Victim Of Evangeligaw

By dustyone

649 82 29

Tahimik ang buhay ko noon. Well, sa sarili kong batayan lang naman. NBSB ako or No Boyfriend Since Birth. Per... More

Chapter 1 - Broken Hearted
Chapter 2 - Moving On
Chapter 3 - Usap Lang Sana
Chapter 4 - Desisyon Ko 'Yon?
Chapter 5 - Undecided Na Ako
Chapter 6 - This Is It
Chapter 7 - I'm In Love
Chapter 8 - I Am Now Confused
Chapter 9 - Never Heard Of This
Chapter 10 - Begging To Move On
Chapter 11 - Truth Found Me
Chapter 12 - I Changed My Mind
Chapter 13 - Realizations
Chapter 15 - I Just Can't
Author's Note

Chapter 14 - For Good

25 3 0
By dustyone


Limang buwan ang nakalipas matapos na-hospital si Mama, naging maayos na siya pero nag-iingat pa rin kami. Malapit na rin ang graduation namin, isang buwan nalang.

“Lex! May handa ba kayo next month?” tanong ni Vince sa ‘kin. Nasa lobby kami ngayon nagtatambay.

“Wala, ‘no. Walang pera. Baka kayo? Free akong malibre,” ani ko saka tumawa.

”Kaya nga ako nagtanong kasi makikikain din sana ako. Sige na, graduation day naman ‘yan, e.”

“Nako, ‘wag sa ‘min. Wala kang makakain do’n. Ako nga rin makikikain sana. Kila Marga nalang tayo,”wika ko sabay lingon kay Marga na nagcecellphone. Halatang hindi nito narinig ang sinabi ko. Sa circle namin, sina Marga ang medyo maginhawa at hindi naghihirap sa buhay kaya lagi kaming nalilibre n’yan sa 7/11.

“Picture tayong lahat sa araw na ‘yan," saad ni Maureen na nakaupo sa hagdan.

“Oo, tapos diretso tayo kina Marga!” nilakasan ko ang boses para marinig ni Marga. “Huh?” anito sabay angat ng tingin. Tumawa lang kami.

***

“Lex, 3rd anniversary this Sunday ng CGC. Attend ka?” chat ni Hannah sa ‘kin.

“A-attend naman talaga tayo, kahit hindi pa ‘yan anniversary, Han.”

“Sige, tabi tayo, ah?”

“As usual, Han. Labyu😘”

‘Yon lang at hindi na siya nag-reply. Naging mas close kami ni Hannah nung umalis kami sa previous church namin. Palagi niya ako pino-point kay Christ whenever I am discouraged at ganoon din ako sa kanya. Marami kaming natutunan sa isa’t isa.

Nilagay ko na ang cellphone sa maliit na lamesa ko. Pero kinuha ko rin ito ulit dahil nakalimutan kong i-off ang internet connection. Natigilan ako nang tumunog ito. May message.

Galing kay Kristoff.

“Hi, Lex. How are you?” Tinitigan ko lang ang message niya nang isang minuto. Nagdadalawang-isip ako kung rereplyan ko ba siya o hindi. Napapansin kong madalas ang pagpapapansin niya sa ‘kin sa chat after nung ma-hospital si Mama.

“I’m good, thanks.” ‘Yon lang ang sagot ko at humiga na. Aaminin kong takot akong ma-attach ulit kay Kristoff lalo na ngayon na dito na ulit sila nakatira. According to Hannah, nagbago ulit daw ang desisyon ng parents ni Kristoff kaya bumalik sila dito. I’m still affected sa ginawang pag-iwan niya sa ‘kin kaya wala akong gana na i-entertain ulit siya ngayon dahil sa huli, iiwan lang din ako.

***

“Pwede ba kitang makausap mamaya, Han, after service?” tanong ko kay Hannah bago magsimula ang service namin. Nasa likod kami nakaupo.

“Oo naman.”

Maya-maya ay nakita ko na si Kuya Christian na pumwesto sa pulpit. “Magandang hapon, mga kapatid. Kindly open your Bible to the book of Romans chapter 8...”

***

“Ang Diyos ay mabuti sa lahat ng pagkakataon. Sabi nga sa First John, in Him there is no darkness. Ibig sabihin, all attributes and doings of God are good. Now, tatanungin n’yo ko, ‘Pastor, bakit po may mga negative happenings po tayong nararanasan, ‘di ba kapag negative is equivalent to bad? So bad po si God sa part na ‘yon?’ Nako, po!

“Our mind is not like God’s mind, reminder lang. Sabi nga sa book of Isaiah, ‘Your thoughts are not my thoughts and also your ways are not your ways’. We may see it as ‘bad’ at  hanggang do'n lang, pero the Lord does it for good.

“Gaya nalang nung kay Joseph the sa book of Genesis, alam n‘yo ba ang story no’n? Summary ko lang, ah. ‘Di ba Joseph was later sold by his brothers to some traveling Midianites. Tapos ‘yong mga kapatid niya, e, umuwi nang hindi kasama si Joseph at pinaniwala nila si Jacob, kanilang ama, na kinain ng wild animals si Joseph. Maganda ba ang ginawa ng mga kapatid n’ya? Siyempre, hindi!”

Tumango-tango ako. Familiar ako story na ‘to. Maging ako ay nainis din sa ginawa ng mga kapatid ni Joseph. They obviously had evil hearts.

“Tapos, si Joseph ay dinala sa Egypt and he was sold to the captain of the guard, Potiphar, isang household slave. Ayon na, napagbintangan siyang ni-rape daw niya ang asawa ni Potiphar at nakulong siya agad. While in prison, pinagbigyang-kahulugan ni Joseph ang panaginip ng mga servant ni Pharaoh. At nagkaroon din ng panaginip si Pharaoh na wala ni isang tao na makakapagbigay-kahulugan.

“At may isang servant na nag-suggest na marunong mag-interpret si Joseph ng panaginip kaya agad siyang pinadala do’n kay Pharaoh. At na-interpret nga ni Joseph ang panaginip ni Pharaoh at tama ito at maganda. In result, Joseph was appointed to be second-in-command over Egypt.

“So ayon, nagkaroon ng famine na nasa panaginip ni Pharaoh. During that time, Joseph’s older brothers came to Egypt to buy food. Kasi nag-store sila ng stock, ‘di ba, para sa paghahanda sa darating na famine? At nang makarating ang mga kapatid ni Joseph do’n, hindi siya nagmagandang-loob at sabi pa nga niya, e, baka spy daw lang daw sila.

“Fast forward, nalaman din nila na si Joseph na kanilang kapatid pala ‘yon ang kanilang nakaharap. Sabi nga nila'y baka raw paparusahan sila ni Joseph sa ginawa nila and they begged for forgivenes, ‘di ba? Kung kayo si Joseph, patatawarin n’yo ba? Ang hirap no’n, mga kapatid mo lang din ang gumawa sayo ng masama, ano?”

Nakatitig lang ako ni Pastor John. Lumilinaw sa akin ang story kasi hindi ko pa masyadong maintindihan ang Old Testament. If I was in the shoes of Joseph, ewan ko, mahihirapan siguro akong patawarin sila lalo na't mga kapatid ko pa. Good thing nag-iisang anak lang ako ni Mama at Papa.

“Siyempre, nagulat sila pero nag-request sila for forgiveness kasi ‘yon ang gusto ng kanilang ama na si Jacob before ito pumanaw. Bilang tao, nalungkot na parang may grudge si Joseph kasi revenge was the last thing on his mind. Sinong tao ang hindi makapag-react and respond ng ganoon?

“Pero anong sabi ni Joseph? Sabi niya, ‘Don’t be afraid. Am I in the place of God? You intended to harm me, but God intended it for good to accomplish what is now being done, the saving of many lives’ nasa chapter 50 ‘yan. Ano ulit ‘yon? ‘You intended to harm me, but God intended it for good.’ See?”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at naunawaan. Ganoon pala ‘yon! So all things has a purpose. Dalawa nakikita ko, for the good of people kasi para ma-save sila famine at God’s mighty power is being displayed. Wow!

“...Katulad sa life ni Jesus. ‘Di ba sabi sa Isaiah 53, God crushed His own Son? Kung titingnan natin, why would a father harms his own son? Hindi maganda isipin. Pero, may pero ‘yan, God intended it for good and that is to save sinners!”

Natulala ako sa nasabing iyon. Lumingon ako kay Hannah at ganoon din siya sa ‘kin. Ilang segundo nalang ay tutulo na ang kanyang luha. ‘Di nagtagal ay naiyak kaming dalawa.

I have no words. Lord...

***

“Grabe, Lex! Grabe!” bulalas ni Hannah matapos naming i-arrange ang mga upuan sa church. Katatapos lang ng service pero parang nabitin kami sa ganda ng preaching ni Pastor John.

“Grabe lang din masasabi ko, Han, like..ewan basta!”

“Ganoon ka-babaw ang mind natin compared kay Lord. Minsan nga kapag nasa bad situation tayo, we don’t actually think na may purpose ito. Basta lang nakapaglugmok tayo, okay na. Kasi aminin natin, gusto rin nating maglugmok. Hindi pala dapat ganoon ang mindset ng isang Christian. All things work for good, ” wika niya saka umupo. Naisipan pa muna naming magtambay sa church kasi may members pa rin naman na hindi pa umuwi at nagfe-fellowship pa.

“Tama. At ‘yong sasabihin ko pala sa ‘yo, Han..”

“Ah, oo! Ano nga pala iyon?”

“Alam mo, nanghinayang talaga ako na nakilala ko si Kristoff. Kasi nasaktan ako, e. Tayong mga tao talaga kung anong nakawasak sa ‘tin, e, nanghihinayang tayo kahit foolish desisyon natin ‘yon,” wika ko sa kanya.

“Well, yeah. Sorry for that, Lex.”

“Pero aaminin ko na he has a big impact sa buhay ko as a Christian kasi before, at least, he introduced me to Christianity kahit shallow lang ‘yon. At least nalaman kong may Christianity pala.

“So I can say still na all things work for good. ‘Di ba?”

“Oo naman. Kung hindi mo siya nakilala, edi ‘yon nga. Siguro may ibang way din sana ang Lord para ma-introduce ka sa Christianity. Sabi nga ni C.H Spurgeon, regardless if it is bad or good in our perspective, if it persuade us to Him, it is a blessing.”

Lumingon ako sa kanya. Lagi akong natitigilan sa mga bagay na bago sa pandinig ko.

“Wow. ‘If it persuade us to Him, it is a blessing.’ Wow!”

“‘Di ba? Ganda, ‘no? Saka isa pa, you are being conformed to Christ naman. I also see the fruit of your faith, then that’s the good of it.”

“Hays,” mahinang wika ko sabay buntong-hininga, “tama ka, pero sino si C.H Spurgeon?”  pagtataka ko pa.

“Theologian ‘yan,” sagot niya lang.

***

“Welcome, Kristoff!” wika ni Kuya Christian sa harap.

Natigilan ako sa narinig at nakita. Pagkatapos ay lumingon ako kay Hannah na nakatingin na pala sa ‘kin.

“What is this?”

“Edi lumipat siya dito. Ayaw mo ‘yon, nasa biblical church na siya.”

“You know about this?”

“Yes!” masigla niyang sagot.

Itinuon ko ulit ang tingin kay Kristoff sa harap. Last week lang kami nagkasama ni Hannah na ‘yong topic ay about all things work for good, na-mention ko si Kristoff sa kanya pero hindi man lang niya sinabi na lilipat pala dito si Kristoff.

Now I don’t know what to feel.

“Kung ano man ‘yang iniisip mo na naman, all things work for good, remind lang kita,” aniya.

Continue Reading

You'll Also Like

114K 6.3K 181
poetry to help aid your understanding of emotions that are too strong to deal with alone, and also some insight into my mind and soul. enjoy. HIGHES...
1.7M 159K 83
Highest ranking #1 WATTPAD FEATURED STORY. He walked past her without sparing her a single glance. The one glance she had been yearning for years now...
23.8K 2.1K 99
ALEX The name is enough to shiver down anyone. He is the defination of cruelty and known for his torture. The king of Mafia. He is cold, cruel, domin...
651K 10.8K 14
On the verge of tears, she smiled. ~~~~~ "I have noticed a thing about you; you don't like being treated like a lady. You prefer being treated with...