Waitress to Adore ✅

By Daradarsi

12K 128 8

Salient Forbearance Series #1 misery (04.02.22) More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
CHAPTER 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
LAST CHAPTER

Chapter 24

208 3 0
By Daradarsi

HINDI pa rin ako hanggang ngayon umuwi. Dito na ako natulog kagabi. Nag-paalam na rin ako kay Wensley na dito muna ako. Sinabihan n'ya ako na umuwi muna ako dahil may klase pa ako. Pero, baka bukas nalang siguro ako umuwi. May pakay pa ako dito.


“Lana, okay ka lang? Ang tahimik mo yata ngayon.” Namilog nalang ang aking mga mata at bigla kong ginalaw ang aking kutsara at tinidor. Para akong nahimasmasan sa pagkatulala ko dito.

“Oum. May naisip lang.”

“May problema ba kayo ni Wensley? O baka nag-away kayo?” Nag-alalang tanong ni Ate Anya sa akin. Umiling ako ng may ngiti sa aking labi.

Actually, binabaan n'ya ako kanina. Nang sinabi ko na hindi muna ako uuwi ngayon. Ewan ko sa kaniya kung bakit mainit ang ulo n'ya. Uuwi naman talaga ako. Ngayon dito muna ako.


“Ahm, okay kami. Oo,” sabay ngilay ko na nginitian naman nila.

“Kailan ka nga pala uuwi?”

“Grabe ka naman, Ate Tanya. Nang kagabi lang parang ayaw mo akong umuwi na dumito muna. Tapos ngayon, gusto mo yata akong umuwi na.” Pahapyaw itong tumawa na nasisiyahan at aliw na aliw.

“Nag-tanong lang naman,” saka tinuloy n'ya ang kaniyang pag-nguya.

“Ahm, ate. Ate Tanya, may lakad ka ba mamaya?” Agad tiningnan ni Ate Tanya si Ate Anya, nagkatinginan silang dalawa.

“W-wala. Dito lang ako.” Nakita ko ang pag-angat ng magkabilang balikat nito at halata sa kaniya na may tinatago, halata ko. Kita ko ring hindi mapakali ang kaniyang mga mata na ang likot ngayon sa paggalaw.


Tumikhim ako. Kaya agad silang bumaling sa akin na nilakihan ko naman sila ng dalawang mata ko na nagtatanong kung bakit. Umiling naman sila.

Natapos ang pagkain namin ng aming almusal. Na ako ang nag-presentang mag-hugas ng aming kinainan.

Na-iwan ako dito mag-isa sa bahay. Dahil umalis ang dalawang ate ko para mag-grocery. Hinintay ko sila hanggang sa maka-uwi dito sa bahay.


Palaisipan pa rin hanggang sa utak ko ngayon ang nabasa kong text kagabi sa cellphone ni Ate Tanya. May bumubulong sa akin na sundan ko raw siya mamayang gabi. Kaya ko kaya? Mukha kasing delikado.

Gusto ko lang mapanatag ang loob ko na ako ang nakabasa no'n. Alam ko naman na nabasa rin ni Ate Tanya. Hindi lang ako sure kung pupunta siya do'n. I felt nervous. Something in my mind, na gustong protektahan si Ate Tanya. Baka anong gawin sa kaniya. Ayaw ko na malagay siya sa kapahamakan.

May naisip na akong plano. Sana hindi ako pumalpak. Pero kabado ako na dehado. What if ako ang mapapahamak? Bahala na si Batman. Susundun ko si Ate Tanya mamaya.


Umuwi na sila. Nag-bonding kami. Ang daming niluto ni Ate Tanya para kainin namin. Nag-enjoy ako sa maraming foods. Dati lang nang nag-aagawan kaming tatlo sa pagkain na nakahain sa ibabaw ng lamesa. Minsan sakto sa amin, minsan kulang na kailangan talagang pag-agawan.

Ang mas malala, maliit na parte sa akin. Sa kanilang dalawa ay malaki, marami. Dahil daw malaki na sila. Nagpakumbaba ako at hinayaan sila. Gusto ko na nga no'n lumaki na. Para malaki at maraming hati rin ang kakainin ko. Dahil malaki na ako. So funny lang habang iniisip ko ngayon. Wala sa sarili akong napangiti.

Napatingin ako sa kanilang dalawa na busy sa pag-uusap. Hindi nila ako nakita na nangingisay sa ngiti dito.


“Saan ka ba kasi pupunta mamaya? Ang sabi mo may pupuntahan ka.” Biglang salita ni Ate Anya. Matagal bago nakasagot si Ate Tanya. Ngumiti siya at saka nagsagot.

“May bukas kasing bar. May nag-yaya lang sa akin. Punta raw ako do'n mamaya.” Gusto kong sumabat. Mas pinili ko nalang manahimik. Alam ko sa sarili ko na nagsisinungaling si Ate Tanya ngayon. Halata sa mukha n'ya na balisa ngayon.

Napabuntong-hininga ako. Lumulubo yata ang puso ko ngayon. Kaya bumibigat ang aking pag-hinga. Nasobrahan sa hangin kaya ang bigat ng puso ko ngayon. Ang importante, humihinga.


Agad nila akong tiningnan nang tumayo ako at nag-paalam sa kanila na matutulog na ako. Ang totoo, mag-ha-handa lang ako para sundan maya-maya si Ate Tanya.

Nakabihis na ako. Ang nakatawa, para akong holdaper na kidnaper sa ayos kong ito. Kulay black na leggings ang suot ko, black na rubber shoes na Nike. Bigay ni Ate Tanya, bilis n'ya sa akin. May mga damit na ako dito. Nagulat nga ako pagpasok ko kagabi para humiga dito. Ang dami kong mga damit na susuotin dito sa closet ng kuwarto na 'to. Akin daw lahat ng mga ito sabi ni Ate Tanya.


Then, longsleeve na kulay black na fitted sa body ko na ang higpit ng pagka-suot. Makahinga pa naman ako.

Dumito muna ako sa loob ng kuwarto ko. Hindi pa naman alas-siyete. Dito ako pumuwesto sa may bintana na tanaw ang gate sa labas. Baka kasi lumabas si Ate Tanya. Kaya taimtim akong nagmamasid dito.

May thirty minutes nalang. Hanggang sa five minutes nalang bago mag alas-siyete. Napabaling ako sa labas at lumaki nalang ang mga mata ko nang makita ang sasakyan ni Ate Tanya na papalabas.


Agad na akong kumilos. Dahil alam ko na hihinto pa siya para isara ang gate.

Binilisan ko ang pagtakbo. Nakita ko pa sa kusina si Ate Anya na nagliligpit. Hindi n'ya ako nakita.


Ang nakatutuwa ay paglabas ko ng bahay, ay siyang pagpasok din ni Ate Tanya sa kotse n'ya at saka n'ya pinaandar.

Sa totoo lang, ang bobo ko pala. Hindi ko na-planuhan ng maigi ang masasakyan ko para sundan si Ate Tanya. Like, ang bobo ko!

Wala sa sarili akong napasabunot sa aking mga buhok. You know what? Ang swerte ko rin pala. Kasi paglabas ko ng gate ay may paparating na taxi na aking pinatahan. Huminto naman 'yong driver at saka na ako sumakay sa loob.

Ang lakas ng kabog ng aking dibdib, intense!


“Kuya, pakisundan po 'yong kotse. Hayon po!” Turo ko sa sinusundan naming kotse ni Ate Tanya. Hindi pa nakakalayo si Ate Tanya. Puwede pa siya naming habulin at puwede kaming mag-overtake.

Napansin ko lang. Bakit ang bagal ng maneho ni Ate Tanya. Napansin n'ya kaya na sinusundan ko siya?

Oh no! Sana hindi naman. Binundol ng kaba ang puso ko kung paano nalang alam n'ya talaga na sinusundan ko siya.

Nakasunod kami sa kotse ni Ate Tanya. Hindi ko in-alis sa mga paningin ko ang kotse n'ya na kasalukuyan naming sinusundan.

“Sino po ba 'yan, ma'am? Baka mapahamak tayo o madamay ako.” Nagambala ako sa binanggit ni Manong Driver.

“Ate ko po siya, kuya. May pupuntahan kasi siya ngayon. Hindi n'ya ako sinama. Kaya sinusundan ko siya. Para ma-surprise siya.” Tumango naman 'yong driver sa paliwanag ko. Alam ko na naniniwala siya sa akin ngayon.

Actually, ang lapit ko na dito kay Manong Driver. Ayaw ko kasi ma-alis sa buong paningin ko ang kotse ni ate. Baka i-ligaw n'ya kami o kami ang maligaw. Dahil mali ang sinusundan namin. Dahil siya ay lumiko na. Ang dami kasing mga sasakyan.

Matagal ang biyahe. Napansin ko nalang na nasa Quezon na kami ngayon. Dito talaga ba sila sa Quezon mag-ki-kita? At sino naman 'yong tao.

“Huminto na po ang kotse?” Tiningnan ko nga at nakahinto na ang kotse ni Ate Tanya sa isang bahay na ang ta-taas ng pader. Tapos nag-i-isa lang ang bahay na 'to dito. Malayo ang mga kabahayan.

Delikado, unang kita ko palang. Walang kabahayan kasi. If hihingi siguro kami ng tulong mamaya, just in case. Walang tutulong sa amin. Bakit pumayag si Ate Tanya pumunta dito?

Dito sa isang tagong lugar na madilim huminto ang taxi na sinasakyan ko. Ang dilim dito. Pero tanaw ko mula dito si ate na nasa malayo na nakatayo na at may hinihintay na may lalabas sa loob.


“Ito bayad, kuya. Salamat po.” May pag-aalinlangan si kuya pagkatanggap n'ya ng bayad ko.

“Delikado po kayo dito, ma'am. Sure na kayong dito ko kayo iwan? Ang dilim.” Halatang concern sa akin si Kuya driver. Tumango lang ako sa kaniya at saka ko siya binigyan ng matamis na ngiti.

“Relatives po namin ang nakatira diyan.” Nag-sinungaling na naman ako. Nawa'y patawarin ako ng mahal na panginoon.

Lumabas na ako mula sa loob ng taxi. Hinintay kong umandar ang taxi paalis at palayo bago ako kumilos.

Nakadikit ako dito sa isang sementadong pader. Na parte pa rin ng bakod ng bahay na 'to.


Mag-isang nakatayo si ate na may hinihintay. Dahan-dahan akong humakbang papalapit. Medyo malayo pa kasi. Gusto ko lang lumapit ang pakinggan ang mga usapan nila.

May nadaan akong kotse. Agad akong napayuko. Nagulat ako. What if may tao sa loob? Binundol ng nerbiyos ang puso ko. Nakayuko ako na umupo na nga dito. Saka dahan-dahang umatras habang nakayuko. Patalikod do'n sa likod nitong kotse.

Mabuti tinted and window ng kotse na 'to. Pero hindi ako sure kung may tao nga ba sa loob na nakakita sa akin dito sa labas. Nakayuko pa rin ako. Pinagpapawisan na nga ako dito habang nakasilip doon sa kinatatayuan ni ate.

Then, may lumabas na isang lalaki na nakatalikod. Sinara n'ya pa kasi ang gate bago harapin si ate.

Hindi ko maaninag ang itsura ng lalaki. Nasa madilim na parte kasi siya nakatayo. Naningkit pa ang mga mata ko para tingnan ng mabuti 'yong lalaki.

Hanggang sa umawang ang bibig ko. Gano'n na lamang ang paglaki ng mga mata ko nang maaninagan ko na ang itsura ng lalaki. Napa-iling ako na hindi ko ma-isara ang bibig ko na naninigas na ngayon.

No! Anong ginagawa ni Philip dito? Sumikip ang aking dibdib. Dahilan para hawakan ko.

Yes, si Philip na ex-boyfriend ko. Ano ang kaugnayan n'ya kay Ate Tanyam Magka-ano-ano silang dalawa?

Ang munting pawis ko kanina sa aking noo ay biglang tumagaktak ngayon sa pagkabigla.

Nakita ko na nakangisi si Philip habang nakapamulsa na kaharap si Ate Tanya. Si Ate Tanya naman, lumaki ang bunganga n'ya at rinig na dito sa akin ang malakas ng boses n'ya na sumisigaw siya.

Napa-upo ako dito sa lupa. Nangangatog ang binti ko mga paa na nangangalay.

Tulala kong tiningnan ang lupa. Naguguluhan kung bakit sa dami ng lalaki. Si Philip lang pala ang kikitain ni Ate Tanya ngayon.



So it's mean... No! Hindi naman siguro si Philip ang ama? What if bodyguard, security guard lang ng bahay na ito si Philip.

Pero impossible. Kasi ang yama ni Philip para lang maging tagapagsilbi. Naguguluhan ako. Nagulat talaga ako.

Sumilip ako ulit. Halatang nagtatalo silang dalawa. Lalapit ba ako? Or aalis nalang. Saka ang dilim. Ang bobo ko!

Hindi ko kayang tumagal dito. Pero ano ang sasakyan ko sa pag-uwi? Alangan namang sasakay ako sa kotse ni Ate Tanya. Edi, malaman n'ya at magagalit siya sa akin.

Ang hirap 'yong susugod ako sa isang labanan na 'yong plano ko ay hindi konkreto. Mabilis titibag. Palpak!


Kailangan kong mag-isip kong ano na ang sunod ko na gagawin. Ginusto ko naman kasi 'to. Sana hindi ko nalang pinaalis 'yong taxi driver. May masasakyan sana ako ngayon. Pero nangangamba naman ako kung mapapahamak 'yong driver at ako ang may kasalanan.


Bigla kong napalo itong likod ng kotse. At dahan-dahan kong in-angat ang mga paa ko at maging ang aking sarili para tumayo. Sa aking pagtayo, natigilan ako.

May kung ano akong napansin sa loob ng kotse. Na dito mismo sa kinakapa ko kung saan napasandal ako.


May tumutunog sa loob. Nanlaki na naman ang mga mata ko at umawang ang aking labi. Kagulat. Iniisip ko kung ano ang mayroon sa loob. What if, may ahas?

Takot ako sa ahas. Pero what if kung may tao? Nagimbal ako. May kung ano naman sa puso ko na tumibok nalang ng pagkalakas-lakas. Aatakihin yata ako sa puso.

Aalis na sana ako nang lumakas nang lumakas 'yong tunog mula sa loob nitong compartment ng kotse na 'to. Feeling ko talaga, na-fe-feel ko na sa loob nanggagaling ang tunog. Bubuksan ko kaya?

Pero natatakot ako. Baka nga may ahas sa loob. Napapikit ako para gabayan ako sa desisyon na gagawin ko ngayon. No choice ako. Kaya naisipan ko nalang na buksan itong compartment. Mukhang wala naman yatang tao sa loob nitong kotse nito. I mean, do'n sa unahan. Pero dito sa compartment may tao talaga na na-fe-feel ko.


Nangangatog ang mga tuhod ko sa intense. Tapos ang mga kamay ko ay namamanhid na rin na biglang nanginig, marahil sa takot at kaba na nararamdaman ko ngayon.

Pinikit ko ang aking mga mata at dahan-dahang in-angat itong handle ng compartment kung saan ako naka-hawak ngayon. Binaling ko sa ibang direksyon ang ulo ko habang nakapikit. Hindi ko keri makita ang kung ano man sa loob.


Nang feeling ko umangat na at nabuksan ko na yata. May narinig akong ingay ng tao na 'yong may takip ang labi. Kaya hindi makapag-salita. Umugong ang ingay nito. Kinabahan ako, katakot. May namuong luha sa aking mga mata sa pangangamba.

Kaya ko 'to. Paglingon ko nang dahan-dahan, napalula nalang ako sa nakita ko. Isang bata, alam mo na bata siya dahil maliit siyang klase ng lalaki.

Nakagapos ang dalawang kamay nito sa likuran n'ya at ang mga paa n'ya ay may gapos din. Ang baba n'ya ay may black na takip. Kaya hindi siya makapagsalita, kung hindi ang impit n'ya lang. Dahil natatakpan ang kaniyang bunganga.


Nanlaki nalang ang mga mata ko at umawang ng sobrang laki itong bunganga ko. Nang mapagtanto na si Saji itong nasa harapan ko.

May kung ano sa lalamunan ko na nahirapan akong bumigkas at namalayan ko nalang ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ako makapaniwala na ang pamangkin ko na pala ngayon ang nasa harapan ko na matagal ng nawawala.

Halos manlumo ako at napatakip sa aking bibig para pigilan ang paghagulgol ko ngayon. Hindi ko na siya kayang makita sa ganitong ayos.

Napapitlag nalang ako nang marinig ko ang isang putok ng baril. Tila namamanhid ang buo kong katawan.

Natigalgal ako na nahihirapan na ako sa paghinga. Bumuhos ang masagana kong mga luha.






Daradarsi

Continue Reading

You'll Also Like

13.7K 653 35
Samantha Rodriguez Babaeng naghahangad na maikasal sa lalaking gusto niyang makasama habang buhay.Unang kilala niya palang sa lalaki ay wala na siyan...
191K 3.8K 53
(COMPLETE - ✓) Billionnaire Series#04: Thaddues Montegamo "If loving you means letting go of everything I have then I will!" - "Ikaw ang mahal ko kay...
15.3K 539 25
WARNING: R-18 / NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! Cassandra's goals in life are simple: first, to finish her degree in teaching and second, to provide...
1.4M 32.2K 43
Paano ba pigilan ang damdaming umuusbong sa babaeng simula pa lang pagkabata ay tinuring mo nang kapatid? Sebastian Albano & Althea Canlas story #t...