Probinsyana Series: BOOK 2...

By MERAALLEN

45.1K 1.8K 552

Lumipas ang pitong taon ng paninirahan ko sa ibang bansa ay babalik ako sa aking lupang sinilangan para bawii... More

KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
Kabanata XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV
Kabanata XXVI
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
CHAPTER 36
Chapter 37
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
KABANATA XLIII
Untitled Part 44

Untitled Part 45

655 16 9
By MERAALLEN

Pagkatapos kong mag vent out kay Lucio ay kumalas ako sa kanya na parang walang nangyari. Alam ko paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na ayoko. Ayokong mapalagay muli ang loob ko sa asawa ko dahil masyadong magulo pa ang sitwasyon ngayon at ayoko nang magulo ang buhay namin ng anak ko ngunit habang nakakasama ko siya at nakakausap ko siya ay natutunaw na naman ako. Masyado akong nao-overwhelmed sa mga sinasabi ni Lucio sa akin nawawala ang galit ko at poot ko sa kanya.

"Please give me a chance, Gianna." malungkot na sabi niya sa akin habang papalayo ako sa kanya.

Tumingin lang ako sa kanya nito at patuloy akong lumakad papalayo sa kanya. Tumungo na ako sa silid ko nito upang mag pahinga at humugot muli ng lakas ngunit sa pag pasok ko sa silid ko ay nakaramdam ako ng panghihina sa aking tuhod kaya't napasubsob ako sa sahig. Tumama ang ulo sa sahig at nakaramdam ako nang sakit dahilan para mapaiyak muli ako hindi alintana ang sakit ng ulo ko ngayon dahil sa pagkasubsob ko sa sahig dahil mas lumalamang pa rin ang sakit ng puso ko. 

Iyak ako nang iyak ng mga oras na ito habang gumagapang ako patungo sa kama ko para akong tanga na hindi gumagamit ng utak dahil sa ginagawa ko ngayon pwede naman kasi akong tumayo sa kinahihigaan ko at maglakad patungo sa kama ko ngunit mas pinili kong maging ganito katanga.

Hindi ko na magawang tumayo pa sa kinahihigaan ko ngayon kaya sa sahig na lang ako umiyak nang umiyak hanggang sa makatulog ako.

Sa pag pikit ng aking mga mata ay biglang nakarinig ako ng mga sigawan sa paligid ko. Nanlalabo ang aking mga mata nito kaya hindi ko makita kung sino-sino ang mga ito hanggang sa nakaramdam ako ng pag-angat sa katawan ko.

Mabigat man ang talukap ng aking mata ay naimulat ko pa rin ito at nanlaki ang aking mga mata nang makita kong buhat-buhat ni Lucio habang nagmamadaling maglakad.

"Hey! hey! Anong ginagawa mo?" galit na tanong ko sa kanya.

Napatingin sa akin si Lucio at agad na napahinto sa paglalakad niya.

"Ok ka lang ba? Nakita ka ni Inay na nakalumpasay sa sahig kaya agad niya akong tinawag sa baba para buhatin ka at idadala ka namin sa hospital," alalang sabi niya sa akin.

"Nakatulog lang ako sa sahig, ok?"

"Sigurado ka ba diyan? Ipapatingin pa rin kita sa doctor baka kung anong nangyari sayo."

Pinilit kong makakalas sa kanya ngunit mahigpit akong hinawakan ni Lucio.

"Bigyan mo pa ako ng pagkakataon Gia na ipakita sayo na mahal kita. Kahit ngayon lang pakiusap," nagmamakaawang sabi niya sa akin.

"Ano ba kasing katangahan 'to Lucio? Ang oa niyo promise! Hindi ako natutuwa sa ugali niyo!" Sigaw ko sa kanya habang nag pupumiglas sa kanya.

Nakakalas ako sa pagkakabuhat ni Lucio sa akin ngunit hindi ko inaasahan na malalaglag niya ako kaya sa pagkahulog ko ay napakawit ko ang kamay ko kay Lucio at kasama ko siyang nahulog sa sahig.

Nagkadikit ang mga labi naming dalawa at parang huminto ang mga oras nito at nagkatinginan lang kaming dalawa habang magkalapat ang mga labi namin sa isa't-isa. Ilang minuto ring magkadikit ang mga labi nito ng biglang dumating si Inay at nakita niyang magkapatong kaming dalawa ni Lucio.

"It's not what you think Nay," sambit ko sa kanya sabay alis sa harapan nilang dalawa.

"Bakit wala naman akong sinasabi aah?" nakangiting tanong niya sa akin.

Umalis muli ako sa harapan nilang dalawa ngunit sa oras na 'to ay hindi mawala ang ngiti sa aking labi. I miss his lips.

Mabilis akong tumungo sa silid ko at sa oras na 'to ay ni-lock ko na ang pinto upang walang makapasok sa kanila.

Humiga ko sa kama ko at natulog na muli ako. 

Kinabukasan madilim-dilim pa nang lumabas ako sa silid ko nito kaya tumungo na ako agad sa kusina upang mag kape.

Tahimik pa ang kapaligiran nito at walang katao-tao sa labas kaya ako na lang mismo ang nag timpla ng kape ko. Habang nag titimpla ako ng kape ko ay may kakaibang hangin ang dumaan sa aking likuran.

Nangilabot ang buong katawan ko dito kaya napatingin ako agad sa likuran ko at nakita ko si Lucio na nakaupo sa sulok.

Napatitig ako sa kanya nito at lumapit ako sa kanya.

"Hindi ka pa rin umuuwi?" iritableng tanong ko sa kanya.

"I can't go home without talking to you 'yung tipong walang galit at sumbatan," sabi niya sa akin.

"Ano bang gusto mong mangyari? Gusto mo bang makasama ang anak mo?" tanong ko sa kanya. "Sige ibibigay ko ang rights mo na makasama ang anak mo,"

"Hindi lang si Bella ang gusto kong makasama,"

"Ayan ang hindi ko mabibigay,"

"Maghihintay ako hanggang sa mapatawad mo ako tatanggapin ko lahat ng galit na 'yan,"

"Walang katapusan ang galit ko sayo Lucio. Sana naman maintindihan mo 'yun na tapos na ang lahat sa atin. Palayain mo na ako Lucio gusto ko na ng buhay na maayos ayoko na ng natatakot ako,"

"Ipaglalaban kita at ipagtatanggol,"

"Bakit ngayon pa? bakit ngayong kaya ko nang mabuhay na wala ka? Alam mo ba kung anong nangyari sa akin sa loob ng walong taon? Huh Lucio?"

"Paano ko  malalaman kung iniwan mo ako ng walang sabi,"

"Paano ko sasabihin sayo kung ikaw nga mismo hindi naniniwala sa akin? Gusto niyo pang ipapatay si Bella dahil sa katangahan mo!"

"Niloko niya ako wala akong kaalam-alam sa nangyari,"

"Wala kang alam kasi nagtatangahan ka at nagbubulag-bulagan! Hindi mo ako inisip Lucio dahil ang mahalaga lang sayo ay ang sarili mo!"

"Alam ko sobrang laki ng pagkakasala ko sayo pero sana naman pakinggan mo ako. Hindi ko ginusto na maging ganito ang nangyayari sa ating dalawa. Mahal na mahal kita Gianna ikaw lang ang mahal ko,"

"Mahal mo? Paano mo nasabing mahal mo ako eeh pinatira mo ang kabit mo sa bahay mo,"

"Nalugi ang kumpaya Gia,"

"Mag asawa tayo Lucio pero hindi mo sa akin sinabi 'yang mga 'yan. Bakit kailangang si Celine ang unang makaalam? Bakit sa kanya ka agad lumapit imbis na sa akin?"

Hindi ako masagot ni Lucio kaya't ako na lang rin ang sumagot sa tanong ko.

"Aaah... Oo nga naman bakit mo nga kasi sasabihin sa akin na nalulugi na ang kumpanya mo eeh wala naman akong maitutulong noon? Sino ba naman ako 'di ba? Isa lang naman akong probinsyana na naghangad na makapag aral sa Manila tapos nag pakasal ako sa taong hindi ko naman kilala," natatawang kwento ko sa kanya. "Ano naman kasing panama ko sa one greatest love mo na sobrang yaman at sobrang ganda?"

"Hindi sa ganun 'yun,"

"Eeh ano! Bakit hindi mo masabi sa akin? Bakit kailangang ipagkanulo mo ang sarili mong asawa sa impaktang 'yun?"

"Kasi,"

"Kasi ano? Sabihin mo Lucio! Sabihin mo para maliwanagan ako!"

"Nahihiya ako na sabihin sayo." malungkot na tugon niya.  

Hindi ko alam kung bakit bigla akong tumawa ng malakas sa sinabi niya parang kasing nakakatanga lang.

"Alam mo nakakatawa ka! Nahihiya ka sa akin? Bakit?"

"Nahihiya ako kasi gustong mabigyan ka ng magandang buhay pero naging fail ako! Si Celine ang una kong nilapitan dahil alam kong matutulungan niya ako agad pero hindi ko naman alam na may masama siyang plano sa ating dalawa. Hindi ko alam na gusto ka niyang patayin!"

"Ngayon alam mo na? Alam mo madali lang magawan ng paraan 'yung pagkalugi mo eeh pwede ka naman lumapit sa mga kamag anak mo nandyan lang naman 'yang mga 'yan para tulungan ka pero hindi mo ginamit ang kokote mo,"

"Oo na mali na ako kaya nga sinusubukan kong itama ang lahat ngayon,"

"Huli na ang lahat Lucio hindi mo na kayang itama ang mga pagkakamali na ginawa mo sa akin,"

"Kaya ko at kakayanin ko,"

"Ang tiwala at pag mamahal ko sayo ay parang bula naglaho na lang bigla. Alam mo kung anong natira?"

"Ano?"

"Poot, galit at pagkasuklam."

Lumapit sa akin si Lucio at hinawakan ang aking kamay ngunit tinanggal ko ulit ito at inaya ko na siyang umalis sa aking bahay.

"Lucio, you may now leave and please tigilan mo na ako. Ako na ang bahala sa kaso ko dahil laban ko lang 'to." seryosong sabi ko sa kanya.

Hinintay ko na makipag argumento pa sa akin si Lucio nito ngunit hindi na siya nagsalita pang muli at umalis na siya sa aking harapan at lumabas ng pinto.

Habang papalayo si Lucio sa akin ay parang gusto ko siyang pigilan ngunit pinipigilan ako ng aking utak sa gusto kong gawin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 71.8K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
423K 634 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
138K 7.4K 59
[ Gay x Straight | Romace | Comedy ] Inis, irita, kapre, lucifer, masama, iyong lahat nalang ng puwede mo masabi kapag nakaharap mo sila? Iyong mapap...
65K 1.7K 36
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...