Flames Of Deception (Levrés S...

By Ellexir

93.3K 3.2K 807

Clandestine Snorri Kravei always wonder why her mother is always sad. Why she's always crying in the middle o... More

Flames Of Deception
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 27

2.9K 118 17
By Ellexir

Who the hell spread this rumor? I mean, it's not rumor because it's true but who spread this?

Ilang minuto akong tulala sa article dahil paulit-ulit ko itong binabasa. Napaka-accurate kasi ng nilalaman nito. Alam na alam niya ang nangyari. Who could possibly be?

My friends in Batangas won't betray me. Naomi and Veronica won't either. Lalo na't wala naman silang alam. Is it Dwayne? No. Kahit may motive siya dahil galit siya sa mga nangyayari ngayon, he won't do this to me. Kaya sino ang nagpakalat nito?

Napatikom ako ng labi nang maisip ko ang isang taong gagawa nito. Alam na alam niya ang nangyari dahil close na close sila nang ina ni Kyner. Nandoon din siya nang nabunyag ang lahat. Tapos galit pa siya sa akin.

That desperate bitch! Does she think spreading what I did in the past will bring me down? Na mapapahiya ako at mawawalan ng trabaho? Huh! That will never happen! Lalo na't binabalik ko na rin mag-quit! At isa pa, wala rin naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao! Try again bitch!

Tatawag na sana ako kay Candice nang nauna na siyang tumawag sa akin.

"I don't care about that article. I'm gonna leave showbiz anyway," pauna kong sinabi kay Candice. "But I want you to find who spread that rumor."

"For what? To sue her or him? You can't do that. Lalo na't totoo naman ang kagagahan na ginawa mo noon. Pasalamat ka na lang na hindi ka kinasuhan ng mga Kertia."

I rolled my eyes. "I think it's Imogen. Siya lang naman ang nakakaalam ng buong pangyayari. At galit pa siya sa akin."

"Oh the lover?" may panunuya sa kanyang boses. I scoffed. She chuckled. "I'm gonna bring down that article. Kahit na marami na rin ang nakakaalam."

"I don't care about that article."

"I know!" na-imagine ko ang pag-irap niya. "But you still need to decide if you gonna clear your name or not. Sa dami ng supporters mo, alam kong walang maniniwala roon. Pero may mga haters ka rin."

"I'll post on my social media. No need for press conference. Ayokong ma-stress at ayokong sumagot sa magiging tanong nila. I'll quit. That's it."

Bilang kabayaran sa pananabotahe ng babaeng iyon, aaminin ko na kasal ako. At kay Kyner Kertia nga. Sasabihin ko rin na sinisiraan lang ako tungkol sa kidnapping isyu na iyon. A childhood friend of his, who's madly in love with him. A girl named Imogen. Ayokong pumatol, because that's too low and cheap. Pero isang beses lang naman ito. Masupalpal ko lang ang babaeng iyon sa mga kagagahan na ginawa niya sa akin.

I'll let Candice handle that situation. Since she doesn't want me to be stress too, kaya siya na ang umasikaso ng lahat. Nagsimula naman akong kausapin si Mommy tungkol sa pagtatrabaho ko sa aming kumpanya.

"Are you sure that you want to work? I can provide for you! Kung nag-aalala kang walang kitain," she said.

"No, I'm fine. Nandito lang naman ako sa condo kaya kayang-kaya ko na iyan. I can always rest if its too consuming for me."

Isa pa, kahit hindi naman ako magtrabaho, I can still provide. But I still want to work. For the future of my baby.

"Okay. Ako na ang mag-aasikaso ng magiging trabaho mo since your father is still angry," she sighed. I rolled my eyes. "Ayokong ma-stress ka lang sa kanya at baka ano pa ang mangyari sa iyo at sa apo ko."

I smiled a bit. Iyong pagmamahal niya na gustong-gusto kong makuha nang bata ako, sana maibigay niya ngayon sa anak ko. Ayon na lang ang hiling ko.

Nang bandang tanghalian ay nagdesisyon akong lumabas. Napatingin ako sa lobby at nakita na naroon na naman si Kyner at nakaupo. May laptop sa kanyang harapan at nakatitig siya roon. Lagi na siya nandyan. Every morning, afternoon and evening. Kapag may free time sa trabaho, lagi nandito. He always say that he just wants to check on me. Minsan nga naiisip ko na baka may ibang binabalikan ito rito at hindi ako iyon.

I decided to eat at the restaurant nearby because I'm craving for a certain cuisine. At isa pa, nagsasawa na rin ako kaka-order. Since next next week pa ang balik ko for my ultrasound, puro prutas at gulay na lang muna ang mga kinakain ko. Hindi kasi ako pwede basta-basta mag-take ng vitamins unless it's recommended by an OB.

I was scrolling through my Facebook last night when I saw that Filipino cuisine. It's called sinigang. Hindi ko pa iyan natitikman pero hindi ko alam kung bakit ako nag-crave habang binabasa ang ingredients nito. Maybe my baby wants to eat it. Nag-try ako maghanap kagabi pero anong oras na iyon at wala na akong mahanap. Hindi naman ako sumubok na magluto dahil baka hindi ko magustuhan ang kalalabasan.

Kumain na lang ako ng orange para maibsan kahit paano ang pangangasim ko. And now, I'll definitely eat that sinigang.

Umayos ako ng pagkakatayo nang lumapit sa akin si Kyner. "Bakit ba lagi ka nandito?" tanong ko.

"To check on you," he answered again. "And I want to make sure that you're safe."

"I'm safe here," I said. "At isa pa, nandyan naman ang mga bodyguard mo nakabantay, hindi ba?"

He looked at me straight into my eyes. "Gusto rin kita makita."

I scoffed. When I was at his house, he's always away! Laging late umuuwi, kapag day off naman, wala rin sa bahay! Kung kailan wala na ako sa bahay niya, 'tsaka siya magsasalita ng ganyan?! Ewan ko sa iyo, Kyner!

"At mas mapapanatag ako kung nasa bahay ka natin."

I bit my tongue. Bahay natin, huh?

"Saan ka pupunta?" he asked again.

"Kakain," I simply said.

"Gusto mo ipagluto na lang kita?"

Sinipat ko siya. May inis pa rin ako sa kanya kahit na pinaliwanag na niya ang side niya tungkol kay Imogen. Because there's still a small part of me na hindi naniniwala sa paliwanag niya! Hindi basta mawala iyong sakit na naramdaman ko tuwing makikita siya roon! Lalo na kapag lumalabas ito ng kwarto niya!

Bakit hindi niya sinabihan ang mga bodyguard niya na huwag ng papasukin si Imogen sa bahay niya?! Diyan ako naiinis! Masyado ata siyang tiwala sa babaeng iyon. Akala niya ata makikinig ito sa kanya!

"I want sinigang," sabi ko kalaunan.

"Can you wait for an hour?"

"Why an hour? Hindi naman ata inaabot iyon ng isang oras?" nasa thirty to forty-five minutes lang ata iyon lutuin?

"Uuwi ako sa bahay."

"Bakit doon ka pa magluluto?" nagtataka kong tanong. "Sa unit ko na lang."

"Am I allowed?" he said slowly.

"Let's go. I already have the ingredients."

Tinalikuran ko na siya at nagtungo na sa elevator. Sumunod naman siya agad sa akin. Nang nag-grocery kasi ako nang nakaraan, tinulungan niya rin ako pero hindi ko na siya pinapasok pa sa loob ng unit ko. When he had the chance to help me, I didn't let him in. Isang beses pa lang talaga siya nakapasok sa unit ko.

It's because there's a war inside of me. Hindi ko alam kung papapasukin ko ba siya ulit sa buhay ko. Hindi ko alam. Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Walang manalo o matalo. Walang nangunguna. Iyong sakit na naramdaman ko dahil sa mga pinaggagagawa ni Imogen ay hindi pa rin nawawala kahit nagpaliwanag na siya.

But then him being here everyday without asking for anything, without receiving anything says a lot too.

You know that I have been longing for a wildfire to destroy the parts of me that have become lost to the wilderness. And that's him.

Pagpasok sa unit ay dumiretso na agad si Kyner sa kusina. Umupo naman ako sa sala. Naghihintay lang para sa kung anong katanungan na itatanong niya tungkol sa mga gagamitin. Pero hindi na siya nagtanong sa akin kung saan nakalagay ang mga ingredients. Siya na mismo ang naghanap kaya hinayaan ko na lang siya.

While waiting, I took my phone out and took a picture of him on my kitchen. Nakatalikod siya kaya hindi siya kita. Pero kung kilala mo siya, malalaman mong si Kyner siya.

Nagsimula na akong mag-type ng sasabihin sa aking Instagram account. Since many of my fans are asking about the marriage issue. Only some of them are asking about the kidnapping issue. Iyong mga taong may ayaw lang sa akin. Probably fans of Savanna. Nag-post na nga ang ingrata ng parinig sa akin. But I ignored it. I don't have time for her. Matatahimik na siya because I'll quit.

I constructed a short yet meaningful message for my fans. Saying that I'm married with this man cooking in my kitchen, and that I'll quit showbiz.

Binasa ko ulit ang tinipa ko. Nang ma-satisfied sa isinulat, I clicked the post button. Marami agad ang nag-like roon sa post. May mga nag-comment din na not related sa aking post. Basta maka-comment lang.

A minute had passed and the comment section filled with shocked, happiness, and excitement comments. They congratuled me too. May mga nag-comment din about the kidnapping issue. Hindi raw sila naniniwala roon. Hindi ko raw kasi magagawa iyon.

I smirked a bit. Ganito ang mangyayari kapag puro kaplastikan lang ang pinapakita mo on camera. Puro kabaitan. Akala tuloy nila hindi ka makakagawa ng malaking pagkakamali. Pero syempre, may mga taong hindi naniniwala. Kaya ang ending, na-bash sila ng mga taong humahanga sa akin.

To be honest, I don't really care about them. I only care about my baby right now. I don't care if they find an evidence about the kidnapping issue. If they found out that was true. That I really did it. Wala akong pakialam kung ikakasira ko man ito. That issue was settled anyway. The Kertia's didn't sue me. So, their opinions won't matter anymore.

Napaangat ako ng tingin nang maamoy ang mabangong niluluto ni Kyner. Nagtama pa ang paningin naming dalawa. I pursed my lips when I saw that he's wearing my apron. It's a floral apron. And he looked cute wearing it.

"Gutom ka na ba? Malapit na ito maluto," he said.

I cleared my throat. "I can wait."

Tumutok na lang ulit ako sa aking cellphone. No. I can't wait any longer. Habang naaamoy ko ang niluluto niya, naglalaway na ako ng sobra.

Candice:

Ano, Snorri? Gagawin mo ng public ang sa inyo ni Kyner?!

Nag-type ako ng ire-reply sa chat ni Candice sa akin.

Me:

Gusto ko lang inisin pa si Imogen.

"Luto na."

Napaangat ako ng tingin kay Kyner. May nakahanda ng bowl doon sa may kitchen counter. Tanaw na tanaw ko pa mula rito ang usok na nagmumula rito.

Tumayo na ako para maghanda ng mga plato na pagkakainan namin. Since he cooked for me, I think it's rude to eat alone and just shoo him away. Kailangan ko pa rin siya alukin. But he beat me to it. Nakita ko ang paglalagay niya ng isang plato roon sa kitchen counter. Isa lang.

"Hindi ka kakain dito?" tanong ko.

Napatingin siya sa akin. Umangat ang isang kilay ko dahil parang medyo gulat pa siya. Ano naman ang nakakagulat sa tanong ko, Kyner?

"Oh. Baka ma-late ka na sa trabaho mo. Salamat sa pagluluto," sabi ko at naglakad na para makaupo.

Nanuot agad sa ilong ko ang amoy nang sinigang. Mas lalo akong naglaway dahil nakikita ko na ito sa harapan ko. Kaya naman agad ko na itong sinunggaban. Never minding that Kyner is still with me. Watching me pigging out.

I cleared my throat. "It's good."

"I can cook anything you want. Sabihin mo lang. Para hindi ka na kumain pa sa labas."

Nagkatitigan kaming dalawa. Bago pa ako makapagsalita ay agad na rin siyang nagsalita ulit.

"Kung gusto mo," pahabol niya.

"If you can cook mechado, cook for me then," I said nonchalantly.

"I can!" he answered immediately. Tumango na lang ako at nagpatuloy na sa pagkain.

Kinabukasan ay umaga pa lang pero na-e-excite na akong kumain para sa tanghalian. I don't usually eat Filipino cuisine. Unless of course if Kyner's was the one who cook it. But lately, all I crave are local's ulam. Dala na rin siguro ito ng pagbubuntis ko.

Naligo ako at nag-ayos. Tinignan ko ang tyan ko sa salamin at hinaplos. My tummy is normal. No baby bump yet. No signs that baby is inside. Malapit na rin ang araw ng check-up ko para malaman kung may heartbeat na ba siya. Sana ay meron na. Sana ay ayos lang siya. Sana hindi ako maselan magbuntis.

When afternoon came, I was standing in front of my door. Contemplating if I'll go to the lobby to make sure he's there or wait for him here. But I didn't tell him to go here. Siguro nga ay susunduin ko na lang siya roon sa lobby.

Binuksan ko na ang pinto at si Kyner agad ang bumungad sa akin. Mula sa kanyang mukha ay dumapo ang mga mata ko sa maraming paper bag na dala niya. May mga naka-plastic pa. Tumaas ang isang kilay ko.

"Binili ko ang ibang ingredients na wala ka," he explained.

Sa dami ng binili niya, feeling ko aabot ito ng isang buwan. Lalo na't mag-isa lang ako rito. At kung kakain man siya rito, kasya pa rin. Nakikita ko rin ang ibang prutas sa mga dala niya.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"I'm planning to buy the ingredients for mechado, but since you already bought it," nagkibit ako ng balikat.

Tumango siya. "Hindi mo na kailangan bumili. Gutom ka na ba?"

"Hindi pa naman," I lied. I'm hungry.

"Magluluto na ako," sabi niya.

Nagkatinginan kaming dalawa. Ilang segundo rin ang itinagal ng pagtitigan namin. I looked at his beautiful long eyelashes. I hope our child will have his long eyelashes. I'm not really against about him being the father of my child. At kahit sino pa ang maging ama ng anak ko, hindi ako tututol o magagalit. Because it's my child. Pero ibang usapan kapag may mahal o pamilya na iba ang ama niya. Matatanggap ko ang anak ko, pero ang ama, hindi.

Gumilid ako para makadaan siya at makapasok na. Nagtagal pa ng kaunti ang titig niya sa akin bago pumasok sa loob. Sinarado ko na ang pinto at dumiretso na lang ulit sa sofa at maghihintay hanggang matapos siya sa pagluluto.

Nag-browse na lang ulit ako sa aking social media accounts. The comment section on my post are still active. Sobrang dami pa rin ang nagco-comment. At ganoon pa rin naman. May mga masaya, malungkot, at galit.

My phone rang. Candice is calling. Tumayo ako at napalingon kay Kyner. Nakatingin siya sa akin. Sinagot ko ang tawag at tumayo para magtungo sa aking kwarto.

"Ang daming ayaw pumayag na mag-quit ka. Pero syempre wala naman silang magagawa. It's your decision to quit," Candice said. "Anyway, how are you? Are you okay? The baby?"

"I'm fine. We're fine. Kyner is here," I told her.

Narinig ko ang marahas niyang buntong hininga. "Bakit?Anong ginagawa riyan? Pinatawad mo na agad? Sabi ko na nga ba at rurupok ka rin ingrata ka!"

"Well..." I told her everything. Iyong mga sinabi at paliwanag ni Kyner. I want to know her opinion about it. Dahil naguguluhan ako.

"Let me guess, you told me this because you want to hear my opinion, no?" she said and sighed. "I can't decide. Fifty-fifty rin ako. Hindi ko naman kasi ganoon kakilala si Kyner. Pero ang alam ko lang sa kanilang magpipinsan, kapag may minahal na babae, siya na talaga."

I don't even know if he loves me!

"Your cousin Aradel for example. Emrei Kertia is madly in love with her. And don't get me started with Corvan Kertia and Rand Kertia!"

I know Corvan. And yes, he's madly in love with his woman. And yes, they love their girlfriend so much. Pero kagaya ng sinabi ko, hindi naman ako mahal ni Kyner eh. Kagaya ko lang din siya. Nakagawa ng isang maling desisyon dahil sa galit. Dahil gusto gumanti.

"The girl they chose are lucky," I said lazily.

Candice sighed heavily. "Ganito na lang. Give him a chance to prove himself. Sinasabi ko ito hindi dahil boto ako sa kanya. I don't care if he's a Kertia. If he hurts you, then I hate him. Ang akin lang, ayoko lumaki ang anak mo na may broken family. Kung totoo ang mga paliwanag niya, edi mas maganda, hindi ba? If not, then stop seeing him and move on. Let's go abroad. I can help you raise my pamangkin."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Isa na rin iyan sa dahilan kung bakit nagdadalawang isip ako eh. I don't want my child to have a broken family. Like mine. Kahit na magkakasama naman kami sa bahay, alam mong hindi masaya. Hindi buo. Hindi maituturi na pamilya.

But then again, I don't want my baby to suffer like me. Ayokong maranasan niya ang naranasan ko. Like I said, I can be my baby's mother and father.

Siguro, ang nag-iisip lang sa akin na mabuo kami ay iyong pagmamahal na nararamdaman ko pa rin sa kanya. I can't just unlove him. It's not that easy. If its easy, then no women or men are crying right now because they can't forget their ex. I'm mad at him, yes. But the love is still here.

Lumabas na ako ng aking kwarto. Sakto at bumungad sa akin si Kyner.

"I'm done."

My stomach growled. Mabuti na lang at mahina lang ito at hindi narinig ni Kyner. Naglakad ako patungo sa kitchen counter kung nasaan nakapatong ang isang bowl na may laman na mechado.

Pero pagkatapat ko pa lang sa ulam ay bumaliktad na ang sikmura ko. Nagmadali ako sa pagpunta sa sink at sumuka. My tears poured. I really want to eat that mechado. But I guess, I can't huh?

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. Nag-angat ako ng tingin at napansin ko ang seryosong tingin sa akin ni Kyner. He's looking at me so intensely, like he's deep in his thought.

Inayos ko ang sarili. Based on his reaction, I guess he's thinking some possibilities. I don't want to tell him right now that I'm pregnant. Let him think whatever he wants to think. And if he figured it out, then that's okay.

"I'm hungry," reklamo ko.

"Magluluto ako ng iba pang putahe. Ano pang gusto mong kainin?" sabi niya.

"Mali-late ka na sa trabaho mo."

"Ayos lang," sabi niya at dumiretso sa aking ref. Binuksan iyon at tumitig sa loob.

"Ayaw ko na kumain ng kanin," I said.

"Okay. What, then?"

"Go to your work. I can order na lang."

"What do you want to eat, Snorri?" nilingon niya ako habang nakahawak sa door ng ref.

"Pasta."

He nodded his head. Binalik niya ang paningin sa loob ng ref at kinuha mula roon ang mga ingredients na kailangan.

"Ano ang kinain mo kanina?" tanong niya.

"Orange."

"First thing in the morning and that's what you eat?"

"Yes."

"Kung ayos lang sa iyo, maaga ako pupunta rito bukas at ipagluluto kita ng almusal."

"I can cook for myself."

"I want to cook for you."

Nagkatitigan kaming dalawa. Sarkastiko akong ngumiti sa kanya. Gusto kong ibato na naman sa kanya si Imogen. But I held myself. That's so toxic of me. I'm becoming toxic. I don't want that.

"I'm not living in your house anymore, Kyner. I'm at my condo. I'm not your responsibility here," I said.

"You're my wife."

My heart jumped at that. Stupid. Stupid heart.

"That you can divorce anytime," I said bitterly.

"I will marry you again."

"And why is that? You're still not satisfied with your revenge against me? You still held grudges with what I did in the past? Hindi ka pa tapos? Ano pa ba gusto mong gawin? I was miserable when ai taught. I was hurting because our marriage has grounds! There! Naparusahan mo na ako! Nakaganti ka na! Nasaktan na ako!" I said loudly.

Medyo nanlaki ang mga mata niya at hinarap ako ng tuluyan. Lumapit siya sa akin. Umatras naman ako ng kaunti. Nakita ko ang kaunting taranta sa kanyang mga mata. Lumapit ulit siya.

"Snorri, I only said that because you lied to me about Dwayne. I was so mad when that nasty lies came from your mouth. Binalak ko lang gumanti pero hindi ko naman talaga kayang gawin," he said weakly.

Kinagat ko ang labi para mapigilan ang pag-iyak. Hindi ko alam pero kanina ko pa gustong umiyak.

"Now, tell me, Snorri, what am I to you? Tell me the truth, please. I don't want to hear your lies again," he asked in a baritone but I heard the slight tremble in it. "Turned your lies back into truth again."

Lumapit siya ulit. Hindi naman na ako gumalaw sa aking kinatatayuan.

"But if the lies are the only thing you can say right now, it's fine," he gently touched my cheeks. "Because if there's a sin I'd gladly accept punishment for, it'd be you. You're my fire. And I'm happy to burn for you."

Continue Reading

You'll Also Like

774K 26.8K 51
"Forever, no matter what?" I asked him. "Forever, no matter what." Started 07/12/21 Finished 07/25/21 *dont readddd pls*
18K 1.1K 8
Lisa and Jennie were both thrilled to finally move into their new apartment (as friends). But the problem starts when their next door neighbour gets...
1.1K 90 3
➶ 。˚ ° 🏛️🔭 ⋆·˚ ༘ * ━━━ 𝐓𝐇𝐄 𝐓𝐈𝐃𝐄 𝐑𝐈𝐒𝐄𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇 the moon every night. People are weary of the ocean, but none dare to explore it onc...
2.8K 343 50
Aveen Charlize gains enemies more than friends. With her bitchy attitude and sharped tongue, she can be a greatest slap to those who think highly of...