Between The Lines

By Mixcsjam

317K 11.7K 2.5K

At a very young age, Gino Romualdez suffered from a heart disease which caused him to be very careful for his... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty - One
Chapter Twenty - Two
Chapter Twenty - Three
Chapter Twenty - Four
Chapter Twenty - Five
Chapter Twenty - Six
Chapter Twenty - Seven
Chapter Twenty - Eight
Chapter Twenty - Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty - One
Chapter Thirty - Two
Chapter Thirty - Three
Chapter Thirty - Four
Chapter Thirty - Five
Chapter Thirty - Six
Chapter Thirty - Seven
Chapter Thiry - Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three

Chapter Three

11.2K 396 34
By Mixcsjam

--

Chapter Three

Minsan talaga ang hirap intindihin ng mga babae—ay hindi pala minsan kasi mahirap talaga. Alam niyo yon? Nakakaabnoy isipin kung ano ung natakbo sa isip nila.

Magulo.

Minsan talaga magugulat ka na lang sa mga posibleng nilang gawin. Its either lalo kang mamangha sa kakayahanan nila o matatakot na ka na lang na pipiliin mo na lang magtago eh. Katulad na lang ng nangyari kanina sa field, seriously that elf gave me a headache.

“Dude, ano na? Dito na lang ba tayo?” Narinig kong sabi ni Denver, tinanggal ko ung braso ko sa mukhako saka tumitig sa mga ulap.

Tss.

“Nasa panganib pa buhay ko, tol. Hindi tayo pwedeng umalis basta basta.” Sabi ko saka tumingin sa kanya na busy sa pagpi - psp.

Bigla siyang natawa saka tumingin sakin, “Seryoso Gino? Parang tanga to eh.” Umilin iling siya saka naglaro ulit sa pinagmamalaki niyang psp.

Napakagat naman ako sa labi, “Sinasabi mo yan kasi wala ka sa sitwasyon ko. Ipakilala ka ba namang boyfriend sa maraming tao, luh. Sa kanya lang ata nag eexist ung salitang ‘Kami’ pare. Hindi tolerable ung ginawa nung duwendeng yon, hanep.” Umupo ako saka nagbunot ng damo.

Nandito kami sa likod ng school, dito kami nagtago matapos ung eksenang ginawa ni Duwends. Masyadong nakaka trauma, nakakatakot na siya. Buti na lang walang masyadong nakakaalam sa lugar na to. Dito kasi kami madalas tumambay ni Denver pag wala kaming pasok para astig.

Bukod sa may pagka fresh air. Tahimik din. Malayo sa ingay pati mga tao. Malayo sa DD Fan Girls, malayo kay Pearl na Cuddly at higit sa lahat,

Malayo kay Vanilla Mallari.

“Grabe ka naman, alam mo bang real deal na si Vanilla?” Hindi rin. “Tol, isipin mo kasi.. ang dami mo ng advantage, bukod sa kaklase na natin siya simula pre – school, magkakaibigan pa tayo. Kilalang kilala niyo na ung isa’t – isa--”

“Ayun nga tol, ayun na nga ung point! Kilala ko na si Vanilla kaya hindi pwede saka ano ba naman yan.” Napangiwi ako sa mga pinagsasabi netong kumag na to.

Tumango tango siya, “Oo nga pre, alam ko yon. Sasabihin ko lang ung mga nakikita ko teka lang. Unang una, si Vanilla maganda, matalino, mabait, responsable, magalang saka sgt. @ arms ng student council, active siya sa mga extra – curricular activities ng school.”

Lumapit sakin si Denver saka ako tinapik sa balikat, “Tol, catch na catch na yang si Vanilla. Ang daming magagandang katangian yan saka ung pinaka matindi sa lahat, gusto ka niya simula bata pa tayo. Oh? Wala ng mas aastig pa don.”

Napailing naman ako at bahagyang natawa, “Ikaw talagang kumag ka eh, sige tol. Tignan mo naman tong mga sasabihin ko, si Vanilla, oo sige na sabihin na nating ang daming magagandang characteristics niyang pero Dens, alam mo naman siguro na maton yon. Siga pa sa siga, mas lalaki pa yon satin—diba nga kanina? Diba?” Tumango naman si kumag.

Napabuntong hininga ako, “Tapos ung boses non pag nasigaw ang tinis tinis, napaka ligalig pa akala mo namang may kiti – kiti sa tyan. Ang ingay saka wala na atang ginawa yon kundi dumamba ng dumamba pag nakikita ako. Ayun nga ung malala pare, may gusto pa siya sakin niyan.”

“Ibang klase ka talaga Gino. Hahaha!” Natatawang sambit ni Denver, umayos siya ng upo saka nag isip, “Pero naalala mo ba nung nagdadala siya ng dalawang lunch nung grade 3 tayo kasi para sayo yung isa? Kaso tinatanggihan mo kasi may baon ka naman.”

“Kaya binibigay ko sayo.” Sabi ko, “Naalala mo nung sinapak ni Vanilla si Mia nung grade 4 tayo kasi siya ung naging partner ko sa sayaw at hindi siya? Naalala mo kung gano ka brutal yang kaibigan mo ha?!”

“Ay oo! Hahahaha! Nagulat din ako don, hindi nakapag sayaw si Mia non eh.” Iyak tawa si tanga. Umiling iling naman ako, sakit sa ulo ni Vanilla. “Wala ka ba talagang gusto sa kanya? Kahit katiting lang?”

Natawa ako, “Ako? Sus, wala Dens. Walang wala. Hindi siya pasok sa standards ng mga babaeng gusto ko.” Ngumisi ako saka humiga ulit sa damuhan.

“Talaga lang ah?”

“Talagang talaga. Ulul. Tama na nga yan.” Humikab ako saka pumikit. Nakakaantok. Sumasakit lang ulo ko pag napag uusapan yang duwendeng yan.

“Pero tol, nakakapagtaka lang kasi nung grade 6 tayo, naalala mo nung muntik ka ng masuspend kasi binugbog mo ung tropahan nila Mark nung binastos nila sa Vanilla? Galit na galit ka non eh. Akala ko nga may gusto ka na sa kanya non tapos gumawa pa ng paraan si Vanilla para di ka masuspend. Aba naman talaga kayong dalawa, ang astig lang eh.”

I sigh, “Kahit ikaw nasa pusisyon ko gagawin mo yon. Of course, hindi ako papayag na may binabastos na babae.”

“Oo nga pala, kasi naaalala mo si Ate Sabrina sa kanila. Ewan ko ba, tngna mo. Ang gulo niyo.” Matawa tawa niyang sabi.

Napangiti na lang ako, unti – unti ko na kasing nararamdaman ung antok ko hanggang sa may maramdaman akong presence ng tao sa may mukha ko, atsaka may naamoy din akong matamis na pabango.

Dinilat ko at mga mata ko, “Shit!” Napabalikwas ako bigla ng makita ko ung mukha ni Vanilla na malapit na sa mukha ko, buti na lang hindi kami nagka untugan. “Vanilla?! Anong ginagawa mo dito?!” Sigaw ko habang gulat na nakatingin sa kanya.

“Hi Labs!!” She greeted me with a smile sabayan mo pa ng napakalaking kaway. “Sabi ko na nga ba makikita ko kayo dito eh!” Her eyes were sparkling, alam niyo yon? Para siyang nakakita ng laruan na gustong gusto niya.

Nakakatakot.

Bakit ba hindi pa kami umalis dito kanina?!

“What the hell are you doing here!?” Aniya ko habang nakatingin sa kanya, tumayo din siya at unti – unting lumapit sakin, unti – unti naman akong umatras. “Hoy Vanilla! Ano ba naman!” Sabi ko habang papalapit siya ng papalapit.

But she was too pre – occupied ng thoughts niya kung pano niya ko hahalayin. “Labs! Alam mo bang miss na miss na kita? Hihi!”

LABS!? LABS!?

“Labs?! Sino yon?!” Saan ako magtatago hayop. Ano ba naman tong mga babaeng to napaka sakit sa ulo eh.

Ngumit siya ng mas malawak, napatingin naman ako kay Denver na kasalukuyang naka ngisi at nakantingin lang samin. Wala ba siyang planong tulungan ako!? Malalagot yan sakin mamaya. “Sino Labs ko? Ikaaaaw!!” Sigaw niya saka dumamba sakin.

“Ay pu—Aray ko!” Hindi na ko nakaiwas sa duwendeng to kaya napahiga kaming dalawa sa damuhan. Ang sakit ng likod ko, napakagat ako sa labi ko na siguro out of annoyance and pain sa pagkakabagsak namin pati sa ginawa niya.

Talaga namang gusto ko manapak ng tao ngayon oo.

“Labs, ang gwapo mo pag malapitan talaga. Hihi. Kaya love na love kita eh.” Sabi niya saka pinindot ung pisngi ko. Kung tutuusin maganda naman to si Vanilla eh, marami ngang nagkakagusto dito pero kung ganto to ka clingy? Aba naman wala ng magtatagal dito.

Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya, hindi ako makagalaw, unang una kasi ang lapit ng mukha niya sa mukha ko, pangalawa kasi ang sakit pa ng likod ko at pangatlo kasi ang bigat niya.

She was wearing her sweetest smile pero hindi siya sweet sakin since naiirita ako sa kanya ngayon.

“Wow naman talaga, pang koreanovela. Ang sweet naman talaga netong dalawang to eh.” Tinignan ko ng masama si Denver na may nakakalokong ngiti. Nagsalubong ung mga kilay ko kaya kahit masakit pa ung likod ko, tinulak sa balikat ug duwende para mapaalis siya sa ibabaw ko.

Tumayo ko saka nagpagpag, “Talaga naman oo.”

Tinulungan naman ni Dens si Vanilla tumayo, “Ano ba kasing ginagawa mo dito, Vanilla?” Tanong niya.

Ngumiti ulit siya, hindi siya nauubusan ng ngiti. Seryoso. “Kasi namiss ko si Gino,” tumingin siya sakin. Napa –tsk na lang ako. “Saka gusto ko sanang sabihin na ..” Lumapit siya sakin pero pinigilan ko siya,

“Oh! Hanggang jan ka na lang.” Tumango tango nama siya habang naka ngiti.

“Kasi, gusto ko sanang magsabay tayo umuwi. Hintayin mo ko o hihintayin kita, sa may front gate ha?” Tumingin siya sakin.

Napa singhap ako, “Aba! Aba! Teka lang--”

“Hep! Hep! Boyfriend kita! Be responsible! Kailangan mong sunduin ung girlfriend mo! Gets mo ba ha!? Susunduin mo ko ha! Sabay tayong uuwi!” Tinuro turo niya ko tapos bigla siyang ngumiti. Lumapit siya sakin saka tumingkayad para halikan ako sa pisngi. “Bye Labs! Bye Denver!” Nagsimula na siyang maglakad paalis pero lumingon ulit siya sakin. “Mamaya ha? Pasok na kayo! May klase pa tayo!” Ngumiti siya saka kumaway paalis.

Nakatingin lang ako sa kanya habang hindi parin ako makapaniwala sa ginawa niya. Nagulat naman ako ng bigla akong tapikin ni Denversa balikat habang naka ngiting umiiling. “Tol, halik pa lang yan sa pisngi, nagkakaganyan ka na. Pano pa pag sa labi yan?”

Sinuntok ko siya sa braso, “Gago.” Naglakad ako saka kinuha ung bag ko, “Tara na ngang kumag ka.” Pero narinig ko lang ung pagtawa niya ng malakas.

“Wala ka talagang gusto niyan ah?”

Tss. Asa naman.

--

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...