A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️

By heradevils

1.7M 55K 54.1K

~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGH... More

INTRODUCTION
CHARACTERS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
F I N A L
EPILOGUE

CHAPTER 23

51.7K 1.9K 1.5K
By heradevils

Gail


Ilang araw ng hindi nagpaparamdam sa'kin si Maureen, hindi ko siya nakikita sa bahay niya sa tuwing nagduduty ako. I always wait for her to come home pero hindi siya umuuwi tulad 'nong mga nagdaang gabi. Hindi rin siya bumibisita sa condo bagay na ikinabahala ko. Sinubokan ko siyang kontakin pero palaging out of coverage yung linya niya. Inisip ko na baka busy lang talaga siya sa trabaho at ayaw magpa-destorbo, pero 'nong sinubokan ko siyang bisitahin sa kanyang opisina, sinabi lang sa'kin ng mga staff doon na ilang araw na daw siyang hindi pumapasok sa RIBC. I asked them where she was but they just told me that she's up to something really important that she didn't want to be disturb by anyone at the moment.

I respect her privacy kaya hindi na'ko kumulit pa.

Nandito ako ngayon sa mall para aliwin 'tong sarili ko. Ilang araw din akong nalulungkot dahil namimiss ko si Maureen. Daig ko pang broken hearted na nilalang dahil sa pangungulila sakanya, kulang na lang iiyak ako at magdrama.

Kasama ko si Rivah kanina pero agad din itong nagpaalam dahil may duty pa ito sa trabaho nito bilang part-time saleslady sa isang boutique dito sa mall. That's why i'm all alone now.

Nakapila ako ngayon sa ticket booth ng sinehan, nagpagdesisyonan kong manonood nalang ng palabas mag-isa. Patingin-tingin ako sa paligid nang biglang maagaw ng atensyon ko ang isang pamilyar na mukha mula sa di kalayuan. Huli na para makabawi ako ng tingin dahil nakita na ako nito. Oh Shit.

"Omg cutiepie!" it was Ivanka.

Run, Gail, run!!!

Umatras ako at akma na sanang aalis pero mabilis siyang nakalapit sa'kin at naglambitin sa braso ko.

"Gosh, I can't believe I see you again!" ang laki ng ngiti niya sabay kurot sa magkabilang pisngi ko. "I'm starting to think na baka destiny 'to, don't you think cutie?" isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko at matamis na ngumiti "Wanna date me around?"

Ngumiwi ako at binawi ang braso ko. "Actually pauwi na'ko ngayon, mag gagabi na kasi."

Ivanka pouted and hugged my arms again. "But i just got here and i'm all by myself. Gusto ko sanang mag-shopping kaso busy lahat ng mga besties ko, pero ngayon at nandito ka na ikaw na lang ang isasama ko." hinila niya ako sa hanay ng mga luxury stores.

"Teka lang, teka lang." pigil ko sa kanya.

"What?"

"Kailangan ko ng umuwi, ayoko pang mamatay."

Nagsalubong pareho ang kilay ni Ivanka at over acting na suminghap. "Omg, may death threat ka ba?"

"Meron." seryosong sagot ko. "At iihawin, bibitayin at kakatayin niya ako ng buhay kapag makita niya tayong magkasama ngayon."

Halatang pinigilan ni Ivanka ang sarili niya na hindi matawa pero sa huli ay hindi niya kinaya, she laughed hard. Sa sobrang lakas ng tawa niya ay sinapak niya pa ang braso ko na para bang close kami sa isa't-isa.

"I know you're Maui's girl cutie and i honestly adore your loyalty towards her, pero huwag kang mag-alala dahil hindi niya naman tayo makikita na magkasama ngayon, you're just going to accompany me while i'm shopping."

Nagulat ako. Wait, ibig sabihin eto yung Ivanka na tinutukoy nila Maggie sa groupchat?

"Ikaw ba yung taga ibang bansang kaibigan nila Maureen?"

Ivanka confidently tossed her hair and made a model like pose. "And the prettiest friend they ever had as well, actually mga alagad ko lang talaga sila, they can never match my goddesss like beauty kaya tara let's go, samahan mo na'kong mag-shopping." hinila niya ulit ako papasok sa Chanel store. Isa-isa niyang kinuha ang mga naka-display na damit saka ito inilagay sa braso ko. Shutang babaeng 'to, gagawin pa yata akong utosan.

Palinga-linga ako sa paligid at naghanap ng paraan para makatakas, at sa tingin ko'y narinig ako ng diyos dahil nakita ko si Rivah sa labas ng store. Tamang-tama busy si Ivanka sa pamimili kaya dali-dali akong lumabas at hinila si Rivah sa loob.

"Taena mo, Gail, nang-gugulat ka naman. Ano ba?"

Di ko ito sinagot, ibinigay ko lang dito ang mga bitbit kong damit saka ito hinila sa kinaroroonan ni Ivanka saka iniwan at tumakas.

Nakahinga ako ng maluwag nang makasakay nako ng escalator. Whew, that was close.

Pagbaba ko ng second floor at pagdaan ko sa isang children's arcade, nagulat ako nang makita doon si Maureen. Agad tumalon ang puso ko sa tuwa, ngunit agad ding natigilan nang makitang hindi siya nag-iisa. Beside her was boss Vaughn at may kasama silang matandang babae at isa pang babae. Napakunot-noo ako. Anong ginagawa nila dito?

Akma ko sana silang lapitan pero biglang sumulpot ang isang batang babae nasa tingin ko'y nasa edad 5-6 years old. The kid looks familiar, parang nakita ko na ito noon pero di ko lang maalala kung saan. Lumapit ang bata sa matandang babae at parang ilag kay Maureen.

Nagtago ako sa likod ng standee nang makita silang lumabas at naglakad papuntang escalator. My mind was full of questions as I followed them around.
Isang oras ko silang sinusundan at na-witnessed ko kung paano amuhin ni Maureen yung bata, I could see pain in her eyes whenever the kid ignores her, di ko maiwasang mag alalala and at the same time maguluhan.

After hours of walking around, sa wakas lumabas na rin ang mga ito sa mall. Sinundan ko parin sila hanggang sa parking lot at nagtago sa likod ng kotseng bigay sa'kin ni Maureen.

Pumasok si boss Vaughn sa sarili nitong auto habang ang dalawang babae naman at yung bata ay sumakay sa kotse ni Maureen. I immediately followed their trail the moment they drove away. Nag-mistula tuloy akong stalker sa ginagawa ko.

Tumigil ang kotse ni Maureen sa harapan ng isang pamilyar na building. I parked my car just few meters away from hers. Nakita ko siyang lumabas kasama ang dalawang babae at yung bata. Tinungo nila ang gate ng bumukas yun, agad kong na-recognized ang lugar matapos makita ang kabuoan ng building. It was Angel's Orphan.

Nagulat ako at mas lalong naguluhan. Hinding-hindi ko makakalimotan ang lugar na'to, dito namin dinala nila Sue, Maggie at Yen ang batang babaeng nakita namin noon sa tulay. That incident happened 4 years ago, 18 lang ako 'nong mga panahong yun. What is Maureen doing here?

Nag-stay ako saglit para hintayin siyang lumabas, ngunit magdadalawang oras na'y hindi parin siya lumalabas. My confusion grew even more. I stayed for another hour but still no signs of Maureen coming out. Umuwi nalang ako sa condo na puno ng pagtataka at katanongan. Tumambay ako sa labas ng terrace at sinubokan siyang tawagan kaso out of coverage parin siya tulad 'nong mga nakaraang araw.

Pasalampak akong umupo sa silya at napatitig sa kawalan. Ang hirap i-process sa utak ko ang mga pangyayaring nagaganap. Di ako mapakali sa kakaisip kung bakit nandoon si Maureen sa Orphange at kung ano yung eksenang nakikita ko kanina sa mall. May ideyang pumasok sa isip ko pero parang imposible naman atang mangyari yun.

Natigilan ako nang marinig ko ang pagbukas sara ng pinto. Tumalon ang puso ko sa saya nang makita si Maureen.

"Maui." nilapitan ko siya at sinalubong ng mahigpit na yakap. "Nasaan ka ba netong mga nakaraang araw? Ba't wala kang paramdam sa'kin?" bumitaw ako at tinignan siya. "I was so worried about you."

Maureen smiled but her eyes were full of sadness, ngayon ko lang napansin ang pamumugto ng mga mata niya.

"Are you okay?" concern kong tanong. "Have you been crying?"

Wala siyang sagot, pagod niya lang isinandal ang kanyang ulo sa balikat ko at nanatili doon ng ilang minuto. Masuyo kong hinaplos ang likod niya hanggang sa namalayan ko nalang umiyak siya. Nataranta ako.

"Maui, what's wrong?" I gently cupped her cheeks and stared at her beautiful face. "May problema ba?"

Maureen sniffed and cried again. Yumakap siya sa'kin at humagulhol ulit sa balikat ko. Nagtataka man ay hindi na'ko nagtanong pa, hinayaan ko nalang siyang umiyak habang masuyong hinahagod ang likod niya.

"Shhhh it's okay let it out, nandito lang ako." bulong ko sa tenga niya. I hugged her tight and gently guided her to sat down on the couch.

Tumigil si Maureen sa pag-iyak at pinahid ang kanyang luha. Tumingin siya sa'kin na puno ng lungkot. "I'm sorry for being a little dramatic."

Ginanap ko ang isang kamay niya at masuyo yung pinisil. "Kung ano man ang rason ng pagiyak mo ngayon, handa akong makinig sayo." seryoso ko siyang tinignan. I wiped her tears and kissed her forehead.

Maureen sniffed again and tried herself not to breakdown but she failed, muli na naman siyang umiyak.

May pakiramdam akong may kinalaman ito sa nangyari kanina sa mall at sa Angel's Orphan. Kung yun man ang rason niya, sana matulongan ko siya.







*********
*********




Maureen



Naalimpongatan ako nang maramdaman kong may nakatitig sa'kin. Pag-mulat ko sa aking mga mata, ang magandang mukha ni Gail ang nabungaran ko.

"A-Abi." paos na wika ko.

"Thank god you're awake, kumusta ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba?" puno ng alala ang boses niya. "Alam mo bang grabe yung panic ko kagabi kasi bigla kang nawalan ng malay?"

I slighly bit my lip. She's right. I did lost my conciousness last night. "I'm f-fine now, you don't have to worry about me."

Tila naman siya nabunotan ng malaking karayom sa dibdib, pero nanatili pa rin ang concern sa mukha niya. "I was so worried about you last night, halos hindi ka na tumigil sa kakaiyak."

Muling nanumbalik ang sakit sa puso ko. "I'm s-sorry."

Gail softly caressed my cheeks. "I'm not used of seeing you crying like that, babe, mas sanay akong nakikita kang nagtataray at nagsusungit."

A soft smile appeared my lips. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama. "May pinag-dadaanan lang ako netong mga nakaraang araw kaya medyo emotional ako ngayon."

Bumangon rin si Gail at umupo, seryoso niya akong tinignan habang hawak ang isang kamay ko. "Handa kitang pakinggan, Maui. Kahit ano pa yan makikinig ako sayo." i can hear the sincerity on her voice. Sinalubong ko ang tingin niya, puno ng determinasyon ang kanyang mukha. My heart melted. I think it's about time to tell her about my daugther.

"Remember, Ellie?"

Saglit siyang natigilan. "Yung....anak mo?"

I nodded. "She's alive."

Gail's eyes grew wide. "Talaga?"

Ngumiti ako pero agad ding nalungot. "But she's so distance towards me. Siya ang rason kung bakit ako walang paramdam sa inyo. I'm t-trying my best to earn her trust but......ayaw niya sa'kin."

Gail went silent.

"I'm both happy and sad. Masaya ako kasi all this time buhay ang anak ko, she survived from the car accident. Pero nalulungkot ako sa nangyari sa kanya." my eyes began to tear up. "Somone adopted her pero yung nag-adopt sa kanya sinasaktan lang siya....t-they abused her, kaya ganon nalang yung trauma niya sa mga taong nakapaligid sa kanya. And as a mother it hurts.....it hurts knowing that my child have suffered a lot from the hands of those evil people. Mas double yung sakit para sa'kin, Abi. Sobrang sakit talaga."

Gail gathered me into her arms. "That's enough crying shhhh tahan na."

I wiped my tears. "Sana maintindihan mo kung bakit ako walang paramdam sayo."

"It's okay babe, I understand. At least now malinaw na sa'kin ang lahat, si Ellie yung nakita ko kahapon sa Mall."

Ako naman ang natigilan. "You saw us?"

"Oo, nasa mall kasi ako kahapon para aliwin yung sarili ko. Aksidente ko kayong nakita sa may children's arcade kasama si boss Vaughn at yung dalawang babae."

"Kung ganon....bakit hindi ka lumapit?"

"Masyado akong nalito sa pangyayari kaya di nalang ako lumapit. Sinusundan ko lang kayo hanggang doon sa Angel's Orphan. Hinintay kitang lumabas pero antagal mo kaya umuwi nalang ako."

I got worried. "Did I turn you off?"

Kumunot-noo niya. "Ha, bakit naman ako ma turn off?"

I bit my lowerlip. "Because i have a child?"

"Maui, bakit mo naman na-isip yan?"

"I was thinking that you might.....not like it."

Gail cupped my face. "So what kung may anak ka na? Wala namang magbabago, i'm still head over heels into you. Wala akong pakialam kung single mother ka, masarap ka pa rin---i mean masaya yun, yung may bata."

Nasiyahan ako, pero agad din akong sumeryoso. "I just need to settle things down with my daugther okay? Kailangan ko muna siyang amuhin."

An understanding smile formed her lips. "Naintindihan ko."

I kissed her cheeks. "You're still my baby."

Ngumuso siya. "Aaminin ko medyo nagseselos ako ngayon, pero ano ba magagawa ko? Anak mo yun e."

"Silly." mahina ko siyang tinampal sa braso.

"Ako lang dapat tatawag ng mommy sayo pero mukhang dalawa pa ata kami neto, tsk."

I chuckled.

"Pero diba 6 years old na si Ellie? It means hindi na siya pweding mag-breastfeeding sayo, which means solo ko lang boobies mo."

Napailing ako. "Sira ka talaga."

Gail grinned, then her eyes averted to my chest. "Pa isa mommy."

Kinurot ko ang tagiliran niya. "Umayos ka, Abi. Huwag kang ganyan sa harapan ng anak ko kung sakaling magkita kayo."

Natawa siya. "Speaking of that, when will i see Ellie?"

Nag-isip ako saglit. "I'm going to visit her again in Angel's Home, do you want to come with me?"

Tumango siya. "Matagal narin simula 'nong makapaunta ako duon, kakamustahin ko sila mother."

"Wait, you know that place?"

"Yup, tambayan namin nila Maggie dati 'nong may sinagip kaming bata. Nakalimutan ko yung pangalan pero di bale tatanongin ko si Mother. Ako kase ng nag-pangalan 'non eh."

I smiled. "Okay let's go later."


••••••🌈••••••

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 30.1K 21
Kilala siya bilang isang magaling na abogada, istriktong haciendera, at isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. She's better known for being heart...
732K 29.2K 36
Ang mata nyang kulay blue, nakakapigil hininga itong pagmasdan. Hindi ko maalis alis ang tingin dito lalo na nakatingin sya sakin, para akong nalulun...
2.8M 80K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
2.2M 74.2K 56
Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. D...