Flames Of Deception (Levrés S...

By Ellexir

93.3K 3.2K 807

Clandestine Snorri Kravei always wonder why her mother is always sad. Why she's always crying in the middle o... More

Flames Of Deception
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 25

2.3K 88 29
By Ellexir

We tend to judge others without knowing. We see, we judge, and more often than not without really looking. If you look at the world through one lens, you will only see one perspective. Perhaps even one color. We all think we have the only version of the truth until we open our eyes.

I am really my mother's daughter. Dwayne isn't wrong that I'm becoming my mother. No. My mother and I are the same. We are both stupid when it comes to love. We are blind when it comes to love.

Yes, we are the wives. But not the lovers.

And now, I understand my father's a little bit. Iyong mahirap nga naman mahalin ang ibang tao lalo na't may mahal ka na. Kyner loves Imogen that's why he couldn't love me. I love him that's why I couldn't love those people who love me.

But I understand my mother's too. Mahirap din umiwas sa taong mahal mo. Lalo na't pinakasalan ka pa. May pinanghahawakan ka. Kaya mahirap bumitaw kasi umaasa ka na baka mahalin ka rin niya paglipas ng mga araw. Knowing hearts, it will keep on hoping until it gets tired.

I got busy on taping. I made myself busy. Hindi naman mabigat iyong role ko pero tinutukan ko talaga ito ng husto. Para lang makaiwas sa pag-iisip.

Paminsan-minsan ay humihingi sa akin ng advice iyong bida sa movie na ito. Tinuruan ko naman siya para na rin malibang ako. At kapag walang ginagawa, namamasyal ako sa magagandang lugar dito. Candice didn't forbid me. Isa na rin siguro sa dahilan ay ang pagpayag kong kunin ang project na ito. At ang pangalawa, nahahalata niyang may problema ako.

To be honest, Candice knows me more than my mother. More than anyone. She knows when I'm sad, in troubled, happy or had a problems.

"Again, don't suck his lips, Annabelle!" said the director to the new aspiring actress.

"Sorry po! Ang lambot po kasi talaga ng labi niya!" Annabelle said.

Nagtawanan ang mga stuff. I smirked. Annabelle smile widely. Lagi na lang kasi napupuna ang paghalik niya roon sa katambal. Smack lang daw dapat ang kiss pero ganyan nga ang ginagawa niya. She even inserted her tongue inside the guy's mouth one time. Causing the director to facepalm and stop the shoot for the mean time because of stress.

"Ayusin mo nga, Annabelle! Kung gusto mong halikan siya, gawin mo behind the scene! Walang pipigil sa iyo!" pagalit na sinabi nang manager niya.

"Sorry na. Naca-carried away lang," nag-peace sign siya. Mas lumapad ang ngiti niya nang magtama ang mga mata namin.

I only smirked at that. Pero nawala iyong ngisi ko nang maalala ang bumabagabag sa akin. I'm delayed. Two weeks delayed to be exact. I've been thinking about it since day one because I've never missed my period. I'm regular.

May kaunting kaba at tuwa sa akin kapag naiisip ko na baka buntis ako. Since Kyner never used a condom during our intercourse. Hindi naman ako nagpi-pills dahil regular naman ang menstruation ko. Kaya naisip ko agad ang possibility na iyan.

It's been three weeks since I came here. Nagte-text sa akin si Kyner pero paminsan-minsan lang ako mag-reply. Minsan, hindi na ako nagre-reply pa. Kapag kasi naiisip ko na silang dalawa lang ni Imogen doon sa bahay niya, kumukulo ang dugo ko. Kaya sa huli, kahit anong text niya, hindi na ako nagre-reply pa.

Hindi ko na pwede ipilit pa na mahalin niya ako. Ayoko na gawin pa ang lahat para mahalin niya. Dahil na-realize ko na, lagi na lang ako naghahabol ng pagmamahal sa isang tao. Lagi na lang ako nanghihingi ng atensyon. Lagi ko na lang ginagawa ang lahat para sa kanila. Lagi na lang akong nanlilimos. Sa pamilya, pati sa taong minamahal.

Kailan ko nga ba pinili ang sarili ko? Ang mahalin naman ang sarili ko? Hindi ko maalala. Lagi ko inuuna ang ibang tao. You will realize that your love was wasted because you never spent it on yourself.

We were like fire from the start. I purposely set aside that our spark was destined to die because my stubbornness was the only thing sparking the flames. Fire burns, that's nature. But for us to melt into each other isn't.

Kaya naman para mawala na ang bumabagabag sa akin, nang kinagabihan, I told Candice to buy me a pregnancy test since I'm two weeks delayed. She was shocked at first. But then, she immediately accepted it. Hindi nga naman daw malabo na ibigay ko ang sarili kay Kyner dahil daw tanga ako pagdating sa kanya.

"I bought you a different kinds of pregnancy test. Just to make sure. Sige na at mag-test ka na," sabi ni Candice at inabot sa akin ang isang paper bag.

Tumango lang ako at pumasok na sa loob ng CR. Kagaya nang sinabi niya, ginamit ko lahat ng pregnancy test. At lahat din, positive.

Kumatok si Candice. "Ano, Snorri?"

Doon lang ako natauhan. I didn't know that I was just staring at the pregnancy test. I was speechless for a minute. Panandalian na-blanko ang isip ko.

"It's positive," I whispered.

"What?"

"It's positive!" I said with a clear voice.

A tear escape from my eyes. I don't know. My chest is bursting with happiness. I'm happy. I'm happy that I'm pregnant. Masaya ako na finally, magkakaroon na rin ako ng kakampi!

Bumukas ang pinto at nilapitan ako agad ni Candice. Agad niyang tinignan iyong mga pregnancy test na dalawang guhit ng pula ang nakalagay.

"Oh my gosh," Candice said. And then, she suddenly hugged me. "Congratulations!"

Mas lalo akong naiyak. "May kakampi na ako, Candice. I won't be alone anymore. May magmamahal na rin sa akin."

May hihingi na rin ng atensyon ko. May mangangailangan na rin ng pagmamahal ko. Ng pag-aalaga ko. Maibabalik na rin ang pagmamahal na ibibigay ko. Hindi ko na kailangan manlimos.

"Excuse me? You're not alone because I'm here, Snorri! And I love you so much even if sometimes, you're a pain in the ass!"

I nodded my head while crying. I know. I know. Pero iba pa rin iyong kadugo mo. Lalong-lalo na kapag galing sa iyo. Lalo na kapag anak mo.

I'll give her/him all of my love. I'll give her/him the world. Because she or he didn't ask to be born. Kaya naman hinding-hindi ako magkukulang sa kanya. Hindi ko itutulad sa anak ko ang naging kalagayan ko noon sa bahay. Hindi ako gagaya kay Mommy. Ipapangako ko sa aking sarili na siya ang magiging una sa lahat. Na kahit sinong lalaki pa iyan, kahit ang ama niya pa, hinding-hindi ko siya ipagpapalit. Mas mamahalin ko siya kahit kanino. Mas mamahalin ko siya higit pa sa sarili ko.

Kahit ako lang mag-isa, ayos lang. I can be my baby's mommy and daddy. I can be my baby's both.

Kinabukasan, agad akong nagpahanap ng clinic kay Candice para makapagpa-check up. Candice also suggested it. To know if my baby is fine. O kung ilang linggo na ba. Kung maselan ba ang pagbubuntis ko. Kung pwede ba ako bumiyahe. Since, I'm planning to go home. Ayoko na tumagal pa rito. Lalo na't tapos na rin naman ang role ko.

And now, it's final. I'll leave the showbiz world. Gusto kong tutukan ang pagbubuntis ko. Siguro ang gagawin ko na lang, maghahanap ng magaan na trabaho sa aming kumpanya. I can work from home because I don't want to get tired, and I also don't want to be stress. My baby's safety comes first.

Sa isang private clinic kami nagtungo ni Candice. Siguro ay nasabihan na ni Candice iyong OB gyne kaya hindi na ito nagulat nang nakita ako.

"Ilang weeks ka ng delayed?" the OB asked.

"Two weeks."

"You should come back after 4 or 5 weeks for transvaginal ultrasound. Masyado pa kasing maaga para makita natin ang heartbeat ni baby ngayon."

Marami pa ako tinanong bago nagpasyang umalis na. She also gave us a go signal to go home. Basta lang daw ay mag-ingat ako at agad mag-bed rest pagkauwi. At ang folic acid na iti-take ko. Malalaman pa ang ibang vitamins na iti-take ko kapag nakapag-ultrasound na ako.

"Ingat, miss Snorri! Bibisitahin po kita pagtapos namin dito!" sabi ni Annabelle sa akin.

"Sure!"

And then we left the Samar two weeks early. Napagpasyahan na rin kasi namin ni Candice na manatili muna rito ng ilang linggo pa. Para sana makapamasyal pa kami at ayoko pa rin kasi umuwi. But since some unexpected things happened, we have no choice but to go home early. Candice too. Ayaw niya akong pauwiin mag-isa kaya kinancel na muna niya lahat ng schedule niya.

"Saan ka didiretso ng uwi?" tanong ni Candice.

"Sa condo mo."

"You won't tell Kyner about your pregnancy?"

"No," I paused. "I mean, not yet."

I don't know if I should tell him about my baby, though. Maybe not now. Or never. I don't know. Baka kasi mamaya, hindi niya ito tanggapin. Pero ayos lang kung hindi! I can raise my child alone!

"Sige, bahala ka na. But remember that I'm always here to support whatever your decision is."

I smirked. "Thank you."

Gaya ng sabi nang OB, nagpahinga agad ako pagkarating namin ni Candice. I'm planning to visit my mother and tell her the truth. She deserve to know about my baby. And I plan to tell her about Kyner and I. Sa kanya ko na lang sasabihin dahil alam ko, sasabihin niya rin ito kay Daddy.

Kung magagalit man siya dahil anak ng kanyang karibal ang minahal ko, ayos lang. As long as it won't affect my baby, it's fine. If she wants me to leave Kyner, I'll leave him. If she wants us to get divorce, I'll do it.

After knowing that I'm pregnant, I realized so many things. Yes, I still love Kyner. It never diminished. But this time, it's my baby and myself comes first.

Hinding-hindi ako gagaya kay Mommy. Hindi ako kakapit sa taong may mahal na iba just because we are married. Hindi ako magpapakatanga katulad niya. Kahit na naging tanga ako nang una. But I can still correct it. It's not too late to correct my mistake. It's enough. I'm done.

Alam ko na sobrang hirap kapag broken family, danas ko dahil kahit hindi man hiwalay ang mga magulang ko, it is still broken. There was no love in our family. We were only family by names. Atsaka hindi ko naman ipagpipilitan ang anak ko sa taong may ayaw sa kanya. Kagaya ng sinabi ko, gagawin ko ang lahat para hindi niya maramdaman na may kulang.

Nakaidlip ako dahil sa pag-iisip. Naalimpungatan lang dahil naiihi. Umihi muna ako at pagbalik ay napansin ang cellphone ko. Nakita ko roon ang text ni Kyner.

Kyner:

Where are you? Are you with Candice right now?

Kyner:

Hindi ka uuwi sa bahay natin?

He knows I'm in Manila already? Kahit gusto kong tanungin kung saan niya nalaman, hindi na lang ako nag-reply pa. This is my way to cut ties with him little by little.

Kukunin ko na lang siguro ang mga gamit ko sa bahay niya kapag nasa trabaho siya. Para hindi kami magkita.

Malamang, matutuwa si Imogen kapag nalaman niyang aalis na ako sa bahay ni Kyner. Kanya na si Kyner ng buo. He's an asshole anyway. May mahal na iba, pero nakikipag-sex pa sa ibang babae! Sabagay, kasal nga kami pero nandoon pa sa bahay iyong babae niya. A huge asshole.

No. Kyner and I were like water and fire. Him being the water, me being the fire. So, when we collided, he destroyed me. And like a moth, I ended up getting burned by his flames.

Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili nang makaramdam ng galit. Ayoko ma-stress dahil baka makasama pa ito sa baby ko. Delikado pa naman daw ang unang tatlong buwan ng pagbubuntis.

Tumunog ang cellphone ko para sa tawag ni Kyner. Tinitigan ko lang ito hanggang sa mamatay iyong tawag.

Kyner:

Nagpapahinga ka ba ngayon?

Kyner:

Please, reply. I just want to know if you're okay.

Itinabi ko na lang ang aking cellphone at inabala na lang ang sarili sa pagtingin ng mga gamit kong naiwan pa rito. Maybe I should buy my own condo unit. So my baby and I can live there together. I know Candice will protest about it but this is my decision. Gusto ko maging responsable. Hindi naman na ako mag-isa dahil nandyan na ang anak ko. Hindi na ako malulungkot. Hindi na ako mangungulila.

Naghanap na lang ako ng malapit na condo rito. Ayaw ko kasi rito sa condominium na ito. At isa pa, kahit hindi pa lumalabas ang anak ko, gusto ko rin nasa mababang unit lang kami titira. Mangangamba lang ako kapag nasa itaas kaming bahagi.

I found a place near here. I immediately contacted them and did everything so I can move there immediately. Sinabi ko na ito kay Candice, and like what I said, tutol siya sa paglipat ko.

"Bakit lilipat ka pa? Maayos naman itong condo natin ah? Mas maganda na rin na rito ka para mabantayan kita," sabi niya.

"I want to be independent," I said.

"You can do that when your baby comes out! Baka mahirapan ka lang kapag mag-isa ka sa condo mo! Lalo na kung maselan ka magbuntis. Sino mag-aalaga sa iyo roon?"

"I'll hire a maid."

"Ayos lang sa akin kung uuwi ka muna sa inyo para matutukan ka ni Tita."

I scoffed. "As if she will care. Ni hindi niya nga ako maalagaan noon. Tingin mo, maaalagaan niya ako at ang anak ko ngayon?"

She heaved a deep sighed. "You're so freaking stubborn. Don't say I didn't warn you," she glared at me. "Fine. Bibisitahin na lang kita palagi roon sa condo mo. Sasamahan din kita sa mga check-ups mo. Saang condominium ka lilipat?"

"Starcross."

Nag-ayos na ako ng mga gamit pagtapos namin ni Candice mag-usap. Inutos ko na lang din kay Candice ang pagkuha ng mga gamit ko roon sa bahay ni Kyner. I won't go back there. I don't want to see Imogen. Baka mapasama pa ang pagbubuntis ko.

The next morning, Candice took me to my parent's house. Kagaya noon, siya lang ang nasa bahay dahil malamang ay nasa trabaho ang aking ama.

"Snorri!" my mother said and hugged me. "You should've told your father that you're coming home. Para hindi na ito umalis ng bahay para tignan iyong isang branch natin sa Batangas. I'm annoyed at your father. Hindi na lang kasi inutos sa tauhan niya ang pagpunta roon."

I sighed. I just came here and she's talking about my father again. Hindi na nga siguro ito mababago pa. She's still crazily in love with my father.

"Mommy, I'm pregnant," diretsahan kong sinabi.

"Ha?" humiwalay siya sa akin. Tinignan niya ako at natulala sa aking mukha ng ilang segundo.

"I'm pregnant," ulit ko.

Pagak siyang tumawa. "I mean, how many weeks or months? Who's the father? I didn't know you were in a relationship? You're pregnant? Wow. I'm shocked, sweetie."

"2 weeks."

"Who's the father?"

I decided to tell her everything. "You know what I did months ago to Kyner Kertia, right? I hid him so I can get my revenge to his mother."

"Yes. What about him?" nagkatitigan kaming dalawa. Then realization dawned on her face. Her lips formed an o because of shocked. "H-he's the father, Snorri? H-how? You're only two weeks pregnant, you say. Ilang buwan na noong nangyari iyon, hindi ba?"

"I loved him, Mommy. But he doesn't love me back," hindi ko alam pero namuo ang luha sa mga mata ko.

Sinabi ko sa kanya lahat. Simula nang nagkita kami ni Kyner sa bar. Ang pag-alok nito sa akin ng kasal. Ang pagpayag ko. Ang kasal namin, pagtira ko sa kanila. Pati iyong kay Imogen. At iyong nangyari sa amin nang birthday ko. I didn't hide anything. I told her everything.

My mother was speechless for a whole minute. Hinayaan ko lang siya i-proseso lahat ng binunyag ko. Kahit sino naman kasi ay magugulat doon. Sa katangahan na pinaggagagawa ko.

At na-realize ko rin na kapag ang emosyon mo ang una mong pinagana, makakagawa ka ng mga bagay na hindi maganda.

"Snorri, I didn't ask you this before because I want you to tell me about it without me asking. Bakit mo nagawa iyong pagtago mo kay Kyner noon?"

"I did it for you. I did it because of you," I started. Her lips gaped a bit. "Dahil hindi ako makaganti kay Daddy dahil sa pananakit niya sa iyo, naisipan kong gumanti na lang doon sa babae niya. I hid Kyner because I want to hurt her."

"Snorri, your father never hurt me. He's a great man," she said softly.

I chuckled humorlessly. Love really is the most violent act. I guess, you don't truly love someone until they've hurt you and you still think of them as the greatest person. Which is absurd.

"Yes he did! Akala niyo po ba, hindi ko alam ang pag-iyak niyo halos sa araw-araw? Halos ayun na lang ang gawin niyo! Hindi niyo na inintindi na may anak kang nangangailangan ng pag-aruga niyo! I want to ask you, Mommy. When was the last time we bonded? When was the last time you took care of me? When was the last time you gave me your full attention? When was the last time you told me that you love me? Kailan ka po huling naging ina sa akin? Hindi ko po kasi matandaan. O sadyang hindi mo lang nagawa ang mga bagay na iyan dahil ang laman ng isip mo ay puro si Daddy lang!"

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Kahit pala ayos na sa akin ang nangyari sa amin ni Mommy, may kaunting kirot pa rin ito. Marahil siguro dala na rin ng pagbubuntis ko kaya nagiging emosyonal ulit ako ngayon.

"S-snorri, I..."

"I'm sorry pero kahit kailan, hindi ka naging ina sa akin. It's always my father! You only care about him! You only love him! Yet I still love you so much! Imbes na sa inyo ako magtampo at magalit, mas pinili ko pang gumanti roon sa taong dahilan ng pagdurusa niyo! Na hindi naman tama dahil wala siyang kasalanan sa pagiging iresponsable mo! Dahil mas pinili mong magdusa sa piling ni Daddy at balewalain ako! Mas pinili mo iyan kaysa alagaan at mahalin ako!"

Her tears started to fall. "I'm sorry. I'm sorry, Snorri."

I sighed deeply. Calming myself. I don't want to be stress. "It's fine. I'm over it. You asked why I did that, right? There you are. You now know the answer."

Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Paulit-ulit ang pagsabi niya ng sorry sa akin habang umiiyak. Kung noon pa niya ito sinabi, siguro ay sobrang saya ko. But now, yes I'm happy that she's sorry, but it doesn't matter to me anymore.

Maybe because I already forgive her. At nagpasya na rin akong maging mabuting ina sa magiging anak ko. Na lahat-lahat ng pagkukulang niya, ibibigay ko ng sobra sa anak ko.

"I'm sorry..." she sobbed.

I rubbed her back. "It's fine. I just came here to tell you that I'm going to be a mother. You deserve to know"

Humiwalay siya sa akin. Mugto ang mga mata. "Papanagutan ka ba ni Kyner? Wala naman akong problema sa kanya. But I'm worried about your father."

I don't care about his opinion. Atsaka pumayag man siya o hindi, wala na siya magagawa. I'm already pregnant with Kyner's child. Alam ko rin na magagalit talaga iyon dahil baka umaasa pa rin itong babalikan siya ni Trinity. At baka isipin niyang hindi sila magkakatuluyan kung kami ni Kyner.

Nag-iwas ako ng tingin. "I can raise my child alone."

"What? Why? Hindi ka ba pinanagutan? I know he's a honorable man. Alam kong papanagutan ka niya."

Honorable? Maybe at his work. Pero sa pagiging asawa, hindi. Well, oo sige, may mahal siyang iba! Pero kahit saan tignan, maling-mali siya.

"Mommy, he loves someone else," my voice crack a bit.

Umawang ang labi niya. She blinked. "K-kahit na! Dapat pa rin niyang panagutan ang anak mo!"

"It's fine. Kaya kong buhayin ng mag-isa ang anak ko."

"No, it's not! Hindi ako makakapayag na hindi ka niya papanagutan! Kahit may iba siyang mahal, anak niya pa rin iyan! He needs to take the responsibility!"

Well, to be fair, hindi pa naman alam ni Kyner na buntis ako. Kaya hindi ko pa rin alam kung papanagutan niya ako o hindi. Ang ayoko lang talaga ay iyong magsasama pa rin kami kahit wala naman pagmamahal.

"Your father didn't love me, yes, pero pinanagutan niya pa rin ako!"

"Gusto mo po bang magsama na lang tayo, Mommy? Leave Daddy here alone," suhestyon ko.

She avoided my eyes. "I c-can't," she looked at me, tears are forming in her eyes again. "Snorri, I love your father. So much."

Continue Reading

You'll Also Like

442K 16K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...
468K 8.2K 88
Y/n, our very first half human, half demon in this rare occurance, he doesn't remember much of about his past and must struggle to survive in this ne...
32K 3.8K 61
Enemies to lover For fd shippers😁 ©️all right reserved
774K 26.8K 51
"Forever, no matter what?" I asked him. "Forever, no matter what." Started 07/12/21 Finished 07/25/21 *dont readddd pls*