DARK SECTION

By MsDzayr

1.4M 57.3K 22.1K

Luna Amora Velasquez, a fifteen-year-old girl who promised her late parents that she would do better in her s... More

DARK SECTION
PROLOGUE
1: Black Panthers Gang
2: West Star High School
3: Dark Helios Gutierrez (Deth)
4: Second Encounter
5: Recklessness
6: Punishment
7: Threat
8: Jealousy
9: Leo Zennor Trinidad
10: Plan
11: Worn Out
12: Betrayed
13: Alexus Dreyar Vargas
14: Confused
15: Cared for Luna
16: Brother's Dispute
17: Bloody Battle
18: Knoxx Chase Vasquez
19: Sky Arc Gang
20: Breathe Out
21: Real Status
22: Good
23: Be prepared
24: Mini Pajama Party
25: Surprise
26: Hellcome
27: First
28: Vincent's Limitation
29: Dark Cell
30: Hard-headed
31: Sorry
32: First Mission
33 : Mission Accomplished
34: Kaiser's Past
35: Denver's Birthday
36: Sleepyhead
37: Ride
38: Clueless
39: Kiss
40: Friendship
41: Date
42: Test
43: Mission Accomplished
44: School Event (Part 1)
45: School Event (Part 2)
46: School Event (Part 3)
47: Smile
48: Confrontation
49: Uninvited
50: Family
51: Abducted
52: Panty
53: Operation
54: Bicol
55: Tricky
56: Tag Along
57: Mountain
58: Rain
59: Pageant
60: Punishment Accepted
61: Three Kisses
62: Textmate
64: Online Selling
65: Excuse
66: Brother's Love
67: Alamat Ng Halamang Tanga
68: Sunset
Epilogue
69: Trespassed
70: Denied
71: In between
72: D-Section
73: The Battle of the Worst Sections
DARK SECTION CLASS LIST (UPDATED)
📢

63: Lies

12.3K 548 182
By MsDzayr

| LIES |

KEI'S P. O. V

I don't understand why our president wants to join us in the killing of the David family later. We had a problem transacting with them. They set a trap to kill us causing fifty of our men to die.

They wanted to get the drugs we were holding without paying so they made sure we would die there. But little did they know, our president had trust issues so he sent the Second Squad as our backup.

The President is always sane when it comes to business and handling our gang but when he is with people he thinks he is comfortable with, he seems like a child who has no damn care of what others may think of him. Now, he is walking with his hands.

"Blue, it's only a few hours before we go there at kung ano-ano pa ang ginagawa mo? Are you really sure you're going there? Your two siblings are there, especially Luna. Paano kung magkita kayo?"

"Eh 'di good to see me?" He laughed and rolled over. When he knelt his right knee, he pulled out his gun, cocked it, and aimed it outside the window where there was a tree with a target board and fired one after another. He didn't stop until he ran out of ammunition.

"S-seryoso ka?"

He looked at me with a smile and then threw the gun which I easily caught. He stood up and took a gun again from his cabinet. "If we meet, eh 'di nagkita. If we don't, eh 'di hindi. Tsaka I am wearing my mask."

"But this is the first time you will let her see you. What is really happening, Blue?"

He didn't answer. He remained silent.

"Wala ka pa ring balita kina Axel at Zeke?" Tanong sa kaniya ni Kai na kapapasok lang.

"No, Y. I stopped for now. Maybe it's better if I don't search for them so that they don't get involved in our family's mess, especially now na alam na ni Eagle na may isa pang lalaking anak si Daddy na nabubuhay. Alam niya na rin ang pangalan ko." His jaw clenched. "If I find out who the son of a bitch revealed my existence, I will kill him."

"Maybe it's better that way." Marahas na bumuntong-hininga si Kuya saka pabagsak na naupo sa couch. "Cif gave the mask to Luna. I also informed our people that we are going to bring about the design of their masks, so they won't be mistaken and go easy with them."

"If Sarmiento is Eagle, then this fight may be a trap for you kung pupunta ka. Kahit na isipin niyang imposible kang sumali sa laban ng kapatid mo, malamang he will still send men para makasiguradong may papatay sa'yo." Inilapag ko ang baril sa mesa saka tumalon patalikod at naupo sa mesa. "Eagle is to blame here. If he didn't implicate the Dark students in this, Luna and Cif wouldn't be there."

"He's too afraid that he decided to use students against us." Dugtong pa ni Kuya.

"No, I think he's up to something," President said.

Kumunot ang noo namin ni Kuya nang tingnan namin ang President. "And what is it?"

"I just don't know what but I know he has plan for tonight's bloody night." Muli niyang ikinasa ang baril niya saka itinutok ulit sa labas ng bintana. "I hope nothing happens to Luna dahil kapag meron, I will make sure that I'll my gun into his mouth."

Sana na lang maging maganda ang lakad namin mamaya.

LUNA'S P. O. V

NASA loob na kami ng mansyon ng mga David. Ang misyon namin ay protektahan silang magpapamilya dahil target daw sila ng Blackwing Gang.

Pagtapos naming magpakilala, pumwesto na agad kami. Kung tatanungin niyo ako kung ano'ng plano. Meron naman. 'Yung ponyetang 'Don't die' nga lang. Hindi niya man lang sinabihan nito ang mga David. Eh sila ang dapat hindi mamatay.

We, girls, are wearing all-black outfit, a halter tops, leather jackets, knee boots, black tight jeans with right and left leg holster with guns, black caps, and masks to hide our faces. Kakaiba nga lang ang suot kong mask. Ito ang ipinasuot sa akin ni Deth. While boys wears black jeans, leather jackets, masks, and shoes.

Naghiwa-hiwalay lang kami. Sina Zai, Rance, Luci, at Storm ang bahala sa possible snipers around the parameter and they will help us too here on the ground.

Leo, Steven, Sander, at Stella ang group one na nasa entrance.

Sina Denver, Wolf, Gavin, at Eunice naman ang group two. Sa likod sila ng mansiyon.

Kami nina Deth, Knoxx, Xenor, Vincent, at Gab ang last group. Kami ang nakakalat dito sa garden.

Each group has their leader at sila itong mga nakasuot ng earpiece for communication. Hindi kami nagdidikit-dikit dahil ayaw naming makakuha ng atensyon lalo na't kapansin-pansin ang height namin. Hindi rin kami nagpapakita sa mga bisita. Nakatago lang kami. Ang mga nagpapakita lang ay ang mga bodyguards ng mga David.

Sina River, Warren, at Chaos naman ay nasa loob ng van at sila ang bahala mag monitor sa ganap sa loob at labas ng mansyon. Sila rin ang magkokonekta sa mga snipers at sa mga leaders bawat grupo.

Kakasimula pa lang ng kainan pero bawal kaming kumain. Nakakalungkot man pero trabaho muna raw. Pasalamat si panot at may pera akong makukuha rito kung hindi, dadampot talaga ako d'yan. Walang hiya-hiya.

Si Deth ang pinakamalapit sa akin habang ang iba ay malayo na. Kanina pa siya nasa tabi ko. Paminsan-minsan din ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.

"May problema ka ba, Deth?" I asked. I frowned when he held my hand and gently caressed my head. "Don't leave when I said not to."

I just winced and then patted his hand on my head causing him to remove it from my head. "Hindi naman talaga ako aalis. As if iiwan ko kayo? Bukod sa mapapahamak si Ced, hindi naman ako traydor para talikuran kayo kaya rest assured, I'll stay."

"Good."

Ano kaya ang nasa isip nito ni Kamatayan na naisipang aalis ako?

Unti-unting umawang ang labi ko nang mabasa ang gusto niyang iparating. Tangina. Ginawa na naman akong aso?!

"Ginagawa mo na naman akong aso." Puna ko.

He licked his lips then bit his lower lip. Pinagkrus ko ang mga braso ko sa harap ng dibdib ko habang nakataas ang isang kilay.

Hinawakan niya ang balikat ko bago kumawala ang tawa niyang pinipigilan. "I didn't think of that when I asked you not to leave without my order, but thanks for making me remember, my cutest dog."

Kinurot niya ang mga pisngi ko, pinanggigilan. Hindi pa nakuntento at binanat pa ito, lalong pinanggigilan.

"M-masakit na, D-Deth!" Daing ko sa sakit habang pinaghahampas-hampas ang mga braso niya.

Dahan-dahan niyang binitawan ang pisngi ko. I was about to hit his chest, when I suddenly felt the back of his fingers gently caressing my cheeks he stretched. Nanghina ang mga kamay ko. Dahan-daha itong bumagsak pero nasalo ng isa niyang kamay ang isa kong kamay habang nananatili ang isa niyang kamay sa paghaplos ng kanan kong pisngi.

"Thank you for not leaving when you had a lot of reasons to do it at alam kong kasama ako sa mga dahilan na 'yon."

Napakurap-kurap ako. "Huh?"

"Noon..." He said quietly na tila ba nahihiya siya sa sinabi niya.

Bahagyang umawang ang labi ko nang maalala ko ang tinutukoy niya. "Ah, no'ng ayaw mo ako sa section niyo?"

"Natin." Pagtatama niya. Natigilan ako. Nararamdaman ko naman na tanggap na nila akong lahat pero iba pa rin pala marinig galing kay Deth na tanggap niya na ako.

Siguro dahil siya naman talaga itong gustong-gusto akong umalis sa section nila noon tapos siya pa ang tinuturing na leader ng section.

Tumawa ako para putulin ang tensyon sa pagitan ng mga tingin namin sa isa't isa. "Mahilig ako mang-inis, Deth. Kaaway kita, eh. Grabe ang galit ko sa'yo no'ng mga panahong 'yon. Ayaw mo sa akin, lalo kong ginustong manatili at lapitan ka para mang-inis. Tsaka may mga rason din ako kung bakit ako nagstay."

Tumigil ang paghaplos niya sa pisngi ko at nabitawan niya rin ang kamay ko. "Hanggang ngayon galit ka pa rin sa akin?"

Sa dinami-rami kong sinabi, ito ang itanong niya sa akin? Hindi man lang tinanong ang reason ko kung bakit ako nagstay?

Napanguso ako habang nag-iisip. "Ahm... medyo na lang."

"M-Medyo?"

Nagbaba ako ng tingin sa mga paa ko nang hindi ko mapigilan ang ingingiti ko. Tumikhim ako at nag-angat ng tingin sa kaniya. Kita sa mga mata niya ang labis na pag-aalala at kaguluhan.

Takot ba siya sa akin?

"Galit pala." Pang-aasar ko pa saka siya tinalikuran. Hindi siya nagsalita hanggang sa may kumuha sa kamay ko.

"How can I make it up to you?" Tanong niya sa nanunuyong tono.

I faced him. "Cast anything that worries you and focus on our mission tonight, Deth."

He blinked three times before he could utter a word. "T-that's it?"

I nodded and turned my back on him again.

NASA kalagitnaan na ng pagsasalita si Ms. Alexandra, anak ng mag-asawang David bilang pagpapasalamat sa mga dumalo nang bigla kaming makarinig ng putok ng baril.

Nagkagulo na at nagkani-kaniyang takbo ang mga bisita. Hinanap ng mga mata ko si Alexandra at nakita siyang nagtago sa ilalim ng mesa. Sina Mr. and Mrs. David naman ay kasama na nina Knoxx at Xenor.

"Deth." Tawag ko sa kaniya nang magtama ang mga mata namin.

"Sa entrance. Leo and others are moving."

Binunot ko na ang baril ko sa leg holster ko saka ikinasa. "Tagal ko na ring hindi nakahawak."

"Yeah." Pagsang-ayon niya saka ikinasa ang baril niya. Sabay naming pinuntahan si Alexandra na nakatago sa ilalim ng mesa.

May akmang magtataas ng table cloth na pinagtataguan ni Alexandra nang pukpokin ko ang batok niya ng baril ko dahilan para matumba siya at mapangisi ako.

Bahagya akong yumuko saka itinaas ang table cloth. Nang magtama ang mga mata namin, inilahad ko na ang kamay ko. "Hold my hand," sabi ko. Mukha siyang nag-aalinlaangan kaya naiinis na kinuha ko na ang kamay niya saka siya hinila papalapit sa mga magulang niya na napapalibutan nina Knoxx, Xenor, Vincent, at Gab.

Daming arte, mamamatay na lahat lahat, e.

"Any safe place, Mrs. David?" Tanong ni Deth.

"At the storage room. Sa pinakababa 'yun." Imporma ni Mrs. David.

Tumango si Deth saka tiningnan ang dalawa sa gilid. "Vincent and Gab kayo na ang bahala sa kanila. We'll take care of Blackwing gang here. Pasusunurin ko sina Steven kapag nagkita na kami."

"Mag-ingat kayo," sabi ni Gab saka sila pinangunahan habang si Vincent naman ay nasa likuran ng pamilyang David.

May mga galing sa kaliwa at kanan pero nabaril sila ng dalawa.

Kami na lang nina Deth, Knoxx, at Xenor ang naiwan sa labas. Di bale na cover din naman kami nina Zai saka rito rin kami magkikitang lahat lalo na ng group one at two.

"Deth!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa sigaw ni Stella na nakatago sa puno. "Masyado silang marami! Hide!"

Tinakbo ko ang kinaroroonan niya pero napahinto ako nang sumalubong sa akin ang mga miyembro ng Blackwing Gang. Nakamaskara silang lahat.

"Luna!" Rinig kong sigaw nina Xenor at Deth.

Kumunot ang noo ko nang walang nagpaputok sa kanila. Sinamantala ko ito para makapagtago sa puno. "Shit! Hindi ko ineexpect na sobra ang galit nila sa pamilyang David para magpadala ng ganiyan karaming tauhan!"

"Luna!" Sigaw ni Deth na nasa kabilang puno na pala. "Ano 'yung sinabi mo kanina tungkol sa pag-alis?!"

Hays bahala ka d'yan!

Lumabas ako saka sunod-sunod na bumaril. May ilang mga tumumba kahit hindi namin natamaan nina Deth, Xenor, at Stella. Marahil sina Zai ang may gawa.

May mga nasa taas din ng pader at puno. Sina Denver, Wolf, Rance, Gavin, at Eunice. Nakaupo sila rito. Bali nasa likod sila ng mga kalaban kaya malaya nila itong nababaril.

"Nasaan na ang iba mong ka-grupo, Stella?!"

"Nasa entrance! Kaunti lang do'n kaya pinapunta ako rito ni Leo!" Sigaw niya saka muling sumilip at nagpaputok.

"Sa likod, Luna!" Sigaw ni Xenor kaya madali akong tumalikod saka iniluhod ang isang tuhod ko sa lupa at nagsimulang barilin sa kamay at mga tuhod ang kalaban. Kumunot ang noo ko nang hindi sa akin ang tutok ng baril nila kahit na ako ang nasa malapit.

"Deth!" Sigaw ko nang bigla na lang itong sugurin ng isang lalaki. Sinipa niya ang baril saka sinunod ang ulo nito dahilan para matumba ang lalaki.

Nakahinga ako nang maluwang nang isa-isang tumalsik ang mga hawak na baril ng kalaban. Malamang kagagawan nina Luci.

Ayan ang ayaw ko sa kanila kaya gusto ko sila, e .

"Mas maganda kung walang baril!" Sigaw ni Xenor saka sumugod na. Sumugod na rin si Deth pero patuloy siya sa pagbaril gamit ang dalawa niyang baril na kaliwa't kanan ang paputok, may baril man o wala ang kalaban niya. Ganun din si Knoxx na hinaharang at binabaril ang lahat ng gustong pumasok sa mansyon.

"Knoxx sundan mo sina Gab at Vincent! May mga nakakapasok na raw sa likod ng mansiyon!" Sigaw ni Deth habang nakahawak sa earpiece niya. Tumango naman si Knoxx saka pinagbabaril ang mga pasugod bago tuluyang pumasok sa loob. Sina Xenor at Deth naman ang trumabaho sa mga naiwan ni Knoxx.

"Luna."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at natawa na lang ako nang makilala ang boses niya. Si X. Inilagay ko sa holster ang baril ko dahil alam ko namang mas prefer nito ang hand to hand combat saka kapag naglalaban kami nito, walang nakikialam dahil ayaw niya ng ganun kaya safe kahit hindi ako gumamit ng baril. Parang nasabihan niya na ang mga kasamahan niya tungkol dito.

"Long time no see, X," nakangiting bati ko sa kaniya.

Nauna siyang umatake pero nasalag ko ito gamit ang braso ko. "Long time no see, Light," sabi niya saka kami lumayo sa isa't isa.

Nakangiting itinagilid ko ang ulo ko. "Looks like I'm still better than you."

"Sure?"

Nagsimula akong umatake, kaliwa't kanan ang suntok pero panay lang ang atras niya kaya naiinis na umatras ako. Nang makahakbang siya palapit sa akin para sumugod, umikot ako sa ere at sinipa ang mukha niya dahilan para matumba siya. "Damn it! Hindi niya nga ako mapapatay, ikaw naman makakapatay sa akin!"

"What do you mean?"

"Bahala na mamatay!" Sigaw niya saka tumayo at nagsimula ng umatake. Mabilis ang mga paa niya sa paggalaw kasabay ng mga kamao niyang umaatake. Panay ako atras hanggang sa makasandal ako sa puno. Ngumisi siya pero mahina akong natawa nang mabilis kong nahawakan ang kamay niya na akmang tatama sa napakaganda kong mukha. Hawak-hawak ang kamay niya ay pumunta ako sa likod niya at hinawakan ang likod ng ulo niya saka idinikit sa puno.

"Luna!" Sigaw ni Deth kaya nilingon ko siya at kinindatan. "Isa lang naman! Kaya ko na siya!"

Napailing-ling naman siya at tiningnan muna ang sitwasyon ni X bago bumalik sa ginagawa niya.

"Mukhang may tiwala sa'yo ang lalaking 'yu-Ah! Light! Bitaw!" Sigaw niya nang lalo kong pinagtulukan ang katawan niya sa puno kasabay ng pagsabunot sa buhok niya. "At bakit ko naman bibitawan?"

"Let-" Natigilan ang akmang susuntok sa akin sa gilid. "Shit!" Sigaw niya saka bigla na lang kumaripas ng takbo at si Stella ang hinarap. Nagulat pa ang gaga. Nakita niya rin siguro ang ginawa ng lalaki.

Binalingan ko ng tingin si X. "You actually hold the power."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Just let go of me," tamad niyang sagot.

"You sucks, X."

Sabay kaming nag-angat ng tingin ni X sa taas ng puno.

"Hi, Y," nakangiting bati ko sa kaniya.

"Hello."

"Kanina ka pa nand'yan?" Kunot-nuong tanong ni X.

Napatango siya saka naghilot ng sintido. "Oo, stupid."

"Alam mo 'yung banta sa atin ni Blue."

Anong banta?

"Bitawan mo na si X, Light. Don't worry wala kaming sasaktan sa mga kaibigan mo. Papatayin lang namin ang mga David," ani Y.

"Misyon namin sila. Kung mamamatay sila, kami ang malalagot," may diin kong sabi.

"Don't worry hindi ka malalagot," inaantok na sabi ni X kaya inilapit ko sa kaniya ang mukha ko. "How sure are you?"

"You will know soon," sagot niya kaya binatawan ko na siya saka ako umatras.

"Luna, may tama na sina Steven at Denver!" Sigaw ni Stella.

Agad kong binunot ang baril ko sa holster at itinutok kay X. "Gago kayo!" Sigaw ko saka ko binaril ang balikat niya.

"Shit!" Napahawak siya sa balikat niya.

Nawalan ako ng balanse nang may tumulak sa akin. Hindi ako natumba dahil. Tinutukan ko si Y na siyang nagtulak sa akin at ngayon ay nasa tabi na ng kapatid niya. "Nangialam sila kaya mapupuruhan talaga sila, Luna!"

"Gago! Misyon nga naming protektahan sila, hindi ba?!" Sigaw ko at lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa baril. "Papata-"

"Luna."

Kumunot ang noo ko nang may narinig na boses mula sa likod ko. Hindi ko inalis ang nakatutok kong baril sa ulo ni X at nilingon ang nasa likod ko.

"Sino ka?" Tanong ko nang makita ang isang lalaki na kumportableng nakaupo sa pader at panay pa ang sipa ng paa. Natatakpan ang kabuuan ng mukha nito ng maskara niyang kulay Blue na may logo na kulay itim na pakpak at may korona sa taas.

Nanlaki ang mga mata ko. "B-Blue?"

Dapat mabigat ang pakiramdam ko dahil sa presensya niya. Hindi ba dapat nanginginig na ako sa takot dahil kaharap ko na si Blue, ang leader ng Blackwing Gang na may libo-libong tao ng napatay?

"Nice to meet you, Light... the fastest, rudest, and a cunning former and only girl member of Black Panthers Gang."

Inilipat ko sa kaniya ang pagkakatutok ng baril ko.

"Luna!" Sigaw ni Deth. Naramdaman ko ang presensya niyang papalapit. Mula sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang pagtalsik ni X at pagtama ng likod nito sa puno.

"X!" Sigaw ni Y saka pinuntahan si X.

"A-Ako na naman?!" Galit na galit na sigaw ni X na umuubo na ng dugo.

"You okay?" Tanong sa akin ni Deth saka sinapo ang mukha ko at sinuri ng mga mata niya ang buong katawan ko. "Are you hurt?"

Kumunot naman ang noo ko at umiling. "Wala. Ayos lang ako. But si Blue-"

"Dark Helios Gutierrez, the ex-boyfriend of Elisse Hernandez and classmate of Kian Abella."

Galit na hinarap ni Deth si Blue at tinutukan ng baril sa ulo. "You-"

"Blue!" sigaw ng kambal na sina X at Y.

"Actually, we're not the enemies here, Dark. You are just too blinded to see who is your really enemy here. It's not me you should deal with."

Kumunot ang noo ni Deth pero nananatiling mahigpit pa rin ang hawak niya sa baril. "W-what do you mean?"

Nagkibit-balikat si Blue. Akmang kakalabitin na ni Deth ang gatilyo nang biglang may sumugod mula sa gilid niya na may kutsilyong hawak kaya madali ko itong hinarangan saka tinabig ang kamay nito at inikot dahilan para mabitawan niya ang kutsilyo. Sinuntok ko ang tiyan niya sa pinakamalakas na kaya ko saka ko kinuha ang kutsilyo niyang nalaglag. Hindi pa ako nakuntento at hawak-hawak ang braso niya ay lumipat ako sa likod at sinipa ang likod ng tuhod niya dahilan para mapaluhod siya. Hinila ko ang buhok niya saka itinutok sa leeg niya ang hawak kong kutsilyo. "Die or die?"

Sasagot pa sana siya nang nakangiting gilitan ko siya ng leeg. Sumirit ang dugo mula sa leeg niya kaya naiinis na binitawan ko na siya saka siya napasubsob.

"What the hell, Luna?!"

"Huwag kang mag-react ng ganiyan at meron pa sa likod mo," sabi ko nang makita ang lagpas kinse na mga armadong kalalakihan. Dumating naman sina Eunice, Gavin, at Wolf.

"Lumalaban pa rin sina Denver at Steven. Si Denver sa kanang balikat ang tama habang si Steven naman ay sa kanang braso." Imporma ni Gavin.

"Nasaan si Leo at ang iba para tulungan sila?!" Sigaw ko.

"Kasama na ni Leo si Steven. Si Denver naman ay kasama ni Sander!" Sigaw naman ni Xenor na galing mula sa likuran ko at may mga binabaril. "Tangina! Napakarami nila!"

Nang lingunin ko ang likod ko ay nakita ko ang lagpas twenty na mga kalalakihan. May iilan sa kanilang basta-basta nalang natutumba dahil sa mga snipers.

"Mag-ingat kayo!" Sigaw ni Wolf na nakahawak sa earpiece niya habang ang isa niyang kamay ay may hawak ng baril at patuloy sa pagputok.

Lahat ay busy sa pakikipaglaban. Hindi ko maintindihan kung bakit walang lumalapit sa akin. Kumunot ang noo ko nang maaalala si Blue kaya hinagilap siya ng mga mata ko. Nakita ko siyang hindi pa rin umaalis sa pwesto niya at parang masaya lang na pinanood kami. Nagkatama ang mga mata namin saka siya tumalon papalabas. Iiling-iling na ipinasok ko ang baril sa holster ko. Pinalibot ko ang tingin ko sa paligid. Busy pa rin ang lahat, kahit si Deth. Kinagat ko ang labi ko saka umakyat sa puno at pader. Muntik pa akong mahulog. Mabuti na lang at nakahawak ako nang mahigpit. Tumingin ako sa baba saka ako tuluyang tumalon.

Inilibot ko ang tingin ko pero wala akong nakitang Blue. Akma akong babalik sa loob nang biglang may isang ducati na motor ang tumapat sa akin. Umatras ako at hinugot ang baril sa holster ko at tinutukan siya. Is this Blue?

"Calm down."

Kilala ko ang boses niya.

"K-Kuya Kaiser?"

"Ako nga. Hindi ko na tatanggalin 'yung helmet ko kasi wala akong suot na maskara."

Ibinaba ko na ang baril ko saka inilagay sa holster. "Bakit ka ba kasi nakasuot ng maskara?"

"It's personal."

Baka may pilat o may insecurities siya sa mukha niya.

"Pasensya na, kuya. Wrong timing. Babalikan ko ang mga kasama ko sa lo-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang sundan ko ang pagtingin niya sa likod niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang tatlong motor ang humaharurot at tinutungo ang kinarooronnan namin. May hawak na baril ang mga angkas nito.

"Shit! Just who?!" Sigaw ni Kuya.

"S-Sino 'yang mga 'yan, Kuya?"

"Red Shadow Gang! Dali! Sakay!" Inistart niya na ang motor niya.

Tumingin ako sa likod ko. "P-pero 'yung mga kaibigan ko, Kuya!"

"Hindi nila gagalawin ang mga kaibigan mo kung wala ka roon kaya sakay na! Dali!"

Hindi na ako nag-alinlangan at sumakay na sa motor niya saka niya ito pinaharurot. Tama siya. May problema na nga kami sa bilang ng Blackwing Gang tapos dadagdagan ko pa ng isa pang gang? Nilingon ko ang likod namin at nakapagtatakang hindi nila kami binabaril at mas lalo pa akong nagtaka nang sabay-sabay silang lumiko.

"Nawala na sila, Kuya!" sigaw ko.

NAGTAKA ako nang huminto kami sa sementeryo kung saan nakalibing sina Mommy, Daddy, Kuya, at Ate. Kanina pa ako tanong nang tanong sa kaniya habang papunta kami sa puntod nina mommy pero hindi siya sumasagot.

"Bakit tayo nandito?" Ulit kong tanong. "Tsaka paano mo nalamang dito sila nakalibing? Kay Alexus ba?"

Hindi pa rin siya umimik. Nanlaki ang mga mata ko nang nanghihinang lumuhod siya sa harap ng puntod nina Mommy.

"My, Dy, Rhaine, I'm sorry."

Kumunot ang noo ko kasabay ng malakas na hangin na naging dahilan para magtaasan ang balahibo ko. Anong t-tinawag niya kina Mommy? "Kuya bakit-"

"Pasensya na po kung hindi ko kayo naligtas. S-sorry kung ngayon lang ulit... nahihiya po kasi ako tsaka Dad, he knew already about my existence so there's no point of not visiting you all here. I'm sorry for disappointing you..."

"Kuya Kaiser! Ano ba'ng pinagsasabi mo?!" naguguluhang sigaw ko. Unti-unting nag-angat siya ng tingin sa akin. Nangingilid ang luha sa mga mata niya. Tumayo siya. "Sorry, Luna." Hinawakan niya ang tali ng maskara sa likod ng ulo niya at unti-unting ibinaba ito.

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagtakip ko sa bibig ko at pag-atras.

"Luna..."

Napahawak ako sa dibdib ko nang sumikip ito at nanghihinang napaupo ako sa lupa. Nag-uunahang tumulo ang luha ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. "K-kuya Jasper, huwag naman ganito! Hindi ako takot sa multo pero h-huwag namang ganito! N-namimiss kita lalo!" Hindi ko na napigilan ang paghagulgol ko.

Naramdaman ko ang kamay sa ulo ko. T-totoo siya? Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko. Malabo ang paningin ko kaya madali kong tinuyo ang luha ko gamit ang likod ng mga kamay ko.

"Shhh..." Lumuhod siya sa harap ko saka niya ako niyakap. He really is... alive. Buhay ang kuya ko?

"Kuya Jasper." Tawag ko sa pangalan niya dahilan para luwagan niya ang pagkakayakap sa akin. Matagal bago siya nakasagot at pinakatitigan lang ako. Kumunot ang noo ko.

"Y-Yes, it's me kaya tumahan ka na," sabi niya na parang may nakabarang kung ano sa lalamunan niya at nahirapang sabihin ang mga salitang binitawan niya. Bumigat ang pakiramdam ko.

Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya? Dapat maging masaya na lang kami pero bakit parang ang bigat ng paligid sa aming dalawa habang nakatitig sa isa't isa? HIndi kaya dahil sa nahihirapan pa rin akong paniwalaan na buhay siya gayong nakita ko siya sa kabaong at inilibing? Eh kung ganito ang dahilan ko, ano naman ang kan'ya para maramdaman kong mabigat din para sa kaniya ang nangyayari ngayon?

Napatingin ako sa puntod niya at naguguluhan itong tinuro habang nakatingin sa kaniya. "Kuya, sino 'to? Paanong nakaligtas ka? Nilibing ka na Kuya! Nakita ko ang mukha mo sa kabaong!"

Isang mahinang tawa ang pinakawalan niya saka naupo sa sahig at marahas na bumuntong-hininga. "Hindi pa ako patay, Luna. Kaya nga nandito ako sa harap mo."

"P-pero paanong nangyari?" Tanong ko. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko ng kasagutan sa mga tanong ko!

"Alexus and I planned everything."

"A-alam ni Alexus na buhay ka?" Nauutal kong tanong. How could he hide this from me?!

Tumango-tango siya. "Actually, kasama pala si Daddy. Pinaliwanag niya sa akin ang gusot ng pamilya natin dahil ako ang panganay at kung sakaling may mangyari sa kanila ay may ideya ako. Kaya pala dati nase-sense kong nanganganib ang buhay natin lalo na ako. Nilihim ko lang sa inyo 'yun pero may mga nakakaengkwentro ako dati na mga kalalakihan kaya nung tinanong mo ako dati kung bakit ako nag-aral ng martial arts ay ayun ang tunay na sagot ko. Para maprotektahan ko ang sarili ko pati na rin kayo."

"So paano ka nga nabuhay? Nakita ko ang tama mo sa-nevermind! Paano ka nga nabuhay, Kuya? Sino 'yung inilibing namin?" Sunod-sunod kong tanong. Siguradong-sigurado talaga ako na siya 'yung inilibing namin nun dahil kitang-kita ko siya sa loob ng kabaong hanggang sa ibaba ito sa lupa kaya paano nangyaring nasa harap ko siya?

"Kamukha ko lang 'yun. Niretoke ang mukha para maging kamukha ko." Napalunok siya bago nag-iwas ng tingin. "Nagbayad si Daddy ng tao na magpapanggap na ako kapag nasa labas tayo pero minsan ako ang kasama niyo dahil gusto ko rin kayo makasama sa labas."

"That happened?!" Sigaw ko. Natigilan ako nang may mga alaalang nagreplay sa utak ko. Minsan... minsan may mga napapansin akong kakaiba sa kinikilos niya. Nasabi ko na ito sa kaniya dati, pati na rin kina Mommy pero iisa lang ang sinasabi nila.

'Hayaan mo na 'nak.'

Marahas siyang bumuntong-hininga. "Dapat ako ang kasama niyo kaya lang may pinaayos sa akin si Dad. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na hindi ako ang kasama niyo o hindi. Kung nandun ako, eh 'di sana napagtanggol ko kayo."

"Pero kung nandun ka, mamamatay ka tulad nung nangyari dun sa kamukha mo, Kuya," malungkot kong sabi. Totoo naman, e!

Gumuhit sa labi niya ang malapad na ngiti saka tumango. "Yeah. Tama na ang katatanong. Kaunting tanong na lang at iisipin kong hindi ka masayang buhay ako, e."

Naiiyak ako habang nakatingin sa mukha niya. Hindi ko na inintindi ang nararamdaman kong kakaiba habang nakatingin sa mukha niya. Siguro dahil lang ito sa matinding pagkamiss sa mukha niya. I really missed him. Sobra-sobra! Parang kailan lang nung nasa playground kami ni Deth ay kasama siya sa kinuwento ko tapos nandito na siya sa harap ko.

"Kuya!" Sigaw ko saka gumapang at sinunggaban siya ng yakap. Muntik pa siyang matumba. "Kuya! Namiss kita nang sobra-sobra!"

"Talaga? Pati ba sermon ko?" Natatawa niyang tanong.

Tumango-tango ako saka niluwagan ang pagkakayakap sa kaniya. "Kahit araw-araw mo pa akong sermunan, ayos lang sa akin. Gusto ko araw-araw kong marinig ang boses mo kaya huwag mo na kaming iiwan ni Ced, ha?"

"Hindi na. Pasensya na kung natagalan si Kuya, ha?" Hinawakan niya ang ulo ko pero tinapik ko lang ito at matalim siyang tiningnan. "Ano ba kasing dahilan ng pagtatago mo, Kuya, ha? Tsaka ano 'yung kanina?"

"Dahil sa Red Shadow Gang. Nagtatago ako dahil nalaman na ni Eagle na buhay ako. Hindi ko alam kung kanino niya nakuha ang impormasyon. Ayaw kong mapahamak kayo."

Napangiwi ako. "Pero damay kami Kuya dahil isa kaming Velasquez at anak ng former leaders ng Sky Arc Gang, the strongest gang before kaya no use kung magtatago ka rin sa amin."

Tumango-tango siya. "I know. I know. Sorry." Hinawakan niya ang likod ng ulo ko saka pinagdikit ang mga noo namin. "I missed this."

"Ako rin, kuya."

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala sina Deth. Agad kong hinawakan ang braso ni Kuya para paglayuin ang mga mukha namin. "Kuya, dalhin mo 'ko sa mansiyon ng mga David. Kailangan ko silang tulungan."

"Okay, calm down. They will be okay."

Napangiwi ako at tumayo. "How sure are you, Kuya?"

Tumayo na rin siya at naunang naglakad. "One percent."

"Kuya naman!" Sigaw ko saka ko tinakbo ang kinaroroonan niya.

"Just kidding."

Nagsimula na ulit siyang maglakad kaya sumunod lang ako. "Wow! Ngayon marunong ka nang magbiro, ha! Ano'ng nakain mo sa ilang buwan kang nawala?"

Huminto siya sa harap ng motor niya saka isinuot ang helmet niya. "Naisip ko lang na hindi pala dapat laging seryoso sa buhay. Enjoy lang habang buhay pa."

Sinuntok ko ang braso niya. "Buti naman. Kahit may problema tayo, dapat nag-eenjoy din tayo paminsan-minsan."

Sumakay siya sa motor. Sinuotan niya muna ako ng helmet bago ako umangkas. Habang inaayos niya ang helmet ko ay may naalala ako. "Kaya pala kaboses mo si Kuya Jasper at nasa sa iyo ang flute kasi ikaw nga 'yan pero kuya..."

"Ano?"

"Kailan ka pa natutong mag-flute? Hindi ba pinagagalitan ka pa nga ni Mommy noon sa tuwing minumura mo 'yung flute kasi hindi mo talaga kaya?" nagtataka kong tanong.

"Pinag-aralan ko nung namimiss ko kayo. Kailangan pala ng may inspiration," sagot niya.

"Wala ka bang inspirasyon nung nag-aaral kang mag-flute?"

Nakakalokong umiling siya. "Wala. Trip ko lang kasi siyang gawin."

"Ay baliw."

Nakakapagtaka lang na ang layo niya sa dating Kuya Jasper na kilala ko. Serious type 'yun, e tapos ayaw pa ng mga jokes. Minsan niya lang din sakyan 'yung mga joki joki ko pero now, siya na mismo ang nagbibiro.

DETH'S P. O. V

NAGAWA naming protektahan ang pamilyang David nang bigla na lang umatras ang Blackwing Gang. Dinala nina Sander sina Denver at Steven sa school dahil dun lang sila p'wedeng gamutin. Marami ng dugo ang nawala sa kanilang dalawa pero inassure nila kami na lalaban sila at malayo sa bituka ang mga tama nila. May tiwala ako sa dalawang 'yun kaya makakayanan nila 'yun.

Ang pamilyang David naman ay sinundo na ng ipinadalang van ni Tanda at mukhang lalabas na ng bansa ang pamilya dahil sa nangyari. Nililinis na rin ng mga tauhan ng mga David ang buong mansyon.

Kung itong mga tauhan na lang sana nila ang pinabantay nila sa kanila tutal mayaman naman sila at mas nakakasigurado pa sila, eh 'di sana wala kaming misyon. But I know Davids and Tanda had conversation about this and I know Tanda can easily manipulated a person para mapapayag na kami ang magbantay sa kanila ngayong gabi instead of many bodyguards. Tanda really wants to test our capabilities and skills as dark students.

That feisty woman really testing my patience. Malapit-lapit ko ng itali 'yun sa katawan ko para hindi kung saan-saan nagpupunta. Kung hindi nangingialam ng buhay ng iba, bigla-bigla na lang nawawala.

Ako, sina Eunice, Zai, Wolf, Stella, Knoxx, Xenor, Gavin, Rance, at Chaos ang mga nagpaiwan para hanapin si Luna na kanina pa nawawala. Nawala siya sa paningin ko kanina nang harapin namin ang napakaraming bilang ng Blackwing Gang. Akala ko nasa likod ko lang siya at nakikipaglaban din.

"Nakawala na naman ang aso mo, Deth," iiling-iling na sabi ni Stella. "Wala siya sa loob ng mansyon."

"Wala rin sa likod." Imporma ni Rance. Umiling din ang iba na bagong dating.

"Deth!"

Lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan ng boses. Walang duda na kahit may mask siyang suot, ang boses ay kay Luna.

Nagpakawala ng buntong-hininga si Stella. "Tingnan mo 'tong babae na 'to. May pakaway-kaway pa na parang bata na nawala at natagpuan ang mga magulang."

Tama si Stella. Mukha siyang masayang-masaya pero ako hindi dahil may hila-hila siyang lalaki na nakasuot ng maskara na tumatakip sa buo niyang mukha. Hindi ko gusto ang aura niya pero kung hindi ako nagkakamali, ito 'yung maskara nung lalaking napagkamalan naming humalik kay Luna sa gitna ng gubat no'ng may misyon kami.

"Pasensya na kung umalis ako. May kinausap kasi ako," hinihingal na sabi ni Luna nang makarating siya sa harap namin.

"Wow! In the middle of mission, you talked to some guy?" makahulugang sabi ni Eunice.

"Mahalaga kasi Eunice," nakangiting sabi niya saka tinapik-tapik ang likod nung lalaking kasama niya. "Buhay ang kuya ko."

Natahimik ang lahat.

"Si Kuya Jasper! Buhay siya!" Masaya niyang sigaw saka tiningnan ang Kuya niya raw. "Tanggalin mo kasi ang maskara mo, kuya."

Mariin niyang tiningnan si Luna at nang hindi ito gumalaw ay si Luna na ang nagtanggal ng maskara nito. Hinayaan niya lang si Luna. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha nga ng kuya niya.

"See?"

"HIndi namin siya kilala sa mukha, Luna," mataray na sabi ni Stella. "Pero gwapo, ha. Hi, Kuya."

"Stella!" Sigaw ni praning na Zairus saka tinakpan ang mga mata ni Stella pero galit itong tinapik ni Stella. "Nag-hi lang naman ako. Masama?"

Hindi kaya ito 'yung kakambal ni Jasper? Si Kaiser Lennox Velasquez? Pero bakit siya nagpapanggap na kakambal niya?

Muli niyang isinuot ang maskara niya at tumingin sa kapatid. "Mauuna na muna ako at mukhang may mga aasikasuhin pa kayo. Magkikita pa tayo ulit. Pupuntahan ko kayo ni Ced. Alam ko naman ang bahay ni Alexus. Okay?"

"Bye for now, Kuya. Magpapakita ka ulit, ha?"

"Rest assured. Take care." Saglit niyang pinagdikit ang noo nila ni Luna saka siya umalis.

Nakatingin lang ako sa papalayong bulto ng lalaki. H-He nearly kissed Luna for fuck's sake!

"Bakit ang sama ng tingin niyo sa Kuya ko?" Tanong niya sa amin. Kumunot ang noo ko dahil bakit 'niyo'? Nilingon ko ang iba at tulad ko ay masama rin ang tingin nina Chaos, Knoxx, Xenor, at Gavin kay Jasper.

"Ang close niyo raw kasi ng kuya mo. Naiinggit sila," natatawang sabi ni Zairus saka siya inakbayan ni Wolf. "Oo nga, Luna! Ganun ba talaga kayo ka-close?"

"Oo! Lahat naman kaming magkakapatid ay close sa isa't isa kahit pinapagalitan nila ako lalo na ni Kuya Jasper."

"Magkakapatid! Magkakapatid sila!" Sigaw ni Wolf saka nag-unat ng braso. Tiningnan niya kaming lima. "Oh, mga kapatid tara na at magreport kay Mr. Sarmiento!"

"Gago ka talagang torpeng babaero." may diing sabi ni Xenor na ikinakunot ng noo ni Wolf. "Hey, that's foul!"

"Foul mo mukha mo," sabi ni Gavin.

Naunang naglakad sina Stella, Zai, at ang iba pa. Akmang susunod na si Luna nang hilain ko ang kamay niya at marahang hinaplos-haplos ang ulo niya. Tumalim ang mga mata niya na para bang ako pa ang may ginawang kasalanan. Napakatapang talaga nitong babae na 'to.

"Bakit ganiyan ka kung makatingin?"

Tinampal niya ang kamay kong nasa ulo niya. Napahawak ako rito dahil sa lakas ng pagkakatampal niya.

"Hila ka nang hila! Tsaka hindi ako aso para ganiyanin mo palagi ang ulo ko." Namaywang pa siya. Cute. "Tsaka hindi ako bata!" But ill-tempered.

"Ano'ng gusto mong sweet gestures?"

"H-huh?"

Bahagya akong yumuko para magtapat ang mukha namin. "Try ko kaya 'yung ginawa nung kuya mo kanina."

"Gago!" sigaw niya saka inuntog ang noo sa noo ko at kumaripas ng takbo.

Damn it! Bakit parang hindi siya nasaktan?

Napahawak na lang ako sa noo ko at tumayo nang diretso. "Ano'ng klaseng katawan meron ang babaeng 'yun at parang yari sa bato?"

Kumunot ang noo ko nang tumalon siya sa likod ni Chaos at ngayon ay nakasakay na sa likod nito. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

Wala kang karapatang magselos kasi walang kayo, Deth.

Iminulat ko ang mga mata ko saka tumingin sa langit. Napangiti na lang ako nang makita ang buwan na sobrang liwanag.

"Deth!" Sigaw ni Luna kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin sila sa aking lahat habang si Luna naman ay nasa likod pa rin ni Chaos habang nakangiting kumakaway-kaway. "Baka gusto mong gumalaw!"

Her smile was as bright as the moon tonight.

Napangiti ako at napailing bago ko tinakbo ang kinaroroonan nila.

A/N: hopefully, this story will be completed before April ends and we reach 16k followers/fieries.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 330 33
Teen fiction story (Stand alone) Unedited Sandra jill Mencalda is a strong girl. Nabuhay lang siya kasama ang kaniyang ina. Lumaking mahirap ngunit...
352K 456 1
[SOON] BOOK 2. CONTINUATION OF DS >>> © Elaiza for the book cover ❤️
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
3.4K 122 14
The Love Manifesto Series #7 Sa katalinuhang taglay ni Sean, hindi na nakapagtataka na libro ang una niyang minahal at kapag mahal niya ang isang bag...