Helaina

بواسطة peritwinklexx

6.5K 195 19

Hindi naging maganda ang unang pagkikita ni Helaina at Valentine. One is committed, and the other is kinda pl... المزيد

Helaina
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30

Kabanata 12

203 4 0
بواسطة peritwinklexx

Napahawak ako sa aking pisngi na bahagyang uminit dahil sa sampal ni Mommy. Naramdaman ko rin ang pag-iinit sa gilid ng aking mga mata.

No, Helaina! Don't you dare cry because of her! She's not worth it!

Tumunog ang phone ko. Nakita kong may mensahe si Gael. Pumikit ako ng mariin bago ko binasa ang mensahe niya.

Gael:

Nakauwi ka na?

Nireplyan ko si Gael na nasa bahay na ako. Pagkatapos nun ay inilagay ko sa paanan ng kama ko ang bag ko. Pabagsak akong dumapa sa kama.

Nanginginig ako sa galit kay Mommy. Hindi matanggap ng sistema ko na sinampal niya ako. Si Lolo nga na nag-alaga sa akin ay hindi ako pinagbuhatan ng kamay ni minsan. Tapos siya, nakaya niyang sampalin ako ng ganoon gayong hindi siya ang nagpalaki sa akin?

Wala akong pake kung masabihan man ako na walang respeto sa kanya. Hindi naman kasi dapat binibigyan ng respeto ang mga taong pagkatapos kang iluwal ay basta-basta ka na lang iiwanan na para bang isa kang basura na walang silbi.

Hindi ko alam ang rason kung bakit iniwan ako ni Mommy kay Lolo. Ni hindi ko rin alam kung bakit lumaki ako na walang kinikilalang Daddy. Namulat at nagkaisip na lang ako na sina Lolo at Lola ang kasama ko.

Ibinigay nila sa akin ang lahat -- pera, materyal na bagay, kalayaang gawin ang gusto ko, ang pag-aaruga at pagmamahal. Pero may hinahanap ako, na kahit anong gawin nina Lolo at Lola ay hindi nila maibigay sa akin.

Iyon ang pag-aalaga, pagkalinga at pagmamahal na gusto kong maramdaman mula sa aking mga magulang.

Alam kong wala akong karapatan na maghangad pa. Pero hindi, eh. Alam ko sa kaloob looban ko na gusto kong maramdaman ang mga 'yon galing sa kanila.

Pinahid ko ang mga luhang tuluyan ng lumandas galing sa mga mata ko. I shouldn't be crying! For pete's sake, Helaina! This is weakness!

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mga hikbing gustong kumawala sa bibig ko. Kailangan ko ng kausap.

Si Gael! May dinner nga pala kami ngayon. Siguro sa labas na lang kami kakain. Ayaw ko dito sa bahay. Nandito si Mommy, nakaka-bad vibes.

Tumunog ulit ang phone ko. Agad ko itong tiningnan, baka kasi si Gael 'to. At hindi nga ako nagkamali. Siya nga.

Gael:

Babe, I can't make it right now. Babawi na lang ako next time. Sorry.

Napangiti ako ng mapait pagkatapos kong basahin ang text niya. Yeah, right. You're in perfect timing, babe. Tumipa ako para replyan siya.

Me:

Had a fight with mom. I badly need you now, please? :(

Tumihaya ako at nakatitig sa kisame pagkatapos kong i-send iyong text ko kay Gael. Gusto ko talaga ng makakausap ngayon. Gusto kong may makikinig at iintindi sa akin ngayon.

Ayaw kong mag-share kay Shane kasi medyo magkaparehas kami ng sitwasyon ngayon. Iniwan siya ni Tita Mercy kay Tito Edwin, 'yong Daddy niya. Hindi pa raw kasi handa si Tita Mercy na magkaroon ng anak noon. Bata pa raw kasi siya. Tapos ngayon, gusto na niyang maging parte ng buhay ni Shane.

Like, what the fuck?! Kung kailan na nasanay si Shane na wala siyang Mommy, eh babalik ito at magdedemand ng ganoon? Seriously?

Si Mommy kaya? Ano kaya ang rason niya? Ganoon din kaya? Na hindi pa siya handa na magkaroon ng anak? Eh, kung hindi pa pala siya handa ba't siya nagpabuntis? Iyong Daddy ko kaya? Buhay pa kaya siya? Alam kaya niyang may anak siya kay Mommy?

Lumipas na ang ilang minuto pero wala paring reply si Gael. Sinubukan kong tawagan siya pero hindi ko siya ma-contact. Out of coverage daw sabi ng operator. Lowbat ba siya? Na naman? Tsk!

Tumayo ako para magpalit ng damit. Sa labas ako kakain ngayon. Hindi na bale kung ako lang mag isa. Ayaw ko munang makita si Mommy. Ano ba kasing pumasok sa isipan ni Lolo para isulat sa huling habilin niya na patirahin ako dito hanggang sa maka-graduate ako?

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako sa aking kwarto. Naabutan kong nanonood ng tv ang kambal sa sala. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit sa kanila. Dahil buo at kumpleto ang pamilya nila. Naramdaman nila ang pagkalinga at pagmamahal ni Mommy.

"Manang, siguraduhin mong malambot iyong karne, ha." rinig kong sinabi ni Mommy sa kusina.

"Ate, lalabas ka?" tanong ni Sean.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Yes, Sean. May pupuntahan lang si ate."

"But it's almost dinner. Aren't you going to eat with us?"

Mabilis akong umiling sa kanya. "See yah later."

"Helaina..." tawag ni Mommy. Hindi ko siya pinansin. Diretso akong naglakad palabas ng gate.

Huminga ako ng malalim pagkalabas ko. Thank God at hindi nagpumilit si Mommy na kausapin ako. Dahil paniguradong hindi niya magugustuhan ang mga salitang lalabas sa bibig ko kung sakali.

Saan naman kaya ako pupunta ngayon? I scanned my contacts habang naglalakad ako patungo sa labasan ng village. Naghahanap ako ng pwedeng makasama. Napagpasyahan kong itext sina Shane, Tamar at Bub.

Me:

Kinda miss you guys! Tara, let's chill. Calle Cinco?

Then I hit the send button. Sana naman hindi sila busy o tatamarin. Monday pa naman ngayon. Tumunog ang phone ko. Si Dominic, tumatawag.

"Napatawag ka?" bungad ko.

"Grabe 'to, di man lang nag-hello?" halakhak niya.

"Wala ako sa mood ngayon. Ano na?"

Narinig kong napabuntong hininga siya sa kabilang linya. "Nag-away daw kayo ni Tita?"

"Pwede bang huwag na nating pag-usapan? San ka ngayon? Chill tayo. Calle Cinco."

"Lunes na lunes maglalasing ka? Nasaan ba ang boyfriend mo?" Iritadong tanong ni Dominic.

"Tss! Di ko nga ma-contact. I invited him to have dinner with me sa bahay. Pero nag-away nga kami ni Mommy tapos nagtext si Gael na hindi daw siya makakapunta." sagot ko.

Hindi nagsalita si Dominic. Tiningnan ko pa nga ang cellphone ko kung natapos na ba ang tawag pero hindi pa naman.

"Hello? Nan-"

"Ewan ko, Laine, ha. Pero sa tingin ko may ibang babae si Gael." seryosong sambit ni Dominic.

Napaikot ang aking mga mata sa sinabi niya. "Stop, Dom. Stop it."

"I'm a guy, Laine. Alam ko kung sino ang mga kauri kong matino at gago."

"Ewan ko sa'yo." Tinapos ko ang tawag. Baka maaway ko lang si Dominic kapag ipinagpipilitan niya pang niloloko ako ni Gael.

Nakita kong nagreply sina Shane, Tamar at Bub. Dali dali ko iyang binuksan at binasa.

Shane:

Sure. I'm on my way. See yah there!

Tamar:

I can't, girl. May tinatapos akong project.

Bub:

Miss you too, gorg. Count me in.

Ni replyan ko si Shane at Bub na papunta na ako sa Calle Cinco. Quarter to six pa lang. Siguro doon na lang ako kakain bago ako magpapakalunod sa alak.

Naunang nakarating si Shane sa Calle Cinco. May sasakyan naman kasi siya. She's still wearing her school uniform. May dalawang bucket na ng RH sa table at isang plato ng kropek. Tumayo siya ng makita ako at hinalikan sa pisngi.

"I miss you, Laine. Sobra. Ba't ba kasi sa UIC ka pa nag college. Nahiwalay ka tuloy sa amin." ani Shane pagkaupo namin.

"Ang cute ng uniform, eh." ngisi ko sa kanya. Inirapan niya ako. Nilagyan niya ng yelo iyong shot glass na may lamang RH at inabot iyon sa akin.

Umiling ako. "Ayaw kong maluto ang bituka ko. Hindi pa ako nagdidinner."

Ngumiwi si Shane sa sinabi ko. Siya ang sumalo nung inumin na para sa akin. Pagkatapos ay tumawag siya ng waiter.

"Isang rice at fried chicken, kuya. Tapos mango shake. Thank you." Sabi ko sa waiter. Agad na umalis ang waiter para kunin ang in-order ko.

Mataman akong tinitigan ni Shane. "Nag-break na kayo ni Gael?"

Umiling ako. "Hindi. Ano ka ba, ba't naman kami mag-bibreak?" Natatawa kong tanong.

"He's cheating on you. Isn't that enough reason?"

"No, he's not, Shane. Wala kaming problema ni Gael, okay? Si Mommy. Sinampal ako." sabi ko.

Namilog ang mga mata niya. "What?! Really? Bakit naman?"

"Hindi ko daw siya nirerespeto." Kibit balikat ko. "As if she deserves it, right?"

Napailing si Shane. "Hayaan na lang natin. Pero Helaina, about sa inyo ni Gael. Hindi porket wala na kayong problema ay okay kayo. Baka magulat ka na lang isang araw na malaki pala talaga ang problema niyo."

Hindi na ako nagkumento sa sinabi ni Shane. Wala naman talaga kaming problema ni Gael. Sila lang itong nagpupumilit na meron.

Maya-maya lang ay dumating na 'yong in-order ko. Inalok ko si Shane pero ayaw daw niya. Tapos na daw kasi siya.

"Nandito na si Bub." Tumagos ang tingin ni Shane sa likod ko. I took a sip on my mango shake bago lumingon sa likod. Then I saw Bub. Kumaway siya at nagmamadaling naglakad patungo sa amin.

"Buti na lang nasa bahay na ako nung nagtext ka. Nakapagpalit pa ako ng matinong damit." Ani Bub habang nakipagbeso beso sa amin.

Nakangiting aso na tiningnan ni Bub si Shane. "Proud na proud ka talaga sa school natin, Shane, noh?"

Itinaas ni Shane ang kamay niya at binigyan ng midfing si Bub. Tawa lang ng tawa si Bub.

Grabe, na-miss ko talaga sila. Naalala ko dati noong nasa high school pa lang kami, nagcucutting classes kami para magmovie marathon lang sa bahay nina Shane o di kaya tatambay lang kami sa bahay ng magkapatid na sina Tamar at Bub. Pero kahit na ganoon ang ginagawa namin ay matataas naman ang mga grades na nakukuha namin.

Naubos ko agad iyong kinain ko. Tinanggap ko na ang mga shots na ibinibigay ni Shane sa akin. Tawa kami ng tawa habang binabalikan iyong mga kalokohan na ginagawa namin noong high school.

"Naalala niyo pa si Ms Carte? Iyong pinapasigaw niya si Kent ng 'baliw ako' dahil naabutan niya itong tumatawa?" halakhak ni Bub.

"Di ko makakalimutan 'yon. Si Dean 'yong seatmate ko nun. Pinapatawa niya ako. Kinakagat ko nga yung dila ko nun para di ako matawa." Sabi ko. Halos di na ako makahinga sa kakatawa namin. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang mga customer dito.

Naka-limang bucket na kami ng RH. Medyo tinatamaan na nga ako. Biglang natahimik ang dalawa kong kasama. Tutok na tutok sila sa kanilang cellphone. Sigurado akong si JL ang ka-text ni Shane. Ewan ko lang sa kay Bub.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Kinapa ko 'to sa aking bulsa. Nadismaya ako kasi akala ko si Gael ang nagtext. Si Valentine lang pala.

Valentine:

Hi! Kamusta ang dinner niyo? Tapos na ba?

Napagpasyahan kong replyan ang text niya. Tutal busy rin naman 'tong mga kasama ko sa ka-text nila.

Me:

Di natuloy ang dinner namin. Di kasi siya makakapunta.

Nag-angat ako ng tingin sa mga kasama ko. Nakita kong mapupungay na ang mga mata nila. Nag-vibrate ulit ang phone ko.

Valentine:

Why? Can I call?

Napanguso ako habang tumitipa ng irereply sa kanya.

Me:

I don't know. Hmm, sure.

Ilang segundo lang ay agad ng tumawag si Valentine. Agad ko rin itong sinagot.

"Bakit di natuloy?" Bungad niyang tanong sa akin pagkasagot ko.

Napatingin si Shane sa akin. Nag-angat siya ng kilay. Para bang tinatanong niya kung sino ang kausap ko. I mouthed him, "friend." Marahan siyang tumango at saka ibinalik niya ang atensyon niya sa phone niya.

"I don't know, Valentine. Hindi ko nga siya ma-contact." Sagot ko.

"Huh? San ka ba?"

"Nasa Calle Cinco kami. Kasama ko 'yong mga kaibigan ko nung high school." Sagot ko.

Kinalabit ni Bub si Shane. "Lipat tayo sa Doki." Narinig kong sambit ni Bub.

"Pwedeng maki-join sa inyo?" nag-aalangang tanong ni Valentine.

"Uhh, siguro? Saglit lang." Tinakpan ko ang phone ko. "Can I invite my friend?" Tanong ko kina Shane at Bub.

Sabay silang tumango. "Sure."

"Okay daw. Sa Doki na lang tayo magkita. Text mo ako pag nandun ka na." Sabi ko kay Valentine.

Tinapos ni Valentine ang tawag. Maliligo daw muna kasi siya. Napangiti nga ako. Buti pa si Valentine. Nagbibigay siya ng oras at effort sa pakikipagkaibigan sa akin.

Madramang tumikhim si Shane kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. "Bakit?"

Tumikhim siya ulit at pumangalumbaba sa upuan niya. "Ngiting ngiti ka, ah. Sino 'yon? Sigurado akong hindi si Gael 'yon kasi nandun yun sa kabit niya ngayon."

"Tumigil ka nga. Walang kabit si Gael." Irap ko kay Shane. "Si Valentine 'yon, kaibigan ko. Pinsan ni Nes."

"Ah, kaibigan." Tango ni Shane. "Kaibigan lang talaga, ha."

Natatawa akong umiling. Ewan ko sa'yo Shane.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

866K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...