TVD #8: You Missed, Cupid!

By overthinkingpen

6.8K 419 290

The Valentine Diaries #8: Maria Phlegon Linhares Pana Linhares is head over heels in love with Enzo Avillanoz... More

The Valentine Diaries
You Missed, Cupid!
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 2

502 37 89
By overthinkingpen

Chapter 2

Enzo Jeremiah Avillanoza has a hairstyle with short sides but longer at the top. He always fixes it in a clean side part brushed back style, something that is really appealing not only to me but also to the girls who get hooked by his good looks.

He always looks like he doesn't care about the things happening around him or the people he meets. His eyes look at people with indifference. Enzo isn't rude but he doesn't talk much either.

Sa totoo lang, tipo ko 'yong mga mababait o kaya naman ay palakaibigan. But something about Enzo is always pulling me in. Minsan, iniisip ko na 'wag na lang siyang gustuhin pero talagang kapag nakikita ko nang lumalabas ang banda nila sa stage, hindi ko na maalis ang tingin kay Enzo. 

Cold presence and his immaculate eyes. They always get me every time. Gustuhin ko mang 'wag na siyang magustuhan, talagang parati akong nahahatak pabalik.

I watch Enzo as he gets dragged by some of Alec's classmates to the marriage booth. Soot-soot niya ang college uniform ng Torrero University—the white polo, black slacks, and black leather shoes.

He's not resisting but I can see that he doesn't want to be here either. Hawak-hawak siya ng dalawang estudyanteng lalaki sa magkabilang braso at hinahayaan 'yon ni Enzo. He has his head bowed down so I cannot see his reaction.

Mas malaki ang tangkad niya sa dalawang lalaking nasa magkabilang gilid niya. He has fair skin and it looks so good under the sunlight. Naglalakad pa lang naman siya pero para nang hinahabol ng kung ano ang puso ko!

Nakakahiya! But Antonia already paid for this so it's better to continue, right? I don't even know if it's right for them to drag him here against his will!

Enzo has a bit messier hairstyle today. Siguro dahil ilang beses niya nang nasuklay 'yon gamit ang mga daliri niya. Katatapos lang din ng performance nila kaya siguro hindi na siya nakapag-ayos ulit.

I like this hair on him. I like the clean hairstyle he has before but this hairstyle makes him look a little bit less uptight.

"You still have marriage booths in college?" tanong ni Enzo nang iangat niya ang tingin sa karatulang nakapaskil sa itaas ng booth.

Nagtawanan ang mga lalaking may hawak ng magkabilang braso niya. "We need to get paid so please cooperate," sabi ng isa sa kanila at uminit ang mga pisngi ko.

"Do I also get paid?" Enzo asks the guy as he smirks and the two other guys laugh.

As he smirks.

Smirks! Agad akong natulala sa ngisi ni Enzo at uminit ang mga pisngi ko nang halos tumalon ang puso ko sa kilig!

I haven't seen him smirk like that before! I don't know why the sight of him talking to another guy with such confidence makes him look more appealing. Talaga yatang nasisiraan na ako ng bait!

Inilipat ni Enzo ang tingin sa 'kin at tulad ng sa mga pelikula, para bang nabalutan ng mga rosas ang paligid ni Enzo sa paningin ko.

His eyes looks at me with curiosity. He slightly purses his lips and his eyes slowly register amusement. Dapat, lalo na akong mahiya dahil sa nangyayari pero hindi ko na magawa pang isipin ang hiya ko dahil sa pagkatulala kay Enzo.

Enzo smiles at me.

"Are you my fiance?" he asks with a playful smirk playing on his lips.

Oh, no. He shouldn't be allowed to do that. Baka maaga akong mamatay. Baka hindi ako maka-graduate. Baka hindi ako makapag-trabaho. Baka hindi ako magkapamilya! 

What the hell am I thinking?!

Dahil hindi ako makapagsalita, tumango na lang ako bilang sagot. Enzo looks at my hair and he bites his lip to contain his laugh. Napatingin ako sa labi niyang kagat-kagat niya.

Agad akong nahiya. May soot kasi akong flower crown at belo. May dala pa nga akong bouquet! Hindi ko naman akalain na nakakahiya palang maging ganito sa harapan ni Enzo. No'ng sinosoot ko ang mga 'yon kanina, ang nasa isip ko lang ay ang kasal namin ni Enzo. Ni hindi ko na naisip ang iisipin ni Enzo.

But like what Antonia and I always say, you only live once so grab every opportunity that lands before you.

Hindi ko alam kung paanong napapayag ng grupo ni Alec si Enzo na magpakasal sa 'kin. Maybe they forced him at first! Pagkatapos ay sumama na lang ito nang matiwasay.

Umalis ang dalawang lalaking nagdala kay Enzo rito. Dahil naiwan kaming dalawa ni Enzo sa harapan ng altar, hindi na ako nakapagsalita at sinusubukang libangin na lang ang sarili sa sementadong sahig ng university. 

I can smell Enzo's perfume from here. Mabango 'yon at lalaking-lalaki. He smeels so good and fresh! Bigla akong nakaramdam ng hiya na baka hindi na ako kasing-bango niya. 

Sumilip ako kay Enzo at naabutan kong sumilip din siya sa 'kin. Nagtama ang mga tingin naming dalawa. 

"Sorry. I should be the one waiting for you on the altar. Not you," Enzo says as he continues to stare straight into my eyes. I realize that he has eyes with a beautiful shade of brown. He smiles and I get distracted by his lips once again. "Hindi rin naman problema kung gusto mong ikaw ang naghihintay."

I feel like there's a lump on my throat. Ni hindi ko magawang sumagot pabalik.

Three years, I have been crushing on this man pero ngayon lang kami nakapag-usap nang ganito. Ngayon ko lang siya nakaharap nang ganito katagal. Ito na rin yata ang pinakamahaba niyang nasabi sa 'kin.

Sa lahat ng old school love letters na ipinuslit ko sa locker niya, sa mga messages ko sa kaniya sa social media, at sa ilang pagbati ko sa kaniya sa campus, ngayon niya lang ako nakausap at napansin nang ganito!

I should speak! Pero ni hindi ko magawang ibuka ang mga labi ko para magsalita.

"Marami pa kaming ikakasal. I think we should start," Alec interrupts and I look at him because I don't think I can breathe whenever I look at Enzo.

Alec looks at me behind his thick glasses and smiles before he looks at Enzo who I think is still looking at me.

"After this wedding, hindi na namin kayo pwedeng ikasal sa iba," Alec says and Enzo chuckles at that.

I look at Enzo again. Hindi na naman ako makahinga. The way his perfect lips curve into a smile? Oh, hell. I am indeed in touble. Isabay pa ang mga magaganda at mapuputing mga ngipin niya. Pati na ang panga niyang parang gusto kong hawakan.

"Of course," ani Enzo.

I didn't know that he's talkative. Parati kasing tahimik si Enzo kahit na kasama niya ang mga barkada niya. Nasaan nga kaya ang mga kabarkada niya? Lalo na si Amos na alam kong hindi palalampasin ang pagkakataong 'to!

My trail of thoughts gets interrupted when Enzo shifts his gaze on me again and I get to see his beautiful eyes once more. Parang isang tingin lang ni Enzo, may switch ang utak kong alisin na ang lahat ng iniisip at sa kaniya na lang mag-focus.

Tinawag ni Alec ang pekeng pari. Maingay si Antonia sa hindi kalayuan, kumukuha pa ng video ng pekeng kasal. Unti-unti nang pumapalibot ang ilang mga nakikiusyoso at may ilan pang nangangantyaw sa 'di kalayuan. 

"Who's that? Enzo Avillanoza?" 

"Sino 'yong babae? Ang swerte naman!"

"Akala ko ba, bawal ang The 96th Point?"

The fake priest comes beside us with his complete costume. Talagang nakasoot pa ng pang-pari at may dalang bibliya at rosaryo. Talaga bang pwede nilang gawin 'yan?

The fake priest looks funny. Talagang sinusubukan niyang gawing seryoso ang ekspresyon niya pero dahil do'n, mas lalo lang siyang nagmumukhang nakakatawa. Kaya nga hindi mapigilan ni Enzo ang pinipigilan niyang tawa.

"We are gathered here today to witness the marriage of a beautiful couple," the priest says as he starts the introductory speech.

Nang nilingon ko si Enzo at naabutan ko ang titig niya sa 'kin, agad na lumabo sa pandinig ko ang sinasabi ng nagkakasal sa 'ming dalawa. Our eyes lock and he doesn't avoid my gaze. Agad akong napalunok.

His eyes look lighter on daylight, I notice. I bring my attention to his eyelashes and I get jealous of them. I bring my focus back to his orbs and I realize that this day is the official day of me having brown as my favorite color. 

His eyes have the most perfect shade of brown and I don't even know if I am making any sense. 

Makalipas ang ilang segundong titigan, unti-unting may ngising gumuhit sa mga labi ni Enzo at parang may pumilipit na naman sa tiyan ko.

Can you see me already?

"Do you, Maria Phlegon Linhares, take. . ."

Enzo smiles at me and my mind goes blank once again.

Smile. Smile. Smile. That's everything I can think of.

Natahimik kaming lahat. O baka talagang nabingi na ako sa lahat dahil ngiti na lang ni Enzo ang naiisip ko.

"Pana!" Antonia calls and I look at her.

Kumunot ang noo ko nang makita ko ang pamumutla ni Antonia. What is her problem? Pinanlakihan alo ni Antonia ng mga mata at kinunotan ko siya ng noo. Antonia shakes her head at me but doesn't say anything. 

"Pana," Enzo calls my name and I look at him again.

His face is a lot closer than before and I blush. I get a whiff of his nice manly perfume. Ang bango! Ngayon ko lang siya nalapitan nang ganito kalapit kaya ngayon ko lang naamoy ang pabango niya. Lalaking-lalaki. Hindi masakit sa ilong at parang gusto kong lalong amuyin.

"Miss, sagot," sabi ng pari at napatingin ako sa kaniya. "Do you take him as your lawfully wedded husband?" ulit niya sa tanong.

Tumango ako at kinagat ko ang labi ko.

"Sabihin mo, I do," sabi ng pari at narinig ko ang ilang tawanan ng mga nasa paligid pero wala na ro'n ang atensyon ko.

Tiningnan ko si Enzo at uminit ang mga pisngi ko. "I do," I muster.

"Do you, Eros Zedekiah Avillanoza, take Maria Phlegon Linhares as your lawfully wedded wife—" the fake priest's voice blurs when I hear an awfully familiar name.

Unti-unting parang nawalan ng dugo ang mukha ko at nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa lalaking nasa harapan ko. 

Parang biglang namatay ang mga bulaklak na naiisip kong nakapaligid sa kaniya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at para akong nabingi sa lahat ng ingay sa paligid. 

"I do," Eros says as he smirks at me playfully.

Umawang ang mga labi ko. It's like a picture frame of Enzo shatters in front of me and a picture of a devil appears. 

"You are now husband and wife. You may now kiss the bride," the fake priest says.

Eros?!

Eros Avillanoza?!

Paulit-ulit na magkakamukhang mura ang lumitaw sa isipan ko. Panic starts to rush inside me. This is a mistake!

They made a mistake! I made a freaking mistake! I shouldn't be here. Eros shouldn't be here! Eros made a mistake!

"Pana!" Antonia calls but I don't look at her.

Hindi ko maalis ang tingin kay Eros Avillanoza na mukhang aliw na aliw sa ekspresyong nakikita niya sa mukha ko.

He looks at the fake priest. "Can we skip the kissing part? I don't want to be disrespectful."

"Alec!" galit na galit na sigaw ni Antonia pero hindi ko na siya magawang lingunin dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa kung ano ang nangyayari!

I stare at Eros' face with disbelief and I observe his facial features.

No doubt that they look alike but the look in Eros' eyes is different from his brother's! He's like a devil with an awfully attractive face. Punong-puno ng pagloloko ang mga mata niya. His lips are curved in a cunning smirk and—why haven't I noticed it sooner!

Enzo isn't talkative. Enzo always looks indifferent. Enzo doesn't have messy hair. Enzo doesn't smile!

"Eros?" I stutter.

"Mhm," Eros hums and he gives me a playful smile.

Inilibot ko ang tingin sa paligid at ni hindi ko napansing marami na palang nanonood sa kasal naming dalawa—hindi ni Enzo Avillanoza pero ng kambal nitong si Eros Avillanoza!

What the freaking hell is this? I didn't ask for this!

Agad kong binitawan ang hawak na bouquet at agad na tumakbo papaalis doon—iniiwan ang lahat ng pagkakamaling nangyari.

Freaking hell! It's not Enzo but his brother—Eros freaking Avillanoza!

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...