The Fame Game

By UnidentifiedBlueStar

8.4K 330 125

[On-going] Kyra, a highschool student who fell inlove with her English Teacher and his Twitter Crush. Who wil... More

Prologue - Start
Level One - Final
Level Two - Burst
Level Three - Former's Comeback
Level Four - First Day
Level Five - Substitute
Level Six - Smile
Level Seven - 5ever
Level Eight - Spell Badtrip
Level Nine - "Wag muna, please.."
Level Ten - Her Teacher's Confession
Level Twelve - Nabugbog na Saging
Level Thirteen - Ingenuous
Level Fourteen - Acceptance
Level Fifteen - Triangulum
Level Sixteen - Impenetrability
Level Seventeen - Hope vs. Wish
Level Eighteen - Spelling Contest
Level Nineteen - Friendzoned
Level Twenty - His thoughts
Level Twenty One - Lalaine
Level Twenty Two - Byul
Level Twenty Three - Why now?
Level Twenty Four - All I wanted
Level Twenty Five - Beles beles

Level Eleven - Dark Clinic

230 12 2
By UnidentifiedBlueStar

- L E V E L  E L E V E N -

Okay? What was that?

Ang weird lang ni Sir. Paglabas ko ng faculty room, tinext ko agad si Mama na medyo malelate ako makakauwi.

Bakit ganoon?

Bakit ang gulo ni sir? Kung kailan naman natututunan ko ng kalimutan..

Bakit ganon? Isang iglap.. Bumalik na naman?

Isang kisap mata.. Back to zero na naman?

Naiiyak na naman ako.. Diba dapat maging masaya ako?

Pero hindi naman sinabi ni Sir na mayroon nga diba?

Napayuko ako habang naglalakad… Naiiyak talaga ako..

Nakakainis ka sir! Nakakaasar…

Umiiyak na naman ako sa isang bagay na malabo.

Umiiyak na naman ako sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

Umupo muna ako sa upuan sa harap ng office.

Ganon ba talaga yun? Pag masaya ka kanina, iiyak ka pagkatapos?

Hindi lang basta iyak, hagulgol..

Napapabilis ang paghinga ko…

Teka…

Hindi pwede ‘to…

Hindi na ako makahinga…

Nahihilo pa ako…

Yung kamay ko.. hindi ko maigalaw…

Naninikip ang dibdib ko…

Yung daliri ko unti-unting yumuyukom..

--

Nagising na lang ako na nasa clinic na. Paano ko nalaman? Puro puti eh.

Nakabukas yung kurtina. Ako lang yung nakahiga sa nag-iisang kama dito sa Clinic. Nakita ko naman yung school nurse na nasa desk niya, nakayuko. Natutulog? Hindi ko makita yung ginagawa niya kasi nakatalikod siya sa akin. Tanging lampshade lang ang nagsisilbing ilaw pero medyo maliwanag naman.

Sinubukan kong igalaw yung kamay ko.. Medyo nagagalaw ko naman na siya.

Hindi ko alam ang sakit ko, pero hindi naman siya siguro malala.

Sa tuwing iiyak ako, nangyayari sa akin yun. Sumisikip ang dibdib, hindi ko nagagalaw yung kamay ko, para bang naiistroke ako? Sa tuwing nangyayari sa akin yun, mag-isa lang ako. Minsan tinutulog ko lang o kaya iniinom ko ng tubig. Pero ngayon may nakita sa akin. Sino naman kaya?

Tinignan ko yung relo ko..

SHT! 8pm na.

Hinanap ko yung cellphone ko sa bulsa ko.

EFF! Deadbatt na.

Double sht naman, oo!

“Tsk!”

Kaya ko naman na tumayo, kaya tumayo na ako. Binuksan ko na rin yung ilaw, pinatay ko na rin yung lampshade sa desk ng nurse. Dahan-dahan lang ako lumapit dahil natutulog pa rin siya.

Kailangan ko ng umuwi. Paktay ako kay mother dearest pag hindi ako nakauwi. Baka akalain na-rape na ako nun o kaya kinuha ng kulay puting van na gumagala tapos kinuha yung lamang loob ko tapos maglalagay ng 15k bilang bayad. Huhuhuhu. Inaaay!

Seryoso na Kai!

Hingang malalim.

“Nurse…” sabi ko sa nurse. Kinalabit ko pa siya para magising siya. Pero hindi pa rin siya gumagalaw. Baka naman patay na ‘to?!

“Nurse! Nurse!” nilakasan ko pa ng onti yung boses ko. Nako naman eh.

Nakita ko naman na gumagalaw na siya, naingayan na siguro sa akin.

“Why?” inaantok pa niyang sagot…  Shems.. Ang husky pa ng voice..  Mapapasabi ka nalang ng..

 

 

 

 

“YUMMYYY!”

Okay, joke lang yun.

Pero t-teka…

OMG.

 

“Hyunsu?!”

S-siya yung bagong nurse?! P-pero paano?!

Naalala kong hindi pala ako nakapagtwitter kahapon, siguro tinweet niya yun at hindi ko nakita. Psh! Hindi man lang ako na-inform.

“Why?” tanong niya ulit habang nagkukusot pa ng mata. Parang bata! Ang cute, ang sarap niya ibulsa. Pagkatapos niya magkusot ng mata parang naguluhan pa yata siya sa nakita niya.

“Bakit ka tumayo, Kyra?!” sigaw niya. Nagulat ako sa sigaw niya, tumayo pa kasi siya at hinawakan ako sa magkabilang braso.

“W-wait.. Paano mo nalaman pangalan ko?” tanong ko. Nakita ko naman nagulat siya sa tanong ko. Siguro mga 5 seconds bago siya nasagot.

“Ah.. Uhm.. Sa I.D mo! Tama! Oo nga, sa I.D mo.”

*TING!*

May naisip ako. Bwahahahaha

Maasar nga ‘to.

“Bakit alam mo pangalan ko?”

 

 

“E-eh—“

 

 

 

 

“Bakit ka nauutal?”

 

 

 

“K-kasi—“ Namumula na siya. Ang cute ng mukha niya! hahaha! May mapagtitripan ako sa schoo. Bwahahahaha!

 

“Bakit ka namumula?” Pilit kong tinatago yung ngiti ko. Ang cute talaga niya.

 

“D-dahil—“ Tumalikod na siya. Bwahahaha. Naasar na siguro. Hindi mo ako pinapansin sa twitter ah. Paktay ka sa akin ngayon.

 

“Bakit—“

 

 

 

 

 

“KASI

KISHALASHALANASHAKISHATASHAMASHATASHAGALSHANASHA!”

 

 

 

“Waahhh!” Hindi ko na narinig yung sunod niyang sinabi dahil napayakap ako sakanya. Hindi po ako nagtatake for granted ah. Promise, natatakot lang talaga ako. Bigla kasing kumidlat at kumulog. Pero hindi lang yun ang dahilan kaya ako napayakap. Naalala niyo ba yung sa unang pagkikita namin? Déjà vu.

Nakakatawa, nakakapagisip pa ako kahit ganito na ang sitwasyon.

Naramdaman ko nalang na hinahawakan niya yung kamay ko na nakayakap sa kanya.

“P-please? H-hanggang magka-ilaw lang?” Natatakot na talaga ako. Pero hindi pa rin siya nagsasalita.

Hawak-hawak pa rin niya yung kamay ko na unti-unti niyang inaalis sa pagkakayap ko.

“H-hyunsu..” Naiiyak na ako.. Naiiyak na ako sa takot.. Nasanay na ako na tuwing magkakaron ng brown-out, niyayakap ako ni Papa. Kaya siguro ganito na lang ako magre-act.

“Sshh.. I’m here. I won’t leave you. I will protect you.” narinig kong sabi ni Hyunsu. Hindi ko namalayan nakayakap na pala siya sa akin, kaya pala niya inaalis niya yung kamay ko dahil haharap siya.

--

Mga ilang minuto rin naisipan rin namin maghanap ng flashlight, hindi rin nabubuksan yung pintuan kaya dapat talaga namin hanapin yung flashlight para mahanap yung susi. Parang shunga kasi yung gumawa nitong pintuan ng clinic. Nasa loob ang susian.

Naghanap kami pero hindi ibig sabihin noon na nawala na yung takot ko.

“Sure ka ba na merong flashlight dito?” tanong niya sa akin habang nagkakalkal sa cabinet ng clinic. Ako? Nakahawak sa damit niya habang nakatalikod siya sa akin.

“Hindi eh.”

 

“Psh!” Hindi ko alam na may masungit na side pala ‘tong lalaking ‘to. Mainisin rin pala. Kung makapag-reply sa mga tweets ko dati akala mo kung sinong anghel. Pero sa personal, moody rin pala. Ugh!

“Nagbabakasakali lang naman, Sungit!” bulong ko.

“Ano?!” Iniimagine ko yung itsura nito, siguro nakakunot na yung noo nito. hahaha!

“Wala, bakit nga pala nandito ka Hyunnie?”

 

 

“Gusto ko eh. And don’t call me Hyunnie.” Aray, ang sakit nun ah. Kaya naman pala. Kaya pala suddenly hindi na siya nagrereply sa tweets ko. Kaya pala suddenly hindi na niya ako pinapansin dahil sa pag-tawag ko ng Hyunnie sa kanya. Tatahimik na nga lang ako. Psh! Ang sakit rin nun ah.

SILENCE.

SILENCE.

SILENCE.

Tanging ang ingay lang ng kaluskos na dahilan ng paghahanap niya ng flashlight sa cabinet ang naririnig kong ingay.

Ilang sandali narinig kong tumigil ung ingay. Tinanggal ko na rin yung pagkakahawak ko sa

“Oh bakit ka tumahimik ngayon?” narinig kong sabi niya.

Nakakainis siya!! Ang sungit sungit niya! Daig pa niya si Sir Melvin magsungit!!

Pero infairness ah, kinilig talaga ako sa sinabi niya kanina.

 

 

Ano ba Kai! Dapat magalit ka. Magalit!

Akala mo kasi pogi... eh pogi naman talaga!

“Hey!” sigaw niya. Halatang naiinis na siya sa tono niya.

Wow ha. Siya pa may ganang mainis sa akin pagkatapos nung sinabi niya?

Grabe! Nakakainis! Nakakainis!! Sipain ko kaya ‘to? De wag yun.. Suntukin ko kaya? Wag rin.. Edi nawalan ako ng kasama dito? Malay ko ba kung may multo pala dito?!

Nandito pa kaya yung lalakeng yun? Mamaya iniwan na ako nun. Pero paano makakalabas yun eh hindi nga namin makita ung susi?! Psh. Isusubsob ko talaga yung mukha nun

… Sa mukha ko! Joke ulit.

Pinakiramdaman ko kung nasa gilid ko pa siya. Pero shems, wala na?! Bakit hindi ko lang naman narinig yung yabag ng paa niya?

Pumikit ako. Mamaya may shocking moment na mangyari. Gahhh! Paktay talaga iyon sa akin pag nagkita kami ulit dito sa campus.

Hindi ako makagalaw, ang lamig ng katawan ko. Pusang tinapa. Bakit niya ako iniwan?! Pa-“I won’t leave you” pa siya kanina tapos ganoon na lang?!

Pagpikit ko ang dami namang pumasok sa isipan kong nakakatakot na itsura. Punyakis talagaaaaaa!! Humanda ka sa akin Hyunsu, papakulam kita!!

Napagisipan ko na rin dumilat dahil mas nakakatakot pag pumikit.

Sinubukan kong dumilat. Nag-isip ako ng kanta tapos kinanta ko yun sa isipan ko para mawala yung takot ko.

“I’m sorry, Kai.” narinig kong sabi ni Hyunsu. Wew! Andito pa pala ang may bloody visitor.

T-teka lang..

Bakit rinig ko yung paghinga niya? Bakit bumilis bigla yung tibok ng puso ko? Bakit parang nakita ko yung mata niya na kumislap?

Bakit parang ang lapit niya?

Bakit parang nararamdaman kong lumalapit yung mukha niya?

“Bakit—uhmppppph”

---

 Cliffhanger! Mahaba na 'to sa MS word eh. :)

Salamat po pala sa mga nagbabasa. Sana magcomment naman kayo! hahahaha. :)

Continue Reading