His Secret Diary (STILL EDITI...

By inkypagesssss

1.8K 506 60

I don't need a notebook, I need her. +++ More

His Secret Diary
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
47
48
49
50
51
52
53
Epilogue
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2

46

19 6 1
By inkypagesssss

SAFARA'S POV

"Isang kiss lang?" Parang bata niyang tanong.



"Oo."



"Why? A one quick kiss is not enough for me."



"Tumigil ka nga! Puntahan na lang natin si Doc Manuel sa clinic."



"Tss. I won't." Pinag-cross pa niya ang mga braso niya.



"Ayaw mo?"



"Ayaw."



"Ayaw mo talaga?" Ilang beses siyang umiling. "Okay. Bumalik ka na lang kayna Juan, punta lang ako kay Doc."



Hindi siya sumagot kaya tinalikuran ko na siya at naglakad papuntang clinic. Ang tagal na rin naming hindi nakakapag-usap ni Doc. Sunod-sunod din kasi ang test namin.



"Hello, Doc!" Bahagya pa siyang nagulat ng makita ako.



"Oh, Safara. Anong meron? May sakit ka ba?"



Pumasok na ko at sinara ulit ang pinto.



"Wala po."



Nakakailang steps pa lang ako para makaupo ay bigla ulit bumukas ang pinto.



"Oh? Ang akala ko hindi ka sasama?" Tiningnan lang niya ko at tsaka naunang umupo.



Taray, a?



Naupo na lang din ako. Ang sama ng tingin sa 'kin ng kaharap ko. Anong problema nito?



"I have a good news, Safara and Caesar." Hindi niya mapigilang ngumiti ng pagkakalaki-laki.



"Ano po 'yon?"



"Pumayag na si Jane na makipagkita ako palagi kay Ari! Ang totoo nga may dinner kami mamaya!"



Hindi ko na rin mapigilan mapangiti.



"Yeheeeey!" Kami-kami lang naman ang tao dito kaya nakakapag-ingay ako.



"I'm happy for you, Doc." Usal ni Caesar pero sa 'kin siya nakatingin. Ako ba ang doktor?



"Did you guys fight?" Tanong sa 'min ni Doc.



"Nagka-ayos din naman po kami kanina----."



"That's not what he meant." Kung makatingin siya sa 'kin para gusto niya kong sugurin.



"Baka wala lang po siya sa mood hehe."



"Just give me a kiss if you want my good mood back!" Nagulat ako sa biglaan niyang pag sigaw.



"H-Hoy, na'ndito si Doc!"



"I don't care! Quick kiss you did earlier is not enough!"



Nagka-tinginan kami ni Doc na nakangisi na ngayon. Ako ang nahihiya sa ginagawa ni Caesar.



"Umayos ka nga! May tao, o!"



"I said I don't care! Just give me a kiss!"



"Give him a kiss now, Safara." Nakangiting usal ni Doc.



Pati ba naman ikaw? Taksil.



"Alis na ho kami. Mag ti-time na rin ho e. Goodluck nga po pala!"



Agad kong hinigit si Caesar palabas ng clinic.



Nang makalabas na kami ng clinic ay binitawan ko na ang braso niya.



"Why you don't want to kiss me?" Mahina niyang tanong. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko. "You don't love me anymore? Did I do something wrong again?"



"Hindi! Wala!" Pakiramdam ko ay namumula na ko. "Hi-Hindi lang talaga ako sanay."



"Palagi mo kong halikan para masanay ka." Hindi naman agad ako nakapag-salita.



"Sira ka ba? Tumigil ka nga!" Parang mas lalo tuloy akong namula. "Umakyat na lang tayo."



"Tss."



"T-Tsaka na 'yang ki-kiss na 'yan. Maraming tao." Mahina kong saad.



Nakita ko namang napanguso siya, para siyang nagpipigil ng ngiti.



"Bakit hindi pa ngayon? Kinakahiya mo ba ko?"



Nako, walang taong ikakahiya ka!



"Marami kasing tao. Nakakahiya."



"So?"



"Sopas."



"Safara..."



"Mamaya na nga! H'wag kang makulit, baka magbago isip ko."



"Tss."



Pagka-akyat namin sa room ay wala pang tao. Malapit nang mag time, a? Bakit wala pa rin sila?



"Love, please?" Kumapit pa siya sa braso ko. "There's no other student here. Please?"



"T-Tumigil ka! Gusto mo hindi kita bigyan?"



"Kahit sa pisngi lang!"



"Sa pisngi lang, a?" Ilang beses naman siyang tumango.



Humarap na siya sa unahan para maharap sa 'kin ang pisngi niya. Mabilis kong hinalikan ang pisngi niya dahil may mga kaklase na kaming malapit na pumasok.



Buti na lang hindi niya ginagawa 'yung katulad ng iba na biglang haharap para sa labi mahalikan.



"Later sa lips naman, hmm?" Tumango na lang ako. Dikit na dikit siya sa 'kin at halos pinagtitinginan na kami ng lahat.



"C-Caesar, nakatingin sila sa 'tin. Baka gusto mong umusog?"



"I don't care if they're looking at us. I want here."



"Hindi naman ako mawawala e. Usog ka lang ng kaunti."



"Ayaw."



"Caesar----."



"Ayaw."



"Wow, look who's being clingy." Biglang usal ng kung sino. Si Dorothy lang pala. "What's with you Caesar?"



"Psh, why? Inggit ka?"



"W-What?"



"Inggit ka?" Talagang inulit pa niya.



"Of course not! Why would I?" Naupo na siya sa upuan niya. "Kadiri naman 'yan e!"



Natawa na lang kami ni Caesar sa kaniya.



"Clingy mo, Caesar." Si Oliver. "Nakakabawas ng angas 'yan."



"Owws? Mas nakakabawas ng angas 'yung nagtatago ng relasyon."



"H-Ha?"



"Wala."



Masiyado ka talagang obvious.



Hanggang sa dumating ang lecturer namin ay nakadikit sa akin si Caesar. Nakasandal pa nga siya sa balikat ko. Napapatingin tuloy ang lecturer namin at hindi maiayos ang pagturo dahil nadidistract siya sa 'min.



"Umusog ka na ng kaunti. Nadidistract sa 'tin ang prof."



"I don't care. If he's doing well he will not get distract on anything."



"Kung ano-ano pinag-sasasabi mo. Umusog ka na lang. Para naman akong mawawala sa tabi mo e."



"Talaga!"



Hindi na ko nakapalag pa sa kaniya. Ilang beses ko pang sinubukan na pausugin siya pero nagmamatigas talaga siya. Bakit ayaw kami sawayin ng lecturer?



Hanggang sa matapos ang pagtuturo ng lecturer namin ay hindi na siya humiwalay sa 'kin. Bakit sobrang clingy niya ngayon? Hindi naman ako nag rereklamo, ang totoo gusto ko nga 'yon e. Kaso parang sumobra.



Nasa cafeteria na kami at sasamahan ko na dapat si Kristoff at Oliver para bumili ng makakain kaya lang pinigilan ako ni Caesar.



"Stay here. Ako na ang bibili." Sumunod siya doon sa dalawa.



"So clingy, ha?" Nakangising usal ni Juan. "Is there something happened?"



Pakiramdam ko ay namula ako.



"Wala, a!"



Wala naman talaga e! Kaya lang gan'yan 'yan dahil gusto niya agad makuha ang kiss niya!



"Really?" Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya.



"Wala nga!"



"Sweet lang talaga si Caesar. Ang cute nga nilang tingnan e."



"Huwag mo kong utuin, Lyn. Hindi kita malilibre." Napanguso naman siya.



"Kwekwek lang naman e."



"Haynako, magpalibre ka sa manliligaw mo." Nag iwas naman siya ng tingin.



Tiningan ko si Dorothy na busy sa cell phone niya.



"Dorothy, wala pa rin bang nanliligaw sa 'yo?"



"Ah...meron naman kaya lang binusted ko din. They didn't even reach my standards.  May mga nag ddm sa 'kin through insta, meron nga ring mga models e, but they're not my types. They're inviting me to date them." Halos mapanganga ako sa sinabi niya.



"Model na 'yon! Anong pangalan?" Excited kong tanong.



Hindi ko namalayan na nakabalik na pala 'tong tatlo.



"Who's model?"



"Ah, kinukwento ko kasi sa kanila na may mga nanliligaw sa 'kin but binusted ko din, iba sa kanila ay model." Tinaasan naman ako ng kilay ni Caesar.



"T-Tinatanong ko lang naman. Model na kasi 'yon e."



"Tss." Rinig ko ang mahina nilang pag tawa.



"The first one named Xian Bridge Xen. He's a half chinese. Bago pa lang siya but he's already have a thousands of fans."



Wow. Baguhan pa lang pero ang dami na niya agad na fans. Maganda talaga kapag may lahi 'no?



"The second one is Ian Mendoza. Pure filipino. He's from province. Ang kuwento niya ay lumuwas siya dito para maghanap ng trabaho, he didn't expect he will be a model. Nahirapan siyang mag adjust, but he gained a millions of fans!"



Wow. Grabe talaga ang biyaya.



"The third one have a billions of fans. He is half American. He's so handsome. A walking green flag. He will treat you like a princess because he says he's Mother is his Queen. Cute, right? He is Daniel Matthew Gonzales."



Halos malaglag ang panga ko. Si Daniel!? Sikat na sikat 'yon! Sobrang gentleman niya kaya ang daming nagkakagusto sa kaniya! Ang dami na rin niyang na-endorse! Katulad ng mga pabango, damit, kotse at kung ano ano pa!



"NAGING MANLILIGAW MO 'YON?" Gulat na tanong ko na halos pag tinginan na ko.



"Yeah, manliligaw ko siya ngayon. I'm planning to say yes to him kapag naka-graduate na tayo."



"Wow..."



"Tss. Kumain ka na, Safara." Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Dorothy habang kumakain.



Isang sikat na modelo ang nanliligaw sa kaniya. Grabe...



"Saan ba kayo unang nagkita?" Interesadong tanong ni Lyn.



"At the mall. I didn't know he's in there. He's wearing a mask and a black glasses. Halatang sikat siya na nagtatago sa mga paparazzi. I'm about to take the drink I ordered but hinawakan niya rin 'yon. I shouted at him and sinabing nang aagaw siya ng drink but I didn't know na sa kaniya pala 'yon. Hindi ko tiningnan 'yung nakalagay na pangalan. I was so embarrassing at that time! I don't want to remember it again!"



Shala, para nasa teleserye lang, a.



Napalingon ako sa katabi ko na kanina pa bulong ng bulong ng kung ano ano.



"Oy, may problema ba?"




"Wala." Tumingin siya kay Dorothy. "You didn't tell me you have suitor."



"Yeah, because you're busy with Safara."



"I'm not!"



"Yes you are."



"Then at least try!"



"I did! Hindi mo nga ako halos mapansin dahil busy ka kay Safara." Mahinahong sagot ni Dorothy. "Don't worry, Ate Michelle and our parents know about this. Boto nga sila sa amin ni Daniel."



Napayuko naman ako. Kailangan ba talaga maging sikat ako para magustuhan din ako ng Mommy nila?



Naramdaman kong may brasong humawak sa baywang ko. Si Caesar.



"Don't think what you thinking right now, Love."

***

Nasa bahay na ko ngayon at pupunta daw si Caesar mamaya. Kailangan lang daw niya munang magpalit ng damit. Siya pa nga ang naghatid sa 'kin dito sa bahay.



"Anong miryenda ang gusto mo, Ara?" Tanong sa 'kin ni Papa.



Parehas silang nasa kusina ni Mama. Wala pa si Kuya, hating-gabi pa siya makakauwi dahil mag oovertime daw siya.



"Ano ho bang meron?"



"May carbonara kaming niluto d'yan. Meron ding cake."



"Carbonara na lang ho, dadating rin ho pala si Caesar." Agad naman sumilay ang nakakaloko niyang ngiti.



"Sige, ipaghahanda ko na kayo."



Paakyat pa lang sana ako sa taas ng biglang may, bumusina sa labas ng bahay. Agad naman akong tumakbo para buksan ang pintuan. Nakangiting si Caesar ang bumungad sa 'kin.



"Hi, love." Agad ko siyang pinapasok sa loob.



"Ma, Pa, si Caesar po na'ndito na!" Nag uunahan pa silang dalawa na lumabas ng kusina.



"Caesar, hijo, kamusta ka? Dadalhan ko na lang kayo ng makakain sa taas."



"Salamat po."



"Hijo, huwag mong sasaktan si Ara, a? Ang pangit pa namang umiyak niyan." Mahina namang natawa do'n si Caesar.



Parang 'di pamilya, a!



"I will never gonna hurt her. I promise."



Umakyat na kami sa kuwarto ko.



Kinuha ko ang laptop ko, plano ko sanang manood ng movie kasama siya.



"May nakakalimutan ka ata?" Napalingon naman ako sa kaniya.



"Ha? Ano? 'Yung pagkain ba? Sabi ni Mama dadalhin na lang daw niya dito."



"That's not! My kiss."



Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko. Hehe.



"Mamaya na 'yan."



Binuksan ko na ang laptop ko at namili ng papanoorin.



"I'm jealous." Taka naman akong tumingin sa kaniya.



Umupo siya sa tabi ko pagkatapos ay niyakap ako at sumiksik siya sa leeg ko.



"Kanino naman?"



"With Daniel."



"'Yung model?" Tumango naman siya habang inaamoy ang leeg ko. "E manliligaw 'yon ni Dorothy 'di ba?"



"Yeah, you says he's handsome."



"G'wapo naman talaga siya." Tiningnan naman niya ko habang nakanguso.



"Tss. More handsome than me?"



"Hmm, hindi naman. Mas g'wapo ka para sa 'kin." Agad naman siyang sumiksik ulit sa leeg ko. Ramdam ko pa ang pag ngiti niya. "Pero g'wapo talaga siya."



"Safara!" Mahina naman akong natawa.



Hanggang sa dumating si Mama ay nakayakap sa akin si Caesar. Hindi na nga ako makakilos dahil ayaw niyang bumitaw sa 'kin. Natawa na lang tuloy si Mama.



"Caesar, kumain ka na." Kumakain na kasi ako habang nanonood kami ng movie kaya lang hindi siya kumakain.



"I want my kiss first."



Kanina pa pala siya naghihintay.



"Oo na, oo na."



Agad naman siyang humarap sa 'kin at hinalikan ako. Hindi agad ako naganti ng halik dahil nagulat pa ko pero kalaunan din ay humalik na ko sa kaniya pabalik. Hinahaplos haplos pa niya ang baywang ko kaya nakikiliti ako.



Malakas kiliti ko d'yan!



Ilang minuto kami nagtagal sa halikan bago tumigil. Hahalik pa sana ulit siya kaya lang ay tinakpan ko na ang bibig niya.



"Kumain ka na." Natatawa kong usal.



"Subuan mo ko." Gaya ng sinabi niya ay sinubuan ko siya. Pero habang sinusubuan ko ay humahalik siya sa pisngi ko.



Amoy carbonara na tuloy ang pisngi ko!



"I love you."



"I love you more."

Continue Reading

You'll Also Like

10.4K 417 15
The favourite couple, Baekhera is finally married! This is a fanfic about their love life, before and after marriage, which might not be known. Just...
4.6M 137K 52
After her mother's death Lilith gets a new legal guardian, her older brother. With no knowledge of having four other older brothers, Lilith is send...
3.3M 80.9K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
862K 76K 37
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...