The Devirginizer's Lady (COMP...

By pinkriverx

22.5M 329K 32K

Lagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si E... More

The Devirginizer's Lady
SIMULA
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE
TDL Series Books
Keep Updated
SOLD OUT/WARNING
NOTE
NOTE II

Chapter 32

293K 3.9K 523
By pinkriverx

Chapter 32

"Flat"

MASAYA kong tinanggap ang responsibilidad bilang MOH ng kasal nila. I have no reason to refuse the responsibility, and I'm very willing to support and help them along their way to reaching the altar. Their wedding is in six months, and kuya and Rickzyn has been busy planning with the wedding coordinator.

Hindi din naging hadlang sa akin ang piniling best man si Eleven dahil sa ngayon ay magkahiwalay naman ang mga responsibilidad namin. Ako ang tumutulong kay Rickzyn sa pagpipili ng wedding dress, jewelry, at sapatos para sa kanya. Ako na rin ang bahala sa mga susuotin ng bride's maids, at nasa akin ang responsibilidad sa bachelorette party. Kailangan din akong laging present sa mga prewedding parties at tasks. Most importantly, I have to stay by Rickzyn's side to support her emotionally all throughout the process. Hindi basta-basta ang pakiramdam ng ikakasal ka. Paniguradong marami siyang iniisip, at kailangang lagi akong nandyan para makausap niya at mapagkakatiwalaan sa kanyang mga damdamin.

Si Eleven, bilang best man, ay siya naman ang bahala sa mga tuxes at groomsmen fittings. Kagaya ko, ay siya din ang bahala sa bachelor party at maging kasosyo ni kuya sa paghahanda ng kanyang kasal.

Dumaan na ang ilang lingo at ngayong Sabado na ang engagement party. Uuwi na din sina mommy at daddy galing sa States at nasasabik na kaming makita sila muli.

Nasa loob lang ako ng aking clinic nang biglang tumunog ang aking cellphone at lumitaw ang pangalan ni kuya sa screen nito.

"Hello, kuya?"

"Ath." Sagot ng kapatid ko. "Are you busy this Friday?"

Tumingin ako kay Cindy na busy sa pag-aayos ng mga appointments ko. "Titignan ko pa, kuya. Bakit?"

"The wedding coordinator scheduled us for an ocular inspection of the wedding venue this Friday, but we couldn't go. Something came up mula sa parents ni Rickzyn and we have to visit them this Thursday. Sabado pa kami makauwi in time for the party and to see mom and dad arrive at the airport." Aniya, "I was thinking maybe you could go there and inspect the place for us. Pwede ba?"

"I see." Tumango ako. "Oo naman kuya. Ako bahala. I'll just meet with the wedding coordinator, right? Nasa Tagaytay 'yong venue, hindi ba?"

Garden wedding ang magiging tema ng kasal nina kuya sa isang pribadong villa sa Tagaytay. It has always been Rickzyn's dream to have a garden wedding, at proud ako sa aking kuya dahil pinili niyang gawing totoo ang pangarap ng aking kaibigan.

"Thanks, Ath. You're the best." Ani kuya. "Oh and by the way, Eleven will come with you."

Immediately, I was schocked. Hindi ko inasahan na makakasama ko si Eleven.

"Hindi ba't nasa Macau pa ngayon si Mishael sa isang business trip? It would help a lot if Eleven would come with you. Alam niyang mabuti ang perspective ko. He knows me well and my preferences."

Natahimik ako sandali.

"Okay lang ba sa'yo?" seryosong tanong ni kuya

"Um.. It's no problem kuya. Matagal na panahon na ang lumipas... Wala na sakin yun."

Huminga ng malalim si kuya na para bang alam niyang ayaw kong pag-usapan ang nakaraan.

Tumikhim ako. "Okay. Can you text me the wedding coordinator's digits later? Para makontak ko siya." Sabi ko. "Isali mo na din ang contact number ni Eleven. Thank you, kuya."

And that was it. Bumalot muli ang kakaibang pintig ng aking puso nang dahil lamang sa pangalang iyon. Nalaman ko lang last week na umuwi si Eleven dahil gusto niyang mapalago ng husto ang negosyo nila dito sa Pilipinas as well as doon sa States. Noong umuwi siya para sa dad niya three years ago ay naayos niya ang kumpanya nila. He saved it and his dad's health also got better. Brooks came back for similar reasons, dahil kagagaling lamang rin siya ng New York. It turned out she was an heiress to a high-class five-star restaurant business at malapit na siyang magtake-over sa kanilang negosyo. Bagay nga silang dalawa. Both elite with powerful families and connections.

Inaalala ko ang panahong huling nakita ko si Eleven at si Brooks na magkasama. Sinabi niya sa akin childhood friends sila. Who would have thought sila din pala ang magkakatuluyan sa huli?

Alam kong matagal nang panahon ang lumipas, pero kinabahan pa rin akong makikita muli si Eleven ngayong Biyernes. Buti na lamang at kasama namin ang wedding coordinator or else, I don't know if I'd be comfortable enough to do this favor for my brother. I knew he got so hurt after all that happened, but seeing that he's been doing well with his career and relationships, I guess he's okay now.

NASA loob ako ng bahay at nagbihis na ako ng damit na suotin para sa lakad ko patungong Tagaytay. Umupo ako sa aking kama matapos kong suotin ang aking sapatos at nagbuntong-hininga.

Eleven will pick me up today and we'll be meeting with the wedding coordinator at the venue mismo. Makakasama ko siya sa buong biyahe nang kami lang dalawa.

Nahagip ng mga mata ko ang aking pitaka na nakapatong sa aking side table at nanatili ang mga mata ko doon. Kinuha ko ito at binuksan upang makita ang isang patagong compartment nito kung saan nakalagay ang isang kwintas na matagal ko nang tinago.

11+A

Kahit marami na ang nagbago at alam kong kailangan ko nang bumitaw ay kailanman hindi ko talaga magawang itapon ang kwintas na ito. I don't know why I just couldn't let go of it. Masaya naman ako dapat na kasama ko na si Mishael.

Tuwing nakikita ko ang kwintas na ito ay napapaisip ako kaagad kung ano kaya kung pinili ko noon na sumama kay Eleven. I don't think things would turn out well. Mishael's condition might have gone bad, magkaroon ng malaking problema ang kumpanya ng ama ni Eleven, and I just don't think that we were mature enough to face all those consequences...

Bumuo ulit ang kirot sa aking dibdib na matagal ko na sanang kinalimutan.

"Ath?" tumawag si Rickzyn sa aking cellphone. She called to check on me. Bakas sa kanyang boses na nag-alala siya sa akin. "Are you okay? Ngayon na ang lakad niyo ni Eleven. Nagtext na ba siya sa iyo?"

"Oo." Tumango ako pero bahagyang nakatungo. "He's coming."

"Anong pakiramdam mo?"

"Don't worry about me, Rickz. I'm fine. Matagal na panahon na ang nakalipas."

"Hm." Sumang-ayon na lamang din si Rickzyn.

Hindi nagtagal ay nagtext na nga sa akin si Eleven at sinabi niyang naroon na raw siya sa labas. Seeing him outside the gate somehow made my heart skip a beat. Napailing ako. Damn it.

Nang lumabas ako ay tumambad sa akin ang isang magarbo niyang sasakyan. He looked dashing in his formal black long-sleeved polo. Nakatupi ito sa kanyang mga siko at kuminang ang mamahaling Rolex sa kanyang pulsuhan.

"Hi." Binati ko siya pero pinagbuksan niya lamang ako ng pinto at umikot para makaupo na sa driver's seat.

"Get in. I don't want us to be late."

Tumikhim ako. Ang awkward nito. At ang suplado niya pa. This will be a long ride.

Sumandal na lamang ako at tumingin sa labas ng bintana ng kanyang kotse. I felt my heart beat a little faster. Kinabahan ako. Why am I feeling nervous?

***

It felt like hours na tahimik lang kaming dalawa nang bigla siyang nagsalita.

"You hungry?"

"Hindi." sabi ko.

"Ilang taon na ba kayo ni Mishael?"

Ha? Anong konek ng first question niya sa next question? Tinaas ko ang kilay ko sa kanya at tinignan ko siya.

I can't help but notice his fine features. Kung gwapo siya noon, mas gwapo siya ngayon. He aged so well.

Umiwas ako ng tingin nang mapansin kong masyado ko na siyang tinititigan.

"Tatlong taon nang kami."

"Wow... Three years is a long time." aniya, hindi nakangiti pero hindi nakasimangot. Seryoso lang ang tingin sa kalsada. It got silent for a while. "Kamusta ka? I heard you're a dentist now."

Ano 'to talkshow?

Also, bakit iba ang aura niya ngayon? Parang sobrang galit niya sakin nung party ni Dishon. Pero ngayon he seems chilled out.

"Yes. And I've been fine." huminga ako ng malalim. "Ikaw?"

"Okay lang din."

Jusko ang awkard ng conversation na ito! I lowered the window next to me to get some air. At para distraction na lang din.

"Are you happy with him?" tanong niya pa.

Napatingin ako sa kanya.

"Oo, masaya ako kay Mishael."

Naging tahimik si Eleven. Umigting ang kanyang panga. "I see."

Hindi na siya umimik matapos niya yong itanong sakin.

***

"MISS Athalia! Mr. Adanza! Magandang hapon sa inyong dalawa. I'm very glad you made it today in place of the bride and groom." Nang nakarating kami sa Villa La Belle ay sinalubong kami ng wedding coordinator.

"It's no problem, Miss Andres." Ani Eleven at naglakad na siya't nagmasid ng maigi sa venue. Nilingon niya ako. "What do you think, Athalia?"

Nakakamangha ang elegante at napakamaaliwalas na paligid ng venue. It was private and suitable for an intimate wedding that kuya wants.

Tumango ako. "I like it."

"Thank God nagustuhan mo ang lugar, Miss Athalia. The good news here is that this can accommodate guests that are from out-of-town places or gustong mag-overnight dito dahil isa din itong bed and breakfast place. As of the moment, we have around thirty bedrooms. Mayroon kaming isang presidential suite at doon na din pwedeng manatili muna ang bride at ang kanyang entourage para maayusan sila. There is also a deluxe room for the groom and the groomsmen, plus the clubhouse can serve for the reception and it can accommodate around three hundred people. Kung gusto niyong gamitin ito bilang lugar para sa photographs ng engagement or wedding photos, pwedeng pwede rin. Villa La Belle is one of the perfect places to hold weddings and it has been serving its purpose exceptionally ever since."

Eleven simply wanted to judge that for himself. Particular siya sa lahat ng simpleng details, samantalang ako ay namangha na at wala na akong problema sa venue.

"Sa tingin mo magugustuhan din kaya nilang dalawa ang lugar?" tanong ko kay Eleven nang nakalabas na kami ng venue at pauwi na ng Manila.

Tumango lamang siya at halos hindi na ako pinansin. Uminit ang pisngi ko dahil sa pagtrato niya sa akin na parang hangin.

"Eleven? Eleven!" biglang mayroong lumapit sa amin na isang babaeng nakasuot ng shades, shorts, at sleeveless na pantaas. Sa tabi ng Villa La Belle ay mayroong magarbong resort at mukhang nanggaling siya doon. Tumungo siya kaagad kay Eleven at niyakap niya ito. "It's good to see you here! Anong ginagawa mo rito?"

Nilingon ako ng babae at pinagtaasan niya pa ako ng kilay. "And who are you?"

Ako pa ang tinatanong niya? Eh sino naman siya?

Tumingin ako kay Eleven at napaawang ang aking bibig nang hinawakan niya ang babae sa maliit nitong beywang. "Ohh.. Sorry, Maria. I've been busy. What are you up to here?"

Maria?

"Anong Maria? Jacky pangalan ko ah! Ikaw talaga. Nagbabakasyon kami rito with my cousins." Aniya. "Ikaw?" Nakatingin pa din siya sa akin habang tinatanong si Eleven.

"I'm here on business. She's just a collegue." Ani Eleven sa babae habang tinutukoy ako. Kelan ako naging collegue nito?

"Oh, then I shouldn't be disturbing you since you're busy. Anyway, I have to catch up with my cousins. I just wanted to say hi... Let's hang out again some time?" kumukuslap kuslap ang mga mata ng babae kay Eleven.

Nalaglag ang panga ko nang hinalikan si Eleven ng babae sa harapan ko. Sa cheeks lang naman, pero obvious na may something.

Nang nagpaalam na ang babae ay nagkaroon ng katahimikan. Nilingon ako ni Eleven, at napaatras ako dahil hindi ko na nawawari ang ekspresyon ng kanyang mukha. He looked stone cold. Ni hindi ko alam kung anong reaksyon ko ang gusto niyang makita.

"Sino 'yon, Eleven?" nag-aabot ang kilay kong tanong sa kanya.

"I think her name was Jacky. I might have hooked up with her at some point in the past." Nilagay niya ang mga kamay niya sa mga bulsa at tumingin sa ibang bagay.

Napabuga ako ng hininga. "Grabeh... Hindi na ako nasurprise. Hindi ka parin nagbago."

Tumaas ang isang kilay niya nang nagtama ang aming mga mata. Napalunok ako nang humakbang siya palapit sakin.

"What are you trying to say?" Humakbang siya ulit, nakadikit ang mga mata sakin.

"Wala.." sabi ko.

Umigting ang kanyang panga.

"I'm just disappointed in you. Akala ko titino ka pagkatapos mong bumalik sa America, pero player ka pa rin. At cheater pa."

Natigilan ako sa sarili ko dahil sa mga nasabi ko. Bakit ba sobra akong pakialamera? I should really just leave him alone, kundi magiging kumplikado lang ito.

"I don't cheat. I just play the game." Matigas ang kanyang boses. What the hell did he mean by that?

"The way you play your game is by cheating. Pareho lang yon. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?"

"Why are you acting so mad?" tanong niya. His eyes were enchanting, but those were the same deceiving eyes I fell in love with. "You're not Brooks. Why is this a big deal to you, Ath?"

Ath. Tinawag niya akong Ath ulit.

"I've had enough of this conversation. Uuwi na tayo." Mahina pero mariin kong sinabi. Dumeretso ako sa kanyang kotse at umupo na sa unahan. I banged the door shut. Ilang segundong nanatili si Eleven sa kanyang kinatatayuan bago umikot na rin para tumungo sa driver's seat sa'king tabi. Pinaandar niya ang sasakyan at wala nang nagsalita sa aming dalawa.

I had nothing going on in my mind anymore other than just the thought of going home and staying away from this person. Hindi ko siya pinili, sinaktan ko siya. I just can't bear being around him like this. Dahil naaalala ko ang lahat. Naaalala ko ang mga panahon na masaya kaming dalawa nang magkasama. Naaalala ko na hindi siya ang pinili ko sa huli at naiiisip ko ang maraming sana.

"Anong nangyari?"

Nagbuntong-hininga si Eleven at narinig ko siyang nagmura.

"We have a flat tire." Aniya.

"Ano?" nanlaki ang mga mata ko.

Continue Reading

You'll Also Like

560K 17.7K 41
In the middle of my chaos, there is you. The only question is, am I ready to hold the thorns just to win the Rose? -Lego Marcelo
3.5M 89.3K 52
Payapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahan...
14.1M 71.4K 52
A/N: This story has been published that's why it's not available here. Thank you! Teaser lang po ang inyong mababasa. "Im pregnant. " Mula sa pagka...
1.7M 44.1K 51
(COMPLETED) Published under RISINGSTAR Printing Enterprise (149.oo only) Available in all leading bookstores Nationwide- you can also order the book...