Victim Of Evangeligaw

By dustyone

694 82 29

Tahimik ang buhay ko noon. Well, sa sarili kong batayan lang naman. NBSB ako or No Boyfriend Since Birth. Per... More

Chapter 1 - Broken Hearted
Chapter 2 - Moving On
Chapter 3 - Usap Lang Sana
Chapter 4 - Desisyon Ko 'Yon?
Chapter 5 - Undecided Na Ako
Chapter 7 - I'm In Love
Chapter 8 - I Am Now Confused
Chapter 9 - Never Heard Of This
Chapter 10 - Begging To Move On
Chapter 11 - Truth Found Me
Chapter 12 - I Changed My Mind
Chapter 13 - Realizations
Chapter 14 - For Good
Chapter 15 - I Just Can't
Author's Note

Chapter 6 - This Is It

29 5 0
By dustyone


“Huwag ka nang mag-share ng mga post na hindi about God, Lex. Other things apart from the things of God, useless na ‘yon,” wika ni Kristoff sa akin galing sa kabilang linya.

Parang gusto kong sumagot at mag-disagree dahil sa tingin ko, hindi naman siguro tama ang sinabi niya. Isa pa, ang mga shineshare ko ay hindi naman kabastusan. Pero hindi na ako nagsalita.

“Okay,” tugon ko nalang.

Napaisip tuloy ako. Ganoon pala ang mga Born Again Christian? Ang daming bawal. Super strict naman yata ‘yon kung tutuusin. Sa kasalukuyan ay undecided pa rin ako kay Kristoff pero hindi pa ako nag-attempt na makipaghiwalay sa kanya. Kailangan ko pa siguro ng ilang araw bago gawin ‘yon.

“Lex?”

“Hmm?”

“Paano kaya kung magkita tayo. Are you willing to meet me?”

Bigla akong kinilabutan at kinabahan sa sinabi niya. Nag-imagine agad ako sa first meeting namin. Feeling ko ang awkward.

“Sure. After class namin.”

Nagchat kami for further information sa pagmi-meet namin. Sakto, exam lang namin bukas kaya hindi ganoon katagal ang oras ko sa school. I told him na alas tres sa hapon ako pwedeng makipag-meet.

***

“Makikipag-meet siya, Mau,” ani ko kay Maureen.

“Alam ko.”

“Ha? Bakit alam mo?” pagtataka ko pa.

“Aba, syempre! Common sense, Lex. Magkikita at magkikita naman talaga kayo, ‘no,” aniya.

“Sasama ka, ha?” ngumiti ako sa kanya at nag-puppy eyes.

“No way.”

“Oh? Ang arte mo, ‘sama ka nga!”

“Ayoko. Basta sa public place kayo magkita, ah.”

“Opo, Ma’am,” tugon ko at umirap sa kanya sa kadahilanang  ayaw niyang sumama.

***

2:55 nang dumating ako sa meeting place namin. Hindi ko kabisado ang lugar. Mall kasi ito kaya medyo magulo ang alam ko. Hindi kasi ako magala na tao at somehow, nanghihinayang akong hindi ako maalam sa mga lugar-lugar.

Umikot pa ‘ko sa Mall habang nagchachat kay Kristoff.

“Nasa’n ka?” aniya.

“Nandito ako sa may exit.”

“Saang exit?”

“Hindi ko alam basta exit ‘to kasi may mga sasakyan. Parking lot siguro ito.”

“Picture ka nga.”

Agad naman akong sumunod. Pinakita ko sa picture ang mga sasakyan at pati na rin ang exit.

Malikot ang paningin ko. Pabalik-balik sa cellphone at sa kinatatayuan ko.

Maya-maya may nakita akong lalaki na nakatingin sa ’kin. Kinlaro ko pa kung sino ‘yon nang makita ko itong ngumiti at parang hinihintay akong mapalapit sa kanya. Naka-sky blue ang T-shirt and black pants.

Hindi ko alam bakit wala man lang akong naramdamang kaba kun’di excitement lang. Kaya tumakbo ako papalapit sa kanya because I was sure na si Kristoff na ‘yon. Matangkad at medyo payat.

I hugged him nang magkalapit kami. Wala akong paki sa mga nakikita. Obviously, merong nakatingin sa amin kasi Mall ’yon at may mga tao talaga. Pero pakiramdam ko kaming dalawa lang ni Kristoff sa mundo at nagso-slow motion ang lahat nang mayakap ko siya.

“Kumain ka na?” masigla niyang sabi nang magkalayo ang mga katawan namin mula sa pagyakap.

“Oo,” maligaya kong tugon.

“Ang bango niya,” I thought.

Pumasok kami sa Mall at nagpunta sa area na pwedeng kumain. Nag-order siya ng makakain namin.

“Woy,” mahinang tawag ko sa kanya. Halatang hindi siya makatingin sa akin nang diretso kaya tumawa ako nang mahina.

“Tingin ka nga,” ani ko saka pa sumubo.

Tumingin din siya sa akin nang isang segundo saka muling ibinalik ang kanyang paningin sa likod ko.

“Oh, ba’t di maka-tingin sa akin nang diretso?” wika ko at tumawa.

“Anong hindi? Kaya ko, o”

Nagtawanan kami. Ganito pala ang pakiramdam na may boyfriend at nagkikita physically. Nakakaba na may excitement na parang kaming dalawa lang sa mundo.

***

“Natatandaan mo ‘yong sinabi ko sa ‘yo na magugunaw ang mundo?”

Narito kami sa may area na pwedeng tumambay. Pumunta kami dito pagkatapos naming kumain.

“Oo.”

“Babalik si Jesus dito sa mundo. ‘Yon ang second coming. Pero bago ‘yan, may anti-Christ pang dadating. Mamumuno ang anti-Christ at ang wala sa Panginoon ay madadala sa kanya and they will not be saved.”

Tumango-tango lang ako sa mga sinasabi niya. Maya-maya, natahimik na siya at wala na rin akong nasabi.

“Liit naman ng kamay mo," aniya at ipinatong ang kanang kamay ko sa lamesa. Sinusukat-sukat pa niya ito at ilang segundo ang nakalipas, nag-holding hands na kami.

“Para-paraan," mumunting tinig sa isip ko.

Makalipas ang dalawang oras, nagpasya na kaming umuwi. Ayoko rin namang umuwi nang late sa bahay. Bukod sa hindi pa alam ni Mama na may boyfriend na ‘ko, ayaw ko ring mapagalitan at hindi ko talaga forte ang umuwi nang late. Labag man sa kalooban ko ang malayo ni Kristoff, pero kailangan na naming umuwi.

***

“Hello! Nag-holding hands lang naman kami!” wika ko kay Maureen. Nasa tricycle na naman kami papuntang school.

“While walking?”

“While sitting lang. ‘Buti nalang pala hindi ka sumama.”

“Sira. Oh, tapos? In love na in love ka ulit? Paano ‘yong church niya?”

“Ah, basta,” tugon ko lang sabay kibit-balikat.

***

“Lex?”

“Hmm?”

Nag-phone call na naman kami ni Kristoff. Balik ulit kami sa dating gawi after nung meeting namin. Sabi niya ang cute ko raw sa personal kaya natawa ako. Siya naman medyo pogi naman. Basta, pogi sa akin ang lalaki kapag gusto ko.

“Okay lang ba na i-invite mo mga classmates mo sa susunod nating pagkikita para makapag-share din ako sa kanila?”

Natigilan ako. Wala na naman akong ganang sumagot.

“I'll try.”

“Kasi, Lex, in Matthew 28:19, it says, ‘Go therefore and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit’, so mas marami, mas okay, maraming souls,” aniya.

“Okay.”

***

“Magboboyfriend ka ba ng Pastor, Lexi?” ani Jen at tumawa nang malakas.

“Che! Magshe-share lang ng Bible, e, Pastor agad?”

“Aba! ‘Di ba ganyan ‘yang mga Born Again Christian?”

“Ewan ko, Jen. Pero teka nga, ano ba meaning ng Born Again? Babalik ba tayo sa tiyan ng nanay natin at lalabas ulit? Kasi may ‘again', e.”

“O, ba’t sa ‘min ka nagtatanong? Tanungin mo boyfriend mo,” wika ni Vince saka tumawa na rin.

“Oo na. Basta ha, ‘sama kayo next meeting namin, a.”

“Ayoko,” sabi nilang lahat at magkasabay pa.

“Ang aarte n’yo!”

***

Ibinagsak ko ang katawan ko sa higaan nang makauwi ako galing sa school. Tinitigan ko na naman ang kisame na parang may nakikita ako do’n na hindi nakikita ng iba.

Kung ipagpapatuloy ko ang relasyon ko kay Kristoff, for sure magiging Born Again Christain din ako. For sure mapapagalitan ako ni Mama. Conflict ‘to sa pamilya namin, panigurado. Pero at the same time, hindi ko rin kayang iwan si Kristoff sa kadahilanang gusto ko siya bilang siya.

Isa pa, may goal ako sa buhay na kung sino man ang una kong magiging boyfriend ay siya na rin dapat ang mapapangasawa ko. Hindi ko gusto ang magkaroon ng ex-boyfriend.

Nalilito na tuloy ako. Sana kasi nung una palang, huminto na ‘ko. Nakakainis din kasi si Kristoff. Nung hindi pa kami, wala naman siyang sinabi na Christian pala siya. Saka lang siya nag-share ng kung anu-ano nang naging kami na. Tinago n’ya ba ‘yon sa akin para tanggapin ko siya o may iba pa siyang rason? ‘Yon ang hindi ko matukoy.

Hay. Ewan ko. Parang ito na nga talaga...

Continue Reading

You'll Also Like

8.2M 346K 52
"I hope you realize you made the worst f**king decision of your life." She could feel his cold icy blue eyes piercing through her soul. "I didn't as...
297K 2.8K 100
๐ŸŒน๐ŸŒน๐ŸŒน๐ŸŒน๐ŸŒนJust a qoutes๐ŸŒน๐ŸŒน๐ŸŒน๐ŸŒน๐ŸŒน 100 amazing English Qoutes Date started:March, 12, 2018 (by the way, hindi po lahat ng qoutes ay sakin) ahahaha ng...
4.2K 130 102
An Epistolary Asia moved to Shin Beau University for her final year of college, but little did she know that she would end up managing the basketbal...
207 69 17
We normally promised together and hope for it, we started to believe that it's gonna happen very soon that we can make it happen... Sa bawat araw na...