A White Warrior

By jeicelfajardo

265 69 0

Si Zafira Gabriella Brooks. Isang babaeng namuhay ng masaya at natural sa mundo ng mga tao. Isang kolehiyo na... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24

CHAPTER 17

8 3 0
By jeicelfajardo

Hindi niya pinansin ang lalaking panay ang tawa. Tila nasapian siya ng masamang ispirito.

"What do you want?" Puno ng awtoridad ang boses niya. Malayong malayo sa mapaglaro niyang ugali.

"Siya" sabay turo ng lalaki sa akin. Tinago ako ni Reynard sa kanyang likuran. Ayaw makitang nakatitig sa akin ang masamang lalaki.

"I'm sorry but we need to hurry up right now. Maybe next time I can lend her to you."

At sa isang iglap lang ay tinangay ako ng hangin. Kasama ni Reynard. Nakahawak ang kanyang tuka sa aking jacket.

"Woaaah" tili ko ng umikot siya sa himapapawid. Gagu nasa itaas pala ako.

"Relax, hindi ka mahuhulog. Huwag ka lang malikot" hindi ko nabosesan si Reynard. Tila kay seryoso niya ngayon.

Tinuran ko ang kanyang sinabi. I am so stiff. Ni hindi ko namalayang nakababa na kami.

Dinala niya ako sa isang malaking gubat. "Nasaan tayo?"

Pinagpag niya ang kanyang damit saka binalewala ako. Sinundan ko ang lakad niya at doon ko natantong isa itong cabin. May ilaw sa labas at triangle ang porma ng maliit na bahay. Nakabukas ang pintuan kaya tanaw ko ang nasa loob.

Isang maliit na lamesa. Dalawang upuan. Sa gilid nito ay sofa sa harap ng sofa ay tv at marami pang iba. 

"Pumasok ka na" malamig ang kanyang boses. Kaya napalingon ako sa kanya.

"Is everything cool?"

Walang emosyon siyang tumingin sa akin.

"Sa susunod huwag kang kikilos ng hindi naaayon sa plano"

"You really don't understand me"

"Stop that defense. You almost got..." Naputol ang kanyang sinabi ng may lumabas galing sa pintuan ng cabin.

And to my surprise it was Levi. Kung gaano ka lamig ang expression ni Reynard ay ganon doble ang lamig ng kanyang expression. Napalunok ako.

"Hindi ka papasok?" Sarkastiko niyang pagsasalita.

"Reynard..." Nilingon ko si Reynard ngunit nauna na siyang pumasok. Lalo akong napalunok. Naiwan ako sa labas. Si Levi din ay bumalik sa loob.

Dahan dahan akong pumasok at nahihiwagaan ako sa mga bagay na nakikita ko. Ang ganda.

"Thanks, bro." Levi.

Tinapik ni Levi si Reynard na nakapikit, nakasandal sa sofa.

Galing kay Reynard, napunta sa akin ang atensyon ni Levi. Alam kong galit sya. His expression tells me all of those.

"You really are so stubborn. Ang sakit mo sa ulo" nanliit ang mga mata niya na tila ba naiinis siya sa katigasan ng aking ulo.

"You really don't have an idea how dangerous that Mountain is. Umaalis ka ng walang paalam. Damn muntik ko ng mapatay lahat ng gwardya sa palasyo dahil sa pag alis mo"

"Bakit parang kasalanan ko pang demonyo ka pagdating sa mga gwardya nyo? Kung ang problema mo ay ang pag alis ko, sana hindi mo na lang ako pinapunta dito at hinayaang mamatay sa bundok na yun nang sa ganon ay hindi na sasakit ang ulo mo" kalmado kong sabi ngunit gusto ko ng pumutok.

"See? Ikaw na nga ang may kasalanan, ikaw pa ang may ganang mag galit galitan"

Fuck?

"Alam mo? Nakakaumay ka na. Pakawalan mo ako dito, at nang sa ganon wala ng masakit sa ulo niyo. Hayaan niyo akong mag lakbay dahil unang una buhay ko ito. Nanganganib ang pamilya ko."

Humakbang ako patalikod. Hinawakan niya ako ngunit tinabig ko lang ang kanyang kamay saka nagpatuloy sa pag lalakad. Lumabas ako at sa pangalawang pagkakataon ay muli akong tumakbo.

Hinubad ko ang damit ko. The second things I know, my wolf overcome me. We run until we catches our breathe.

Bumagal ang takbo ko ng naamoy si Levi. I blocked him in my mind. Nang naisipang magtago ay nagtago ako ngunit hindu naging tagumpay pagkat nakita niya lang din ako.

Mas lalo akong nainis. Hinarap ko siya. I growled in anger. And he whimpers. It hurts me. I know he's just worried of me but then can't he understand that my parents need to be rescued.

Naging tao siya ngunit nanatili akong lobo. Nagmamatigas.

"Let's go home" he brush my fur and kisses my cheeks. "Come with me"

"No"

"Please..."

"I said no. Umuwi kang mag isa. Hayaan mo ako at hahayaan kita sa buhay mo."

Napaatras siyang nasasaktan. Namumula ang mukha dahil siguro sa pag pigil ng kanyang galit sa akin. Nasasaktan akong matanaw iyon. Pero ang gawin ito para lang makita at maligtas ang mga magulang ko ay kakayanin ko ang sakit. Magsasama naman kami kapag mailigtas ko na ang lahat.

Dahan dahan siyang umatras at saka siya tumakbo sa lakas niya bilang bampira. Napabuntong hininga ako at nagsimula na ngang maglakad.

Sa aking paglalakbay ay hindi ko nga alam kung saan ko matatagpuan si Ina. Wala akong plano. Padalos dalos kasi kaya ayan.

Nang nagtagal ang paglakbay ay muli kong narinig ang kaluskos. Napahinto ako at pinakiramdaman ang paligid. Masangsang ang amoy ng paligid at alam ko na kung sino ito. Kung hindi ito ang lalaki dati ay kasamahan niya ito.

Mabilis akong nagtago, ngunit sadyang matalino nila pagkat nararamdaman ko na naman ang kanilang presensya.

"Magpakita ka na" kalmado kong sabi. Ngunit ihip ng hangin lamang ang nagparamdam.

"Alam kong nasa paligid ka lang. Magpakita ka na"

Biglang sumulpot ang isang babae sa aking harapan. Nakangiti siya na hindi mo kakitaan ng itim na ugali.

"Bilib parin ako sa talas ng pakiramdam mo, munting mandirigma" nakakaasra na ngayon ang kanyang ngiti na para bang nainsulto siya na madali ko siyang napakiramdaman.

"Pasensya ngunit sadyang halatado ang iyong presensya"

Tumaas ang gilid ng kanyang labi. Hindi ako natutuwa. Masyado palang maraming rebeldeng palaboy laboy sa bundok na ito.

"Alam ko ang hinahanap mo"

Natahimik ako. "Maaari kitang ihatid doon."

"At ano ang kapalit ng iyong tulong?"

Napa iling siya sa naging tugon ko.

"Ang makarating sa palasyo. Isa akong rebelde ngunit bihag ng lahi ko ang aking mga pamilya. Ginawa nila itong kawal, ang lalaki kong kapatid ay sinapilitang lumaban para kalabanin ang mga pinuno"

"Paanong naging kawal ang mga magulang mo gayong  pare-pareho kayong mga rebelde"

"Sa mundo namin ay pinipilit na maging mandirigma ang mga dukhang rebelde. Ang magkusang labanan ang pinuno ng mga rebelde ay buhay ng pamilya ang kapalit."

"Bakit hindi ka naging isang kawal...?"

"Nakatakas ako. Kailangan kong humingi ng tulong sa pinunong bampira para sugpain ang mga rebeldeng katulad nila. Rebelde ako– kami pero hindi ko rin kayang ibuwis ang aking pamilya, kaya kailangan namin silang kalabanin."

Natahimik ako. Rebelde siya sa dalawang panig. Kung iisipin ay mukhang panig siya sa amin, dahil sa ginawa ng mga kalahi niya sa kanyang pamilya.

Ang tanong, hindi ba ito kalokohan at isa sa kanilang panlilinlang?

Muli ko siyang tiningnan. Sa mata. Nakita ko ang sinseridad.

Moon Goddess. Please guide me.

Pumikit ako at isang tunog ng ibon ang narinig ko. Pamilyar ang kanyang amoy kaya alam ko na si Reynard ito.

Dumapo siya sa balikat ko at bigla biglang naging tao, nakaakbay sa akin.

"Reynard...."

"Nahanap kita"

Masaya ang kanyang mukhang nakatingin sa akin. Ngunit agad nagbago ang timpla ng kanyang mukha ng nakita kung sino ang kaharap ko.

Nanlaki ang kanyang mga mata na tila nakakita siya ng katakot takot na kalaban.

Continue Reading

You'll Also Like

43.8M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
15.9K 1.6K 19
a story of forbidden love ~ Excuse me ~ can I go for a ride ? - JJK Anytime baby~ -KTH I don't mean the bike -JJK I don't mean the bike either - KTH...
45.8K 5.2K 57
This book contains spoilers for all other books in The Regal Eclipse Pack Series. I highly recommend reading those books first. Kyra Remington is in...
603K 17.6K 57
*Warning - Contains 18+ Content* He holds my face firmly between two hands. "Sienna, I'm not going to have you for the first time one of Maren's gues...