THE EMISSARIES (Under Editing...

Par Ackrie_C

1.7K 805 1.1K

''The smartest among the wise, the genius among the geniuses, and the brightest among the brilliant.'' A... Plus

Disclaimer (Must read)
Chapter 1: Welcome
Chapter 2: Introduce
Chapter 3: Reason
Chapter 4: Clue
Chapter 5: User
Chapter 6: Stole
Chapter 7: Second chance
Chapter 8: Reward
Chapter 10: New team
Chapter 11: Matthew
Chapter 12: Fallen
Chapter 13: Maze
Chapter 14: Betrayal
Chapter 15: Left hour
Chapter 16: House
Chapter 17: Contrite
Chapter 18: Someone's view
Chapter 19: Intrepretation
Chapter 20: Coeus
Chapter 21: After him

Chapter 9: Top two

72 40 46
Par Ackrie_C

"Before we talk about the two remaining announcements. We will give you an hour to spend with your ex-teammates. And for you to pack your things.''

Kagaya ng dati, biglaan din ang paglalaho ng boses. Kasabay nito ay ang muling pagbukas ng mga pinto.

Ako ang pinaka malayo pero sa anumang dahilan, naunahan ko silang lahat.

Hindi ako tumatakbo pero mas mabalis pa dito ang aking pagalalakad. Pumasok ako at kaagad na dumiretso sa kwarto.

Nahiga ako at ibinaaon ang muka sa unan. Kung pwede lang sana ibaon din sa limot ang kahiya-hiyang bagay na ginawa ko....

Lalo akong nagtago sa unan nang unti-unting bumukas ang pintuan. Hindi ko nakita ang pumasok pero paniguradong si Reca iyon. Yeah, I understand it. You laugh can with all your heart.

"Bakit ba tumahimik kanina? Tapos may mga nagtawanan? Gannon ba sila kasama at pinagtawanan yung mga napaalis?'' Inosenteng tanong ni Reca.

Hindi ko alam kung iniinsulto lang ba ako ng babaing ito o sandyang tanga lang. Hindi ba niya nakita yung ginawa ko?

"Oo, masama talaga sila. Sinasabi ko saiyo, Reca. Kailangan mo silang kamuhian.'' Seryosong saad ko na walang bahid ng pangloloko habang natatakpan padin ang muka ng unan.

Bahagya ko siyang sinilip at disappointment ang kanyang muka habang umiiling. Wala ba talagang alam ito? O magaling lang talagang magsinungaling?

"Ang sasama nila.... May mga nasira ang pangarap pati narin ang buhay tapos ganoon nalang yung reaksiyon nila..... Parang hindi nila nauunawaan, katulad naman nila, sila.... Ganito pala lumaban sa Maven....'' Mahina niyang bulong ngunit dahil tahimik dito, ito ay narinig ko.

Malungkot siyang nakatingala upang ang mga nagbabantang luha ay hindi tumulo.

Gusto kong tumawa. Seryosong lula ang isang ito. Oh my, ang hirap pigilin ang tawa!

Parang magdudugo na yung labi ko dahil sa pagkagat para hindi matawa.

Umiling-iling naman ito para alisin ang mga iniisip at tumingin saakin.

"Pwedeng makita yung listahan mo?''

Bakit ba may mga taong nagtatanong kahit ginawa o ginagawa na nila yung itinanong nila? Kita mo si Reca, nagtanong kahit naghahalungkat na ng mga drawer.

Tumayo ako at binuksan ang secret drawer. Nakangisi ako at tinitingnan ang kanyang reaksiton habang ginagawa ito.

"P-paano mo nalaman na may ganyan!?''

Gulat na gulat siyang lumapit saakin. Itunulak panga niya ako para malapitan yung drawer.

"Bakit hindi mo sinabing may ganito!?'' Galit niyang tanong. Tumaas ang kilay ko dahil obvious naman yung sagot.

"Natural. Andiyan ho yung listahan ko kaya bakit ko naman sasabihing may ganiyan.'' Sarkastiko kong pagpapa-liwanag.

Tumango siya at napakamot sa ulo. "Pakita na.''

Inabot ko yung listahan at muli, napuno ng pagkagulat ang kanyang muka.

"Ikaw pala yung nagsulat sa pangaln ko!'' Sigaw niya habang nakaturo pa saakin.

"Paano mo nalaman ako yung nakalagay sa clue?'' Curious na tanong niya.

Nagsisinungaling naman ako na sa clue ko nakuha yung pangalan niya. Isa siya sa mga inin-bistigahan namin. Kaya nga nagdududa ako kung karapat-dapat ba talaga siya. Parang hindi siya magtatagal, uto-uto kasi.

"Secret.''

Wala akong maisip na kasinungalin, eh. Napabuntong hininga nalang siya bago tumalikod.

"Hindi ka paba mag-aayos ng gamit?'' Pagiiba niya ng usapan.

"Ah, mag-aayos nadin ako."

Nagsimula nadin akong magayos at ganoon nalang lumipas ang isang oras.

Pwedeng kunin yung mga gamit kaya dinala ni Reca or should I say Rebacca yung mga librong binabasa niya.

Lumabas na kami at naghihintay si Lit sa harap ng pinto namin na may malaking ngiti.

"Sino ba kasi yung naglagay ng pangalan mo?'' Mapang asar niyang tanong.

"Nako tumahimik ka kung ayaw mong masapak.'' Pagbabanta ko at inapakan ang kanyang paa.

"Ito na nga! Nagbibiro lang, eh. Wag kang matakit!''

Hindi ko siya pinansin at nagtungo nalang papalabas. Marami na din ang tao.

May nagsalita pero hindi yung lalaki. Pinalabas kami kasi doon daw sa ginanapan ng opening ceremony sasabihin yung dalawa pang announcement.

Nagtulakan at nagunahan sila sa paglabas. Hindi ako sumabay sakanila at hinintay silang makaalis lahat. Ako nalang ang natitira at rumarampa akong lumabas.

Papaano kami makakaakyat eh diba nahulog lang kami?

Nakatayo ako sa mismong lugar kung saan kami nahulog. Hindi ko matanaw yung itaas.

Bigla nalamang akong itinaas ng hangin. Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa sobrang bilis.

Buti nalang talaga at wala akong kasunod dahil naka dress ako at maikli talaga yung shorts na suot ko.

Itinapon ako ng hangin sa gilid. Nakasimangot kong pinagpagan ang aking damit at nagmartsa patungo sa labas. Nakaksilaw na liwanag ang bumungad saakin.

Buti namang talaga at naka coat ako. Ang lamig! Bakit ba ang hilig ng Maven sa malamig na panahon?

Puno ng hamog ang lugar pero maliwanag padin kaya't nagkakakitaan kami. Saktong naiapak ko ang dalawang paa sa labas ay ang malakas na pagsarado ng aking dinaanan.

Naglakad na ako papalapit sa iba. Walang pagpigil ng tawanna ang naganap. Hindi kasi nila alam na ako ang lumabas. Kahit naman maliwanag ay hindi mo maaninig ang muka ng iba.

"Listen everyone.'' Pagaanunsiyo ng lalaki na laging nagsasalita saamin.

"For the next challenge, you will be grouped again. You may find yourself with someone you already knew. And once again, we were the ones who will choose everyone's teammates.''

Nanatiling tahimik ang lahat. Ang tagal naman, ayaw kasing sabihin yung main point. Lalong lumalabig dito.

"Find the exit within the time limit that we will give you.''

So maze ang kailangan naming lagpasan. Swerte naman ng magiging teammates ko, sure win na. Hahaha, swerte lang sila kung hindi namin kailangang maglaban-labanan. Kundi malas sila, ako naging kagrupo nila.

"And for the last announcement. We will show the official ranking.''

Ito talaga ang pinaka hinihintay ko! Napalingon ako sa lahat. Mukang hindi lang ako ang naghintay sa oras na ito.

Hah! Ngayon ninyo ako pagtawanan! Ako na siguro.... Hindi! Ako talaga ang pang-una na ngayon!

May lumitaw na transparent na puting sulat sa itaas sa harap namin. Malaki ito, sobrang laki dahil nasakop nito ang buong pader. Gusto ko sanag hawakan pero masyadong mataas at tatagos lang din siguro yung kamay ko.

Ilang saglit nagsimula na maging malinaw ang sulat. Sapat na para mabasa namin. Unang luminaw ang baba papataas.

Wala ang pangalan ko na nagpasaya saakin. Ibig lang sabihin nito ay nasa mas mataas talaga ako! Bakit ko ba inisip na mababa ang magiging rank ko?

At finally! Nakita ko na ang aking pangalan!

Marin Seilah.

Oh, diba top one ako!........ Wait! Top two!? Bakit hindi ako yung top one!?

Muli kong tiningnan ang listahan at pangalawa talaga ako.

Sino yung taong nakadaig saakin? Sino paba, ang nagiisang Janice Yutsy.

"The ranking will change when the challenge ends.''

"Sandali lang. Maaari ninyo naman sabihin ang batayan kung papaano ninyo 'yan kinuha, hindi ba?'' Pagtatanong ng lalaki. Siguro siya yung Reign bayon? Kaboses kasi.''

"Base on your performance. Based on how you did, responded, learned, and solved the challenge.'' Mahinahon at mapangasar nitong sagot.

Bago pa makapag salita muli yung Reign ay inunahan na siya ng lalaki.

"We will give the top ten battle points. It will allow you to buy everything you want. May it be books, clothes, food, or anything. The tenth and eighth will receive 200 points.''

"The seventh and sixth will receive 500. And the fifth and third will have 800. And for the last two, Yutsy and Seilah will receive 1500 battle points.''

Yehey! Magkasinglaki lang kami.

"But for now. We needed all to rest for a bit.''

Lalong dumami ang mga hamog. Yung tipong mapapapikit ka dahil wala kanang makita at masakit na sa mata. Sobra na ang lamig. Ang ginaw, nakakaantok na.

Bwiset may halong gamot yung hamog!

Hindi ko malabanan ang antok. Bumibigat ang mata ko at hindi ko na kayang maimulat. Isa-isang nagsibaksakan ang lahat. At sumunod na ako. Ang sakit ng aking pagbaksak ngunit wala akong panahon upang indahin ito.

Hindi nagtagal ay unti-unti na akong nawalan ng abilidad upang panatilihin ang aking sariling, gising

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

828K 44.3K 88
VRMMORPG | TAGLISH | Unedited A Sci-fi/Fantasy Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ The life of a gamer is perfectly ordinary. Eat, game, sleep a...
209K 12K 59
TAGLISH | COMPLETED | A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Years after the first outbreak transpired, a mysterious virus occurred...
ZOMBREAK Par Angge

Science-Fiction

249K 12.7K 62
Vessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this t...
5.4M 165K 39
Maria Sigrid Ibarra has exceptional memory. She's already an achiever at such a young age, which is why she's sent to study at a prestigious Atlas U...