South Boys #3: Serial Charmer

By JFstories

4.2M 245K 151K

She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
The Final Chapter
Epilogue
V.I.

Chapter 4

65K 4.5K 1.9K
By JFstories

"'PRE, DOON KA SA KABILANG ROW, MAY BAKANTE ROON. WAG KA RITO, TERITORYO KO ITO."


Nagusot ang noo ng estudyanteng kalbo pero wala na itong nagawa pa. Inakala siguro nito na dito talaga sa tabi ko nakaupo si Isaiah. Bagsak ang balikat na pumunta na ito sa kabilang row kung saan ang bakanteng upuan doon ay ang tunay talaga na upuan ni Isaiah.


Samantala, kakaiba ang kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito. Hindi man iyong lalaking kalbo kanina ang nakatabi ko ay lalaki rin naman si Isaiah. Naiilang pa rin ako na makatabi siya, pero ibang klase ng pagkailang. Hindi ko maintindihan.


Bakit ganoon? Ayaw ko na may katabing lalaki pero 'pag siya ay parang hindi naman pala ganoon kasama na lalaki ang katabi ko.


Maangas ang dating ni Isaiah pero bakit parang ayos lang sa akin?


Kahapon nga ay halos magkadikit na ang mga katawan namin, pero bakit hindi rin ako nandiri maski kaunti?


Naguguluhan talaga ako kaya ipinilig ko ang aking ulo. Nang magsimula ang klase ay sinikap ko na lang na ibuhos ang atensyon sa lesson.


Si Isaiah sa tabi ko ay relaxed lang. Nakasandal siya sa sandalan ng upuan habang nakahalukipkip at kinukuyakoy niya ang kanyang paa sa harapan.


Ako ay kung hindi nakatingin nang tuwid sa blackborad ay nakayuko naman. Kahit parang magkaka-stiff neck na ako ay hindi talaga ako lumilingon sa kanya.


Nang matapos ang first subject at umalis na ang estudyanteng kalbo sa room namin ay akala ko na aalis na rin si Isaiah sa tabi ko, pero hindi siya tumayo.


Hanggang sa dumating ang next subject teacher namin sa English 10 na si Mrs. Panganiban ay prente pa ring nakaupo si Isaiah sa upuan na katabi ng upuan ko.


Nag-discuss ang teacher namin ng ilang minuto at pagkatapos ay nagpalabas ng ¼ sheet of paper. Merong 1-20 na quiz.


Naglabas ako ng ½ na papel dahil iyon lang ang papel ko saka 1 whole. Tinupi ko ang papel at ginamitan ng ruler para mahati iyon sa gitna at maging ¼, ang kaso ay magsisimula na ang quiz pero hindi ko pa rin nahahati.


"Akina," narinig ko ang maaligasgas na boses mula aking kanan.


Napalunok ako dahil hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino ang nagsalita.


Kinuha niya sa akin ang papel kaya napalingon ako. Sa gulat ko ay dinilaan niya ang pagkakatupi ng papel. Nang mabasa iyon dahil sa kanyang laway ay saka niya hinati.


"See? Easy!"


Nakatunganga pa rin ako nang ibigay niya na sa akin ang isang bahagi ng papel na ngayon ay ¼ na.


"Akin na itong isa, wala akong papel e," cool na sabi niya. Kinuha niya na ang HBW niyang ballpen mula sa bulsa ng kanyang school polo.


"I'll give you thirty-five minutes to answer," pagkasabi ng English teacher namin na si Mrs. Panganiban ay gumala ang istriktang mga mata nito sa kabuuhan ng room.


Pinasa mula sa harapan ang photocopy kung saan naroroon ang mga tanong sa 1-20 na quiz namin tungkol Literary Terminology. Nakakapanghina lang ng tuhod dahil walang choices.


Nagsimula na ang pagtakbo ng oras. Nakakasagot naman ako sa ibang tanong dahil kahit paano ay may natatandaan ako na mga terms. Mas marami nga lang ang talagang hindi ko na maalala.


1-20 at pito pa lang ang nasasagutan ko. Kahit sana makakalahati lang ako ay pwede na. Nakakahiya na magpasa ng papel na halos walang sagot. Hindi naman ako pwedeng manghula dahil mas higit iyong nakakahiya.


Napasabunot na ako sa aking buhok. Bakit ganoon? Kahit anong piga ko sa utak ko ay wala na talaga akong maisagot. Kung may choices lang sana ay siguro meron akong maaalala kahit mga lima.


"Fifteen minutes more," paalala sa amin ni Mrs. Panganiban.


Fifteen minutes na lang ang natitirang minuto pero nasa pipitong piraso pa rin ang sagot ko. Pasimple akong tumingin sa paligid. Tahimik at seryoso ang mga kaklase ko sa pagsasagot. Wala pang nakakatapos ni isa. Kahit ang Top 1 na presidente naming si Jillian Mae Herrera ay nagsasagot pa rin.


Ibinalik ko ang atensyon sa photocopy. Tinitigan ko ulit ang tanong sa number 9.


What is a brief story about an interesting, amusing or strange event?


Ano nga ba? Alam ko iyon e pero hindi ko lang talaga matandaan—


Natigil ako sa pag-iisip nang umubo ang katabi ko sa kanan.


"Ha?" Napalingon ako at saka naalala na si Isaiah nga pala ang katabi ko ngayong araw na ito.


Hindi siya sa akin nakatingin. Nakasandal siya sa sandalan ng upuan at nakahalukipkip. Ang atensyon niya ay nakatingin sa harapan ng room. Hindi na siya nagsasagot. Teka, tapos na ba siya?


Kusang bumaba ang aking paningin sa armchair niya. Namilog ang mga mata ko nang makitang wala man lang katakip-takip ang kanyang papel at nakatiwangwang doon ang mga sagot niya.


Hanggang 15 ang may sagot sa papel niya pero hindi ko alam kung mga tama ba. Mukhang wala na rin siyang balak magdagdag pa ng sagot.


Pinagpapawisan ang noo ko habang pasimpleng skinisipat ang sagot niya sa number 9. Napakurap-kurap ako nang makita na ang nakasulat ay: ANECDOTE


Napatuwid ako sa pagkakaupo bago niya pa mapansin na tumingin ako sa papel niya. Pasimple ko siyang sinulyapan muli matapos ang ilang segundo. Ganoon pa rin siya, nasa harapan pa rin ang atensyon niya.


Sinipat ko ulit ang papel ni Isaiah, para iyong tukso sa aking paningin. Nakapagtataka lang dahil alam ko na mistulang kinahig ng manok ang sulat-kamay niya, pero ngayon ay parang maayos iyon. Malinaw, malaki ang mga letra, kaya naman kahit hindi ko pakatitigan ay nababasa ko pa rin.


Napalunok ako. Kokopyahin ko ba ang sagot niya? Hindi ko sigurado kung tama ang mga ito, pero mabuti na ang may sagot kaysa wala.


"10 minutes more!" muling sigaw ni Mrs. Panganiban. "The passing score is 13."


Sinabi pa ni Mrs. Panganiban na ang maraming blangkong sagot ay may parusa sa kanya. Bukod sa tatayo ay gagawa pa ng special assignment. Kilala ang English teacher namin bilang terror teacher sa Grade 10 kaya takot ang lahat dito. Ayaw na ayaw nito ang mga estudyanteng hindi nakikinig sa klase. Kahit siguro magpaliwanag ako na nakikinig naman ako ay hindi siya maniniwala sa akin kung mababa ang makukuha kong score sa quiz na ito.


Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking ballpen. Hindi pa rin ako makapagdesisyon kung kokopya ako kay Isaiah. Nakokonsensiya ako pero lamang ang takot ko na bumagsak, mapahiya, at maparusahan.


Mabigat sa dibdib na nilunok ko muna ang pride at kagandahang asal. Nanginginig ang kamay na isinulat ko ang nakitang sagot ni Isaiah sa number 9.


Kokopya ako pero hanggang 13 lang. Hindi naman siguro tama lahat ang sagot niya kaya hindi nakakagulat kung makakakuha ako ng passing score. Ayaw ko na pumasa dahil hindi naman ako naghirap, sapat na sa akin ang kahit paano ay may sagot ako.


Pasimple ang mga tingin ko sa papel niya na hanggang ngayon ay nakatiwangwang pa rin.


Sa number 10, sa tanong na 'What is the use of words that imitate sound?' ay 'Onomatopoeia' ang sagot ni Isaiah.


Kinopya ko pa ang mga natitira. 11. Figurative language, 12. Symbol, 13. Oxymoron.


Dahil may dalawang katulad sa naging sagot ko sa 1-8 ay binago ko ang mga ito. Kinopya ko ang mga sagot doon ni Isaiah. Ang balak ko ay iyong dalawa lang ang papalitan, hanggang sa pinalitan ko na lahat. Pagkatapos ay nanliliit ang pakiramdam na napayuko ako.


Parang mababali na ang ballpen dahil sa pagkakahawak ko. Nang mapatingin ako sa papel ko ay saka ko napansin na nanlalabo ang aking paningin. Naiiyak ako.


Tumayo si Mrs. Panganiban at pinahinto na kami sa pagsagot. "Exchange your paper with your seatmate."


Naudlot ang luha ko at napaangat ang aking mukha. Ha? Exchange papers lang? Hindi ipapasa sa harapan?!


Nanlamig ang aking mga palad dahil ako lang naman ang katabi ni Isaiah. Nasa gilid siya ng aisle kaya wala siyang makakapalitan ng papel maliban sa akin.


Huli na para magbago ako ng mga sagot. Makikita ni Isaiah ang papel ko at makikita niya na pareho ang mga sagot namin. Anong gagawin ko? 


"Exchange raw," malambing na boses niya ang nagpalingon sa akin sa kanan.


Napasinghap ako nang makita na nakangiti siya. Sa pagkakangiti niya ay tila sandaling nabura ang aking kaba. Nakalahad ang palad niya sa aking harapan para hingiin ang papel ko.


"Akina papel mo," sabi niya na hindi nagbabago ang lambing sa boses.


Hindi ako makakilos. Nanigas yata ang katawan ko dahil sa nerbiyos. Hindi ko kayang ibigay kay Isaiah ang papel ko. 'Wag na lang kaya akong magpa-check? Magpa-zero na lang kaya ako? Pero tiyak na magagalit ang teacher namin sa akin.


Siguro ay nainip si Isaiah kaya siya na mismo ang kumuha ng papel ko. Hindi ko siya napigilan dahil bukod sa ang bilis niya, napakabagal ko namang kumilos. hawak-Hawak niya na ang aking papel at ipinalit niya ang papel niya sa ibabaw ng armchair ko.


Yumuko siya at sinulatan ang papel ko sa ilalim ng 'Corrected by: Isaiah Gideon Del Valle' Drinowingan niya pa ng smiling face na may bigote sa tabi.


Nagsalita ang English teacher namin na si Mrs. Panganiban. Randomly na tumawag siya sa klase ng magsasagot sa bawat tanong. Nagsimula na rin ang pagch-check ng mga papel.


Wala na akong nagawa kundi i-check na rin ang papel ni Isaiah. Yukong-yuko ako sa hiya dahil malamang na alam niya na ngayong magkaparehong-magkapareho ang aming mga sagot.


Nasa number 10 na pero pareho kaming wala pa ring mali. Pati yata talampakan ko ay nanlalamig na. Bakit ganoon? Bakit puro tama ang sagot ni Isaiah?


Pagsapit sa number 13 ay tama pa rin. Ibig sabihin ay perfect ako sa number 1-13! Pasado ako sa quiz namin!


Ang mga sagot ni Isaiah na umabot sa 15 ay isa lang ang mali. 14 ang nakuha niyang score. Paano iyon nangyari?!


Kumikirot ang ulo ko sa pag-iisip na lalo pang kumirot nang isa-isahin ng tawagin ng teacher ang mga pangalan para kunin ang score namin. Lahat ay napalingon sa akin nang malaman na nakakuha ako ng score na 13.


Nang matapos sa pagtatawag ay halos lumubog na ako sa aking kinauupuan. Ang highest ay ang top 1 ang room president namin na si Jillian, 18 ang babae. Ang sumunod sa highest ay si Isaiah na 14. At ang pangatlo lang naman ay walang iba kundi ako!


Ang mga sumunod na score ay 12, 11, 10 at ang lowest ay 8.


Tumunog na ang bell para sa first break. Ayaw ko pa ring mag-angat ng paningin. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin ni Isaiah dahil nahihiya ako sa kanya. Nakatungo pa rin ako habang mahinang nagdadasal na sana bumalik na sa tunay na upuan niya.


Naglabasan na ang iba naming kaklase para mag-recess. Ang sakit na ng leeg ko sa pagkakatungo at gusto ko nang mag-angat ng mukha. Hinihintay ko na tumayo muna si Isaiah.


Sa aking pagkakatungo ay nakita ko ang pag-unat ng paa niya. Tumayo siya at humakbang. Naghintay ako ng ilang segundo pa at ng sa tingin ko ay umalis na siya ay saka ako tumingala at umayos sa pagkakaupo.


Nangalay ang leeg ko sa pagkakatungo kaya marahan ko iyong minasahe. "Aray," ungol ko at saka kinatok ang aking baba.


Pang angat ng aking mukha sa harapan ay muntik na akong mahulog sa upuan sa aking nakita— Si Isaiah ay nasa harapan ko! 


Nakaupo ang lalaki sa ibabaw ng armchair ng nasa tapat kong upuan at nakahalukipkip habang nakangisi ang mga labi sa akin. Hindi siya totoong umalis!


Sa gulat ay sumala ang pagkatok ko sa aking baba at napunta iyon sa lalamunan. Nasusukang napaubo ako. Nanlaki naman ang mga mata niya. Napaalis siya sa kinauupuan at napapunta sa akin.


"Hoy, ayos ka lang?!" Hinawakan niya ako sa likuran.


Kandaubo pa rin ako pero ang totoo ay balewala ang sakit ng lalamunan ko sa pagkapahiya na aking nararamdaman.


Naupo naman si Isaiah sa upuan na nasa tabi ko at pilit sinisilip ang aking mukha. "Buhay ka pa?"


Matalim ang mga mata na tiningnan ko siya.


Napangiti siya. "Buhay ka pa nga."


Marahan kong tinabig ang kamay niya na nakahawak sa aking likod. Nagbawi na ako ng tingin dahil ramdam ko ang pamumula ng aking mukha.


"Okay ka lang ba?" narinig kong tanong niya. "Sorry, 'di ko naman sinasadya na gulatin ka. Ayaw mo kasing tumingin sa akin e."


Hindi ako kumibo. Nag-iinit pa ang mga pisngi ko.


"Hoy, namumula ka. Okay ka lang ba, ha? Baka 'di ka makahinga? Bakit mo naman kasi sinikmurahan iyong lalamunan mo?"


"M-may sikmura ba sa lalamunan?" mahinang balik-tanong ko. Nagugulat ako sa sarili dahil kinakausap ko siya.


Mahina siyang tumawa. Iyong tawa na hindi naman nang-aasar, sa halip ay  kakaiba na para bang naglalambing. Sinilip ko ang reaksyon ng kanyang mukha at huli na para magbawi ng tingin dahil nagtagpo na ang mga mata namin.


"Ano, okay ka lang ba?" tanong niya na mahina na at paos ang boses. Burado na rin ang kaninang mga ngiti niya.


Napalunok naman ako dahil bumaba ang ngayo'y seryoso niya ng mga mata patungo sa mga labi ko.


"O-okay lang ako..." sagot ko na nauutal ang boses dahil sa pagkailang at kaba.


"Talaga?"


"O-oo..."


"Tsk, sayang naman."


"Ha?" Napakurap ako. "B-bakit sayang?" Gusto niya ba na hindi ako okay?!


Bumalik ang pilyong ngiti niya. "Sayang kasi akala ko kailangan mo ng mouth to mouth resuscitation, hindi naman na pala."


Umawang ang mga labi ko pero walang maski isang salita ang lumabas. Sigurado na ako na hanggang leeg na ang aking pamumula.


"Ganoon kasi iyon pag di makahinga, kailangan ng mouth to—"


Ayaw ko nang marinig kaya kusang tumaas ang isang palad ko patakip sa kanyang bibig. Napatigil naman siya sa pagsasalita.


Namimilog sa akin ang mga mata ni Isaiah. Saka ko na-realize na nakadampi ang palad ko sa kanyang mga labi. Tila nakuryenteng agad ko iyong binawi.


"S-sorry... M-malinis ang kamay ko... Nag-a-alcohol ako palagi..." nagpa-panic na sabi ko dahil baka isipin niya na marumi ang palad ko na dinikit sa labi niya.


Nakanganga lang siya sa akin at parang nalunok niya na yata ang kanyang dila.


"H-hindi talaga marumi ang palad ko!" defensive na sabi ko dahil nakatulala pa rin siya. "S-sorry, ikaw kasi... Kung anu-ano ang sinasabi mo kaya ko iyon nagawa... P-pero malinis talaga ang palad ko... M-maniwala ka..."


Tulala pa rin si Isaiah. Ang mga mata niya ay walang pagkurap na nakatingin sa akin.


Inilabas ko ang panyo sa bulsa ng school skirt ko at walang pasabi na sinapal iyon sa nakanganga niyang bibig. Ang balak ko ay pupunasan lang ang mga labi niya at huli na nang maisip kong wrong move rin iyon.


Napausod ako. "Ah... M-malinis din itong panyo ko... B-bagong laba ito... Surf ang sabon namin at ang Fabric conditioner ay Downy Antibac..."


Binawi ko ang panyo na inginudngod ko sa kanya. Nakatulala pa rin siya at akala ko forever na siyang ganoon, mabuti na lang at kumurap na ang kanyang mga mata.


Napakurap-kurap siya ng ilang ulit yata. Napaubo siya at sandaling iniiwas sa akin ang mga mata. Pagbaling ng mukha niya sa akin ay pulang-pula na siya.


"O-okay ka lang?" tanong ko dahil namumula siya. "Uhm, ah, kinikilig ka na naman ba?"


Napalunok siya at napatitig sa akin ng ilang segundo, pagkatapos ay napangiti. "Kumokota ka na."


"Ha?" Kumiling ang aking ulo.


Paharap sa akin na nangalumbaba siya sa armchair. Nakatitig siya sa akin pero hindi katulad ng titig ng ibang lalaki na malagkit. Iyong sa kanya ay sakto lang. Ang kislap ng mga mata niya ay malambing at may paggalang.


Gayunpaman, naiilang pa rin ako, pero sinikap ko na hindi ipahalata sa kanya ang nararamdaman. "Uh, h-hindi ka pa ba babalik sa upuan mo?" mahinang kaswal na tanong ko bagaman may nginig ang tono.


Umiling siya at nagpatuloy lang sa pagtitig sa akin. Sa mapulang mga labi niya ay may naglalarong ngiti.


"B-bakit ganyan ka makatingin?"


"Sorry. Ang ganda mo kasi."


Napatungo ako. Bumalik sa isip ko ang quiz kanina. Napaangat ulit ako ng tingin sa kanya dahil ngayon ko napagtanto ang lahat. Ang maayos na sulat niya at ang nakatiwangwang niyang papel kanina... ay sinadya niya.


Kumuyom ang mga palad ko. Alam niya na nahihirapan ako kaya pinakopya niya ako sa paraang hindi ko mahahalata. Nagpanggap siya na hindi niya alam na nakikita ko ang mga sagot niya.


Hindi lang iyon ang iba pa niyang ginawa para sa akin. Tinuruan niya ako sa graded recitation noong nakaraan, iniiwas sa muntik ko nang makabangga sa daan noong uwian, at ang pangunguna niya sa kalbo na dapat ay magiging katabi ko sa upuan.


Hindi pa roon natatapos, dahil alam ko na noong nagutom ako ay sa kanya rin galing ang pagkain at juice.


Tinatagan ko ang loob at sinalubong ang nakakapasong mga mata ni Isaiah. "B-bakit mo ito ginagawa?"


"'Sa tingin mo?"


"H-hindi ko alam kaya nga tinatanong ko—"


"Gusto kita," putol niya sa pagsasalita ko.


Umawang ang mga labi ko. "Isaiah..."


Ang mga mata niya na kanina'y nanunukso ay naging malamlam. "Vivi, may gusto ako sa 'yo. Matagal na."


JF 

Continue Reading

You'll Also Like

9.3M 166K 88
Language: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Mia...
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
3.4M 39.4K 45
(Informally written and not yet edited.) Book Zero/Prequel of Playboy's Baby. โ€ข ๐—–๐—ข๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐—ง๐—˜๐—— โ”Š ๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—˜๐——: ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿญ๐Ÿฏ - ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿญ๐Ÿฐ โ€ข