El Belamour Series #10: ∆ My...

By KweenDan

15.6K 3.4K 96

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product... More

∆ Chapter 2: First Meet ∆
∆ Chapter 3: Avoiding ∆
∆ Chapter 4: Wishing Well ∆
∆ Chapter 5: Nightmare ∆
∆ Chapter 6: Beautiful Scenery∆
∆ Chapter 7: First Love ∆
∆ Chapter 8: His Eyes ∆
∆ Chapter 9: Anniversary ∆
∆ Chapter 10: Murderer ∆
∆ Chapter 11: His Face ∆
∆ Chapter 12: He Knows ∆
∆ Chapter 13: Trauma ∆
∆ Chapter 14: Dead Body ∆
∆ Chapter 15: The Truth ∆
∆ Chapter 16: Prosopagnosia ∆
∆ Chapter 17: Inlove ∆
∆ Chapter 18: Unrecognized Feeling ∆
∆ Chapter 19: Good bye ∆
∆ Chapter 20: Happy Ending ∆

∆ Chapter 1: Hacenda Hernandez ∆

1K 344 28
By KweenDan

∆ Third Person P.O.V. ∆

° ° ° °

Maagang nagising si Agnes pero sa halip na lumabas at bumati ng magandang umaga sa magulang ay mas pinili nya nalang na manatili sa loob ng kwarto nya.

Pawisan ang dalaga dahil kakatapos nya lang na suntukin ng paulit ulit ang punching bag na nasa loob ng kanyang kwarto.

Mag lilimang taon na syang nag kukulong sa Hacenda ng pamilya nya na nasa Centro ng Ilocos Norte, kung saan kilala ang pamilya nya sa pagiging matulungin sa kanilang nasasakupan.

Ang ama nya ay tinitingala ng mga tao dahil sa angking yaman nito at pagiging mapagkumbaba habang ang ina nya naman ay kilala sa pagiging elegante at may mabuting puso na pwede mong lapitan ano mang oras.

Ang Namayapa nyang Lolo ang may ari ng Hacenda Hernandez, isa itong napaka laking lupain na ipinamahagi nya sa mga mahihirap na mag sasakang nag tra-trabaho sa kanilang malaking lupain.

Kilala Ang pamilya nila lalo na ang mga anak nila dahil sakanilang magagandang katangian lalo na si Agnes na bunsong Anak ng mga Hernandez.

Simula ng umuwi sya sa Hacenda ay
Hindi na Sya lumalabas o umapak man sa malaking Gate ng Hacenda Hernandez. Maging ang kanyang pag aaral ay sa Mansion nya ginagawa. Wala ni Isang nakakaalam ng dahilan maliban sakanya.

May usap usapan na maagang nabuntis si Agnes noon lumuwas ito ng manila upang makapag aral ng High school.

May mga usap usapan ding hindi na si Agnes ang babaeng nasa katawan ng dating mabait na dalaga dahil sa malaking pag babago ng pakikitungo nya sa iba. Ang sabi ng iilan ay sinaniban daw ito ng masamang ispirito kaya takot lumabas sa Malaking Mansion ng Hernandez. na wala namang katotohanan.

Lahat ng iyon ay kumalat hindi lang sa buong Hacenda maging sa bayan ng San Hernandez at kabilang bayan.

Nakarinig Sya ng tatlong mag kakasundo na katok kaya binuksan nya ng kaunti ang pinto.

"Agnes hija kakanin na." Agad lumabas si Agnes ng pinto, hindi nya man lang tinapunan ng tingin ang kasambahay na minsan nyang kinilala bilang pangalawang Nanay.

Si Nanang Maria na halos anim na dekada ng nag lilingkod sa pamilya Hernandez, kulubot na ang balat nito at puro puti narin ang hibla ng buhok pero kahit ganon ay maliksi parin ito kung kumilos. Nasubaybayan nya ang pag laki ni Manuelito na Ama ni Agnes, maging ang apat nyang mga anak.

Malapit sya sa mga anak ni Manuelito
Lalo na kay Agnes, kaya isa Sya sa nasaktan sa pag babago ng dalaga. Simula ng nag kamalay sa sa Hospital ay Hindi na Sya tumitingin sa mukha ng mga kausap nya.

Maging ang matamis na ngiti at tawa ng dalaga ay Hindi na nya nakikita. Malungkot syang sumunod sa alaga, nakayuko lamang ito habang bumababa sa malaking Hagdan.

"Good Morning Klea!." Masayang bati ni Rosalinda sa anak pero simpleng tango lang ang isinagot sakanya ni Agnes. Dismayadong naupo ang ina nya at sinandukan Sya ng pag Kain.

"Kanina ka pa pala gising pero hinayaan mo pang akyatin ka ni Nanang Maria! Tsk! Tsk! Tsk!." Panenermon ng ama nyang si Manuelito pero Hindi nya ito pinansin at tuloy lang sa pag Kain.

Basa Sya ng pawis dahil sa pag suntok nya sa puching bag, hindi Sya nag abalang mag palit ng damit para may dahilan syang makabalik agad sa kwarto nya.

"Tapos na ako." Agad na tumayo si Agnes at bumalik sa kwarto nya, saglit syang nag pahinga bago maligo.

Habang ang Kanyang magulang ay dismayadong nakatingin sa nilakaran ng anak, mag lilimang taon na nilang pinag papasyensyahan ang anak.

Ang laki ng babago sa anak nila pero wala silang magawa kung hindi panoorin nalang ang galaw ng dalaga. Wala silang makuhang sagot mula sa dalaga kapag tinatanong nila ang anak sa nangyari noon.

Ang dating masayahin at madaldal na bata ay napalitan ng mapag-isa, tahimik at laging tipid kung sumagot at palaging nakatingin sa kawalan kapag kinakausap.

Natapos ang pag Kain nila ng Almusal ay Hindi na bumaba ang dalaga kaya minabuti nalang nila na pumunta sa bayan para manili ng mga School supplies na ipapamigay nila sa mga batang nangangailangan.

Nakagawian na nila ito taon-taon na pinagpapasalamatan ng mga magulang dahil nakatipid sila at Hindi na mahihirapan kung saan kukuha ng pera pambili ng mga gagamitin ng anak nila.

Samantha kakatapos lang ni Agnes na mag linis ng kanyang kwarto, agad syang naligo at nag bihis ng bistida na kulay puti. Lagpas tuhod ang haba ng palda, long sleeve at may kulay dilaw na ribbon na nakapalibot sa maliit nyang bewang.

Lumabas Sya ng kwarto dala ang mga paborito nyang pag Kain, libro at puting tela na gagamitin nyang pansapin sa lapag.

Nakasalubong nya ang mga kasambahay nilang nag lilinis sa sala pero ni isa ay wala syang binati o tinapunan ng tingin. Mahigit ang hawak nya sa basket kung saan nakalagay ang mga gamit nya at ang maliit na matulis na bakal na palagi nyang dala twing lumalabas Sya.

Agad syang tumungo sa lugar na gustong gusto nya sa lahat, ang lugar na to ang nag papagaan ng kalooban nya, sa likod ng Hacenda nila ay may malawak na ilog kung saan makikita ang tila kumikinang na tubig.

Dito sya palaging nag papalipas ng oras, nilatag nya ang puting tela sa ilalim ng matandang puno ng Narra at inilabas ang gamit na dala nya. Habang inilagay nya sa ilalim ng tela ang matulis na bakal.

Alam nyang walang makakapunta dito mula sa labas pero natatakot parin syang lumakad ng walang dalang kahit Anong bagay na makakapag-ligtas sakanya. Siguro dala nalang ng nakaraan nya.

Tahimik syang nag babasa, habang ninanamnam ang napaka sarap sa pakiramdam na katahimikan ng paligid. Masaya sya dahil sa malamig na hangin na tumatangay sa nakalugay nyang buhok.

Ibinaba nya ang natapos nyang libro at nahiga sa tela, nakatingin lang kumikinang na dahon ng puno na nasisikatan ng araw. Gamit ang kamay ay pilit nyang inaabot ang mga dahon na nahuhulog mula sa puno.

Tila musika sa tainga nya ang tunog ang agos ng tubig at pag sipol ng mga ibon.

"Sabi na nga ba't nan dito ka." Nagulat man sa pag sulpot ng lalaki ay Hindi nya pinahalata, naupo Sya at inayos ang sarili bago saglit na sulyapan ang bagong dating. "Teka na istorbo ba kita?" Nag aalalang tanong ni Harold.

Si Harold ay kababata ni Agnes, malapit Sya sa pamilya ng dalaga dahil sila ay matalik na mag kaibigan simula pagkabata. Kilala si Harold sa buong San Hernandez dahil sa pagiging bulero at malokong bata pero napaka matulungin.

"Hindi naman, maupo ka muna." Malamig na sagot ng dalaga habang nakatingin sa Ilog, hindi nya na tinignan ang binatang katabi nya. Ilang buwan lang ang agwat ng idad nila kung kaya't naging mag kaibigan sila at malapit ang loob nila sa isa't isa.

"Pumunta sa bayan sila Tita, bakit hindi ka sumama?" Pag sasalita ni Harold, ilang minuto na pero Hindi pa sumasagot si Agnes. Kaya tinignan nya ito, nakatingin lang ang dalaga sa kawalan na parang napaka lalim ng iniisip.

Muli nya ulit na titigan ang matalik na kaibigan, mahaba ang buhok nyang kulot na kulay Pula, maputi ang kutis, matangos na ilong, bilugan ang kulay Brown nyang mata at manipis na labi.

Maraming nag tataka kung bakit hindi na gustuhan ni Harold ang dalaga, nahinahangaan ng lahat. Pero para kay Harold si Agnes ang kanyang nakakabatang kapatid na gusto nyang progtektahan sa Lahat ng oras.

Malaki ang dismaya nya sa sarili nya dahil nabigo ang kaisa-isa nyang pangako sa kaibigan. Hindi nya ito natulungan noong na ngangailangan Sya ng tulong.

"Mauna na ako, baka hinahanap na ako saamin." Walang kabuhay buhay na turan ng dalaga at umalis ng hindi tinitignan ang matalik na kaibigan.

Wala sa sariling napasuntok sa hangin si Harold dahil pakiramdam nya, napaka walang kwenta nyang kaibigan.

Pag dating nya sa Hacenda ay naabutan nya ang kanyang magulang na nag babalot ng mga napamiling gamit kanina sa bayan. Naupo Sya at tumulong sa pag aasikaso.

Hindi man kumikibo ay palihim na natuwa si Rosalinda dahil sa pag kukusang loob ng kanyang anak. Masaya na sila na kahit papano ay nakikita parin nila ang dating ugali ng anak.

"Kamusta ang araw ng princesa ko? Saan ka nga pala pumunta kanina?." Malambing na sabi ni Rosalinda sa anak na seryosong nag bibilang ng mga Notebook. Ilang minuto ang lumipas bago sumagot si Agnes.

"Ayos naman po, nag palipas lang po ako ng oras sa likod. Dapat pala maaga akong bumalik para natulungan ko kayo." Seryosong sabi ng dalaga. Napatango naman ang Ina nya dahil kahit papaano ay mahaba ang sinabi nya.

"Hindi na kailangan anak, gusto mo bang sumama sa linggo mag pamigay nito?." Umaasang Tanong ni Rosalinda alam na nya na tatanggi ang dalaga pero nag babasakali syang pag bigyan Sya nito.

Umiling lang ang dalaga bilang pag tanggi, napabuntong hininga nalang silang mag asawa dahil sa naging sagot nya pero wala silang nagawa dahil ito ang gusto ng dalaga.

Kinabukasan agad na tumungo ang mag asawa sa bayan ng San Hernandez para ipamahagi ang mga gamit na kailangan ng mga bata.
Meron din sila dalang pag Kain para sa mga magulang na kasama ng mga bata.

Mula sa kalayuan ay nakatayo si Harold kasama ang Kanyang Nobya na si Leslie, isa rin sa dating malapit kay Agnes. Nang makita nila si Rosalinda ay agad silang tumungo sa Ginang na Masaya silang sinalubong.

"Hi Tita, pretty!!" Masiglang bati ni Harold at nag mano sa ina ng kaibigan. "Uncle ang Gwapo mo lalo!" pag tawag nya ng pansin kay Manuelito mula sa malayo na busy sa ginagawa, nang makita nya ang binata ay agad syang natuwa.

"Tita! Hindi nyo po kasama si Klea?" Palingon lingon na tanong ni Leslie sinubukan nyang hanapin ang kaibigan. Napatingin sya sa Ginang kaya agad nyang naintindihan ang malungkot na tingin sakanya ng Ginang.

"Kumain na ba kayo?" Tanging nasabi ng Ginang at agad na inaya ang kaibigan ng anak na Kumain, parang anak narin kung ituring ni Rosalinda sina Leslie at Harold dahil malapit sila sa anak nito.

Simula pag kabata ay palagi silang nag kikita at halos na subaybayan nya rin ang pag laki ng mga ito. Wala syang maipipintas sa mga kaibigan ni Agnes dahil tiwala sya sa mga ito.

"Mga anak kung may oras kayo pwede ba kayong pumunta sa Mansion, matagal ko na kayong na mi-miss." Pag lalambing ng Ginang sakanila, Masaya naman silang sumang-ayon.

Samantha tahimik Naman na nag babasa ang dalaga sa loob ng kanyang kwarto, kanina pa sya na babagot kaya naisipan nyang pumunta sa kusina para mag bake ng mga cupcakes at Brownies.

Tahimik ang buong paligid dahil Sya lang ang mag Isa sa Mansion.
Ito lang ang oras na masosolo nya ang kanilang Mansion kaya Masaya syang nag handa ng makakain para sa Lahat ng uuwi mamaya.

Matapos nyang mag asikaso ay agad syang bumalik sa kwarto nya para mag palit ng damit. Nakakaramdam Sya ng init kaya gusto nyang mag babad sa tubig, may roon silang swimming pool sa kanilang Hacenda pero mas gusto nyang maligo sa Ilog kung saan Sya palaging nag papalipas ng oras.

Malamig at malalim ang Ilog kung kaya't Masaya syang nag babad sa ilalim ng tubig, kung may isa man na hindi pinagbago ng dalaga yun ay ang hilig nitong lumangoy.

Maaliwalas ang paligid, makapal ang mga ulap na tumatakip sa araw at tuwing sumisilip ang mga ito ay tila kumikinang ang tubig mula sa walang katapusan na ilog ng San Hernandez.

Mabago ang hangin na hatid ng malamig na hangin dahil sa malaking hektaryang bulaklak sa Hacenda ng mga Hernandez habang tila sumasayaw Naman ang nag lalakihang puno ng Narra sa malawak na lupa.

May nag lalakihang mga Bato kung saan Sya ngayon nakaupo. Pinipiga nya ang kanyang suot at tumanaw sa Malalim at Mahabang Ilog na tila walang katapusan. Tumingala Sya sa langit at itinaas ang kanyang kamay upang takpan ang liwanag na tumatama sa mukha nya.

Napangiti Sya ng makita nya ang anino nya sa Ilog, malalim syang napabuntong hininga at muling tumingin sa Langit.

Malapit na si Agnes sa Malaking pinto ng kanilang Mansion, suot parin ang basang basa nyang damit ngunit hindi maiwasang mapangiti ng dalaga dahil kompleto na ang araw nya. Hindi nya napansin ang naka paradang mamahaling sasakyan ng kanyang magulang, maging si Nanang Maria na nakasalubong nya.

Agad na sumunod si Nanang Maria kay Agnes dahil nanibago sya sa matamis na ngiting nakapaskil sa maamong mukha ng Alaga. Makalipas ng mahabang panahon ngayon nya lang ulit nakita ang malalim na biloy sa mag kabilang pisngi ni Agnes. "Salamat sa Dyos at mukhang unti unti ng bumabalik sa dati ang alaga ko." Maluha luhang sabi ni Nanang Maria.

Samantha gulat naman na napatingin sila Leslie at Harold sa bagong dating.
Gulantang silang nakatingin sa basang dalaga pero mas nagulat sila ng makita nila ang maaliwalas nyang mukha. "Agnes?. Hija Anong nangyari sayo?." Nag aalalang tanong ng kanyang ina na kakalabas lang mula sa Kusina.

Kasabay nyang lumabas ang kanyang Asawang si Manuelito, nilapitan nya rin ang anak na ngayon ay bumalik sa dati ang reaksyon. "Tell us darlin' what happened, bakit basang basa ka?." Nag aalalang tanong ng ama at pilit inihaharap ang anak. Ngunit katulad ng dati ay Hindi ito tumingin sa mata ng kausap.

"I'm fine Dad, naligo lang ako sa Ilog." Magalang na sabi ng dalaga at pasimpleng tinanggal ang kamay ng ama sa kanyang balikat. "Mag papahinga na po ako." Paalam ng dalaga ng hindi tumitingin sa mga magulang. Hindi nya rin na pansin ang kaibigan nyang nag aalalang nakatingin sa kanya.

Dali dali syang umakyat sa kwarto nya at nanginginig ang kanyang kamay na binuksan ang segruda ng pinto, napa sandal sya matapos nyang isarado ang pinto at napahawak sa puso nya. Napakabilis ng pintig nito tila ano mang oras ay kaya nitong sumabog na parang bomba. "Muntik na!." Tanging nasabi ng dalaga.

Balak pa sanang sundan ni Rosalinda ang anak dahil sobra ang pag aalala nya pero pinigilan Sya ng kanyang asawa. "Hayaan mo na muna Sya mukha Naman syang maayos." Pag aalong ni Manuelito sa asawa.

"But look at her! She look lik--" naputol ang sasabihin ng Ginang ng marinig ang mahinang sambit ni Harold. "I think she's fine Tita, we saw her. . . She's smiling like before!." Masayang turan ng binata na nag paliwanag ng mukha ng mag asawa.

Ganap ng alas otso ng gabi ng maalimpungatan si Agnes mula sa pag kakatulog, tatlong mag kakasunod na katok ulit ang narinig nya mula sa labas ng kanyang kwarto. Humihikab na binuksan ni Agnes ang pinto, matagal bago nya nakilala ang taong kaharap. Ang kanyang Ina.

"Kumain ka muna Klea para makatulog ng maayos, ok?." Malambing na sabi ni Rosalinda at inalalayan ang anak na lumakad. "Kaya ko na pong nag lakad mag Isa, Mom." Nahihiyang sabi ni Agnes at pilit tinatanggal ang pag kakaakbay ng ina.

Sa Isang malaking lamesa ay nag salo salo silang pamilya, may tatlo pa si Agnes na kapatid ngunit hindi nila ito kasama sa iisang bubong. Si Marcus Krim na 30 taong gulang ang unang anak nila Rosalinda, sumunod naman ang kambal na sila Lucas Kyle at Kyla Khole na parehas na 27 taong gulang, habang bunsong Anak Naman Nila si Agnes Klea na 23 taong gulang.

Civil Engineer ang natapos na kurso ni Marcus, nag tra-trabaho at nakatira sa America kasama may Bahay na si Micahila at ang dalawa nitong anak na sina Izzy na 4 na taon at Mazecy na Isang taong gulang. Madalang sila kung umuwi sa Ilocos kung saan sila pinalaki at nag kaisip, madalas tuwing may okasyon lang o di Naman ay pista sa bayan nila.

Habang Kasalukuyang nag aaral ng kolehiyo sa manila ang kambal, si Lucas ay kumukuha ng Kursong may kinalaman sa Medisina habang si Kyla naman ay Flight attendant. Katulad ng kuya Marcus nila ay madalang sila kung umuwi sa Ilocos.

Samantha Alam ng Lahat na nakatira sa San Hernandez ay si Agnes ang mag mamana ng Lahat ng yaman ng kanyang pamilya, ngunit na ka pag tapos parin Sya ng kolehiyo noong nakaraang taon.

Hirap man ang kalagyan nya noon ay Hindi naging hadlang ang kondisyon nya para maabot ang kanyang pangarap, ang pagiging Fashion Designer. Bata palang ay ito na ang gusto nya mabuti nalamang na hindi ang kanyang kamay ang nawala.

Malalim na ang gabi ngunit gising parin si Rosalinda dahil nakatangap Sya ng mensahe sa dating kaibigan, si Juliana. Matagal na silang hindi nag kikita kaya gusto nyang makasama ang kaibigan, kaya noong nalaman nya na Luluwas ito ng Ilocos ay agad syang nag sabi na sa Hacenda na sila tumuloy.

Malaki ang Hacenda at maraming bakanteng kwarto na pwede nilang tulugan, nag sabi rin syang isama ang Asawa't anak para ma ka pag bonding sila. Nabanggit rin ni Rosalinda sa kaibigan ang tungkol sa Anniversaryo nila Manuelito sa susunod na dalawang buwan.

Alam ni Rosalinda na mag kakasundo si Agnes at ang anak ni Juliana na mag kasing edad lang. Kung si Rosalinda nga lang ang masusunod ay gusto nyang makasal sa anak ng kaibigan ang kanyang bunsong Anak na si Agnes, pero mahirap pangunahan ang desisyon ng bata.

Noong High school palang ay mag kaibigan na sila Rosalinda, Juliana, Manuelito at si Darren na asawa ni Juliana.

Iniisip ni Rosalinda na baka makatulog ang anak ni Juliana na si Darryl sa kanyang anak, hindi nya Alam ang kondisyon ni Agnes pero Alam nyang may malaki itong pinagdadaanan ngayon.

Samantha nagising si Agnes at napabalikwas sa kanyang kinahihigaan, pawisan ang noo nya habang nanlalamig at nanginginig ang kanyang buong katawan dahil sa labis na takot. Mahigit pitong taon na ang lumipas pero sariwa parin sa isipan nya Lahat, ang Lahat na nangyari noon.

Alàs sinco palang ng umaga pero ito Sya ngayon nakaupo sa tabing Ilog, suot ang kanyang bagong tahing bistida na Sya mismo ang gumawa.
Hawak ang tasang may timplang Gatas at ang kanyang Libro, naupo Sya sa ilalim ng malaking puno ng Narra. Nakatali ang mahaba nyang buhok gamit ang Japanese Hair pin na may desenyong kulay pulang bulaklak, matulis ang dulo ng pin na gawa sa bakal.

Takot na takot Sya pero wala syang magawa kung hindi mag Isang pakalmahin ang sarili, wala ni isa man ang nakakaalam ng kalagayan nya maliban sa Doctor na unang tumingin sakanya noong nagising Sya sa Hospital limang taon na ang nakakalipas.

Takot syang mahusgahan ng mga taong nakapalibot sakanya at kaawaan dahil sa sitwasyon nya. Hindi nya rin masabi sa pamilya nya dahil ayaw nyang sisihin nila ang sarili nila sa nangyari sakanya, lalo na ang si Rosalinda na may sakit sa Puso.

Sigurado syang hindi kakayanin ng Ina kapag nalaman nito ang kanyang bunsong Anak ay may kakaibang sakit at malabo ng magaling. Kaya mas pinili nyang itago ang kanyang kalagayan at Sya lang ang magdusa dahil hindi nya mapapatawad ang sarili kung sakali mang may mangyaring masama sa kanyang pamilya.

• • • •

Continue Reading

You'll Also Like

1M 54.6K 58
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
1M 48.2K 28
1950s. ***Story contains mature scenes and Hindi phrases in initial chapters which are not translated in english*** Abhigyan Singh, a Sarpanch of the...
393K 22.3K 41
The story continues to unfold, with secrets unraveling and new dangers lurking in the shadows. The Chauhan family must stay united and face the chall...
965K 71.7K 37
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...