Chapter 21: Amusement Park (Part 1)
-Karen’s POV-
“Kaye! Where do you want to go first? Ferris wheel? Roller coaster? Dun sa parang… Anchors Away?”
Nandito kami ni Adam sa amusement park sa downtown. Yup, para siyang branch ng Enchanted Kingdom. Hindi naman ito ang first date namin pagkatapos niyang… magpaalam na manligaw sa akin.
Kyaaaaa >///< Pag naalala ko kinikilig pa rin ako at namumula… At naguguilty. Kasi hanggang ngayon, oo… May mahal pa rin akong iba at habang tumatagal, pakiramdam ko niloloko ko lang si Adam… at ang sarili ko. Pero gusto ko din naman kasi siyang matutuhang mahalin. Baka naman… May chance din kaming dalawa.
Speaking of Batman, hindi pa rin kami naguusap ni Scott. Nung una, hindi talaga ako mapakali at umiiyak ako tuwing gabi. Bihira naman kasi kami mag-away ni Scott. Well, oo lagi kaming nagaaway at nagbabangayan sa maliliit na bagay. Ayun, nag aasaran. Pero minsan lang to mangyari. Ilang beses niya akong sinubukan kausapin pero hindi ako bumibigay!
Aba kahit mahal ko yun magtiis siya! Masama talaga loob ko sa kanya. Buti naman itong si Adam nakaramdam na parang may problema kami, wala ng pinagawa kay Scott. Kaya ayun di ko na masyadong nakakausap yung best friend kong mahal na mahal ko T_T
Haay, ang gulo ko naman!
Mag eenjoy na nga lang ako dito sa amusement park!
“Mag Anchors Away nalang tayo, okay lang?”
Tumango lang siya sa akin at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kami pumila para sa Anchors Away. Medyo mahaba ang pila, in demand yata talaga ang ride na to! Nagkwentuhan at tawanan lang kami habang nakapila. Tapos turn na namin. Dun kami sa pinakadulo umupo!
Aba sino kayang duwag sa atin? Pareho kaming matapang at enjoy na enjoy! Hahaha! Sigaw lang ako ng sigaw kahit na pakiramdam ko naiiwan yung kaluluwa ko dun sa taas pag bumababa yung ride. Pero Kyaaaaaa! Ang saya saya!
“Ang saya ang sayaaaa!” Para akong timang na sumisigaw pagkababa namin. Tinawanan lang ako ni Adam. Aba, hindi yata ako damsel in distress pagdating sa mga rides!
Next namin ay dun sa mini roller coaster. Di pa siya yung pinakamalaki, basta parang roller coaster pa. Haha. Nag Swan Lake din kami pagkatapos. Yung parang sasakay kayo sa malalaking swans tapos aandar kayo dun sa parang maliit na lake.
Ang saya saya talaga! Masayang kasama si Adam. Ewan ko nga, parang masyadong perfect yung lalaking to. There’s never a dull moment with him.
Natapos kami dun before mag lunch time kaya kahit medyo kararating lang namin, nagyaya na siya maglunch. Alam naman namin pareho na mahilig kami kumain at lagi kami nagugutom!
“Anong gusto mong kainin?” Tanong niya sa akin habang nakapaupo lang kami sa benches at nagpapahinga.
“Ah… Ikaw, kahit ano okay lang. ^_^”
“Gusto mo burger nalang? May stand yata dun. Just stay here, then bili nalang kita.”
“Ah sige. Pero sama nalang ako sayo.”
“Sure ka? Baka pagod ka na. C’mon, it’s really okay with me.”
“Ikaw talaga, ayaw mo nun, magkasama tayo? Haha. Baka kidnapin pa ako dito.”
“You’re imaginations talaga, Kaye! Sige, tara na.”
I took his hand at sabay na kami pumunta sa burger stand. Okay lang naman sa akin to, ayaw ko din ng heavy food. Baka mamaya magsuka pa ako pag sumakay kami sa mga nakakahilong rides.
“Manong, two burger meals nga po.” Sabi ni Adam.
Biglang dumami ang mga customer na babae dito sa stand! Pagkakita ko sa kanila, aba’t kinukunan pa ng picture si Adam! Ito talagang celebrity friend ko na to!
“Hi, ikaw si Adam, yung tennis superstar diba!”
“PAPA ADAAAAM PAPICTURE!”
“Pa-autograph akooooo! Newtonian foreveeeerrr!”
Napatingin lang siya sa akin as he smiled sheepishly at me. I returned a sheepish smile din at nagnod lang ako, para payagan siya na pagbigyan ng picture at autograph itong mga fan girls niya.
Umusog lang ako ng konti palikod at pinanood yung mga nagpapapicture sa kanya. Isa pang maganda kay Adam, hindi siya snob sa mga fans niya. Bakit ba kasi… hindi nalang siya?! Tama naman si Scott eh…
“Ay sorry!”
Sa sobrang deep ng thoughts ko, di ko napansin may nabunggo ako habang umuurong ako. Napalingon ako.
O_O
OH MY GOSH.
“S-Scott?”
“Bes.”
“Hi Karen!”
“Hi… Uh… Nancy.”
OUCH. </3
Nanlambot yung mga tuhod ko at nakaramdam ng sobrang sakit sa dibdib ko.
Bakit… bakit sila magkasama? :(
Diba… magkaibigan lang naman sila?
Pero bakit… bakit? :(
Ang sakit. Ilang araw na nga akong nasasaktan dahil pinagtutulakan niya ako sa iba, tapos ilang araw na rin kami magkagalit dahil pakiramdam ko nawalan ako ng best friend dahil sa ginagawa niya, tapos eto pa may kasama siyang ibang babae? Scott, maawa ka naman sa akin!
“Pare, kayo pala! Hi Nancy!” bati ni Adam. Nakabalik na siya habang dala yung food namin.
“Hi Adam! ^_^” bati ni Nancy. Ang friendly at masayahin niya talaga kahit kailan, di katulad ko, lagi nalang iyakin at matampuhin.
Nakipaghandshake si Adam kay Scott.
“Oh pare, anong sadya niyo dito? Kayo ah, nagdedate din?” Asar ni Adam sabay abot sa akin nung burger and fries. Nagstart na ako kumain.
No please. Sana hindi T_T
“Hindi no! There is no way na makikipagdate ako dito!” Asar ni Nancy na natatawa.
“If I know gusto mo rin eh! Haha. Pero wala lang, nagkapustahan kasi kami dun sa last exam. Pag mas mataas ako, pasasakayin ko siya sa roller coaster. Pag siya, ililibre niya ako ng ice cream. Obviously, ako nanalo!” Tawa pa ng tawa si Scott.
Aray naman. </3
Si Scott nga di ako magawang ilibre sa amusement park eh. Pumupunta lang kami pag buong barkada nagkakayayaan o kaya pag binibigyan kami ng pera nila Mama.
Ano bang meron si Nancy? First time ko palang siya makita, alam kong may something na to kay Scott.
Aish ano ba yan Karen! Mga iniisip neto. Ang bait bait nga ni Nancy eh. Anghel talaga!
“So nakasakay na kayo sa roller coaster?” tanong ni Adam.
Biglang tumawa ng malakas si Scott.
“HAHAHAHA! Oo pare, sigaw nga ng sigaw tong si Nancy!”
“Ikaw talaga! Stop teasing me!” Nagpout pa si Nancy.
Nakakainggit naman siya. Sa totoo lang, namimiss ko na kasama si Scott. Magsimula kasi yang ligaw fiasco na yan, lagi nalang puro si Adam ang dahilan kung bakit kami magkasama. Namimiss ko na ang best friend ko T_T Pero basta! Galit pa rin ako sa kanya!
Natawa lang si Adam sa kanila.
“O pano pare, una na kami. Baka nakakaistorbo na kami sa date niyo.” Sabi ni Scott.
Nakakainis na siya ah!
Sasagot na dapat si Adam nang biglang nagring yung phone ni Adam at sinagot niya to.
“Excuse me,” sabi niya sa amin.
Si Nancy nagring din ang phone at nag excuse din siya sa amin.
At anong nangyari?
Naiwan kami ni Scott dito na nakatayo at hindi alam ang gagawin.
Umiwas ako ng tingin, kunwari pinapanood at hinihintay ko si Adam. Hindi pa rin kami naguusap ni Scott. Ayoko nga makipag usap dito!
Ang tagal naman ni Adam makipagusap. Pati si Nancy!
Nilabas ko din yung phone ko, kunwari nagttext. Ayaw ko talagang makausap si Scott… dahil sa totoo lang, hindi ko alam ang dapat kong sabihin.
Buti nalang bumalik na si Adam at Nancy. At sabay natapos ang call nila.
“Nance, ikaw din ba?” Unang sabi ni Adam pagbalik sa amin.
“Yeah,” sagot ni Nancy na parang naguguluhan.
“Uh guys sorry ah. Bigla kasi nagkaroon ng emergency meeting sa company. Yung companies namin pati yung kila Nancy ang involved at kailangan daw namin pumunta as representatives.”
Pareho kasi yung mga families nila Adam at Nancy ay may-ari ng malalaking companies sa US at nagbranch lang dito sa Pilipinas. Since yung parents nila nasa abroad, nagsstand sila as representatives kaya kahit bata palang sila, may alam na sila sa business. Ganun din naman kami kaso di ako hands-on. Sila Mama at Papa kasi madalas naman dito sa Pilipinas tapos katulong pa nila yung mga parents nila Scott at Jessi. Mag-aral nalang daw kami ng mabuti.
Adam turned to me with a sad look.
“I’m really sorry, Kaye. I have to go right now. I really want to be with you pero…”
“No, it’s okay, I understand. Maybe next time?”
“Oo naman! I’ll make it up to you. Sana wag mo ako ibasted dahil lang dito-“
“Ano ka ba! Hahaha! Sige na, baka malate pa kayo sa meeting. Good luck! Sayo din Nancy!” I tried to be cool. Okay lang naman at hindi ito yung first time na nangyari ito.
Nagpaalam na si Nancy kay Scott.
“Okay then, promise we’ll go here again next time. Scott, ikaw na bahala sa prinsesa ko. Sige pare, Kaye!”
Adam kissed me on the forehead at sabay na sila umalis ni Nancy.
Wait…
Scott, ikaw na bahala sa prinesa ko?!
So ibig sabihin…
Napatingin ako kay Scott.
Nakangiti lang siya sa akin ng nakakaloko.
Ibig sabihin…
MAKAKASAMA KO SIYA BUONG MAGHAPON?!!!!
NO WAY.
***
A/N: sorry kung medyo maigsi at bitin :) mas mahaba nalang yung next update! haha :P
credits kay MissFranny para sa bagong cover :)