Secret Glances

By viexamour

37.9K 847 68

Operation Series #1 M I L A D A Milada's heart has belonged to Amadeus since childhood. From the shy ten-year... More

Secret Glances
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Note, Amours

Kabanata 8

940 28 8
By viexamour

Tahimik kaming dalawa. Nasa katabing swing ko si Amadeus nakaupo at alam kong panakaw-nakaw siya ng tingin sa akin. Hindi na rin ako umiiyak pero ramdam ko naman ang pamumugto ng mata ko. He comforted me. At hindi ko makakalimutan ang gabing ito.

Tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking palda. Mabilis ko iyong kinuha para tingnan. May text na si Tita Kilari at hinahanap ako. Bumaling ako kay Amadeus at nakitang nakatingin na din sa akin.

"Hinahanap ka na?" tipid akong tumango.

"Uuwi na ako..." mahina kong sabi.

"Let's go then," sa pangalawang pagkakataon ay tango lang din ang naisagot ko.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Nakita niya kung paano ako umiyak dahil pakiramdam ko ay na disappoint ko siya.

"You're thinking it again, Milada..." lito ko siyang tiningnan. 

Hawak niya ang bag ko at paunahan niya itong suot-suot. Gusto ko sanang mag-protesta sa kanya kaso ay mukhang buo na ang desisyon niya na siya ang magbibitbit ng bag ko.

"Hindi naman..." mahina kong sabi.

"It's fine, mababawi mo naman 'yan." Aniya.

"Paano kung hindi na? Next year, grade 12 na tayo. Paano kung gano'n din ang mangyari? Paano kung tuluyan na akong bumagsak at maiiwan ako?" natatakot kong sabi.

Napatigil kami sa paglalakad. Madilim ang kalangitan pero mas madilim ang tingin ni Amadeus sa akin. Gumalaw ang kanyang adams apple at umigting naman ang kanyang panga. Hindi ko alam kung naiinis ba siya sa tanong ko o baka hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Oo't alam kong Calculus lang ang naging problema ko sa exam. Pero malakas ang higit no'n. 

"Gano'n ba kababa ang tingin mo sa sarili mo na hindi mo magagawa ang bagay na makaangat?" hindi ako sumagot. Hinarap niya ako ng tuluyan at ipinatong ang kanyang dalawang kamay sa balikat ko. Tanging ang bag ko na nakasabit sa kanyang balikat ang siyang gumagawa ng harang sa pagitan namin dalawa. "Hindi ka man magaling sa bagay na ito, but I know you have your hidden strength within you, Milada."

Nangilid muli ang luha sa mata ko. The way he said those words are full of gentleness. Suminghot ako.

"B-Bakit mo ba 'to ginagawa? Why are you helping me, Amadeus?" kahit namumuo pa ang luha sa mata ko ay tiningnan ko na siya ng diretso sa mga mata niya.

"Kailangan ba may rason para tulungan ka?" umiling ako. "I'm doing this because I know you needed it."

"Paano kung hindi ko naman pala talaga kailangan, Amadeus? What if I can stand on my own without anyone's help? What if... I don't need your words, huh?" suminghot akong muli.

"You'll needed it," umiling ako.

"You wouldn't understand..." I said.

"I'll understand. Whatever it takes, Milada." Mariin niyang sabi.

"Sagutin mo nga ako, Amadeus. What is this all about? Why did you suddenly talk to me? Bakit bigla kang lumapit? Bakit biglang ganito? Ha? I don't understand. I'm confused..."

Umiling-iling pa ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Unti-unti ay bumabalik sa akin ang mga sinabi ni Cassie. Na baka masaktan ako. Na baka hindi ko kayanin. But I want an answer from him. Matagal na kaming magkakilala. Pero sa nagdaang buwan ay napansin ko na nagiging malapit kami sa isa't-isa.

"I know you don't like my presence in the first place. You don't like me as a person. You hated me, Amadeus kahit hindi mo sabihin sa 'kin. I felt it. Kaya bakit ganito? Bakit ginugulo mo ang isipan ko?" 

"I never said that! Maybe yes, Milada. I once hated you. I hated you because after you confessed your feelings to me, you avoided me! Na parang hindi mo ako kilala. I tried, okay? I tried to talk to you, but what did you always do? You'll run away and suddenly out of my reach!" 

Nanlaki ang mata ko at nakalimutan na nasa daanan pa kaming dalawa. Taas baba ang kanyang dibdib at alam kong nailabas niya na siguro ang kinikimkim niya sa akin. Nagbaba ako ng tingin dahil sa malakas na bundol ng aking dibdib. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"I... I thought you and Angel are together! Masisisi mo ba ako? Ha?! I liked you very much, Amadeus! But after I found out that you and Angel are together na hindi naman pala totoo ay umatras na ako! I already gave up and yes! I runaway just to forget how much I like you!" hinihingal kong sigaw sa kanya. "Masisisi mo ba ako kung kahit kailan... hindi ka naman lumingon sa akin? What do you expect from me? Hindi ako manhid, Amadeus. Nasaktan ako..."

Umiwas ako ng tingin. Tiim-bagang siyang nakatingin sa akin. Parehas kaming natahimik na dalawa. Nauna akong maglakad at wala ng balak pang ungkatin ang nakaraan. Alam kong nabigla siya sa mga sinabi ko. It shouldn't be like this. Hindi dapat ganito ang pinag-usapan namin. Hindi dapat ganito...

Nang makarating sa tapat ng bahay ay saka ko lang siya tiningnan muli. Dahan-dahan niyang hinubad ang bag ko at inabot sa akin. Hindi nawawala ang titig niya at pagkakakunot ng kanyang noo. Bumuntong-hininga ako at nagpasya na sa desisyon ko.

"I'm sorry to burst out everything from the past. I'm sincerely thankful for your effort to teach me and tutor me, Amadeus. I deeply appreciated it. And sorry again... hindi na dapat naungkat 'yon. Sa panahon na 'yon ay parehas pa tayong bata at hindi pa mas'yado gamay ang ganoong sitwasyon. Sorry..." hindi siya nagsalita.

Mas lalong kumunot ang noo niya sa mga sinabi ko. I'm saying this at least to say goodbye to him. Gugustuhin ko pa rin siya at hindi na yata mawawala 'yon. But I decided to finally avoid him. Not because I wanted to forget my feelings for him, but to limit myself and avoid to assume things that shouldn't supposed to be.

"Thank you and have a good night, Amadeus..." unti-unti akong tumalikod at tuluyan ng pumasok sa bahay.

Pagpasok ko ay si Tita Kilari ay nasa sala at nanonood ng movie. Lumingon siya sa'kin at napaayos ng upo sa sofa. Mapait akong ngumiti at pabagsak na naupo rin.

"Anong problema?" malambing niyang tanong at umusog palapit sa akin.

Hinaplos niya ang buhok ko at bahagya pa itong sinuklay gamit ang kanyang nga daliri sa kamay.

"Tita, gustong-gusto ko po si Amadeus... pero bakit po ang hirap-hirap?" natigilan siya ngunit lumamlam ang matang nakatitig sa akin.

"May hadlang ba sa inyong dalawa? Babae? O kahit ano?" umiling ako.

Sa totoo lang ay wala naman akong nakikitang hadlang. It's just that I know it is one sided. Ako lang ang may gusto sa kanya. Ang may nararamdaman. Ang laging nagbibigay ng mga palihim na tingin.

"Nag-usap kayo?" tumango ako.

"Napag-usapan po namin ang tungkol sa pag-amin ko sa kanya noon. Mukha po siyang galit. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang reaksyon niya. Baka nasaktan ko ang ego niya o baka may iba pang dahilan..." malungkot kong sabi.

"Maybe you should two talk properly. Mukhang hindi naman naging maganda ang pag-uusap niyo, e." 

Natapos ang gabi ko na hindi maalis sa isip ko ang nangyari. At dahil hindi ako makatulog ay puro pagso-social media lang ang inatupag ko. Wala rin naman pasok bukas kaya ayos lang. Nakita kong online rin si Cassie sa Instagram kaya agad akong nag-message sa kanya.

@Milada_Yamamoto: I'm sad :'(

@_CassandraMontimer: O? Bakit ka sad? 

Natawa ako ng mahina at bumangon mula sa pagkakaupo ko sa kama. Lumakad ako palapit sa balkonahe at naupo sa recliner chair doon.

@Milada_Yamamoto: Amadeus and I talk about the past. Nagalit ko ata?

@_CassandraMontimer: Really?! Anong nangyari? Can I call? May ginagawa ka ba?

I smiled.

@Milada_Yamamoto: Wala naman. Hindi lang ako makatulog kaya online pa rin ako hanggang ngayon.

@_CassandraMontimer: I'll call!

Hindi naman nagtagal ay ang registered number ni Cassie ang lumitaw sa screen ng cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot at narinig ko ang kanyang paghinga at excitement.

[What did he said, Milada? Paanong galit ba ang tinutukoy mo? As in galit na galit?]

"I can't explain it, Cassie. He said that he hate me because after I confessed to him ay nilayuan ko siya. Ewan ko ba, hindi ko maintindihan." 

Tili niya ang pumaibabaw sa pagitan ng tawag at parang masaya siya.

[You know, ayaw kitang masaktan, right? But this, Milada! I think he got offended kasi nga naman umamin ka tapos pagkatapos ay umakto ka na parang walang nangyari! Oh my goodness, Milada!]

"I don't want to assume things, Cassie. That's impossible."

[Walang imposible sa taong may nagugustuhan. I think, Amadeus moving now!]

Umismid ako.

"Hindi 'yon, Cassie..."

[What will you do if tama ako? What if gano'n nga? Anong magiging reaksyon mo?]

Sunod-sunod niyang tanong at para na akong mababaliw dahil pinag-ooverthink niya ako! Nagdesisyon na nga akong iiwasan ko siya ulit. But this witch clouding my mind again!

"Hindi nga, Cassie. Imposible 'yon!" 

Humalakhak siya at parang natutuwa pa sa nagiging reaksyon ko ngayon.

[Pasalamat ka at nasa Albancia ako ngayon at wala diyan sa Biñan. Dahil kung hindi ay pupuntahan talaga kita para mapag-usapan natin 'yan. Gosh, Milada! May pagkamanhid ka rin pala!]

Muli siyang humalakhak kaya natawa na lang din ako habang naiiling.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," tipid kong sabi at kinagat ang ibabang labi ko.

Natapos ang usapan namin dalawa at nagpasya na rin akong matulog pagkatapos ko magpost ng selfie ko sa Instagram.

Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising dahil sa pagpupuyat ko kagabi. Wala si Tita Kilari at may note lang na nakadikit sa ref na pumasok na siya sa trabaho. Wala naman akong gagawin ngayong araw kundi ang humilata. Nanood akong movie sa Netflix at pagkatapos ay kumain na para sa tanghalian.

Pagkahapon ay bigla kong gustong kumain ng buko pie kaya nagpalit muna ako ng damit at nagpasyang pumunta sa Biñan bayan para roon bumili.

Pagdating ay agad na hinanap ko ang shop na pinagbibilihan ko lagi. Dumaan din muna ako sa milktea shop para may inumin din ako. Pero sana ay sa ibang shop na lang ako pumunta dahil sa bungad pa lang ay nakita ko na ang grupo nila Amadeus. Kitang-kita ko kung paano siya bumaling sa akin. 

Napatingin na rin tuloy ang mga kaibigan niya kaya nag-iwas na lang ako ng tingin at dumiretso sa counter. Katabi niya si Angel. Tama lang na hindi ako magpaapekto sa mga sinasabi ni Cassie. Hinding-hindi ako magugustuhan ni Amadeus dahil sigurado naman akong hindi niya ideal type ang mga katulad ko.

"Thank you, Ma'am!" masayang sabi sa akin ng crew kaya ngumiti lang ako.

Palabas na sana ako ng tawagin ako ng isa sa mga kaibigan nila. And found out that it was Aiden. I smiled and waved my hands a little.

"Tara, Milada! Dito ka muna," pag-aya niya.

Umiling ako.

"Hindi na, uuwi rin talaga ako. Bumili lang akong pagkain kasi nagutom ako." Sabay taas ng box ng buko pie kasama ang milktea na binili ko.

"Oh... okey," aniya at nilingon si Amadeus na nakataas ang isang kilay at madilim ang tingin sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko makayanan na tingnan siya sa mga mata kung ganoon na mukha nga siyang galit. Baka ayaw niya ng presensya ko dahil naiistorbo ko sila.

"Ah, sige! Alis na ako, enjoy!" kumaway na ako at dire-diretsong lumabas ng milktea shop.

Mabilis ang lakad ko paalis at agad na sumakay ako sa jeep pauwi sa bahay. Tahip-tahip ko ang aking dibdib ng makauwi at agad na nilatag ang mga pagkain sa center table at nagbukas muli ng TV para manood ng movies.

Bakit ba gano'n siya makatingin? Noong una naman ay malamlam lang. O dahil sa nangyari sa usapan namin kagabi?

Nang magpasukan na ulit ay talagang inagahan ko ang pasok ko para hindi kami magkasabay sa pagpasok ni Amadeus. Pagdating sa classroom ay sinalubong naman ako ng mga katanungan ni Cassie pero hindi ko na siya nasagot dahil halos magkasunod lang kaming dumating ni Amadeus.

Wala akong ginawa buong araw kundi ang iwasan siya. Hindi ko alam kung napapansin niya ba 'yon o wala talaga siyang pakialam. Hanggang sa mahigit isang linggo na ang nakalipas ay laging gano'n ang naging routine ko. 

"Alam mo para ka ng tanga, Milada." Nilingon ko si Cassie.

"Huh?" naguguluhan kong tanong.

"Iwas ka ng iwas pero nakaw ka naman ng nakaw ng tingin. Sino ba ang niloloko mo rito? Ang sarili mo o ang sarili mo?" nag-iwas ako ng tingin at umayos ng tayo.

"Iisa lang naman ang choices mo," angil ko.

Flag ceremony namin ngayong umaga at tuwing Lunes lang 'yon ginagawa. Late ako kaya nasa dulo ako ng pila. Si Cassie naman ay nasa unahan kanina pero ng makita ako ay tuwang-tuwa na sumunod sa akin.

"Gusto ko siya, Cassie." Umirap ito.

"Alam ko! Pero ano pang saysay ng pag-iwas mo kung panay sulyap ka naman diyan. Para kang stalker. Kapag nakatingin sa 'yo at nandyan siya sa paligid ay para kang uod na binudburan ng asin. Todo iwas at takbo. Kapag wala naman sa paningin mo ay hinahanap-hanap mo. Ano ba talaga, Milada?"

Ngumuso ako sa kanya.

"Ayaw ko lang naman maging kumplikado ang lahat, Cassie..."

"Mas lalo lang nagiging kumplikado dahil panay iwas ka!" bulong niya sa'kin.

Hindi na ako sumagot at nang matapos ang flag ceremony ay kanya-kanya nang alis para pumunta sa mga classrooms. Pagdating ay hindi ako nag-angat ng tingin sa takot na baka magtama ang mga mata namin ni Amadeus.

"Milada!" kumaway ako sa tatlong lalaking kaibigan. 

Nang makita si Radin ay napangisi ako at tumakbo para yakapin siya. Humalakhak naman ito at hinaplos ang buhok ko. Mahina kong sinuntok ang braso niya. Isang linggo kasi itong nawala dahil bumalik sa Albancia. Mukhang may inasikaso roon.

"Ganyan mo 'ko ka-miss?" umirap ako sa tanong niya at niyakap siyang muli.

"Ay! Si Milada lang?" akmang yayakap na si Cassie kay Radin ng mabilis siyang harangan ni Ulrid at Ulrim.

"Woah! Kailan pa kayo naging possesive sa pinsan niyo?" natatawa kong puna. Sumimangot lang ang dalawa at walang sinabi.

Sabay-sabay kaming nag-lunch at sa dating tambayan kami pumwesto. 

"Anong ginawa mo sa Albancia, Radin?" tanong ko at nginunguya ang pagkain na bagong subo ko lang.

"Our family business," ngumiti ako.

"You mean your hacienda?" tumango siya. Bumaling ako kila Ulrim at Ulrid. "'Di ba may hacienda rin kayo? Pangarap kong makapunta diyan sa Albancia. Rinig kong maraming kabayo!" sabi ko.

"Marami talaga, Milada. And marami rin falls na puwedeng paliguan doon. Kapag nakapunta ka ay ipapasyal kita roon." Ani Cassie.

Tumango-tango ako.

"Malayo ba ang Albancia?" tumango sila. "E 'di maputik doon?" 

"Oo na medyo hindi. Dipende sa lugar or sa pupuntahan mo. Kapag papuntang mga hacienda ay talagang mabasa ang lupa." Si Ulrid.

"Oh, okey!" masaya kong sabi.

Kuryoso talaga ako sa Albancia. Silang apat ay originally na nakatira roon at dito lang nag-aral sa Laguna. Si Cassie lang ang nauna dito dahil siguro sa nangyari sa ate niya kaya nandito siya ngayon.

Bumalik kami sa classroom at natagpuan doon ang umiiyak na si Angel. Wala si Amadeus kaya nagtataka ako kung bakit ito umiiyak. Tiningnan ko ang mga babae niyang kaibigan pero isang masamang tingin ang binigay nila sa akin.

"Hoy! Bakit kayo ganyan makatingin, ha?" hinawakan ko ka agad ang braso ni Cassie.

"Cassie..." pigil ko.

"Mang-aagaw!" nanlaki ang mata ko sa pinaratang sa akin ni Ferna. 

Ako? Mang-aagaw?

"Huh?! Si Milada mang-aagaw?" tumawa ng parang mangkukulam si Cassie at tiningnan ng pang-uuyam ang mga ito.

Tatlong babae ang nakapalibot kay Angel na para bang pino-protektahan ito. Gusto kong sabihan siya na bakit ako nadadamay sa kung anong problema niya? At mang-aagaw ako? Kailan pa? Wala akong naaalala na may lalaki akong nilapitan para maka-relasyon.

"This girl is a bitch! Inagaw niya si Amadeus kay Angel. Kaya ngayon umiiyak si Angel dahil sa kanya!" Jessie said.

Nag-init ang buo kong mukha ng ang iba kong mga kaklase ay tumingin sa direksyon ko.

"Wala akong inagaw. Really, Angel? Sinabi na ni Amadeus na wala namang kayo, ah? Ano 'to? Bakit na naman ako nadamay?" naiinis kong tanong.

Hindi ako mabait at kaunti na lang ay makikipagsabunutan na talaga ako sa apat na mga bruha na 'to. Marunong akong depensahan ang sarili ko kahit pa mag-isa ako. Pero nasa school kami at hindi 'yon magandang halimbawa.

"We are! Kung hindi ka lang kasi papansin sa kanya!" pagak akong natawa at napahawak pa sa dibdib ko dahil sa kahibangan niya.

"Alam mo... kung nahihirapan ka kay Amadeus ay 'wag mo akong idamay. Hindi ko alam ang sinasabi mo. We all know that in the first place ay wala naman talagang kayo. Ano bang ipinaglalaban mo sa laban na wala naman talaga?" sarkastiko kong sabi.

Umiyak na siya at doon na alarma ang mga kaibigan niya.

"Mang-aagaw! Malandi ka!" sigaw muli ni Ferna.

"I'm not. Mas'yado akong maganda para maging malandi." I'm not bothered dahil totoo naman talaga na hindi ako ganoong tao.

"F-Ferna..." humagulgol si Angel sa mga kaibigan. 

"Hindi namin 'to palalampasin!" sigaw ni Jian at mabilis na nahila ang buhok ko.

Rinig ko ang tili ni Cassie kasama ang iilang kaklase. Tatlo sila isa lang ako pero kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.

Kahit nanlalabo ang mata ko dahil nakahawak si Ferna at Jian sa buhok ay nakita kong nakikipagsabunutan din si Jessie kay Cassie. 

Fuck this! Nadamay pa ang bruha!

Malakas nila akong tinulak at tumama ang likod ko sa mga silya na bakal. Masakit 'yon pero hindi ko ininda. May mga pumigil sa amin pero may iilang din na nadamay. 

"Angel, halika rito!" sigaw ni Ferna. Hawak nilang dalawa ang braso ko.

"Gumanti ka!" sigaw ni Jian.

Ramdam kong putok na ang labi ko at gulo-gulo na rin ang buhok at uniform ko.

Tumayo si Angel mula sa upuan at nandoon pa rin ang kanyang luha. Punong-puno ng galit ang kanyang mata. Umirap ako at sinamaan din siya ng tingin.

Isang malakas na sampal ang nakuha ko sa kanya. Ano bang kasalanan ko sa babaeng 'to? Kung may problema siya kay Amadeus ay kay Amadeus niya ibuntong hindi sa akin. 

"I hate you, Milada..." hindi ako sumagot.

Binitawan nila akong dalawa. Hindi ko sila pinansin at dumiretso kay Cassie na nakikipagsabunutan pa rin kay Jessie. Hinawi ko si Jessie at tinulungan makatayo ang kaibigan. Pero bago mangyari 'yon ay may kamay na naman na humawak sa buhok ko. Napapikit ako dahil sa sakit at hapdi na ng anit ko.

Naputol na ang pisi ng pasensya ko at mabilis na humarap at nakitang si Angel pala 'yon. Sinabunutan ko siya pabalik at wala na ni isang umaawat sa amin.

"Go, Milada!" I heard Cassie giggled.

Gigil na gigil si Angel na hindi ko akalain na kaya niyang gawin. Gumanti ako at pinapantayan ang paghila niya sa buhok ko. She tried to punch me pero may kamay na pumigil sa kanya. Mga braso na pumaikot sa baywang ko at pilit na nilalayo ako kay Angel. 

Hinihingal ako ngunit alam kong nagbabaga na ang mga mata ko ngayon dahil sa galit, inis at frustration na nararamdaman. 

"Shh... that's enough," mainit na hininga ang lumapat sa tainga ko. At kilala ko na agad kung kaninong boses 'yon.

Nanatili ang braso niyang nakaikot sa baywang ko. Naramdaman kong umangat ako kanina. Siguro sinubukan niya akong buhatin para tuluyang makalayo kay Angel.

Hinarap ko siya at hinawi ang kanyang braso pero nanatili pa rin doon. Walang balak tanggalin na para bang susugurin ko ulit si Angel.

"'Wag ka mag-alala. Hindi ko na sasaktan ang girlfriend mo." Mapait kong sabi.

Hindi siya nagsalita at pinagmamasdan lang ang buong mukha ko. Kunot ang noo at nagtiim-bagang.

"What's the meaning of this?! All of the students involved go to the guidance office!" 

Mariin akong pumikit at tuluyan ng hinawi ang braso ni Amadeus at dire-diretsong lumabas ng classroom.

"Ano na naman ba ang kalokohang pinasok mo, Ms. Yamamoto? Alam mo ba na masamang manakit ng kapwa mo estudyante?" hindi ako sumagot.

Alam ko naman, e. Ako ang magmumukhang masama rito. Si Angel ay isang anghel sa paningin nila kaya hindi nila iisipin na ito pa ang unang nanakit sa akin.

"Ms. Yamamoto! Kinakausap kita!" 

Nag-angat ako ng tingin ngunit ang mata ni Amadeus ang agad na nasalubong ko. He looks worried. Pero imposible 'yon.

"I'm sorry, po..." sabi ko at agad na nag-iwas ng tingin.

Mabilis na nagprotesta si Cassie.

"Ma'am, hindi po kami ang nauna. Ang grupo nila Angel 'yon! Sinugod nila si Milada at tinulak sa mga upuan! Sinabunutan! Pinagtulungan nila!" hinawakan ko si Cassie para paupuin. "Sa bagay, mas paniniwalaan niyo nga naman ang taong mukhang mabait pero demonyo naman!" 

Narinig ko ang hikbi ni Angel pero wala akong nilingon na kahit sino sa kanila. Si Aiden at Amadeus ay nasa gilid ni Mrs. Ochoa. Si Ferna, Jian at Jessie naman ay tahimik lang din kaharap namin. Wala man lang silang kagalos-galos samantalang ako ay putok ang gilid ng labi at may mga kalmot din mula sa kanila.

"Ms. Montimer, can you please calm down?" si Mrs. Ochoa.

"Hindi po kami ang nagsimula, Ma'am! They insult Milada and called names!" pumikit ako ng mariin. "Hindi kami ang nauna sila 'yon!" 

Sabay turo niya kila Angel. I'm tired physically and emotionally. Gusto ko rin umiyak pero pinatatag ko ang sarili ko. I don't want to look weak in front of them. Ako ang na agrabyado dito. Wala akong ginawa sa kanila para saktan ako ng ganito. I just defended myself. Prinotektahan ko lang ang sarili ko. 

"What will be the consequences of my actions, Ma'am?" tanong ko.

Alam kong lahat sila ay bumaling sa akin. Pero tatanggapin ko na lang ang parusa kaysa lumala pa. Hindi na rin ako nag-eexpect na humingi sila ng tawad sa akin. Halata naman sa mga mukha nila na gusto ako idiin para ako ang makakuha ng parusa.

"Ms. Reyes, I know that you're one of the student council pero sumuway ka rin sa patakaran ng school. Kahit sino pa sa inyo ang nauna ay hindi mababago na gumawa kayo ng gulo. You hurted each other for what? Is this about academic or other agendas? O baka naman sa lalaki?" walang sumagot sa amin.

"She accused Milada, Ma'am!" 

"Cassie, stop it!" hinawakan ko siyang muli dahil alam kong hindi ito titigil hangga't hindi nalilinis ang pangalan ko.

Natapos ang pagkaka-guidance sa amin na mabigat ang loob ko. Another community service for the two of us. Pero ang grupo nila Angel ay suspended. Hindi ko alam kung paanong nangyari 'yon. Dapat ay suspended din ako pero naging community service na lang. Mas'yadong big deal sa school ang mga ganitong gulo kaya hindi ko masisisi si Mrs. Ochoa kung gano'n ang ginawa niya.

"Ang hapdi ng anit ko buwesit na mga bruha 'yon!" si Cassie habang sinusuklay ang kanyang buhok. Nag-aabang ng driver nila.

"Bakit ka ba kasi nakisali pa?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"S'yempre naman reresbakan kita! Tingnan mo nga iyang mukha mo. Putok ang gilid ng labi mo tapos may mga sugat ka pa! Ikaw ang napuruhan, Milada!" bumuntong-hininga ako.

Dumating ang driver niya at nag-insist pa na ihatid ako sa amin. Pero tumanggi na ako dahil kaya ko naman umuwi mag-isa. Hindi rin ako diretso sa bahay. Pupunta ulit ako sa play ground para magpalipas ng oras at ayusin ang sarili.

Alam ko ang magiging reaksyon ni Tita Kilari kapag nakita niya ang itsura ko. Pupunta 'yon sa school at baka magkaroon pa ng eksena. Protective pa naman si Tita Kilari pagdating sa akin.

I sighed. 

Naupo ako sa swing at inayos ang butones ng uniform ko. Hindi na pala maayos dahil natanggal ang tatlong butones doon kaya kita ang panloob kong suot. Sinuklay ko rin ang buhok ko gamit ang aking mga daliri sa kamay. Masakit at mahapdi ang anit ko. Pinagtulungan ba naman akong sabunutan.

Gano'n niya ba ka gusto si Amadeus na magagawa niyang manakit ng kapwa? Ako, kahit gusto ko si Amadeus ay kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na saktan siya. Kahit pa selos na selos ako sa kanilang dalawa. Siguro naiinis ako sa kanya, pero ang saktan siya pisikal? Ibang usapan na 'yon.

Na-trigger ko ba siya? E, 'di ang ganda ko naman pala para mag-react siya ng gano'n.

"Stupid..." I murmured. 

"You didn't even bother to treat your wounds." 

Nilingon ko ang nagsalita at nakitang si Amadeus 'yon. 

Nagbaba ang tingin ko sa plastik na hawak niya at mabilis siyang nag-squat sa harap ko. Hinubad ang bag at may kinuha na sa loob ng plastik.

"Anong ginagawa mo?" walang emosyon kong tanong.

Alam ko ang ginagawa niya at hindi ko 'to nagugustuhan. 

"I will treat your wounds—"

"No need, Amadeus. Kaya ko." Giit ko at tinabig ang kamay niya na nay hawak na bulak.

"Kaya mo? Pero bakit hindi mo ginawa kanina?" umirap ako.

"I said, kaya ko!" malakas kong sabi at muling tinabig ang kamay niya.

"Don't be stubborn, Milada. I'll treat you," sa pagtabig kong muli ay nabitawan niya na ang bulak.

Kunot na kunot ang noo niya. Taas-baba rin ang kanyang dibdib at hindi pa nakatakas sa aking paningin ang pag-igting ng kanyang panga.

"What is this all about, hmm? What's making you upset? Tell me, Milada..."

Akala ko ay sisigaw din siya pabalik sa akin. Pero naiinis ako na isang malumanay na pagtatanong ang ibabalik niya.

"Are you okay? May masakit ba sa'yo?" 

Doon na nangilid ang luha ko sa mata. Suminghap ako upang pigilan ang luha ngunit bigo ako. Alam kong nakikita niya na akong umiiyak ngayon pero wala siyang ibang sinabi kundi ang bumuntong-hininga lang.

"H-Hindi ako ang nauna..." 

Parang may bara sa lalamunan ko ng magsalita ako. Nanginginig ang aking boses dahil sa pag-iyak.

"That's what I heard." Tumango-tango.pa siya. "Please, tell me more. What did they do to you, hmm? Tell me, Milada. I'll listen..." 

Malambing niyang sabi at nilagay ang iilang tikwas ng buhok ko sa likod ng aking tainga. Ngayon ay mas nakikita niya na ang buong mukha kong umiiyak.

"T-They said that I'm a bitch. Mang-aagaw daw ako. Hindi naman 'yon totoo, e! Wala naman akong inagaw. T-Tinulak nila ako tapos tumama ang likod ko sa mga bakal na upuan. Masakit ang likod ko. They pulled my hair. They slapped me. Masakit... I'm hurt..." 

Iyak ko at sumbong sa kanya. Malamlam ang kanyang mata at gumalaw ang kanyang panga. Mas lumapit siya sa'kin at hinaplos ang gilid ng aking labi kung saan may sugat. Pinadausdos niya ang kanyang kamay sa mga sugat ko sa braso at kamay dahil sa kalmot kanina. Kunot ang noo niya at mabigat ang paghinga.

"What else..." he said.

"I-Inagaw ba kita kay Angel, Amadeus? I don't remember anything... You don't even like me. Kaya bakit gano'n ang akusa nila sa'kin?"

Umiling siya at tuluyan ng naabot ang kamay ko. Mainit ang palad niya at medyo magaspang. Ang kamay kong maliit ay nasakop ng malaking kamay ni Amadeus. He caressed it.

"No, Milada... you're not like that." Umiling siya.

"Masakit ang anit ko..." mahina kong sabi.

He nodded and caressed my head. Marahan at maingat.

"Ano pa?" umiling na ako.

Bigla na lang akong nahiya dahil parang bata akong umiiyak sa kanya kanina. Hawak niya pa rin ang kamay ko at naka-squat pa rin siya sa aking harap. Baka nangangalay na ito pero tinitiis lang?

"Are you calm now?" tanong niya.

Tumango ako.

Hinubad niya ang polo niya at inabot sa akin. Natira na lang sa kanyang pang-itaas ay plain white round neck t-shirt.

Inabot ko naman 'yon dahil mukhang nakita niya ang ayos ng blouse ko. Maingat ko itong sinuot at agad nanuot sa akin ang bango ng kanyang polo.

"Can I treat your wounds now?" aniya.

"Kaya ko naman..." umiling siya.

"Kaya ko rin," sagot niya. Ngumuso ako at pa simple na lang na tumango sa kanya.

Muli siyang naglagay ng gamot sa bulak at dahan-dahan na inilapat 'yon sa sugat sa gilid ng labi ko. Napangiwi ako dahil sa hapdi kaya tumigil siya at tiningnan ako.

"Paano niyo nalaman na may gulo doon?" pag-uumpisa ko ng usapan.

"Just a random student na napadaan sa classroom. Aiden and I immediately go there at gano'n nga ang naabutan namin." Malumanay niyang sabi at nagpatuloy sa paggamot sa akin.

"Nasaktan ko si Angel..." hindi siya umimik at nagpatuloy lang sa paggamot sa akin. "Amadeus, nasaktan ko si Angel." Ulit ko.

"And then?" umawang ang labi ko pero napangiwi rin ng makaramdam ulit ng hapdi.

"Dapat galit ka..." 

"Why would I? Bakit ako magagalit sa 'yo kung ikaw naman ang nasaktan?" tumitig ako sa kanya na seryoso sa ginagawa.

"Hindi mo ba ako narinig? Hindi lang ako ang nasaktan, pati si Angel din!" hindi siya sumagot. "Amadeus..."

"I don't care, okey? Ikaw ang iniisip ko sa mga sandaling narinig ko na nag-aaway kayo. Ikaw, Milada. Kaya bakit mo ba siya sinasali?" 

Kumalabog ng malakas ang dibdib ko. I don't get him.

"A-Ano ba, Amadeus. 'Wag mo nga akong biruin sa mga salitang 'yan. I don't understand you..."

"I'm fucking worried to you, Milada! Hindi si Angel, hindi ang kahit na sino kundi ikaw! Ikaw, Milada... I'm worried that you might get hurt at hindi ako nagkamali. Tingnan mo, you have bruises. Look at your sweet lips. It has wounds..." 

Nakagat ko ang aking ibabang labi. Ano ito? Bakit siya ganito? Bakit mo mas ginugulo ang buong sistema ko? 

Hinaplos niya ang aking pisngi. He looks miserably and worried for... me.

"I don't know what I will do if you badly get hurt, Milada." 

Continue Reading

You'll Also Like

8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
235K 3.5K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
8.8K 559 23
[ SAALVADERA SERIES # 1 ] Summer Elena Gonzales always believe that romantic love is not for her. As marriage didn't work with her parents and betra...