Our Song

rejmartinez

27.4K 2K 450

Aryanne Cruz grew up without a father by her side. Despite knowing how exactly it feels like, she still end u... Еще

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two (Arthur's POV)
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five (Wesley's POV)
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Epilogue

Chapter Twelve

779 55 8
rejmartinez

Chapter Twelve

Confused



"Lalo ka yatang gumaganda, Aryanne. Siguradong naaalagaan ka nang mabuti ni Attorney Arthur." ngumiti sa akin si Tita Joyce.

Napangiti nalang din ako. I always visit her ever since every chance I get... Kahit umalis na ako sa puder niya ay pinupuntahan ko pa rin si tita para dalawin at kumustahin. Nahirapan nga lang ako noong mga unang beses dahil hindi ako halos makaalis sa bahay ni Papa.

"Kumusta po kayo, tita?" I checked on her. Medyo matagal na rin simula noong huli ko siyang nadalaw. May kalayuan din kasi itong lugar at probinsya na. As soon as I learned driving through Arthur who taught me ay mas dinalasan ko na ang pagdalaw dalaw kay tita.

"Ayos lang naman ako, Aryanne." She smiled. Her wrinkles especially beside her eyes were showing. She aged.

I wanted to directly ask her about Wesley pero hindi na talaga namin napag-uusapan...

"Tita..." Humugot ako ng hininga. "Bakit hindi po kayo sumama noon kay Wesley? May nagsabi po sa 'kin na binalikan niya raw po kayo noon..."

Nanatili ang tingin sa akin ni Tita Joyce. I looked down.

"Ayaw ko kasing iwan itong bahay... Nandito lahat ng memories namin ni Wesley. Dito ako nagsimula kasama ang anak ko."

Nag-angat ako ng tingin kay Tita Joyce at nakita ko siyang nakangiti. Bahagya na rin akong ngumiti.

"Isa pa... Ayaw ko nang bumalik pa sa lugar na iyon." she said.

Tita Joyce told me about what really happened to her and Wesley's dad. Nagtatrabaho raw siya noon bilang teacher sa London nang makilala niya ang Papa ni Wesley... An English man who's parents hired tita to be his private tutor. Para kumita raw ng extra ay tinanggap ni tita ang trabaho. Pero nagkaroon sila ng relasyon. Mas bata rin kay tita iyong lalaki. The family threatened Tita Joyce. Kaya mabilis na siya noong umalis sa London at umuwi sa Pilipinas na buntis na sa kay Wesley. Hindi matanggap ng pamilya niya rito sa Pilipinas ang nagyari sa kaniyang pagkabuntis sa ibang bansa at pagkawalan ng trabaho lalo na ang Mama niya na namatay dala-dala ang kinahinatnan ni Tita Joyce. Tita was guilty and got traumatized of everything that had happened to her. At dito sa probinsyang ito siya nakapagsimula muli at napalaki si Wesley.

"Nag... kita na ba uli kayo ng anak ko, Aryanne?"

Tumingin ako kay tita at unti-unting tumango.

She sighed. "May ginagawa lang siyang movie rito sa bansa ngunit babalik din sa England. Inaayos na rin iyong problema sa kasama niya sa banda."

Marahan lang akong tumango kay tita.

We barely talked about Wesley every time I visit her. We usually only talk about me at kinukumusta lang namin ang isa't isa. She knew about Arthur after I told her at isang beses ko na rin nadala dito at napakilala sa kaniya ang boyfriend ko...

Tita Joyce was like a mother to me. Kahit nawala na si Mama ay nanatili siyang nandiyan para sa akin after all that happened.

Paalis na rin ako nang may marinig kaming dumating na sasakyan sa labas. Tumingin ako kay tita. Is she expecting a visitor today? "Tita, mukhang may tao po yata sa labas,"

Nakatingin sa akin si Tita Joyce. "Si Wesley siguro iyan..." ani tita.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad parang nagwawala ang puso ko sa kaba... "B-Buksan ko lang po ang pinto..." paalam ko kay tita.

Tumango siya at tinungo ko na iyon. I opened the door and it revealed Wesley. Agad nagtagpo ang mga mata namin. Mukhang hindi rin niya inaasahan na nandoon ako. "Uh, pasok ka..." Binukas ko ng malaki ang pinto.

Pumasok naman si Wesley. May nakita akong mga dala niya and I offered to help. Pero kaya na raw niya. Lumapit muna siya kay Tita Joyce para hagkan ang Mama niya. Nakita ko namang ngumiti si tita kaya bahagya na rin akong napangiti. Pagkatapos ay nagpaalam si Wesley na dadalhin muna ang mga dala niya sa kusina. Sumunod ako para matulungan siya kahit medyo nagdalawang-isip din ako.

"Uh, may dala rin akong groceries para kay tita..." I told him when I saw him watching the grocery bags that were already there. Although mas marami iyong groceries na dala niya. "Dito mo nalang ilagay," I helped him put everything on their right places—sa cupboard, sa ref...

Nang humarap ako galing sa ref ay nakaharap na rin sa akin si Wesley. "You come here often?" he asked me.

Marahan akong tumango.

He slowly nodded his head, too. "Thank you..."

Ilang sandaling nanatili ang tingin ko sa kaniya. He looked away and turned his attention to the grocery bags. After helping him in the kitchen, nagpaalam na rin ako kay Tita Joyce na mauuna na.

"Salamat sa pagbisita, Aryanne. Dumalaw ka uli, hija."

Tumango ako kay tita. "Opo, dadalaw po agad ako sa susunod." I told her which made her smile.

Napunta ang mga mata ko kay Wesley na lumabas na rin ng kitchen. Nagpaalam na rin ako sa kaniyang aalis. He only nodded his head.

I turned my back after and went straight to my waiting car outside.

We continued working on the recording of the song. Nandoon na rin ako habang ginagawa ang music video nina Wesley at Savannah. And I would look away every time they get a little too close to each other...

I knew I shouldn't feel that way. I can't understand myself, too. Iyong sa amin ni Wesley noon tapos na iyon... He has a life now and I have mine, too... I have work and I have Arthur. He's an amazing boyfriend—kind and loving. Walang kapintasan ang pinakita niya sa akin sa loob ng mga taon na magkasama kami. Kaya nga nagtiwala din agad ako sa kaniya.

Nakapanood din ako ng shooting ng movie nina Wesley. Kapag nasa station lang naman ako ay nakakapanood na rin ako kapag nasa studio lang din naman ang filming location. Madalas ay naaaya din ng mga kasamahan.

There's kissing scene... And I'd look away for I weirdly can't stand watching it. Naging mabilis ang mga pangyayari noon hanggang ngayon... Kaya siguro nabibigla pa rin ako...

"Ang ganda talaga ng chemistry nina Wesley at Savannah! 'Di ba, Aryanne?" baling sa akin ng isang staff na naging kaibigan ko na rin sa istasyon.

Bahagya lang akong ngumiti.

Kahit ang mga staff ay kinikilig sa tambalan nina Wesley at Savannah. Marami ang excited na makapanood ng movie nila. Ang dami na nilang fans. Marami ang nakasuporta sa kanilang dalawa.

"Sana ay matuluyan na rin sila kahit sa real life! Bagay na bagay talaga silang dalawa!" halos tumili pa ang isang assistant.

Pero tumahimik din kami nang magsimula na ang filming ng isang scene. Wesley, as the leading man, went closer to his leading lady, Savannah, and started kissing her... I saw how their lips touched. But I looked away and didn't watch the scene further.

I didn't know before that Wesley can also actually act. He's been good as I witnessed some of the filming scenes so far. May galing din pala siya sa pag-arte plus Savannah who's also a good actress... Or maybe it just all came out natural for the both of them. Kapag break minsan nakikita kong maayos na talaga ang pakikitungo nila sa isa't isa.

They would smile at each other even behind camera as if they truly understood each other already. I recalled the Wesley I grew up with in my memories. Hindi siya ganoon noon ka friendly sa ibang mga babae except Maxine at sa akin. But what do I know... People change... Wesley had changed. Or maybe how he treated me back then is how he's treating Savannah right now... Maybe she's also become important to him... Kaya nga smooth lang ang naging filming ng movie nila. Because they're already both comfortable with each other. Na hindi naman mabilis maging komportable noon si Wesley sa ibang babae lalo na kapag nalaman niyang nagkakagusto lang sa kaniya at hindi lang pagkakaibigan ang habol... And by the looks on Savannah's face every time she's with Wesley I knew she like him. Babae rin ako kaya alam ko... Siguro nga talagang hindi lang din basta katambal niya lang sa pelikula ang tingin ni Wesley kay Savannah Ortega.

Kahit si Justin ay mukhang malapit na rin kay Savannah... While he never talked to me again. I also missed my friends. Sila ang mga nakasama kong lumaki. Mukhang ganoon pa rin naman ang relasyon nila kay Wesley pero pagdating sa akin ay parang nagkalamat na.

Siguro ay dahil ako rin naman talaga ang pumutol sa communication ko sa kanila noon. I didn't really cut communications with my friends. Back then I was just going through a lot of things after Wesley left and I moved to my father and his family. I couldn't talk to my friends about it especially that they were busy with their lives, too. Si Justin na sumunod kay Wesley, and Maxine and Michael who were striving for their studies.

The filming took months kahit maiksi lang din ang movie kung ikukumpara sa iba. Naglabas na rin ng trailer at nilabas na rin iyong kanta namin ni Wesley. Marami ang kinilig sa music video. Pero marami rin ang nakapuna sa pamilyar ko nang boses sa mga nakarinig sa aking kumanta kahit sa social media. Kalaunan ay napangalanan na rin ako. People were aware that the song made for Wesley and Savannah's movie were sang by Wesley and another new singer that was me. People started praising me, too, for the music. Especially those who already knew me through my social platforms.

"People are asking for an interview from the both of you. For the good music." ani Sir Oliver na siyang tumatayong manager ni Wesley dito sa Pilipinas at para sa movie na ginawa.

Bumaling kami ni Wesley sa isa't isa at nagkatinginan. Nang bumaling muli kami kay Sir Oliver ay parehong unti-unting tumango.

"Good." Agad sinabi sa amin ni Sir Oliver ang tungkol sa mangyayaring interview.

So I and Wesley went to answer the said interview. Expected na rin naman namin ang mga tanungan kaya madali nalang iyon sagutin. Nag-usap lang din kami ni Wesley para sa guesting. He was nothing to me but just being a professional. Just for the work that involves us both.

Arthur also saw me on TV. When I went home one night he's unexpectedly already home early, too. Nauna pa nga siyang umuwi sa akin. Agad niya akong nilapitan nang makitang dumating. Sinalubong niya ako ng isang halik sa labi na hindi ko agad natugunan kaya saglit lang iyon.

"Art... You're home early?" I asked.

He nodded. "Congratulations! I saw the news and the people's comments on your performance. You did great, Aryanne." he said that with a smile.

Napangiti na rin ako. "Thank you, Art."

"I didn't know you're working with Wesley Rivera..." he said.

Nagkatinginan kami. He was busy with his work at their law firm at naging abala din ako sa nakuhang trabaho. We barely talked the past weeks... "Uh, yes, we were both busy..." I said.

He knew Wesley as my ex. Matagal na rin kami ni Art. I already trust him and told him enough stories about me. Ganoon din siya sa akin.

"Almost done with your work with him...?" he asked.

"Uh, natapos na kami sa recordings..." Sumunod ako sa kaniya sa dining area kung saan may nakahanda na rin siyang dinner para sa amin.

"After that... may ibang offers ka pa ba?" Art asked.

Marahan akong umiling...

Tumango si Art. "Maybe we can plan for our wedding this time?"

Nabigla ako sa sinabi niya. Tumingin din siya sa kamay ko na hindi pa rin sinusuot ang engagement ring na bigay niya. Pero alam naman niya ang rason ko na nabibigatan ako kapag suot ko iyon at baka mawala ko lang. "Uh, hindi ka na ba busy sa trabaho sa law firm ninyo?"

He shook his head. "I may always be busy, Aryanne. Sorry you're marrying a busy lawyer." He smiled at me. "But I can always make time for my love." Nilapitan niya ako at malambing akong niyakap at hinagkan.

Tahimik naman akong hinayaan siya. "I love you, Aryanne. I can't wait for us to be finally husband and wife. And then we can have children and build a family of our own." he said as if he can already picture his future with me.

And I tried to think the same. Pero nalungkot lang ako... Dahil hanggang ngayon parang hindi ko pa rin makita ang sarili ko sa hinaharap na gaya ng nakikita na ni Art. But I know what to do... I'm with Arthur now... Inangat ni Art ang tingin ko sa kaniya. "What do you think?" he asked me.

Unti-unti akong tumango at ngumiti ng tipid. Arthur smiled wider and hugged me more tightly.

Maybe I was just being confused. Hindi rin naman basta lang iyong pinagdaanan namin ni Wesley noon. And we weren't able to close that part between us properly. Siguro kung makakapag-usap kami ngayon ay masasara na ang nakaraan ng tuluyan and we can continue living our own different lives now without the past bothering us... And I can be with Arthur until the end... Like what I put in my mind when I said yes to his marriage proposal to me years ago.


Author's Note: Hello, readers! Updates will be every Tuesdays to Saturdays with Sundays and Mondays as my rest days from writing. No Updates meaning I cannot write because of busy schedules. Thank you!

Продолжить чтение

Вам также понравится

His Indecent Proposal: Lander Montenegro Jamille Fumah

Художественная проза

24.4M 712K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights) Ally

Художественная проза

5.2M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
ORGÁNOSI I: Broken Mask C.C.

Художественная проза

341K 25.9K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
1M 28.9K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...