ito?
Yung uri ng titig niya di ko rin gusto yan eh.Parang galit,ewan ko kung ano.Natamaan na nanan siguro ito ng masamang hangin.
“Huh?”takang tanong ko.Rumehistro naman ang mapanuring tingin sa mukha niya.
“Sabi ko alis.Bingi ka ba o sadyang lutang ka lang?”seryosong tanong nito.
“Hindi ako bingi!at tsaka bakit naman ako aalis?sayo ba'tong upuan na'to hah!Kung makapag-utos kang umalis ako 'kala mo naman sayo'tong upuan.”mataray kong sagot kay Tristan at inirapan ko 'ito sabay flip ng buhok ko.
“Shianna,bumalik ka na sa upuan mo.” rinig kong bulong ni Stanley sa gilid ko kaya kumunot ang noo ko.
“Hindi naman sa kaniya 'to e.Kaya bakit ako aalis?” kausap ko sa sarili ko.
Naramdaman ko na yung mga Classmates ko ay biglang tumahimik pati na rin si Rian.
“Baka hindi sakin yan?” sarcastic nitong sagot.Ewan ko ba kong nagtatanong ba siya o hindi pero ramdan ko talagang sarcastic yung way ng pagtatanong niya kaya naman nilingon ko siya and my left eyebrow raised.Tumayo ako at hinarap ito.
“Huh?anong pinagsasabi m—” hindi ko natuloy yung sasabihin ko sana dahil bigla nalang may umakbay sakin kaya irita kong lumingon kong sino ito.
“Pasensya ka na Tristan.H'wag mo nalang intindihin si Shianna.Red alert kasi siya ngayon...” balisang sagot ni Rian.
“Kay Tristan ang upuan na yan...”bulong sakin ni Rian.Muntik pa akong mabilaukan sa binulong niya sakin kahit wala naman akong kinakain.Dahan-dahan akong lumingon kay Tristan at nagulat ako dahil titig na titig ito sa'kin at sobrang seryoso ng uri ng tingin niya na sa sobrang seryoso ay pwede na akong lamunin ng lupa.Dahil sa hiya at napayuko nalang ako ng wala sa oras.
Hehe,kahit talaga kelan abnormal ka Shianna...
Lumapit si Tristan sa kinatatayuan ko kaya naman ay umusog ako ng kunti at umupo na ito sa upuan niya.
Pssh,hindi ko naman alam na sa kaniya pala yan.Tsaka hindi ko rin naman yan aagawin eh.Edi sa kaniya na yan.Isaksak niya sa baga niya,Pssh.
Hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa nagsalita si Tristan.
“Wala ka bang planong bumalik sa upuan mo?” seryosong tanong nito.
Naramdaman ko nalang na hinahatak na pala ako ni Rian pabalik sa upuan namin.Meron pang sinabi si Tristan pero hindi ko iyon narinig dahil sa sobrang hina nito.
NAPALUMBABA nalang ako sa lamesa dahil sa inakto ko kaninang umaga sa loob ng classroom at panay ang bunting hininga ko.
“Shianna umayos ka nga ng upo.Pinagtitinginan ka na ng ibang students 'e.Look around you,halos lahat ng students nakatingin sayo.” sita sa'kin ni Vince.Umayos ako ng upo at sinamaan siya ng tingin.
“Eh bakit kasi hindi niyo sinabi agad na kay Tristan pala yung upuan na yun!” inis kong tanong sa kanilang lahat.Napasinghap nalang silang lahat dahil sa tanong ko.Kasama ko ngayon ang mga mokong ko na classmates sa cafeteria except kay Tristan,Stephen at Stanley na hindi namin alam kong saang lupalop na ng galaxy o saang milky way man sila napunta.
“Matagal ka na kaya sa Section Z Shianna.Kaya imposibleng hindi mo pa rin alam na kay Tristan yung upuan na yun.”ani ni Lyxe.
“Oo nga,malabong hindi mo iyon alam yun.”sunod namang sabi ni Steve.
Tinignan ko sila ng masama kaya naman ay umiwas ng tingin yun iba.
“Eh kasi nalimutan ko na sa kaniya pala yun.Andami ko kayang iniisip ngayon,malamang malilimutan ko talaga yung ibang bagay sa mundo dzuhh...” mataray kong sagot kay Lyxe at Steve na siyang ikinatawa ng lahat.
“Bakit kayo tumatawa?may nakakatawa ba sa sinabi ko?”seryoso kong tanong sa kanila.Lumingon naman ako kay Rian na nasa gilid ko at nagpipigil sa pagtawa.“May nakakatawa?” sa kaliwa naman ako lumingon at tinignan ko si Adrian.“Nakakatawa yun Adrian?hah?” tanong ko sa kaniya at umiling lang ito.
“Shh stop it guise.Mas mabuti pa na ubusin na natin itong snacks natin.Baka ma-late pa tayo sa next class natin.” sabi ni Rylle sa kanilang lahat.Buti pa itong si Rylle marino,hindi tulad nitong limang lalaki na kasama ko,puro abnormal.
“Dapat tawag sa inyo quirky people.” kausap ko sa sarili ko pero narinig pala iyon ni Rian kahit na mahina lang naman yung pagkakasabi ko non.
“Quirky people itatawag mo sa'min Shianna?” kunot noong tanong nito sa'kin.Napapikit nalang ako dahil sa tanong sa'kin ni Rian.
“Quirky people?ano yun?” sunod namang tanong ni Stephen habang ngumunguya-nguya ng Burger.
Pano ko ba sila sasagutin?baka kong ano pang sabihin nila sa'kin kapag sinabi ko yung meaning ng quirky 'e.
Umupo ako ng maayos at tumawa saka pumalakpak ng isang beses sa harapan nila.
“Ah—HaHa A-ano oum it means—” di ko natuloy yung sasabihin ko sana nang bigla nalang may nagsalita sa likuran ko kaya naman ay lahat ng atensyon nila Vince,Rian,Stephen,Lyxe,Rylle at Adrian except me ay nakatingin dun sa bigla nalang nagsalita sa likuran ko.
“Quirky people means abnormal.”
“Hi Guys!can I join on your table?” masiglang sabi nito pero hindi parin ako lumilingon.Naramdaman ko rin na bigla nag-iba yung atmosphere,parang naging intense nalang bigla.
“I-Irene?” si Rylle ang unang nagsalita.Pero yung iba ay nakatulala parin at kulang nalang ay tumulo na ang laway.
Pero Irene?tinawag ni Rylle na Items yung babae na nasa likuran ko?Bakit parang familiar yata yung pangalan?
Inisip kong mabuti kong saan ko ba narinig yung pangalan na Irene at rumehistro sa utak kong sino ito.Kaya pala familiar,Kasi ito pala ang girlfriend ni Ivan na halos nagiging white lady na sa sobrang puti ng balat.
Pero ang pinagtataka ko lang ay bakit siya lumapit sa table namin.
Kilala niya ba ang Section Z boys?
Stanley's P.O.V
Dahan-dahan akong lumapit kay Tristan na nakatayo at nakatingin sa malayo.Kanina ko pa kasi siya hinahanap at dito ko lang pala makikita sa second floor nitong building ng classroom namin.
Lumapit ako sa kaniya at tumaba kaya naman ay lumingon ito sa'kin at binalik ang tingin sa malayo.
“Problem?” I asked but he just shook his head.I took a heavy sigh at sumandal sa railings tsaka pinagkrus ang braso.
“Madalas mo bang nararamdaman yun Tristan?” walang buhay kong tanong.Lumingon ito sa'kin at binigyan ako ng nagtatakang tingin.
“What do you mean?” clueless nitong sagot sa'kin.
“Yung ulo mo,Akala mo siguro hindi ko yun alam.Tristan I'm your friend but why do I feel like you don't trust me?hindi mo sinasabi sa'kin kung maayos ka lang ba o hindi.” di makapaniwalang sagot ko sa kaniya but he just left a heavy sigh at nauna nang maglakad sa'kin.
“Let's go,malapit na matapos ang recess.Baka tapos na silang mag snacks.” he said at iniwan ako mag-isa.
PAGKARATING namin ni Tristan sa cafeteria at nauna na itong pumasok pero hindi pa siya tuluyang nakapasok ng cafeteria ay napahinto ito at kunot-noong nakatingin sa direksyon kong saan ang table namin kaya naman ay sinundan ko kong asan siya nakatingin and I'm shocked that I saw Irene na andun rin sa table namin at kausap sina Rylle.Dumako ang tingin ko kay Shianna and she was too busy eating na parang walang nakikitang tao at para itong walang gana.
Bakit andyan si Irene? what's her plan?
|A Q U A V I A M O U R|
[TOGOSZ]
A/N:Next chapter will be tomorrow night.Actually malapit nang matapos ang TOGOSZ.By April oo,but walang exact date.I hope you're still there Aquatics.Keep safe always!sending virtual hugs...
-Miss A.