Ang Buod ng "Noli Me Tangere"

By PinoySiAko

1M 4K 434

Ang Buod ng “Noli Me Tangere” I'm not a writer but i just want to help myself. Di po ako ang nagbuod nito... More

Noli Me Tangere
Mga Tauhan (Ang Buod ng "Noli Me Tangere")
Kabanata 1&2: Isang Handaan at Si Crisostomo Ibarra
Kabanata 3&4: Ang Hapunan at Erehe at Pilibustero
Kabanata 5&6: Pangarap sa Gabing Madilim at Si Kapitan Tiyago
Kabanata 7&8: Suyuan sa Asotea at Mga Alaala
Kabanata 9&10: Mga Suliranin Tungkol sa Bayan at Ang San Diego
Kabanata 11&12: Ang mga Makapangyarihan at Araw ng mga Patay
Kabanata 13&14: Mga Unang Banta ng Unos at Si Pilosopo Tasyo
Kabanata 15&16: Ang mga Sakristan at Si Sisa
Kabanata 17&18: Si Basilio at Mga Kaluluwang Naghihirap
Kabanata 19&20: Mga Suliranin ng Isang Guro at Ang Pulong sa Tribunal
Kabanata 21&22: Mga Pagdurusa ni Sisa at Liwanag at Dilim
Kabanata 23&24: Ang Piknik at Sa Kagubatan
Kabanata 25&26: Sa Tahanan ng Pilosopo at Ang Bisperas ng Pista
Kabanata 27&28: Sa Pagtakip-Silim at Sulatan
Kabanata 29&30: Ang Umaga at Sa Simbahan
Kabanata 31&32: Ang Sermon at Ang Panghugos
Kabanata 33&34: Malayang Kaisipan at Ang Pananghalian
Kabanata 35&36: Mga Usap-usapan at Ang Unang Suliranin
Kabanata 37&38: Ang Kapitan-Heneral at Ang Prusisyon
Kabanata 39&40: Si Donya Consolacion at Ang Karapatan at Lakas
Kabanata 41&42: Dalawang Dalawa at Ang Mag-asawang De Espadaña
Kabanata 43&44: Mga Balak at Pagsusuri ng Budhi
Kabanata 45&46: Ang mga Inuusig at Ang Sabungan
Kabanata 47&48: Ang Dalawang Senora at Ang Talinhaga
Kabanata 49&50: Ang Tinig Ng Mga Pinag-uusig at Ang Mga Kaanak Ni Elias
Kabanata 51&52: Mga Pagbabago at Ang Baraha ng Patay at Ang Mga Anino
Kabanata 53&54: Ang Mabuting Araw Ay Nakikilala Sa Umaga at
Kabanata 55&56: Ang Pagkakagulo at Ang Mga Sabi at Kuro-kuro
Kabanata 57&58: Vae Victis at Ang Sinumpa
Kabanata 61&62: Ang Barilan Sa Lawa at Ang Pagtatapat Ni Padre Damaso
Kabanata 63&64: Ang Noche Buena at Katapusan

Kabanata 59&60: Pag-ibig Sa Bayan at Ikakasal Si Maria Clara

16.7K 56 2
By PinoySiAko

Kabanata 59: Pag-ibig Sa Bayan

Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iab-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. At ang pang-unawa sa mga ito ay batay sa talas ng isip, kuro-kuro, damdamin at paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento ay higit na naliligalig. Ang mga provincial ay palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil sa nangyari. Ang ilan naman ay nagpunta sa palasyo at naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib. Nabanggit pa nga na na maging ang munting heneral o generalillo daw MAG-AGUERO ay napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon. Samantala, ipinagbubunyi naman si Pari Salvi at sinabing ito ay karapat-dapat na bigyan ng isang mitra.

Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa isang bahay naman sa Tundo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito ay nagpakita ito ng kagandahang loob kay Ibarra. Kaya panay ang sisi sa kanya ng asawang si kapitana Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa isang tabi lamang at di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging lalaki lamang, disin sana ay haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito ang kanyang paglilingkod laban sa mga manghihimagsik.

Malapit ng mabanas ng husto si Tinong sa kakulitan ng asawa nang dumating ang kanilang pinsan si Don Primitivo. Ito ay isng lalaking may edad at mahilig magsasalita ng Latin. Siya ay ipinasundo ni Tinchang upang hingan ng payo sapagkat marunong itong mangatwiran. Kaagad na nag-umpisa ng pagsasalita si Tinchang pagkakita sa pinsa. Ayon sa kanya, pinakain ni Tinong si Ibarra sa kanilang bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay ng Espanya sa gitna ng maraming tao at sinabing sila magkaibigan.

Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat ang mga mabubuti raw ay napaparusahan dahil sa mga masasama. Kaya’t walang ibang nalalabing paraan kundi ang gumawa ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay ng di oras si Tinong dahil sa payo. Nang bumalik ang kanyang ulirat, dalawang payo ang ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila ng regalo sa heneral ng kahit anong alahas at idahilan na ito ay pamasko at (2) sunuging lahat ng mga kasilulatan na maaaring makapagpahamak kay Tinong, na katulad ng ginawang pagsunong ni Ibarra sa kanyang mga kasulatan.

Boto silang lahat sa payo.

Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga indiyo kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na tao. Kahit na araw ang itatayong paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ni Ibarra ay gawin lamang itong kuta na gagamitin niya sa kanyang pansariling pangangailangan. Sumabad naman ang isa pang babae at ipinaliwanag na is Tinchang daw ay nagregalo ng isang singsing na puno ng brilyante sa heneral. Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung totoo ang balita. Nagdahilan ang pingkok at nanaog na ng bahay.

Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng mga paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon ay tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may bantay pa. Si Kapitan Tinong ay kasama sa mga inimbita.

Kabanata 60: Ikakasal Si Maria Clara


Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.

Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.

Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de Espadaña, si Linares na nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil.

Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.

Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente.

Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.

Continue Reading

You'll Also Like

58.5K 595 16
Tula para sa inyo mga binibini at ginoo.
10.7K 286 103
Do you believe in coincidence? ➤ skz - hyunjin ༗ 𝗍𝖺𝗀𝗅𝗂𝗌𝗁 | 𝗍𝖾𝗑𝗍 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 ➤ status: completed 𝐂 𝐎 𝐈 𝐍 𝐂 𝐈 𝐃 𝐄 𝐍 𝐂 𝐄 ❰ 2 0...
13.1K 487 106
{ Mingyu ff } ❝akala ko mas higit pa sa rason mo ang kung bakit ganto ang tawagan natin.❞ ! finished author: cffesol started: April 30, 2018 finished...
115K 578 62
Sa paggawa ng tula ako'y masaya, Tunay na ako ay naipapakita, Aking talento'y aking naibabahagi, Habang mga gawa ko'y kanilang pinupuri. © PLEASE DO...