Secret Glances

By viexamour

37.9K 847 68

Operation Series #1 M I L A D A Milada's heart has belonged to Amadeus since childhood. From the shy ten-year... More

Secret Glances
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Note, Amours

Kabanata 12

913 23 1
By viexamour

Mariin akong nakikinig sa bawat ka-grupo na nag-uusap para sa research na aming gagawin. Ako na lang ang nagpresinta na magsulat ng bawat idea na napagkakasunduan nila para may magawa ako. 

Kinuha nga ako ni Amadeus bilang isa sa ka grupo niya. Nahihiya ako noong una lalo't hindi maitatanggi na purong matatalino ang kasama ko. They are all the top students in STEM strand. Nakakahiya na kasali ako rito pero ano naman ang magagawa ko. It looks like Amadeus really want me to be part of his group.

"Sinulat mo ba lahat?" lumingon ako kay Angel na kaharap ko lang.

Oo nga pala. Ka-grupo ko rin siya. It means na araw-araw kaming magkikita para sa project na 'to.

"Yes," sagot ko.

"Good. Para naman may matulong ka." Nag-igting ang panga ko sa sinabi niya.

I hate her for doing this kind of stunts. Mula pa siya kahapon ganito sa'kin. Pinaparamdam niya na wala akong maitutulong sa research. In short, she wants to show me and the others na pabigat ako.

"Angel." Narinig kong saway ni Amadeus sa tabi ko.

Palihim akong umirap at inabot sa kanya ang papel. Tiningnan niya naman 'yon at walang sinabi.

Pagkatapos ng meeting namin ay nagpasya muna na kumain ng lunch. Wala na rin naman kami mas'yadong ginagawa at parang completion na lang sa last grading ng grade 11. Naiwan akong mag-isa sa upuan ko. Hinihintay si Cassie na bumalik sa classroom. Hindi kasi nito nabanggit kung saan sila magmi-meeting ng mga ka-grupo niya kaya hindi ko mapuntahan.

Kahit nakakaramdam ng gutom ay hindi ko talaga nilabas ang lunch box ko. Hanggang sa nakita ko ang papalapit na si Amadeus sa upuan ko. Nagtataka ko siyang sinundan ng tingin at tumigil na nga ito sa harapan ko.

"Let's lunch together," umawang ang labi ko sa gulat.

"Ha?" gusto kong pukpukin ang sarili dahil malinaw ko naman na narinig ang sinabi ni Amadeus.

"Cassie talked to me. Hindi daw siya makakasabay sa'yo kumain."

Seryoso niyang sabi. Pero makakasabay ko rin naman sila Ulrim sa lunch. Not until my phone beep and found their message. Hindi rin sila makakasabay sa akin. 

"Sigurado ka ba?" paniniguro ko.

"Hindi ka sanay kumain mag-isa kaya sabay na tayo." Napaayos ako ng upo at walang nagawa kundi ang tumango.

Dinala niya ako sa canteen at hindi ako sanay kumain dito. Hindi ko naman 'yon masabi-sabi sa kanya dahil nahihiya ako. 

"Bibili lang ako ng pagkain 'ko," tipid akong tumango sa kanya at mabait na naghintay.

May iilan akong nakikita na napapatingin sa akin dahil alam kong bago sa kanila na nandito ako sa canteen. Alam kong nakita na rin nila na magkasama kami ni Amadeus at hindi na ako magugulat kung may lilitaw na balita na hindi naman totoo.

Nang bumalik si Amadeus ay akala ko'y babalik na siya sa upuan niya. But I was wrong. Kinuha niya ang lunch box ko na nakapatong sa lamesa at nanatili sa gilid ko.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Let's go," umawang ang labi ko.

"Huh? Bakit? Kakain na tayo, 'di ba?"

"You're not comfortable eating here. Saan kayo kumakain ng lunch?" natigilan ako.

Alam niya? Napansin niya na hindi ako kumportable?

"Milada?" tumayo ako at tumango sa kanya.

"Right!" agad kong sabi.

Dinala ko siya sa lugar kung saan kami laging kumakain nila Cassie. Tahimik kaming kumakain at wala rin naman akong sasabihin sa kanya. Napapaisip tuloy ako kung bibigyan niya ba ako ng mabigat na gawain sa research. Kung mahirap man 'yon ay kakayanin ko naman. Pero kung hindi talaga, siguro naman ay puwede akong manghingi ng tulong sa kanya.

"Bukas tayo magsisimula na bumili ng products na gagawin sa research. You should come with me," nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Sige..." simpleng sagot ko.

"Aalalayan kita, don't worry about it." Hindi ko na mapigilang mapangiti.

"Don't worry, hindi ako magiging pabigat sa grupo mo..." I saw his lips rose up.

"I can see that," napangisi ako bago nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik din kami agad sa room. Pero wala pa rin doon si Cassie. Kaya nang hindi na mapakali ay lumapit ako kay Amadeus. Nag-uusap sila ni Angel kaya ng makita niya ako ay parang hinihintay niya na lang ako makalapit. Nakita ko rin doon ang naiinis na mukha ni Angel. Of course, naagaw ko lang naman ang atensyon ng crush niya.

"Ah... Amadeus, magtatanong lang sana ako kung saan mo huling nakita si Cassie?" umayos siya ng upo.

"Kasama niya si Aiden, hindi ko lang alam kung saan sila pumunta..." napatango ako.

"Sige, salamat..." pagkatapos masagot ang tanong ko ay agad na akong umalis doon.

Milada: Nasaan ka na? Malapit na magsimula ang klase.

Wala akong natanggap na kahit anong reply sa kanya kaya ibinalik ko na lang sa bulsa ng bag ko ang cellphone ko.

The whole afternoon of our class, Cassie didn't showed up. Nag-text na rin ako sa kambal at kahit kay Radin. I flooded her with my text messages pero wala rin. Hindi naman siya ganito. Mabilis 'yon magreply kahit pa may ginagawa siya.

Kaya ng mag-uwian ay dala-dala ko ang bag niya. Hindi ko rin nakita ang driver nila sa parking lot kaya balak ko na lang ihatid ang gamit niya sa kanilang bahay.

"Milada, let's go..." bumaling ako kay Amadeus bago sumunod sa kanya.

Gusto niya akong samahan kahit hindi naman kailangan. Sabi niya'y mas okey na daw na may kasama akong maghatid no'n 

"Kung gusto mo after kong maihatid ang bag ni Cassie punta na tayo sa hardware?" nilingon niya ako habang inaayos ang bag ko na nakalagay sa kanyang unahan. Nakasabit ang strap nito sa balikat niya. Habang ako naman ay bag ni Cassie ang dala-dala.

"Puwede rin. Kailangan natin makahanap ng materials ng mas maaga para maging madali na lang ang trabaho." Tumango ako.

"Pero paano sila Angel? 'Di ba gusto ni Angel sumama?" nilingon niya ako.

"Tayong dalawa ang naka-toka sa product. While the three of them are assigned on the papers." Sumimangot ako sa sagot niya.

"Bakit kasi tayong dalawa lang? We can do it together kung sinama natin si Gabriel." Sabi ko pa.

"Wala ka bang tiwala sakin? Wala kang tiwala na kaya natin dalawang gawin 'yon?" hindi ako naka-sagot at saglit na natahimik.

"Sa'yo meron akong tiwala... pero sa'kin, wala! I'm not good with this! Sa papers ako laging naka-assign at mas gusto ko 'yon gawin. Pero hindi naman ako makapagreklamo kasi ikaw ang leader..." nakasimangot kong sabi sa kanya.

Wala siyang sinabi kaya nilingon ko ito. I saw him smirking while looking at the road. Mas lalo akong napasimangot at mahinang binangga siya gamit ang bag ni Cassie sa likuran ko. Lumingon ito sa'kin ng may pagtataka pero halata naman niya kung ano ang naging reaksyon ko.

"Bakit ka natawa diyan?" pinagtaasan ko siya ng kilay pero gano'n din ang ginawa sa akin pabalik.

Sabay kaming tumawid sa pedestrian lane ng oras na para sa pagtawid. Ramdam ko ang kamay niyang nakahawak sa may ni cassie sa likod ko na para bang sinisiguro niya na hindi ako masasaktan kung sakali. Palihim akong napangiti dahil sa simpleng ginawa niya. 

Medyo malayo ang bahay nila Cassie kaya naka-dalawang sakay pa kami ng sasakyan. Isang jeep at isang tricycle. Pagkatapos ay nilakad na lang namin papasok sa subdivision. Pagkarating namin sa bahay nila Cassie ay wala siya roon. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat isipin.

"Pakisabi na lang po na dumaan ako rito para sa bag niya. Salamat po, Manang..." ngumiti ito sa 'kin.

"O sige, sige! Pasensya na at nakaabala pa si Cassie. Hindi ko alam kung saan 'yon pumunta." Aniya at kumamot sa kanyang medyo may kaputian ng buhok.

"Ayos lang po, kaibigan ko si Cassie. Kaso po hindi ko talaga siya makita mula pa kanina. Hanggang sa nag-uwian na lang." Tumango siya.

"Salamat, Hija..." ngumiti ako at nagpaala na.

Habang naglalakad kami palabas ng subdivision ay napapalingon ako kay Amadeus. Nakasabit pa rin sa balikat niya ang bag ko. Nakalimutan kong kunin 'yon sa kanya kanina dahil sa kakaisip kay Cassie.

"Ah, Amadeus, akin na ang bag ko..." mahina kong sabi.

Hindi siya nagsalita at dahan-dahan na tinanggal 'yon sa balikat niya bago inabot sa'kin.

"Thank you..." he just nodded.

Pumunta kami sa hardware shop para maghanap ng gagamitin namin sa research. Siya ang nakakaalam ng mga materials na gagamitin namin habang nakasunod lang ako sa kanya. Pinagmamasdan ang kanyang likod.

"How about this?" tukoy niya sa soldering iron or iyon ba ang tawag doon.

"Ah... hindi ako maalam sa ganyan, Amadeus. Pasensya na..." akala ko ay tatawa siya pero nakalimutan kong si Amadeus pala ang kasama ko.

He simple nodded and continue looking on every stall na madadaanan namin. May mga kinuha siyang ibang gamit at nilagay sa basket na bitbit ko. Lahat ng 'yon ay hindi pamilyar sa akin. Ang alam ko ay ang ito ang gagamitin namin sa paggawa ng product ng research namin.

I remember that the competition they joined in is an innovation project. At syempre sila ang nanalo. Halos nagkagulo ang mga estudyante sa pagbalik nila galing sa laban. At isa ako sa mga sumalubong sa kanila no'n kahit pa hindi niya naman ako nakita sa dami ng estudyanteng nasa unahan ko. 

"Dapat ay nag-ambagan muna tayo, Amadeus. May spare money naman ako rito... idagdag mo na lang." Sabi ko at kinuha ang wallet sa bulsa ng palda.

"Ibigay mo na lang 'yan bukas, Milada. Doon ko rin sasabihin kung magkano ang ambagan natin." Tumango ako.

Kinuha niya sakin ang basket at siya na mismo ang pumunta sa kahera para magbayad. Naghintay lang ako sa gilid niya habang nagbabayad ito. Pagkatapos ay sigurado akong uuwi na kami.

"Gutom ka na ba? Let's go to Biñan bayan..." I bit my lower lips.

"Ah... ikaw? Gutom ka na ba?" he chuckled kaya nag-init ang pisngi ko.

"Yeah..." tipid akong tumango. He nodded again and led the way.

Niyaya ko siya sa mga stalls ng street food. Alam kong nakain siya no'n dahil minsan ko na siyang nakitang kumain dito kasama sila Aiden. Pagkatapos namin kumain ay doon na kami nagpasyang umuwi. Sobrang haba ng araw ko ngayon kaya gusto ko na agad mahiga sa kama. Pagkarating sa bahay ay hindi na ako nagulat na naroon ang pamilyar na itim na sasakyan. It's Mr. Payton's car.

Pagpasok ko sa bahay ay nasa kusina sila. Si Mr. Payton na nakahilig sa sink habang si Tita Kilari ay may kung anong ginagawa roon. Mukhang seryoso silang dalawa pero hindi naman nag-uusap. Si Mr. Payton na titig na titig sa tita ko at si Tita Kilari na nakatalikod naman. 

Tumikhim ako kaya sabay silang napabaling sa akin. Kita ko ang paglaki ng mata ni Tita Kilari at mabilis na lumayo kay Mr. Payton. As if naman na hindi ko 'yon nakita.

"N-Nakauwi ka na pala..." bakas ang taranta sa kanya.

"Opo, busy ka?" namula siya sa tanong ko.

"H-Hindi... Hindi naman," tumango ako.

Bumaling ako kay Mr. Payton na nakaayos na ng tayo ngayon. Nakapasok sa bulsa ang dalawang kamay sa loob ng kanyang pantalon.

"Good afternoon, Mr. Payton..." bati ko rito.

"Good afternoon, Milada..." aniya at nakangiti.

Tipid akong tumango sa kanya at bumaling ulit sa tita ko na parang hindi alam ang gagawin. Ganito ba talaga siya kapag nandito si Mr. Payton? 

Kaya hindi rin talaga ako naniniwala na wala lang si Mr. Payton. She always looks tense and nervous. Hindi niya rin kayang tumingin ng diretso sa lalaki. 

"Nagmeryenda ka na?" tanong niya.

"Tapos na po. Kasama ko si Amadeus, sabay kaming umuwi." Hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkagulat pero hindi ko na 'yon pinansin.

Tumingin akong muli kay Mr. Payton.

"Anong oras ka uuwi... po?" tanong ko rito.

"I'll stay here until dinner, Milada." Bumilog ang bibig ko.

"Bakit... po?" I heard tita's sighed.

"Milada, magbihis ka na muna roon. Sige na..." sumimangot ako at kinunutan ng noo si Mr. Payton.

Bakit naman siya dito magdi-dinner? Sila na ba ni Tita Kilari? Or part parin 'yon ng sinasabi niyang pakikipag-ayos sa tita ko? Minsan naman kasi ang gulo nilang dalawa. Hindi malaman kung ano ba talaga ang mga gusto. Gano'n ba talaga kapag may past? 

Nagulo ko ang sariling buhok dahil sa pag-iisip. Bakit ko ba sinasama pa 'yon sa alalahanin ko. I'm sure naman na magsasabi si Tita Kilari sa'kin in time.

Milada: 

Cassie, nakauwi ka na ba? Nag-aalala ako.

Cassie:

Kakauwi ko lang. Sorry sa abala at pag-uwi sa bag ko. Babawi ako bukas :)

Akala ko ay hindi siya magre-reply sa text ko.

Milada:

Saan ka ba galing? 'Tsaka hindi ka na um-attend ng class natin. Sabi ni Amadeus ay kasama mo daw si Aiden. Hindi ba ay hindi mo gustong makasama 'yon?

Cassie:

Something unexpected happened, Milada. I don't know how to tell you. 

Milada:

Don't be pressured. I'll wait kung kailan ka handa. Take a rest, okay?

Cassie:

Thank you, Milada :)

Doon na natapos ang pag-uusap namin. Pagkatapos ko naman magbihis ay agad akong bumaba sa sala. Hindi ko yata kayang makita na magkasama sila Tita Kilari at Mr. Payton na sila lang kahit pa nasa bahay namin sila.

Ngumuso ako ng maabutan silang nanonood ng TV. Sabay pang lumingon ang mga ito at sa pangalawang pagkakataon ay agad kong nakita ang pag-iwas ni Tita Kilari. Takot na baka makita ko kahit naman nakita ko na.

I heard Mr. Payton's sighed before looking at the TV again. Walang pag-aalinlangan na naupo ako sa gitna nila at pilit siniksik ang sarili roon. Ramdam ko ang gulat nilang dalawa pero parang wala akong pakialam na nagbukas pa ng tsitsirya at kinain 'yon.

Gusto kong matawa dahil hindi man lang sila gumagalaw at ako lang ang naglilikot. Para bang takot sila na gumawa ng pagkakamali dahil nandoon ako.

Tumawa ako ng malakas habang nanonood sa comedy na palabas. Nakataas na ang dalawa kong paa sa sofa at halos sakop ko na 'yon. Nasa dulo na si Mr. Payton ng sofa gano'n din si tita. Tawa lang ako ng tawa at hindi sila pinapansin dalawa.

Oo na! I'm ruining their moments. I just want to test Mr. Payton if he's really serious to my tita. Kumakailan ko lang naman siya nakilala and he's really familiar. Hindi ko lang talaga matandan kung saan ko siya nakita.

Pagdating ng dinner ay tahimik lang kami. Natigil lang 'yon ng tumikhim si Mr. Payton.

"Kamusta ang school mo, Milada?"

"Maayos lang... po." Sagot ko.

"Malapit na ang bakasyon niyo, 'di ba? Saan mo balak mag-summer?" aniya.

Lumingon ako kay Tita Kilari na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.

"Hindi naman kami umaalis ni Tita Kilari sa bahay. Kaya ayos na ako dito sa bahay. Ewan ko lang kay tita... po." Tumango siya.

"How about you, Kilari?" nanantya ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Tita gave him a small smile.

"I'll think about it..." si tita.

"Huh? Bakit pa, 'Ta? Hindi naman natin kailangan umalis kapag summer." I encountered.

"Pag-iisipan ko pa naman. 'Tsaka kung sakali man na aalis ako syempre isasama kita." Hindi na ako sumagot at simpleng tango na lang ang binigay sa kanila.

Makalipas ang oras pagkatapos ng dinner ay umuwi na rin si Mr. Payton. Nanatili naman akong nakamasid kay Tita Kilari. Kumpara sa mga naunang araw ng pagkikita nila ni Mr. Payton ay mas magaan ang kanyang awra ngayon. Baka nga tuluyan na silang nagkaayos?

"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na..." pumangalumbaba ako.

"Kayo na?" umiling siya. "Bakit siya napunta rito?" 

"Kailangan ba may dahilan ang pagpunta niya?" malumanay ang pagkakasabi niya no'n.

"Hindi naman kita pipigilan, 'Ta. Kung gusto mo naman si Mr. Payton bakit hindi, 'di ba?" natigil siya sa pag-aayos ng sofa at bumaling sa akin.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwede, Milada. Kahit pa gaano mo kagusto ang isang tao kung ang panahon na ang pumipigil sa inyong dalawa... sa tingin mo ba makakaya pa nilang magsama?" hindi ako nakasagot.

"Nagkaroon ba kayo ng relasyon ni Mr. Payton... noon?" hindi siya nagsalita. "Sinabi niya sa'kin na gusto ka niyang bawiin. Gusto ka niyang makausap. Hindi ko alam kung bakit, Tita... pero may nagawa ba siyang mali sa'yo noon?"

Nakita ko ang hirap sa kanyang mga mata at alam kong sa oras na ito ay hindi niya na naman sasagutin ang tanong ko. 

"Matulog ka na, may pasok ka pa bukas..." iyon lang ang sinabi niya at umakyat na sa ikalawang palapag.

Napasandal na lang ako sa sofa at mariing pinikit ang mga mata. I love Tita Kilari at sa mga nakikita ko ay hindi ko maiwasang mahirapan din para sa kanya. Siya ang tumayong ina, ama, kapatid at kaibigan sa akin. Hindi ko yata kakayanin na makita siyang nasasaktan. Sa unang beses na nakita ko siyang umiyak ay halos ilang araw ko rin iyong inisip. I know her as a happy and jolly person. Always positive. Pero noong araw na 'yon... noong sinabi niya na nasasaktan siya ay alam kong bumigat din ang dibdib ko. 

Kinabukasan ay sabay ulit kaming pumasok ni Amadeus. At habang nagtatagal ay nasasanay na rin ako na ganito kami kalapit sa isa't-isa. 

The feeling I've been hiding for him is slowly showing again. Hindi ko alam kung napapansin niya ba 'yon o baka iniisip niya rin na wala na talaga akong gusto sa kanya.

"Did you sleep well last night?" nilingon ko siya at umiling. "Why?"

"May iniisip lang..." sagot ko.

"Care to share?" maingat niyang sabi.

"It's about Tita Kilari and Mr. Payton. Ayaw kong makialam sa kanila but I find it really strange. Madalas pumunta si Mr. Payton sa bahay para bisitahin si Tita Kilari. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sigurado kung ano ba talaga ang meron sa kanila noon. Do you think they had a relationship in the past?" baling ko sa kanya.

"Maybe? Maybe not..." aniya.

"Tipid naman. Ang dami kong sinabi, e..." mahina siyang natawa.

Nagulat ako ng pagpalitin niya ang puwesto namin sa daan. Siya na ngayon ang nasa gilid ng kalsada. Nag-angat ako ng tingin sa kanya pero isang matipid na ngiti lang ang binigay niya sa'kin.

"Maybe they had a relationship in the past. Or maybe they're just friends. O baka meron silang hindi pagkakaunawaan noon and Mr. Payton wants to fix it." Si Amadeus.

"Ayaw ko lang masaktan si tita..." kita ko ang pagtango niya.

"She's your only family. Of course, you don't want her to get hurt." 

Pagdating sa classroom ay agad na hinanap ng mata ko si Cassie. Nakita ko siyang nakatungo sa desk ng kanyang upuan. Pumunta muna ako sa upuan ko para ilagay ang bag at saka lang pumunta kay Cassie. I tapped her shoulder kaya naman nag-angat na siya ng tingin sa akin. It looks like she didn't sleep well last night.

"Ayos ka lang?" umiling siya at humikab.

"I'm still sleepy, Milada..." humikab muli.

"Bakit? Ano ba kasi ang ginawa mo? Sigurado kang ayos ka lang? Kahit sila Ulrim ay hinanap ka kahapon. Nagsabi ka na ba sa kanila?" tipid siyang tumango. "Dapat hindi ka na lang pumasok kung antok na antok ka pala..." 

"I can't. May meeting kami ulit ng nga ka-group ko sa research. I'm the leader, remember?" sabi niya at humikab ulit.

Wala na akong nagawa kundi ang hayaan na lang siya. Bumalik ako sa upuan ko at naghintay na lang sa parating na teacher. Bumaling naman ako sa upuan nila Amadeus sa harap at nakita kong masinsinan silang nag-uusap. Tumulis ang nguso ko at hindi inalis ang tingin sa kanilang dalawa. 

Lumingon sa banda ko si Angel at kita ko kung paano siya humilig sa balikat ni Amadeus. May mapaglarong ngiti pa sa labi habang nakikipag-usap dito. 

Akala niya naman magseselos ako sa kanya. Nag-a-assume na naman, e, hindi naman siya gusto ni Amadeus. 

Dumating na nga ang isa sa subject teacher namin at puro requirements lang ang in-announce niya. Wala na kami mas'yadong gagawin at purong 'yon lang. 

"By the way, we will be having a prom night on February 14." Malakas na naghiyawan ang mga kaklase ko.

Ang alam ko ay ito talaga ang inaabangan ng lahat lalo na noong nasa junior highschool pa lang kami. Dapat kasi talaga meron kami noon ang kaso nga lang ay mas maganda raw kung nasa senior-highschool na kami. Maraming natuwa at marami rin nagreklamo dahil wala silang makakapartner. At isa na ako roon.

"You have four weeks to prepare for your prom night. This is for the whole senior-highschool student, especially to those grade 12 students who will graduate this year. It's like their party and alam ko na lahat kayo ay excited para rito. So prepare everyone. And be beautiful and handsome, okay?" 

Sabay-sabay na sumagot ang mga kaklase ko at hanggang sa uwian ay iyon ang naging usapan. Everyone looks happy. Nilingon ko si Cassie na malaki ang ngiti sa labi.

"May partner ka na?" umiling siya. "O, bakit parang masaya ka?" 

"Ay, bawal na ba maging masaya?" natawa ako sa kanya.

"Sinabi ko ba?" umismid siya at ikinawit ang braso sa akin.

"Yayain mo si Amadeus," umiling ako.

"Nakakahiya..." sabi ko.

"Anong nakakahiya do'n? Okay, ganito na lang. Ako ang magtatanong sa kanya kung may partner na ba siya. Tapos kapag wala irereto na kita, ano?" natawa ako lalo sa suhestyon niya.

"Hindi na, Cassie..." sumimangot siya.

"Sige na! Ako nga ang bahala, e! Para hindi na sumingit pa si Angel! Ikaw din, maunahan ka." Bigla akong napaisip sa sinabi niya agad din na tumango.

"Pero puwedeng... ako na lang?" sabi ko sa kanya.

"Oo nga! Mas maganda kung ikaw ang nagtanong. Hindi naman siguro manhid si Amadeus para roon, 'di ba?" humalakhak ako at mahina siyang hinampas sa balikat niya.

Milada:

Hindi ako makakasabay sa'yo. May pupuntahan kami ng mga kaibigan ko.

Mabilis kong pinadala ang text sa kanya at agad na ibinulsa ang cellphone. Balak kasi nila Cassie na magpunta kami sa dating munisipyo na ginawang tourist attraction na ngayon. At pagkatapos naman ay siguradong sa Alberto Mansion ang isusunod namin.

Tumunog ang cellphone ko kaya muli ko itong nilabas sa bulsa ng palda ko.

Amadeus:

Okey, anong oras ka uuwi?

Agad akong nagtipa para magreply sa kanya.

Milada:

Hindi pa 'ko sigurado.

"Hoy, Milada! Sinong ka-text mo diyan, ha?" mabilis kong ibinulsa ang cellphone ko at sinamaan ng tingin si Ulrim.

"Boyfriend ko bakit?" tumawa silang apat.

"Utot mo! Wala ka no'n!" si Ulrim dahilan para paulanan nila ako ng tukso.

Hindi naman nakakapikon ang mga sinasabi nila kaya nasasakyan ko naman. 

"Palibhasa kasi may naiwan ka sa Albancia. Pagbalik mo may boyfriend na 'yon!" asar ko pabalik. 

Natahimik siya at nagtaas ng kamay.

"May sumpa ang mga salita mo, Milada. Hindi na 'ko papalag!" tumawa ako ng malakas at siya naman ngayon ang tinukso.

Pag-uwi sa bahay ay hindi na ako nagulat na nandoon na naman si Mr. Payton. Kulang na lang talaga ay dito siya tumira at dalhin ang mga gamit nito. Binabad ko ang sarili ko sa social media at nakatulugan ko na lang 'yon.

Naalimpungatan lang ako dahil sa mahihinang katok sa pintuan ng kwarto ko. Kaya kahit antok pa ay bumangon ako para buksan 'yon.

"Tita?" antok kong sabi.

"Magdi-dinner na," tumango ako.

"Mag-aayos lang po ako." She smiled and left after.

Naghilamos lang ako at bumaba na rin agad. Nandoon si Mr. Payton at naglalagay ng mga plato. Nang makita niya ako ay matamis itong ngumiti sa akin at nagawa pa akong ipaghila ng upuan. I said thank you to him. Kahit kumakailan ko pa lang naman nakikilala si Mr. Payton ay alam kong mabait talaga siya. 

"Kumusta ang school, Milada?" si Mr. Payton.

"Ayos lang naman... po." Sabi ko. "Ikaw, kamusta ang panunuyo mo kay tita ko... po?" tumigil siya at ngumiti sa akin.

"I hurt her, Milada. And I think I deserved this kind of treatment from her. Even she allows me to visit her. To have a conversation and time with her... alam ko ang distansyang ginagawa niya. She's still hurting until now. And I can't invalidate her feelings." 

Dahil dalawa lang namin kami na narito pa sa kusina ay nasabi niya ito. Siguro kung nandito si Tita Kilari ay sasarilinin niya lang ito.

"Tita Kilari is a tough woman, Mr. Payton. She raised me. She take care of me like her own child. She never wanted me to get hurt. Kaya ngayon pa lang, Mr. Payton, kung sasaktan mo si tita ay hinding-hindi kita mapapatawad." Seryoso kong sabi.

"I know... I know that, Milada. Because until now... I can't forgive myself." Napatitig ako sa kanya.

"You had a past with my aunt, right?" hindi siya sumagot. 

Dumating si Tita Kilari at agad na kaming nagsimulang kumain. Pagkatapos kumain ay pumunta sa labas si Mr. Payton na sinundan naman ni Tita Kilari. Kalaunan ay tumunog na ang makina ng sasakyan pauwi. Sumilip ako sa bintana at nakita si Tita Kilari na nagpupunas ng luhang dumadaloy sa kanyang pisngi.

Bumuntong-hininga ako. Parehas silang nasasaktan. Iyon ang obserba ko ng makausap si Mr. Payton.

"Sige na, Milada!" bulong ni Cassie sa likod ko at pinapapunta sa upuan ni Amadeus.

"Teka lang kasi!" bulong ko sa kanya pabalik.

"Ang bagal mo! Akin na nga 'yan!" nanlaki ang mata ko sa ginawang pagkuha ni Cassie sa crochet na ginawa ko at mabilis na naglakad papunta sa puwesto ni Amadeus.

Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya para agawin 'yon at nagawa ko naman pero natulak niya ako kaya napaupo ako sa desk ni Amadeus. Nanatili na nasa ere ang kamay ko na hawak-hawak ang crochet. 

Nanlaki ang mata ni Cassie kaya agad akong tumingin sa ayos ko. Mabilis akong napatayo ng diretso at nahihiyang tumingin kay Amadeus. Tumingin siya sa kamay kong hawak ang crochet kaya itinago ko ito agad sa likuran ko.

"Sorry..." mabilis akong umalis doon at hinila si Cassie pabalik sa upuan namin.

Malakas ko siyang hinampas sa braso niya kaya humiyaw ito. Tumingin ang iilang kaklase sa amin kaya mabilis niyang tinakpan ang bibig.

"Ikaw kasi!" mahinang sabi ko sa kanya.

"O, bakit? Ang kupad mo kasi. Dapat within this week meron ka ng partner!" aniya.

"Mamaya na nga kasi! Nakakahiya na dito ko siya yayayain. Balak kong yayain siya kapag sabay kaming uuwi mamaya." Doon ko lang siya nakumbinsi at tinigilan na ako.

Dumating si Angel at ang mga kaibigan nito. Agad siyang naupo sa upuan niya katabi ni Amadeus. They chitchat at hindi talaga nawawala ang tingin ko sa kanila.

"Tayo na lang ang partner, Amadeus..." hindi 'yon mahina at hindi rin malakas. Sapat lang para marinig ng lahat sa loob ng classroom ang sinabi ni Angel.

Nanlamig ako dahil sa nangyari. I heard Cassie's gasped on the back. 

Nilingon siya ni Amadeus at hindi ko alam kung pumayag ba siya o hindi dahil saktong dumating ang teacher namin. Hanggang sa uwian ay parang nawalan na ako ng gana. Kinakausap ako ni Cassie at alam kong pinapagaan niya ang loob ko. 

Dapat ba na ginawa ko na kanina ang sinabi ni Cassie? Pero mas gusto ko kasi na pribado ko siyang kausapin. I sighed.

"Hindi pa naman siguro sinasagot ni Amadeus iyong tanong ni Angel. 'Wag ka ngang nega diyan." Saway sa'kin ni Cassie.

"Hindi naman..." mula sa labas ng gate ay nakita ko na si Amadeus na nakatayo roon. 

Bumaling ako sa mga kaibigan at mukhang nakuha na nila 'yon. Naglakad ako papunta kay Amadeus. He looked at me at parang hinihintay niya lang akong makarating sa kanya.

Ngumiti ako at nagsimula na kaming maglakad. Saglit ko siyang nilingon. Diretso lang naman ang tingin niya sa daan kaya naglakas loob na akong kausapin siya.

"Pumayag ka ba sa alok ni Angel?" doon ko na naagaw ang atensyon niya.

"What?" ngumuso ako.

"'Di ba, niyaya ka na niya na ikaw ang maging ka-date niya sa prom?" nangunot ang noo niya.

"I didn't..." nakagat ko ang aking ibabang labi at hindi na mapigilang mangiti. 

Nakita niya 'yon at hindi ko na rin naman maitago dahil nawala ang pangamba ko kanina. Akala ko ay pumayag na talaga siya sa alok ni Angel.

"So... wala ka pang partner?" puno ng pag-iingat kong tanong.

"Wala pa..." tumango-tango ako.

"Gusto mo ba?" tanong ko.

"Anong gusto ko?" balik niyang tanong.

Nagkatinginan kaming dalawa at parehas na natawa.

"Gusto mo ba ng partner?" tumaas ang gilid ng kanyang labi at parang namamangha pa.

"Ikaw? Do you want to?" I shrugged my shoulders.

"Kung gusto mo bakit hindi?" nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang sinabi. "I-I mean... kung gusto mo ang... ano..." 

Mahina siyang natawa at napahawak sa batok nito. Pinalobo ko ang pisngi ko dahil sa hiya. Nahihiya na ako sa mga galawan ko! Ganitong-ganito ako noon!

"Wala ka pa bang partner?" bigla niyang naitanong.

"Ah... wala..." tumango siya. "Ikaw?"

"Wala, Milada..." sagot niya.

Shit! Kakatanong mo lang kung wala siyang partner, Milada! Paulit-ulit ka? Unli?

Tumigil kaming dalawa dahil nakatigil pa ang pedestrian lane. Marami kaming kasabay pero pakiramdam ko ay si Amadeus lang ang taong nasa paligid ko. Lumingon siya sa akin. Nakakunot ang noo niya pero unti-unti rin nawala. He gave me a little smile.

"Can you be my date, Milada?" he sincerely asked me.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag. Napatitig ako sa kanya at hindi mapigilang mamangha sa kanya. Siya lang ang nakakagawa nito sa akin. Ang palakasin ang tibok ng puso ko. Ang pakabahin ako. Lahat-lahat. Simpleng pagkakagusto na lang ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya?

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 51.9K 30
BOOK COVER CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER! COMPLETED Rochelle Venice Perez, an ordinary woman with a normal life not until she got abducted and forc...
8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
197K 780 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...