Flames Of Deception (Levrés S...

By Ellexir

93.4K 3.2K 807

Clandestine Snorri Kravei always wonder why her mother is always sad. Why she's always crying in the middle o... More

Flames Of Deception
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 26

2.8K 100 37
By Ellexir

"Kahit sabihan man akong tanga at baliw sa pag-ibig. At kung anu-ano pang masakit na salita, wala akong pakialam. Mahal na mahal ko ang ama mo. At hindi na iyon mababago."

I know because even having me didn't change that. It's always him. But this is scary. I don't want this kind of love. It's destructive.

Somehow, I feel pity for my mother. Hindi tama ang pagmamahal na ginagawa niya. Dahil ang tamang pagmamahal ay may pagmamahal din dapat sa sarili.

"Even though he loves someone else?"

"Yes. Even though he's a hostage of someone's memories and sometimes cries himself to sleep. Even though he's the same as the person I met years ago. Broken."

I never heard my mother's side. All I know is she's crazily in love with him. All I know that she's hurting. Pero hindi ko alam ang bigat ng pinagdadaanan niya.

"I accepted and love him even though I know, he's not yet done loving her. Even though he closes his eyes before we kissed, even though he looked at me like he's sorry. He never looked at me with love," nanginig ang boses ni Mommy at tumulo ang kanyang luha.

It pierced my heart. This is the reason why I hated my father. He's an asshole. Hindi niya dapat pinakasalan si Mommy kung hindi pa siya tapos magmahal ng iba! He should heal himself first before marrying someone else.

"Still I tried. Ginawa ko ang lahat para makalimuta niya si Trinity. Binigay ko ang buong puso ko sa kanya. Sinubukan kong buuin ang nadurog niyang puso. I wanted to remove all his pain but it will never be enough for him if it wasn't her. It is still her. He never stop loving her. He let me into his life, but he never let me into his heart."

Tignan mo ang ginawa niya, he was passing his hurt and heartache to my mother who doesn't deserve that. My mother deserve him as a whole. Not just a portion of his love. He's unfair. He's selfish!

Mabuti na lang at hindi na siya binalikan pa ni Trinity. Deserve niya ang nararamdamang sakit ngayon! I want to see his face if he find out that I'm pregnant with Kyner. Gusto kong makita kung gaano siya masaktan kapag malaman niyang hindi na talaga sila pwede!

Still, they are both wrong. My mother let herself to be band-aid to my father's wounds especially when he's not over yet. She let herself to be a rehabilitation center.

You can love a broken person, yes. But not to the point that you forget to love yourself. Hindi ka emotional punching bag at trashcan para saluhin lahat ng emotional baggage niya. Let him heal himself first.

I let my mother cry into my arms until she let it all out. Naaawa rin ako sa kanya. Dahil alam ko, matagal na niya rin itong kinikimkim. Wala siguro siyang mapagsabihan dahil malamang, ang unang lalabas sa kanilang bibig ay kung gaano siya katanga. Dahil hindi rin nila alam na tanging malalakas lang na tao ang kayang bumitaw sa mga taong mahal nila. Amd my mother is too weak to let my father go.

"Destiny, Kyner Kertia is here--Snorri!"

Sabay kaming napatingin ni Mommy sa kadarating lang ni Daddy. Nagulat ako nang matanaw si Kyner sa kanyang likuran. What the hell is he doing here?!

"What are you doing here?" I said loudly.

"He's my visitor, Snorri."

Kumunot ang noo ko sa aking ama. Kailan pa sila naging close ni Kyner? Tinignan ko si Mommy. Based on her expression, she didn't expect Kyner to be here. At ito ang unang pagkakataon na pumunta ito rito!

"Tuloy ka, iho," my ever kind and loving mother said.

"I came here to pick you up," Kyner said while looking at me.

"What?" I said.

Seryoso ang mukha niya pero malambot ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Napansin ko ang kalituhan sa mukha ni Daddy.

"Kyner, did you know that Snorri is--"

"Mommy!" putol ko agad sa sasabihin niya.

Umiling ako kay Mommy nang tumingin siya sa akin. As much as I want to see my father's miserable face when he found out that I'm pregnant with Kyner, this is not the right time for Kyner to know that.

"I'm not going back to your house," I spat acidly.

"What's happening?" naguguluhan na tanong ni Daddy.

"Your daughter is married to me, Sir," pagbubunyag ni Kyner.

Nalaglag ang panga ni Daddy. Hindi ito nakaimik at palipat-lipat ang tingin sa amin ni Kyner.

"And I want a divorce."

Iyong malambot na tingin ni Kyner kanina ay biglang tumalim. Umayos siya ng pagkakatayo at naghandang magsalita pero inunahan ko na siya.

"I can't live with you anymore. I want a divorce, Kyner."

"Ayoko," naghahamon siyang tumingin sa akin.

I gritted my teeth. I'm done with his games. Tama na iyong ilang buwan kong pagpapakatanga sa kanya. Bayad na bayad na ako sa kasalanan na nagawa ko sa kanya. That's enough. And I can't involved my child in this stupid situation.

I was about to say something so hurtful when my father's loud voice interrupted me.

"Anong kasal? Kasal kayo? Kailan pa kayo kinasal? Paanong kasal kayo?" sunod-sunod na tanong nito, hindi makapaniwala.

"They are married, dear. Months ago already," sabi ni Mommy.

"Ano?!" tumingin sa akin si Daddy, unti-unting namumuo ang galit sa mga mata. "Is it true, Snorri?"

His reaction is like what I predicted. Siguro, kaya hindi pa siya humihiwalay kay Mommy dahil naghihintay lang siya kay Trinity na bawiin siya nito. Ayaw niya pang bitawan iyong isa dahil wala pa iyong isang kakapitan niya. Ayaw niya rin maiwan mag-isa. See how selfish he is?

"Yes," I answered.

Gumuhit na ang galit sa mukha ni Daddy. "File a divorce!"

"I'm sorry, Sir, but I can't," Kyner said.

Tinignan ko siya ng masama. Ano kaya ang problema nito at pinagpipilitan niyang huwag kaming maghiwalay? When in the first place, our marriage has grounds!

"Walang approval namin ang pagpapakasal niyo!"

"Hayaan mo sila ang magdesisyon nyan, Vergel," my mother said.

"I'll marry her again with your approval, then," Kyner said.

Umawang ang labi ko dahil sa gulat. Gusto kong tumutol at sabihin ulit na maghiwalay na kami kaso nakikita ko ang galit na mukha ngayon ni Daddy. It makes me weep with joy. He's so against it. Kapag umalis na si Kyner, I'll tell him about my pregnancy.

"Divorce him, Snorri!" halos sumigaw na si Daddy. "I'll file a divorce for the both of you now!"

"Huminahon ka nga, Vergel!" saway ni Mommy.

"I'll talk to your mother, Kyner. Malamang ay hindi rin iyon papayag na kasal kayo!"

Napairap ako sa sinabi ni Daddy. Akala niya siguro ay tututol din si Trinity dahil gusto pa siya nito balikan? My parents are a lovesick fools. I can't believe them. Parehas silang baliw pagdating sa pag-ibig.

"We got my mother's approval, Sir. Gustong-gusto niya si Snorri para sa akin," sabi ni Kyner.

"No! Alam kong hindi iyon papayag!" giit pa rin nito.

"And why is that?" sabi ni Mommy. "Her own son already told you that she's okay with them being married."

Matigas ang ulong umiling si Daddy. "Hindi iyon papayag."

"She agreed, Vergel! Accept it! You can't accept that your daughter is married to Kyner, Trinity's son, because you're still waiting for her to come back, right?"

Hindi kumibo si Daddy pero galit na galit pa rin ito. I sighed deeply. Tama nga ako. Naghihintay pa nga siyang bumalik sa kanya ang ina ni Kyner. Mabuti na lang at nalaman ko na ang side ni Trinity. Huh. Go on and wait forever, father. She's not coming back.

"They are already married, Vergel. Wala ka na magagawa pa roon."

I decided to leave them there alone to argue. Sumagot pa kasi si Daddy at pinagpipilitan pa niya ang gusto. It's irritating the hell outta me. Ayoko na lang ma-stress sa kanilang dalawa. Uuwi na lang muna ako sa aking condo at magte-text na lang mamaya kay Mommy.

Narinig ko pa ang pagpapaalam ni Kyner sa mga magulang ko bago ito sumunod sa akin.

"Ano bang ginagawa mo rito?!" iritado kong tanong kay Kyner. Wala ba siyang pasok at nandito siya sa amin ngayon?

"Bakit hindi ka pa umuuwi sa atin?" tanong niya pabalik.

"I won't go back there. Oh right, babalik nga pala ako. Kukunin ko nga pala ang mga gamit kong naiwan sa bahay mo."

Ipakuha ko na lang kaya sa kanya? O si Candice na lang talaga ang uutusan ko? Ayoko na pumasok pa sa bahay niya at makita roon si Imogen. I'm sure she's still there. She's probably happy right now because I won't go home there anymore.

"May problema ba tayo, Snorri?" Kyner said softly.

Napahinto ako sa paglalakad at sinamaan ko siya ng tingin. How can he be so dumb?!

"Go home and go back to Imogen. I don't have time for you," I waved my hand dismissively.

"Pinaalis ko na siya."

"Oh? Saan mo na siya binabahay ngayon?" sarkastiko kong sinabi. "Sa isang condo? O sa bahay niyo sa Batangas?"

"Kaibigan ko lang siya. Kahit noon pa man, walang namagitan sa aming dalawa."

I arched a brow. "A friend who can go to your room anytime that she wants? Who can sleep and bath at your room? Wow! What a friendship!"

Kumunot ang noo niya. "Hindi ko siya pinapapasok sa kwarto ko."

Tumigil siya at saglit na nag-isip. Nagtagis ang bagang ko. Nangangati ang palad ko na masampal siya ngayon. Hindi ko alam pero kumukulo ng sobra ang dugo ko sa kanya ngayon. I'm trying to calm myself for the sake of my baby, but I just can't. Iyong galit ko simula nang pumunta ako sa Samar, naipon.

"Kung pumapasok man siya, wala ako roon. Hindi ako nagla-lock ng pinto dahil baka maisipan mong pumasok doon. Hindi ko pa siya nakakasama ng kaming dalawa lang sa loob ng kwarto ko. I've been telling her to leave our house since I know you're not comfortable. I didn't know that she's still coming back everytime I tell her to leave."

I scoffed. "Maybe you're not trying enough."

"Snorri, I didn't cheat. And I will never cheat on you," he looked at me straight into my eyes.

If he told me that early, when I was too naive, and too in love with him, I might believe him. But not right now. Galit ako kaya wala akong papaniwalaan sa mga sasabihin niya ngayon. At wala akong iintindihin sa nararamdaman ko.

"I still want a divorce. You need to respect my decision," mariin kong sinabi.

"I don't want us to divorce. You need to respect my decision too," he retorted.

I glared at him. Tinalikuran ko na siya at nagpasya na lang na umuwi. It's nonsense talking to him. Kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagsunod niya pero hindi ko na lang siya pinansin. Ipapakuha ko na lang nga kay Candice ang mga gamit ko sa bahay niya.

Dumating na ako condo. I know that Kyner followed me all the way here but I didn't care. He'll eventually know that I live here anyway. With his connections.

Sa mga sumunod na araw ay nanatili na lang ako sa condo. Kinausap ko na si Candice tungkol sa mga gamit ko pero hindi niya pa mapuntahan dahil marami pa siyang ginagawa. It's fine with me since I can buy it naman. Iyong mga important documents lang din naman ang inaalala ko.

"You're really quitting? Not just taking a break?" sabi ni Candice. I told her that I'm quitting showbiz.

"Yes. Gawan mo na lang ng paraan iyong natitira pang araw sa kontrata ko. Malapit na rin naman iyan matapos. I won't compromise my baby's safety. Maselan man ako magbuntis o hindi, ayaw ko pa rin magpakapagod. I can work from home in our company. I'll talk to my mother since my father is still hella mad right now," I smirked.

She chuckled. "What more if he knows about your pregnancy? Naku, mag-ingat ka. Baka dahil sa kabaliwan ni Tito, ano pa gawin niya sa iyo!"

"Wala iyong gagawin sa akin."

I know he's crazy about Kyner's mother, but I also know that he wouldn't do anything to hurt me. Kahit isang beses, hindi ako noon napagbuhatan ng kamay. Especially now I'm with his grandson/granddaughter.

"Hindi mo alam kung ano ang nagagawa ng taong baliw sa pag-ibig, Snorri. But I trust Tito. I know he won't hurt you. You're his unica iha. By the way, baka pumunta ako sa bahay ni Kyner. Give me his number. Para tatawagan ko siya pagpunta ko."

I gave her his number. Kaunting pag-uusap pa ay nagpaalam na siyang aalis. Pero wala pang ilang minuto ay nagmamadali na siya sa pabalik dito sa loob.

"What?" I asked.

"Nandyan si Kyner sa baba!"

I straightened up. These past few days, he kept texting me. At hindi lang din ito ang unang beses na namataan si Kyner dito sa building. Pero nasa lobby lang siya. Nakaupo roon na parang tanga.

"Good. You can talk to him about my things," I said.

"Wala ka pa ba balak sabihin sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis mo? You know, he deserve to know the truth. That still his child."

"I'll tell him. Just not right now," I said.

Siguro kapag nakapag-transvaginal ultrasound na ako. Or kapag two months na siya mahigit. Because I plan to check my baby's gender thru NIPT blood testing. Since I'm excited to know my baby's gender. Excited na rin kasi ako mamili ng mga gamit niya!

Umalis na ulit si Candice. Tumitig naman ako sa cellphone kong nakapatong sa center table. Contemplating what to do. Nang lumabas ako nang nakaraan, Kyner was there. Hanggang pamimili ko ng grocery ay nakasunod siya sa akin. Hindi naman siya gaano nagsasalita at nangingialam sa akin kaya hinayaan ko na lang siya.

Tumunog ang cellphone ko para sa isang text message ni Candice. Dinampot ko ito at binasa ang text niya.

Candice:

Gusto ni Kyner na ikaw ang kumuha ng gamit mo sa bahay niya.

Bigla akong nainis. So, gusto na rin niya akong umalis sa bahay niya?! Siguro ay naroon pa talaga si Imogen! Nagsisinungaling lang talaga nang nakaraang linggo! Fine! Ako na mismo kukuha ng mga gamit ko roon!

Me:

Fine!

Naligo ako at nag-ayos. Ang akala ko ay umuwi na si Kyner pero naabutan ko pa siya sa lobby. Sumimangot ako nang makita na may nakatayong dalawang babae sa kanyang harapan, kinakausap siya. Maybe that's what he came here for! Kaya kahit para siyang tanga na nakaupo lang doon, bumabalik-balik pa rin siya rito!

When he saw me, he immediately stood up and say something to the girls. My frowned worsened. Tapos ay naglakad siya patungo sa akin. Napansin ko ang mga babae na nakatingin sa akin, iba't-ibang reaksyon ang pinapakita ng kanilang mga mukha.

"I'm going to your house to take my things," pauna kong sinabi nang makalapit siya sa akin.

He nodded his head. I gritted my teeth. Fine! I'm really leaving that house! Tutal ay pinapaalis na rin naman niya ako roon! Nagmartsa na ako patungo sa aking sasakyan. Tahimik naman siyang nakasunod sa akin.

Dire-diretso lang ang pagmamaneho ko hanggang makarating kami sa kanyang bahay. Agad akong bumaba, at dahil nakabukas naman ang kanilang gate, diretso na rin ang pagpasok ko. His bodyguards greeted me but I just nodded my head.

I should have bring Isaac with me. Para siya ang magbuhat ng mga gamit ko. Simula kasi nang kinasal kami ni Kyner, pinabalik ko na siya kay Daddy. Dahil alam ko naman na may bodyguard ni Kyner na nagbabantay na sa akin.

Tahimik ang buong bahay pagpasok ko na akala mo'y inabanduna. My eyes sharpened while scanning the whole house. Waiting for Imogen to pop out like a mushroom she is. But she's not here.

Naramdaman ko si Kyner sa aking likuran kaya umakyat na ako patungo sa aking kwarto. Pagkarating ay dumiretso na ako sa aking mga damit. I took my bag out and started putting my things there. Hindi ko na pinansin si Kyner nang pumasok siya rito sa aking kwarto.

"Gusto ko lang malaman mo na hindi pa rin ako pumapayag na maghiwalay tayo," mahinahon na sinabi ni Kyner.

I glared at him. "I don't care. I still stand by my decision. Our marriage has grounds anyway," pasimple ko siyang tinignan upang malaman ang reaksyon niya roon. Pero kalmado lang ang kanyang ekspresyon.

"Because I want to marry you again with your parent's consent. Gusto kitang pakasalan sa simbahan. Kaharap ang mga pamilya natin."

Medyo natigil ako sa ginagawa dahil sa sinabi niya. I imagine my wedding with someone I love to be happy, romantic and full of love. Kasama ang mga mahal namin sa buhay, masaya para sa aming dalawa. Titira kami sa isang bahay. Uuwi kami galing sa trabaho na miss ang isa't-isa. We'll took a bath together. Eat together. Telling each other how's our day went. Making love every night.

I'm trying really hard to fan the flame of anger. But he keeps igniting the spark of hope.

"You can do that with someone else. Or you can marry Imogen instead."

"Hindi ko siya mahal," medyo mariin niyang sinabi.

At ako mahal mo?

I cleared my throat. "Para lang sa kaalaman mo, lahat ng pinakita ko sa iyo noon, hindi iyon totoo! I was deceiving you since you lost your memories! All of it are act! It wasn't real!"

"Yes. What was real for me, wasn't real for you. But that doesn't mean what I felt was a lie."

Nagulat ako nang lumuhod siya sa aking harapan habang nakatitig sa aking mukha. Nakaupo ako sa aking kama kaya halos magkasingpantayan na kaming dalawa.

"When you set my heart on fire, I've never felt so alive," he said softly. He put a bit of my hair behind my ear. I bit my lower lip. "I'll let you set my heart and soul in fire again, anytime as you want, Snorri. Just don't leave me."

Tulala ako habang pauwi kami sa aking condo. Kyner insisted that he will take me home. Hindi niya ako hinayaan na magbitbit ng mga gamit ko. Hinayaan ko na lang din siya dahil ayoko rin magbuhat ng mabibigat.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Naisip ko na rin ang mga paliwanag niya noon. Hindi ko lang talaga alam kung papaniwalaan ko ang mga sinasabi niya. He could easily lie. I can always believe that he was lying. But then, the sincerity in his eyes stop me.

Still, I'm still mad! Iyong sakit na naranasan ko ay hindi agad mawawala kahit pa sabihin niyang hindi siya nagloloko. At iyong tungkol sa aming kasal. Hindi niya pa rin sinabi sa akin ang totoo!

Nakarating kami sa aking condo na hindi pa rin ako kumikibo. Panay sulyap lang naman din siya sa akin.

"Pagtapos mong ipasok ang mga gamit ko, umuwi ka na," sabi ko habang pasakay kami ng elevator. My unit is on the third floor.

"Yes. I will. Can you reply to my texts? Gusto ko lang malaman ang kalagayan mo rito. I'll stationed a bodyguard here," he said.

"Sige."

Binuksan ko na ang unit ko at pinapasok siya sa loob. Napansin ko ang paglilibot ng kanyang mga mata sa buong unit ko. It's not small, not big either. Sapat lang ito para sa aming dalawa ng magiging anak ko. One master's bedroom and one guest room. A kitchen area with its dining table. A living room and a comfort room.

Tinuro ko ang kwarto ko. Nilagay niya ang mga gamit ko sa aking kwarto. And like what I said, he left after putting my things inside my room and checking the whole unit.

"Sabihin mo lang sa akin kung gusto mo ng umuwi sa akin," sabi ni Kyner bago umalis.

Umupo naman ako couch at saglit na nag-isip. Hindi ko pa rin muna sasabihin sa kanya ang tungkol sa pinagbubuntis ko. Lalo na't magulo pa rin ang nararamdaman ko ngayon. I don't know what to believe. I don't know what to do.

Wala sa sariling binuksan ko ang cellphone ko and I opened my Facebook account. An article on a page caught my attention because it has my name. Bungad pa ito.

"Snorri Kravei is already married to her non-showbiz boyfriend."

Nagmamadali akong in-open ang page. Nakalagay lang doon ang tungkol sa akin at sa taong pinakasalan ko. Sunod kong tinignan ang mga comments.

Marami ang nagulat. Pero marami rin ang nag-congrats. Ang iba naman ay gustong malaman kung sino ang pinakasalan ko. At ang iba ay tinatanong kung paano na kami ni Timber. May nabasa rin akong baka si Dwayne ang pinakasalan ko. While I'm here, thinking how did it spread?

Another article pop out.

"Snorri Kravei kidnap a man with an amnesia and hid him in their vacation house."

What the hell?

Continue Reading

You'll Also Like

468K 8.3K 88
Y/n, our very first half human, half demon in this rare occurance, he doesn't remember much of about his past and must struggle to survive in this ne...
2.3M 76.4K 34
"Watch your mouth, princess. Unlike most, I do bite." RANKING; NUMBER 34 IN #BAD > FEBRUARY 6, 2020 NUMBER 7 IN #BXBLOVE > FEBRUARY 9, 2020 NU...
21.5K 1.1K 34
Among the valleys and hills of Somgarh Amidst all the chaos of war, where only the neighs of horses, the sound of clashing swords, and the cries of p...
221K 16.2K 20
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...