South Boys #3: Serial Charmer

De JFstories

4.2M 246K 151K

She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks... Mais

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
The Final Chapter
Epilogue
V.I.

Chapter 1

153K 6.5K 4.7K
De JFstories

Simula...


KAPAG DAW MAGANDA, TANGA.


Totoo kaya iyon? Hindi naman siguro. Maganda kasi ako pero hindi naman ako tanga.


Kanina nga ay may fifty pesos ako, 'tapos bumili ako ng worth 12 pesos na bananacue, ang sukli sa akin ay 40. Kulang ng dos kaya nag-reklamo agad ako.


Teka, mali. Ang ibig kong sabihin ay hindi pala kulang kung hindi sobra ng dos ang sukli sa akin.


Tama ba? Sandali, mali pa rin. Ang ibig ko palang sabihin ay... Napakamot ako sa aking ulo. Ayoko na palang pakaisipin ang mga bagay na nangyari na dahil 'past is past'.


Anyway, balik tayo sa sabi-sabi na ang tanga raw ang magaganda. Sabi-sabi lang iyon at hindi talaga ako naniniwala. Di ba ang naniwala raw sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili.


Napanguso ako habang nakatingala sa madilim na kalangitan. Nakapangalumbaba ako sa terrace namin habang nag-iisip-isip. Ugali ko ito tuwing gabi bago matulog. Nakakatalino raw kasi ang pag-iisip. Dapat naman talaga ini-exercise ang utak para hindi nai-stuck.


Naisipan ko na magbilang na lang ng stars. Nakaka walo pa lang ako nang may sumitsit mula sa ibaba ng terrace. Yumuko ako at doon ay nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Nakatingala siya sa akin. 


Siya nga pala si Eli na kapitbahay, kinakapatid, at kababata ko. Mabait at guwapo naman siya kaya lang ay naaasar ako sa kanya dahil mahilig siyang mang-istorbo.


"Anong ginagawa mo?" tanong niya sa akin.


"Nagbibilang ng stars? Bakit ba?" nakasimangot na tanong ko sa kanya. Inistorbo niya ako sa pagbibilang.


Malamang na nag-over the bakod siya dahil bisyo niya na iyon. Mga bata pa lang kami ay tresspasser na siya sa bakuran namin. Kahit ang aso namin na si General ay kilala na siya. Imbes na tahulan siya ay dinidilaan na lang siya sa paa.


"May test bukas, nag-review ka na ba?" tanong niya sa akin habang nakatingala sa kinaroroonan ko.


"Test?" Napakurap ako. "May test?"


Nagsalubong ang mga kilay niya. "O di ba, di mo alam!"


May test ba? Hindi ko matandaan kung saang subject may test. Napaisip ako kung sino ang teacher na parehas kami. Magkaibang section kasi kami ni Eli, nasa section 2 siya habang ako ay nasa section 5—sa Grade 10-Mangga.


"Kay Mrs. Pagkaliwangan, Filipino subject!" pangunguna niya sa pag-iisip ko. "1-50! Kasama iyong kuwento na binasa kahapon!"


Natutop ko ang aking bibig. "Hala! Oo nga pala!"


Wala pa naman akong libro dahil hindi ako humingi. Nagpapa-photocopy lang ako dahil ayaw kong ng masyadong mabigat ang laman ng aking bag.


"Eli, may libro ka? Pahiram naman? O kaya pwede bang i-chat mo na lang sa akin ang pangalan ng mga characters sa kuwento?"



Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. "Paano ang kuwento? Ibu-buod ko rin ba pa-chat sa 'yo?"


Napatango-tango ako. Oo nga, mahirap nga naman kung ita-type niya iyon dahil mahaba. "O sige, Eli, i-voice message mo na lang para hindi ka mahirapan."


Napangiwi ang mga labi niya kahit madilim ay mapupula pa rin. "Seryoso ka?"


Hindi pa kami tapos mag-usap nang bumukas ang sliding door sa likuran ko. Lumabas mula roon ang panganay at nag-iisa kong kapatid na si Kuya Vien. Matanda sa akin ang lalaki ng dalawang taon.


"Vi, matulog ka na raw 'sabi ni Mommy!" sabi niya sa akin habang kinukusot ang kanyang mata. Mukhang tulog na siya at nagising lang.


"Kuya, kausap ko pa si Eli!"


Napayuko naman si Kuya Vien sa ilalim ng terrace. "Anak ng tinapa, Eli naman, oras na ng tulog ngayon mo pa naisipang manligaw!"


Hinampas ko si Kuya Vien sa balikat. "Hindi niya ako nililigawan!"


"Ku, kunwari pa kayo. Siguro magsyota na kayo!"


"Hindi, 'no!" todo tanggi naman ako dahil hindi ko naman talaga boyfriend si Eli.


Nakakainis naman na Eli na ito, ako lang ang todo tanggi rito samantalang siya ay ang tahimik sa ibaba. Parang tanga siya. Bakit kapag tinutukso kami ni Kuya Vien o kahit sino sa mga pamilya namin ay hindi man lang siya tumatanggi? Nakakainis siya. Ang sarap niyang sungtukin Adam's apple.


Pumasok na ako sa bahay namin. Naghintay ako ng chat na Eli tungkol sa test bukas. First subject sa amin ang Filipino kaya wala nang time kung bukas pa ako magbabasa.


Around 12 midnight nang mag-beep ang phone ko. Napangiti ako nang makita na kay Eli galing ang notification. Isinend niya nga sa akin ang pangalan ng mga characters sa kuwento. Hindi lang iyon, binuod niya rin ang pinaka-kuwento kaya no need na para sa akin na basahin pa iyon ng buo bukas sa libro. 


Sa tuwa ko ay pinaghahalikan ko ang screen ng phone ko. Binabasa ko na ang mga chat niya kaya lang ay bigla akong tinamaan ng antok. Naisipan ko na umidlip muna sandali. Sa kasamaang palad, napasarap ang idlip ko at nauwi sa mahimbing na pagtulog. Pagising ko ay mataas na ang sikat ng araw at binabayo na ni Kuya Vien ang pinto ng akong kuwarto.


"Hoy, Viviane Chanel, late ka na!" sigaw niya mula sa labas.


Napabalikwas ako ng bangon. "Hala!"


Muntik pa akong mangudngod sa sahig sa pagmamadali kong umalis sa kama. Nahila ko ang kumot at natapakan ko ito.


"Vi, bilis! Isasabay ka ni Daddy pa-motor! Pupunta siya sa Tejero ngayon, idadaan niya tayo sa school!"


Mabilis akong naligo at nagbihis. Hindi ko na nai-blower ang buhok ko dahil sa pagmamadali. Hindi na rin ako nakapagkilay at nakapag-crul ng pilikmata. Sinigurado ko na lang na may blush on ako sa pisngi at lip tint sa labi.


Paglabas ko ng kuwarto ay nakabihis na si Kuya Vien. Sa private school siya nag-aaral, sa Bethel Academe. Grade 12 siya. Kung bakit nasa private siya at ako ay nasa public lang, isa lang ang paliwanag: lalaki kasi siya.


Naniniwala ang parents namin na ang mga lalaki ang kailangang matalino at may mataas na pinag-aralan dahil sila ang bubuhay sa magiging pamilya nila kapag nag-asawa na. Ang mga babae naman daw ay tama na ang may pinag-aralan, ang importante ay marunong sa gawaing bahay at syempre, dapat palaging maganda.


Sabay kami ni Kuya Vien na bumaba sa sala. Nandoon na sina Mommy at Daddy na nagka-kape.


Nang mapatingin sa akin si Mommy ay napakunot agad ang noo niya. "Viviane, bakit may eyebags ka? Nagpuyat ka na naman? Saka bakit basa ang buhok mo? Hindi ka ba nag-blower? Paano 'yan, aangkas ka sa motor ng daddy mo, baka manigas ang buhok mo?"


Lumabi ako. "Late na po kasi akong nagising."


Lumapit si Daddy sa akin at inakbayan ako. "Hayaan mo, bunso, pag nakuha ko iyong porsyento ko sa ipinapabentang lupa ng ninong mo ay bibigyan kita ng pampa-hair treatment mo."


Kimi akong ngumiti kay Daddy. "Thank you po."


"Syempre, gusto ko na palaging maganda ang unica hija ko."


"Paano naman ako?" may pagtatampo sa boses na sabat ni Mommy. "Hindi mo ako ipapa-hair treatment, dear?"


Napangiti naman si Daddy. "Pwede bang hindi? Gusto ko rin syempre na hindi lang ang prinsesa ko ang maganda, pati na rin syempre ang reyna ko."


Tumayo si Mommy at nakiyakap sa amin. "Ay, I love you, dear! Best husband ever!"


Tikhim ni Kuya Vien ang nagpalingon kay Daddy sa pinto. "Syempre ibibili ko rin ng bagong cellphone ang binata ko."


"Late na si Vivi," nakasimangot na ani Kuya Vien na hindi man lang pinansin ang sinabi ni Daddy na ibibili siya ng bagong phone. "Wala na yatang pasok 'yan na hindi late."


"Ano naman kung late? Ang importante hindi absent!" natatawang sabat ni Mommy.


Inihatid na kami ni Mommy sa labas ng bahay. Binilinan niya si Daddy na dahan-dahan sa pagda-drive ng motor.


Hinarap ako ni Mommy pagkatapos. "Uwi ka nang maaga mamaya, Viviane. Darating si Kumareng Barbara, may dalang brochure ng Avon at Sophie Paris. Baka may magustuhan kang make up at bag."


"Ano na naman 'yan? Pagkakagastusan na naman?" sabat ni Kuya Vien.


"Ito namang binata ko, ang KJ!" Binatukan siya ni Daddy. "Hayaan mo nga ang mga 'yan, 'yan ang kaligayan nila, pakikialaman mo pa!"


Napakamot na lang ng ulo si Kuya Vien. Naiintindihan ko naman siya, pagdating kasi ng singilan na wala pang pangbayad ay siya ang pinahaharap ni Mommy sa mga maniningil.


Sumampa na kami sa motor. Malaki ang motor ni Daddy kaya kasya kaming tatlo. Ayaw ko sanang umangkas dahil alam ko na bawal ang marami sa motor pero wala akong magagawa sa desisyon ni Daddy. Inisip ko na lang na malapit lang naman ang school ko kaya mauuna akong bumaba sa kanila.


Sandali lang ay nasa Pinagtipunan na kami. Bumaba na ako at naiwan si Kuya Vien na angkas ni Daddy. Kumaway na ako sa kanila at naglakad na napunta sa kanto ng school.


Late na ako at nagsisimula na siguro ang klase. Kabadong-kabado na ako dahil ngayong unang subject pa naman ang test namin. Papunta ako sa gate nang matanaw ko si Eli sa tapat ng tindahan. Panay tingin niya sa suot niyang relong pambisig. Tila siya may hinihintay.


Kabababa lang ba niya sa tricycle? Late rin ba siya? Hindi naman siguro siya nakatambay lang doon mula kanina, di ba?


"Eli!" tawag ko sa kanya.


Nang mapatingin siya sa akin napatikhim siya. Umayos siya sa pagkakatayo. "Late ka na," kalmado bagamat seryoso ang boses na sabi niya.


"E ikaw, bakit nandito ka pa?"


Ang makinis niyang mukha ay bahagyang namula. Umiwas siya ng tingin sa akin. "M-may binili lang ako sa kanto. Papasok na rin ako..."


Bigla na siyang naunang maglakad sa akin bago ko pa siya matanong ulit.


Napanguso ako. Ang arte niya talaga kahit kailan. Sumunod na rin ako sa paglalakad.


Sa bukana lang ng papasok sa Grade 10 building ang room ni Eli habang ang sa akin ay sa bandang dulo pa. Parang ayaw niya pang pumasok sa room nila kung hindi lang siya nakita ng teacher nila.


Naglakad na rin ako papunta sa room namin. Sa paglalakad ko ay may ilang lalaking estudyante na nakapwesto sa bandang bintana ang humahabol ng tingin sa akin.


Sanay na ako na madalas na tinitingnan ng mga lalaki, pero hindi ako kumportable kapag sinisitsitan nila ako at minsan ay sinisipulan pa. Nababastusan ako pero ayaw ko ng gulo kaya imbes na sitahin sila ay pinipili ko na lamang ang manahimik.


Ang sumunod na room ay wala pang teacher kaya mas garapal ang pagpapapansin nila sa akin. Meron pa talagang isinisigaw ang pangalan ko. Napayuko na lang ako habang naglalakad.


Inihanda ko ang sarili na makarinig pa ng kung anu-ano nang bigla na lang maglaho ang mga boses. Wala na akong marinig maski sitsit at sipol. Nawala ang mga nagpapapansin sa akin. Ha? Anong nangyari?


Napaangat ako ng mukha para alamin kung bakit biglang tumahimik ang paligid. Sa paglingon ko ay nagulat ako nang makitang may kasabay na ako sa paglalakad.


Kinailangan ko pang tumingala dahil matangkad ang lalaking katabi ko. Isang lalaking bagamat guwapo ay napaka-seryoso ng ekspresyon ng mukha.


Kumiling ang aking ulo habang tinitingnan siya. Kilala ko siya dahil kaklase ko siya ngayon. Actually ay hindi lang kami ngayon naging magka-klase. Naging magkaklase na rin siya noong Grade 8 kami.


Ang pangalan niya ay sikat dahil maraming babaeng kaklase at maging hindi namin kaklase ang nagkakagusto sa kanya... Siya si Isaiah Gideon del Valle!


Pero bakit nasa labas din ngayon si Isaiah? Late rin ba siya?


Saka bakit ang kanyang mukha na sa pagkakatanda ko ay palaging nakangiti ay ngayo'y napaka-seryoso? Masama ba ang gising niya ngayong araw na ito?


Yumuko ulit ako habang naglalakad kami. Sinubukan ko na dumistansiya nang bahagya dahil naiilang ako, pero sa pasimpleng pag-usod ko ay sumunod na umusod din siya. Nagtatakang napatingin na naman tuloy ako sa kanya. Pero hindi naman siya nakatingin sa akin.


Bakit kaya hindi siya tumitingin sa akin? Ang totoo ay kaya ko natandaan ang pangalan niya dahil mula pa noong Grade 8 kami ay palagi ko na siyang nahuhuling ninanakawan ako ng tingin.


Kahit noong Grade 9 na hindi kami magkakalse ay madalas ko siyang napapansin na dumadaan sa room na kinaroroonan ko. Ilang beses ko siyang nakitang tumitingin sa akin.


Hindi naman na bago sa akin ang tingnan ako ng kahit sino kaya hindi na iyon big deal sa akin. Marami ang nagkakagusto sa akin pero hindi nga lang makalapit dahil iwas ako. Nakukuntento na lang ang iba sa pagbibigay sa akin ng love letters, gifts, and chocolates.


Sina Daddy, Kuya Vien, at Eli lang ang mga lalaking kinakausap ko. Ang mga ibang lalaking hindi ko kaanu-ano ay ni tapunan ng tingin ay kalabisan na para sa akin.


Nang malapit na kami ni Isaiah ng room namin ay sandali siyang sumulyap sa akin. Tinakpan niya ako at nanguna siyang pumasok sa pinto.


"Isaiah Gideon, saan ka na naman nanggaling?!" sigaw ng Filipino teacher na si Mrs. Pagkaliwangan. Ang guro din ang first subject teacher namin. Hindi ako napansin nito dahil nakatago ako sa likod ni Isaiah.


Si Isaiah naman na imbes yumuko at magdahan-dahan para hindi mapansin ng teacher ay slow motion pa na naglakad habang nakataas noo.  Bakit parang sinasadya niya talagang kunin ang atensyon ng teacher namin?


Sinamantala ko naman na nasa kanya ang atensyon ni Mrs. Pagkaliwangan. Patalilis akong dumaan sa gilid paikot sa row na kinaroroonan ng upuan ko—sa Row 4.


"Sorry, Ma'am, nag-jingle lang," sagot ni Isaiah na parang balewala kahit halos maglabasan na ang litid sa leeg ng teacher namin.


"Hindi ka nagpaalam! At ang tagal-tagal ng time niyo kanina, hindi mo pa naisipang mag-CR! Nagsisimula na ang test!"


Pagkarinig ay napatingin agad ako sa blackboard. Namilog ang mga mata ko nang makita ang mga manila paper na nakadikit doon; mga tanong iyon para sa 1-50 naming test!


Nang bumalik na si Isaiah sa upuan niya ay bahagya pa muna siyang sumulyap sa akin. Para bang inaalam niya kung nakarating na ba ako sa aking pwesto. Napakurap naman ako at agad na napayuko.


Thirty minutes na lang at matatapos na ang test namin pero ngayon pa lang ako magsisimula. Nanginginig ang mga kamay ko nang maglabas ng ballpen at one whole sheet of paper mula sa aking bag.


Nagsimula na akong magsagot. Unang tanong pa lang ay hindi ko na agad alam ang sagot. Kahit anong piga ko sa utak ko ay hindi ko talaga maalala iyong mga isinend na detalye sa akin ni Eli kagabi.


Tanong sa number 1: Dito umano naninirahan ang mga diyos at diyosa.


Ang mga pagpipilian:

A.Olympus

B. Canon

C. Kodak


Pikit-mata na lang na pinili ko ang Letter B. Pamilyar kasi iyong 'Canon' kaya siguro iyon ang tamang sagot.


May mga tanong pa kung ano raw ang uri ito ng kuwento, kung DAGLI, EPIKO, ALAMAT o MITOLOHIYA. Pakiramdam ko ay dumugo ang utak ko bago matapos ang multiple choices na 1-10.


Sa 11-15 ay hindi na multiple choices. Pipili na lang sa 'TIYAK' o 'DI TIYAK' na sagot. Dito ay hindi ako nahirapan dito dahil dalawa lang ang pagpipilian.


Sa pangalan ng mga characters naman ay nakasagot ako kahit paano. Marami akong nakabisado sa chat ni Eli. Ang pinakapaborito ko sa lahat ay Medussa, iyong may ahas sa ulo. Napaisip ako kung magkaano-ano kaya sila ni Valentina.


Dahil sa pag-iisip ay marami pa tuloy akong hindi nasagutan. Hindi ko natapos ang test pero pinag-pass the paper na kami. Nagpalitan ng mga papel ang magkakagabing row.


Napakurap ako nang mataong ang napuntang papel sa akin ay papel na pagmamay-ari ni Isaiah Gideon del Valle. May drawing pa ng robot sa taas ng papel niya. Ang pangit pati ng sulat niya, parang kinahig ng manok.


Ichineck ko ang mga sagot niya at nabuhayan ako ng loob nang makitang hindi rin pala niya nakumpletong nasagutan lahat. Ibig sabihin, hindi ako nag-iisa na hindi nakatapos sa test.


Kabado ako nang magsimula na kaming mag-check ng mga papel. Lahat kasi ng sagot ko parang mga mali. Kakaunti lang yata ang nakuha kong tama.


Napapakunot-noo naman ako habang nagch-check sa papel ni Isaiah. Number 15 na kasi pero wala pa rin siyang maling sagot.


Natapos na kaming mag-check at parang namamalik-mata pa rin ako sa papel ni Isaiah. Ilang beses kong pinakatitigan pero ganoon pa rin talaga ang itsura. Hanggang 30 lang sa 1-50 ang kanyang nasagutan, pero ang tama niyang sagot na nakuha ay 29. Isa lang ang mali niya!


Nang isa-isa ng tawagin ang mga pangalan ay yukong-yuko ako sa kinauupuan. Letter C kasi ang apelyido ko kaya isa ako sa unang matatawag.


"Contamina!" banggit ni Mrs. Pagkaliwangan sa apelyido ko.


Ang nasa kabilang row na nag-check sa papel ko ay si Asher James Prudente. "11!"


Lalo akong napayuko. 1-50 pero 11 lang ako.


Nang si Isaiah na ang tinawag ay napakaliit ng boses ko ng sabihin ang score niya. "Twenty-nine..."


Napatingin sa akin ang mga kaklase namin. Matapos magtawag ng pangalan ay ang highest namin ay ang aming top 1 na si Jillian Mae Herrera. 31 ang score ng babae.


Matamlay ako nang ibalik na ang mga papel. Hindi ako ang lowest pero isa ako sa pinakamababang nakuhang score.


Nalulungkot ako. Pag-alis ng teacher namin ay lumabas ako ng classroom para pumunta sa banyo. Sa aking paglalakad ay hindi ko namalayan na may kasunod ako.


Pagpasok sa banyo ay inilabas ko ang lip tint at mascara mula sa aking suot na school skirt. Nag-retouch ako ng lip tint at nag-mascara sa mata. Ang sabi ng mommy ko, kapag malungkot daw ay magpaganda lang para gumaan ang pakiramdam.


Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa sariling repleksyon. Mababa ang nakuha kong score sa test pero walang nagtangka na asarin ako. Siguro dahil sa sobrang tahimik ko kaya naiilang ang king mga nagiging kaklase na biruin ako.


Nagpakawala ulit ako ng paghinga bago nagpasya na bumalik na sa room namin. Paglabas ko ng banyo ay kusang napahinto ang katawan ko nang makita na may lalaking nakatayo sa tapat ng pinto.


Nakasandal siya sa pader na kaharap ko habang nakapamulsa sa suot niyang school slacks. Siya lang naman ang lalaking ginawa kong taguan kanina para hindi mapansin ng teacher namin na late akong dumating—Si Isaiah Gideon del Valle!


Anong ginagawa niya rito sa tapat ng banyo ng mga girls?!


Hindi pa ako nakaka-recover sa gulat nang umalis siya sa pagkakasandal sa pader at tumalikod sa akin. Walang salita na nagsimula na siyang maglakad paalis.


Nahihiwagaan man ay naglakad na rin ako pabalik sa room namin. Ayaw ko siyang kausapin dahil hindi nga ako nakikipagusap sa mga lalaki.


Mabagal ang mga lakad niya at ewan ko ba kung bakit mabagal din yata ang mga lakad ko. Hindi ko namalayan na nakamasid na pala ako sa kanya mula sa likuran. Ang aking paningin ay naglalakbay sa kanyang kabuuhan.


Matangkad talaga si Isaiah. Siguro ay hanggang balikat lang niya ako. Malinis at puting-puti ang suot niyang white polo, ang slacks pants naman niya ay malinis din at plantsado, okay na sana ang ayos niya kaya lang ay hindi siya naka-black shoes sa ibaba.


Napuna ko na hindi clean cut ang buhok niya, may silver siyang hikaw sa kaliwang tainga, at mahaba ang kuko niya sa kaliwang hinliliit na daliri.


Napangiwi ako habang nakasunod sa kanya. Guwapo sana siya, mukha ring mabango, ang kaso ay isa siya sa mga uri ng estudyante na maloko. Ang sabi ng daddy ko ay umiwas ako sa mga katulad ni Isaiah, mga ganitong klase raw kasi ang walang magandang kinabukasan. Iyong mga tipong sa future daw ay hindi kayang bumuhay ng pamilya.


Pagdating sa tapat ng pinto ng room namin ay tumigil siya sa paglalakad. Kung hindi pa ako agad napatigil din ay baka nangudngod na ako sa likuran niya.


Bigla siyang lumingon sa akin. Napahugot ako ng paghinga dahil ang bango niya—ang ibig kong sabihin ay dahil sobrang lapit niya. Hindi ako sanay na may ibang lalaki na ganito kalapit sa akin!


"Pasok ka na," sabi niya na nakangiti ang mapulang mga labi.


Napalunok at sandaling napatulala. Palangiti siya, maloko, at madalas ko siyang nakikitang masaya pero itong ngiti na ipinapakita niya sa akin ngayon, kakaiba ito at parang ngayon ko lamang nakita.


Napailing siya habang nangingiti lalo nang mapansin ang pagkakatulala ko.


Nang mahimasmasan ay mainit ang pisnging nag-iwas agad ako sa kanya ng paningin.


Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Isaiah. "Tama nga ang balita na slow ka."


Napamulagat ako sa sinabi niya. "Ha? Sinong slow?!"


"Ikaw."


Lalo akong nanggalaiti. "Ano kamo? Ang kapal ng mukha mo—"


"Slow ka, Vivi. Gusto mong malaman kung bakit?" Ang ngiti ni Isaiah ay unti-unting naging malambing dahilan para mamanhid ang utak ko.


Napalunok ako. "B-bakit..."


"Slow ka kasi napakatagal na... pero ngayon mo lang ako napansin."


JF

Continue lendo

Você também vai gostar

13.6M 387K 41
Macario Karangalan Sandoval
316K 8.5K 30
Boss Series #2 TREVOR: Her Boss' Broken Heart And Broken Leg Trevor felt like crap when his fiancee decided to broke off their upcoming wedding becau...
3.7K 138 62
Shaniya Montez, 26, isang dalagang may trauma na sa mga lalaki kaya naman takot makipagrelasyon. Isang breadwinner at nanggaling sa mapang-abusong pa...
206K 1.6K 11
Perfect boys only exist in books. Akala ko din eh. Hanggang isang araw dumating na lang si Nicolo Sandivan Monreal, the future first presidential son...