∆ Chapter 2: First Meet ∆

977 334 12
                                    

∆ Darryl Clay P

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.


∆ Darryl Clay P.O.V

° ° ° °

"Mag babakasyon kayo nila Tita sa Ilocos?."] Pag mamaktol ni Aaron sa kabilang linya. [Ilang araw naman kayo doon?."]

Matagal bago ako makasagot, napatingin ako sa tatlong maletang nakapatong sa kama ko. "Ang sabi ni Mom three Months da--."

["Three Months?! Darryl Pano naman ako?! Ano gagawin nyo doon, bakit aabot kayo ng tatlong buwan?!."] Bahagya kong nilayo ang cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng bosses ni Aaron.

Matagal ko ng kaibigan si Aaron simula pag kabata, siguro nag kakilala kami seven years old palang kami. Kaya parang mag kapatid na ang turing namin sa isa't isa. Malapit din sa isa't isa ang mga magulang namin.

"May Reunion silang pupuntahan sa Ilocos tapos plano din nila Mom na mag tayo ng Negosyo sa Province. Don't worry Aaron pwede ka naman sumunod pag tapos mo sa project mo." Mahabang linyahan ko, matagal na katahimikan ang namayani saamin pero Maya maya ay narinig ko na ang pekeng iyak nya sa kabilang linya.

["Pano na ako, wala na akong kasamang uminom. Pano na ako mabubuhay?! Darryl napaka sama mo!."] Pag iinarte nya sakabilang linya kunwari pa syang umiiyak dahil sa pag singhot nya.

"Tumigil ka nga! Para kang babae, babalik nam--" naputol ang sinasabi ko ng may kumatok sa pinto, maya maya ay bumukas ito at iniluwa si Dad.

"Dadalhin ko na to sa baba." Paalam ni Dad at kinuha ang dalawang maleta ko. "Ikaw na ang bahala dito sa isa."

"Yes, dad." Magalang kong sagot. "I'll call you back, bye." Sabi ko kay Aaron at agad na ibinaba ang tawag. Agad akong sumunod kay Dad, naabutan kong may kausap si Mom sa phone ng makita nya ako ay agad syang ngumiti saakin kaya sinuklian ko rin Sya ng ngiti.

"Kuya!." Masayang salubong saakin ng nakakabata kong kapatid 14 years old palang Sya pero mas matured pa Sya kaysa saakin na kuya nya. "Bakit ang dami mong dalang bag? Akin nga isa lang ehh." Nakangiwing nyang sabi saakin, na ikinatawa nila Dad kaya wala akong nagawa kung hindi ngumiwi.

"Let's go na mga anak." Yaya saamin ni Mom at inakbayan kami ni Veronica. "Manang kayo na po munang bahala sa Bahay, tawagan mo nalang kami pag may problema." Bilin nya sa mga kasambahay namin.

Matagal ang naging byahe hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, napatingin ako kay Veronica na tulog sa tabi ko. Maging si Mom ay tulog din sa passenger seat habang si Dad naman ay seryoso na nag mamaneho.

El Belamour Series #10: ∆ My Unrecognized Feeling ∆Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu