He's My Devil Boyfriend (Hunh...

Door -deerqueen

190K 6.8K 1.2K

I'll do everything just to make this devil be an angel. [boyxboy story] @-deerqueen Meer

Prologue
Devil 1
Devil 2
Devil 3
Devil 4
Devil 5
Devil 6
Devil 7
Devil 8
Devil 9
Devil 10
Devil 11
Devil 12
Devil 13
Devil 14
Devil 15
Devil 17
Devil 18
Devil 19
Devil 20
Devil 21
Si Park Chanyeol
Devil 22
Devil 23
Devil 24
Devil 25 [spg]
Devil 26
Devil 27 [kaisoo's]
Devil 28
Devil 29
DQ's
Devil 30
Devil 31
Devil 32
Devil 33
Devil 34
Devil 35
Devil 36
Devil 37
Devil 38

Devil 16

4.7K 199 54
Door -deerqueen


•Xi Luhan•

Maaga pa lang nandito na ako sa school. Dahil ngayon ang last na pago-organize namin para sa foundation day. Friday rin ngayon, so bale may pahinga kami ng Saturday at Sunday. Tapos magsisimula na sa Monday ang foundation day hanggang Friday din. One week dahil 100 years na ang DA. Biruin mo, napakatagal din pala ng academy na 'to. Pero until now, sobrang ganda pa rin.

Nagbago bigla ang paningin ko sa academy na 'to. Hindi pala lahat ng nag-aaral dito, eh mga demonyo. May mga mabait din. Katulad nila Suho, Chen. Tapos nakilala ko pa si Kai. Si Chanyeol, hindi kami masyadong close pero nag-uusap usap din kami. Sila Xiumin, Kyungsoo at Baek.

Atsaka si Sehun. Hindi ko akalain na magiging mabait siya. At hindi ko alam nang dahil sa'kin magiging mabait siya. Na-realize ko na hindi naman puro kasamaan ang meron sakanya. Thanks to Suho dahil nagawa naming anghel si Sehun. At sobrang saya ko dahil nawala na ang sungay niya.

Pero may mga times na hindi ko maintindihan ang mga galaw niya. Sobrang sweet niya sa'kin. Tapos lagi niyang hinahawakan ang kamay ko. Tapos nagagalit siya kapag may kumakausap sa'king ibang lalaki. Lalo na kay Suho, kapag magkasama kaming dalawa lagi na lang akong nilalayo ni Sehun. Sabi niya nagseselos siya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang maramdaman 'yon.

At isa pa 'tong nararamdaman ko. Hindi ko na maintindihan. Kapag nandiyan si Sehun, kapag malapit siya sa'kin, tumitibok ng mabilis ang puso ko. Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sa'kin. Naisip ko tuloy baka kung anong meron dito kay Sehun. Pero kakaiba eh. Ngayon ko lang 'to naramdaman. Sakanya ko lang naramdaman 'to.

Ewan. Papa-check up na lang ako baka may problema na sa puso ko.

"Hoy usa! Tara na." Napabalikwas ako sa lakas ng boses ni Sehun. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Bumibilis nanaman ang tibok. Bakit ba kapag lumalapit 'to si Sehun sa'kin ganito nararamdaman ko? "Hoy! Ano bang problema? May masakit ba sa'yo? Bakit ka nakahawak sa dibdib mo?"

"Wa-wala."

"Anong wala? Namumutla ka nga oh! Tsk! Halika, dadalhin kita sa clinic."

Ha? Namumutla? Hinipo ko yung leeg ko at noo. Mainit nga ako. Sa sobrang init baka masunog na balat ko. Shit! Bakit hindi ko man lang naramdaman 'to kanina?

Nagulat ako sa ginawa ni Sehun. Binuhat niya ako. Pa-bridal style. Para kaming bagong kasal. Wala naman akong nagawa kundi kumapit sa leeg niya at binaon ang mukha ko sa dibdib niya. Dahil pinagtitinginan kami ng mga studyante. Nahihiya ako.

Narinig ko pa ang pag-chuckled niya. Pero hindi ko siya pinansin. Tinago ko lang ang mukha ko. Bakit niya pa kasi kailangan buhatin ako eh.

Maya-maya ay nakarating na kami agad sa clinic. Inihiga niya ako sa bakanteng kama.

Chineck ako nong Nurse. Ang taas ng lagnat ko. 38 point something. Nakalimutan kong nagpuyat pala ako kagabi dahil nag-aral pa ako para sa third grading exam namin sa December. Kailangan ko kasi talagang makabawi eh. Para hindi na maging cold sa'kin si Mommy at Daddy. Tsaka para bumalik na sila dito sa Pilipinas. Miss na miss ko na kasi talaga sila eh.

"Teka, start na ata yung pago-organize. Punta na tayo." Sabi ko.

"Nasisiraan ka na ba? Tss! Alam mo naman na mataas ang lagnat mo eh."

"Eh ikaw? Pumunta ka na do'n. Hayaan mo na ako dito."

"Stupid. Hindi kita iiwan dito. Sa tingin mo ba hahayaan lang kita na nakahilata diyan?"

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Tanga mo kasi."

Hindi na lang ako sumagot. Mukhang hindi naman matinong kausap 'tong bulol na 'to. Pinikit ko na lang ang mata ko. Para kahit pa-pa'no, eh mawala ang hilo at sakit ng ulo ko.

•Oh Sehun•

Biglang tumahimik. Tumingin ako kay Luhan. Kaya pala, natulog na ang usa ko. Ito na yung chance ko para mahawakan ng matagal ang kamay niya.

Ang sarap niyang pagmasdan. Pati ba naman ang pagtulog niya, ang ganda pa rin sa paningin ko. Lakas talaga ng tama ko dito. Sabagay, wala naman talagang dahilan para hindi mo siya magustuhan. Mabait, matalino at sobrang sipag. Hindi marunog gumanti sa mga umaapi sakanya. Kaya nga, nagbago ako bigla.

Binago niya ako.

Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko siya. Kung hindi ko siguro naalam na nage-exist siya hindi ko makikilala yung sarili ko. Hindi ko maa-alam na pwede pala rin akong magbago. Thanks to him. Thanks to you, Luhan. Nang dahil sa'yo naturuan yung puso ko na magmahal.

Kahit na slow ka, ikaw pa rin ang dahilan kung bakit...mahal kita ngayon.

"Hoy, Sehun!"

At alam niyo ba yung feeling na nasa kalagitnaan ka na ng pagmo-moment mo biglang may eentra at eepal?

"Sehun!"

At tulad ng inaasahan ko. Si putanginang Chanyeol lang naman ang pumutol sa ka-dramahan ko.

"Ano bang kailangan mo?! Tangina!" Pabulong kong sigaw. Syempre, ayokong magising usa ko.

"Hinahanap ka na ni Kuya mo. Tsaka ano bang nangyari kay Luhan?"

Binitawan ko muna kamay ni Luhan saka ko hinila palabas si Chanyeol.

"Tangina naman, Chanyeol. May sakit si Luhan. Ang taas ng lagnat niya. Sabihin mo na lang kay Kuya."

"Gano'n ba? Oh sige, sasabihin ko na lang. Ikaw naman kasi 'di mo sinasabi kung anong nangyari, akala tuloy 'di ka pumunta."

"Sige na, sige na, istorbo ka eh. Sabihin mo na lang kay kuya." Tinulak ko siya hanggang sa makaalis siya.

Nang makabalik ako sa loob. Nagising si Luhan. Sabi na nga ba at magigising 'to eh. Nyeta talaga si Chanyeol.

"S-sehun.."

"Bakit? May kailangan ka ba? Nagugutom ka? Aish! 12 na pala. Lunch na. Teka lang. Diyan ka lang. Humiga ka muna. Bibili muna ako ng pagkain."

"T-teka.."

"Luhan, 'wag na matigas ang ulo." Wala naman siyang nagawa. Nahiga na lang din siya. Sigurado ako masama pa ang pakiramdam niya.

Dumiretso ako sa canteen. Sumingit na nga ako sa pila eh. Wala silang masasabi sa'kin dahil ako ang may-ari ng academy na 'to. Subukan lang nila mag-reklamo, kick-out sila agad.

"Sehun? Ang dami niyan, ha? Para kanino?" Tanong ni Kuya Kyungsoo nang makasalubong ko siya.

"Para kay Luhan, Kuya. May sakit siya."

"Ano?!"

"Teka, dadalhin ko sakanya 'to. Nagugutom na 'yon eh. Sige na. Bye!"

Agad akong nakadating sa clinic. Pero agad na bumigat ang pakiramdam ko nang makita ko si Suho. Bakit siya nandito?!

"Okay ka na ba talaga? Ito oh. Pagkain." Nakita ko na meron siyang dinalang pagkain para kay Luhan. At parang lumabas pa siya para lang bumili non.

"Nako, salamat. Pero kasi--!"

"Luhan, 'wag ka nang madaldal. Kumain ka na lang."

Bigla namang dumako ang tingin sa'kin ni Luhan. Pero ako umiwas na lang ng tingin. Wala na akong nagawa kundi lumabas na lang.

Baka sumabog na lang ako bigla at nasuntok ko na si Suho. Ayokong matakot si Luhan sa'kin. Ayokong kamuhian niya ako.

Kaya ito, umupo na lang ako sa bench na nasa harap ng clinic. Binato ko na lang at sandamakmak na pagkain na binili ko para kay Luhan. Nakakainis!

"Sehun.."

Napalingon naman ako sa tumawag sa'kin. Si Xiumin.

"Sayang naman yung pagkain.." Sabi niya tapos umupo sa tabi ko. "Bakit mo tinapon?"

"Wala na rin namang makikinabang eh. Naunahan nanaman ako. Lagi na lang ako nauunahan."

"Si Luhan nanaman." Hindi na lang ako sumagot. Narinig ko ang buntong hininga niya. "Sehun, basta nabigay mo ang effort mo para lang maparamdam sakanya na mahalaga siya, okay na 'yon. Hindi mo kailangan mauna nang mauna lagi. Dahil hindi lahat ng una, nagsa-succeed. Kadalasan ang huli ang nakakatanggap ng totoong tagumpay."

Napatingin naman ako sakanya. "Talaga?"

Ngumiti naman siya sa'kin. "Oo. Kaya, ikaw? Kung seryoso ka talaga sa bestfriend ko, patunayan mo. Hindi yung nakikipag-unahan ka lagi. Iwasan mo 'yon. Basta nabigay mo effort mo, sapat na 'yon."

"Thank you, Xiumin." Ngumiti ako sakanya.

"Mabait ka naman pala eh. Kailangan mo lang talaga si Luhan para maipakita 'yang kabaitan mo. Tama nga si Kyungsoo, iba na ang tama mo kay Luhan." Napangiti lang ako. Mabait si Xiumin. Kasing-bait ni Luhan. No wonder naging mag-bestfriend silang dalawa.

•Xi Luhan•

Nag-aalala ako kay Sehun. Alam kong dinalhan niya ako ng pagkain. Ayon nga dapat ang sasabihin ko kay Suho pero wala na akong nagawa dahil pinilit niya ako. At huli na dahil umalis na si Sehun.

Alam kong nag-effort si Sehun para lang bilhan ako ng pagkain. Pero sinayang ko lang.

Bumangon agad ako. Wala na si Suho, kanina pa umalis. Pupuntahan daw muna niya si Chen. Kaya wala nang pipigil sa'kin.

Kahit medyo mabigat pa rin ang pakiramdam ko, hinanap ko pa rin si Sehun. Kailangan ko siyang hanapin. Kailangan kong mag-sorry sakanya.

"Sehun, nasa'n ka na ba?" Sambit ko habang naglalakad at hinahanap siya. Asa'n na ba kasi yung bulol na 'yon?

"Luhan?"

Napalingon naman agad ako sa likod ko. Nakita ko si Sehun habang nakatago ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa.

Tumakbo naman ako sakanya at niyakap siya agad. "Sorry, Sehun. Sorry talaga. Alam kong marami ang binili mong pagkain kanina. Nasayang lang pera mo nang dahil sa'kin. Sorry talaga."

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. "Stupid."

Humiwalay ako sa yakap. "Bakit nanaman?"

"Mas inisip mo pa talaga yung pera kesa sa naramdaman ko, Luhan?" Napakunot naman noo ko. "Alam ko hindi mo nanaman gets. Luhan, wala lang sa'kin yung pera. Kung gusto mo nga bilhin ko lahat ng pagkain na gusto mo eh. Pero alam mo kung ano yung masakit? Yung naunahan ako.."

"Naunahan ka?"

"Oo. Naunahan nanaman ako ni Suho. Dapat ako 'yon, Luhan eh. Dapat ako 'yon. Yung kasalo mo kanina habang kumakain. Yung nakikipag-kwentuhan sa'yo habang kumakain. That should be me, Luhan."

Niyakap ko naman siya ulit. "Sorry na, Sehun. Promise, babawi talaga ako sa'yo. Promise talaga!"

---

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

20.8K 148 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
15.8K 869 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
62.9K 2.8K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...