The Devirginizer's Lady (COMP...

By pinkriverx

22.5M 329K 32K

Lagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si E... More

The Devirginizer's Lady
SIMULA
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE
TDL Series Books
Keep Updated
SOLD OUT/WARNING
NOTE
NOTE II

Chapter 33

319K 3.9K 340
By pinkriverx




Chapter Thirty Three

"Back Seat"

KUMAGAT na ang dilim at nakaupo lamang ako sa isang dulo ng waiting shed malapit sa nakahintong sasakyan ni Eleven. Nagbuntong-hininga ako habang nakahalukipkip at nag-iskrol-iskrol ng aking cellphone. Nababasa na ang gilid ng aking damit dahil sa lakas ng ulan. Tumingin ako kay Eleven na nakaupo din sa kabilang dulo. Kanina pa kaming dalawa nakahintay sa kanina'y tinawagan ni Eleven na sumundo sa amin at upang mapalitan din ang isa pang gulong ng kotse niya. It turned out there were two flat tires, pero napalitan na ni Eleven ang isa gamit ang spare niyang dala. Kaya ngayon ay basang-basa na siya, magulo at marumi dahil sa pagpalit niya nito sa ilalim ng ulan.

Tinawagan na namin sina kuya at Rickzyn tungkol sa aming sitwasyon, pero nag-insist si Eleven na darating 'yong tinawagan niyang mga tauhan niya.

"Eleven, sigurado kang hindi naliligaw ang mga tauhan mo? Ang tagal naman nila." Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya na ngayon ay halatang giniginaw na. Kinagat ko ang aking labi. Kahit dismayado parin ako sa kanyang maruming asal ay hindi naman ako sobrang sama para hindi mag-alala sa aking kapwa. "Maghanap na lang kaya muna tayo ng mapupuntahan at para makapagpalit ka na din ng damit? Magkakasakit ka niyan."

"I'm fine. Don't worry about me."

Nag-abot muli ang aking mga kilay at tumingin na lamang ako sa mga bahay na nasa 'di kalayuan. Tumayo ako. "Magtanong-tanong tayo doon oh. Baka matutulungan nila tayo."

"Athalia, it's raining. Sit down. Darating din 'yong mga tinawagan ko." Aniya. "You should get in the car cuz it's safer inside. I just can't get in cuz I'm soaking wet, but go ahead."

Tama naman siya...

"Okay." sabi ko at tumayo. "I'm just trying to suggest something to help. Paano kung matatagalan pa ang mga tauhan mo? You're soaking wet. Hindi mo na sana pinalitan 'yong isang gulong eh. Paano kung magkakasakit ka?"

Tumingin siya sakin at natigilan ako. Nakakainis na magandang lalake itong taong ito.

"I won't get sick, so don't worry."

Ano siya, si Superman? Sumimangot na lamang ako at hindi na ako nagsalita pa. There's no point talking to him. Malaki na siya para gumawa ng sarili niyang mga desisyon. Naglakad ako pabalik sa kanyang kotse nang tumunog ang aking tiyan. Damn it. Napatingin si Eleven sa akin.

"Nagugutom ka na?"

"Oo.." sabi ko, nakasimangot. "Pero ok lang. Sabi mo darating din yong mga tauhan mo. We'll get home soon."

Nagbuntong-hininga si Eleven. "We passed by an Inn before we got here. Malapit lang 'yon at pwede nating lakarin. We can go there and find dinner, but we have to run because it's raining."

Napatingin ako sa kanya at nadatnan ko ang mga perpekto niyang mga mata na nakatingin sa akin. For a second, the way he looked at me felt so familiar.

Sa huli ay pareho na kaming tumayo. Lumapit si Eleven sa'kin at hinubad niya ang kanyang suot na polo. Ginamit namin iyon bilang payong namin, and we started running under the rain. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Si Eleven ay halos nakaakbay na sa akin dahil siya ang may hawak sa kanyang polo na nasa itaas ng aming mga ulo.

"Ang sasakyan mo? Paano kung nanakawin?"

"You're worrying too much." Tiningnan niya ako nang nakakunot ang perpektong noo. "Ikaw ang may gustong makaalis muna tayo doon." Aniya, hinihingal habang pareho kaming tumatakbo. "And I don't want you hungry. Bahala na muna iyon."

***

PUMASOK kami't ng Inn at hindi ko akalaing magcheck-in talaga ng isang bedroom si Eleven. Gusto daw niya kasing maligo at magpalit ng damit. Binili niya ang isang jeans at Tagaytay shirt na nakita namin sa gift shop ng Inn.

Sabi niya hindi naman raw kami mag oovernight so okay lang kung share lang kami ng kwarto. Mas practical lang daw.

Dahil pareho kaming basa sa ulan ay naligo din ako at nagpalit ng damit. Same thing. Tagaytay shirt at fitted jeans. Ako ang unang naligo kaya lumabas ako ng banyo at nadatnan ko si Eleven na basang-basa pa din ang buhok at nakasuot na lamang ng tuwalya. His abs looked almost sinfully sparkling and enticing. Nilingon niya ako at agad akong nag-iwas ng tingin.

"Ikaw na." sabi ko't ngumuso ako sa banyo.

"Right." Tumikhim si Eleven at pumasok na rin siya sa loob.

After what felt like almost a decade, lumabas na rin si Eleven ng banyo at nakasuot na rin siya ng kanyang Tagaytag shirt ang jeans. Pareho kaming natawa nang nagkatinginan kaming dalawa. It felt weird that we were laughing with each other for the first time in a long time.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang aming room service at kuminang na ang mga mata ko sa presensya ng pagkain. Umupo kaming dalawa sa maliit na round table ng kwarto at nagsimula na kaming kumain.

"How long are you staying here in the Philippines?" nagtanong ako sa kanya sa gitna ng katahimikan.

He took a while to answer. "It depends. Why do you ask?" Tinignan niya ako ng maigi.

Kumibit balikat ako. "Wala lang.." sabi ko. "I'm glad everything went well with you running your dad's business."

Our eyes locked. He looked at me with his eyebrows together. "Masaya ka? Of all people, you know what I really wanted to achieve for myself, Athalia."

Natigilan ako. Kumirot ang aking dibdib at hindi maalis ang tingin ko sa kanya.

"But if you really wanted to be an artist, matagal mo na sanang ginawa once your dad's condition got better. Nag assume lang akong--"

"You can't just assume what makes me happy and that everything I do is based on what I'd like to happen." aniya.

Naging tahimik kami ulit.

Huminga siya ng malalim.

"I'm sorry I was too harsh to you at the party." Aniya. "It was just... I didn't know how to act when I saw you again."

"Naiintindihan naman kita. Sorry din dahil masyado akong paki alamera. Nagulat lang din ako na ginawa mo yon..."

Kawawa naman kasi si Brooks kung niloloko lang naman siya ni Eleven.

"Pero seryoso, wag mong lokohin si Brooks. Makonsensya ka naman. Girlfriend mo siya, diba?"

"Athalia..." Matigas niyang sinabi. "Don't give advice that you don't even follow. You know how hurt I was back then when I came back to you after two months and you were all over Mishael already?"

Napaawang ang aking bibig.

"I..."

Anong sasabihin ko? Eh totoo naman. I chose Mishael over him because of the circumstances I considered at the time.

The past few years I've thought about it long and hard and I know Eleven really loved me back then. I was just too immature and naive to act by impulse and believe what he said on the phone that night.

Sa aming dalawa, it seems more like ako ang nanloko.

Biglang tumunog ang aking cellphone. Nang tiningnan ko itong nakahiga as sahig ay lumitaw ang pangalan ni Mishael. Huminga ako ng malalim nang sinagot ko ito.

"Excuse me." Tumayo na ako at lumabas ng balcony. "Hello, Mishael?"

"Athalia, I'm so glad to hear your voice." Ani Mishael. "How are you? I'm still here in Macau. Nakakapagod na ang business trip. I miss you."

Pumikit ako ng mariin habang nakikinig sa kanya. "I miss you too."

"I'll be home as soon as I get things done here. Where are you right now? How are you feeling?"

Napatingin ako kay Eleven na malayo ang tingin sa bintana ng kwarto. "Mabuti naman. Nasa Tagaytay ako ngayon, doing a favor for kuya to check out the venue for his wedding."

"I see. It's getting late there I think, hindi ka pa ba pauwi? Are you driving by yourself?"

Lumunok ako. "May... May naging problema kasi kaya stranded ako ngayon. Kasama ko naman si... si Zara so don't worry. Pauwi na din kami once makarating sundo namin."

Kumurot ang dibdib ko. I just lied to him about being with Eleven. Pano ba naman kasi, hindi ako nakapagpaalam sa kanya. Ang immature ng ginawa ko.

"That's good then. Alright. I'm sorry I have to go, Ath. I just called to hear your voice. I love you."

Napahinto ako.

"I love you too..."

Nang binaba ko na ang cellphone ay ilang sandali akong nanatiling nakatayo doon. Nilingon ko si Eleven at mayroon na rin pala siyang kausap sa telepono. Nakatalikod siya sa'kin at tumango siya sa kanyang kausap sa kabilang linya.

"Alright. We'll stay here. Bilisan niyo." Aniya't binaba na rin ang telepono. Nagkatinginan kami. Bumalot sa amin ang sandaling katahimikan. "My men arrived. They're taking care of my car now. May paparating nang sasakyan para sa'ting dalawa rito."

Para kaming tanga na nagcheck-in pa dito at aalis lang pala the same night.

Tumikhim siya. "I'll wait for them outside. You stay here where it's warm. Ayokong ginawin ka."

Iyon lamang at iniwan na niya ako mag-isa sa loob ng kwarto.

***

GABING-GABI na nang makauwi na kami ng Manila. Sumakay kami sa isa na naman sa mga magarbong sasakyan ni Eleven at tahimik kaming dalawang nakaupo sa back seat habang ang nagmamaneho ay ang kanyang secretary na si Mr. Santos.

Huminto sila sa harap ng building ng tinitirhan kong condo. He now knows where I live.

"Goodnight, Athalia." sabi ni Eleven sakin nang nasa labas siya at pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Goodnight." sabi ko, lumabas ako ng kotse at humakbang palapit ng aking building. "Salamat sa paghatid." nilingon ko siya.

And that was the end of that night.

***

I was so happy to see my parents again. Taun-taon naman talaga silang umuuwi pero 'di ko parin maiiwasang masasabik tuwing makikita ko sila in person at makayakap. Sa kasamaang palad, hindi nakapunta ang panganay naming kapatid na si Jahleel ngayon dahil mayroon pa siyang sitwasyong inaasikaso sa New York. Umaasa pa din kaming makapunta siya sa darating pang mga events kapag makauwi na siya.

"Handa na ba ang lahat? Ang catering? Ang emcee?" Abalang tanong ni mom pagpasok namin sa malaki naming ancestral house kung saan magaganap ang okasyon.

"Mom, walang emcee, ayoko rin ng programs. I just want a simple get together. Simple speeches na hindi pinaghandaan. We both want something like that. I handled everything already mom so don't worry about it." ani kuya.

The truth is, he really hates grand stuff. Gusto niya ng walang arte or kapormalan sa mga parties niya, maliban lamang noong inanunsyo niya ang engagement nila ni Rickzyn, or the time he first courted her. Ang party ay magaganap sa may pool sa labas ng malaking bahay. Maliit lang na salu-salo at tanging mga kapamilya't kaibigan lamang nina Rickzyn at Kuya Jahziel ang imbitado.

Nilingon ko ang dalawang mommy namin ni Mishael na ngayo'y masayang nag-uusap na sa kanilang table. They were always best friends at noong nalaman nilang nanliligaw si Mishael sa akin ay hindi na sila nagdalawang isip na lalong itulak pa kaming dalawa ni Mishael sa isa't isa.

"Nasan na ba ang mga asungot na 'yon?" Tanong ni kuya nang nagsidatingan na ang mga bisita at napadaan siya sa amin. Tumaas ang isang kilay ko. Si Rickzyn ay may mga kausap na sa kabilang table. Inayos ko ang aking suot na simpleng kulay maroon na A-line dress. The ends of the dress drop elegantly on the floor, at nagustuhan ko ito dahil sa simpleng ganda ng istilo niya.

"Iyong mga hindi close ay maaga nakapunta, pero 'yong mga kaibigan mo since forever late talaga palagi." Biro ko't sumimangot siya. It's obvious he's getting nervous. Syempre, engagement party na nila ito.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin sina Dishon. "Wooh! Dude!!" Una siyang pumasok, nakasuot ng dark blue na long sleeve polo at denim jeans. May dala siyang mga wine bottles na tinataas niya sa ere para ipakita kay Kuya Jahziel.

"We're in the house!" Sumunod si Moses na nakakulay itim na polo at puting jeans. Nakataas din sa ere ang mga kamay niya't may dalang mga gift. Huling pumasok ay si Zarethan.

"Eleven's probably late because of my cousin. Brooks can take very long to get ready, but they're coming. No worries, bro." Ani Dishon.

"Looking good tonight, Ath." Ngiti ni Moses.

Ngumiti ako ngunit ako'y napahinto nang sa sandaling nahagip ng mga mata ko si Eleven.

He was wearing a dark red long sleeve polo with navy blue jeans. Sa bawat galaw niya ay makikita mo ang pagflex ng kanyang muscles kahit na nakadamit parin siya. He always looks so perfect and I hated that it was too effortless. On his left hand was the small waist of a girl wearing a floral petite dress that went well with her lean body. Nakangiti si Brooks kay Eleven at nakita ko pang mayroon itong binulong sa kanya habang nakangiti.

They looked so perfect together.

"Yo! The love birds!" kinantiyawan kaagad ang dalawa nang makita na sila ng iba. I quietly walked away, nagpaalam akong magtsetsek muna ako sa ilang mga table.

Nang nagsimula na ang party ay umupo na ako sa table kung saan nakaupo ang aming mga pamilya. Nilingon ko si Eleven at nakita kong nakaupo siya sa tabi ni Brooks, sa table kung saan nakaupo ang ibang mga groomsmen at iilang mga bride's maids. Nagtama ang aming mga mata at nadatnan ko na siyang nakatingin na pala sa akin. Nagtaas na lamang ako ng kilay at umiwas kaagad.

Matapos ang ilang opening speeches ay nagsimula na ang buffet. Habang kumakain ang lahat ay mayroong video presentation kung saan pinapakita ang mga videos na magkasama sina kuya at Rickzyn.

The party went well and everyone was having fun.

"Congratulations, man! You're officially tied!"

"I'm not even married yet."

"You're engaged! It's still the same! You'll surely miss the single life, dude. All the available ladies..." ani Dishon.

"I wonder when you're gonna get engaged also." Iling ni kuya.

Huminga ng malalim si Dishon "I got plenty of girls, but not much time to think about stuff like that. I'm just enjoying life as it passes by right now."

"You got lots of girls around you but none of them stick with your crazy shit. You should find one who will, Dishon." Kuya Jahziel chuckled. Tumawa lang si Dishon.

Habang nakatayo ako mag-isa at malapit sa buffet table ay bigla kong narinig ang isang pamilyar na boses.

"Nasaan ang boyfriend mo?" It sent chills down my spine nang narinig ko ang boses ni Eleven. His fierce eyes were looking right through mine. "You're alone. Hindi pa pala siya umuwi?"

"Mm." Tumango lamang ako. "And you're with Brooks, nasan siya? Ba't di ka sa kanya makipag-usap?"

Narinig kong nagbuntong hininga si Eleven sa tabi ko. Hindi ako nagsalita. Hindi rin siya nagsalita.

"Dishon and the rest will spend the night here." bigla siyang umimik. "Sabi ng kuya mo sakin uuwi ka na daw ngayon. You have work tomorrow at your clinic?"

"Oo. Um, bakit?"

"Uuwi rin ako. Ihahatid ko si Brooks sa kanila."

"Ah..." Yeah right. Naalala ko muli ang nangyari sa Villa la Belle at nung sa birthday ni Dishon. "Okay."

Tumingin ako ulit sa paligid at kinagat ang aking labi.

"I like your dress. You look good." Pakiramdam ko umiinit ang pisngi ko kaya hindi ko nagawang tumingin sa kanya.

"Thanks. Um..." tumikhim ako. "I... I have to go. Baka hinahanap na ako nina mommy. Kailangan ko pa kasing magpaalam sa kanila bago ako uuwi."

At nagmadali na akong umalis.

This is just dangerous... This awkward tension I have when he's around.

***

"MAG-INGAT ka anak." Bandang alas diyes ay lumabas na ako ng bahay at nagpaalam. Dinala ko ang sarili kong sasakyan at sumandal ako sa headboard nang nakaupo na ako sa likod ng manibela. Pero nang pinaandar ko na ito, ay bigla itong hindi gumana at napatay and makina. Oh shit.

"Oh Athalia? Uuwi ka din pala?"

Halos napatalon ako sa loob ng kotse ko nang narinig ko ang boses ni Brooks. Lumalabas rin siya mula sa gate at nakasunod sa kanya si Eleven. "Are you fine there?"

"Okay lang ako. Medyo mayroon lang problema pero ayos lang! Hehe." Umandar ka please. Umandar ka.

"What's going on?" napapikit ako ng mariin nang lumapit na si Eleven. "It's not starting?"

"It will start soon. Ayos lang talaga ako rito."

"Let me check." Narinig kong bumuntong hininga si Eleven.

"Huwag na."

"Athalia." Nagtama ang aming mga mata at natahimik ako. Sa huli ay bumaba na nga ako at hinayaan ko siyang tingnan ang aking kotse. "This won't start. Your battery is dead. Kailan mo ba ito huling dinala sa shop upang mapatingnan?"

Unbelievable! Minamalas talaga ako sa mga kotse this week!

Uminit ang pisngi ko. "Hindi ako nagkaroon ng oras, pero ipapatingin ko pa naman talaga 'yan next week."

"Then you'll have to ride with us."

"Ano?!"  Hindi niya pinansin ang tanong ko at tumungo na siya sa kanyang kotse.

"Halika na, Athalia. Let's go?" ani Brooks at lalo akong nabigla.

"I'll talk to Jahziel about your car. Now please get in. Gabi na." ani Eleven.

Nilingon niya ako.

"You'll be riding with us. In the back seat, Athalia. Now."

Continue Reading

You'll Also Like

754K 11.4K 42
[Completed] Book 3 ng My Bestfriend is a Heartbreaker. Four years after makipagbreak ni Belle kay Ross. Belle was hurt, but Ross was even more devast...
392K 11.2K 35
Khaleesi Daenerys Sebastian, the mother of dragons...di joke lang. Khal as her friends and families called her is a jolly person. She likes to do thi...
94K 5.4K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
238K 5.8K 22
Nang makabalik si Victoria bilang si Clarisse ay wala siyang naging problema sa pagsasama nila ni Aaron. Tanggap siya ng ina nito, namumuhay sa karan...