South Boys #3: Serial Charmer

By JFstories

4.2M 246K 151K

She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
The Final Chapter
Epilogue
V.I.

Chapter 3

78.5K 4.2K 2.1K
By JFstories

NGAYON LANG AT HINDI NA PWEDE SA SUSUNOD.


Matapos iyon sabihin ni Isaiah ay hindi ko na ulit siya narinig na nagsalita. Nakapamulsa siya sa suot na school pants habang tahimik na kasabay kong naglalakad.


Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ba ang ibig niyang sabihin kaya lang ay sa tuwing susulyap ako sa kanya ay seryoso pa rin ang ekspresyon niya. Yumuko na lang ako at tahimik na lang din na naglakad. Sa bandang gate na ako dumistansiya sa kanya dahil naroon ang mga kaibigan niya na naghihintay sa kanya.


"Oy, nandiyan na si Isaiah!" sigaw ng isa sa mga kaibigan niya. Babae ito at natatandaan ko na naging kaklase na rin namin dati. Maganda ito kahit pa medyo matapang ang bukas ng mukha.


Apat ang mga ito na sumalubong kay Isaiah. Dalawang babae at dalawang lalaki. Lahat namumukhaan ko dahil mga naging kaklase ko na rin sila noon.


Ang isa sa mga lalaki na naunang lumapit sa kanya ay kaklase namin ngayon, si Asher James Prudente. "Isaiah, saan ka ba nagsuot? Magbi-bilyar ang tropa kina Pabling. May babawin tayo sa pustahan, gago!"


Nawala na ang atensyon ko sa kanila nang may tumawag sa akin. "Vi!"


Pagtingin ko sa unahan ng gate ay nakatayo roon ang kinakapatid ko na si Eli. Mukhang kanina pa siya naghihintay sa akin. Naglakad na ako patungo sa kanya.


"Tara na?" yaya niya sa akin.


Nakatingin lang ako kay Eli kahit nang hilahin niya na ako sa pulso.


Bago ako magpatangay sa kanya palabas ng gate ay wala sa loob na napatingin pa muna ulit ako sa gawi ni Isaiah. Ang akala ko ay abala na siya sa mga kaibigan niya kaya nagulat ako nang makitang nakatingin din siya sa akin.


Iiwas pa lang sana ako ng tingin nang bigla siyang kumindat. Nag-init ang aking mukha at muntik pa akong matalisod sa paglalakad kung hindi lang ako maagap na naalalayan ni Eli.


"Vi, okay ka lang ba?" tanong ni Eli sa nag-aalalang boses.


Tumango ako at kahit nagtataka si Eli ay ako na ang humila sa pulso niya para mapabilis kami ng alis. Sa pagmamadali ko ay kahit si Eli ay muntik na ring mangudngod dahil kanda-talisod ang mga mabibilis kong hakbang.


Nang malapit na kami sa paradahan ng tricycle ay pinigilan niya ako sa braso. Humihingal siya nang tumingin sa mukha ko. "Vi, dahan-dahan naman. Baka mag-deretso tayo sa gitna ng kalsada dahil sa pagmamadali mo."


Huminto kami sa paglalakad. 


Salubong ang mga kilay ni Eli. "Vi, bakit namumula ka? May sakit ka ba?"


Napakurap ako. "Eli, 'pag ba namumula kailangan may sakit na?"


Lalo namang nagsalubong ang mga kilay niya. Ako naman ay natigilan nang ma-realized ang aking sinasabi... bigla ring pumasok sa isip ko si Isaiah. Bakit? Bakit pumasok sa isip ko ang lalaking iyon?


"Vi, pati leeg mo namumula na!" gulat na sambit ni Eli.


"Ha?" Napahawak ako sa aking leeg. "Uh, a-ano ito... nangangati... a-ano expired kasi iyong ginamit kong powder kanina..."


"Gumamit ka ng expired? Bakit naman kasi hindi ka tumitingin sa expiration? 'Di ba ilang beses ko nang sinabi sa 'yo na lahat ng gagamitin mong cosmetics ay ich-check mo muna ang manufacturing date at—"


"E oo na! Tara na!" Hindi ko na siya pinatapos. Mabilis ang mga hakbang ko nang magpatuloy sa paglalakad.


Sa pangatlong hakbang ko ay nakaapak ako ng bato, matatapilok na ako pero mabuti na lang at nahawakan ni Eli ang bag ko.


"Dahan-dahan ka nga 'sabi maglakad! Ang bilis-bilis mo, mabuti sana kung 'di ka lampa e!" sermon niya sa akin.


Iginilid niya ako sa daan at pinakatitigan. Napalunok naman ako. Kapag ganito si Eli ay kabado na ako dahil sa tingin pa lang niya ay parang nalalaman niya na agad ang tumatakbo sa isip ko.


"Ikaw nga, magtapat ka sa akin. Bakit ka ba nagmamadali, ha?"


Lumikot ang mga mata ko dahil ayaw kong aminin ang dahilan. Ayaw ko talaga. Ilang beses pa muna akong lumunok bago siya sinagot. "Uhm, g-gusto ko na kasing umuwi."


Kumunot ang noo niya na halatang hindi kuntento sa sagot ko. Kilala niya na kasi ako kaya ang hirap magsinungaling sa kanya.


Hinawi ko ang aking buhok at pasimpleng ibinalik sa ibang direksyon ang aking mga mata. "Uhm kasi, excited akong umuwi kasi ngayon magkakabayaran sa lupa na ipinapabenta ng kaibigan ni daddy. Magpapa-salon kami ni mommy."


Doon lang napatango si Eli. Kapag tungkol sa vanity ay hindi siya naghihinala. Alam niya kasi na bisyo namin iyon ni mommy. "Ah, ganoon ba? Pero di ba kakapa-salon mo lang last month? Hindi ba masusunog ang buhok mo kung magpapa-salon ka agad?"


Napanguso ako. "Hindi naman ako magpapa-straight at magpapakulay ng buhok. Treatment lang."


Napakamot siya sa kanyang makinis na pisngi. "Ah, iba pa ba iyon?"


"Oo iba pa iyon. Ano ba 'yan, Eli? Akala ko ba matalino ka pero wala kang alam sa hair treatment?!" Inirapan ko siya at nauna na akong sumakay sa tricycle bago pa siya magtanong na naman.


Sumunod naman siya agad sa akin. Magkatabi kami sa back ride ng tricycle. Mabuti na lang at hindi niya na ako tinanong ulit.


Tahimik na si Eli sa buong biyahe pa-Buenavista. Malayo ang tanaw niya at para siyang may iniisip.


Pagbaba sa amin ay hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Dire-diretso na ako sa bahay namin na katabi ng bahay nila. Nasa pinto pa lang ako ay maririnig na naman ang malakas na sounds sa loob. Nagpapatugtog si mommy. Gawain niya ito tuwing hapon.


♫♪♪ 

Like a virginnn!

Touched for the very first time!

Like a virginnnn!

When your heart beats next to mine!~



Pagpasok ko sa sala ay nadatnan ko si mommy na sumasayaw habang suot ang paborito niyang terno. Tube na hot pink kung saan labas ang kanyang cleavage at hot pink din na cycling shorts na sa laki ng kanyang pang-upo at hinaharap ay para siyang nakasuot ng diaper.


"Gonna give you all my love, boy! My fear is fading fast! Been saving it all for youuu!" malakas ang boses na sabay niya sa kanta habang gumigiling siya.


Kasunod ko na pumasok sa pinto ang bagong dating din na si Kuya Vien. Nakatakip ito ng kamay sa magkabilang tainga nang umakyat sa hagdan ng bahay namin.


"Vien, mag-meryenda ka muna! May tinapay sa kusina!" sigaw ni mommy ng sandaling huminto sa pagkanta at pagsayaw.


"My, nawalan na ako ng gana kumain sa kanta at sayaw mo!" sagot ni Kuya Vien.


"Hoy, napakasalbahe mo talagang bata ka! Baka 'di mo alam, sa talent ko nahumaling ang daddy mo kaya nabuo ka!"


"Yuck!" sigaw ni Kuya Vien mula sa taas sabay sara ng pinto ng kuwarto niya.


"Batang ito," inis na bulong ni mommy. "Walang utang na labas! 'Di niya alam na kung 'di siya excited mabuo sa mundo ay baka natuloy ang pagsali ko noon sa Ms. Universe!"


Nang mapatingin si mommy sa akin ay agad na napawi ang iritasyon sa kanyang mukha. Pinatay niya na ang sounds at masayang lumapit sa akin.


"Nandito na pala ang maganda kong baby! Ikaw ang tutupad sa pangarap ko, di ba? Sasali ka sa Miss Buenavista, pagkatapos magbi-Binibining Pilipinas ka! Lahat sasalihan mo hanggang sa marating mo ang Miss Universe!"


"Mommy, bakit po Miss Universe ang tawag pero mga taga Earth naman ang kasali sa pageant?" curious na tanong ko.


Tutal nagtangka siyang sumali roon dati ay baka lang alam niya ang sagot. Palaisipan kasi talaga sa akin iyon.


Napaisip naman si mommy, ang kaso ay mukhang wala siyang naisip. Napakamot siya ng ulo. "Ah, oo nga, no? Hindi kaya galing sa galaxy iyong korona sa Miss Universe? Di ba iyong mga astronaut ay madalas na nags-stroll outside the earth? So ayun nga, baka may napulot sila roon na kung ano man, 'tapos ayun nga, ginawang crown!"


Napatango-tango ako. Posible pero kahit hindi, ang galing pa rin ni mommy para maisip iyon. Kaya siguro palagi siyang nananalo sa pagka-muse noong nag-aaral pa siya dahil hindi lang siya maganda, ang galing niya ring sumagot.


"Ah, mag-meryenda ka muna, baby ko," yaya ni mommy sa akin. "May cucumber sa ref, iyon ang kainin mo 'wag iyong tinapay. May hinanda rin ako sa 'yong pure lemon juice pampaalis ng bilbil."


"Mommy, wala po akong bilbil," sabi ko naman. Paano ako magkakabilbil e de takal ang pagkain ko? Bawal din ako ng rice sa gabi.


"Ah, wala kang bilbil? Very good!" Napapalakpak si mommy. "Sana all!"


Si mommy kasi ay bilugan dahil hirap siyang mag-control sa pagkain. Palagi siyang nagsu-zumba at kung anu-anong aerobics ang ginagawa niya, pero mahilig naman siya sa extra rice, kaya wala rin. Nai-stress na siya dahil hindi niya matanggap na wala na ang dati niyang katawan na sobrang slim.


"Mommy, wala pa po pala ba si daddy?" Naalala ko na wala pa iyong motor namin sa labas. Iyong sirang owner lang ang nasa garahe.


"Wala pa, bunso." Tumingin si mommy sa orasan na nakasabit sa dingding ng sala. "Ewan ko nga e. Kanina pa siya hindi sumasagot sa mga tawag ko. Huling text niya sa akin ay kanina pang tanghali. Ipapa-salon nga raw niya tayo ngayon pagkakuha niya sa komisyon sa lupa."


Nag-uusap kami ni mommy nang tumunog ang gate sa labas. Sumunod naming narinig ang pagpasok ng motor ni daddy.


Excited na napatili si mommy. "Ay, ayan na pala si Robert my dear!"


Bumukas ang pinto at pumasok mula roon si daddy na naka-kunot ang noo at walang ngiti ang mga labi. Sumalubong agad si mommy at akmang hahalik sa pisngi ng dumating na asawa ng bigla siyang tabigin ng lalaki.


Napaurong naman si mommy at muntik pang bumangga sa gilid ng pinto. Napalapit naman agad ako para alalayan siya.


Si daddy ay parang balewala lang ang nagawa. Dire-diretso ito sa kusina at padabog na nagbukas ng ref para kumuha ng tubig. Nilaklak nito basta ang kinuhang pitsel at pagkatapos ay pabalibag na isinarado ulit ang ref. Ang baso naman ay basta lang ibinato sa lababo. Lumikha iyon ng kalabog. Mabuti na lang at gawa sa plastic ang baso dahil kung hindi ay baka basag na iyon ngayon at nagkalat na roon ang bubog.


Paglabas ni daddy sa kusina ay lahat ng madaanan nito ay pinagtatadyakan. Pati ang tsinelas na pambahay sa sahig ay sinipa nito, tumalsik iyon malapit sa TV namin. Padabog ito na umakyat sa second floor ng bahay na hindi man lang kami ni mommy nilingon o pinansin man lang.


Namumutla naman si mommy nang tumingin sa akin. Hindi na bago sa amin ang ganitong pangyayari. Hindi na namin kailangang mag-usap, ang mga mata namin ay sapat na para magkaintindihan kami.


Mukhang hindi maganda ang kinalabasan sa bentahan ng lupa. Hindi yata naka-komisyon si daddy kaya galit ito na umuwi. Ang ibig sabihin lang ay dapat kaming tumahimik at wag gagawa ng kahit anong bagay na dadagdag sa sa pagka-badtrip ni daddy.


Gets na namin ang mga ganitong sitwasyon dahil sanay na kami. Sanay na sanay na kami na kapag wala sa mood si daddy ay wala siyang kilala at wala siyang pakialam sa paligid kahit pa sa pamilya niya.


Ikinuha ko ng maiinom na tubig si mommy dahil mangiyak-ngiyak ang babae. Hinagod ko ang likod niya para aluhin siya hanggang sa kumalma na siya. 


May kumatok sa pinto namin. Diretso na nakapasok sa gate dahil hindi yata naisara ni daddy ang gate nang pumasok ang lalaki kanina. Nagtawag ito mula sa labas. "Veron?! Veronica?!" 


"Punyeta naman..." mahinang sambit ni mommy nang makilala ang boses ni Aling Barbara na kumare niya.


Hindi na namin pwedeng i-ignore si Aling Barbara dahil sumilip ito sa bintana at nakita na kami. "Veron, dala ko na iyong mga brochure ng Avon at Sophie!"


Ako ang nagbukas ng pinto kay Aling Barbara. Inaanak ni mommy isa sa limang anak ng ginang. Taga Buenavista rin dati ang mga ito bago lumipat sa Navarro.


Pagpasok na pagpasok nito ay tuloy-tuloy na agad ang bibig sa pagsasalita. "Ay, ano na, Veron? Pinapunta mo ako dahil sabi mo ay mapera ka ngayon? O-order ka kamo? Saka maniningil na rin sana ako sa ibang utang mo. Ilang buwan na kasi pero hindi ka na naghuhulog!"


Kandangiwi naman ang mga labi ni mommy. "Ano, Barbara, may problema pa kasi sa pera ni Robert ngayon e. Baka pwedeng pa-order na lang muna ulit ng paninda mo? Sa katapusan ay tiyak na may pera na ako, mababayaran ko na ang mga utang ko sa 'yo."


"Kailan naman 'yang katapusan, Veron? Katapusan ng mundo? Iyong huling order mo sa akin ng pabango at bra, limang buwan na, pero nakakaisang hulong ka pa lang! Grabe na abono ko sa 'yo, aba!"


Nilapitan ni mommy si Aling Barbara at hinimas-himas sa braso. "Barbara naman, para namang others e! Halika maupo ka muna. Teka, parang kinis mo ngayon, ah? Anong gamit mo sa mukha mo?"


Natigilan naman si Aling Barbara. "Ay, talaga ba makinis ako ngayon? Naku, rejuv laang 'yan na nabili ko sa online!"


"Ah, anong rejuv lang iyan? Aba, hiyang ka, ha? Ang kinis mo e! Tara nga, kwentuhan muna tayo. Tsaka ka na maningil, ha? Kwento mo nga muna ulit sa akin iyong kapitbahay mo kamong kabit na sinusugod ng tunay na asawa. Ano na bang latest ngayon sa kanila?"


Ang kaninang inis na mukha ni Aling Barbara ay nagbago na at naging animated. Masigla ito nang magsimulang magkwento. "Ah, oo iyong kapitbahay kong kabit! Ayun, sinugod na naman noong nakaraan blah-blah-blah..." Wala na akong ibang naintindihan dahil parang armalite na sa bilis ang pagsasalita ng ginang habang good listener naman si mommy.


Dire-diretso na ang chimisan nila hanggang sa nakalimot na si Aling Barbara na nandito talaga dapat siya para maningil ng utang. Bago ako umakyat sa hagdan namin ay kinindatan ako ni mommy. 


Sa kuwarto ay nagbihis agad ako. Ang kuwarto ko ay may sariling banyo at doon ako naghilamos. Nandoon din ang iba't ibang facial wash na karamihan ay mga inutang din ni mommy na hanggang ngayon ay mga hindi pa bayad. Napapailing na lang ako.


Kinagabihan, mainit pa rin ang ulo ni daddy. Nasa terrace ito ngayon nakatambay habang nag-iinom. Panay ang utos kay mommy at kaunti lang na pagkakamali ni mommy ay sinisigawan na. Kami tuloy ni Kuya Vien ay nawalan na ng ganang maghapunan. 


Inutusan ako ni Kuya Vien na bumalik na sa kuwarto ko dahil baka pag nakita ako ni daddy ay madamay pa ako sa init ng ulo nito. Dahil sanay na ako sa ganitong sistema ay sumunod na lamang ako. Para sa akin ay simpleng pangyayari na lang sa buhay namin ang gabi na ito.


Bago mahiga ay ginawa ko muna ang aking night skincare routine. Naglagay rin ako ng Petroleum jelly sa paa at nag-medyas para ma-maintain ang pagiging mamula-mula ng aking sakong at hindi ako tubuan ng kalyo. Isa ito sa napakaraming turo ni mommy sa akin kung paano aalagaan ang balat ko.


Matapos magawa ang mga routine ko ay sumampa na ako sa kama. Nakasandal ako sa aking Hello Kitty headboard nang may maalala. Kinuha ko ang aking cellphone at saka nagbukas ng internet. Dumiretso agad ako sa Facebook para hanapin ang isang friend request.


Marami akong friend requests kaya hindi ko makita ang aking hinahanap. Nag-desisyon ako na hanapin na lang sa search bar ang pangalan at sandali lang ay lumitaw na nga ang profile nito. Nanginginig pa ang aking daliri nang pindutin ang 'CONFIRM REQUEST'


Napapikit ako nang tuluyan nang ma-accept ang friend request na inabot na ng dalawang taon. 


YOU ARE NOW FRIENDS WITH ISAIAH GIDEON DV


Nakita ko agad ang active status ni Isaiah na dahilan ng pagpa-panic ko. Naisip ko na agad na baka i-PM niya ako. Dumaan ang ilang segundo pero hindi naman niya ginawa. Naghintay pa rin ako.


Ang mga segundo ay naging minuto na wala akong natatanggap na pm mula kay Isaiah. Tiningnan ko ulit ang active status niya, green naman kaya online siya. Bakit kaya hindi siya nagpi-PM sa akin?


Ang mga lalaki na followers ko sa social media ay madalas na mga nagpi-PM sa akin. Nagyayaya na makipag-chat pero hindi ko naman mga pinapansin. Nakapagtataka lang dahil iba si Isaiah. Nagpa-accept siya pero hindi siya nangungulit na katulad ng ibang mga lalaki.


Binuksan ko ang profile niya at tiningnan ang kanyang wall. Marami siyang posts na lahat ay tungkol sa games na nilalaro niya. Kahit mga updates lang sa games ang mga posts niya ay may mga likes iyon.


Sa kaka-scroll ay nakaabot ako sa profile photo niya na last month pa huling pinalitan. Ang kuha niya rito ay close up. May three hundred fifty two reacts ito na karamihan ay heart reacts.


Ang dami niyang reactors... Napatitig tuloy ako sa photo niya. Sa photo niya na ito ay nakahiga siya at ang braso ay nakapatong sa kanyang noo. Seryoso ang mukha niya at sa totoo lang, napakaguwapo niya talaga. 


Hindi ako mahilig sa guwapo at bihira din akong maguwapuhan kahit kanino, pero kapag naguwapuhan ako, talagang totoo iyon. Totoong guwapo si Isaiah at hindi ko ikakaila iyon.


Dahil nakahiga siya sa photo ay kitang-kita ang makinis niyang mukha, pulidong panga, at kung gaano katangos at ka-perpekto ang ilong niya. Malalantik din ang kanyang pilik-mata, ang mga mata naman niya ay kakulay ng kalangitang madilim tuwing gabi, itim na itim, at ang mga labi naman niya ay kahit dim ang liwanag ay natural na mapula pa rin.


Guwapo siya talaga kaya naman marami siyang reactors, kaya rin marami ang nagkakagusto sa kanya, kasama na ang kaibigan ko na si Rosethel Torres. Nangunguna pa nga ang babae sa comment section.


Rosethel Torres: Nice DP! *smiling emoticon*


May iba pang babae na nagko-comment maliban kay Rosethel. Mga followers niya na nagpapa-accept ng friend request sa kanya. 


Marami mang babae ang nagpapansin pero wala maski isa na ni-reply-an si Isaiah. Wala siyang pakialam at interes sa sino man sa mga ito. Napahawak ako sa aking bibig nang matanto na nakangiti ako. 


Natigilan ako. Bakit? Bakit ako nakangiti? Bakit ako masaya?


Ibinaba ko ang phone at piniga ang aking utak kung ano ba itong nararamdaman ko. Wala akong maisip na sagot kaya dinampot ko na lang ulit ang phone. Sumilip ako sa messenger pero wala pa ring message mula kay Isaiah. Online naman siya, ah? Imposible naman na hindi niya nakitang in-accept ko na siya.


Hindi kaya busy siya? Ano kayang ginagawa niya? Hindi kaya may iba siyang ka-chat sa mga oras na ito? Ang kaninang saya ko ay dagling naglaho.


Baka naman ayaw niya lang talaga akong i-PM? E ano naman ngayon kung ayaw niya? Hindi ko naman siya hinihintay. Nagtataka lang naman ako kung bakit wala siyang PM sa akin, hanggang doon lang iyon at wala iyong ibang ibig sabihin.


Padabog kong inilapag ang phone sa ibabaw ng bedside table. Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Nalilito ako dahil bakit ganito? Bakit parang naiinis ako? Ano ang ikinaiinis ko?



MAGDAMAG akong nag-iisip pero wala namang maisip kaya pagbangon ko sa umaga ay nanlalalalim ang gilid ng aking mga mata. Pagbaba ko sa sala ay napansin agad ako ni mommy.


"Vivi, bakit may eyeballs ka?!"


"Eyebags, mommy," pagtatama ni Kuya Vien na kasunod ko sa hagdan.


"Eyebags nga! Iyong ang nasa ilalim ng eyeballs!" pangangatwiran naman ni mommy.


Naka-uniform na kami ni Kuya Vien nang pumunta sa dining table para mag-almusal. Magkaiba ang inihain sa amin ni mommy. Sa akin ay fresh fruit juice, nilagang itlog, at steamed chicken breast na walang balat. Kay Kuya naman ay heavy breakfast; may rice siya, sunny side up egg, at isang baso ng gatas.


"Vivi, uminom ka ng maraming tubig sa school, ha? 'Wag kang bibili ng softfdrinks!" paalala ni mommy sa akin. Inabutan niya ako ng baon na P70.


"Opo, mommy. Thank you po."


Hinarap naman niya si Kuya Vien at inayos ang kwelto ng suot nitong school polo. "Vien, bawal makipagbarkada, ha? Sa breaktime mo, sa room ka lang o kaya sa library, naiintindihan mo?" P100 naman ang inabot niya kay Kuya Vien dahil sa private ito nag-aaral.


Tapos na kaming kumain pero wala pa rin si daddy. Mukhang hindi bababa kaya magko-commute kami ngayon ni Kuya Vien. Paglabas ng gate ay nasa gilid na ng kalsada naghihintay si Eli. Pagkakita sa akin ay humakbang agad palapit ang lalaki.


Napapalatak na naman si Kuya Vien. "'Paka-consistent mo talaga, Eli! Mula Kinder si Vivi hanggang ngayon, bakod na bakod mo, ah!"


Ngumiti lang naman si Eli kay Kuya Vien. "Tara na, Vi..." malambing na yaya niya sa akin.


Sabay-sabay kaming nag-jeep pa-bayan ng Malabon. Sa gitna nila akong dalawa naupo. KKB sana kami sa pamasahe pero inilibre kami ni Kuya Vien.


"Thank you, kuya," sabi ni Eli pero inabot talaga siya ni Kuya Vien para kutusan.


"Anong kuya? Ihulog kaya kita dito sa jeep?!"


Nakangiti pa rin naman si Eli. Nahihiwagaan naman ako sa kanila. Hindi kaya may gusto sila sa isa't isa pero hindi lang nila maamin dahil nahihiya sila?


Napatango-tango ako sa aking sarili dahil sa naisip. Hindi iyon imposible dahil may napanood ako na Thai series kung saan ang dalawang lalaki ay may itinatagong feelings sa isa't isa. Natatakot ang mga ito na umamin dahil nga naman sa maraming tao ang mapanghusga.


Tiningnan ko si Kuya Vien na ngayon ay busy na sa phone niya. Uma-akto siya na walang pakialam kahit ang totoo ay nahihirapan na siyang pigilan ang damdamin niya. Hindi ko siya huhusgahan, sa halip ay poprotektahan ko siya dahil kuya ko siya at mahal ko siya.


Sumunod ko namang tiningnan si Eli. Natigilan ako dahil nakatingin din pala siya sa akin. Nakakunot na naman ang makinis na noo. Nginitian ko siya. Katulad kay Kuya Vien ay poprotektahan ko rin siya dahil mahal ko siya hindi bilang kaibigan kundi bilang kapatid na rin.


Lalong nangunot ang noo ni Eli dahil sa pagngiti ko. "Kinakabahan ako sa iniisip mo."


Umusod ako sa kanya at mas matamis pa siyang nginitan. "Wala kang dapat ipag-alala."


Napalunok naman si Eli at napalayo sa akin. Mas tumamis ang ngiti ko. Ang cute talaga niya. Kahit madalas akong naiinis sa kanya ay hindi ako tutol kung magiging sila man ng kuya ko. Boto ako sa kanya para kay Kuya Vien!


Naghiwalay na kami ni Eli pagkarating sa building ng Grade 10. Pumasok na siya sa room niya at ako papunta na sa room ko. Balik na naman ako sa pagiging tahimik at silent observer lang sa paligid.


Pagpasok ko sa room ay nasa loob na ang first subject teacher na si Mrs. Pagkaliwangan sa Filipino. Nagmamadali akong umupo sa upuan ko.


Absent si Rosethel kaya wala akong katabi sa kanan. Kanina ko lang nabasa ang text ng babae na masakit ang tiyan niya. May iniinom kasi siyang tea na pampapayat at sumobra siya sa pagamit dahil hindi niya sinusunod kung ilan lang ang max na pwedeng inumin.


Nang mag-attendance na ay walang sumagot pagtawag sa pangalan ni Isaiah. Tumingin ako sa kabilang row kung saan ang pwesto niya, dahil matangkad siya ay makikita agad kung nandoon ba siya o wala. Sa nakikita ko ay wala siya.


Nasaan si Isaiah? Late ba siya ngayon? O absent ba siya? Hindi naman na bago ang pag-absent niya pero bakit ganoon? Bakit kakaiba ngayon sa pakiramdam ang kaalaman na wala siya sa room?


May kumatok sa pinto ng room namin na isang teacher mula sa Grade 11 department. "Mrs. Pagkaliwangan, ipasok ko muna iyong isa kong estudyante rito. May back subject sa Filipino kaso wala si Mrs. Felicidad," tukoy nito sa isa pang Grade 10 Filipino teacher.


Pinapasok ang Grade 11 na may back subject. Malaking lalaki ito na kalbo. Mukhang pasaway. Ngumunguya pa ng bubble gum. Umikot ang paningin nito sa paligid para maghanap ng uupuan. Nang mapatingin sa bakanteng upuan sa tabi ko ay malawak na ngumisi ang bibig nito.


Napakapit ako sa armchair dahil sa klase ng titig ng kalbong ngayon ay humahakbang na palapit sa akin. Kahit sanay na akong tinititigan ng mga lalaki ay hindi talaga ako nasasanay na makakatabi sila lalo na kung isang buong klase. Pero wala naman akong magagawa at hindi ko rin kayang mag-reklamo kaya inihanda ko na lang ang aking loob na makatabi ito.


Malapit na ito sa akin nang mula sa likuran nito ay may bumangga rito sa balikat. Napatagilid ang kalbo sa paglalakad at muntik pang mangudngod sa sahig. "Puta! Ano ba?!" mura nito. 


Bago pa ito nakaayos ulit ng tayo ay may nauna nang umupo sa bakanteng upuan na katabi ko.


Napatunganga naman ako sa lalaking biglang aking naging katabi. Dahil sa aking panginginig kanina ay hindi ko napansin ang pagdating niya. Mukhang late nga siya dahil basa pa ang kanyang buhok na halatang kaliligo lang. Ang mabangong men's cologne niya ay sumasalo sa amoy ng sabon na gamit niya—parang Safeguard Eucalyptus Green.


Cool na humalukipkip siya habang maangas na nakataas ang isang kilay sa kalbong estudyante na dapat na mauupo sa ngayon ay kinauupuan niya. "'Pre, doon ka sa kabilang row, may bakante roon. Wag ka rito, teritoryo ko ito."


Sa gulat at sa pagkalito ay sa isip ko na lang nasambit ang pangalan niya. 


Isaiah...


JF

Continue Reading

You'll Also Like

206K 1.6K 11
Perfect boys only exist in books. Akala ko din eh. Hanggang isang araw dumating na lang si Nicolo Sandivan Monreal, the future first presidential son...
10.1M 132K 52
“You chose the hard life, I chose to love you.”  Ara Loraine “Rayne” Yen-Sia has everything. Luke JoPierre Zamora Cariño has her heart. And he c...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
3.7K 138 62
Shaniya Montez, 26, isang dalagang may trauma na sa mga lalaki kaya naman takot makipagrelasyon. Isang breadwinner at nanggaling sa mapang-abusong pa...