ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

By iirxsh

119K 1.5K 27

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... More

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB PHYSICAL BOOK

KABANATA 25

1.1K 17 1
By iirxsh

Chapter 25

"HOY girl, pwede ba hinay-hinay ka riyan!" Maarte na sita ni Alex kay Kelly.

Kakauwi lang nila galing sa ospital at pinatingin ang kalagayan ni Kelly. Ang sabi naman ng OB-GYN niya, maayos naman ang lagay niya at ang dinadala niyang bata.

Sa may Ice cream house sila dumiretso ni Alex. Paano ba naman? Ang buntis gusto raw ng Vanilla Ice cream. Sumang-ayon naman agad si Alex, hindi nito magawang matanggihan si Kelly.

Mahirap na!

Halos hindi matingnan ni Alex ang kinakain ni Kelly, hinaluan ba naman niya ng toyo ang Ice cream na kinakain niya. Saan ba kasi nakakita si Kelly nang ganoong klase ng combination, 'di ba?

"Ang arte mo!" Sita ni Kelly at inirapan pa si Alex. Umaakto ba naman na parang nasusuka si Alex tuwing susubo siya ng Ice cream. Akala mo naman kung sobrang nakakadiri ang kinakain niya, eh.

"Bilisan mo na lang nang makauwi ka na!" Hindi pagpansin ni Alex sa pag-iirap ni Kelly. Hindi naman na bago iyon kay Alex, mukhang nasanay na. Lagi ba naman niyang kasama si Kelly, halos hindi na sila mapaghiwalay na dalawa.

Ang inaalala kasi ni Alex, ang dinadala ni Kelly na bata. Kahit naman hindi niya iyon dapat responsibilidad wala naman siyang magawa dahil siya lang ang nakakaalam. Alam ni Alex na sa ganitong sitwasyon, hindi man sabihin iyon ni Kelly sa kanya. Ramdam nitong kailangan ng gabay ni Kelly. Ito ang unang beses niyang haharapin ang pagsubok na iyon sa buhay niya, at kung siya man ang nasa sitwasyon ni Kelly hindi rin siya sigurado kung ano ang tama at dapat niyang gawin.

Padabog na ibinaba ni Kelly ang hawak na cup ng Ice cream. Pinagningkitan niya ng mata si Alex. "Pinapaalis mo ba ako?!" Bulyaw nito.

Napalunok naman si Alex, alam niyang sa punto na iyon wala siyang laban. Lalo na at buntis ang kaharap niya, mahirap din na makipagsagutan siya kasi alam naman nito na sobrang emosyonal ang mga buntis. Baka bigla na lang umiyak si Kelly, mas magiging mahirap lang ang sitwasyon.

Umiling na lamang si Alex. "Hindi. Sige kain ka lang." Wala sa bokabularyo ni Alex ang sumuko, pero mahirap pa lang matiklop pagdating sa buntis.

Paano na lang kaya kung si Adam ang nasa sitwasyon niya ngayon? Baka mas malala iyon sa kanya.

"Tikman mo na kasi," Alok muli ni Kelly. Bakas ang paglalambing sa boses nito.

Hindi makapaniwala na tiningnan ni Alex si Kelly. Kahit sanay naman na ito, may parte pa rin kay Alex na hindi tanggap ang ideya na iyon.

Ibinuka nito ang bibig, at tinanggap ang isinubo sa kanya ni Kelly naimbento niyang Ice cream. "Masarap, 'di ba?" Tumaas taas pa ang dalawang kilay ni Kelly habang nakangiti. Hindi maikakaila na tunay siyang nasiyahan sa ginawa.

Hindi naman nagdalawang-isip na tumango si Alex, hindi dahil ayaw niyang ipahiya o masaktan ang damdamin ni Kelly. Kung hindi dahil totoong masarap ang lasa noon.

"Isa pa," Nakangiting hirit ni Kelly, nakataas pa ang kanyang hintuturo. Parang bata kung humirit.

"Tama na, pang-ilan mo na 'yan, oh!" Itinuro ni Alex ang lahat ng cups na nasa harapan nito, kulang na lang magsampo na iyon. Nakita naman ni Alex ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ni Kelly. Wala pa naman silang kinakain, panghimagas na agad ang inuuna ni Kelly.

"Hindi pa nga halata ang tiyan mo sa pagbubuntis, pero sa kakakain mo naman lumalaki ang tiyan mo!" Puna ni Alex.

Iyon ang totoo, hindi nga halata ang kanyang tiyan dahilan ng pagbubuntis niya. Pero panay naman ang kain niya, na siyang dahilan kung bakit nagkakaroon ng umbok ang tiyan niya.

Minsan nga nasabi na lang ni Alex kay Kelly. "Baka hindi sanggol ang lumabas diyan, kung hindi sama ng loob!" Talagang ikinasama ng loob iyon ni Kelly, at hindi na niya nagawa na ituloy pa na kainin iyong kinakain niya noong araw na iyon.

Napabuntong-hininga na lang si Kelly. Tama naman kasi si Alex, at isa iyon sa ipinagpapasalamat niya dahil hindi pa rin nahahalata ang umbok ng tiyan niya.

Limang buwan na kasi ang lumipas, at tinanong naman nila iyon sa kanyang OB-GYN. Normal lang naman daw, may mga ganoong klase talaga ng buntis na hindi agad mahahalata ang umbok sa kanilang tiyan.

"Masarap kasi, baks. Pagbigyan mo na ako..." Pakiusap pa ni Kelly.

Ilang beses naman siyang inilingan ni Alex. "Huwag na, next time na lang. Baka ikasakit pa ng tiyan mo 'yan, problema mo pa." Naisip lang naman ni Alex na baka kung magkaroon man ng problema, na huwag naman sana. Mahirap na at baka mabuking pa silang dalawa, iyon pa naman ang iniiwasan nilang mangyari. Sobrang ingat nila sa kanilang mga galaw.

Tulad na lang ngayon, mabuti at natapat sa wala silang pasok ang check up ni Kelly. Kung hindi, panigurado na absent na naman sila. Kahit naman hindi sila tinatanong ng mga ka-trabaho nila, alam nilang nahahalata nilang may nililihim silang dalawa. Lalo na't panay ang labas nila, kahit oras ng trabaho nang hindi sila inuutusan ng kanilang boss.

Natigilan naman si Kelly, napaisip sa sinabi ni Alex. Wala siyang nagawa kung hindi sumang-ayon na lang kay Alex, para kasing mas alam pa nga ni Alex ang tamang gawin kaysa sa kanya.

"Hindi mo pa rin ba sinasabi sa kanya?" Bigla ay tanong ni Alex. Ang tinutukoy nito ay si Adam na nobyo ni Kelly.

Dahan-dahan na umiling si Kelly. Hindi pa rin kasi siya nakahanap ng tamang oras para iparating iyon kay Adam.

*Flashback*

"Is there anything I need to know, baby?"

Nanatili ang tingin ni Adam sa kanya, ngunit si Kelly nanatiling tikom ang kanyang bibig. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Kung dapat bang sabihin na niya ang totoo o itago pa rin iyon kay Adam.

Hindi kasi niya mawari kung ano ang magiging reaksyon nito. Kung matutuwa ba ito kapag nalaman niya, o hindi? Paano kung hindi pa pala siya handa? Saan naman siya pupunta? Paano na lang ang dinadala niyang bata?

"Baby..."

"A-Ano iyon?" Pinilit ni Kelly na maging buo ang boses niya, para hindi siya mahalata. Ngunit hindi pa rin talaga nakaiwas ang panginginig ng kanyang boses dahil sa kaba na nararamdaman niya. Isang maling kilos lang niya, posibleng mabuking siya. Hindi pa naman siya nag-iingat, tulad na lang ng mga nangyari kanina.

"I am asking you if there's anything you want to tell me?" Mahinahon na pag-uulit ni Adam.

Naiilang na ngumiti si Kelly. "Wala naman."

"Okay, I trust you, baby."

Nakahinga ng maluwag si Kelly nang sabihin iyon sa kanya ni Adam. Pero hindi pa rin mapanatag ang kanyang kalooban na para bang ang naging dating sa kanya nang binitawan na kataga ni Adam ay pagbabanta.

*End of Flashback*

"Kailan mo balak ipaalam?"

"Sa monthsary namin," Maagap na sabi ni Kelly, matagal na niya iyong pinag-isipan. Para sa kanya iyon ang magandang araw na sabihin niya iyon, dahil isa iyon sa espesyal na araw para sa kanilang dalawa ni Adam.

Araw kung saan, naging simbolo ang numero na iyon ng kanilang pagmamahal sa isa't isa.

Sa nakalipas kasi na limang buwan, pagkatapos ng gabi na iyon naging normal naman ang takbo ng relasyon nila. Kahit naging long distance ang relationship nilang dalawa, hindi naman nakakalimot si Adam sa kanya.

Kung hindi siya mapuntahan sa Probinsya, hindi naman niya makakalimutan na tumawag. Minsan pa nga, pinapadalhan pa siya ng mga pagkain. Na sobrang ikinakatuwa ng kanyang puso.

Hindi pa kailanman pumalya si Adam sa pagpapakita at pagpaparamdam niya ng pagmamahal kay Kelly. Kung paano iyon sa una, ay ganoon pa rin. Walang kupas.

"Kailan ba ang monthsary ninyo?" Kyuryoso na tanong ni Alex.

"Ngayon!" Malawak pa ang pagkakangiti ni Kelly, proud na proud.

"Seryoso ka ba? Ngayon ang monthsary ninyo? Tapos nandito tayo, parang chill lang. Feel na feel mo pang kumain ng Ice cream, tapos may plano ka pala. Huwag mong sabihin na wala ka pang naisip na gagawin kung hindi wala kang mapapala sa akin na tulong!" Sunod-sunod na tanong ni Alex, halos maubusan na siya ng hininga. Akala mo naman kasi may hinahabol na oras.

Bawal huminga ang peg?

"Nakaisip naman na ako, tsaka simple lang iyon." Kalmado na tugon naman ni Kelly.

"Ano naman ang naisip mo?" Inosenteng tanong ni Alex, pero ang dating noon kay Kelly parang nakikimarites lang.

"Mag dinner lang kami." Hindi makapaniwala na tumingin si Alex sa kanya. Seryoso ba siya roon?

"Iyon lang?" Iyong tono ng boses ni Alex, para bang nilalait ang kanyang ideya.

Nagpintig naman ang tainga ni Kelly sa sinabi na iyon ni Alex. "Hoy, baks. Huwag kang ano riyan! Anong gusto mo? Magpa-Catering pa ako sa monthsary namin? Kami lang dalawa ang nasa relasyon, 'di ba?" Hindi maiwasang mapairap ni Kelly, ano ba ang nasa isip ni Alex? Kasal na ba iyon, gusto niya engrande?

"Pauwiin mo siya rito?"

Lutang ba 'to?

"Pwede ako pumunta roon, 'di ba?" Sarkastiko na balik ni Kelly.

Kung pwede lang mabatukan ni Alex si Kelly, nagawa na niya kanina pa. Pakiramdam kasi na ang ayos mo magtanong tapos ang babalik sa iyo, mas malala pa sa sira ng ulo niya. Hindi tuloy maiwasan ni Alex na tanungin, kung ganoon ba talaga ang mga buntis?

Mabuti na lang pala kahit papaano, ipinanganak akong lalaki.

"Tara na nga! Maayos kang kausap, eh!" Ginaya pa nito ang tono ni Kelly. Kaya naman hindi nakaligtas sa kanya ang pag-irap ni Kelly, na hindi naman na niya pinatulan pa. Mahirap pa namang makipagtalo kay Kelly, baka kung saan pa sila dalhin kapag nangyari iyon.

NANG sumapit ang hapon, inihanda na nila Kelly at Alex ang naisip niyang plano. Simple lang naman iyon. Nag-ayos lang sila ng lamesa at dalawang upuan sa may parte ng kanilang garahe.

Si Kelly kasi ang magluluto nang kakainin nilang dalawa ni Adam. Ganoon kasi ang ginawa ni Adam sa kanya noong panahon na nanliligaw pa lang ito at gusto niya iyon ibalik man lang kay Adam.

"Gusto mo bang tulungan din kita sa pagluluto?" Alok ni Alex, hindi na rin kasi siya umuwi sa bahay nila. Diretso na sila sa bahay nila Kelly, para gawin ang gustong mangyari nito.

"Huwag na," Kontra ni Kelly. Gusto kasi niya na siya lang mismo ang gumalaw, para masabi niyang siya talaga ang gumawa ng effort at hindi niya iniasa sa iba o kay Alex.

"Baka mapagod ka."

"Kaya ko na, baks. Hindi naman ako masyadong gumagalaw, eh. Maglalagay lang ng sahog, tsaka maghahalo." Paliwanag ni Kelly. Parang napapansin kasi niya na wala sa sarili si Alex at paanong nakakapagod sa kanya ang pagluluto? "Paano ka ba magluto?" Hindi niya maiwasang tanungin si Alex.

"Hindi mo gugustuhin na malaman."

Napangiwi naman si Kelly. "Sana hindi mo na lang sinagot!"

Hindi na siya sinagot pa ni Alex, at pinirmi na lang ang sarili sa upuan. Wala ang mga magulang ni Kelly, may nilakad sila. Kaya malaya silang dalawa na mag-usap, hindi nila kailangan na magbulungan.

"Baks, tikman mo nga 'to... parang maalat kasi, eh." Kanina pa tinitikman iyon ni Kelly, pero parang iba ang panlasa niya.

Inabot ni Kelly ang kutsara kay Alex na sinalinan niya ng sabaw. "Sakto naman," Komento ni Alex.

"Seryoso ka ba?" Hindi nakuntento si Kelly sa sinabi ni Alex, wala naman kasing reaksyon ang mukha nito. Parang tinikman lang niya para may masabi, eh.

Hindi man lang ba siya nasarapan?

"Sana hindi ka na lang humingi ng opinyon, 'di ba?"

Sumama naman ang mukha ni Kelly. "Balik ka na nga lang roon, hintayin mo na lang na tumawag ang sekretarya ni Adam. Iyon na lang ang maganda mong gawin!"

Ilang minuto, habang hinihintay ni Kelly na maluto ang bulalo na niluluto niya. Muling pumasok si Alex sa kusina nila. Dala ang kanyang telepono na panay pa rin ang ring.

"Iyong hinihintay mo." Abot ni Alex ng telepono sa kanya.

Hindi maiwasan na mataranta ni Kelly, halos mabitawan niya ang telepono ng iabot sa kanya iyon ni Alex. Sasagot lang naman ng tawag pero sobrang kaba ang nararamdaman niya.

Sinulyapan niya iyon, at sinagot bago makasigurado na ang sekretarya nga iyon ni Adam.

"Hello..." Pabulong na bati ni Kelly.

Hindi nakaiwas sa pandinig ni Kelly ang malakas na pagbuntong-hininga sa kabilang linya.

[Good evening, Miss Kelly. Sorry, pero hindi po makakapunta riyan si Sir Adam. May meeting pa siya ngayon, at kahit pumunta pa kami ngayong araw. Panigurado na hindi na kami aabot.]

Dumulas sa kamay ni Kelly ang telepono, kasabay nang panlulumo ng katawan niya.

Hindi naalala ni Adam?

To Be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
46.2K 695 42
COMPLETED Sa unang beses na maka-encounter ni Amara ang isang lalaki, tila iba na ang naging epekto nito sa kaniya. Simula nang araw na iyon, naging...
3.1K 201 33
I once had a happy family As time goes by my father pressure me My mother died I made a mistake My boyfriend left me I let someone i knew entered my...
395K 20.6K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.