Sana lahat

By Marya_nggg

4.5K 324 45

SANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba tal... More

Sana Lahat
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
SANA LAHAT

Kabanata 60

85 3 6
By Marya_nggg

A/N: Hi, kanina pa dapat to kaso pinag- iisapan ko pa kasi kung babaguhin ko tong buong kabanata o wag na...so hindi ko na binago. Maikli to kumpara sa ibang kabanata na inuupdate ko. Medyo nahirapan kasi ako kung dapat ko na talagang ilagay sa kabanata na to... btw thank you sa mga nagbabasa. 
Happy reading!

_

    

"R-renz oo ,mahal kita, mahal pa din kita pero napapagod na ko, ayoko na ng ganto" Sabi ko paktapos nyang angkinin ang labi ko 

"Nagsisimula pa lang tayo, pagod ka na?" 

"Ikaw yung nagsisimula pa lang... ako matagal na, alam mo yun! Renz sa totoo lang pinipilit kitang intindihin para wala tayong maging problema pero kung ganyan yung mga inaasta mo, kung ganun mo ko tratuhin- ni hindi ka nagsabi sakin kung anong problema mo tapos bigla ka na lang nagkaganun? Renz matagal na kitang sinimulang mahalin, matagal na kahit na nasasaktan na ko dati pa pero tingnan mo kung anong ginawa ko sumugal pa rin ako , pero sana alam mo na napapagod din ako" 

"Yung kahapon...yung kahapon nagalit ako sayo nun, pakiramdam ko kasi lahat ng sinasabi ko hindi mo pinapakinggan, baliwala sayo. Gusto mo ikaw lagi iniintindi sating dalawa. Nadia napapagod din ako, nakakapagod magpaliwanag, nakakapagod magsabi sayo " 

"Pagod ka, pagod ako. Edi tumigil na tayo-itigil na natin to. Pinapakinggan naman kita d-diba? Renz hindi ko binabaliwala yung mga sinasabi mo, oo, oo yung iba hindi ko na pinapansin kasi parang wala namang maidudulot e . Renz kahit ba konti hindi kita inintindi? h-ha? " sabi ko sa kanya, hindi ko maintindihan bakit wala akong makitang galit sa kanya ngayon , yung itsura nya handang makinig sakin at magpaliwanag yun lang, bakit ka ganto Renz

"May problema ako kahapon pero mas pinili pa din kitang unahin-"

"Renz hindi yun sapat na dahilan para tratuhin mo ko ng ganun! Bakit ang dali mong gawin yun? Renz hinayaan mo ko bigla e, may tayo diba kung may problema ka bakit hindi mo na lang sinabi sakin? Hindi mo ko kailangan unahin " 

"Yung totoo, yung totoo nagagalit ako sayo, galit na galit ako sayo may mga bagay kang ginagawa na parang wala na ako e, nagagalit ako kasi ayaw mo kong pakinggan, nagagalit ako kasi lagi mong sinasali sa usapan si Angela tapos sa huli ako pa yung nagiging mali? ako  pa yung nakagawa ng kasalanan...Wala ako sa sarili nung time na yun, hindi kita pinakinggan, kasi para san pa? e hindi mo nga akong kayang pakinggan...love, pinagsisihan ko yun, pinagsisihan kong iniwan kita dun, pinagsisihan kong binigay kita basta sa pinsan ko. Sorry. Sorry sa lahat ng ginawa ko, kung sa tingin mo hindi kita inintindi sorry. Ako na ang mag s-sorry, ako na ang iintindi sating dalawa" 

"Sa tingin mo ba mababago ng mga sinasabi mo yung desisyon ko? " tanong ko sa kanya , nakit ako kung paano sya nasaktan sa sinabi ko 

"Oo ikaw na yung tama, ako na tong mali . Ako na tong napakababaw, ako na tong basta basta nagd-desisyon, ako na yung hindi umiintindi, ako na lahat Renz. Pero hindi mo ko masisisi, sobra na yung sakit na nararamdaman ko. Sumugal pa din ako sayo kasi mahal kita, at mahirap, mahirap iwala yung pagmamahal ko sayo-" 

"Ano eto na naman tayo? gagamitin mo sakin yung pagmamahal ko sayo para lang mangyari yung gusto mo? Nadia mahal kita, at hindi porke mahal kita susundin ko ang gusto mo , lalo na kung gusto mong  maghiwalay tayo, hindi. Walang mangyayaring hiwalayan, ikaw na nagsabi na nasaktan kita dati, pero hindi mo pa rin ako sinukuan diba? Ang liit ng problema natin, wag na nating palakihin pa mmm? please" 

Bakit ba ganto si Renz, bakit hindi sya nagagalit, ang hirap nyang pakawalan. Hindi ko na talaga alam gagawin ko, gulong gulo na ko, sobra. Pero andito si Renz sa harap ko, para bang inaayos nya lahat para samin. 

"Tumingin ka sakin love...Intindihin mo tong sasabihin ko, walang maghihiwalay, walang matatapos. Uulitin ko walang maghihiwalay, hindi mo ko hihiwalayan-" 

"Renz sorry, sorry. Sorry" 

"love!" tawag nya sakin tinalikuran ko na sya at pinagsarhan na ng pinto. Wala ako sa tamang katinuan para magdesisiyon , para pakinggan sya ngayon, soory. Narinig ko pa yung pagkatok nya ng paulit ulit hanggan sa tumigila na. Pinunasan ko yung mga luha ko sa muka ko at dumeretso na sa kwarto. 

_

Gaya kahapon, naabutan ko si Kuya Josh dito sa labas na hinihintay ako. Hindi ko pa din nakakausap si papa, kanina sana kaso gumising ako wala na sya pumasok na. 

Pagdating ko sa school, dumeretso na ko sa room na dapat hindi muna. Andito na yung iba kong kaklase, kahit hindi ko naman kaklase andito, si Renz na nakikipagdaldalan kay David at sa isa kong kaklase. 

"Morning Nadia!" bati sakin ni David , papansin e . Dahil sa ginawa nya napatingin sakin si Renz bakit ba kasi andito pa sya , sabihin ko kaya kay maam na pagbawalan na yung hindi naman talaga dito sa room.

"San ka pupunta?" tanong ni David ng tumalikod na ko sa kanila par asana lumabas

"Sa cr lang" sagot ko at tuluyan nang lumabas. Bumaba na ulit ako para pumunta sa cr, hindi ako nagdadahilan lang para makaiwas kay Renz, naiihi talaga ako 

"Oh tingnan mo nga naman, pag talaga sinuswerte tayo hahahha" sabi ng isang babae na may kasamang isa pa. Hindi ako pamilyar sa kanila. paglabas ko sa cubicle nakalingon sila sakin 

"Teka, wag mo kaming lagpasan" sabi sakin habang hinawakan ako sa braso, napakagat ako sa labi dahil sa hapdi, habang tumatagal dumdiin yung kuko nya.

"Isa pang diin, palad ko ang didiin dyan sa muka mo-"

"Ganto ba hahahaa-Ah!" 

"Sabi sayo palad ko ang didiin sa muka mo e, bitawan mo ko kung ayaw mong kabilang pisngi mo ang sampalin ko" sabi ko sa kanya, hawak hawak nya yung muka nyang sinampal ko, hindi ako nakikipagbiruan anong akala nya. 

"Aray! sabing bitawan mo ko e!" sigaw ko sa kanya, lalo lang nya diniinan yung pagkakahawak sakin. Pati yung kasama nya hinwakan na din ako

"Pano kung ayaw namin ha? Kala mo kung sino ka, lakas ng loob mong saktan si Renz a...Buti na lang wala na kayo, hindi kayo bagay hmm nakakagigil ka! Ano sa tingin mo, na lagi kang malakas ha! di ka uubra samin!" hawak ng isa nyang kamay ang muka ko at pinipisil ito. 

"Bitawan nyo sabi ako e! Ano isa pa rin ba kayo sa may gusto kay Renz na mainit ang dugo sakin? Kaylan ba kayo titigil? Tangina lalakas ng kulto nyo a " matapang na sabi ko sa kanila kahit na iniinda ko yung sakit sa braso ko. Kahit anong gawin kong magpupumiglas hindi nila binibitawan mas lalo lang ako nasasaktan. Kaylan ba ko mawawalan ng kaaway, bwisit talaga.

"Alam mo nakaka imbyern ayang muka mo, hindi ko alam kung bakit ka pinatulan ni Renz e. Iba talaga nagagawa ng malalandi noh-" 

"Tangina , mamatay na malandi! RIP agad sa inyo! Ako malandi? Sige kahit tanungin nyo pa si Renz kung nilandi ko sya. Bored talaga kayo noh? Hindi naman kayo ex ni Renz pero bakit napaka papansin nyo? Sino bang leader nyo? Si Angela? si Andrea? o si Dette? Lantang lanta na ba na kayo at si Renz yung napili nyo para madiligan kayo? Tangina ikalma nyo nga yang sarili nyo!" 

"Tangina manahimik ka-"

"Kayo ang manahimik! Ano bang akala nyo na kapag wala ako papatulan kayong lahat ni Renz? Tingin nyo ba kung sila pa din Angela papayag si Angela na ipahiram sa inyo si Renz? Anong utak meron kayo, teka may utak ba talaga kayo? Wala noh? O kung meron man hindi nyo alam kung pano gamitin ng tama . Tangina mang-aaway kayo ng babae dahil lang ayaw kayong pag tuunan ng pansin ni Renz? Mga bobo!-Ah tangina!" hindi ko naiwasan yung sampal nya. Kung hindi lang talaga ako kapit kanina ko pa pinag sasampal. 

"Kung hindi ka kasi nagpapansin kay Renz edi san ako tong minamahal nya! Alam mo ba na nagtapat ako sa kanya nung time na wala na sila ni Angela! pero anong nangyari? Tangina hindi nya ko pinansin! dahil sayo yun! Ang tagal ko nang nag iipon ng lakas  ng loob para umamin sa kanya, ang tagal ko na syang pinapangarap pero lahat yun nauwi lahat dahil sayo! Dahil sa pagpapansin mo!" sigaw nya sakin, halos mamula na sya sa sigaw at para bang iiyak na tss

"Tapos ka na mag kwento ng kadramahan mo? Pwede ba, wag ako ang sisihin nyo. Sawang sawa na ko na laging may sumusugod sakin dahil lang na ako ang nagustuhan ni Renz. Hindi ko kasalanan, hindi ko sya masisi na ako yung nagustuhan nya at pwede ba ako ! Konting hiya naman o, ako dapat tong dapat nagagalit sa inyo kasi nagpapansin kayo kay Renz . Sa totoo lang napapagod na ko, pagod na pagod na kong harapin kayo. Kung meron pang susunod sa inyo na sasaktan ako at susumbatan ako pakisabi konting hiya sa sarili ha, kababaeng tao mga walang hiya sa sarili. Wag kayong mag-alala, sasabihin ko kay Renz na isunod ka sakin, pero pasesnsyahan na lang kung ayaw nya talaga...Bitaw!"' sabi ko sa kanilang dalawa, nganga sila sa sinabi ko, nararamdaaman kong may gusto pa silang sabihin pero hindi nila masabi. 

"Pag hindi nyo ko binitawan at tinigilan, pagsisihan nyong dumampi sakin yang mga kamay nyo...Isa, ano hindi talaga kayo bibitaw!?" huling tanong ko sa kanila, pabalang nila akong binitawan 

"Konting hiya ha, kahit hindi para sakin, para sa mga sarili nyo" sabi ko pa sa kanila, tinarayan lang nila ako at padabog na lumabas. Lakas mag walkout, ako dapat ang gagawa nun e. 

Tiningnan ko sa salamin yung muka ko, may bakat ng kuko nya pero wala namang sugat. Pagtingin ko sa braso ko tangina anong kuko ba meron sya, Tatlong sugat yung meron sakin, baon na baon talaga, yung mg akonting dugong lumalabas aksidenteng dumikit sa uniform ko. Kinuha ko lang yung panyo ko at binasa para idampi sa braso ko, bwisit talaga, bwisit silang lahat. 

"Nad sabi ni David sa cr ka , bat ang tagal mo?" bungad na tanong ni Arian sakin, andito na pala sila ni Aj at andito pa din si Renz . 

"May umaway sayo noh? " bulong sakin ni Aj bago ako pumunta sa upuan ko na katbi ng kinauupuan ni Renz 

"Kung ako sayo kung ayaw mong ipaalam sa kanila, wag ka na muna umupo sa tabi ni Renz, halata sa muka mo yung kuko o nakuuu Nad" bulong pa sakin ni Aj at bigla akong inakbayan dahilan par amapadikit ako sa kanya at yung braso ko na may sugat, napangiwi ako bigla medyo masakit 

" Tangina Aj yung braso ko" pasimple kong bulong sa kanya, taka syang tumingin sakin at sa braso ko 

"Arian sama ka canteen?" tanong ni Aj kay Arian , tinanggal nya na yung pagkakaakbay sakin. 

"Sama kami-ako! " 

"Hindi David, di pwede. Tara na Arian" sabi ni Aj at naglakad na kami paalis ng room, hindi nakatakas sakin yung tingin ni Renz na nagtataka at nag -aalala? 

"Sino Nad? Umagang umaga may kasabungan ka na pala sa cr" 

"Anong meron? Anyare Nad?" tanong sakin ni Arian, andito kami sa canteen , ang gagaling ako ang pinagbayad ng mga binili nila.

"Hindi mo nakikita muka nyang si Nad, hindi ko alam kung sinong mangkukulam na naman nakaaway nyan" sabi ni Aj kay Arian, si Arian pinagkatitigan naman yung muka ko. 

"Oo nga noh, ano tungkol na naman kay Renz?" tanong nya 

"Ano pa nga ba, lahat naman ng umaaway sakin may gusto kay Renz" sagot ko 

"Kilala mo kung sino?"

"Hindi e , hindi ako pamilyar sa muka. Hayaan nyo na , ipagdasal nyo na lang last na yun, nakakasawa na silang patulan" 

"Pwede mo naman na hindi patulan" 

"Arian kung ganun lang kadali. Kung hindi ko sila papatulan baka lalo lang lumakas loob nila na lapitan at pag - initan ako" paliwanag ko, May choice ako na hindi nga naman sila patulan kaso mas pipiliin ko na patulan sila para nadin mapag tanggol ko yung sarili ko. 

"Pagdasal na nga lang natin na last na yung kanina, sana nga wala nang mangyaring ganun" 

Sana nga. Kapag talaga meron pa hindi ko alam gagawin ko sa kanila. 

"Ano pa lang nangyari sa inyo kahapon ni Renz? tsaka bakit sya nasa room?"tanong ni Arian 

"Wala. Hindi ko rin alam kung bakit nasa room sya" sagot ko, ayaw nilang maniwala na walang nangayari, bahala sila 

"Wala na talaga kayo?" tanong ni Aj. Yan din yung tinatanong ko sa sarili ko kagabi, wala na ba talaga kami, nakakatawa talagang tinatanong ko pa sarili ko e ako tong nagd-desisyon 

"Nad sagot agad hahahha" 

"wala-hindi ko alam, ewan wag nyo na kong tanungin tungkol dyan" sagot ko sa kanila 

"Ewan daw o Aj, naku po yan na nga ba sinasabi e naku Nad delikado ka na naman nyan haahaha!" 

"Ewan ko sayo Arian , manahimik ka na lang dyan "



Pumunta na kami sa room. Masasabi kong payapa ang araw ko break and luch time walang Renz na papansin, pero ayoko magsalita ng tapos hanggat hindi pa natatapos tong araw na to ayokong magpakampante. 

Kasalukuyan kaming nasa court lang, hindi pa kami makauwi dahil may annoucement pa daw ang faculties. 

"Nadiaaaa!"Nakita ko si Cess na tumatakbo papalapit samin. jusko naman, dumating pa yung bubwit. Tumingin pa sya samin ni Renz na hindi magkatabi bago sya umupo sa tabi ko 

"Cess bat blooming ka ata, uwian na pero blooming ka pa din hahhaahha" 

"Val wag mong ganyanin yan, baka mag feeling hahahah" sabi ko naman 

" Epal Nadia. Ate Val syempre kailangan blooming para kay crush hahahh-aray Ate!"

"Ikaw Cess sabing tigilan mo e, sasabihin na kita kay Ali" pagbabanta ko sa  kanya, nginusuan nya naman ako 

"Wala naman masama , crush lang naman" 

"Kahit na Cess, magtigil ka. Ano bang pinunta mo dito?Bukod sa pagpapansin sa crush mo bwisit ka. Hindi ka pa dumeretso ng uwi " tanong ko sa kanya, kinit balikat lang ang sinagot nya sakin at nag cellphone na lang. Talagang nagpapansin lang to kay Eman e, napatingin ako kay Eman na nagtataas kilay sakin, uupakan ko talaga sya. 

"Ay ate-" 

"Kala ko tatahimik ka na dyan" 

"Narinig ko kasi yung kaklase ko kanina, yung nakaaway ko. Pinag k-kwentuhan nila ng kaibigan nya yung ginawa daw sayo ng ate nya kaninang umaga sa cr daw. Ate nakakainis sila, pinag k-kwentuhan nila sa likod ko kung pano ka daw sinaktan ng ate nya..." Ate? so yung sa cr kanina, ate nung napa guidance namin. Pero hindi yun ang issue potek, kaming tatlo lang nila Aj at Arian ang nakakaalam 

"Cess ang daldal mo, pwede ka naman umupo dyan na hindi dumadaldal noh?" bulong ko sa kanya, pero hindi nya ko inintindi talagang sinigihan pa 

"Hindi nyo ba alam? Ikaw kuya Renz hindi mo alam na may umaway kay Ate Nadia kaninang umaga-mmm" tinakpan ko na yung bibig ni Cess, napaka daldal talaga 

Pagkatapos ng announcement , nagpaalam na ko kila Val na aalis na . Kaso nakalimutan kong may kasama pala akong epal

"Hindi tayo kay Kuya Renz sasabay?" tanong ni Cess 

"Ikaw sumabay ka kung gusto mo...Una na ko!" paalam ko sa kanila. Iniwan ko na si Cess sa harap nila. Napaka daldal 

Hindi ko na kailangan mag text kay Kuya Josh mukang kanina pa sya dito sa labas naghihintay sakin. 

"Nadia!" napalingon ako sa tumawag sakin, si Eman 

"Bakit?" 

"Pasabay ako " sabi nya sakin at sinilip kung sinong taga drive 

"Wala ka bang sasakyan?"

"Sasabay ba ko kung meron?" pilosopong sagot sakin tss. Nauna na kong pumasok sa sasakyan 

"Kuya Josh , sasabay si Eman " sabi ko, pumayag naman si Kuya Josh kaya pinasakay ko na din si Eman 

Kala ko tahimik lang sa likod pero mali ako sa chat ny ako kinukulit, natatakoy daw sya magsalita hahahhah. Kaya pala sumabay kasi may agenda , sabi na e duda ko kanina pa sa kanya. Nagsend sya sakin ng picture bagong bukas na ice cream house, pinipilit nya kong puntahan namin kahit na sinasabi ko na hindi pwede. Pero ang totoo gusto ko talagang puntahan, ice cream yun e. Tiningnan ko si Eman sa salamin at ngingiti ngiti sakin dahil sinabi ko sa kanya na susubukan kong mag paalam. 

"Kuya Josh..." tawag ko, nilingon nya ko saglit. Mukang hindi namn sya kj baka mahilig din sya sa ice cream. Nasa 25 or higher pa yung age nya ata. \

"Pwede daan muna tayo sa Dairy Doo? yung bagong bukas lang na ice cream house, saglit lang kami, pwede po?" tanong ko, naka cross finger ako habang hinihintay yung sagot nya 

"Kuya Josh saglit lang po talaga- Hala pwede po? Sure?" paninigurado ko nang tumango sya sakin at tiningnan ako 

"Oo hindi naman malalaman ng papa mo tsaka wala ka namang gagawing iba, tama?" 

"opo, kakain lang po kami ng ice cream. Thank you po" Imbi sna dumeretso sa daan na papuntang bahay, lumiko na kami at tinahak ang daaan papuntang ice cream house, yey makakain na ulit ako ng ice cream ang saya hahahaha. Wala na kasing stock samin kaya namiss ko nang kumain 

Pumasok na kami sa loob, niyaya ko pa si Kuya Josh kaso ayaw nya, bilhan ko na lang din sya mamaya. 

"Nadia!" 

Biglang nawala yung saya ko kung sino yung tumawag sakin  si David katabi nya si Renz.

"Eman bakit hindi mo sinabi na andito sila?" 

"Hindi ka naman nagtanong tsaka wag kang mag-alala andito din sila Val" tumingin ako sa counter andun sila Val kasama nila si Cess, lumapit na din sila table kung nasan sila David, andito din pala sila Mark at Rey, kumpleto sila. Hinila n ako ni Eman at pinaupo na din 

"Sabi sa inyo mapipilit ko si Nadia hahaha" sabi ni Eman sa kanila,  so plano talag anila to?, kahit papano natuwa naman ako . Inabutan na ko ni Aj ng ice cream, hindi ko pa natitikman mukang masarap talaga. 

Kumain na ko at hindi na inintindi si Cess na kung ano ano sinasabi. Si Renz naman kanina ko pa nararamdaman na tumitingin sakin. 
Sa kalagitnaan ng pagkain namin biglang may lumapit sa pwesto namin 

"Nadia? Sabi na ikaw yan " sabi ni Dioshua, hindi ko inaasahan na makikit ako sya dito. Binati din nya yun mga kasama ko. Sana wala syang banggitin...

"Dioshua. Nag t-trabaho ka dito?" tanong ko agad sa kanya, may hawak kasi syang menu at naka apron. 

"Nakalimutan kong sabihin sayo na ito yung pinagkakaabalahan ngayon ni mama at ni papa sa ngayon" 

"Ahhh, sarap ng ice cream nyo" 

"Nadia diba may sinabi ka sakin-" 

"ha?Wala. Wala akong sinabi. kung ano man yan guni guni mo lang yan hehehe. Baka may gagawin ka pa, sige na" Kakasabi ko lang na sana wala syang banggitin e 

"Baka kasi andito-" 

"Dioshua, wala. Wala dito, wala na" bakit ba ang kulit nya, nakikipag asaran pa e 

"Hindi sa pagiging pakielamera heheheh, a-anong tinutukoy mo?" tanong ni Arian, wala na. Gusto ko na lang umalis. 

"Nasabi kasi sakin ni Nad tungkol sa boyfriend nya? Kapad daw nagkita kami, ipakikilala nya daw sakin, nagbabasakali lang kung isa sa  inyo yung boyfriend nya?" Tanong ni Dioshua. Nasapo ko na lang noo ko, jusskoo ang sarap nilang pagbuhulin ni Cess ang dadaldal. Pero buti na lang tahimik si Cess ngayon hindi nakikisali sa usapan namin 

"Anong binaggit na pangalan sayo ni Nad?" tanong ni Mark, ang gagago, ang sarap nilang upakan 

"Renz? Tama ba Nad ?...Oo Renz yun"

"I guess wala dito?" tanong ni Dioshua, wala kasing sumagot sa kanya

"Merong Renz dito, pero hindi ko sure kung boyfriend ni Nad" sabi ni Aj, gago talaga. Si Dioshua nagtataka sa sinabi ni Aj . Napatingin ako kay Renz na nakatingin lang sa ice cream nya, nakakuyom din yung isa nyang kamay na nakapatong sa lamesa. 
Tumingin naman ako kay Val na katabi ko 

"Desisyon mo na yan, wag mo kong tingnan" yan lang ang nakuha kong salita kay Val. 

Desisiyon ko,desisyon kong hindi ko naman mapapanindigan...

Hindi, paninindigan ko to. Arrghh Renz sakit ka talaga sa ulo!





"Dioshua..." tawag ko kay Dioshua na paalis na sana ,Umayos ako ng upo at tinuro yung dalawa sa isa't isa, sana hindi ko pagsisihan yung gagawin ko. 

"Renz si Dioshua. Dioshua si Renz, b-boyfriend ko" 







:((((

Continue Reading

You'll Also Like

15.7M 22.7K 5
Dahil sa hirap ng buhay at dala ng pangangailangan ay pumayag si Yoona sa alok ng kaibigan na amo ng kakilala nya na maging isang surrogate mother...
21.2K 1.2K 30
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
126K 3.1K 35
What if an ordinary day turns out to be not so ordinary after all? Lily woke up early for work, but unusual things happened... 1. Her Morning coffee...
262K 3.9K 200
Ito ay mga salitang maaring nangyari rin sa inyo. Ang ibang bahagi ng pahina na ito ay punch line lamang at yung iba ay totoong napag daanan ng autho...