El Belamour Series #10: ∆ My...

By KweenDan

15.6K 3.4K 96

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product... More

∆ Chapter 1: Hacenda Hernandez ∆
∆ Chapter 2: First Meet ∆
∆ Chapter 3: Avoiding ∆
∆ Chapter 4: Wishing Well ∆
∆ Chapter 5: Nightmare ∆
∆ Chapter 7: First Love ∆
∆ Chapter 8: His Eyes ∆
∆ Chapter 9: Anniversary ∆
∆ Chapter 10: Murderer ∆
∆ Chapter 11: His Face ∆
∆ Chapter 12: He Knows ∆
∆ Chapter 13: Trauma ∆
∆ Chapter 14: Dead Body ∆
∆ Chapter 15: The Truth ∆
∆ Chapter 16: Prosopagnosia ∆
∆ Chapter 17: Inlove ∆
∆ Chapter 18: Unrecognized Feeling ∆
∆ Chapter 19: Good bye ∆
∆ Chapter 20: Happy Ending ∆

∆ Chapter 6: Beautiful Scenery∆

841 208 10
By KweenDan

° ° ° °

∆ Clay Darryl P.O.V. ∆

"Bored ka na ba?." Ilang beses na nyang tanong yan saakin. Mahigit tatlong oras na kaming nag aantay sa coffee shop na sinabi ng Kliyente ni Klea pero hangang ngayon ay wala parin. Kaninang 10 pa kami nag aantay dito habang limang minuto nalang ay ala una na. "Sa Shop na tayo."

Sya ang nag maneho pa puntang shop nya, dahil hindi ko alam kung saan sya nag tra-trabaho. Isang tawag ang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa buong sasakyan, saglit na tinignan ni Klea ang cellphone nya bago sagutin. "Ilang araw kong inaantay ang tawag mo." Sabi nya sa kausap, nakasuot sya ng wireless earphones kaya hindi ko naririnig ang kausap nya.

"Weeks ago, I don't know." Malalim syang napabuntong hininga at tumingin saakin, agad syang nag Iwas ng tingin. "Ilang percent?. . ." Bigla nalang nya preneno ang sasakyan dahilan para sumubsob ako. Akmang sisinghalan ko Sya pero pag lingon ko ay ang pag sarado ng pinto ang nakita ko. "25?! Satingin mo ba makakatulong yan?!. . . Parents Concent? Legal age na ako kaya bak--."

Mula sa loob ng sasakyan ay rinig ko ang pag sigaw sa kausap, ito ang unang besses na nakita ko syang ganto. Nasapo nya ang noo nya, at mariing pumikit. "Ayaw kong gawin, hindi pa ako ready. . . I'm sorry Mr. Jang pero pwede bang tawagan nalang Kita mamaya. . . I'm sorry."

Walang emosyon syang pumasok sa sasakyan at agad na nag maneho, napansin ko ang mahigit nyang hawak sa Manibela. Wala kaming kibuan hangang sa makarating kami sa Shop nya. "Nan dito na tayo."

Ilang saglit ang tumagal habang nasa loob kami ng sasakyan, parehas inaantay ang unang babasag sa nakakabinging katahimikan. Ilang beses kong klinaro ng lalauman ko bago sya nilingon ngunit laking gulat ko nang mapansing kanina pa pala sya nakatingin saakin na akala mo ay kinikilala ako. "Ba. . . bakit?." Kinakabahang tanong ko.

"Nothing." Tipid na sabi nya at agad na umalis ng sasakyan. Napabuntong hininga ako ng maramdaman ko ang kakaibang tibok ng puso ko, ang pamilyar na pakiramdam.

Agad akong sumunod sakanya agad akong sinalubong ni Nicole na halatang naguguluhan sa mukha namin ni Klea. "May hindi ba magandang nangyari?." Mahinang bulong nya saakin. Tumango lang ako at pinihit ang saradong pinto.

Pag bukas ko ay napaka gandang Atmosphere ang bumungad saakin, Malawak ang paligid at maraming naka display na mga puting Gown sa Stante may mga artificial na bulaklak ang nakalagay sa bawak sulok ng kwarto habang may mga crystal na paro-paro ang nakasabit sa malaking Chandelier. "Wow!."

Kaasar! Napaka boring! Wala akong magawa kung hindi ang tumulala maghapon. Nakakainis dahil hindi ako maka-relate sa pinag uusapan nila. Lahat sila may kausap, by partner pa nga ehh! Samantha ako nag mamasid lang sakanila, tulog pa si Klea kaya sobra akong na Oop! Haybuhay.

"What do you think, Darryl?." Gulat akong tumingin kay Tito Manuelito ng banggitin nya ang pangalan ko, lahat ng mata ay nakatingin saakin kaya peke akong ngumiti. "Yes, Tito. Maganda hehe!."

Parang gusto kong mag palamon ng buhay sa lupa dahil kitang kita ko ang naguguluhan reaksyon nila pero hindi rin nag tagal ay nakita ko ang pag liwanag ng mga Mukha nila at bahagya pang natawa. "Darren, talaga namang napaka talino at bait ng binata mo!. Hindi ako tututol kung sakaling gustuhin nyang pakasalan ang bunso ko!." Muli silang nag tawanan at saka ako inakbayan.

Naramdaman ko na siniko ako ng kapatid ko at malokong tumingin saakin habang taas-baba ang kilay. "Kuya, Grab the opportunity. Tito Manuelito really likes you and I want Ate Klea to be your kasintahan!." Kinikilig na bulong saakin ni Veronica na ikinatawa ko. Bakit ba lahat ng nandito ay gustong maging kami ni Klea? Pero sabagay maganda sya matalino at family oriented na gusto ko sa mga babae, sa madaling salita jackpot.

"Athletic ka ba nong High School?! Ang hirap mong talunin!." Inis kong sigaw kay Harold at nahiga sa damuhan. Kanina pa sumasakit ang balikat ko dahil sa pag hampas ng Raketa sa hangin kahit hindi ko naman natataman ang bola ng badminton. "Mag patalo ka naman kahit isa lang!."

"Sorry na, haha!." Sarcastic nyang sabi at tumabi din saakin. Tanging pag Tsk' lang ang nasabi ko at pumikit ang sarap sa balat ng sikat ng araw na tumatama sa balat ko habang may marahang hangin na nag papagaan sa damdamin ko. "Kaming mag kakaibigan mga Athletes. Ako, si Leslie, Agnes at Margot."

"Pati si Klea?!." Gulat kong tanong sakanya, bahagya itong natawa sa reaksyon ko pero hindi ko na ito pinag tounan ng pansin. "Seryoso?! Hindi halata sakanya."

"Pssh. Panong hindi mo nahalata? Hindi ba madalas syang nakababad sa pool?." Tumango lang ako, tama sya madalas ko syang nakikitang nasa pool kahit na malamig ang panahon. "Saming mag kakaibigan sya lang ang naiiba. Lahat kami sa Lupa samantha Sya sa tubig. Ako at si Margot badminton, Si Leslie naman Basket habang si Klea Swimmer." Nakangiting pag-kwe-kwento nya habang nakatingin sa langit na parang binabalikan ang nakaraan.

"Sinong Margot?." Naguguluhan tanong ko dahil ngayon ko lang narinig ang pangalan na yun. Nakita ko ang dahan-dahang pag wala ng saya sa mukha nya at agad itong naging blangko dahilan para kabahan ako ng bahagya. "Bakit?."

"Namatay sya six years ago." Malungkot nyang sabi at malalim na huminga. Habang pakiramdam ko naman ay may bumara sa lalamunan ko,dahil sa Guilt pakiramdam ko may natanong akong hindi dapat tinatanong. "Ang malungkot pa nga hindi sya nakita ni Klea bago sya ilibing. Kasi yung panahong yun na comatose sya." Dugtong nya na nag patigil sa pag hinga ko. Pakiramdam ko nag taasan ang balahibo ko sa batok dahil sa narinig.

"Pano kaya sya na Comatose? At anong dahilan? Tsk!." Inis kong sinabunutan ang buhok ko dahil sa pag kalito. Malapit na mag umaga pero gising parin ako, hindi ako makatulog dahil sa sinabi ni Harold kanina!. "Bakit mo kasi iniisip?! Darryl Clay please lang matulog kana!." Inis kong sermon sa sarili ko at nag pagulong gulong sa higaan.

Kinabukasan ay tanghali na ako halos nagising, kung hindi dahil sa kapatid ko ay hindi ko pa mapapansin ang oras. "Kuya! What happened to your face? You look gross, Oh my gosh!. Nakakahiya kay Ate Klea." Maarteng turan nya, sabay flip ng buhok at pagewang gewang na lumakad.

Hays, kung hindi ko lang sya paburito siguradong mapapatulan ko to. Biruin nyo parang mas concerned pa sya kay Klea imbis na saakin kuya nya, but speaking of Klea. Nakita ko syang nakatayo sa may garden at may kausap sa phone.

Gustong gusto ko na malaman ang buong kwento sa buhay ni Klea nadagdagan pa yun ng malaman kong na Comatose sya.  Kinakabahan lang ako mag tanong dahil baka iba ang isipin nila saakin lalo na gusto nila ako para sa dalaga. Baka sobrang ma- disappoint sila.

Ayaw ko na rin maungkat ang nakaraan nya baka kasi hindi sya Komportable at pwede ring lumayo sya saakin oras na malaman nyang may idea na ako. Kahit kaunti lang. Nagiging Close na rin kami kaya kailangan kong kontrolin ang Curiosity ko.  "You need to control yourself, Darryl Clay!!."

Tanghalian ay tatlo lang kami nila Tita Rosalinda kumain dahil may inaasikaso na sila Dad tungkol sa lupa,
Ang alam ko plano nilang mag Tayo ng Charity para sa mga batang may Cancer. Ito pala ang pinag uusapan nila noong nakaraang Araw, ngayon nila inaasikaso dahil gusto nilang sumakto sa Anniversary ang Charity na bubuksan nila.  "Wala pang tanghalian sila Agnes, Hijo pwedebang pasuyo?. Paki dala naman to kay Klea." May inabot Sya saakin na Bayong na parisukat at Isang malaking Tumbler na may mainit na sabaw.

Matapos Kumain ay agad akong nag palit ng damit habang ang kapatid ko naman ay tumutulong kay Tita Rosalinda na mag hugas. Alam ko namang ako ang gusto nilang mag hatid nito dahil maging si Veronica ay ayaw sumama, palibhasa gustong gusto maging kami ni Kley.

Nag Tricycle lang ako papuntang Shop ni Klea, mabuti nalamang na kilala ang Shop nya hindi na ako nahirapan sabihin sa driver kung saang eksaktong lugar papunta doon.  Pag baba ko ay agad nangunot ang noo ko dahil napansin ko agad ang closed sign sa labas ng Shop nya.  "Close?."

Naguguluhan akong tumingin sa paligid at marahang napabuntong hininga. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Klea pero hindi nya sinasagot ang tawag, nakailang tawag ako pero wala parin. Sinubukan kong tawagan si Nicole Isang ring palang ng sagutin nya tawag.

["Hel. .lo kuya Clay?"] Ang una kong napansin ay ang matamlay nyang boses at parang naiiyak. Ang ingay din ng lugar kung nasaan sila, saglit kong tinignan ang linya dahil may narinig akong kumalabog.  ["Sir, totoo ba yung sinabi nya?."] Rinig kong sabi ng Lalaki.

"Teka nasaan kayo? Bakit sarado yung Shop?."  Inantay kong sumagot ulit Sya pero ilang minuto bago ko pa Narinig ang mahihinang hikbi nya. "Hey Nics, calm down. Sabihin mo nasaan kayo? Si Kley?."

Agad kong binaba ang tawag at muling pumara ng tricycle, nag mamadali kong sinabi sa driver kung saang lugar ako ibaba sa sobrang pag mamadali ay muntik pang matapon ang dala kong pag kain. Ilang minuto pa ay natatanaw ko na ang malaking Police Station. "Kuya Clay!"

"Are you okay?, Where's Kley?. Anong ginagawa nyo dito?!." Sunod-sunod kong tanong pero ni isa ay wala syang sinagot. Tinuro nya lang ang loob ng prisinto, napansin ko rin ang namamaga nyang mata marahil sa kakaiyak.  Napansin ko rin ang pamamasa ng braso nya.

Nakita kong nakaupo sa bandang dulo si Klea nakaupo ito sa tapat ng pulis officer habang may katabi naman syang matandang lalaki na may katabaan. "Klea? Are you okay?." Agad kong pinagmasdan ang Mukha nya, nakakunot ang noo nya habang nakatingin saakin. "Ayos ka lang?." Tumango lang sya at nag Iwas ng tingin.

Pilit kong tinitignan Mukha nya pero iwas sya ng iwas. Narinig kong may tumikhim sa likod ko, isa sa mga pulis.  "Kaano ano mo si Ms. Hernandez?." Tanong nito saakin akmang sasagot ako ng mapansin ko ang lalaking papunta sa gawi namin, nakatingin sya kay Klea.  "Sir? Kaano ano mo si Ms Hernandez?." Muling tanong ng pulis.

"Kaib--." Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay may nag salita na salubong ang kilay na nilingon ko ito ngunit hindi sya saakin nakatingin.

"Hi officer ako na bahalang mag ayos dito, here I'm Jeremy Jang her Friend." May inabot itong card sa pulis.  "And Her Family Doctor." Unang tingin palang halatang malinis na sa katawan Isa sa mga katangian ng mga Doctor, pero bakit mukha ata syang masyadong bata para maging Certified Doctor sa tingin ko halos mag kaidad lang kami.

"Ano namang kinalaman mo sa babaeng yan?! Hindi ako makikipag allegro! Tignan mo nga ang ginawa nya sa Mukha ko!!." Ngayon ko lang naalala ang lalaking katabi nya kanina, putok ang kilay at labi nya habang gusot-gusot naman ang damit nito.  "Ikaw babae ka ang lak--." Itinuro nito si Nicole sa likod ko na parang takot na takot sa Matanda.

"Mr. Sanchez!." May pag babantang turan ni Klea na nag patayo ng balahibo ko sa batok. Hindi ko inexpect na may ganto syang side, halatang natakot naman si Sanchez. "Isang beses pang takutin mo ang kaibigan ko, I'm gonna destroy your ugly face."

'Teka Sanchez?! Sya yung nag ghost saamin nung nakaraan, yung sakit sa ulo!.' Iling iling akong tumingin sa Mantada na puro galos ang Mukha.  'Grabe, ang payat payat nya pero nagawa nyang paiyakin yung matandang to! Pero inferness may sences din pala yung pitching bag nya sa kwarto.'

"Lumabas na kayo, I can handle this." Mahinahong sabi ni Mr. Jang. At bumaling saakin, tumango lang ako at inalalayang tumayo si Klea.  Nakatayo kami sa may Bench malapit sa Malaking Gate ng prisinto, Walang kumikibo saamin Hanggang sa makita ko na ang lalaking Matanda kasunod ang Doctor na may ngisi sa Mukha. "Ms. Hernandez."

Napatingin ako kay Klea dahil hindi manlang sya kumibo sa Doctor na kaharap nya ngayon, para ngang mas sumama ang timpla ng Mukha nya ngayon kumpara kanina.  "Yah! Hindi ka ba Masaya na makit--Opps." Agad itong napatakip ng bibig nya ng tignan sya ng masama ni Klea. Parang may masama syang sinabi at mukhang nainsulto sya sa sinabi nang Doctor. "Hey! Klea, Sorry!."

"Holy moly!" Gulat ma sigaw ng batang Doctor, nag kalat sa buong silid ang basag na Vase, gulo din ang Ibang mga Gamit at may mancha ng kape ang Ilang sa mga naka display na wedding dress.  "Wooah! Ang lala!!." Muli nyang komento at naunang naupo sa Coach.

° ° ° °

"Kamusta na kamay mo?." Nag aalala kong tanong at kinuha ang ice bags na kawak nya, Ilang araw na Ang lumipas matapos ang gulong nangyari. Tanging kaming tatlo lang ang nakakaalam sa nangyari sa Mansion kaya nahihirapan akong mag tanong sakanya.  "Masakit parin ba?."

Saglit syang natahimik at napabuntong hininga. "Medyo. Hindi pa ako makapag drawing dahil sa kamay ko, pero Masaya rin ako na nasapak ko ang mukha nya." Seryosong Ani nya at saka lumingon saakin, diretsyo nya akong tinignan sa mukha. "Sorry nga pala." Biglang turan nya na ikinagulat ko.

"Kinailangan mong mag sinungaling para lang pag takp--."

"Hindi pag sisinungaling yun dahil hindi ko naman alam ang nangyari." Pag tangi ko at palihim na tumingin sakanya.  Nakita ko ang pag ngisi nya habang nakatingin sa malawak na lupain ng kanyang pamilya.  "Gusto kong makita ang pag lubog ng araw dito, pwede ba?."

Tumango lang sya at bahagyang ngumiti, litaw na litaw ang kulay ng pula nyang buhok. Sinasayaw ito ng hangin kaya naaamoy ko ang mabangong amoy nito, hinawi nya ang kabilang bahagi at ang kabila naman ay inipit nya sa likod ng tainga nya.  Mula dito kita ko ang magandang tanawin na dito ko lang matatagpuan.


° ° ° °

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 107K 89
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
379K 28.4K 15
MY Creditor Side Story ပါ။ Parallel Universe သဘောမျိုးပြန်ပြီး Creation လုပ်ထားတာမို့ main story နဲ့ မသက်ဆိုင်ပဲ အရင် character ကို ရသအသစ် တစ်မျိုးနဲ...
1.1M 104K 41
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
10M 302K 52
Anna Krause is in her senior year and more than ready to leave high school behind and start a new fresh life without homework, what she didn't expect...