Probinsyana Series: BOOK 2...

Por MERAALLEN

45.2K 1.8K 552

Lumipas ang pitong taon ng paninirahan ko sa ibang bansa ay babalik ako sa aking lupang sinilangan para bawii... Más

KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
Kabanata XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV
Kabanata XXVI
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
CHAPTER 36
Chapter 37
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
Untitled Part 44
Untitled Part 45

KABANATA XLIII

376 19 8
Por MERAALLEN

Wala talagang pakiramdam 'tong animal na Lucio na 'to! kapag sinabing kong wag kang lalapit sa akin ibig sabihin nun lumapit ka sa akin at kapag naman sinabi kong lumayo ka wag kang lalayo at kapag naman sinabi kong hindi na kita mahal ibig sabihin nun mahal na mahal pa rin kita.

Nag iinit ang ulo ko dahil kay Lucio wala talaga siyang pakiramdam sa paligid niya hindi siya marunong bumasa ng tao ni hindi niya man lang ako sinundan kahit pa galit ako sa kanya ng isang libong porsyento. Siya talaga 'yung tipo ng tao na ayaw magpatapak ng pagkatao pero tapak na tapak naman nang impaktang si Celine na 'yan.

Nagpagamit siya sa babaeng 'yun at hindi sinabi sa akin ang totoo. Nakakadiri siya! Hindi na niya ako ginalang binastos pa niya ako! Sobrang nagpasakop siya sa pera niya at hindi na inisip ang kapakanan naming mag-ina.

Ngayong alam na niya na may anak siya sa akin gugustuhin ba niyang kilalanin 'to? Hayyst! Naiinis talaga ako lalo na't makikita ko na siya araw-araw.

Pag park ko ng kotse ko sa parking area ng mansyon ko ay binalibag ko ng sobrang lakas ang pinto nito dahil sa galit. Hindi ko napansin na nasa hardin pala ang Itay at nakita niya kung paano ako nag-muryot dito.

"Anak." bigla na lang niyang sabi.

Napalingon ako sa paligid at nakita ko si Itay na nagdidilig ng mga bulaklak. Lumapit ako agad sa kanya at nag-mano ako.

"Ano pong problema Tay?" tanong ko agad sa kanya sabay mano.

"Ano naman ang problema at galit na galit ka na naman diyan?"

"Naiinis kasi ako kay Lucio Tay,"

"Bakit ano na namang ginawa ng asawa mo sayo?"

"Ex Tay,"

"Ganun na rin 'yun. Bakit anong problema ni Lucio?"

"A-ano kasi,"

"Ano 'yun?"

"Hindi niya kasi ako sinundan dito sa bahay kaya nainis ako," nakabusangot na sabi ko kay Itay.

"Mahal mo pa rin talaga siya hanggang ngayon kahit pa matagal na panahon na ang lumipas," nakangiting sabi ni Itay sa akin.

"Huh? Hindi noh!" Palusot ko sa kanya. "Ano kasi may gusto sana akong idiscuss sa kanya tungkol sa anak naming dalawa,"

"Bakit alam na ba niya na anak niya si Bella?"

"Hindi ko sure kung naintindihan niya ba na may anak na kami Itay o ewan kasi medyo parang may saltik si Lucio kausap,"

"Paano mo naman nasabi 'yun?"

"Paano kasi Tay hindi siya marunong magbasa ng body gestures! Alam naman niyang nag papabebe lang ako pero piling siguro niya na totoo 'yung mga pagsusungit ko sa kanya kahit na naiinis talaga ako sa kanya pero syempre Tay 'di ba dapat alam mong manuyo kapag ganun? Kayo ba ni Inay kapag nagagalit siya sayo sinusuyo mo siya agad 'di ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman syempre sinusuyo ko ang Inay mo kapag nagagalit siya sa akin," tugon ni Itay sa akin.

"Talaga ba Erning? 'Yan ba talaga ang ginagawa mo kapag nagagalit ako sayo?" sabat ni Inay sa amin ni Itay.

"Ooh? Nandyan ka pala?" natatawang tanong ni Itay kay Inay habang kumakamot-kamot sa ulo niya.

"Ayy nako sabi ko na eeh! ganyan ba kayong mga lalaki? Napaka insensitive?" nakataray kong tanong kay Itay.

"A-ano kasi Anak hindi kasi pare-pareho ang takbo ng utak ng mga lalaki. Gustong-gusto namin kayong suyuin pero hindi namin alam kung paano kasi iba-iba rin ang takbo ng utak niyong mga babae. May mga babae kasi na sabi mo nga kanina nagpapabebe ka lang sa asawa mo eeh iba naman sa Inay mo. Kapag kasi-" putol na paliwanag ni Itay ng mapasulyap siya kay Inay na nakapameywang na nakatingin sa kanya.

"Ano Erning? Ituloy mo at mahahataw kita diyan ng hose!" Angal ni Inay sa kanya.

"Eeh kasi si Inay mo naman ano," habang lumulunok na sabi niya sa amin. "Ano kasi ang Inay mo kapag nagagalit," patuloy na paglunok niya habang di matuloy-tuloy ang sasabihin.

"Hayy nako Itay napaka under mo talaga kay Inay!" natatawang sabi ko. "Sige na alam ko naman na takot ka kay Inay kaya mabilis lang kayong nagkakasundo na dalawa. Sana maranasan ko rin 'yung pakiramdam na na-uunder mo ang asawa mo at sinusunod ka niya hindi dahil sa takot siya sayo ngunit dahil mahal ka niya,"

"Mahal ka ng asawa mo Gia bakit hindi niyo subukan ulit?"

"Nakakatakot na mapalapit kay Lucio Nay. Hindi ko na alam kung mabubuhay pa ako sa piling niya kapag kasama ko siya,"

"Si Celine na naman ba ang iniisip mo?"

"Hindi kasi ako mapakali kay Celine Nay hangga't nabubuhay ang babaeng 'yun hindi pa rin matatapos ang kababalaghan sa buhay ko.  Ayokong malaman niya na may anak kami ni Lucio dahil si Bella ang pag-iinitan niya,"

"Bakit ka naman matatakot sa bruha na 'yun? nandito kami ng pamilya mo nandyan na ang asawa mo para ipagtanggol kayo ng anak mo,"

"Nay, Muntik nang mamatay si Lucio sa kamay ni Celine,"

"So? Nag aalala ka sa asawa mo?" nakangiting tanong sa akin ni Nanay.

"Huh?" gulat na tugon ko sa kanya. "Aa-ano syempre nakakatakot kasi nga baka si Bella ang pag initan niya ngayon," Palusot ko.

"Sus! Mahal mo pa siya noh? naku balikan mo na kasi," tumatawang sabi niya.

"Nakakasawa na magsinungaling sa kanya aba!" Angal naman ni Itay.

"Nakita na niya ako kaya hindi na niya kayo guguluhin pa at tsaka wala na po kayong dapat na itago pa kasi nandito na ako,"

"Basta anak wag kang matakot sa Celine na 'yun panahon na ngayon para maging masaya ka naman,"

"Opo,"

"Nandyan ang Diyos anak wag kang makalimot na meron pa ring magliligtas sa inyo sa kapahamakan. 'Yang Celine na 'yan isa lang 'yang pagsubok sa inyo at ang pagsubok ay may kalutasan basta't maging compact lang kayong dalawa sa isa't-isa,"

"Thank you at nandito kayong dalawa sa tabi ko ngayon,"

"Syempre naman anak."

Naluluha ako habang nakikipag-usap ako kina Inay at Itay ito talaga ang na-miss ko sa kanila. Napapagaan nila ang kalooban ko nababawasan ang mga agam-agam sa puso ko kapag sila na ang nakakausap ko.

Hindi pa natapos dito ang usapan naming tatlo kaya't pumasok na kami sa loob ng mansyon upang doon na lang ipagpatuloy ang mga usapan na makakatulong sa akin para gumaan ang kalooban ko.

Habang papasok kami sa mansyon ng Inay at Itay ay sumalubong sa amin si Bella.

"Mommy!" masayang sigaw niya sa akin sabay yakap sa akin ng sobrang higpit.

"Miss na miss lang?" pang aasar ko sa kanya.

Niyakap muli ako ng sobrang higpit ni Bella sabay pabuhat sa akin.

"I can't carry you darling I'm wearing heels!" Angal ko sa kanya.

"But I can." sabat ng isang boses na pamilyar sa akin.

Nagtinginan kaming lahat sa likuran namin at nakita ko si Lucio na may dala-dalang malaking bouquet ng bulaklak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nito because he caught me red handed. Nakita na niya ng tuluyan ang anak namin.

Nagtago sa likuran ko si Bella at lumapit sa akin si Lucio.

"For you," nakangiting sabi niya sa akin habang inaabot ang malaking bouquet ng bulaklak. "And this is for Nanay Genny," sabay abot niya ng bulaklak kay Inay. "And last for my princess," sabay abot ng maliit ng bouquet kay Bella.

"Anong palabas 'to Lucio?" masungit na tanong ko sa kanya.

"I just want to win you back and my child,"

"Walang magbabago kahit pa maraming bulaklak ang ipadala mo dito at tsaka bakit sinundan mo ako?" galit na tanong ko sa kanya.

"I love you," malambing na sabi niya sa akin.

"I hate you!" sigaw ko naman sa kanya.

Habang nakikipag tarayan ako kay Lucio ay hinila ni Bella ang damit ko sa likuran at binulungan ako.

"Who is he Mommy?"

"He is your dad," sambit ko na lang bigla.

"Ooh? Edi natapos din kayo sa ganyan na dalawa," sabay sabat ni Itay sa amin.

"I mean anak mali si Mommy. Erase! Erase!"

"Wala nang bawian Gia sinabi mo na na anak ko si Bella and gagawin ko ang lahat para mabawi ang pagmamahal na para sa akin," nakangiting sabi niya sa akin.

"Kung mababawi mo."

Masungit akong nakatingin sa kanya ngunit parang nanlalambot ang buong katawan ko sa kilig dahil sa kanya. Hindi pa rin siya nagbabago nakukuha pa rin niya ang kiliti ko.

Sobrang tagal kong hinintay ang ganitong pangyayari sa amin ni Lucio. 




Seguir leyendo

También te gustarán

450K 681 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
71.8K 1.9K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...
358K 524 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
62K 2.3K 33
This is my second story I hope na magustuhan niyo uwu